Upload
tine-lachica
View
66
Download
1
Embed Size (px)
Citation preview
Katitikan ng Pulong
Katitikan ng Pulong
- ang dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon
- ibinabatay sa adyendang unang inihanda ng Tagapangulo ng lupon
- maaaring gawin ng kalihim, typist, o reporter sa korte
- maaaring maikli at tuwiran o detalyado
Kahalagahan ng Katitikan- naipapaalam sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong
-nagsisilbing gabay upang matandaan ang lahat ng detalye ng pinag-usapan o nangyari sa pulong
- maaaring maging mahalagang dokumentong pangkasaysayan sa paglipas ng panahon
- ito'y magiging hanguan o sanggunian sa mga susunod na pulong-ito'y batayan ng kagalingan ng indibidwal
Nakatala sa katitikan ang mga
sumusunod:-paksa-petsa-oras-pook na pagdarausan ng pulong-mga taong dumalo at di dumalo-oras ng pagsisimula-oras ng pagtatapos (sa bandang huli)
•Mahalagang Ideya!
Hindi lamang iisang kasanayan ang gagamitinsa pagsulat ng katitikan ng pulong. Kailangang
pairalin ang talas ng pandinig, bilis ng pagsulat,at linaw ng pag-iisip.
Gabay sa Pagsulat ng Katitikan
● Bago ang Pulong
-Lumikha ng isang template upang mapadali ang pagsulat.
-Ihanda ang sarili bilang tagatala.
-Basahin na ang inihandang agenda upang madali na lamag sundan ang magiging daloy ng mismong pulong.
-Maaaring gumamit ng lapis o bolpen, at papel, laptop, o tape recorder.
-Mangalap na rin ng mga impormasyon tungkol sa mga layunin ng pulong, sino na ang mga dumating, at iba pa.
● Habang nagpupulong
-Itala ang mga aksiyon habang nangyayari ang mga ito, hindi pagkatapos.
-Magpokus sa pang-unawa sa pinag-uusapan at sa pagtala ng mga desisyon o rekomendasyon.
Hindi kailangang itala ang bawat salitang maririnig sa pulong. Nagsusulat nito upang
ibigay ang balangkas ng mga nangyari sa pulong, hindi ang irekord ang bawat sasabihin
ng kalahok.
Tandaan:
● Pagkatapos ng Pulong
-Kung may mga bagay na hindi naiintindihan, lapitan at tanunginagad pagkatapos ng pulong ang namamahala rito o ang iba pang dumalo.
-Repasuhin ang isinulat.
-Mas mainam na may numero ang bawat linya at pahina ng katitikan upang madali itong matukoy sa pagrerepaso o pagsusuri sa susunod na pulong.
-Kapag tapos nang isulat ang katitikan, ipabasa ito sa mga namuno sa pulong para sa mga hindi wastong impormasyon.
-Ibigay ito sa mga dumalo sa pulong sa oras na matapos ang pinal na kopya. Magtabi ng kopya sakaling may humilin na repasuhin ito sa hinaharap.
-Repasuhin muli ang isinulat at tingnan kung wasto ang baybay ng salita, bantas, at iba pa.
•Mahalagang Ideya!
Katulad ng iba pang uri ng dokumentosa pagtatrabaho, nakasalalay
sa pagpaplano o paghahanda angkahusayan ng isinulat mong katitikan
ng pulong.