11
PANDIWA

Pandiwa

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Pandiwa at mga Aspekto nito

Citation preview

Page 1: Pandiwa

PANDIWA

Page 2: Pandiwa

Ano ang Pandiwa ? Mga salitang nagpapahayag ng kilos o galaw. Ang mga pandiwa ay binubuo ng salitang-

ugat at mga panlaping makadiwa. Ang salitang–ugat ay nagbibigay ng

kahulugan sa pandiwa. Ang panlapi naman ay nagpapakilala ng iba’t

ibang panahunan,kailanan, at tinig ng pandiwa.

Ang salitang-ugat at panlapi ang bubuo sa salitang pawatas na magiging batayang anyo ng pandiwa.

Page 3: Pandiwa

- May mga panlapng makadiwa na ginagamit gaya ng : mag-;um,i,ma,maka,hin,-han/-in,pa mang,maki at iba pa.

Halimbawa :

Panlapi Salitang-ugat

Pawatas

um- lakad lumakad

mag- laro maglaro

i- luto iluto

ma- sabi masabi

pa- hula pahula

Page 4: Pandiwa

Mga Aspekto ng Pandiwa Ang pandiwa ay may aspekto na nagpapakita ng

kilos o pangyayari na naganap, o katatapos pa lamang, sisimulang ganapin at magaganap pa lamang.

May tatlong aspekto ang pandiwa :

1. Perpektibo o ginanap na o natapos na,

2. Imperpektibo o ginaganap o hindi pa natatapos, at

3. Kontemplatibo o gaganapin o hindi pa nasisimulan ang kilos.

- May tinatawag na anyong neutral, ito ay ang pawatas at ang pautos. Iisa lamang ang anyo nito.

Page 5: Pandiwa

Aspektong Perpektibo o Pangnakaraan

- Ito’y nagsasaad ng kilos na nasimulan at natapos na.

Halimbawa :

Anyong Pawatas Aspektong Perpektibo

umalis umalis

kumain kumain

maglaro naglaro

magpaganda nagpaganda

Page 6: Pandiwa

Ang mga halimbawang ito ay ang mga pandiwang nabanghay mula sa anyong pawatas na maaaring manatili ang anyo ng pawatas sa aspektong perpektibo.

Samantala, ang anyo ng pawatas na “maglaro: sa aspektong perpektibo ay nagiging “nag” ang “mag”.

Page 7: Pandiwa

Aspektong Perpektibong Katatapos

Ito ay ang aspektong nagsasaad ng kilos na katatapos lamang bago nagsimula ang pagsasalita. Maihahanay ito sa aspektong perpektibo. Ang kayarian ng aspektong ito ay nabubuo sa pamamagitan ng paggamit ng unlaping ka at ang pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat. Ngunit hindi lahat ng pandiwa ay may aspektong perpektibong katatapos.

Page 8: Pandiwa

Halimbawa :

Pawatas Perpektibong Katatapos

sumulat kasusulat

kumain kakakain

maglaro kalalaro

Page 9: Pandiwa

Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan

- Ang kilos ay nasimulan na ngunit di pa natatapos.

* May 2 uri ng kilos na imperpektibo :

Una – kilos na nasimulan ngunit hindi pa natatapos, nagaganap o ipinagpapatuloy.

Ikalawa – kilos na paulit-ulit na ginagawa.

Halimbawa :

1. Sumusulat ng tula ang mag-aaral.

2. Parati siyang umaawit.

Page 10: Pandiwa

Pawatas/Pautos

Perpektibo Katatapos Imperpektibo

maglaro maglaro kalalaro naglalaro

kumain kumain kakakain kumakain

sumulat sumulat kasusulat sumusulat

umalis umalis kaaalis umaalis

Page 11: Pandiwa

Aspektong Kontemplatibo o Panghinaharap- Ang kilos ay hindi pa nasisimulan, ito’y gaganapin pa lamang.

Halimbawa :Pawatas Perpektibo

Katatapos Imperpektibo

Kontemplatibo

maglaro naglaro kalalaro naglalaro maglalaro

kumain kumain kakakain kumakain kakain

sumulat sumulat kasusulat sumusulat sususlat