3
E0012 Makrong Kasanayan sa Akademikong Komunikasyon—Pagsasalita * Pag-aari ng STI Pamigay sa mga Mag-aaral (Student Handouts) Pahina 1 ng 3 Makrong Kasanayan sa Pagsasalita Pagsasalita Ito ang kakayahang bigyang-ekspresyon ng isang tao ang kanyang iniisip, damdamin o saloobin at maibahagi ang mga ito sa tagapakinig. Layunin ng Pagsasalita Magpabatid—makapagkalat ng impormasyon at kaalaman sa iba Mangganyak o manghikayat—papaniwalain o ibuyo ang iba tungo sa isang gawain o layunin Manlibang—pampalipas-oras habang nang-aaliw ng iba ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ Salik sa Pagsasalita Boses o tinig o Paghinga o Pagkatal o vibration o Resonasyon o pag-alalad o Artikulasyon o pagbigkas o Kalidad ng boses Kilos o galaw sa tanghalan Kumpas ng kamay o gestures Postura o tindig Ekspresyon ng mukha at eye contact Pananamit at appearance ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________ Tungkulin sa Pagsasalita Ang wikang ginagamit sa araw-araw ay nakabatay sa layunin sa pagsasalita. Mayroong ilang tungkulin ito: Transaksiyunal—nakapokus sa paghahatid ng impormasyon at mensahe. Halimbawa, ang pagbibigay ng lektyur tungkol sa isang bagay; ang paghahambing ng kabutihan at kahinaan nito. Samantala, kung nagpapaliwanag o nangangatwiran kung bakit ginawa ang isang bagay o di kaya’y nagbibigay ng prediksiyon o palagay, ito ay paggawa naman ng ebalwasiyon.

Wk 13 ses 35 37 makrong kasanayan sa pagsasalita

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Wk 13 ses 35 37 makrong kasanayan sa pagsasalita

E0012

Makrong Kasanayan sa Akademikong Komunikasyon—Pagsasalita * Pag-aari ng STI Pamigay sa mga Mag-aaral (Student Handouts) Pahina 1 ng 3

Makrong Kasanayan sa Pagsasalita Pagsasalita

Ito ang kakayahang bigyang-ekspresyon ng isang tao ang kanyang iniisip, damdamin o saloobin at maibahagi ang mga ito sa tagapakinig.

Layunin ng Pagsasalita

• Magpabatid—makapagkalat ng impormasyon at kaalaman sa iba

• Mangganyak o manghikayat—papaniwalain o ibuyo ang iba tungo sa isang gawain o layunin

• Manlibang—pampalipas-oras habang nang-aaliw ng iba

___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________

Salik sa Pagsasalita • Boses o tinig

o Paghinga

o Pagkatal o vibration

o Resonasyon o pag-alalad

o Artikulasyon o pagbigkas

o Kalidad ng boses

• Kilos o galaw sa tanghalan

• Kumpas ng kamay o gestures

• Postura o tindig

• Ekspresyon ng mukha at eye contact

• Pananamit at appearance

___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________

Tungkulin sa Pagsasalita Ang wikang ginagamit sa araw-araw ay nakabatay sa layunin sa pagsasalita. Mayroong ilang

tungkulin ito:

• Transaksiyunal—nakapokus sa paghahatid ng impormasyon at mensahe. Halimbawa, ang pagbibigay ng lektyur tungkol sa isang bagay; ang paghahambing ng kabutihan at kahinaan nito. Samantala, kung nagpapaliwanag o nangangatwiran kung bakit ginawa ang isang bagay o di kaya’y nagbibigay ng prediksiyon o palagay, ito ay paggawa naman ng ebalwasiyon.

Page 2: Wk 13 ses 35 37 makrong kasanayan sa pagsasalita

E0012

Makrong Kasanayan sa Akademikong Komunikasyon—Pagsasalita * Pag-aari ng STI Pamigay sa mga Mag-aaral (Student Handouts) Pahina 2 ng 3

• Interaksiyunal—ang pinahahalagahan ay ang tagapakinig sa halip na pagpapalitan ng impormasyon. Layunin nito ang pagpapanatili ng magandang pakikipag-ugnayang sosyal. Dahil ang impormasyon o mensahe ay di masyadong pinahahalagahan, malimit ang pag-iiba ng paksa at karaniwan nang nakakalimutan ang nilalaman ng mga naunang usapan. Ang karaniwang naaalala ay kung kinalugdan ang pagkikita o nasiyahan ang tagapakinig.

• Personal—ginagamit ang pagsasalita upang ipahayag ang personal na kaisipan at damdamin tulad ng pagkatuwa o pagkalungkot, pagkainis, pagkagalit at iba pa.

• Interpersonal—nag-uusap ang dalawang tao upang mapanatili ang mahusay na relasyon. Nagbabatian, nagpapakilala, at nagkukumustahan sila upang matukoy ang kalagayan ng isa’t isa.

• Direktiba—ginagamit upang maisagawa ang isang nais mangyari. Maaaring makiusap, mag-utos, tumanggi o pumayag sa ipinagagawa o maging masigasig sa nais mangyari.

• Reperensiyal—kadalasan itong ginagamit sa talakayan sa klasrum. Karaniwang nagtatanong, nag-uulat, o nagpapaliwanag.

• Imahinatibo—ito ang paglikha ng nais ipahayag. Maaaring magkuwento, tumula, lumikha ng palaisipan, bugtong o kasabihan.

___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

Pagtatalo o Debate Ito ay mabisang paraan ng panghihikayat at pangangatwiran. Isa rin itong kasanayan sa kritikal na

pag-iisip at pagbigkas. Ang kahusayan dito ay nakasalalay sa mga sumusunod:

• Pagpili ng paksa o proposisyon

• Paghahanda sa pagtatalo

• Pagtitipon ng datos o pananaliksik

___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

Balangkas ng Pagtatalo Ito ang paghahanay ng mga katuwiran at masasabing ang pinaikling pakikipagtalo. Ang mga bahagi

nito ay:

• Panimula—ang paksa ng pagtatalo

• Katawan—ang mga isyung dapat na bigyang-katuwiran

• Wakas—ang pagbubuod sa mga isyung binigyan ng mga patunay

___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________ ___________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________

Page 3: Wk 13 ses 35 37 makrong kasanayan sa pagsasalita

E0012

Makrong Kasanayan sa Akademikong Komunikasyon—Pagsasalita * Pag-aari ng STI Pamigay sa mga Mag-aaral (Student Handouts) Pahina 3 ng 3

Paraan ng Pagtatalo Ang Oregon-Oxford na uri ang madalas gamitin na paraan ng pagtatalo. Ito ay may sumusunod na

mga katangian:

• Binubuo ng dalawa o tatlong kasapi ang bawat koponan.

• Walo o sampung minuto para sa talumpati ng bawat tagapagsalita.

• Tatlong minuto ng pagtatanungan.

• Tatlong sandali ng pagtuligsa (rebuttal) at limang minuto para sa pagbubuklod ng puno ng bawat koponan.