Aralin 31

Preview:

DESCRIPTION

 

Citation preview

Aralin 31:

Epekto at Solusyon sa Implasyon

Ginawa ni : Lucaberte

Mga Sanhi ng Implasyon

Ang Implasyon ay bahagi na ng buhay ng tao sa araw-araw. Madalas na sinisisi ang pamahalaan sa pagkakaroon ng Implasyon.

Ang pagtaas ng presyo ay hindi lamang kasalanan ng pamahalaan, bagkus lahat tayo bilang mga mamamayan ay may kasalanan sa patuloy na pagtaas ng presyo.

Sinasabing ang implasyon ay tanda rin ng pag-unlad ng isang ekonomiya, lalo na kung nababalanse nito ang ibang aspeto o salik ng pag-unlad ng bansa.

Ang mga Salik na Nagiging Dahilan ng Implasyon

IMPLASYON

Import dependable

middlemen

Gastos ng militar

Labis na salapi sasirkulasyon

Oil deregulation

MonopolyAt kartel

Gastospamproduksiyon

Utang panlabas

Export orientation

Tsart blg. 31.1

Kapansin-pansin sa inilahad na mga dahilan ng implasyon na ang mga konsyumer at prodyuser ay may kinalaman sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ang bawat indibidwal ay apektado ng implasyon.

Mga Epekto ng Implasyon

Ang implasyon ay masasabi na may kabutihan at di-kabutihang naidudulot sa mga tao at ekonomiya.

Mabuting Epekto

Kapag ang dahilan ng implasyon ay ang pagtaas ng demand, ang mga negosyante ay nahihikayat na pataasin at pagbutihin ang produksiyon bunga ng pagkakaroon ng mataas na presyo ng mga produkto. Dahil ang mataas na presyo ay isang insentibo sa mga negosyante.

Tingnan natin ang paikot na daloy na nagpapakita ng epekto ng implasyon.

Dayagram blg. 31.2

MATAAS NA PRESYO

MATAAS NA PASAHOD

MARAMING MANGGAGAWA

MARAMING NEGOSYO

Ang pagkakaroon ng mataas na presyo ng mga produkto ay nakagaganyak sa mga negosyante na magtayo ng maraming negosyo. Ang pagtatayo ng maraming negosyo ay isang palatandaan na mangangailangan na maraming manggagawa, lalo na kung ang negosyong itatayo ay nakasentro sa labor intensive industries.

Ito ay malaking tulong upang mabawasan ang antas ng unemployment sa bansa. Kaalinsabay ng pagtatayo ng maraming negosyo ay kailangan matugunan ang pag-unlad ng mga negosyo at mapagkalooban ng mataas na sahod ang mga manggagawa.

Kahit may implasyon, may mga tao na nakikinabang sa sitwasyon tulad ng:

Mga Speculators

Karaniwang mga negosyante na nasa real estate business at buy-and-sell, ang mga mahilig bumili ng mga produkto na mabilis tumaas ang presyo tulad ng lupa, mga mamahaling alahas, mamahaling sasakyan, at iba pa ang nakikinabang kapag may implasyon. Bibilhin sa mababang presyo at ibebenta ng mas mahal para tumubo.

Mga Mangungutang

Kapag ang interes ng inutang ay mas mababa kaysa sa antas ng implasyon sa loob ng isang takdang panahon, ang mga mangungutang ay higit na nakikinabang sapagkat nabili na ang gustong produkto sa mas mababang presyo at magbabayad ng utang sa mababang halaga.

Mga Taong Hindi Tiyak ang Kita Ang mga entreprenyur, negosyante, empleyado

na ang kita ay commission basis, salesman, kapitalista, at iba pa ay ang mga taong ang kinikita ay umaagapay sa pagbabago ng presyo ay nakikinabang din sa implasyon. May pagkakataon na mabilis magbago ang kanilang kita tulad ng pagbabago ng presyo. Madalas, mas mabilis ang paglaki ng kanilang kita kaysa sa pagtaas ng antas ng implasyon, kaya sila ay nakikinabang sa panahon na may pagtaas ng presyo ng mga produkto.

Mga solusyon sa implasyon

Ang implasyon ay suliraning pang-ekonomiya na patuloy na nararanasan ng bansa. Ang paglutas o pagbawas ng epekto ng implasyon ay gampanin ng bawat isa sa atin, maging ikaw ay manggagawa, negosyante, at mag-aaral. Hindi lamang ang pamahalaan ang may pananagutan upang solusyunan ang lumalalang problema ng implasyon.