View
117
Download
7
Category
Preview:
Citation preview
OPINYON AT REAKSYON NG MGA MAG-AARAL NG UNIBERSIDAD NG KATIMUGANG MINDANAO TUNGKOL SA ADBENTAHE AT DIS ADBENTAHE NG
PAGGAMIT NG PRIORITY NUMBER SA PAGBAYAD NG MATRIKULA
Isang Pamanahong-papel na Iniharap sa Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Sining at Agham, Unibersidad ng Katimugang Mindanao
Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 121, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik
Ng
1-BSDC-A
Ikalawang Semestre
Marso 2011
DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 121, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na pinama-gatang “OPINYON NG MGA MAG-AARAL NG UNIBERSIDAD NG KATIMUGANG MINDANAO TUNGKOL SA ADBENTAHE AT DIS ADBENTAHE NG PAGGAMIT NG PRIORITY NUMBER SA PAGBAYAD NG MATRIKULA.” ay inihanda at iniharap ng pangkat ng mga mananaliksik, na binubuo nina.
Charlene Joy S. Basal
Cayetano Daquiado Jr. RuthOyao
Sunshine Gellado Mark Anthony Tayco
Tinanggap sa ngalan ng kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Sining at Agham, Unibersidad ng Katimugang Mindanao, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino 121, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Anesa P. Mangindra
Guro sa Fil 121
PASASALAMAT
Taos-pusong pasasalamat ang ipinaabot ng mga mananaliksik sa mga sumusunod na indibidwal at tanggapan dahil sa mahalagang tulong, kontribusyon at suporta tungo sa matagumpay na reyalismo ng pamanahong-papel na ito:
kay Gng. Anesa Panday Mangindra ang masigasig na guro sa Filipino, sa Pagbibigay-aral at patnubay habang ginagawa ang pamanahong papel na ito;
sa mga respondent, sa paglaan ng panahon upang matapat na masagutan ang inhandang kwestyoneyr.
sa mga awtor, editor at mananaliksik sa mga akdang pinaghanguan ng ng mahalagang imormasyon at datos na ginamit.
sa mga magulang ng mga mananaliksik, sa pagsuporta sa mga pangangailangan at paggabay,
sa mga kaklase at kaibigan na tumayog mga respondent,
Higit sa lahat sa Poong Maykapal, sa patuloy na pagdinig sa mga dalanginna matapos ang pamanahong-papel na ito.
Muli, maraming salamat po.
Mga Mananaliksik
TALAAN NG MGA NILALAMAN
Kabanata I. Ang Suliranin at Kaligiran Nito 1
Introduksyon 1,2Layunin ng Pag-aaral 3
Kahalagahan ng Pag-aaral3 Saklaw at Limitasyon ng Pag-aara
4 Depinisyon ng mga Terminolohiya4,5
Kabanata II. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 6,7
Kabanata III. Metodolohiya 8
Disenyo ng pananaliksik 8Mga Respondente 8
Instrumento ng Pananaliksik9 Tritment ng mga Datos
9
Kabanata IV. Presentasyon at interpretasyon ng mga Datos 10
Kabanata V. Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon 15
Lagom 15Kongklusyon 15
Rekomendasyon16
Talasanggunian 17
Apendiks 18
A. Liham ng Paghingi ng Pahintulot sa Sarbey 18B. Talatanungan 19
C. Larawan ng Aktwal na interbyu/sarbey20,21 D. Bio-Data ng mga mananaliksik
22, 23, 24
LISTAHAN NG MGA TALAHANAYAN AT GRAP
Talahanayan 1
Distribusyon ng mga respondente na mga mag-aaral ng
Unibersidad ng Katimugang Mindanao sa ikalawang semestre
ng taong akademiko 2011-2012
Grap 1
Opinyon ng mga respondente tungkol sa adbentahe
ng pagkakaroon ng priority number sa pagbayad ng matrikula
Grap 2
Opinyon ng mga respondente hinggil sa disadbentahe
ng paggamit ng priority number sa pagabayad ng matikula
Grap 3
Opinyon ng mga respondente hinggil sa epektibong
proseso sa pagbayad ng matrikula
Grap 4
Reaksyon ng mga respondente sa pagkakaroon ng
priority number sa pagbayad ng matikula
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Introduksyon
Ang priority number system ay isang mas maayos at organisadong sistema ng pagpila na sumusunod sa “first come, first serve” na patakaran, ginagamit ito sa pagbili ng mga kagamitan, lupa, at mga ari-arian, sa pagbabayad ng mga matrikula at pagpapatalang mga asignatura.
Kadalasan itong nakikita na ginagamit sa mga bangko sa pagseserbisyo sa kanilang mga kustomer, pagpasok ng mga kustomer sa bangko ay kumuha sila ng numero, hihintayin nila ang kanilang pagkakataon na maserbisyuhan sa pamamagitan ng isang monitor display na nagpapakita kung anong numero na ang kasalukuyang sineserbisyuhan ng mga teller, kadalasang sinasamahan ng tunog ang pagtawag o pagpapalit ng numero.
Sa sistemang ito ay mas nagiging madali at maayos ang pagpipila, di nakakapagod dahil maayos na nakakaupo ang mga kustomer habang naghihintay na maserbisyuhan, ngunit kapag di maayos ang pagsasagawa sa sistemang ito ay lalo itong nakakagulo at nakakapagpabagal sa pila, kaya nararapat na malaman natin kung naisasagawa ba ito ng maayos sa unibersidad, upang magawan ng karampatang aksyon.
Layunin ng Pag-aaral
Ang Pamanahong papel na ito ay naglalayong matugunan ang sumusunod na tanong.
1. Ano-ano angadbentahe at dis adbentahe na paggamit ng priority number sa pagbayad ng matrikula?
2. Ano ang mas pipiliin ng mga estudyante, ang paggamit ng priority number o ang dating sistema ng pagbayad ng matrikula?
3. Ano-ano ang mga reaksyon ng bawat estudyante sa pagkakaroon ng prority number sa pagbayad ng kanilang matrikula?
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang mga mananaliksik ng pamanahong papel na ito ay naniniwalang mahalaga ang mga impormasyong makukuga sa pananaliksik na ito.
Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay maaring malaman ang iba’t ibang opinion at reaksyon ng mga mag-aaralng Unibersidad ng Katimugang Mindanao hinggil sa paggamit ng priority number sa pagbabayad ng matrikula at kung ito ba ay epektibo at sinasang-ayunan ng mga estudyante.
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagsusuri ng saloobin at opinion ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Katimugang Mindanao hinggil sa paggamit ng priority number sa pagbayad ng matrikula.
Naniniwala ang mga mananaliksik na mainam na magkaroon ng ganitong pag-aaral upang matugunan ang mga hinaing at saloobin ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Katimugang Mindanao sa paggamit ng priority number sa pagbayad ng matrikula.
Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa mag-aaral ng Unibersidad ng Katimugang Mindanao sapagkat sa kanila lamang nakatuon ang pananaliksik.
Depinisyon ng mga Terminolohiya
Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mababasa, nararapat na mabigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano gingamit ang bawat isa sa pamanahong papel na ito.
Adbentahe – magandang naidudulot o pakinabangan; kalamangan
Dis adbentahe – kawalan o masamang naidudulot
Opinyon – sariling pagtingin sa isang bagay, tao, o ano pa man
Priority Number – isa o mahigit na numerong pang-aplikasyon o paghahanap ng kailangan kung saan ang karapatang pangprayoridad ay nakamtan.
Reaksyon – ay ang ekspresyon ng tao sa isang bagay.
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Ang sistema ng numerong pamprayoridad ay ipinapatupad upang mapanatili ang kaayusan ng mga estudyante sa pagpila tuwing nagbabayad ng matrikula. Ito ay kahalintulad ng isang numerong hawak-hawak nilaay natawag, nangangahulugan lamang itong pagkakataon na nila upang makabayd ng matrikula.
Masasabing epektibo ang paggamit ng sistemang ito sapagkat napapadalin nito ang sirkulasyon ng panganga siwa sa pagbayad ng matrikula.
Maraming katawagan ang ginagamit sa sistemang ito tulad ng, take-a-turn system, take-a-number system, take a ticket system, queeing system, at prority number system.
Walang gaaanong pag-aaral ang naglalahad tungkol sa sistemang ito, Ngunit alam nating ginagamit ito sa mga bangko dito sa bansa at maging sa ibang bansa, ndgunit di gaanong ginagamitang sistemang ito sa mga paaralan at sa pagbabayad ng matrikula kaya msasabing ang pananaliksik na ito ay isang panimulang pag-aaral sa prority number system.
KABANATA III
METODOLOHIYA
Disenyo ng Pananaliksik
Ang Pag-aaral na ito ay isanasagawa ayon sa disenyo ng pamaraang deskriptib-analitik na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin sa pag-aaral na ito ang damdamin, opinyon, at reaksyon sa paggamit ng priority number ng mga rerspondente.
Mga respondente
Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng Unibersidad ng Katimugang Mindanao sa ikalawang semestre ng taong akademiko 2011-2012.
Pinili ng mga mananalikssik ang isandaang respondente sapagkat sila ang makakatugon sa pangangailangan sa pamanahong-papel na ito.
Unang Taon
Ikalawang Taon
Ikatlong Taon
Ikaapat na Taon
Kabuoang Bilang
CAS 3 3 2 2 10CENCOM 4 2 2 2 10
CHS 3 3 3 1 10CBDEM 2 2 2 4 10
CA 4 3 2 1 10CHEFS 1 2 3 4 10
CED 3 3 3 1 10IMEAS 2 5 2 1 10CVM 5 2 2 1 10CIT 2 4 2 2 10
KabuoangBilang
29 29 23 19 100
Instrumentong Pampanaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagsasarbey ng mga mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri ang damdamin, opinyon, at reaksyon ng paggamit ng priority number ng gma respondente.
Nagsasagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang panaliksik sa iba’t-ibang mga hanguan sa akalatan katulad ng mga aklat, tisi, proposal, idsertasyon, at pamanahong-papel. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng ilang impormasyon sa internet.
Tritment ng mga Datos
Ang Sarbey kwestyoneyr sa pamanahong-papel na ito ay ibinahagi ng mga mananaliksik sa mga respondent para sa layuning makakuha ng impormasyon. Pagkatapos nito ang sarbey-kwestyoneyr ay kinulekta mula sa mga respondent at sinuri ng mga mananaliksik. Samakatuwid, ang pagtatally at pagkuha ng mga porsiyento lamang ang kikailangan gawin ng mga mananaliksik.
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYONG NG MGA DATOS
Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at impormasyon
Grap I
Opinyon ng mga respondente tungkol sa adbentahe ng pagkakaroon ng priority number sa pagbayad ng matrikula
A B C0
5
10
15
20
25
30
35
40
45
50
40 43
17
Grap 1
Leyenda:
A. Napapadali ang proseso ng pagbayadB. Nababawasan ang siksikanC. Pwedeng umalis sa pila
Sa isandaang respondent (100%) respondent, Apatnapo (40%) ang nagsasabing napapadali ang proseso ng pagabayad. Apatnapu’t tatlo (43%) sa kanila ang nagsasabing nababawasan ang siksikan. Ang natitirang labing pito (17%) naman ay nagsasabing pwedeng umalis sa pila. Pansinin ang kasunod na grap:
Grap 2
Opinyon ng mga respondente hinggil sa disadbentahe ng paggamit ng priority number sa pagabayad ng matikula
A
B
C
0 5 10 15 20 25 30 35 40 45
33
42
18
Grap 2
Leyenda:
A. Bumabagal ang proseso ng pagbayadB. May limit ang bilang ng maaring mabigyan ng priority numberC. Hindi nasusunod ang :first comes, first serve” na patakran
Hinggil naman sa disadbentahe ng paggamit ng priority number, Tatlumpu’t tatlo (33%) ay nagsasabing bumabagal ang proseso ng pag bayad. Apatnapu’t siyam (49%) naman ang nagsasabing may limit ang bilang ng maaring mabigyan ng priority number, at ang natitirang labing-walo (18%) ay nagsasabing hindi nasusunod ang “first come, first serve” na patakaran. Pansinin ang kasunod na grap:
Grap 3
Opinyon ng mga respondente hinggil sa epektibong proseso sa pagbayad ng matrikula
77%
23%
A B
Leyenda:
A. Paggamit ng priority numberB. Dating proseso ng pagbayad ng matrikula
Hinggil sa kanilang opinion tungkol sa kung anong proseso ang epektibo sa pagbayad ng matrikula, pitumpu’t pito (77%) ang nagsasabing pagamit ng priority number at dalampu’t tatlo (23%) ay nag sasabing ang dating proseso ng pagabayad ng matrikula.
Grap 4
Reaksyon ng mga respondente sa pagkakaroon ng priority number sa pagbayad ng matikula
21%
28%
44%
8%
A
B
C
D
Leyenda:
A. NababagotB. NaiinisC. NatutuwaD. Nadidismaya
Inalam din ng mga mananaliksik ang reaksyon ng mga respondent hinggil sa pagkakaroon ng priority number sa pagbayad ng matrikula.
Mapapansin sa kasunod na grap na dalawampu’t isa (21%) sa kanila ay nababagot. Samantala, Dalawampu’t walo (28%) ay naiinis, Apatnapu’t tatlo (43%) sa kanila ay natutuwa at ang natitirang walo (8%) ay nadidismaya.
KABANATA V
Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon
Lagom
Ang pag-aaral na ito ay pagtatangkang malaman ang opinion at reaksyon ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Katimugang Mindanao sa adbentahe at disadbentahe ng paggamit ng p[riority number sa pagbayad ng matrikula.
Gamit ang Disenyong deskriptib-analitik, ang mga mananaliksik ay gumawa ng sarbey-kwestyoneyr na pinasagutan sa isandaang (100) respondente, Sampung (10) respodente sa bawat kolehiyo.
Kongklusyon
Batay sa resulta ng mga nakalap na datos ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumsunod na kongklusyon:
a. Ang epektong “nababawasan ang siksikan ay ang may pinakamataas na ranggo sa adbentahe ng pagkakaroon ng priority number sa pagbayad ng matrikula.
b. Ang epektong “pwedeng umalis sa pila” ay nasa pinakamababang ranggo sa adbentahe ng pagkakaroon ng priority number sa pagbayad ng matrikula.
c. Ang epektong “hindi nasusunod ang first come, first serve” na patakaran ay nasa pinakmababng ranggo sa disadbentahe ng paggamit ng priority number sa pagbayad ng matrikula.
d. Higit na mas marami ang nagsasabing ang kanilang opinyon ay ang paggamit ng priority number.
Rekomendasyon
Kaugnay ng mga kongklusyong nabuo ng mga mananaliksik, buong pagpapakumbabang inirerekomenda ang mga sumusunod
a. Para sa mga gumagamit ng prioprity number sa pagbayad ng matrikula ugaliing hintayin ang pagtawag ng numero para maiwasan ang pagbagal ng proseso.
b. Para sa mga kahera ng admin ugaliing dumating sa tamang oras at iwasan ang pagkainis sa mga nagbabayad upang hindi maging magulo ang proseso.
c. Para sa mga mag-aaral sa Unibersidad ng Katimugang Mindanao, huwag hintayin ang araw ng eksaminasyon bago ang pagbabayad para maiwasan ang mahabang pila.
LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN
http://www.alzatex.com/productgroup.php?productFam=fam_waiting
http://www.takeanumbersystems.com/take.asp
http://www.microframecorp.com/category/TANM.html
http://courses.csusm.edu/ba662jh/docs/QueuingModels.pdf
APENDIKS
Lihan Pahintulot
UNIBERSIDAD NG KATIMUGANG MINDANAO
KOLEHIYO NG SINING AT AGAHAM
Marso 21, 2012
Mahal na mga respondente:
Magandang araw po!
Kami po ay mga mag-aaral ng Unibersidad ng Katimugang Mindanao, na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Development Communication at nasa unang taon sa kolehiyo. Kasalukuyan kaming nagsasagawa ng pag-aaral na pinamagatang “OPINYON AT REAKSYON NG MGA MAG-AARAL NG UNIBERSIDAD NG KATIMUGANG MINDANAO TUNGKOL SA ADBENTAHE AT DIS ADBENTAHE NG PAGGAMIT NG PRIORITY NUMBER SA PAGBABAYAD NG MATRIKULA” bilang bahagi ng pangangailangan sa Asignaturang Pagbasa at pagsulat Tungo sa Pananaliksik.
Isa po kayo sa napili naming respondente sa pag-aaral na ito. Hangad lang po namin ang inyong kooperasyon at konsiderasyon.
Maraming salamat!
Lubos na gumagalang,
Mga mananaliksik
Bio-data
Personal na mga datos ng mga mag-aaral
Pangalan: Ruth Casonete Oyao
Kasarian: Babae
Tirahan: Takepan, Pikit, North Cotabato
Taon ng Kapanganakan: Marso 31, 1995
Edad: 17
Relihiyon: Roman Catholic
Pangalan: Charlene Joy Solin Basal
Kasarian: Babae
Tirahan: Brgy. Dagupan, Kabacan, North Cotabato
Taon ng Kapanganakan: Oktobre 8, 1994
Edad: 17
Relihiyon: Roman Catholic
Pangalan: Cayetano Tamaño Daquiado Jr.
Kasarian: Lalaki
Tirahan: Sittio Torres, Sultan Kudarat, Maguindanao
Taon ng Kapanganakan: Setyembre 21, 1991
Edad: 20
Relihiyon: Roman Catholic
Pangalan: Sunshine S. Gallado
Kasarian: Babae
Tirahan: New Panay, Aleosan, North Cotabato
Taon ng Kapanganakan: Nobyembre 27, 1993
Edad: 18
Relihiyon: Roman Catholic
Pangalan: Mark Anthony F. Tayco
Kasarian: Lalaki
Tirahan: La Suerte, Mlang, North Cotabato
Taon ng Kapanganakan: Abril 24, 1994
Edad: 17
Relihiyon: Roman Catholic
Recommended