View
283
Download
27
Category
Preview:
DESCRIPTION
Unang kabanata ng buhay ni Rizal
Citation preview
Kabanata 1
ANG PAGDATING NG PAMBANSANG BAYANI
José Protacio Rizal
Mercado y Alonso
Realonda
Makabayan
Manggagamot
Manunulat
Pambansang Bayani ng Pilipinas
ANG PAGDATING NG PAMBANSANG BAYANI
Panimula
Ano Ang Ibig Sabihin ng Kanyang
Pangalan? _____________________________________________________________ Jose – pangalan ng patron ng kanyang ina na si
San Jose.
Protacio – ang pangalan ng patron sa kalendaryo kung saan natapat ang pista ni San Protacio sa kaarawan ni Jose.
Mercado – hango sa español na salita na mercado na ibig sabihin ay palengke.
Rizal – hango sa español na salita na Recial na ibig sabihin ay luntiang bukurin.
Alonzo – ang unang apilyedo ni Doña Teodora Alonzo Realonda.
Realonda – ang kinuhang bagong apilyedo ni Doña Teodora noong ipinatupad ang utos ni Gobernador- Heneral Narciso Claveria na ipapalit ang lahat ng apilyedo at kinuha niya ay ang pangalan ng kanyang ninang na Realonda.
Propesyon Doktor (siruhano sa mata) Makata Mandudula Mananalaysay Manunulat Arkitekto Pintor Eskultor Edukador Lingwista Musiko Naturalista
Propesyon Etnolohista Agremensor Inhinyero Magsasakang
negosyante Ekonomista Heograpo Kartograpo Pilolohista Folkorista Pilosopo
Tagapagsalin Imbentor Mahikero Humorista Satirista Polemisista Manlalaro Manlalakbay Propeta
Propesyon
Siya ay isang bayani at politikong martir na naglaan ng kanyang buhay para sa katubusan ng mga inaaping kababayan at siya ang itinanghal na pambansang bayani ng Pilipinas.
Pagsilang ng Isang BayaniSa Calamba, Laguna :
Ipinanganak noong ika-19 ng Hunyo 1861, sa pagitan ng ika-11 at hatinggabi ng miyerkules
Bininyagan sa Catholic of Calamba, noong ika-27 ng Hunyo 1861 ni Padre Rufino Collantes, na isang Batangueño.
Ang kanyang ninong ay si Padre Pedro Casanas.
Pamilya
Tulad ng ibang pamilya mahalaga sa pamilyang Rizal ang pagdarasal. Madasalin ang pamilya ni Jose. Ang Rizal ay isa sa pinakamalaking pamilya noong panahon nila. Mayroon silang lahing hapon, espanyol, malay at negrito. Mayroon silang kamag-anak na isang instik na Domingo Lamco. 13 sila sa pamilya nila, siyam ang kapatid na babae ni Jose at nag- iisa lang ang lalaking kapatid nito.
Ina ni Jose Rizal
Teodora Morales Alonzo Realonda y Quintos
(1826-1911) Ipinanganak noong ika-9 ng Nobyembre
1827. Siya ay lumaki sa Sta. Cruz, Manila. Siya ay pangalawang anak nila Lorenzo
Alonso at Brijida de Quintos. Nakapagtapos sa Colegio de Santa
Rosa sa Manila Unang guro ni Jose
Ina ni Jose Rizal
Pinakasalan niya si Francisco Mercado noong 20 taong gulang na siya.
Siya ang dahilan kung bakit nag aral si Jose ng Opthalmology dahil nanlalabo na ang kaniyang mata habang tumatanda.
Nakulong ng dalawa’t kalahating taon sa dahilan ng napagbintangan siyang nilason niya ang asawa ng kaniyang kapatid.
Namatay si Doña Teodora sa Maynila noong Agosto 16, 1911 sa edad na 85.
Ama ni Jose Rizal
Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro
(1818-1898)
Ipinanganak noong ika-11 ng Mayo 1818 sa Biñan, Laguna.
Nag-aaral ng Latin at Pilosopiya sa Colegio ng San Jose sa Maynila
“modelo ng mga ama” magsasaka mahilig sa libro
Ama ni Jose Rizal
Ikinasal sila ni Teodora noong June 28, 1848 pagkatapos mamatayan ng kapatid na babae na nag alaga sa kaniya mula pagkabata niya, ang nagtayong ina at ama niya.
Namatay siya sa Maynila noong Enero 5, 1898 sa edad na 80.
Sa tala ng kanyang buhay, tinawag ni Rizal ang kanyang ama na “huwaran ng mga ama”.
Mga Kapatid
Mga Kapatid
SATURNINA(1850-1913)
PACIANO(1851-1930)
NARCISA(1852-1939)
OLIMPIA(1855-1887)
LUCIA(1857-1919)
MARIA(1859-1945)
JOSE(1861-1896)
CONCEPCION(1862-1865)
JOSEFA(1865-1945)
TRINIDAD(1868-1951)
SOLEDAD(1870-1929)
Mga Ninuno
Negrito Indones Malay Tsino Hapon Espanyol
Mga Ninuno
Mula sa kanyang Ama Domingo Lam-co ( isang purong Intsik mula sa
Changchow, lungsod ng Fukien) - - Ines Dela Rosa (kalahating Intsik)
Francisco Mercado - - Cirila Bernacha Monicha(isang mestisang Tsinong-Pilipino)
(21 anak) Juan Mercado - - Cirila Alejandro (13 anak sina Kapitan
Juan at Kapitan Cirila, ang bunso ay si Francisco Mercado)
Mga Ninuno
Mula sa kanyang Ina
Eugenio Ursua/ochua(may lahing Hapon) - - Benigna(Pilipino)
Regina Ursua/ochua - - Manuel de Quintos isang abogadong Tsinong-Pilipino (2 anak)
Brigida de Quintos - - Lorenzo Alberto Alonzo isang mestisong Espanyol-Pilipino (7 anak na sina Narcisa, Teodora, Gregorio, Manuel at Jose)
Teodora Alonzo
Mga Ninuno
Ang Apelyidong Rizal
Ako lamang ang Rizal dahil sa aming bahay, ang mga magulang ko’t kapatid, pati na ang ibang kamag-anak ay tinatawag sa dati naming apelyido, ang Mercado. Ang aming pamilya ay talaga namang Mercado, ngunit napakaraming Mercado sa Pilipinas na hindi naman namin kamag-anak. Sinasabing isang kaibigan na pamilya ang nagbigay sa amin ng apelyidong Rizal. Hindi naman ito gaanong pinapansin ng aking pamilya, ngunit ngayon ay kailangan kong gamitin iyon. Sa ganitong paraan, nagmumukhang anak ako sa labas.
Ang Tahanan ng mga Rizal
Ang tahanan ng mga Rizal, kung saan isinilang ang bayani, ay isang katangi-tanging bahay-na-bato sa Calamba noong Panahon ng Espanyol. May dalawa itong palapag, parihaba ang hugis, gawa sa batong adobe at matigas na kahoy, at may bubong na pulang tisa.
Pamilyang Rizal
Ang kabuhayan ng Pamilya Ang pamilya ay kabilang sa pangkat na principalia at isa
sa mga kinikilalang pamilya sa Calamba. Ang ama ay nangungupahan sa lupain na pag-aari ng
hacienda ng mga Dominicano sa Calamba at tinataya na ang kaniyang lupang sinasaka ay umaabot ng 600 na hektarya. Ang lupa ay tinataniman ng palay mais at tubo.
Maliban sa pagsasaka ang pag-aalaga ng hayop ay isa sa kanilang mga hanapbuhay.
Pamilyang Rizal
Ang ina ni Rizal ay mayroong isang tindahan sa ilalim ng kanilang bahay, gilingan ng trigo para maging harina, at gawaan ng hamon.
Ang pamilya ay isa sa mga unang nakapagpagawa ng bahay na bato sa Calamba.
Nagmamay-ari sila ng isang karwahe na isang karangyaan sa panahong iyon.
Mayroon silang isang aklatan sa bahay na naglalaman ng 1,000 aklat.
Naipadala ng mga Rizal ang kanilang mga anak sa Maynila para mag-aral.
Ang Buhay ng mga Rizal
Payak ngunit masaya
Malapit sa isa’t- isa ang mga mag-anak na Rizal
Istrikto ang kanilang mga magulang at tinuraan sila na mahalin ang Diyos, kumilos nang ayon sa kagandahang asal, maging masunurin, at maging magalang sa lahat, lalo na sa mga nakatatanda sa kanila.
Ang Buhay ng mga Rizal
Araw-araw ay nakikinig sa misa ang mga Rizal sa simbahan ng kanilang bayan, lalo na kapag Linggo at pista opisyal.
Mayroon din silang panahon para maglaro. Naniniwala ang kanilang mga magulang sa
kasabihang “kundi papaluin ang bata, lalaki ito sa layaw.”
...Maraming Salamat po!!!!
Recommended