Life and Works of Rizal (Kabanata 25)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

  • 1. KABANATA 25 Pagkamartir sa Bagumbayan Marc Zeagal Agam lecturer

2. FUERZA SANTIAGO 3. HULING 24 HOURS Disyembre 29, 1896 alas 6 ng umaga hanggang Disyembre 30, 1896 alas 6 ng umaga 4. MGA BISITA NI RIZAL Paring Heswita Josephin Bracken Kapamilya Santiago Matrix Mga Kaibigan 5. Lihim niyang tinapos ang kanyang Pahimakas PAHIMAKAS MI ULTIMO ADIOS 6. Bilang Kristiyano at martir na bayani, maluwag niyang tinaggap ang mamatay para sa kanyang mahal na bayan, na tinawag na PERLAS NG DAGAT SILANGAN sa kanyang huling tula at PERLAS NG SILANGAN sa artikulong pinamagatang Kawawang Pilipinas 7. The HongKong Telegraph Inilathala ang Kawawang Pilipinas noong Setyembre 24, 1892 8. MGA HULING ORAS NI RIZAL 9. DISYEMBRE 29, 1896 Alas-6 ng Umaga Binasa kay Rizal ni Kapitan Rafael Dominguez, na inatasan ni Gobernador Heneral Camilo Polavieja 10. Gobernador Heneral Camilo Polavieja Namamahala sa mga paghahanda sa pagbitay ng kinondenang preso na babarilin siya sa likod ng iskuwad na espanyol sa ganap na alas-7 ng umaga sa Bagumbayan 11. BAGUMBAYAN Bagumbayan (noon), Luneta Park (ngayon) 12. Alas-7 ng Umaga Isang oras pagkaraang basahin ang sintensiyang kamatayan ay binalik siya sa kapilya ng preso Mga unang panauhin ay sina Padre Miguel Saderra Mata at Padre Luis Viza 13. Alas-7:15 ng Umaga Umalis si Rektor Saderra Masayang ipinaalala ni Rizal kay Padre Viza ang istatwa ng Sagradong Puso ni Hesus na inukit niya sa Ateneo 14. Alas-8 ng Umaga Dumating si Padre Antonio Rosell para palitan si Padre Viza Inanyayahan siya ni Rizal na saluhan siya sa agahan, at kanya namang pinaunlakan 15. Dumating si Tenyente Luis Taviel de Andrade pagkatapos ng agahan at pinasalamatan siya ni Rizal para sa kanyang serbisyo 16. LUIS TAVIEL DE ANDRADE Ang tagapagtanggol ni Rizal 17. Alas-9 ng Umaga Dumating si Padre Federico Faura Naalala ni Rizal ang sinabi niya na mapupugutan siya ng ulo dahil sa pagsulat niya ng Noli Me Tangere 18. Sinabi ni Rizal kay Padre Faura: Padre, Ikaw ay isang propeta 19. Alas-10 ng Umaga Dinalaw si Rizal nina Padre Jose Vilaclara (guro ni Rizal sa Ateneo) at Vicente Balaguer (misyonerong Heswita sa Dapitan na naging kaibigan ni Rizal ng siyay desterado doon) 20. Santiago Mataix Isang Espanyol na mamamahayag na kuma-usap kay Rizal para sa pahayagang El Heraldo de Madrid 21. Alas-12 ng Tanghali 3:30 ng Hapon Naiwang mag-isa si Rizal sa kanyang selda Nananghalian at naging abala din sa pagsusulat. Marahil ay sa mga oras na ito ay isinulat ang kanyang tula ng pamama-alam na itinago sa kanyang alkohol na lutuan 22. Alkohol na Lutuan Iniregalo ni Paz Pardo de Tavera (asawa ni Juan Luna) nang minsang dumalaw siya sa Paris noong 1890 23. Isinulat din niya ang huling liham niya kay Profesor Blumentritt sa wikang Aleman 24. Propesor Ferdinand Blumentritt: Aking Kapatid: Pagkatanggap mo sa liham na ito, maaring patay na ako. Bukas ng alas siyete, babarilin ako; ngunit ako ay inosente sa krimen ng rebelyon. Mamamatay akong malinis ang aking konsiyensiya. Paalam aking matalik at pinakamamahal ng kaibigan, at huwag ka sanang mag-isip ng masama sa akin. Fuerza Santiago, Disyembre 29, 1896. Jose Rizal Ibati mo ako sa buong pamilya, kay Sra Rosa, Loleng, Conrado, at Federico. Iiwan ko sa iyo ang isang aklat bilang huling alaala mula sa akin. 25. Alas-3:30 ng Hapon Bumalik si Padre Balaguer sa Fuerza Santiago para talakayin ang pagbawi niya sa ideyang anti-Katoliko sa kanyang mga sulatin at pagsapi sa Masonerya 26. Alas-4 ng Hapon Dumating ang ina ni Rizal Lumuhod si Rizal sa harap niya at hinagkan ang mga kamay ng kanyang ina, humingi siya ng tawad Pumasok sa selda si Trinidad para sunduin ang ina 27. Habang papalabas sila, ibinigay ni Rizal ang alkohol na lutuan at ibinulong kay Trinidad sa Ingles: May laman sa loob Naintindihan ito ni Trinidad dahil tinuruan ito ni Rizal 28. Ang Laman isang tula ng pamamaalam ni Rizal. Inilabas ni Trinidad ang huli at pinakadakilang tula ni Rizal. Isang napakahalagang hiyas sa literaturang Filipino 29. Pumasok sa selda sina Padre Vilaclara at PadreEstanislao March, sunod ay si Padre Rosell 30. Alas-6 ng Gabi Tinanggap ni Rizal ang isang bagong panauhin si Don Silvino Lopez Tuon, ang dekano ng Katedral ng Maynila. Umalis sina Padre Balaguer at Padre March, at naiwan si Vilaclara kasama sina Rizal at Don Silvino 31. Alas-8 ng Gabi Ang huling hapunan ni Rizal. Ipaalam niya kay kapitan Dominguez, na kasama niya, na pinapatawad na niya ang kanyang mga kaaway, pati na ang mga huwes-militarna nagsentensiya sa kanya ng kamatayan 32. Alas-9:30 ng Gabi Dinalaw ni Rizal si Don Gaspar Casteo, ang piskal ng Royal Audiencia de Manila. Mahusay na may bisita, ibinigay ni Rizal ang pinakamainam na silya sa kanyang selda. Pagkatapos ng pag-uusap ay napaniwala ang piskal sa katalinuhan at maginoong karakter ni Rizal. 33. Alas-10 ng Gabi Ang burador ng pagbawi na ipinadala ng arsobispong anti-Pilipino na si Bernardino Nozaleda, Isinumite ni Padre Balaguer kay Rizal para lagdaan, ngunit hindi ito ginawa ng bayani dahil napakahaba at di niya ito gusto. 34. Ayon sa testimonya ni Padre Balaguer, ipinakita niya kay Rizal ang mas maikling burador na inihanda ni Padre Pio Pi, superyor ng mga Heswita sa Pilipinas, at ito ay nagustuhan ni Rizal. 35. Pagkaraan ng ilang pagbabago, isinulat ni Rizal ang kanyang retraksiyon, na kung saan itinakwil niya ang Masonerya at mga relihiyosong ideyang anti-Katoliko. 36. Ang retraksiyon ni Rizal ay isang kontrobersiyal na dokumento dahil ang mga iskolar na Rizalista, na kung di Mason ay anti- Katoliko, ay nagsasabing huwad and dokumento 37. And debateng ito ay wala namang saysay dahil hindi naman sapat and ebidensiya ng dalawang panig hinggil sa pinaninindigan nilang paniniwala. Wala ring halaga ito dahil wala naman itong kaugnayan sa pagiging dakila ni Rizal. 38. Gaya ng isang kasabihan: Sa mga naniniwala, hindi na kailangan ng patunay; para sa mga di naniniwala, na ang pamantayan ng paniniwala ay wala sa pag-iisip nila kundi sa kanilang paninindigan walang magagawang patunay. 39. Kung walang retraksiyon man o wala, manantili ang katotohanang si Rizala ng pinakadakilang bayaning Pilipino. Ganito rin saiba pang kontrobersiya, gaya ng kung magpakasal nga ba si Rizal kay Josephin Bracken bago siya binitay. 40. DISYEMBRE 30, 1896 Alas-3 ng Umaga Nakinig sa misa, nangumpisal at nangumunyon 41. Alas-5:30 ng Umaga Ang huling agahan sa lupa Sumulat ng dalawang lihan, ang una ay para sa kanyang pamilya, at ang pangalawa ay para kay Paciano 42. Dumating si Josephine Bracken kasama si Josefa. Lumuluhang nagpaalam si Josephine kay Rizal Niyakap siya ni Rizal sa huling pagkakataon at bago siya umalis, ibinigay ni Rizal ang huli niyang regalo 43. Imitation of Christ - Ang huling regalo ni Rizal kay Josephin - Ito ay isang relihiyosong aklat - Nilagdaan din ito ni Rizal Sa aking mahal at nalulungkot na asawa, Josephin Disyembre 30, 1896 Jose Rizal 44. Alas-6 ng Umaga Naghahanda para sa pagmamartsa sa Bagumbayan Sinulatan din ang kanyangmga mahal na magulang 45. Sa mahal kong ama, Patawarin niyo ako sa mga pagdurusa ninyo sa aking isinukli sa kalungkutan at mga sakripisyo para sa aking edukasyon. Hindi ko ito ginusto ni pinili. Paalam, Ama, Paalam Jose Rizal Sa mahal kong ina, Sra. Dona Teodora Alonso 6:00 ng umaga ng Disyembre 30, 1896 Jose Rizal 46. PAGMAMARTSA SA BAGUMBAYAN 47. Alas-6:30 ng Umaga Tumunog ang trumpeta sa Fuerza Santiago, hudyat na para simulan ang pagmartsa sa Bagumbayan, kung saan bibitayin si Rizal. 48. Apat na sundalong may ripleng de bayoneta ang nangunguna sa martsa Nasa likuran nila si Rizal na payapang naglalakad, nasa gitna siya ng kanyang tagapagtanggol (Tenyente Luis Taviel de Andrade) at dalang heswitang pari (Padre March at Padre Vilaclara) 49. Eleganteng tingnan si Rizal sa suot niyang itim na terno, itim na sumbrero, itim na sapatos, putting polo, at itim na kurbata. Nakatali ang kanyang mga braso, mula siko pa-siko, ngunit ang pagkakatali ay di gaanong mahigpit para maigalaw niya ang kanyang mga braso 50. Sa mahina na tunog ng tambol, tahimik at dahan-dahan silang nagmartsa May nag-aabang sa mga kalsada mula sa Fuerza Santiago hanggang Plaza del Palacio sa harapan ng Katedral ng Maynila. 51. Para bang ang lahat ay nasa bagumbayan, kung saan may malaking pulutong ng mga taong nagtipon para masaksihan ang pagkamatay ng isang martir. Dumaan ang mga nagmamartsa sa makitid na tarangkahan ng postigo, isa sa mga tarangkahan ng lungsod na may pader, at narating nila ang Malecon (Bonifacio Drive) na walang katao-tao. 52. Tumingala si Rizal at sinabi sa isa sa mga pari: Kay gandang umaga, Padre. Anong payapa ang umagang ito! Naaninag ang Corregidor at mga bundok ng Cavite! Sa mga umagang tulad nito, namamasyal kami ng aking kasintahan. 53. Nang marahan nila ang harap ng Ateneo, nakita ni Rizal ang mga toore ng kolehiyo na nagingibabaw sa mga pader. Tinanong niya: Iyon po ba ang Ateneo, Padre? Sagot ng pari: Oo 54. Narating nila ang Bagumbayan. Nagtipon ang mga manonood sa isang parisukat na lugar na inilaan ng mga sundalo. Pumasok ang mga nagmamartsa sa lugar na ito. Madamo ang bahaging ito sa pagitan ng dalawang posteng de-lampara na nasa dalampasigan ng Look ng Maynila. 55. PAGIGING MARTIR NG ISANG BAYANI 56. Si Rizal, na batid na di na niya maiiwasan ang kanyang kapalaran, ay nagpaalam, ay nagpaalam kina Padre march at padre Vilaclara at sa kanyang magiting na tagapagtanggol, si Tenyente Luis Taviel de Andrade. Bagaman nakatali ang mga bisig, mahigpit pa rin niyang nahawakan ang kanilang mga kamay. Binasbasan siya ng isa sa mga pari at pinahalikan sa kanya ang krusipiho. 57. Yumuko si Rizal at hinagkan ito. Pagkaraay hinihiling niya sa komandante ng iskuwas na barilin siya ng nakaharap sa kanila. Hindi pinagbigyan ang kanyang kahilingan na dahil mahigpit ang utos ng kapitan na barilin si Rizal ng nakatalikod. 58. Masama man sa loob, tinalikuran ni Rizal ang mga babaril sa kanya at humarap siya sa dagat. Isang Espanyol na manggagamot, si Dr. Felipe Ruiz Castillo, ang humiling at damhin ang pulso ni Rizal. Nagulat si Dr. Castillo dahil normal ang kanyang pulso, patunay na hindi natatakot si Rizal na mamatay. 59. Tumunog ang mga tambol. Sa gitna ng pagtatambol, may sumigaw na Magpaputok, at nag-unahan na sa pagpaputok ang mga baril na ipihit sa kanan ang kanyang pinagbabaril na katawan, at bumagsak sa lupa nang nakaharap ang mukha sa sumisikat na araw. 60. Alas-7:30 ng Umaga Namatay si Rizal sa kasibulan ng kaniyang kahustuhang gulang edad 35, limang buwan at 11 araw. 61. Inilarawan ni Rizal ang kanyang pagkamatay sa kanyang pahimakas na tula, ikatlong taludtod: Mamamatay akong natatanaw Sa likod ng dilim ang bukang liwayway, Kung kailangan mo ang pulang pangulay, Dugo koy gamitin sa kapanahunan Nang ang liwanag mo ay lalong kuminang! 62. Interesanteng malaman na 14 na taon bago siya bitayin, nahulaan na nni Rizal na mamatay siya sa Disyembre 30. Nooy isa pa lamang siyang estudyante ng medisina sa Madrid, Espanya. Sinulat niya sa kanyang talaarawan: 63. Enero 1, 1883 Kamakalawang gabi, iyon ay Disyembre 30, nagkaroon ako nga nakakatakot na panaginip na muntik na akong mamatay. Nanaginip ako na, ginagaya ang isang aktor na naghihingalo sa enteblado, nararamdaman kong bumabagal ang aking paghinga at mabilis ang aking panghihina. Pagkatapos ay nagdilim ang aking paningin at nilukob ako ng kadiliman ito ang kamatayan. 64. PAGKARAANG MAMATAY ANG ISANG BAYANING MARTIR 65. Nang patayin ng punglo mula sa iskuwad na Espanyol si Dr. Rizal, ang mga Espanyol, mga residente, prayle, tiwaling opisyal ay nagsaya dahil si Rizal, ang mahigpit nilang kaaway na kampeon sa pakikipaglaban para sa kasarinlan ng Pilipinas, ay wala na sa wakas. 66. Sa katunayan, pagkaraan ng pagbitay, sumigawang mga Espanyol na nanonood, Mabuhay ang Espanya! Kamatayan para sa mga traydor!, at ang banda militar ay nakisaya rin sa pagkamatay ni Rizal, pinatutog ang masayang Marcha de Cadiz 67. Kawawang mga Espanyol, walang mga pananaw! Hindi nila alam ang di nababagong ihip ng hangin ng kasaysayan. Ang pagkamatay ni Rizal ay naging pundasyon ng isang bansang nagsasarili. Totoo, pinatay si Rizal ng punglo ng Espanyol, ngunit hindi nila napatay ang mga ideyang liberal na umusbong sa utak ni Rizal, na siyang nagwasak sa pamamahala ng mga Espanyol sa Pilipinas 68. Gaya ng sinabi ni Cecilio Apostol, pinakadakilang makatang Pilipino sa Espanyol: naway mapayapa sa anino ng pagkalimot, tagapagligtas ng bansang sinusupil! Sa misteryo ng libingan, wag lumuha, wag pansinin ang panandaliang tagumpay ng mga Espanyol! Dahil kung winasak ng isang punglo ang iyong utak, Pinaguho naman ng iyong ideya ang isang imperyo! 69. Sa kanyang mga isinulat, na gumising sa nasyonalismong Pilipino at naghawan ng landas para sa Rebolusyon ng Pilipinas, pinatunayan ni Rizal na mas mabisa ang panulat kaysa sa espada. Bilang henyo, manunulat, at martir-politiko, karapat-dapat siyang saluduhan ng kasaysayan bilang Pambansang Bayani ng Pilipinas 70. Maraming Salamat sa Pakikinig!!!