Talumpati - Filipino

Preview:

DESCRIPTION

Pornograpiya: Krisis ng ating Ekonomiya

Citation preview

Pornograpiya: Krisis ng ating Ekonomiya

ni Michiko A. Ito Paras :DSa ating mga Panauhing Pangdangal, kay Prof. May C. Mojica, sa aking mga kamag-aral at sa lahat ng tagapakinig, magandang umaga sa inyong lahat.

Una sa lahat, atin munang alamin ang ibig sabihin ng salitang pornograpiya o mas kilala ng nakararami sa tawag na porn o porno. Para sa kaalaman ng lahat, ang pornograpiya ay ang mga malalaswang panoorin o babasahing sekswal, na nakakapagbigay ng arousal sa sinumang makakapanood o makakabasa nito.

Ang pagkakaroon ng ganitong uri ng mga panonoorin o babasahin ay hindi lamang nakakapag-baba ng ating moral, kundi, sinisira din nito ang respeto natin sa ating mga kapwa.

Nakakalungkot ding isipin na hindi man lang ito binibigyang pansin ng ating pamahalaan, bagkus itoy ipinagsasawalang bahala lang. Bakit nga ba nila uunahin ang ganitong isyu, gayong mas marami pa silang kailangang asikasuhin tulad ng mga Pilipinong walang trabaho at walang makain?

Pero ang hindi nila alam, ang pornograpiya ang isa sa mga higit na nakaka-apekto sa ating Ekonomiya. At yun ang nais kong ipaliwanag sa inyong lahat. Ang epekto ng pornograpiya sa ating ekonomiyang pambansa. At heto sila;

Una, sa panahon ngayon masyado ng sopistikado ang pornograpiya at patuloy itong namamayagpag sa pamamagitan ng teknolohiya. Kung noon ay nagkalat lamang ito sa mga diyaryo at komiks, ngayon ay makakapamili na ang mga parokyano sa mga pirated VCDs at DVDs. Maging sa mga cellphone na kung saan pwede kang magpa-download sa mga kompyuter shops sa pamamagitan ng internet ay sadyang patok din.

At sa aminin man natin o hindi, lubos na pinagkakakitaan ng mga negosyante ang pagkahumaling ni Juan dela Cruz sa mga porno. Talamak ang bentahan ng mga piniratang XXX VCDs at DVDs sa mga bangketa, at kung susumastahin, ni wala naman silang permit na galing sa DTI at BIR na nagbibigay sa kanila ng karapatan upang magbenta ng mga ganoong klaseng produkto. At imbis na nagbabayad sila ng buwis sa ating gobyerno at para makatulong sa sambayanan, ay nakakaperwisyo pa sila.

Nais ko lang ding gawing halimbawa dito ang pagsabog ng isyu ng Katrina Halili Hayden Kho Sex Video Scandal. Kung atin lamang matatandaan, napaka-aktibo ng massmedia nang lumabas ang eskandalong ito. Kaliwat kanan ang headlines, at napakalaki talaga ng perang nagawa ng media dito. Mula sa mga primetime na balita, sa radyo at kahit sa mga tabloid. At sa aminin man natin o hindi, pumatok din ito sa internet pati na sa cellphone na naging dahilan ng kaliwat kanang pamimirata dito. Grabe talaga yung impact nito sa ekonomiya natin. Oo, kumita talaga sila. Maganda para sa kanila, pero ang tanong, tama ba?!

Pangalawa, ang pagbebenta ng katawan ang nakikita ng karamihan bilang solusyon sa lumalalang kahirapan.

Ang nakakaalarma pa dito, mas maraming minor-de-edad ngayon ang pumapasok sa mga ganitong uri ng kalakaran, katulad ng Cyber Sex. Kung tutuusin, napakalaking pera ang pumapasok sa mga sindikatong nasa likod nito, subalit hindi naman sila nagbabayad ng kaukulang buwis sa ating gobyerno, dahil illegal nga ang kanilang ginagawa.

At ang huling suliraning pang-ekonomiyang nakikita ko dito ay ang paglobo ng ating populasyon, sa dalawang dahilan:

a.) Ang pagpasok sa pre-marital sex ng mga kabataan nang dahil sa mga kuryosidad na nakapaloob sa kanya at;

b.) Ang pagdami ng mga bilang ng mga single mothers maaring resulta ng rape, o dala ng sobrang kuryosidad.

Paano na lang ang sinabi ni Gat Jose Rizal, na ang kabataan ang pag-asa ng bayan? Kung halos lahat ng kabataan natin, nabubuhay at lumalaki sa sirang pamilya. Nakakalungkot. Anong magagawa mo Juan dela Cruz?

Sa simpleng paraan lamang bilang Pilipino, malaki na ang maitutulong natin. Ang pagsugpo sa mga illegal na pagbebenta ng pornographic materials, ang pagbibigay-edukasyon sa ating mga kabataan, at ang mismong hindi pagtangkilik dito.

At nararapat lamang po nating tandaan na ang sex, ay ginawa ng Panginoon upang dumami ang sangkatauhan. Masyado itong sagrado at dapat lamang na ginagawa ito nang mga mag-asawang nakapaloob sa kasal. Hindi ito ginawa upang maging pang-aliw o pang-negosyo lamang. Pahalagahan natin ang Poong Maykapal at igalang natin ang ating kapwa, gaya ng paggalang natin sa ating mga sarili.

Maraming Salamat po.

Recommended