ICT ARALIN 12

Preview:

Citation preview

ICT Aralin 12

PANGANGALAP NG IMPORMASYON SA WEBSITES

Editha T.HonradezPasolo Elementary School

Pasolo Valenzuela City

Kasanayan/ Kaalaman

1.Naipaliliwanag ang pagkakaiba at ugnayan ng World Wide Web, website, at web page.

2. Nakikilala ang mga katangian ng isangmabuting website.

3. Nakakapag-bookmark ng mga websites.

4. Nakakukuha ng makabuluhangimpormasyon sa nabibisitang websites

Ano angkaibahan ng web page, website at world wide

web?

Paano makikilala angmabuting websites para

sa atin?

Paano makukuhaang makabuluhang

impormasyon sawebsite?

Ang Webpage, Website, at World Wide Web

Ang World Wide Web(www) ay isang informationsystem. Ginagamit ito ngisang user upang makalipatmula sa isang websitepatungo sa iba pang websitesa tulong ng hypertext linkso hyperlinks.

Ang Webpage, Website, at World Wide Web

Ang web page naman angpinakamaliit na yunit ng WorldWide Web. Isa itongdokumentong bahagi ng isangwebsite. Ang website aykoleksiyon ng web pages napinag-uugnay ng mgahypertexts o image links.Kadalasan, ang isang website aymay iisang tema at layunin.

Ang Webpage, Website, at World Wide Web

Ang hyperlink angpinakamahalagang aspekto ngWorld Wide Web. Ito ang kawingo tulay na magdadala sa user ogumagamit ng internet sa ibangkahalintulad website o web pagena hindi na kailangangmagbukas pa ng panibagongbrowser.

Ang Webpage, Website, at World Wide Web

Pagsusuri sa Isang Mabuting Website

Maraming uri ng website na mahahanap sainternet. Ang iba ay maaaring seryoso,pangkatuwaan lamang, pangkomersiyo o pangakademiko. Kaya mahalagang maging mapanuri samga pinupuntahang websites.

1. May pangalan ng manunulat o naglathala ngwebsite at mga detalye kung paano siyamaaaring maabot

2. May malinaw na layunin2. May malinaw na layunin2. May malinaw na layunin

3. Bago at tamang impormasyon

4. May balanseng opinyon at walangpinapanigan

5. Mahusay na ayos at disenyo

Mga Katangian ng isang Mabuting Website:

Tandaan Natin:

Malaki ang tulong ng mga websites sa

pangangalap ng mga impormasyon. Siguruhin lamang

na pasado ang napiling sa pamantayan ng isang

mabuting website. Bawat ay may layunin. Maaaring

magbigay ang mga ito ng makabuluhang

impormasyon, makatulong sa iyong pagkatuto,

maging daan sa mas mabilis na komunikasyon,

makapagbenta, o di kaya ay makapaglibang.

Mahalagang maging mapanuri sa pagpili ng na

pagkukunan ng impormasyon.

Gawain C: Pagkilala sa Gamit ng WebsiteBisitahin ang sumusunod na websites at

kilalanin kung anong uri ng impormasyon angmaaaring makuha rito. Itiman ang bilog ngbilang na tumutukoy sa gamit ng website:

Gawain D: Pag-bookmark ng WebpageMagsaliksik ng websites na maaaring

makatulong sa pag-aaral ng iyong mgaasignatura at i-bookmark ang mga ito.Tandaan na kung nais mong i-bookmark angisang web page gamit ang web browser naGoogle Chrome, kailangan mong i-click anghugis bituin na button para i-save angaddress ng website. Sa ganitong paraan,madaling mabalikan ang na-save na addressng website kapag muli itong kinailangan.Alamin kung paano ito gawin sa ibang webbrowser.

Tama o Mali: Isulat sa patlang kung Tama oMali ang pahayag. Ilagay ang sagot sakuwaderno.______1.Ang website ay koleksiyon ng webpage na pinag-uugnay ng hypertexts o image links. ______2.Ang World Wide Web ang pinakapayakat pinakamaliit na yunit ng web pages. ______3.May malinaw na layunin ang isangmaganda at mabuting website.

______4.Mainam na bumisita lamangsa websites na may maitutulong sapag-aaral o pagpapaunlad ng kaisipano pagkatao. ______5.Mabuti ang isang website kung hindi nakikilala ang lumikhanito.

Kasanayan/ Kaalaman1.Naipaliliwanag ang pagkakaiba at ugnayan ng World Wide Web, website, at web page.

2. Nakikilala ang mga katangian ng isangmabuting website.

3. Nakakapag-bookmark ng mga websites.

4. Nakakukuha ng makabuluhangimpormasyon sa nabibisitang websites