13
Aralin 24 Impormal na Sektor Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA www.slideshare.net/sirarnelPHhistory Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!

K-12 Aralin 24 impormal na sektor

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: K-12 Aralin 24 impormal na sektor

Aralin 24

Impormal na SektorInihanda ni: ARNEL O. RIVERAwww.slideshare.net/sirarnelPHhistoryAng GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!

Page 2: K-12 Aralin 24 impormal na sektor

Panimula• Ang pambansang kaunlaran ay makakamit

lamang kung ang lahat ng bumubuo sa sektor ng ekonomiya at ang pamahalaan ay magtutulungan. May bahaging ginagampanan ng mga sektor ng agrikultura, industriya at paglilingkod upang makamit ang pambansang kaunlaran. Subalit, hindi masasabing kumpleto ang pag-aaral ng ekonomiya kung hindi natin maibibilang ang pagsusuri ng impormal na sektor sapagkat maraming mga mamamayan ang kabilang dito.

Page 3: K-12 Aralin 24 impormal na sektor

Impormal na Sektor• Ito ang sektor ng ekonomiya na salat o

walang pormal na dokumentong kailangan sa pagsasagawa ng mga gawaing pang-ekonomiya.

• Ang kita ng impormal na sektor ay HINDI naisasama sa kabuuang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa subalit tinataya na ang halaga ng produkto at serbisyo mula rito ay nasa 30%.

Page 4: K-12 Aralin 24 impormal na sektor

Katangian ng Impormal na Sektor

• Hindi nakarehistro sa pamahalaan; • Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita; • Hindi nakapaloob sa legal at pormal na

balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo.

Page 5: K-12 Aralin 24 impormal na sektor

Impormal na sektor

• Ang impormal na sektor ay paraan ng mga mamamayan upang magkaroon ng kabuhayan o dagdag na kita sa tuwing panahon ng pangangailangan at kagipitan. Ang kawalan ng sapat na hanapbuhay at ang kahirapan ang siyang nagtutulak sa tao na pumasok sa ganitong uri ng sitwasyon.

• Ang paglaganap ng impormal na sektor ay isang global phenomenon. Gayumpaman, hindi maikakaila ang kontribusyon nito sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa, partikular na sa pagbibigay ng empleyo o hanapbuhay sa mga mamamayan.

Page 6: K-12 Aralin 24 impormal na sektor

Iba’t ibang Anyo ng Impormal na Sektor

Impormal na

Sektor

Gawaing maaring isakatuparan sa loob lamang ng tahanan

Gawaing pansibiko, kawanggawa at

panrelihiyon

Mga sari-sari stores, pagtitinda sa sidewalk, paglalako ng kalakal at

serbisyo

Ilegal na gawain tulad ng pagnanakaw,

piracy at prostitusyon.

Page 7: K-12 Aralin 24 impormal na sektor

Kahalagahan ng Impormal na Sektor

• Sinasalo nito ang mga mamamayan na hindi makapasok bilang mga regular na empleyado sa isang kompanya.

• Nagbibigay ng pagkakataon sa maraming Pilipino na makapaghanapbuhay.

• Nagsisilbi itong tagasalo ng mga mamamayang may mahigpit na pangangailangan.

• Malaki ang naitutulong sa mga konsyumer ang mga kalakal at serbisyong mula sa impormal na sektor dahil sa mura nitong halaga.

Page 8: K-12 Aralin 24 impormal na sektor

Dahilan ng Impormal na Sektor• Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa

pamahalaan; • Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na

proseso ng pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan (bureaucratic red tape).

• Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na kung saan ang mga batas at programa ay hindi naipapatupad nang maayos;

• Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital o puhunan;

• Malabanan ang matinding kahirapan.

Page 9: K-12 Aralin 24 impormal na sektor

Epekto ng Impormal na Sektor sa Ekonomiya• Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis – Ito

ay nangangahulugan ng malaking pagbawas sa kabuuang koleksiyon o maaaring kitain ng pamahalaan sa pangongolekta ng buwis.

• Banta sa kapakanan ng mga mamimili - Ang mga mamimiling tumatangkilik dito ay maaaring mapahamak, maabuso, o mapagsamantalahan.

• Paglaganap ng mga ilegal na gawain – Dahil sa kagustuhan na kumita nang mabilisan, ang mga tao ay nauudyok na pumasok sa mga gawaing ilegal o labag sa batas.

Page 10: K-12 Aralin 24 impormal na sektor

Pagbubuod:• Ang impormal na sektor ay sektor ng ekonomiya na

salat o walang pormal na dokumentong kailangan sa pagsasagawa ng mga gawaing pang-ekonomiya.

• Ang kita ng impormal na sektor ay HINDI naisasama sa kabuuang Gross Domestic Product (GDP).

• Ang mga katangian ng impormal na sektor ay hindi nakarehistro sa pamahalaan; hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita; at hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo.

Page 11: K-12 Aralin 24 impormal na sektor

• Sa iyong palagay, ano ang dapat gawin ng pamahalaan upang mabawasan ang mga taong nagpupunta sa impormal na sektor?

PAGPAPAHALAGA

Page 12: K-12 Aralin 24 impormal na sektor

Ang GRADES pinaghihirapan

HINDI inililimos!

Tandaan:

Page 13: K-12 Aralin 24 impormal na sektor

References:

• EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015

• Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House

• De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI

• Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI

• Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI