13
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT ARALING PANLIPUNAN 9 Pangalan: _______________________________________________________ Iskor:______________ Baitang at Pangkat: ________________________________________________Petsa: ______________ Guro: Angel Rose L. Suansing I- Pagpipili. Basahing mabuti at intindihin ang mga tanong sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng pinakaakmang kasagutan. 1. Alin sa isa sa limang tema ng heograpiya na tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad na katangiang pisikal o Kultural? A. Lokasyon C. paggalaw B. lugar D. rehiyon 2. Ang lokasyon ay tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig, mayroon itong dalawang klasipikasyon, anu-ano ang mga ito? A. Absolute at Relative C.Relative at Limited B. Absolute at Limited D. True North at Absolute North 3. Sa pagtatakda ng lokasyon ng isang lugar sa globo o mapa, mahalagang mabatid ang ilang termino at konseptong may malaking kaugnayan dito. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng longitude at latitude ng isang lugar, maaaring matukoy ang lokasyon nito sa globo o mapa sa paraang absolute, astronomical, o tiyak. Ang latitude ay anong uri ng gridlines? A. Horizontal C. Diagonal B. Vertical D. Zigzag 4. Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa matagal na panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima sa daigdig ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude at gayon din sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at taas mula sa sea level. Anong uri ng klima mayroon ang mga lugar na napapabilang sa ekwador? A. Polar C. Tropikal B. Arid D. Continental 5. Ang North America ay may hugis na malaking tatsulok subalit mistulang pinilasan sa dalawang bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico. Mayroong dalawang mahabang kabundukan ang matatagpuan sa kontinenteng ito, anu- ano ang mga ito? A. Aplachian at Rocky Mountains C. Hindu Kush at Himalayas B. Fuji at Everest D. Aplachian at Fuji 6. Ano ang panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamaagang panahon sa pag-unlad ng tao batay sa mga ginamit na

1. AP 9 Prelim Exam

Embed Size (px)

DESCRIPTION

AP

Citation preview

Page 1: 1. AP 9 Prelim Exam

UNANG MARKAHANG PAGSUSULITARALING PANLIPUNAN 9

Pangalan: _______________________________________________________ Iskor:______________Baitang at Pangkat: ________________________________________________Petsa: ______________Guro: Angel Rose L. Suansing

I- Pagpipili. Basahing mabuti at intindihin ang mga tanong sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng pinakaakmang kasagutan.

1. Alin sa isa sa limang tema ng heograpiya na tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may magkakatulad na katangiang pisikal o Kultural?

A. Lokasyon C. paggalaw B. lugar D. rehiyon

2. Ang lokasyon ay tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig, mayroon itong dalawang klasipikasyon, anu-ano ang mga ito?

A. Absolute at Relative C.Relative at LimitedB. Absolute at Limited D. True North at Absolute North

3. Sa pagtatakda ng lokasyon ng isang lugar sa globo o mapa, mahalagang mabatid ang ilang termino at

konseptong may malaking kaugnayan dito. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng longitude at latitude ng isang lugar, maaaring matukoy ang lokasyon nito sa globo o mapa sa paraang absolute, astronomical, o tiyak. Ang latitude ay anong uri ng gridlines?

A. Horizontal C. DiagonalB. Vertical D. Zigzag

4. Mahalaga ang papel ng klima, ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa matagal na panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima sa daigdig ang natatanggap na sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude at gayon din sa panahon, distansiya mula sa karagatan, at taas mula sa sea level. Anong uri ng klima mayroon ang mga lugar na napapabilang sa ekwador?

A. Polar C. TropikalB. Arid D. Continental

5. Ang North America ay may hugis na malaking tatsulok subalit mistulang pinilasan sa dalawang bahagi ng Hudson Bay at Gulf of Mexico. Mayroong dalawang mahabang kabundukan ang matatagpuan sa kontinenteng ito, anu-ano ang mga ito?

A. Aplachian at Rocky Mountains C. Hindu Kush at HimalayasB. Fuji at Everest D. Aplachian at Fuji

6. Ano ang panahon sa kasaysayan ng daigdig ang itinuturing na pinakamaagang panahon sa pag-unlad ng tao batay sa mga ginamit na kasangkapan at naging hudyat din ng pagtatapos ng Panahong Pleistocene ?

A. Mesolitiko C. Neolitiko B. Metal D. Paleolitiko

7. Ang huling bahagi ng Panahong Bato ay tinatawag na Panahong Neolitiko (Neolithic Period). Kilala ang panahong ito sa paggamit ng makikinis na kasangkapang bato, permanenteng paninirahan sa pamayanan, pagtatanim, paggawa ng palayok at paghahabi. Ano ang kahulugan ng neolitiko?

A. Panahon ng Bagong Bato C. Panahon ng Lumang batoB. Panahon ng Modernong Bato D. Panahon ng Tansisyon

8. Naging mabilis ang pag-unlad ng tao dahil sa tanso subalit patuloy pa rin ang paggamit sa kagamitang yari sa bato. Ano ang pangkalahatang tawag sa panahon na ito?

A. Panahon ng Metal C. Panahon ng TansoB. Panahon ng Bato D. Panahon ng Bronse

9. Ang lahi ng mga tao sa kasalukuyan ay sinasabing nanggaling sa mga ninunong nagmula pa sa iba’t-ibang panahon ng prehistoriko. Mula Australopithecus, homo habilis, homo erectus at homo sapiens

Page 2: 1. AP 9 Prelim Exam

hanggang sa umunlad na naging mga iba’t-ibang lahi. Anu-ano ang mga lahing sinasabing pinagmulan ng mga tao?

A. Caucasoid, Negroid at Mongoloid C. Caucasoid, Niger at MongolsB. Caucasoid, Negroid at Mongols D. Caucasoid at Mongoloid.

10. Sa itinatag na mga sinaunang kabihasnan sa daigdig, ang pangkat ng mga taong nanirahan at nagtatag ng mauunlad na pamayanan sa Mesopotamia ang kauna-unahang nakapagtaguyod ng kabihasnan. Binubuo ang kabihasnang Mesopotamia ng mga lungsod-estado ng Sumer. Ilang lungsod-estado mayroon ito?

A. 11 C. 12B. 10 D. 13

11. Sa Mesopotamia din itinatag ang kauna-unahang imperyo sa Mundo. Sino ang bumuo ng imperyong ito?A. Hammurabi C. NabopolassarB. Nebuchadnezzar D. Sargon I

12. Ano ang tumutukoy sa maunlad na pamayanan at mataas na antas ng kulturang kinakitaan ng organisadong pamahalaan, kabuhayan, relihiyon, mataas na antas ng teknolohiya, at may sistema ng pagsulat?

A. Imperyo C. kalinangan B. kabihasnan D. lungsod

13. Ano ang tanyag na gusali sa Babylonia na ipinagawa ni Nebuchadnezzar para sa kaniyang asawa at kabilang sa “Seven Wonders of the Ancient World”?

A. Alexandria C. Pyramid B. Hanging Gardens D. Ziggurat

14. Ang mga sinaunang Egyptian ay namuhay sa mga pamayanang malapit sa Nile. Tulad sa Mesopotomia, sumasailalim sila sa pamamahala ng mga lokal na pinunong may kontrol sa pakikipagkalakalan. Ang mga eskribano ay nakapaglinang din ng kanilang sariling sistema ng pagsulat. Ano ang tawag sa sistemang ito?

A. Cuneiform C. PapyrusB. Hieroglyphics D. Stylus

15. Maraming siglo muna ang lumipas sa pagitan ng pagsisimula ng pamumuhay sa mga pamayanan at pagkakaroon ng mga lipunang binuo ng estado sa Mesoamerica. Ano ang pinakaunang estado na umusbong ditto?

A. Mayan C. IncaB. Aztec D. Olmec

16. Ang lumalaking populasyon sa National Capital Region sa Pilipinas ang nagbigay-daan upang patuloy na pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng sistema ng transportasyon at ng pabahay sa kalungsuran. Alin sa limang tema ng heograpiya ang tinutukoy ng sitwasyong inilahad?

A. Lokasyon C. paggalaw B. lugar D. rehiyon

17. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea. Alin sa limang tema ng heograpiya ang tinutukoy ng sitwasyong inilahad?

A. Lokasyon C. paggalaw B. lugar D. rehiyon

Para sa bilang 18 at 19, suriin ang mapa sa ibaba. Ang mapa ang siyang representasyon ng daigdigs. Basi dito, paano mo mailalarawang ang heograpiya ng daigdig?

Page 3: 1. AP 9 Prelim Exam

18.A. Ang daigdig ay mayroong pitong kontinente na napapalibutan ng limang malalaking karagatan. B. Ang daigdig ay mayroong pitong kontinente na napapalibutan ng anim na malalaking karagatan. C. Ang karagatang pasipiko ay makikita sa kanlurang bahagi ng Asya. D. Ang karagatang Indian ay makikita sa Hilagang bahai ng Asya.

19.A. Ang Europa, Asya at Aprika ay napapabilang sa isang lupain. B. Ang Russia ay napapabilang sa Asya at hindi sa Europa.C. Ang Alaska ay bahagi ng United States of America.D. Ang Greenlad ay bahagi ng Europa.

20. Pansinin ang pie graph ng mga Pangunahing Relihiyon sa Daigdig mula sa the CIA World Factbook, 2012. Ito ay nagpapakita ng bahagdan ng pagkakahati-hati ng mga relihiyon sa daigdig.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI tumutukoy sa mga datos na nakasaad sa pie graph?

A. Ang kristiyanismo ay mayroong pinakamalaking bahagdan na 31.59% samanatalang ang pinakamaliit ay ang Budismo na mayroon lamang 7.10%.

B. Kasunod ng Kristiyanismo ay ang Islam na mayroon 23.20% at ang Hinduismo naman ay 15%.C. Mayroon pang ibang relihiyon na sinasalihan ng mga tao na binubuo ng 11.44%. D. 11.67 % ng mga tao sa mundo ay non-religious ibig sabihin sila ay mga atheists.

21. Nagbibigay ang wika ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. Ang wika ay nagmula sa tinatawag na language family. Alin sa mga sumusnod ang HINDI naglalarawan sa katangian ng pamilya ng wika sa kasalukuyan?

Page 4: 1. AP 9 Prelim Exam

A. Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

B. Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan.

C. May 7,105 buhay na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit 6,200,000,000 katao. D. Tinatayang may 200 language family sa buong daigdig.

22. Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging paglalarawan at katangian ng mga naninirahan dito. Alin sa mga sumusunod ang batayang ng pahayag na nabanggit?

A. Isang batayan nito ang race o lahi na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, gayondin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat.

B. Maaaring magdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita rin ito ng maraming diskriminasyon.

C. Ang mga miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon kaya naman sinasabing maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan.

D. Lahat ng pahayag ay batayan.

23. Tinatawag ding “Panahon ng Lumang Bato (Old Stone Age) . Ito ay nagmula ang Paleolitiko sa mga katagang paleos o matanda at lithos o bato. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa pamumuhay ng mga sinaunang tao sa panahong lumang bato?

I - Pinakamahabang yugto sa kasaysayan ng sangkatauhan II- Nadeskubre ang paggamit ng apoyIII- Gumagamit ng bato bilang kasangkapan.IV- Nadeskrubre ang pagtatanim

A. I at II C. I, II, IVB. I, II, III D. I, II, III, IV

24. Ang Homo Sapiens ang pinakahuling species na ebolusyon ng tao, ang Homo sapiens Neanderthalensis (circa 200,000 - 30,000 taon). Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa pamumuhay ng mga Homo Sapiens?

I- Higit na malaki ang utak ng Homo sapiens kung ihahambing sa mga naunang species kaya nangangahulugan higit ang kanilang kakayahan sa pamumuhay at paggawa ng kagamitan

II- Sa loob ng maraming libong taon, namuhay ang mga prehistorikong tao sa pangangaso at pangangalap ng pagkain.

III- Dakong 12,000 taon nang matutuhan ng mga sinaunang tao ang pagtatanim. Tuluyan ding umunlad ang kanilang mga kasangkapan sa paggamit ng mas makinis na bato.

IV- Ito ang nagpasimula sa Panahong Neolitiko.

A. I, II, at II C. I, II, IVB. I, II, III at IV D. I at IV

25. Suriin ang mapa sa ibaba at sagutin ang katanungan.

Page 5: 1. AP 9 Prelim Exam

Batay sa mapa, ano ang pagkakatulad ng mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesopotamia, Egyptian, Indus, at Tsino?

A. Magkakatulad ang kanilang relihiyon at sining. B. Nanirahan ang mga sinaunang tao sa tabi ng ilog. C. Umunlad sa isang kontinente ang mga nabanggit na kabihasnan.D. Itinatag sa gitna ng disyerto ang mga sinaunang kabihasnan.

26. Batay sa Mapa ng Mesopotamia, paano mo mailalarawan ang heograpiya at pamumuhay nito.

I- Nagsimula sa malawak na lupaing dinadaluyan ng mga ilog Tigris at Euphrates ang kauna-unahang mga lungsod sa daigdig, tinatawag na Mesopotamia ang lupaig matatagpuan sa pagitan ng mga ilog na ito.

II- Matatagpuan ang Mesopotamia sa rehiyon ng Fertile Crescent, isang paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang baybayin ng Mediterranean Sea.

III- Ang regular na pag-apaw ng ilog Tigris at Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik (silt). Dahil dito, nagiging mataba ang lupain ng rehiyon na nakabubuti sa pagtatanim.

IV- Ang Mesopotamia ay walang likas na hangganan kaya mahirap ipagtanggol ang lupaing ito sa ibang karatig lugar. Naimpluwensiyahan din ito ng mga

karatig lugar dahil na rin sa mga ugnayang pangkalakalan at tunggaliang militar.

A. I, II at IV C. I, II, IIIB. I, III at IV D. I, II, III, IV

27. Pansinin ang mapa ng Kabihasnan ng Indus. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan ng heograpiya at pamumuhay ng mga tao ditto?

A. Ang Harappa ay makikita sa Hilagang bahagi samantalang ang Mohenjo-Daro ay nasa Timog kaya naman ang nakasentro ang pamumuhay ng mga mamamayan sa Mohenjo-Daro

B. Ang Mohenjo-Daro ay makikita sa Hilagang bahagi samantalang ang Harappa ay nasa Timog kaya naman ang nakasentro ang pamumuhay ng mga mamamayan sa Harappa.

C. Ang Harappa ay makikita sa Hilagang bahagi samantalang ang Mohenjo-Daro ay nasa Timog kaya naman ang nakasentro ang pamumuhay ng mga mamamayan sa Harappa.

D. Ang Mohenjo-Daro at Harappa ang sentro ng pamumuhay ng mga mamamayan na kung saan ang pinagkikitaan ay nakasalalay sa ilog Indus.

28. Buuin ang tsart ng sanhi at bunga sa pamamagitan ng pagtatala ng angkop na dahilan at epekto tungkol sa pinagmulan ng kabihasnan sa Mesopotamia. (P/S)

w. Natuklasan ng mga nomadikong tao ang matabang lupain sa pagitan ng Euphrates at Tigris. x. Sinalakay ng mga Assyrian ang Imperyong Babylonia na tuluyang ikinabagsak nito. y. Nanaig ang mga Chaldean laban sa mga Assyrian. z. Permanenteng nanirahan ang mga sinaunang tao sa Mesopotamia at pinaunlad ang kanilang pamumuhay sa lugar na iyon.

A. w at z C. y at z

Page 6: 1. AP 9 Prelim Exam

B. x at y D. z at w

29. Ang Ghana ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa. Sumibol ang isang malakas na estado sa rehiyong ito dulot ng lokasyon nito sa timog na dulo ng kalakalang Trans-Sahara. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang salik sa paglakas ng imperyong ito?

A. Bumili ng mga kagamitang pandigma na yari sa bakal at mga kabayo.B. Malayang nakapagtatanim ang mga tao dulot ng matabang lupa sa malawak na kapatagan ng

rehiyon.C. Ang pagkakaroon ng sapat na pagkain ay isang dahilan kung bakit lumaki ang populasyon dito. D. Sagana rin ang tubig upang punan ang pangangailangan sa mga kabahayan at sa irigasyon.

30. Aling pahayag ang may wastong impormasyon batay sa diyagram?

A. May pagkakapantay-pantay sa lipunang Egyptian noong sinaunang panahon.

B. Ang mga alipin at mangangalakal ay may pantay na karapatan sa Egypt.

C. Mas mataas ang posisyon ng mga paring Egyptian kaysa sa mga mandirigma.

D. Ang Pharaoh, maharlika, at magsasaka ang nasa mataas na antas ng lipunang Egyptian.

31. Ang kaharian ng Axum ay sentro ng kalakalan noong 350 C.E. sa Africa. Malawak ang pakikipagkalakalan nito. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng kalakalang ito?

A. Nagkaroon ng pormal na kasunduan ng kalakalan sa mga Greek.B. Ang mga elepante, ivory (ngipin at pangil ng elepante), sungay ng rhinoceros, pabango, at

pampalasa o rekado ang karaniwang kinakalakal sa Mediterranean at Indian Ocean.C. Tinanggap nila ang Kristiyanismo na naging opisyal na relihiyon ng Kaharian. D. Naging maunlad ang pamumuhay ng lahat ng mamamayan.

32. Isa sa mga kabihasnan na umusbong sa Pasipiko ay ang Polynesia. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa pamumuhay ng mga tao dito?I- Ang sentro ng pamayanan ay ang tohua na kadalasang nasa gilid ng mga bundok. Ito ay

tanghalan ng mga ritwal at pagpupulong. II- Ang pangunahing kabuhayan ng mga Polynesian ay pagsasaka at pangingisda.III- Sa larangan ng pananampalataya, naniniwala sila sa banal na kapangyarihan o mana. Ang

katagang mana ay nangangahulugang “bisa” o “lakas.”

A. I at II C. I, II at IIIB. I lamang D. II at III

33. Noong 322 B.C.E., nasakop ni Chandragupta Maurya ang dating kaharian ng Magadha at tinungo ang

mga naiwang lupain ni Alexander. Sakop ng imperyo ang hilagang India at bahagi ng kasalukuyang Afghanistan. Ano ang naging dahilan ng pagbagsak ng imperyong ito?

A. Nagsimulang humiwalay sa imperyo ang ilang mga estadong malayo sa kabisera. Sa pagbagsak ng Imperyong Maurya noong ikalawang siglo B.C.E. nagtagisan ng kapangyarihan ang mga estado ng India. Sa sumunod na limang siglo, ang hilaga at gitnang India ay nahati sa maliliit na kaharian at estado.

B. Sa pagsapit ng ikaanim na siglo C.E., nagsimulang humina at bumagsak ang Gupta sa kamay ng panibagong mananakop, ang mga White Hun, na maaaring mga Iranian o Turk mula sa Gitnang Asya.

C. Sa pagsapit ng ikaanim na siglo C.E., nagsimulang humina at bumagsak ang Gupta sa kamay ng panibagong mananakop,ang mga White Hun, na maaaring mga Iranian o Turk mula sa Gitnang Asya

D. Humina ito dahil sa pagdating ng makapang-yarihang English sa India.

Page 7: 1. AP 9 Prelim Exam

34. Ang mga natural na hadlang sa China tulad ng mga disyerto, bulubundukin, at dagat ang nagbigay-daan sa pagpapanatili ng natatanging kultura ng mga sinaunang Tsino at pag-unlad ng isang kabihasnang tumagal ng halos 3000 taon. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI naglalarawan dito?

A. Ang hinahangaang Great Wall of China ay itinayo upang magsilbing-tanggulan laban sa mga tribong nomadiko na nagmula sa hilaga ng China may haba 2400 kilometro o 1500 milya sa Dinastiying Ch’in.

B. Umusbong noon ang mahahalagang kaisipang humubog sa kamalayang Tsino kabilang ang Confucianism at Toaism sa Dinastiyang Chou Nagkaroon ng malakawakang pagpapatayo ng Great Wall of China sa Dinastiyang Ming.

C. Sa dinastiyang Han unang isinulat ang kasaysayang ng China.

35. Alin sa mga sumusunod ang naging kontribusyon ng Kabihasnang China sa daigdig?I- Oracle Bones na nakalagay ang sinaunang kasulatan ng TsinoII- Great Wall of China na naging tanyag hanggang ngayonIII- Kasaysayan ng China na basehan ng kasalukuyanIV- Pilosopiyang humuhubog sa mga Tsino.

A. I, II at III C. I at IIIB. I, II, IV D. I, III at IV

36. Isunod-sunod ang mga pangyayari sa Egypt.

I- Pagsapit ng ikaapat na milenyo B.C.E., ang ilang pamayanan ay naging sentro ng pamumuhay sa sinaunang Egypt.

II- Ang Matandang Kaharian ay nagsimula sa Ikatlong Dinastiya ng Egypt. Ang mga kahanga-hangang pyramid o piramide ng Egypt na itinayo sa panahong ito ay nagsilbing mga monumento ng kapangyarihan ng mga pharaoh at huling hantungan sa kanilang pagpanaw.

III- Ang tinatawag na Unang Intermedyang Panahon ay panahon ng Ikapito hanggang Ika-11 Dinastiya ng Egypt. Sa pagsapit ng 2160 B.C.E., tinangka ng mga panibagong pharaoh na pagbukluring muli ang Lower Egypt mula sa kabisera nitong Heracleopolis.

IV- Nagpatuloy ang pamamahala ng mga Ika-13 at Ika-14 na Dinastiya sa alinman sa dalawang lugar, sa Itjtawy o sa Thebes. Subalit nang lumaon, nagsimulang humina ang kanilang kontrol sa lupain.

V- Ang Ika-21 Dinastiya, na tinawag din bilang Tanites, ay pinasimulan ni Smendes (1070-1044 B.C.E.) ng Lower Egypt.

A. I, III, IV, II at V C. I, II, III, IV, VB. I, III, IV, II at V D. V, II, I, III, IV

37. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunang tao? A. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa kasalukuyang

panahon. B. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t kaunti ang kanilang mga

ambag. C. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga pamanang ito. D. Limitado lamang ang kakayahan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng mga kahanga-

hangang bagay sa daigdig.

38. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng pag-aaral ng heograpiya?

A. Ang Germany ay miyembro ng European Union. B. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristiyano.C. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan.

Page 8: 1. AP 9 Prelim Exam

D. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel, at silangan ng West Philippine Sea.

39. Paano mapananatili ang mabuting ugnayan ng mga tagasunod ng iba’t ibang relihiyon sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga paniniwala?

A. Huwag pansinin ang mga taong may ibang relihiyon. B. Makisalamuha sa mga taong may magkatulad na relihiyon. C. Gawing makatuwiran ang mga taliwas na paniniwala ng ibang relihiyon. D. Panatilihin ang paggalang sa bawat isa kahit may magkakaibang relihiyon.

40. Paano napakikinabangan sa kasalukuyan ang sistemang agrikultura na pinasimulan ng mga sinaunang tao noong panahong Neolitiko?

A. Agrikultura ang tanging ikinabubuhay natin sa kasalukuyan. B. Walang pagbabago sa sistema ng agrikultura upang magkaroon tayo ng sapat na pagkain. C. Limitado ang karne dahil hindi marunong ang mga makabagong tao na magpaamo ng hayop. D. Isa ang agrikultura sa pangunahing kabuhayan at pinagkukunan ng pagkain ng mga tao sa

kasalukuyan.

41. Ano ang kahalagahan ng kalakalan sa mga sinaunang tao na napakikinabangan pa rin sa kasalukuyan? A. Nakasalalay dito ang pag-unlad ng agrikultura. B. Dito lamang nakadepende ang yaman ng bansa. C. Natutugunan nito ang ibang pangangailangan ng tao. D. Nagkakaloob ito ng kaayusan at katahimikan sa lipunan.

42. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng ugnayang heograpiya-kasaysayan? (U) A. May klimang tropikal ang mga bansa malapit sa equator. B. Napaliligiran ang China ng malalawak na disyerto at nagtataasang bulubundukin. C. Pinag-isa ni Haring Sargon ang mga lungsod-estado ng Sumer na nagbigay-daan sa pagtatag ng

unang imperyo sa daigdig. D. Umunlad ang kabihasnang Egyptian dahil sa kapakinabangang dulot ng Nile sa mga sinaunang

taong nanirahan sa mga lambak nito.

43. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan sa Mesopotamia, aling sitwasyon ang hindi nararapat na maganap sa iyong lungsod-estado?

A. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling masakop ang mga teritoryo nito.

B. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na magpapaunlad sa iyong pamumuhay.

C. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang bagay. D. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng lungsod.

44. Bakit karapat-dapat hangaan ang mga sinaunang kabihasnang umunlad sa Mesoamerica? A. Dahil itinatag ang mauunlad na kabihasnang ito sa America. B. Dahil higit na mataas ang antas ng pamumuhay ng mga taga- Mesoamerica kaysa sa mga

kabihasnang itinatag sa Asya at Africa. C. Dahil nananatili pa rin ang kanilang kabihasnan hanggang sa kasalukuyang panahon. D. Dahil nagtagumpay ang mga katutubo na makapagtatag ng mahusay na pamayanan sa kabila ng

mga hamon ng kapaligiran sa kanilang buhay.

45. Ano ang isang patunay na kapaki-pakinabang ang mga pamanang inihandog ng mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon?

A. Limitado lamang ang naiwang pamana ng mga Olmec dahil sa pagnakaw ng mga kayamanan at pagkasira ng mga estruktura nito.

Page 9: 1. AP 9 Prelim Exam

B. Patuloy pa ring ginagamit ang papel, compass, at imprentang naimbento ng mga sinaunang Tsino.

C. Madaling unawain ang cuneiform at hieroglyphics na dapat maging asignatura sa mga paaralan sa kasalukuyan.

D. Umanib sa mga relihiyong itinatag noong panahon ang mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.

II- Sanaysay

1-5. Current Events. Ibigay ang iyong sariling perspektibo sa sumusunod na isyu.

Ika-28 ng Hulyo isinigawa ni Presidente Noynoy Aquino ang kanyang State of the Nation Address. Dito niya ipinahayag ang tungkol sa DAP o Disbursement Accelaration Program na sinasabing hindi konstitusyonal. Ano ang ibig sabihin ng programang ito? Sa iyong sariling perspektibo, ano ang masasabi mo tungkol sa DAP?

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Pamantayan sa pagmamarka: Ang perspektibo ay napakalohikal at nagpapahayag ng makabuluhang argumento– 5 Ang perspiktibo ay lohikal at nagpapayahag ng argumento – 4 Ang perspiktibo ay hindi gaanong lohikal ngunit nagapahayag ng argumento– 3 Ang perspektibo ay hindi lohikal ngunit nagpapahayag ng argumento- 2 Ang perpektibo ay hindi lohikal at walang argumento– 1

6-15. Hindi lingid sa kaalaman mo na sa kasalukuyan unti-unti nang nawawala nag mga pamana ng mga sinaunang kabihasnan kaya naman, gayong napag-aralan mo na ang iba’t-ibang kabihasnan at kung gaano kahalaga ang kontribusyon ng mga sa kasalukuyan, anong proyekto ang maaari mong imungkahi upang mapangalagaan at mapreserba ang mga sinaunang kabihasnan para sa kasalukuyang henerasyon? Ilarawan mo ito.

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Pamantayan:

Ang proyekto ay kapaki-pakinabang, makabuluhan at makatotohanan – 10 Ang proyekto ay makatotohanan at makabuluhan – 8 Ang proyekto ay makatotohanan ngunit hindi gaanong makabuluhan – 6 Ang proyekto ay makakatotohanan ngunit hindi makabuluhan – 4 Ang proyekto ay hindi makabuluhan at makatotohana – 2