Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng "Ang Kuwintas" ni Guy de Maupassant

  • Upload
    coleen

  • View
    774

  • Download
    16

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng "Ang Kuwintas" ni Guy de Maupassant

Citation preview

Ang Kaligirang PangkasaysayanNg Ang Kuwintas ni Guy de MaupassantAng Kuwintas, La Parure sa French, na isinulat ni Guy de Maupassant ay unang inilathala noong ika-17 ng Pebrero taong 1884 sa pahayagang Le Gaulois sa Paris, France. Noong 1885, isinama ang akdang ito sa kanyang koleksyon ng mga maiikling kuwento: ang Contes dejour et de la nuit (Tales of Day and Night). Tulad ng kanyang mga akda, ang La Parure ay ang naging matagumpay. Sa kalaunan ang storying ito ay ang naging pinakatanyag na akda ni Maupassant, at itoy ginawan ng mga antolohiya.Taong 1800 nang magkaroon ng mga problema sa ekonomiya ang France matapos ang digmaang Franco-Prussian. Dulot nito, umusbong ang estrakturang caste, kung saan nagkaroon ng distingksyon sa pagitan ng mayayaman, at mahihirap. Sa panahong ito, hindi naging karaniwan ang pagpapalit ng antas sa lipunan. Ang mga magulang ni Maupassant ay kabilang sa lower aristocracy at naghiwalay noong bata pa lamang siya. Noong dalawampung taong gulang siya,nagkaroon siya ng syphilis. Dahil sa mga dinanas na paghihirap ang paghihiwala ng kanyang magulang at ang pagkakaroon niya ng malubhang sakin ay naapektuhan ang kanyang mentalidad o pag-iisip. Ang buhay ni Guy de Maupassant at ang sistema ng lipunan sa taong 1800 sa France ay isinasalamin sa akdang Ang Kuwintas. Ang pangunahing tauhan sa kuwento na si Madame Mathilde Loisel ay inilarawan bilang isang babaeng nagbibigay-importansya sa mga kagamitan. Ginusto niyang yumaman at maging mapasama sa antas ng upper class. Tulad ni Maupassant, si Mathilde ay at nakaranas ng emosyonal na pagdurusa matapos makadanas ng mga paghihirap nang siyay magkautang.Sanggunian: www.sparknotes.com/short-stories/the-necklace/context.htmlwww.enotes.com/homework-help/what-new-historicism-how-does-neclace-reflect-360264www.encyclopedia.com/article-1G2-2695100019/necklace.html