33
Produksyo n Aralin 6

Aralin 6 produksyon.pptx

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Aralin 6 produksyon.pptx

Produksyon

Aralin 6

Page 2: Aralin 6 produksyon.pptx

Gawain 1: Isulat sa loob ng kahon ng input ang mga bagay na kailangan upang mabuo ang produktong makikita sa output .

Page 3: Aralin 6 produksyon.pptx

Ayusin ang mga larawan ayon sa pagkakasunod-sunod ng pagkakabuo ng produkto. Ilagay ang bilang ng larawan sa mga kahon sa ibaba.

Gawain 2 Train Map

Page 4: Aralin 6 produksyon.pptx

Pamprosesong Tanong:

• Sa iyong palagay, paano nagkakaugnay-ugnay ang mga larawan?

• Ano ang naging batayan mo sa pagsasaayos ng larawan?

• Ano ang tawag sa prosesong naganap mula sa una hanggang sa ikaapat na larawan?

Page 5: Aralin 6 produksyon.pptx

Produksyon (Production)

Page 6: Aralin 6 produksyon.pptx

Ang kahulugan ng Produksyon

• Sa ekonomiks, ang produksyon ay isang proseso ng pagpapalit-anyo (transformation) ng mga input upang makalikha ng mga output.

Page 7: Aralin 6 produksyon.pptx

Produksyon

• Paglikha ng kalakal o serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.

• Proseso kung saan pinagsasama ang mga salik ng produksyon (input) upang mabuo ang isang produkto (output).

Page 8: Aralin 6 produksyon.pptx

Ang mga Input ay ang mga salik ng Produksyon

Page 9: Aralin 6 produksyon.pptx

Ang produksyon ay naglalayong makagawa ng output( nalilikhang produkto)Commodity-output na nais ibenta

Page 10: Aralin 6 produksyon.pptx

Iba’t-ibang uri ng Produkto

Page 11: Aralin 6 produksyon.pptx

Ang produksyon ay nagaganap sa mga bahay-kalakal na gumagamit ng mga salik ng produksyon upang makalikha ng produkto

Page 12: Aralin 6 produksyon.pptx

Mga Salik ng Produksyon

•Ang mga salik ng produksyon ay mga pinagkukunang yaman na may kapakinabangan sa produksyon.

Nagiging posible ang produksiyon sa pagsasama-sama ng mga salik (factors of production) tulad ng lupa, paggawa, kapital, at entrepreurship.

Page 13: Aralin 6 produksyon.pptx

LUPA BILANG SALIK NG PRODUKSYON

Hindi naililipat at naigagalaw

May Hangganan

May iba’t ibang gamit

Republic Act 8371 o Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997

Page 14: Aralin 6 produksyon.pptx

• Sa ekonomiks, ang lupa ay hindi lamang tumutukoy sa tinataniman ng mga magsasaka o pinagtatayuan ng bahay. Kasama rin dito ang lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim nito, pati ang mga yamang-tubig, yamang-mineral, at yamang-gubat. Hindi tulad ng ibang salik, ang lupa ay may naiibang katangian sapagkat ito ay fixed o takda ang bilang. Samakatuwid, ang wastong paggamit ng lupa ay mahalaga. Malaki man o maliit ang sukat nito, kailangang tiyakin ang pagkakaroon ng produktibong paggamit.

Page 15: Aralin 6 produksyon.pptx

Ang salik na Paggawa

• Tinatawag na paggawa (labor) ang pisikal at mental na kakayahan o lakas ng isang tao upang makapaglingkod.

Page 16: Aralin 6 produksyon.pptx

Lakas Paggawa bilang salik ng produksyon

• Ang lakas-paggawa ay tumutukoy sa kakayahan ng tao sa produksyon ng kalakal o serbisyo.

• 2 uri ng lakas-paggawa:

1.Manggagawang may kakayahang mental o mga may white-collar job. Mas ginagamit ang kanilang isip kaysa sa lakas ng katawan sa paggawa.

Halimbawa: mga doktor, abogado, inhinyero, at iba pa.

Ang katawagang white collar ay unang ipinakilala ni Upton Sinclair, isang Amerikanong manunulat noong 1919.

Page 17: Aralin 6 produksyon.pptx

2. Ang isa pang uri ng lakas-paggawa ay ang mga manggagawang may kakayahang pisikal o silang mga tinaguriang may blue collar job. Mas ginagamit naman nila ang lakas ng katawan kaysa sa isip sa paggawa. Hal. ang mga karpintero,driver,magsasaka atbp.

Page 18: Aralin 6 produksyon.pptx

Pag-uuri sa paggawaBatay sa rank ng manggagawa

Ayon sa kahandaan ng manggagawa sa pagganap sa tungkulin

• white-collar job-tumutukoy sa gawaing mental.

• White-collar worker-mga propesyonal na tumatanggap ng sahod at mga edukadong manggagawa.

• Blue-collar job-umaasa sa paggawang pisikal.

• Blue-collar worker-karaniwang nasa rank-and-file. Hindi mataas ang kanilang katungkulan sa bahay-kalakal.

• Skilled- handang gampanan ng manggagawa ang isang espesyalisadong gawain. Nangangailangan ng mataas na kasanayan sa paggawa.

• Halimbawa: Abogado, Doktor, Guro, at iba pa.

• Semi-skilled-kinakailangan na may batayang kakayahan. Marunong magbasa at magsulat. May kakulangan sa edukasyon o pagsasanay.

• Unskilled-hindi mahalaga sa paglikha ng paglilingkod. Hindi inaasahang nakapag-aral o nakadalo sa pagsasanay basta nagampanan niya ang naiatas na paglilngkod.

Page 19: Aralin 6 produksyon.pptx

• Sahod o Sweldo- ang tawag sa pakinabang ng manggagawa sa ipinagkaloob na paglilingkod .

Ang mga manggagawa ay may malaking ginagampanan sa ating pang araw-araw na pamumuhay sapagkat ang kanilang paggawa ng produkto at serbisyo ang tumutustos sa ating mga pangangailangan

Page 20: Aralin 6 produksyon.pptx

Ang salik na Kapital• Ang kapital ay tumutukoy sa

kalakal na nakalilikhang iba pang produkto.

• Capital goods-materyal na representasyon ng kapital.Ipinakilala ni Anne Robert-Jacques-Turgot.

• Pinagyaman ni Adam Smith ang konsepto ng kapital.

Page 21: Aralin 6 produksyon.pptx

Mas magiging mabilis ang paggawa kung may mga makinarya o kasangkapang gagamitin ang mga manggagawa. Ang mga kagamitang ito na gawa ng tao ay ginagamit sa paglikha ng panibagong kalakal ay isang halimbawa ng kapital. Ang kapital ay maaari ding iugnay sa salapi at imprastruktura tulad ng mga gusali, kalsada, tulay pati na ang mga sasakyan.

Page 22: Aralin 6 produksyon.pptx

• Ang pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa ay hindi lamang nakadepende sa lupa at lakas-paggawa. Ayon sa artikulo ni Edward F. Denison na may pamagat na “The Contribution of Capital to Economic Growth” (1962), ang kapital ay isa sa mga salik sa pagtamo ng pagsulong ng isang bansa. Sa makabagong ekonomiya, nangangailangan ang mga bansa na mangalap ng malaking kapital upang makamtan ang pagsulong. Ang kabayaran sa paggamit ng kapital sa proseso ng produksiyon ay

Page 23: Aralin 6 produksyon.pptx

Mga Anyo ng Kapital

Capital

Circulating-mabilis

magpalit anyo

Free-maaring gamitin ayon sa

gusto ng entreprenyur

Fixed-pirmihang puhunan

Specialized-may takdang gamit

Page 24: Aralin 6 produksyon.pptx

• Ang entrepreneurship ay tumutukoy sa kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo. Ang entrepreneur ang tagapag-ugnay ng naunang mga salik ng produksiyon upang makabuo ng produkto at serbisyo. Siya rin ang nag-oorganisa, nagkokontrol at nakikipagsapalaran sa mga desisyon sa mga bagay na makaaapekto sa produksiyon. Taglay ng isang entrepreneur ang pag-iisip na maging malikhain, puno ng inobasyon at handa sa pagbabago.

Entrepreneurship bilang salik ng Produksyon

Page 25: Aralin 6 produksyon.pptx

•Ayon kay Joseph Schumpeter, isang ekonomista ng ika-20 siglo, napakahalaga ng inobasyon para sa isang entrepreneur. Ipinaliwanag niya na ang inobasyon o patuloy na pagbabago ng entrepreneur sa kaniyang produkto at serbisyo ay susi sa pagtamo ng pagsulong ng isang bansa.

Page 26: Aralin 6 produksyon.pptx

• Maliban sa pagiging magaling na innovator tulad ng paggamit ng makabagong pamamaraan at estilo sa paggawa ng produkto at pagkakaloob ng serbisyo, ang sumusunod ay ilan sa mga katangian na dapat taglayin upang maging matagumpay na entrepreneur:

• 1. Kakayahan sa pangangasiwa ng negosyo.

• 2. Matalas na pakiramdam hinggil sa pagbabago sa pamilihan.

• 3. May lakas ng loob na humarap at makipagsapalaran sa kahihinatnan ng

• negosyo.

Page 27: Aralin 6 produksyon.pptx

ENTREPRENEURSHIP

•Kakayahan ng indibidwal na mabatid ang kalakal at serbisyo na kailangan ng tao.•Gawaing nauukol sa pagsisimula ng

isang bagong bahay kalakal.• Isang mahirap na gawain.

Page 28: Aralin 6 produksyon.pptx

Kahalagahan ng Entrepreneurship

Bagong Hanapbuhay

Page 29: Aralin 6 produksyon.pptx

Bagong Produkto

Page 30: Aralin 6 produksyon.pptx

•Bagong Kasanayan

Page 31: Aralin 6 produksyon.pptx

Kahalagahan ng Entrepreneurship

Bagong Teknolohiya

Page 32: Aralin 6 produksyon.pptx

Katangian ng Isang Entrepreneur• Kakayahang Makipagsapalaran

• Kakayang Makipagkompetensya

• Pagigiging Malikhain.

• Kakayahang makatayo sa sariling paa.

• Kakayahang makaangkop sa stress.

• Kakayahang gawing kasiyasiya ang trabaho

• Pagsusumikap.

• Kababaang loob

• Pagtitiwala sa sarili

Page 33: Aralin 6 produksyon.pptx