4
Mecaelah S.Palaganas Arkiyoloji 1 2014-20608 2:30-4:00pm ollege o! "ngineering #$S Ma%erials "ngineering& '()-1 Ang Kontribusyon ni F. Landa Jocano sa Kaunlaran ng Antropolohiya ng Pilipinas Si (elipe *an+a ,ocano isinilang sa loilo noong ika-/ ng Pe ero %aong 1 30 kanyang alang h mpay na kon%ri syon sa pag- nla+ ng an%ropolohiya sa Pilipinas %inag riang ka na- nahang c l% ral an%hropologis% ng a%ing ansa. Si ,ocano ay nanggaling lamang sa isang mahirap na pamilya na hin+ kakayahan pang siya ay s por%ahan sa kanyang pag-aaral. %o ang nag- +yok sa kan magp rsigi pang magpa% loy ng pag-aaral. Sa kanyang m rang e+a+ l m as siya pang mag-aral sa haysk l. Siya ay nakapag%apos sa Arellano ni5ersi%y na pinasok i ang %ra aho pang ma% g nan ang kanyang pangangailangan. $agama% sin magpa% loy ng kolehiyo ay hin+i i%o na% pa+ +ahil siya ay nagkaroon ng saki% na n +ahilan pang siya ay m i pa alik sa loilo. 7i%o nagsim la ang kanyang pagka an%ropolohiya. akilala niya ang isang kilala a% a%ikang an%hropologis% na si 7r. siya naming % m long sa kanya pang makak ha ng %ra aho sa a%ional M se m. n nagsil i ri%o ilang %agalinis ng mga specimen a% i a pang gami% sa m se m. ;as nagkaroon siya ng pagkaka%aong s m la% kol sa hay ng halaman a% hayop na siy p m ka sa pansin ng i a % i ang p lisher % la+ ng Manila <imes. Maging ang ng "+ kasyon ay namangha sa kanyang ga a kaya naman i%o ay nais la% sa isang li ginagami% ng mga es% +yan%e a% +i%o nagsim la ang kanyang karera. agkar pagkaka%aong makapag%apos sa en%ral ni5ersi%y o! %he Philippines a% +i nag%agal ng Mas%er s 7egree in An%hropology noong 1 62 a% Ph.7. in Social An%hropology ng s na %aon sa ni5ersi%y o! hicago. 7i%o nagsim la ang kanyang karera. $ malik siya a%ing ansa pang mag% ro sa ni ersi+a+ ng Pilipinas k ng saan siya ay nag% ro i a % i ang posisyon. Siya ay naging chair ng 7epar%men% o! An%hropology a% %he

Arkiyo1_Essay2

Embed Size (px)

DESCRIPTION

arkiyoloji

Citation preview

Mecaelah S. PalaganasArkiyoloji 12014-206082:30-4:00pmCollege of Engineering (BS Materials Engineering)WFX-1

Ang Kontribusyon ni F. Landa Jocano saKaunlaran ng Antropolohiya ng PilipinasSi Felipe Landa Jocano, isinilang sa Iloilo noong ika-5 ng Pebero taong 1930, ay kilala sa kanyang walang humpay na kontribusyon sa pag-unlad ng antropolohiya sa Pilipinas. Siya ang tinaguriang kauna-unahang cultural anthropologist ng ating bansa. Si Jocano ay nanggaling lamang sa isang mahirap na pamilya na hindi sapat ang kakayahan upang siya ay suportahan sa kanyang pag-aaral. Ito ang nag-udyok sa kanya na magpursigi upang magpatuloy ng pag-aaral. Sa kanyang murang edad, lumuwas siya ng Maynila upang mag-aral sa hayskul. Siya ay nakapagtapos sa Arellano University na pinasok ang ibat ibang trabaho upang matugunan ang kanyang pangangailangan. Bagamat sinubukan niyang magpatuloy ng kolehiyo, ay hindi ito natupad dahil siya ay nagkaroon ng sakit na nagging dahilan upang siya ay umuwi pabalik sa Iloilo. Dito nagsimula ang kanyang pagkahilig sa antropolohiya. Nakilala niya ang isang kilala at batikang anthropologist na si Dr. Robert Fox na siya naming tumulong sa kanya upang makakuha ng trabaho sa National Museum. Una siyang nagsilbi rito bilang tagalinis ng mga specimen at iba pang gamit sa museum. Kasunod nito ay nagkaroon siya ng pagkakataong sumulat ukol sa buhay ng halaman at hayop, na siya naming pumukaw sa pansin ng ibat ibang publisher tulad ng Manila Times. Maging ang Departamento ng Edukasyon ay namangha sa kanyang gawa kaya naman ito ay naisulat sa isang libro na ginagamit ng mga estudyante at dito nagsimula ang kanyang karera. Nagkaroon siya ng pagkakataong makapagtapos sa Central University of the Philippines at di nagtagal ay nakakuha ng Masters Degree in Anthropology noong 1962 at Ph.D. in Social Anthropology ng sumunod na taon sa University of Chicago. Dito nagsimula ang kanyang karera. Bumalik siya sa dito sa ating bansa upang magturo sa Unibersidad ng Pilipinas kung saan siya ay nagturo at nagsilbi sa ibat ibang posisyon. Siya ay naging chair ng Department of Anthropology at the College of Arts and Sciences. Siya rin ay naging Dean and Professor of Anthropology of the Institute of Philippine Studies at the Philippine Center for Advanced Studies na ngayon ay Asian Center na.Isa sa pinakamaaga at pinakatanyag na kontribusyon ni Jocano ay ang kanyang salin at dokumentasyon ng bisayang epikong Hinilawod (Tales From The Mouth of The Halawod River). Ito ay naging mahalagang parte ng literatura at kultura ng bansa. Maliban dito, si Jocano ay may kontribusyon din ukol sa alternatibo para sa teorya ni H. Otley Beyer, kilala sa tawag na wave model, na nagsasabing ang mga unang tao sa Pilipinas ay nagmula sa migrasyon ng mga Aeta, Indonesian at mga Malay. Ngunit para kay Jocano, ang teoryang ito ay walang sapat na ebidensya. Ayon sa kanyang Core Population Theory ay mayroon na talagang mga naninirahang tao dito sa ating bansa bago pa man magkaroon ng kahit anong migrasyon. Nakasaad sa aklat na pinamagatang Philippine History ni Christine N. Halili ang konsepto tungkol sa core population theory.

(Halili,2004)Lahat ng mga gawa ni Jocano ay hindi magiging posible kung wala ang kanyang participant observation- isang epektibo at sistematikong metodolohiya na ipinakilala niya sa ating bansa. Ito ay isang paraan kung saan ang isang researcher ay tumitira o pumapasok sa isang grupo ng tao o komunindad kung saan naroon ang populasyon na kanyang pag-aaralan. Ito ay upang maobserbahan, mapag-aralan ang paraan ng pamumuhay, paniniwala , linggwahe, at iba pa. Maaari ring makilahok ang researcher sa kung ano man ang ginagawa nila upang maramdaman niya ang perspektibo ng populasyon. Sa ganitong paraan, ay nakakakalap ng mas maraming impormasyon ang nag-aaral. Ilan sa mga pag-aaral ni Jocano na bunga ng paraang ito ay ang The Traditional Work of Malitbog (1969) at The Experience and Perspective in a Slum Neighborhood. An Anthropological View (1973).Nakapagsulat din si Jocano ng ibat ibang aklat tungkol sa kanyang mga pag-aaral tulad ng Filipino Prehistory: Rediscovering Precolonial Heritage (1998), Filipino Indigenous Ethnic Communities: Patterns, Variations, and Typologies (1998), Slum as a Way of Life (1975) at marami pang iba na talaga namang nakatulong sa paglawak ng kaalaman sa antropolohiya.Dahil sa hindi mabilang at di matatawarang kontribusyon ni Jocano sa larangan ng literatura at sa pag unlad at pag usbong ng antropolohiya sa ating bansa, nagkamit siya ng maraming parangal. Kabilang dito ang National Science Awards (1973), Republic Cultural Heritage Award (1971), Ten Outstanding Young Men (1965), and the Philippine Legion of Honor (2007). Noong nakaraang Mayo ay binigyan din siya ng parangal ng National Commission for Arts and Culture (NCCA) na pinamagatang Dangal ng Haraya.Tunay ngang isa si F. Landa Jocano sa mga maipagmamalaki nating mga Pilipino. Siya ay naging instrumento upang maisilang at mabigyang buhay hindi lamang ang sektor ng antropolohiya kundi pati na rin ang kabuuang kultura ng Pilipinas. Ang kanyang mga gawa at kontribusyon any naging daan upang magising ang maraming Pilipino sa kamalayan na mahalaga at may kabuluhan ang pag-aaral ng kultura at kasaysayan ng Pilipinas. Si Jocano ay pumanaw noong ika 27 ng Oktubre, 2013.

Pinagsipian

National Commission for Culture and Arts. (2014). NCCA to Honor F. Landa Jocano with Dangal ng Haraya Award. Accessed from http://www.ncca.gov.ph/about-ncca/press-releases/press-release.php?i=181Cruz, V. (2013). F. Landa Jocano, anthropologist and U.P. professor emeritus, passes away. GMA News. Accessed from Accessed from http://www.gmanetwork.com/news/story/332871/lifestyle/peopleandevents/f-landa-jocano-anthropologist-and-up-professor-emeritus-passes-away

Halili, M. C. (2004). Philippine History. p35 Accessed fromhttp://books.google.com.ph/books?id=gUt5v8ET4QYC&pg=PA35&lpg=PA35&dq=core+population+theory+in+the+philippines&source=bl&ots=gw0bMP_4Xx&sig=kV6-nlxG5T3iarEau1dkQk7XpJ8&hl=en&sa=X&ei=n94NVKS_L4jy8QW14YIY&ved=0CD0Q6AEwBA#v=onepage&q=core%20population%20theory%20in%20the%20philippines&f=false

Jadloc, M. D. (2013). F. Landa Jocano, 83 . Accessed from http://upd.edu.ph/~updinfo/oct13/articles/F_Landa_Jocano.html,

Panopio, I., & Rolda, R. S. (2007). Society and Culture: Introduction to Sociology and Anthropology (Third Revision ed.). Katha Publishing Co., Inc. Accessed from http://books.google.com.ph/books?id=1SLb8yk5r3wC&printsec=frontcover#v=onepage&q&f=false