arkiyoloji

Embed Size (px)

DESCRIPTION

essay

Citation preview

Arkeolohiya: Batay sa Katotohanan

Ang arkeolohiya ay ang pag-aaral ng kultura, kabihasnan, kapaligiran at mga tao o nilalang na nakasalalay sa pag-aanalisa ng mga labi at pagdedetermina ng kahulugan nito. Ito ay isang disiplina na nakabatay sa katotohanan, sa matibay na ebidensya, at sa masusing pag-aaral. Upang suportahan ang depinisyong ito, ilalahad ko ang pamamaraan at stratehiya na ginawa o ginamit ng isang grupo ng mga archaeologist ng Time Team sa kanilang ginawang pag-aaral upang tuklasin ang nababalot na nakaraan ng South Periot, Dorset.Nagtungo ang tinaguriang Time Team sa South Periot, Dorset dahil sa mag-asawang nag-ulat sa kanila na posibleng isang archaeological site ang lupang kanilang pagmamay-ari dahil sa mga natagpuan nilang artifacts tulad ng pottery, root tile at marami pang iba. Hindi agad naghukay ang Time Team. Bagkus, ang una nilang ginawa, ay mangalap ng pangunahing datos tungkol sa lugar. Sinuyod muna nila ang ilang parte ng lupang iyon na masasabing maraming halaman ang nakatanim. Noong una, akala nila ay makakahanap sila ng mga Roman artifacts dahil isang templong Romano ang iniisip nila na posibleng naroon sa lugar na iyon. Ngunit matapos nilang pag-aralan ang mga nakuha nilang lumang barya, ay napagtanto nilang iba ang nasa lugar , at iyon ang kanilang dapat tuklasin. Bago nila sinimulan ang unang araw ng paghuhukay, isang mahalagang hakbang ang ginawa nila- ang pagmamapa ng lugar na iyon. Inestima at sinukat nila ang kanilang huhukayin upang pag-aralan ang komposisyon at katangian ng lupa. Sa kanilang paghuhukay ay nakakita sila ng ibat ibang artifacts. Gumamit sila ng ibat ibang kagamitan na talaga namang makakatulong sa paghahanap ng mga artifact gaya ng lumang barya. Isa sa kanilang ginamit ay ang metal detector. Masusi nilang pinag aaralan ang itsura ng bawat isa sa mga nahukay nila. Mula sa disenyo, masusi din nilang tinitignan at inoobserbahan ang kapal, hugis at laki ng mga ito. Kapansin pansin din ang di matatawarang pag-iingat nila sa bawat kilos upang maprotektahan ang mga natagpuan nila. Nilalagay nila sa tamang lagayan ang mga ito at kinaklasipika nila ito ayon sa ilang pamantayan. Matapos ito ay nagkaroon na sila ng inisyal na prediksyon na maaaring isang barrel ang nasa lugar na iyon ilang libong taon na ang nakalipas. Para patunayan iyon, ay kailangan nilang magpatuloy sa paghuhukay. Sa ikalawang araw ng kanilang paghuhukay, higit na marami kesa noong una ang nahanap nilang mga artifact. Nakatagpo rin sila ng patunay sa komposisyon at istruktura ng lupa na may barrel nga talaga sa lugar na iyon. Pinagkokonekta nila ang kanilang obserbasyon sa mga artifact at sa lupang kanilang hinuhukay. Mula dito, unti-unti na silang bumubuo ng mga posibleng nangyari noong nakalipas na panahong iyon. Nagsimula na silang ilarawan ang itsura ng lugar sa tulong ng mga iba pang propesyonal na kanilang kinonsulta. Ngayon, ang tanging problema na lamang nila ay ang hanapin kung nasaan ang sentro nito. Patuloy silang naghukay. Patuloy pa rin ang mga nahahanap nilang mga artifact at nang lumaon, buto ang isa sa kanilang nakita. Nakakita rin sila ng mga stone tools at ito ay ginamit nila upang maging ebidensya sa pagkakalkula kung ilang taon na ang nakalipas sa barrel na kanilang natuklasan. Ilang paghuhukay pa ang ginawa bago nila matagpuan ang sentro ng barrel na kanillang hinahanap. Sa tulong ng mga disenyo ng mga natagpuang artifacts, napagtanto din nila ang dahilan, layunin, at gamit ng bawat istruktura na kanilang inilarawan sa lugar na iyon. Hanggang sa dumating sila sa isang konkretong konklusyon na mga taong neolitiko ang nakatira doon sa barrel na iyon at gumamit ng mga artifact na kanilang nakalap.Nakakatuwang isipin na may isang sangay ng kaalaman na tulad ng arkeolohiya dahil nagkakaroon tayo ng pagkakataon hindi lamang upang malaman ang nangyari sa nakaraan, kundi pati na rin upang bigyan ng malinaw na pagpapanahon at kahulugan ang kasaysayan. Sa arkeolohiya, nakasisiguro rin tayong hindi base sa opinion, haka-haka o palagay ang mga nadidiskubre. Bagkus, ang lahat ng mga natutuklasan ay batay sa isang matibay na ebidensya at katotohanan lamang.