21

Click here to load reader

BAHAGI NG PANANALITA.docx

Embed Size (px)

Citation preview

Bahagi ng Pananalita1. PANGNGALAN (Noun)Mga Uring Pansemantika1. Pantangi(Proper Noun) partikular ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook o pangyayari.Hal. Miguel, Clarissa, Bb. Luz De GuzmanTagpi, Muning, Brownie, SpottyMagasing Panorama, Mongol 2Talon ng Maria Cristina, Ilog PasigPaligsahang Bb. Universe ng Taong 19752. Pambalana(Common Noun) tumutukoy sa pangkahalatang-diwa.Hal. bata, lalaki, babae, lolo, abogadoaso, pusa, insektolapis, kotse, relo, radioilog, lungsod, kabundukansayawan, gulo, banggaan3. Tahas (Concrete) ang pangngalan kung tumutukoy sa bagay na material.Hal. tao, hayop, puno, gamut, pagkain4. Basal (Abstract) ang tinutukoy ay hindi material kundi diwa at kaisipan.Dalawang uri ng tahas: Di-palanasak at palansak.Palansak (Mass Noun) tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay.Hal. Buwig, kumpol, hukbo, lahi, tumpok, tangkalDi-palansak tumutukoy lamang sa mga bagay na isinasaalang-alang nang isa-isa.Hal. Saging, bulaklak, sundalo, tao, kamatis, manokMga Uring Pangkayarian1. Payak ang pangngalan kung ito ay isang salitang-ugat lamang.Hal. asin, bunga, balak, diwa2. Maylapi o Hinango kung binubuo ng salitang-ugat at panlaping makangalan.Hal. kaklase, kabuhayan, pagbasa, dinuguan3. Inuulit ang pangngalan kung ang kabuuan nito o ang bahagi nito ay inuulit.Dalawang uri ng Inuulit: Pag-uulit na di-ganap o pag-uuli na parsyal at ang pag-uulit na ganap.Pag-uulit na di-ganap o pag-uulit na parsyal ay yaong bahagi lamang ng salitang-ugat ang inuulit.Hal. bali-balita, Sali-salita, tagu-tagumpay pagtuturo, pagpaplanoPag-uulit na ganap pag-uulit sa buong pangngalanHal. kuru-kuro, bayan-bayan, sabi-sabi4. Tambalan ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinag-iisa.Ang kayarian ay tumutukoy sa anyo ng salita at iba pang yunit ng wika.Ang anumang salitang maaaring isunod sa ang/si, ng/ni, sa/kay, at mga anyong maramihan ng mga ito, ay isang pangngalan o dili kaya ay isang salitang gumaganap ng tungkulin ng pangngalan.Hal.1. Nakatapos sa pagdodoktor ang anak na matiyaga.2. Ang tagumpay ng anak ay tagumpay rin ng mga magulang.3. Hindi matatapatan ng salapi ang pagtingin ng magulang sa anak.Ang anyong maramihan ng ang/si ay ang mga/sina; ang maramihan ng ng/ni ay ng mga/nina; at ang maramihan ng sa/kay ay sa mga/kina.Hal. ang mga anak, ng mga anak, sa mga anak, nina Maria, kina Maria, sina MariaMga Kakanyahan ng Pangngalan1. Kausapan o Panauhan ng Pangngalan ang nagsasabi kung ang pangngalan ay tumutukoy sa taong nagsasalita, taong kumakausap, o taong pinag-uusapan.Halimbawa :Ako si Don Diego.Ikaw si Don Diego.Siya si Don Diego2. Kailanan ng Pangngalan nalalaman natin kung ang pangngalan ay tumutukoy sa isa, dalawa o higit pang tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari. Ito ay maaaring isahan, dalawahan, maramihan o lansakan.Halimbawa:Isahan : kapatidDalawahan : kambalLansakan : kawan3. Kasarian ng Pangngalan pangngalang may sekso at walang sekso.Pag-uuri ng Pangngalan Ayon sa Kasarianv Mga Pangngalang may KasarianTiyak na KasarianPanlalakiPambabaeDi-tiyak na Kasarianv Mga Pangngalang Walang KasarianHalimbawa:Mga Pangngalang Tiyak na PanlalakiMario kuyaGinoong Ramos tandangDon Jose ninongMga Pangngalang Tiyak na PambabaeMaria Ana ateGng. Ramos ninang dumalaga Donya PerezMga Pangngalang Di-Tiyak ang KasarianEstudyante manok kapatid guromanananggol kalabawMga Pangngalang Walang KasarianBibliya diwaBulking Mayon aklatMaynila laro4. Kaukulan ng Pangngalan ang tawag sa kakanyahan ng pangngalang nagpapakita ng gamit nito sa pangungusap.Dalawang Uri ng Kaukulan ng Pangngalan1. Kaukulang Palagyo kung ginagamit itong simuno, pamuno sa simuno, pangngalang patawag, kaganapang pansimuno, o pamuno sa kaganapang pansimuno.Simuno gamit ang pangngalanSi Rizal ay Dakilang Malayo Pamuno sa Simuno ang gamit ng pangngalanSi Rizal, ang bayani, ay Dakilang Malayo.Pangngalang patawag ang gamit ng pangngalanCarisa, alagaan mo si Choy.Kaganapang pansimuno ang gamit ng pangngalanSi Mabini ay Dakilang Lumpo.Pamuno sa kaganapang pansimuno ang gamit ng pangngalanAng dalagang iyon ay si Alice, ang pinsan ko.2. Kaukulang Palayon ang pangngalan kung ginagamit na layon ng pandiwa o layon ng pang-ukol o kung pamuno sa alinman sa dalawa.Layon ng pandiwa ang gamit ng pangngalanAng masipag na ama ay nagsisinop ng kanilang bakuranLayon ng pang-ukol ang gamit ng pangngalanIbigay mo kay Cesar ang para kay Cesar, at sa Diyos ang para sa Diyos.Pamuno sa layon ng pandiwa ang gamit ng pangngalanAng mga Hapon ay umaangkat sa Pilipinas ng mangga, isang ipinagmamalaking bungang-kahoy natin.Pamuno sa layon ng pang-ukol ang gamit ng pangngalanIgalang mo ang ukol sa relihyon, ang tagapag-ugnay natin sa ating Panginoon.2 PANGHALIP (PRONOUN)Pananaw na Pansemantika : ang panghalip ay salita o katagang panghalili sa ngalan.Pananaw na Istruktural : and panghalip ay maikilala dahil sa impleksyon o pagbabagong- anyo.Uri ng Panghalip1. Mga Panghalip na Panao ay panghalili sa ngalan ng tao.Panauhan Anyong ang (palagyo)Anyong ng (paukol)Anyong sa (paari)

Isahan

UnaAkoKoAkin

IkalawaIkaw, kaMoIyo

IkatloSiyaNiyakanya

Dalawahan

Una*(kata)Kita, tayo*(nita)Natin*(kanita)Atin

IkalawaKayoNinyoInyo

IkatloSilaNilaKanila

Maramihan

UnaKamiNamingAmin

IkalawaKayoNinyoInyo

IkatloSilaNilaKanila

2. Mga Panghalip na Pamatlig humahalili sa sa ngalan ng tao, bagay, atb. na itinuturo o inihihimaton.I. PronominalAnyong ang (Paturol)*ire (ibang anyo : yari)itoiyan (ibang anyo : yaan)iyon (ibang anyo :yaon)Anyong ng (Paari)*nire (ibang anyo :niyari)nitoniyannoon (ibang anyo: niyon, niyaon)Anyong sa (Paukol)*dineditodiyandoonII. Panawag-pansin o Pahimaton1. *(h) ere2. (h) eto3. (h) ayan4. (h) ayunIII. Patulad*ganireganitoganyanganoon (ibang anyo: gayon)IV. Palunan*narini (ibang anyo : nandini)narito (ibang anyo : nandito)nariyan (ibang anyo : nandiyan)naroon (ibang anyo : nandoon)3. Panghalip na Panaklaw sumasaklaw sa kaisahan, dami, o kalahatan ng tinutukoy.Halimbawa:isa anuman magkanumaniba alinman kuwanbalana sinumanlahat ilanmantanan kailanmanmadla saanmanpawa gaanuman4. Panghalip na Pananong yaong mga panghalili sa ngalan ng tao, bagay, atb. na ginagamit sa pagtatanong.Halimbawa:Isahan Maramihansino sinu-sinoano anu-anoalin alin-alinkanino kani-kaninoilan ilan-ilan3. PANDIWA (VERB)Pansemantika : ang pandiwa ay salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salitaIstruktural : ang pandiwa ay nakikilala sa impleksyon nito sa ibat ibang aspekto ayon sa uri ng kilos na isinasaad nito.Kayarian ng PandiwaAng pandiwa sa Filipino ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama ng isang salitang-ugat at ng isa o higit pang panlapi.Kaganapan ng PandiwaAng tawag sa bahagi ng panaguri na bumubuo o nagbibigay ng ganap na kahulugan sa pandiwa at magagawang paksa ng pangungusap kung babaguhin ang pokus ng pandiwa.Pitong Uri ng Kaganapan ng Pandiwa kaganapang tagaganap kaganapang layon kaganapang tagatanggap kaganapang ganapan kaganapang kagamitan kaganapang sanhi kaganapang direksyunal

Mga Pokus ng Pandiwa1. Kaganapang Tagaganap panaguring nasa pokus sa tagaganap ang pandiwa + paksaHalimbawa :1. Kinain ng bata ang suman at manggang hinog. 2. Kumain ng suman at manggang hinog ang bata.(Ang bata ay kumain ng suman at manggang hinog.)2. Kaganapang Layon panaguring nasa pokus sa layon ng pandiwa + paksaHalimbawa :1. Kinain ng bata ang suman at manggang hinog. 2. Kumain ng suman at manggang hinog ang bata.(Ang suman at manggang hinog ay kinain ng bata.)3. Kaganapang Tagatanggap panaguring nasa pokus sa tagatanggap ang pandiwa + paksaHalimbawa:1. Bumili ako ng ilaw na kapis para sa pinsan kong nagbalikbayan. 2. Ibinili ko ng ilaw na kapis ang pinsan kong nagbalikbayan.(Ang pinsan kong nagbalikbayan ay ibinili ko ng ilaw na kapis.)4. Kaganapang Ganapan panaguring nasa pokus sa kaganapan ang pandiwa + paksaHalimbawa:1. Nagtanim ng gulay sa bakuran an gaming katulong. 2. Pinagtamnan ng gulay ng aming katulong ang bakuran.(Ang bakuran ay pinagtamnan ng gulay ng aming katulong.)5. Kaganapang Kagamitan panaguring nasa pokus sa kagamitan ang pandiwa + paksaHalimbawa:1. Pinunsan ko ang mga kasangkapan (sa pamamagitan) ng basahang malinis. 2. Ipinampunas ko ng mga kasangkapan ang basahang alinis.(Ang basahang malinis ay ipinampunas ko ng mga kasangkapan.)6. Kaganapang Sanhi panaguring nasa pokus sa sanhi ang pandiwa + paksaHalimbawa:1. Nagkasakit siya dahil sa labis na paghithit ng opyo. 2. Ipinagkasakit niya ang labis na paghithit ng opyo.(Ang labis na paghithit ng opyo ay ipinagkasakit niya.)7. Kaganapang Direksyon panaguring nasa pokus sa direksyon ang pandiwa + paksaHalimbawa:1. Ipinasyal ko sa Tagaytay ang mga panauhin kong kabilang sa Peace Corps. 2. Pinagpasyalan ko ng aking mga panauhing kabilang sa Peace Corps ang Tagaytay.(Ang Tagaytay ay pinagpasyalan ko ng aking mga panauhing kabilang sa Peace Corps.)

Mga Aspekto ng PandiwaAng aspekto ay katangian ng pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap ang kilos at kung nasimulan na o natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy pa ang pagganap.Salitang-ugatAspektongPerpektiboAspektongImperpektiboAspektongKontemplatibo

mahalminahalminamahalmamahalin

asaumasaumaasaaasa

aralnag-aralnag-aaralmag-aaral

nag-, um-, -in-, -nan, ni-,-an, at na-

1. Aspektong Perpektibo o Pangnagdaan naglalarawan sa kilos o galaw na ginawa na o katatapos pa lamang. Ito ay kadalasang nabubuo sa pamamamagitan ng mga panlaping.Halimbawa: nag-inum, nag-aral, uminum, itinanan, nilamon, nakitaan, nakita2. Aspektong Imperpektibo o Pangkasalukuyan naglalarawan sa kilos o galaw na kasalukuyang ginagawa. Nabubuo ang pandiwang ito sa pamamagitan ng pag-uulit sa unang pantig sa salitang-ugat at pagdaragdag ng panlaping katulad ng sa Apektong Perpektibo.nag-, um-, -in-, -nan, ni-,-an, at na-

Halimbawa:naglalaba (nag-la-laba), umiinom (um-i-inom)minamahal (ma-in-mahal), nilalamon (ni-la-lamon)nakikita (na-ki-kita), nakikitaan (na-ki-kita-an)3. Aspektong Kontemplatibo o Panghinaharap naglalarawan sa kilos o galaw na gagawin pa lamang. Ito ay kadalasang nabubuo sa pamamagitan ng pag-uulit lamang ng unang pantig ng salitang-ugat o pagdaragdag ng unlaping: mag- , ipag-, maka-, naka-. Maaaring ding gamitin ng sabay.Halimbawa: gagawa (ga-gawa), maglalaba (mag-la-laba)Di-Karaniwang Pandiwa1. Maykaltas di-karaniwan ang pandiwa kung ang salita ay nawawalan ng titig o pantig.Salitang-ugatPanlapiKaraniwangAyos ng PandiwaDi-Karaniwang Ayos ng Pandiwa

buhos-anbuhusanbusan

higitma- / -anmahigitanmahigtan

lagay-anlagayanlagyan

takip-antakipantakpan

2. Maylipat karaniwang ang pandiwa kung ang isa o dalawang titik ng salita ay naililipat, at may ilang titik o pantig na nawawala.Salitang-ugatPanlapiKaraniwangAyos ng PandiwaDi-Karaniwang Ayos ng Pandiwa

tanim-antanimantamnan

atip-anatipanaptan

silid-ansilidansidlan

3. Maypalit napapalitan ang isa o dalawang titik ng pandiwa kaya ito ay nagiging di-karaniwan.Salitang-ugatPanlapiKaraniwangAyos ng PandiwaDi-Karaniwang Ayos ng Pandiwa

dinigma-madinigmarinig

dugtongka-kadugtongkarugtong

halik-anhalikanhagkan

bayad-anbayadanbayaran

4. Maysudlong di-karaniwan ang pandiwa kung ang karaniwang anyo nito ay nadaragdagan ng isa o dalawang titik o kung ang pandiwa ay may dalawang hulapi.Salitang-ugatPanlapiKaraniwangAyos ng PandiwaDi-Karaniwang Ayos ng Pandiwa

antabay-anantabayanantabayanan

kuha-inkuhainkuhanin

mata-inmatainmatahin

butipag- / -anpagbutianpagbutihan

Pokus ng PandiwaPokus relasyong semantika ng pandiwa at simuno1. Pokus sa Tagaganap-ang pandiwa ay nakapokus sa tagaganap kung ang simuno ng pangungusap ang tagagawa ng kilos.Halimbawa:Nakapag-aral si Marvino kahapon.(pandiwa) (simuno-tagaganap)Si Marvino ay nakapag-aralkahapon.(simuno-tagaganap) (pandiwa)2. Pokus sa Layon-ang pandiwa ay nakapokus sa layon kung ang layon ng pangungusap ang simuno.Halimbawa:Bantayan mo ang sinaingat baka masunog.(pandiwa) (tagaganap)(simuno-layon)Ang sinaing ay bantayan moat baka masunog.(simuno-layon) (pandiwa)(tagaganap)3. Pokus sa Ganapan-kung ang simuno ay nasa ganapang kilos, nakapokus sa ganapan ang pandiwa.Halimbawa:Pinintahan niya ng berdeang mga tulay.(pandiwa) (tagaganap) (simuno-ganapan)Ang mga tulayay pinintahanniya ng berde.(simuno-ganapan) (pandiwa) (tagaganap)4. Pokus sa Tagatanggap-nakapokus sa tagatanggap ang pandiwa kung ang simuno ang tagatanggap ng kilos.Halimbawa:Ikuha mo si TinTin ng bagong damit.(pandiwa)(tagaganap) (simuno-tagatanggap)Si TinTin ay ikuha mo ng bagong damit.(simuno-tagatanggap)(pandiwa) (tagaganap)5. Pokus sa Gamit-nakapokus sa gamit ang pandiwa kung ang simuno ay ang kasangkapan o bagay na ginamit sa pangungusap.Halimbawa:Ipangguhitmoang lapis sa papel.(pandiwa) (tagaganap) (simuno-gamit)Anglapisang ipangguhit mo sa papel.(simuno-gamit) (pandiwa) (tagaganap)6. Pokus sa Sanhi-sa sanhi ang pokus ng pandiwa kung ang simuno ay nagpapahayag ng dahilan ng kilos.Halimbawa:Ikinatuwani Czarinaang bironi Zeus.(VERB)(tagatanggap)(simuno-sanhi)(tagaganap)Ang biro ni Zeusay Ikinatuwani Czarina.(simuno-sanhi)(tagaganap)(VERB)(tagatanggap)7. Pokus sa Direksyon-kung ang simuno ay nagsasaad ng direksyon ng kilos, nasa pokus sa direksyon ang pandiwa.Halimbawa:Pinuntahanko ang Boracay noong isang linggo.(VERB)(tagaganap)(simuno-direksyon)Ang Boracayang pinuntahanko noong isang linggo.(simuno-direksyon) (VERB) (tagaganap)4. PANG-URI (ADJECTIVE)Gamit ng Pang-uri1. Panuring PangngalanMararangal na tao ang pinagpapala.Panuring PanghalipKayong masigasig ay tiyak na magtatagumpay.2. Pang-uring Ginagamit Bilang PangngalanAng mapagtimpi ay malayo sa gulo.3. Pang-uring Kaganapang PansimunoMga madasalin ang mga Pilipino.Kayarian ng Pang-uri1. Payak kung binubuo ng likas na salita lamang o salitang walang lapi.Halimbawa :Maiinit ang ulo ng taong gutom.Huwag kang makipagtalo sa sinumang galit.2. Maylapi kung binubuo ng salitang-ugat na may panlapi.Halimbawa :kalahi kaygandamataas makataomalahininga3. Tambalan kung binubuo ng dalawang salitang pinag-iisa.Halimbawa :Karaniwang Kahulugantaus-puso biglang-yamanbayad-utang hilis-kalamayPatalinghagang Kahulugankalatog-pinggan ngising-buwayabulang-gugo kapit-tukoKailanan ng Pang-uriMay tatlong kailanan ang mga pang-uri : isahan, dalawahan, at maramihan.Halimbawa:Kalahi ko siya. (Isahan)Magkalahi kaming dalawa.(Dalawahan)Magkakalahi tayong lahat. (Maramihan)Kaantasan ng Kasidhian ng Pang-uriIbat ibang Antas ng Kasidhian ang Pang-uri1. Lantay naglalarawan ng isang pangngalan o panghalip na walang pinaghambingan.Halimbawa: Kabigha-bighani ang pook na ito.2. Pahambing nagtutulad sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.2 Uri ng Paghahambing1. Paghahambing na magkatulad- ginagamit ito kung ang dalawang pinaghahambing aymay patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlapingkasing, sing, magsing, magkasing okaya ay ng mga salitanggaya,tulad,paris, kapwa at pareho.Halimbawa: Magkakasingganda ang mga bulaklak sa hardin.2. Paghahambing na di-magkatulad ginagamit ito kung ang pinaghahambing ay maymagkaibang katangian. May dalawa itong uri:a. Pasahol kung ang hinahambing ay masmaliit, gumagamit ito ng mga salitang tulang ng lalo,di-gaano, di-totoo,di-lubha o di-gasino.Halimbawa: Di-gaanong magaganda ang mga moske sa Taguig kaysa sa mga makikita sa Zamboanga.b. Palamang kung ang hinahambing ay mas malaki o nakahihigit sa pinaghahambingan,gumagamit ito ng mga salitanghigit, labis at di-hamak.Halimbawa: Lalong kahali-halina ang mga bulaklak dito kaysa sa nakita ko sa Parke.3. Pasukdol ay katangiang namumukod o nangingibabaw sa lahat ng pinaghambingan.Halimbawa: Ang ganda-ganda ng Palawan.Walang kaparis sa ganda si Glenda.Pang-uring Pamilang mga salitang naglalarawan sa pangngalan o panghalip sa pamamagitan ng mga numero.Uri ng Pamilang1. PatakaranoKardinal ginagamit sa karaniwang paraan ng pagbibilang ng pangngalan o panghalip.Halimbawa: isa, dalawa, tatlo1. PanunuranoOrdinal ginagamit sa pagpapahayag ng pagkasunud-sunod ng mga pangngalan o panghalip. Gumagamit ito ng mga panlapingpang-atika-.Halimbawa: pang-una, pangalawa, pangatlo, una, ikalawa, ikatlo1. Pamahagi ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakabaha-bahagi o pagkakahati sa kabuuan ng isang bagay. Gumagamit dito ng mga panlapingika-atka-.Halimbawa: ikatlong bahagi, ikaapat na bahagi, katlo (1/3), kapat (1/4)1. Palansak ginagamit sa pagsasaad ng mga bukod na pagsasama-sama ng mga pangngalan o panghalip.Halimbawa: aanim, anim-anim, tig-anim, animan, dadalawa, dala-dalawa, tigdadalawa, dalawahan1. Pahalaga ginagamit sa pagbibigay ng halaga ng isang bagay. Gumagamit dito ng mga panlapingma-attig-. pera ang tinutukoy.Hal: Tiglilimampiso ang bili ko sa mga aklat na ito.1. Patakda/tiyak na bilang inuulit ang unang pantig ng salitang bilang.Hal. iisa,tatatlo, dadalawa, aapatSi Teresa ay nag-iisang anak.Sasampung piso ang natira sa kanya.Mga Panlaping Makauri1. in, ma+ugat+in(madaling maging o madalas maging) ma+ugat+on, ka+ugat+on2. tabain matabaon, katabaonsakitin masakiton, kasakitonbugnotin masaputon, kasaputondumihin mabulingon, kabulingonsiponin masip-onon, kasip-ononmatulogin matuyugon, katuyogonmatampohin malisoron, kalisoronmainisin masaputon, kasaputon2. ma+ugat(may taglay) Asi:ka+ugat,ma+ugatPwede ring gamitin ang hulapingonohonngunit hindi ito umaakma sa lahat ng salitang ugat. Paminsan-minsan diy nagagamit ang hulapinganohan.maganda kaganda, magandamabaho kabaho, mabaho, bahoanmabato kabato, mabato, batoonmahalay kauyag, mauyag, uyagonmadaya karada, marada, radaon, radaanAng panlapingkaay malimit na gamitin kung ang pang-uri ang nagsisilbing panag-uri (predicate) ng isangpangungusap. Halimbawa:Karadasida.Sida aykarada.(Madaya siya. Siya ay madaya.) Kung hindi,maang ginagamit.Halimbawa:Sida aymaradangkaidamo. (Siya ay madayang kalaro.) Saon/honoan/hannaman, hindi mahalaga kung paano ginagamit ang pang-uri. Halimbawa:Radaon/Radaan sida. Sida ay radaong/radaang kaidamo.Sa mga paghahambing, ang panlaping dapat gamitin ayma. Halimbawa: mas madaya mas marada, pinakmadaya -pinakamarada.Maraming mga salita sa Pilipino na likas na mga pang-uri. Kung walang katumbas ang mga ito sa Asi na likas na pang-uri-rin, ang mga nabanggit na panlapi rin ang dapat gamitin. Halimbawa:tahimik kahipos, mahipostamad katamar, matamar, tamaran3. maka+ugat(para sa) Asi:maka+ugatHalimbawa:makatao makatawomaka-Diyos maka-Dyos4. may / marami(hindi man panlapi, ito ay may katumbas na panlapi sa Asi) Asi:ugat+on,ugat+honHalimbawa:may / maraming galis galisonmay / maramimg kulangot otngohonmay / maraming ipis tabakongon5. medyo(bahagya,hindi man panlapi, ito ay may katumbas na panlapi sa Asi) Asi:ma+ugat-ugat, maSu+ugatHalimbawa:medyo maganda maganda-ganda, magugandamedyo pangit mayain-yain, mayuyainmedyo malakas makusog-kusogAngmaSu+ugatay maaring gamitin kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa katinig at kungang unang pantig nito ay hindi katunog ngoou.Ang S ang nagrerepresenta sa simulang katinig ng salitang-ugat.6. napaka+ugat,ugat+ugat,pang-uri+panh-uri(ubod ng) Asi:pagka+ugat; pagkau+ugat, kau+ugat(kung angsalitang-ugat ay nagsisimula sa patinig maliban sauoo);ka+ugat-ugat, pagka+ugat-ugat(kung angsalitang-ugat ay nagsisimula sa patinig);pagkaSu+ugat, kaSu+ugat(kung nagsisimula naman sa katinig kung saan ang S ang nagrerepresenta sa unang titik nito)Halimbawa:napakaganda pagkaganda, pagkaguganda, kagugandanapakapangit pakayain, pagkayuyain, kayuyainnapakagaling pagkaayo, pagkauayo, kauayo, kaayo-ayo, pagkaayo-ayonapakaasim pagkaaslom, pagkauaslom, kauaslom, kaaslom-aslom, pagkaaslom-aslomnapakaliit pagkaisot, pagkauisot, kauisot, kaisot-isot, pagkaisot-isotnapakahalay-pagkauyag, kauyag-uyag, pagkauyag-uyagmaputing-maputi, puting-puti pagkaputi, kaputi-puti, pagkaputi-putiAngpagkau, kau,pagkaSuokaSuay mas mataas ang antas sapagka.7. kasing+ugat,magkasing+ugat,magsing+ugat,(magkapareho) walang panlaping katumbas ito sa Asi at sa halip ay ginagamit ang salitangparehookaparehoHalimbawa:kasingganda kaparehot gandamagkasingganda, magsingganda parehot ganda8. pinaka+pang-uri(nakahihigit sa lahat)Asi:pinaka+pang-uriHalimbawa:pinakamataba pinakamatabapinakatahimik pinakamahipos9. pang+ugat, ika+ugat(pamilang) pang+ugat, ika+ugathalimbawa:pang-apat, ika-apat pang-ap-at, ika-ap-atpangsampu, ika-sampu pangsampuyo, ika-sampuyo5 PANG-ABAY (ADVERB)Istruktural na kahulugan : ang pang-abay ay makikilala dahil kasama ito ng isang pandiwa, pang-uri o isa pang pang-abay na bumubuo ng parirala.Pansemantikang kahulugan : ito ay nagbibigay- turing sa pandiwa, pang-uri o sa iba pang pang-abay.Uri ng Pang-abay1. Pang-abay na Kataga o Ingklitik : mga katagang lagging suusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan. ba daw/raw pala man kasi din/rin tuloy muna kaya naman nga pa na yata lamang/langHalimbawa : Nailigtas ba ang mga minerong nabarahan sa minahan? Alam pala ng kanyang nanay ang nangyaring sakuna. Kumain muna sila bago umalis. Alangan naman yata na sila pa ang lumapit sa atin.2. Pang-abay na salita o parirala1. Pamanahon (Adverb of Time) nagsasaad kung kailan ginanap ang kilos. May Panandanang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggangHal. Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan. Walang Panandakahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandal, atb.Hal. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino.Ipagdiriwang ngayon n gating pangulo ang kanyang ika-40. Nagsasaad ng dalasAraw-araw, tuwing umaga, taun-taon, atb.Hal. Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan.Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanitili ang kanyang kahulugan.1. Panlunan (Adverb of Place) tumutukoy sa pook/lugar kung saan naganap ang kilos.Sa ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip.kay/kina ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao.Hal. 1. Maraming masasarap na ulam ang itininda sa kantina.2 Nagpaluto ako kina Aling Myra at Luisa ng masarap na keyk para sa iyong kaarawan.1. Pamaraan (Adverb of Manner) naglalarawan kung paano naganap, o magaganap ang kilos ng pandiwa. Ginagamitan ng panandang nang o na/-ng.Halimbawa : Kinamayan niya ako nang mahigpit. Natulog siya nang patagilid. Bakit siya umalis na umiiyak?1. Pang-agam pang-abay na nagsasaad ng walang katiyakan ng isang kilos.Hal. Marahil, sigurong, tila, baka, wari, atb. Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng Sandiganbayan. Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas. Waring natutupad din ang ating mga pangarap.1. Panang-ayon- (Adverb of Affirmation) pangabay na nagsasaad ng pangsangayon. Ito ay katumbas ng affirmation sa Ingles. Ang ilan sa ganiton pang-abay ay oo, opo, tunay, talaga, atb.Halimbawa:Opo, susundin ko po ang utos ninyo.Tunay, na maganda siya.1. Pananggi (Adverb of Disagreement/Negation) pang-abay na nagsasaad ng hindi pagsangayon tulad ng hindi/di at ayaw.Halimbawa: Hindi pa lubusang nagagamot ang sakit na kanser. Ngunit marami na rin ang ayaw tumigil sa pagsisigarilyo.1. Panggaano o Pampanukat nagsasaad ng dami, halaga o timbangHalimbawa : Tumaba ako ng limang libra. Dinagdagan niya ang biniling lansones nang apat na guhit. Tumaagal ng limang oras ang operasyon niya.1. Pamitagan (Adverb of Respect)- nagsasaad ng pagrespeto1. Kailan po kayo uuwi?Opo, aakyat a po ako.1. Panuring nagsasaad ng pagsasalamat o pagtanaw ng utang na loob.Hal. Maraming salamat at tinulungan mo ako.1. Pananong pang-abay na ginagamit sa pagtanong2. Panunuran Pagsusunud-sunod ng mga salita, hanay o kalagayan.Hal. Kahuli-hulihang tinawag ng guro ang batang walang takda.1. Panulad (Comparative Adverb) pang-abay na nagsasaad ng paghahambingHal. Di-hamak na masipag si Ana kaysa kay Trining.1. Kundisyunal nagsasaad ng kundisyon paay nagsasaad ng kundisyun para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Mga sugnay o parirala na pinangungunahan ng kung, kapag, o pag at pagka-.Hal. Luluwag ang ekonomiya ng bayan japag nakapagtatag ng maraming industriya ditto sa atin.1. Kusatibo tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Binubuo ng parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa.Hal. Nagkasakit si Vianning dahil sa pagpapabaya sa katawan.1. Benepaktibo nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao dahil sa pagganap sa kilos ng pandiwa o layunin ng kilos ng pandiwa.Halimbawa :o Mag-aroskaldo ka para sa maysakit.o Magbili ka ng mga alaga mong manok para sa matrikula mo.1. Pangkaukulan pinangungunahan ng tungkol, hinggil, o ukol.Halimbawa :o Nagplano kami tungkol sa gagawin nating pagdiriwang.o Nagtapat siya sa ina hinggil sa kanilang pagiging magnobyo.MGA PANG-UGNAYAngPang-ugnayay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.6 PANGATNIG (CONJUNCTION)Ang Pangatnig ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa salita sa kapwa salita, o isang kaisipan sa kapwa kaisipan. Ito ay maaaring pantulong o pantuwang.Mga Uri Ng Pangatnig Pantuwang ang pangatnig kapag pinag-uugnay nito ang mga magkakasingkahulugan, magkakasinghalaga o magkakapantay na mga bagay o kaisipan.Ang mga pantuwang na pangatnig ay: at, saka, pati.Halimbawa: Magtitirik ng kandila at magpapadasal si Ka Ebeng sa Araw ng mga Patay. Ang mga mamamayan pati na ang mga dayuhan ay pupulungin ng Pangulo. Dalhin mo bukas pagtungo natin sa talon ang timba, tabo saka ang mga labahin. Pantulong naman ang pangatnig kung pinag-uugnay nito ang sugnay na di- makapagiisa sa malaya o makapag-iisa o punong sugnay. Nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala o sugnay: kung, kapag, upang, para, nang, sapagkat, dahil sa.Halimbawa: Nag-trabaho siya ng mabuti,paramakabili siya ng damit. Umasenso ang kanyang buhay,dahilsa kanyang pagsisikap Pamukod pamukod ito kung may pamimili, pagtatangi, pag-aalinlangan, pagtatangi sa isa o sa iba sa dalawa o mahigit pang bagay o kaisipan. tulad ng o, ni, man, maging at kaya.Halimbawa: Ni sa pangarap ni sa panaginip ay hindi siya nagisip ng ganyon. Paninsay o Pasalungat kung sa tambalang pangungusap, ang ikalawa ay sumasalungat sa una, ang ginagamit ay: ngunit, bagaman, habang, kahit, datapwat, subalit. Halimbawa: Sasalo raw siya kahit masama ang kanyang loob. Ang mamamayang pilipino, bagamat hirap sa buhay, ay laging kamamasdan ng kasiyahan.Ang subalit ay ginagamit lamang kung ang ngunit, at datapwat ay ginagamit na sa unahan ng pangungusap.Matahimik pa rin ang Pilipinas ngunit hindi pa rin lubos makapaniwala ang mga taga-ibang bansa dahil sa maling nalalathalang balita, subalit patuloy pa rin silang dito ay dumaragsa. Panubali kung may pag-aalinlangan o pagbabakasakali, ang ginagamit ay: kung, pag, sana, baka, pagka, kapag, sakali.1. Lalong hihirap ang iyong buhay kung babayaan mong nakatiwangwang ang iyong lupa. Pinamihasa mo ang iyong anak sa karangyaan, baka magsisi ka pagdating ng araw. Pananhi mula sa salitang sanhi o dahilan. Ito ay ginagamit kung ang mga kadahilanan, ay inilalahad, kung nangangatwiran, kung tumutugon sa katanungang bakit? Ang mga salitang ginagamit ay: dahil, sapagkat, palibhasa, kasi, kundangan, atb. Sumama ang kanyang pakiramdam dahil sa nakain niyang hilaw na mangga. Lumayas ang anak niya kasi sobra niyang pinagmamalupitan. Panlinaw kung ang nasabi ay pinaliliwanagan pa, ang ginagamit ay: samakatuwid, kaya, gayunpaman, kung gayon, alalaon, sana, atbp.Hal. Makahulugan at makabulahan ang kasaysayan, sa makatuwid, ang palasak nating kawikaan: Ang hindi marunong lumingon sa pinangalingan ay hindi makararating sa paroroonan. ay diwang bagay lamang. Panulad ito ay pariralang magkatugon na ginagamit sa pagtutulad. Kung ano ang itinanim, ay siya ring aanihin. Kung alin ang pinagkapili-pili, ay siya pang nakuha ng bungi. Panapos ginagamit ang pangatnig na ito kung nagpapahayag ng layon o pagbabadyang nalalapit na pagwawakas sa pagsasalita. Ito ay:upang, nang, sa wakas. Pahalagahan ang pangaral ng mga magulang nang hindi malihis ng patutunguhan. Ang Pilipinas, sa wakas, hindi pa man lubos na maunlad ay kababanaagan na ng mapangakong bukas.7. PANG-ANGKOP (LIGATURE) ay ang salitang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan (na,ng,g).May Tatlong Pang-angkop ang ginagamit sa pag-uugnay ng mga salita1. Pang-angkop na na ginagamit kung ang salitang sinisundan ay nagtatapos sa katinig.Halimbawa: Mataas na kahoy ang kanyang inakyat.2. Pang-angkop ng ng ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa patinig.Halimbawa: Masayang naglalaro ang mga bata.Ang pang-angkop na ng ay nag-uugnay rin sa mga salitang magkakasunod kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa katinig na n. Ngunit hindi ito isinusulat sa ganitong anyo. Ang titil na n sa hulihan ng salita ay kinaltas na lamang. Kaya ang angkop na ng at hindi g ang ginamit.Hal. Luntian ng halaman luntiang halamanMaraming banging matatarik sa ating bansa.3. Pang-angkop na g ginagamit kung ang salitang durogtungan ay nagtatapos sa titik na n.Halimbawa: Isang masunuring bata si Nonoy.8. PANG-UKOL (PREPOSITION)v Pang-ukol ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa pangungusap.v Ito ay ginagamit upang matukoy kung sang lunan o kung anong bagay ang mula o tungo, ang kinaroroonan, ang pinangyarihan o kina-uukulan ng isang kilos, gawa, balak ari o layon. Ang mga ito ay laging may layon na maaaring isang pangngalan o isang panghalip.Mga uri o mga karaniwang pang-ukolsa/sa mga ng/ng mga ni/ninakay/kina sa/kay labag sanang may tungkol sa/kay mula sahinggil sa/kay nang wala para sa/kaylaban sa/kay ayon sa/kay tungo saalinsunod sa/kayDalawang pangkat ng Pang-ukol1. Ginagamit na pangngalang pambalana: ukol sa, laban sa, hinggil sa, ayon sa, tungkol sa, para sa.Halimbawa: Ukol samga Filipino ang paksa ng usapin. Laban samanggagawa ang kanilang pinapanukala. Ang mga aklat na ito aypara samahihirap.2. Ginagamit sa ngalan ng tanging tao ang gawa, ari, layon, at kilos ay para lamang sa ngalan ng tao, tulad ng ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay, ayon kay, hinggil kay.Halimbawa: ParakayJuan ang pagkaing ito. Hinggil kayEnrico ang kanilang problema. Ayon kayRizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating kaalaman. Ang napili naming paksa para sa dula ay tungkol kay Andres Bonifacio.9. MGA PANANDA ay nagsisilbing tanda ng gamit ng pambalarila ng isang salita sa loob ng pangungusap o ayos ng mga bahagi ng pangungusap.1. Mga Pantukoy (Article/Detreminer) Ay katagang nangunguna sa pangngalan o panghalip na ginagamit na simuno o kagaganapang pansimuno o panag-uri o alinman sa dalawa.Dalawang Uri ng Pantukoy1. Pantukoy na Pambalana tumutukoy sa pangngalang pambalana ang, ang mga, mgaang (isahan)Halimbawa: Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.ang mga (maramihan)Halimbawa: Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage.mga (maramihan)Halimbawa: ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.2. Pantukoy na Pantangi tumutukoy sa pangngalang pantangi (tiyak na tao) si, sina, ni, nina, kay, kinasi (isahan)Halimbawa: Si Gng. Arroyo ay nagsisikap upang mapabuti ang kalagayan nating mga Pilipino.Sina (maramihan)Halimbawa: nanguna sa paglilinis ng barangay sina G. at Gng. Dela Cruz.Ni (isahan)Halimbawa: Napagalitan ni Coach Dimagiba ang mga manlalaro dahil hindi sila dumating sa oras.Nina (maramihan)Halimbawa: hindi ininatuwa ng guro ang pag-aaway nina Anton at Luis.Kay (isahan)Halimbawa: Ibinahagi ni Sofia ang kanyang keyk kay Sam.Kina (maramihan)Halimbawa: Nakipagkasundo na si Lukas kina Juan at Pedro.