2
Repleksyon sa Bilanggo ni Wilfredo P. Virtusio Isa na marahil sa mga realidad ng ating bansa ang hirap na makamit ang hustisya.Dito umiinog ang istoryang Bilanggo,isinulat bilang paglalahad ng kuwento ni Mang Selo,isang magsasakang napagbintangang pumatay at di maglaon ay napadala sa Bilibid. Sa likod ng utak ni Mang Selo ay may nagagaganap na tunggalian. Sa kulungan ay iniaalok na sya ng areglo ng kamag- anak ng diumanong kanyang pinatay.Kapalit ng kanyang kalayaan ay piyansang P2000,na kung tutuusin ay di nya makukuha kung di maibebenta ang lupain na minana pa nya sa kanyang mga ninuno.Sa kanya,di niya makakaya na pakawalan ang lupain,kahit ang kapalit ay makulong siya sa matagal na panahon. Namulat si Mang Selo sa mga realidad ng kulungan,at ang lipunan sa kabuuan. Ang mga kapwa bilanggo na kanyang nakasalamuha sa kulungan ay patunay lang na sa lahat ng parte ng lipunan ay mayroong krimen,gaano mang kababaw ang dahilan para gawin nila iyon. Ang mga karakter ni Hitler at Sarhento Damaso ay simbulo lang ng karahasan at pang-aapi sa mga maliliit na tulad nya-siya at kapwa mga bilanggo na pinipigaan para sa interes ng mas dominante sa kanila. Kapansin-pansin din ang diin sa katotohanang kahit sa kulungan ang lipunan ay di pa rin pantay-pantay.Hindi ligtas ang kulungan sa korapsyon-ang pera para sa kanilang pagkain at gamot ay napupunta lamang sa bulsa ng mga opisyal,na napatunayan ni Selo nang nakita niya ang mga naglalakihang mga mansyon sa loob ng Bilibid. Kung minsan may mga pagkakataong nakakaaliw din (tulad ng pagbisita ng mga pulitiko at artista sa kulungan) ngunit di pa rin nito maitatago ang kultura ng karahasan sa kulungan-mga grupo-grupo ng mga bilanggo (gaya ng mga mafia,frats at gangs na siya ding dahilan kaya sila nakulong) na sa halip na tulungan ang isa't isa na magbagong buhay ay nagkakalat pa ng lagim na kung minsan ay nagdudulot ng kamatayan. Marahil ang pinakamalungkot na katotohanang nailantad sa akda ay ang pagturing sa mga bilanggo tulad ng mga “baboy”.Kulang sa sustansya ang mga pagkain (na kung minsan ay kinukuha pa ng mga tiwaling opisyal). Sa halip na pagtuunan ng pansin ang kalusugan ng mga maysakit,nagawa pa ng doktor na makipaglampungan sa nars (napasugod lang sila nang naglupasay na ang isang bilanggo at nang namatay ay para bang wala man lang nangyari).At kahit matanda na si Mang Selo ay di rin siya ligtas sa kamay ni Sarhento Damaso-ang lupaing pinagkait nyang ibenta na siya ding

Bilanggo (Review)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Isa na marahil sa mga realidad ng ating bansa ang hirap na makamit ang hustisya.Dito umiinog ang istoryang Bilanggo,isinulat bilang paglalahad ng kuwento ni Mang Selo,isang magsasakang napagbintangang pumatay at di maglaon ay napadala sa Bilibid.

Citation preview

Repleksyon sa Bilanggoni Wilfredo P. Virtusio

Isa na marahil sa mga realidad ng ating bansa ang hirap na makamit ang hustisya.Dito umiinog ang istoryang Bilanggo,isinulat bilang paglalahad ng kuwento ni Mang Selo,isang magsasakang napagbintangang pumatay at di maglaon ay napadala sa Bilibid.

Sa likod ng utak ni Mang Selo ay may nagagaganap na tunggalian. Sa kulungan ay iniaalok na sya ng areglo ng kamag-anak ng diumanong kanyang pinatay.Kapalit ng kanyang kalayaan ay piyansang P2000,na kung tutuusin ay di nya makukuha kung di maibebenta ang lupain na minana pa nya sa kanyang mga ninuno.Sa kanya,di niya makakaya na pakawalan ang lupain,kahit ang kapalit ay makulong siya sa matagal na panahon.

Namulat si Mang Selo sa mga realidad ng kulungan,at ang lipunan sa kabuuan. Ang mga kapwa bilanggo na kanyang nakasalamuha sa kulungan ay patunay lang na sa lahat ng parte ng lipunan ay mayroong krimen,gaano mang kababaw ang dahilan para gawin nila iyon. Ang mga karakter ni Hitler at Sarhento Damaso ay simbulo lang ng karahasan at pang-aapi sa mga maliliit na tulad nya-siya at kapwa mga bilanggo na pinipigaan para sa interes ng mas dominante sa kanila.

Kapansin-pansin din ang diin sa katotohanang kahit sa kulungan ang lipunan ay di pa rin pantay-pantay.Hindi ligtas ang kulungan sa korapsyon-ang pera para sa kanilang pagkain at gamot ay napupunta lamang sa bulsa ng mga opisyal,na napatunayan ni Selo nang nakita niya ang mga naglalakihang mga mansyon sa loob ng Bilibid. Kung minsan may mga pagkakataong nakakaaliw din (tulad ng pagbisita ng mga pulitiko at artista sa kulungan) ngunit di pa rin nito maitatago ang kultura ng karahasan sa kulungan-mga grupo-grupo ng mga bilanggo (gaya ng mga mafia,frats at gangs na siya ding dahilan kaya sila nakulong) na sa halip na tulungan ang isa't isa na magbagong buhay ay nagkakalat pa ng lagim na kung minsan ay nagdudulot ng kamatayan.

Marahil ang pinakamalungkot na katotohanang nailantad sa akda ay ang pagturing sa mga bilanggo tulad ng mga “baboy”.Kulang sa sustansya ang mga pagkain (na kung minsan ay kinukuha pa ng mga tiwaling opisyal). Sa halip na pagtuunan ng pansin ang kalusugan ng mga maysakit,nagawa pa ng doktor na makipaglampungan sa nars (napasugod lang sila nang naglupasay na ang isang bilanggo at nang namatay ay para bang wala man lang nangyari).At kahit matanda na si Mang Selo ay di rin siya ligtas sa kamay ni Sarhento Damaso-ang lupaing pinagkait nyang ibenta na siya ding nagdulot ng kanyang pagkakakulong ay mapupunta din lang pala sa kamay ng iba.Ang pagtawa ni Mang Selo sa huli ay nagsisilbing parodya sa lipunang Pilipino-na mayroon tayong gobyernong sa halip na paglingkuran ang api ay siya pang umaapi sa mga ito.