Ekispedisyon Ni Magellan

Embed Size (px)

Citation preview

  • 8/13/2019 Ekispedisyon Ni Magellan

    1/2

    Ekispedisyon ni Magellan

    Likas sa tao ang sumubok at makipagsapalaran sa pagtuklas ng mga bagong bagay atkaalamang tutugon sa mga katanungang di-kayang arukin ng isipan.

    Ang mga pagbabagong pangkabuhayan, panlipunan, pampulitika at pangkapaligiran ang

    nagtutulak sa tao upang hangaring tuklasin at lakbayin ang ibat ibang panig ng mundo. Sa

    pamamagitan ng makabagong instrumentong gamit sa paglalakbay ay lalong sumidhi ang

    layuning makipagsapalaran upang tumuklas ng bagong lupain.

    Si Ferdinand Magellan na isang dakilang manlalayag ay nagpahayag ng hangaring

    mlakbay ang silangan sa pamamagitan ng rutang kanluranin na nooy wala pang

    nakapagtatangkang sumubok. Bagamat isa siyang Portuges, naglingkod siya sa Hari ng

    Espanya. Dumulog siya kay Haring Carlos I at ipinarating ang kanyang plano. Sumang-ayon ang

    hari at noon diy iniutos ang paghahanda sa ekspedisyon. Limang barko, ang Trinidad, San

    Antonio, Concepcion, Victoria, at Santiago at 237 tauhan ang bumuo sa ekspedisyon.

    Apat na buwan ang ginugol nila sa timog ng Samar, lumunsad ang pangkat ni Magellan.

    Kinabukasan, siyam na katutubong lulan ng balangay ang sumalubong sa mga Kastila. May dala

    silang mga pagkaing tulad ng saging, niyog, isda, gulay, at alak. Bilang kapalit binigyan sila ni

    Magellan ng kulay pulang sombrero, suklay, salamin, at iba pang bagay builang tanda ng

    kanilang pagkakaibigan.

    Dahil sa maliit lamang ang Homonhon, ipinasya ni Magellan na pumunta sa ibang pulo.Marso 25, 1521 nang lisanin nila ang Homonhon dumaong sila sa pulo ng Limasawa noong

    Marso 28, Huwebes Santo. Sa pulong na ito nila nakilala si Rajah Kulambo ang pinuno, at ang

    kanyang kapatid na si Rajah Siagu, na pinuno naman ng pulo ng Bituan. Pinaklitunguhan sila ng

    pantay na pagtrato. Dito naganap ang itinuturing na kauna-punahang sanduguan ng isang pinuno

    at isang dayuhan.

    Nagkataong Linggo ng pagkabuhay noong Marso31, 1521 kaya iniutos ni Magellan kay

    Padre Valderama na magdaos ng misa. Dumalo sina Rajah Kulambu, Rajah Siagu at ng mga

    katutubo. Bilang pagpapahalaga sa mga pangyayari, nagtayo ang mga Kastila ng isang malaking

    krus na kahoy sa tuktok ng burol na sinasabing magsisilbing bantay ng mga katutubo sa malakasna kidlat at bagyo. Pagkatapos ng misa ay nagkaroon ng malaking pagdiriwang. Sagana sa

    pagkain ang mesa. Dito din ipinamalas ni Magellan ang pagsakop ng Espanya sa Pilipinas at

    pinangalanan itong Arkipelago ni San Lazaro dahil kapanakan ni San Lazaro ng dumating sila

    sa bansa.

  • 8/13/2019 Ekispedisyon Ni Magellan

    2/2

    Dahil sa kasarapan sa pagkain sa Limasawa ipinasya ni Magellan na lumipat sa Cebu.

    Narating nila ito noong Abril 7, 1521. Sinalubong sila ni Haring Humabon at ng kanyang mga

    tauhan. Mangilak ng buwis ang patakaran ng katutubo sa sinumang dayuhan subalit wala sa

    katauhan ni Magellan ang mangilag. Sinabi niyang higit na lmalaki at makapangyarihan ang hari

    ng Espanya. Pakikipagkaibigan lamang ang pakay. Napawi ang pag-aalinlangan ng mga

    katutubo at dahil dito ay nabawi ng mga dayuhan ang kanilang pagtitiwala.

    Abril 14, 1451, isinagawa nang isang misa. Dito nabuo ang kanilang balak na hikayating

    maging Kristiyano ang mga katutubo kaya ang mga pananampalatayang nasa balag ng alanganinay mabilis na naisuko. Hinandugan ni Magellan ng imahe ni Nio Hesus ang asawa ni Humabon

    na si Juana bilang simbolo ng pagyakap ng mga katutubo sa Kristiyanismo.