49

First Sight, Mahal na kita · First Sight, Mahal na kita - 2012 i Paalala para sa mga magbabasa mula sa nagsulat ng kwento: Ang kwento mababasa niyo ay bunga lamang ng aking imahinasyon,

  • Upload
    others

  • View
    3

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • First Sight, Mahal na kita - 2012 i

    Paalala para sa mga magbabasa mula sa nagsulat ng kwento:

    Ang kwento mababasa niyo ay bunga lamang ng aking imahinasyon, ang mga pangalan, lugar, eksena at ano pa man ay pawang mga kathang isip ko lamang at walang kinalaman sa totoong buhay. Kung meron ka man nabasa na maaring nangyari o ihahintulad sa totoong buhay ay sadyang nagkataon lamang.

    Sa kadahilanang isinulat ko ang kwento na ito ay hindi ko rin alam, sadyang pumasok na

    lang kasi sa isipan ko at pilit ako kinukulit ng isipan ko na isulat ko na, wala akong nagawa dahil hindi ko alam kung bakit ako ginugulo ng isipan ko na isulat ang kwento na ito kaya napagpasyahan ko na isulat na lamang para manahimik na ang isip ko na kakakulit sa akin.

    Sana ay masiyahan at magalak kayo kahit papaano sa isinulat ko na kwento, ako ay isang

    hamak na ordinaryong tao lamang at hindi ako isang propesyonal na manuulat kaya kung may mapupuna man kayo na pagkakamali ko o kulang ay ngayon pa lamang ako ay humihingi na ng pag unawa sa inyong mahal kong magbabasa.

    Neth

    Writer

  • First Sight, Mahal na kita - 2012 ii

    Talaan ng Nilalaman Chapter 1 - Resumé ............................................................................................................ 1 Chapter 2 - Ngiti ................................................................................................................. 7 Chapter 3 - Chat ................................................................................................................. 14 Chapter 4 - Damit ............................................................................................................... 19 Chapter 5 - Date ................................................................................................................. 27 Chapter 6 - Pagtatapat ....................................................................................................... 34 Chapter 7 - Awkward ....................................................................................................... 38 Chapter 8 – Paalam na mahal ko ..................................................................................... 42

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 1

    Chapter 1 Resumé

    Inaantok at hinihintay na matapos ang oras ng duty ko dito sa opisina, Wari'y matutulog na ay bigla akong sinigawan ng kasamahan ko sa trabaho. " Hoy! KIEL! Wag kang matulog baka mahuli ka ni sir diyan na tutulog tulog " " Uy pare hindi ako natutulog, naiinip lang ako hahaha! " Kasi naman ang boring dito sa opisina at dahil sa mga walang kabuhay buhay na mga katrabaho ko pati tuloy ako ay nahawa na sa pagka dry nila at nang biglang pumasok na may ngiting demonyo ang boss ko sa trabaho na may dala-dalang folder resume at dahil curious ako sa ngiti niya ay nagtanong ako. " Uy sir bakit ang saya mo ata? nanalo ba sa lotto? " " How I wish Kiel noh? It's just na may bagong magtratrabho na cute dito sa opisina natin pero contractual lang siya at I think magtatagal lang siya ng 5 months " " Ganun po ba sir. Grabe nakakasakit naman kayo ng loob eh? bakit sir hindi pa ba sapat ang cuteness ko dito sa opisina kaya't naghanap pa kayo ng iba? " With sad face reaction siyempre para kapanipaniwala. " Sira ulo ang kapal mo! " Sagot ng sir ko na with kulot kilay. " Kayo naman sir nagbibiro lang naman ako eh hahaha anyways sir patingin naman baka nga mas cute siya sa akin at ng matantsa ko hehehe " " Maglibag ka nga kumakapal ka nanaman eh. Oh sya eto ang folder with the resume inside and then after mo tignan itabi mo ng maayos sa table ko at na ma file ko na yan by tomorrow. " " Roger that sir hehe " Nang makuha ko na ang folder na may lamang resume ng newly contractual na workmate namin ay dahan-dahang kong binuksan ang folder dahil baka magulat na lang ako na monster pala ang picture, ngunit nang mabuksan ko na ito ay laking gulat sa nakita ko pero hindi ung gulat factor dahil sa monster ang nakita ko sa picture ng resume niya pero isang picture ng anghel na babae na tila ay naligaw dito sa lupa.

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 2

    " Sir? " " Oh Kiel bakit? " " Siya ba talaga itong nasa picture or baka inedit lang niya sa photoshop? " " Ay hindi! malamang picture ko ang nasa resume niya! Syempre siya yan noh at hindi inedit lang sa photoshop ang picture niya kasi nakita at nakausap ko na siya ng personal kanina lang " " Hmmmmm infairness sir huh? Cute siya " " Haha see I told you cute talaga siya, Teka nga wag mo sabihin may gusto ka na sa kanya? " " Ikaw naman sir haha " Tumalikod ako at tinitigan ng mabuti ang picture niya sa resume. Bulong sa sarili ko na.... " Aish totoo pala ang love at first sight " Medyo nakakahalata na ang sir ko dahil tumalikod ako at tagal kong lumingon kaya pinatabi na niya sa table ang resume ng new workmate namin at laking tanga ko naman ay nakalimutan ko tignan kung ano ang pangalan niya dahil sa sobra akong nabighani sa ganda niya pero ok lang kasi by tomorrow ng hapon ay makita ko na siya ng personal. " AT LAST!! Uwian na rin makakapag pahinga na rin " Pagkauwi sa bahay ay hindi pa rin maalis sa isipan ko ang bago namin workmate at sabay na naasar kasi ang tanga ko para hindi makita ang pangalan niya at kung ano ano na ang mga pangalan na naiisip ko dahil sa sobrang curious ko sa pangalan niya na dumating sa point na balak ko na bumalik sa opisina para makita lang ulit ung resume at makita ang pangalan niya but of course I wouldn't do that so tinulog ko na lang. " Krrrriiiiinnnnggg Krrrriiiiinnnnggg " " Huh? Cellphone ko nagriring " Sabay tingin sa relo bago sagutin ang cellphone ko. " WAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!! Tinanghali ako ng gising!! Kaltas sahod ko nito huhuhuhu " Pagdating sa opisina kulot kilay ang boss ko.

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 3

    " Hoy Kiel bakit ngayon ka lang kanina pa kita tinatawagan ano ba nangyari sayo hindi mo sinasagot tawag ko ha? " " Sir pasensya na kasi nawala yung cellphone ko sa bahay hindi ko agad nahanap tapos naka silent pa kaya hindi ko naririnig na tumatawag kayo " Dinahilan ko lang yun malay ko baka makalusot. " Ok! Eh bakit ngayon ka lang? Late ka alam mo ba yun ha Kiel? " " Yes sir I'm aware that I'm late pasensya na po hindi na mauulit " Kunwari naluluha luha para kumagat. " Hmmm o sige ano pa nga ba magagawa ko late ka na pero next time wala ng late, patatawarin kita ngayon kasi first time mo pa lang naman ma late " " Yes sir promise hindi na ako ma le late " YES! Nakalusot ako haha! " O sige go to your work now Kiel " " Yes sir salamat po " Hindi na ako nakapag lunch dahil sa late na nga ako at kailangan magpakita ng paawa effect sa boss ko para kunwari ay nagsisi na late ako pero sa totoo lang bago pa ako pumasok ay kumain na ako sa bahay kaya ok lang naman. " Kiel lunch time na " " Ay sir ok lang go ahead po and lunch na lang po kayo " " Sure ka huh? O sige lalabas lang muna kami para kumain, kaw muna dito mag isa ah? ” " Yup, Sige sir enjoy your lunch " Natapos na ang lunch break at bumalik sila ng exactly 1:00pm at naisipan kong muna na pagtripan ang boss ko hehehe. " Oh sir binilhan niyo ba ako ng foods? " Pinagtritripan ko lang sir ko nito hehehe. " Huh? wala ka naman sinabi sa amin na bilhan ka namin ng foods mo "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 4

    " Awwww nag text ako sainyo sir eh " " Ay ganun ba wala talaga ako na receive na text messege from you " " Joke lang sir wala talaga ako tinext binibiro ko lang kayo hahahaha! " " Walanghiya ka talaga Kiel hambalusin kita eh " " oh sir easy lang peace tau haha " " Magtrabaho ka na nga lang diyan " " Sir sorry but I already finished na may work kanina lang lunch break " " Aba talagang bumawi ka dahil late ka ha, sige good work rest ka na muna tutal wala na muna ako papagawa sayo " " Siyempre naman sir, ay by the way kala ko ba sir ngayon papasok yung bagong workmate namin? " " Oo ngayon nga anytime she will come here to start " " Huh? ano yun halfday lang siya? " " Yes halfday lang siya kasi 5 months lang naman siya " Later on may biglang kumatok sa pinto at ng binuksan ay pumasok na ang bago namin workmate " Speaking of the devil " habang papalapit siya ay bigla na lang ako tumabi at nagtago sa stock room namin kasi naman suddenly I feel so shy. " Oh Chloey nice to see you again, medyo napaaga ka ata 1:30pm pa shift mo " " Ay oo nga sir, excited lang siguro ako kea medyo napaaga ako hehe " Nang marinig ko si sir na tinawag siya na Chloey ay inisip ko na yung nga siguro ang pangalan niya. " O siya papakilala muna kita sa mga magiging workmate mo in 5 months "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 5

    One by one siyang pinakilala ng boss ko sa mga workmate namin except me kasi bigla ako pumasok sa stock room namin at kunwari ay may hinahanap ako pero sa totoo lang nagtago talaga ako dun kasi nga naman bigla ako nahiya sa hindi malaman na dahilan. " Hmm teka asan na si Kiel? Bigla na lang nawala ang kumag na yun " " Sir nasa stock room ata siya " Sambit ng isa kong workmate. " KIEL! Lumabas ka muna dito at papakilala ko ang bagong workmate niyo na si Chloey " " Uhhhmmm sir wait lang po may hinahanap lang po ako dito sa loob " Pero ang totoo wala naman talaga. " Ano ka ba papaghintayin mo ba siya dito? Lumabas ka na diyan kung hindi kakaladkarin kita palabas " " Yes sir eto na po " Kabadong kabado ako at that time kasi hindi ko alam kung ano sasabihin or gagawin ko kapag nakita ko na siya in personal. " Oh Chloey eto nga pala si Kiel " " Hi Kiel ako nga pala si Chloey " " Uhhhmmm ahhmmm ahh eehh He he hello Chloey " " Kiel siguro naman alam mo ang shakehands eh noh? " Patanong na asar sakin ng boss ko. Nagshakehands kami and nahawakan ko ang kamay niya na sobrang lambot na parang ayaw ko na bitawan pero siyempre hindi pwede yun kaya mabilis lang. " Hmmm I smell something fishy " Pabulong na sinabi ng boss ko. " Sir ano sabi niyo? " " Wala! Ang Sabi ko ay bumalik ka na sa stock room at hanapin mo na ung hinahanap mo baka iba pa mahanap mo eh " " Ahhh Ok sir "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 6

    Dali dali akong pumasok sa stock room sabay sara sa pinto at inamoy ang kamay ko na pinag shake hands ko kay Chloey, Grabe ang bango ng kamay niya at ang lambot. Crush ko siya AY! Hindi na, gusto ko na pala siya AY! Hindi na rin pala, Mahal ko na siya. Nahihiya pa ako na lumabas sa stock room pero siyempre hind ako pwede magtagal sa loob baka kung ano pa isipin nila. Hinanap ko agad si Chloey at ng makita ko siya ay pa sulyap sulyap lang ako. Kasi naman may pagka TORPE ako pagdating sa babae. 7:00pm na at uwian na, lahat sabay sabay lahat nagsialisan sa opisina at pagdating sa labas ay nagpaalam na sa isa't isa. " Bye guys, see you tomorrow ingat kayo " Paalam ng boss sa amin. " Bye rin sir ingat sila sa inyo " Pabirong paalam ko sa boss namin. " Oh Chloey may sundo ka ba? " Nahihiyang tanong ko sakanya. " Ay wala man ako sundo eh kaw ba? " " Meron si kamatayan kaya lang baka hindi siya darating eh " " Hahaha adik ka Kiel natawa naman ako dun sa joke mo " " Hahaha ka diyan, hindi joke yun seryoso ako " " Ha? Hindi nga? Huwag kang magbiro ng ganyan Kiel " " Joke lang yun sira as if naman eh noh? hahaha " " Adik ka talaga hahaha, O siya uwi na ako " " O sige Chloey mag iingat ka " " Sige kaw din ingat ka " Nang sinabi niya sa akin yun eh biglang sumaya ako, hindi ko ma explain ang feeling ko at that time.

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 7

    Chapter 2 Ngiti

    Pasado 8:30pm na ng nakauwi na ako sa bahay pero feeling ko parang hindi ako masaya na nakauwi kasi na mimiss ko na si Chloey. Naligo at kumain na ako ng aking hapunan nang bigla kong naisipan huwag muna matulog at mag facebook muna, hanapin ang facebook profile ni Chloey add siya at magka chance na maka chat siya hindi naman ako nabigo dahil nahanap ko ang profile niya at inadd ko siya. Ganda at ang cute talaga ni Chloey wala akong masabing panlalait sa kanya o dahil sadyang may gusto lang ako sakanya kaya ganun. Naghintay hintay ako ng mga ilang oras pero wala pa rin notification na inaccept niya ang request ko at dahil inaantok na ako ay natulog na kasi baka ma late nanaman ako sa opisina bukas. Gumising naman ako sa tamang oras at naghanda na para pumasok sa opisina. Pagkadating sa opisina sinalubong ko ang lahat ng isang magandang bati. " Yooooooow!! Gooooooooood Mooooooorning guys!! " " Aba aba Kiel ano meron bakit parang ang sigla mo? " Tanong sa akin ng mga workmates ko. " Wala naman mga pare sadyang masarap lang talaga ang mabuhay paminsan minsan " " Weh? Bakit namatay ka na ba ng minsan? hahahaha " " Hindi naman mga pare basta mahirap explain haha " " Sus as if I know kayong dalawa ni Chloey ang huling umuwi hindi ba? " Biglang sawsaw na tanong ng boss ko sa akin. " Oh sir Good Morning po, Hmmm yes sir you're right pero wala naman yun eh " " Talaga lang huh?? May naamoy ako sayo kala mo lang ah? " Padudang tanong ng boss ko. " Sir! Naligo naman ako eh " " Hindi un baliw, Baka balak mong ligawa si Chloey ah? "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 8

    " Sir ang bilis naman? Maaga pa para sa ganyan, Oh sige na sir back to work na tayo " " Oo buti alam mo! Oh hala sige trabaho na! " Wew, buti na lang naiba ko agad ang usapan medyo may naamoy na kasi itong boss ko sa akin eh, malakas kasi makaramdam to ng kung ano ano tsaka hindi talaga ako marunong manligaw kasi hindi ko style ang mga ganun. Lumipas na ang oras at tapos na rin ang lunch break so malapit na ang 1:30pm at ako ay excited na makita si Chloey kaya naman ang ginawa ko tinapos ko agad ang trabaho ko at pasimple lumibot libot na parang supervisor kasi mamaya maya ay tatambay ako sa pinto para salubungin ko ang unang ngiti niya. Dumating na nga ang 1:30pm at ako naman ay tumambay na sa pinto na may hawak na kape para pagbuksan siya ng pinto pagdating niya. *Knock Knock Knock* Yes! Si Chloey na ito for sure kaya dahan dahan ko binuksan ang pinto at hindi naman ako nabigo dahil siya na nga ang dumating. " Oh Hi Chloey Good Afternoon " Bigay todong bati at ngiti ko sa kanya. " Hello Kiel Good Afternoon din saiyo " Para akong nasa alipaap ng binati niya ako at nginitian parang anytime maari na akong mamatay, pero siyempre ayaw ko mangyari yun. " Chloey may tanong ako sa iyo " " ano naman yun? " " Kape ka ba? " " Huh? Bakit mo natanong yan? " Takang taka siya sa tanong ko na iyon. " Kasi KAPEranggot na ngiti mo lang, Buhay na ako! " " Sus kung maka pick up line ka ah? hahahaha " Tawang parang na cocornyhan siya sa akin. " Hehehe nabasa ko lang kasi kaya sinubukan ko lang naman "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 9

    " Ay ganun o sige pasok na ako baka mawili ako dito hindi na ako makapagtrabaho haha " " Ay oo nga pala I forgot nasa trabaho pala tayo haha, O sige " Nagdaan ang mga oras at malapit na naman ang uwian dati ay excited na excited ako pag malapit na ang oras ng umuwian pero ngayon parang ayaw ko nang umuwi at titigan na lang si Chloey magdamag pero hindi naman pwede yun at wala akong magagawa sa bagay na iyon. " Guys it's 6:00pm na malapit na ang uwian be sure natapos niyo na lahat ang mga trabaho niyo for this day or else mag Oover time kayo ng walang extra pay " Sabi ng boss sa aming lahat. Bigla ako napatingin kay Chloey at that moment and napansin ko parang aligaga siya sa hindi malaman na dahilan, linapitan ko siya at tinanong. " Chloey may masakit ba sayo? Bakit ganyan mukha mo pumapanget ka tuloy, Cheer up! " " Ay wala naman kasi baka hindi ko matapos tong pinapatype sakin ni boss medyo marami rami pa kasi eh " " Hmmm hala ka mag oovertime ka dito ng walang extra pay tapos ikaw lang mag isa " " Kaya nga eh pag hindi ko agad natapos to ganun nga ang mangyayari " " Balita ko may nagmumulto dito pag ikaw lang mag isa " " HA? Talaga? Ihhhh natatakot ako ayaw ko ng ganun " Takot na takot ay parang luluha na siya anytime kaya siyempre para ako ay magka pogi points sa kanya ay naisipan ko na tulungan siya sa mga pinapatype sa kanya ng boss namin. " Joke lng un hehe " " Ihhh Kiel noh tinakot mo ko haha " " Haha! O sige bigay mo sakin ung kalahati at tutulungan na kita para matapos kana " " Ay huwag na nakakahiya naman sa iyo " " Tsk walang hiya hiya pag sa akin, nanakit ako pag tinatangihan ako alam mo ba yun? " " Ayyy ang bad mo naman pala hahaha! "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 10

    " Hahaha sige na bigay mo na sa akin ang kalahati tatapusin ko agad " " O sige na nga, eto na ung kalahati " " Yan e di mabuti matatapos ka agad ng maaga niyan " " Salamat sayo Kiel ah? " " Sus wala yun basta ikaw haha! " Dali dali kong tinype ang kalahati na binigay sa akin ni Chloey sa loob lamang ng 20mins at bumalik ako sa kanya para ibalik yung mga papel at kunin pa ang iba if may natira pa. " Oh Chloey eto na oh natapos ko na yung binigay mo sa akin " " WOW! ang bilis mo naman magtype? " " Hehehe hindi naman sa pagmamayabang pero ako ang pinakamabilis mag type dito sa opisina natin " " Wow ang galing mo naman hehe idol na kita " " Weh? Hindi ako artista noh? hahaha " " Haha sabi mo eh , malapit na rin ako matapos nito " Nakita ko na kaya na niyang tapusin ang mga natira pa pero sa palagay ko hindi siya aabot ng 7:00pm kaya ang ginawa ko kinuha ko ang natitira pa. " Ayyy Kiel hindi pa tapos mga yan bakit mo kinuha? " " That's my point nga, Don't worry tapusin ko na rin mga to tutal wala naman ako ginagawa " " Ayyy nakakahiya naman sayo kanina mo pa ako tinutulungan eh " " Don't mention it wala sakin yun hehehe " " Salamat ulit Kiel " Nawawala lahat ng pagod at stress ko kapag nakikita ko siya ngumingiti.

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 11

    Lumipas ang ilang minuto at 6:45pm na, 15mins na lang uwian na at ang lahat ay naghahanda na para umalis sa opisina namin. " Chloey tapos na ako kamusta ka diyan ok ka na? " " Uy Kiel eto kakatapos ko lang, Salamat talaga ha? " " Ok lang yun ano ka ba kanina ka pa salamat ng salamat eh " " Hehehe O sige na nga " Nag ayos na kami ng mga gamit namin at handa na para lumabas na ng opisina para umuwi na nang biglang sinabi ni Chloey na..... " Kiel sabay na tayo " " Ha? O sige tara labas na tayo " Ang saya ng feeling ko ng oras na iyon kasi siya mismo ang nagsabi na sabay na kami lumabas. Pagdating namin sa labas ay nagpaalam na kami sa mga workmates and boss namin. " Boss, mga pare bukas na lang ulit ingat kayong lahat " " Sige bukas na lang ulit, paalam ingat din " Sabi ng mga workmates at boss ko. " Oh Chloey uwian na tayo na at ng makapag pahinga na " " Teka Kiel hintay lang samahan mo naman ako sa Mall may bibilhin lang ako, Ok lang ba? Nagulat ako sa tanong niya yun kasi hindi ko expect na magpapasama siya sa akin eh 2 araw pa lang kami nagkakakilala pero siyempre ako naman ay go lang ng go basta siya kasama. " O sige walang problema " " Salamat Kiel " Sumakay na kami sa jeepney at nakarating na rin sa Mall. Nagtaka lang ako dahil sa isang fastfood kami pumunta. " Oh Kala ko ba may bibilhin ka? "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 12

    " Hehehe wala naman ako bibilhin eh, Treat lang kita kasi tinulungan mo ko kanina " " Ha? Ikaw ah lininlang mo ko haha, Sabi ng Ok lang yun eh " " Ihh kahit na! Huwag ka nang umangal at kumain na lang tayo, sagot ko naman eh " " Naman bigla ako nahiya sayo eh hahaha " " Ay bakit naman? " " Wala naman, First time ko kasi na babae ang manlilibre sakin eh " " Haayy Ok lang yan atleast na experience mo na hahaha " " Hahaha oo nga eh, anyways salamat ah? " " Hehehe no problem " Nagsimula na kami kumain, kahit sawa na ako sa fastfood na iyon ay bigla akong nag enjoy sa mga pagkain nila dahil kasi naman kasama ko si Chloey sa oras na iyon at feeling ko parang nag dadate na kami or date na nga ba talaga to? Natapos din agad kaming kumain, dahil alam niya na maaga ang pasok ko ay agad narin siya nagyaya ng umuwi. " Sayang bitin ako " Sabi ko sakanya " Ay bakit? gutom ka pa ata? hehe " " Hindi ah busog na nga ako eh, bitin lang kasi agad na tayo uuwi " " Ayaw mo na ata umuwi? haha " " Hindi naman enjoy ka kasi kasama eh hehehe " " Sus kaw ah bolero ka haha " " Sa lahat ng bolero ako ang nagsasabi ng totoo noh? haha " " Ikaw na! haha, O siya sige byebye na maaga pa pasok mo bukas "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 13

    " Oo nga pala sige byebye din saiyo, Salamat sa libre ah? sa uulitin hahaha " " Hahaha kaw talaga, Don't worry may next time pa naman, Sige ingat pauwi " " Ingat ka rin Chloey Bye Bye " Kahit gusto ko man siya ihatid pauwi eh hindi ko alam paano ko didiskartehin ang ganung situation, hindi kasi talaga ako marunong manligaw at dumiskarte, pero hindi bale may next time pa naman for sure matututuhan ko rin ligawan siya.

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 14

    Chapter 3 Chat

    As usual gaya ng araw araw na ginagawa ko, eto papasok nanaman sa trabaho pero unlike before ay mas excited na ako pumapasok ngayon dahil na rin kay Chloey. The same ng ginawa ko kahapon ay sinalubong ko siya sa pinto para ako agad ang unang niyang makita. " Hello Chloey, Salamat nga pala sa treat kagabi hehe " " Hi Kiel, Ikaw naman wala nga yun eh bumawi lang ako kasi tinulungan mo ako kahapon " " Ganun ba wag kang mag alala basta pag need mo ng help I'm always here " " Naks naman! Sige salamat sa offer mo, Don't worry pag I need help I won't hesitate " " Sige hehe, oh let's go to work na baka kumatak nanaman si bossing haha " " Haha Ikaw talaga, O siya mamaya na lang ulit " Naging active ako sa pagtratrabaho at agad ko tinatapos ang mga trabaho ko if ever may hinahabol na deadline si Chloey ay ready ako tulungan agad siya para maiwasan na rin mag overtime siya sa opisina namin. " Kiel! Kiel! " Tawag sa akin ng boss ko. " Yes sir? " " Dito ka nga mag uusap tayo ng masinsinan " Bigla akong kinabahan sa tono ng pananalita ni boss ko kasi never ko pa siya narinig na ganun ang tono niya. " Bakit sir? May problema ba or may nagawa akong kasalanan? " " Wala naman Kiel, may tanong lang ako sayo, Liniligawan mo ba si Chloey? " " Huh sir? Uhmmmm ewan ko sir hindi ko masabi eh " " So tama nga hinala ko from the start pa na may gusto ka sakanya "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 15

    " Yes sir tama po kayo " " O sige hindi naman ako tutol sa inyo eh, And sino ba naman ako para tumutol hindi ba? " " Salamat sir, pero sana po ay sa ating dalawa na lang muna po ito kung ok lang sa inyo sir " " Ok lang Kiel don't worry, Secret lang natin to pero bilis bilisan mong dumiskarte dahil 5 months lang siya dito " " Ewan lang sir, siyempre ilang araw pa lang naman kami nagkakakilala kaya hindi ko pa masasabi yan " " O sige kaw na bahala diyan, basta huwag mo lang papabayaan ang trabaho mo dito understood? " " Yes sir siyempre hindi " " Sige you can back to your work na " Kahit ganun ang boss ko ay tinuring ko na rin siya na pangalawang ama ko dahil sa willing siya na mag advice sa akin sa ano pa mang mga bagay bagay, kaya tiwalang tiwala naman ako sa kanya at hindi naman niya ako ipapahamak feeling ko pa nga willing pa siya na tulungan pa ako manligaw pero if ever tatangi ako dahil gusto ko sarili ko diskarte ang magwawagi. Isang oras bago ang uwian namin ay pinuntahan ko si Chloey sa kanyang table at kinamusta siya. " Yow Chloey kamusta naman diyan? " " Oh kaw pala Kiel, eto wala naman problema at natapos ko naman kahit papaano ang mga paper works " " Wow bumibilis ka na ata magtrabaho ah? Keep up the good work hehehe " " Hehe thanks Kiel " " Sige balik muna ako sa table ko, tawag ka nalang if you need something " " O sige "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 16

    Dumating na ang oras ng uwian namin at sabay sabay kaming lahat lumabas sa opisina, kanya kanyang paalam sa isa't isa at nagsiuwian na pero gaya pa rin ng dati ay kami ni Chloey ang huling umuuwi. " Oh Chloey uwi ka na ba niyan? " " Oo eh ikaw ba niyan? " " Siguro hehe " " Ay bakit siguro? If I know niyan mang chichiks ka pa niyan eh? haha joke lang " " Hoy hindi ako ganun ah? Kahit ganito pagmumukha ko mabait naman ako kahit papaano haha " " Oo naman walang dudang mabait ka hehe, O sya una na ako Kiel Bye ingat nalang " " Sige ingat din bukas na lang " Hindi ko nanaman naihatid si Chloey sa kanyang bahay, ang hina ko talaga kahit kailan. Nakauwi na rin ako sa bahay, kumain na at naligo bago matulog pero naisip ko bigla ang facebook dahil sa inaadd ko si Chloey baka naman inaccept na niya yung request ko, Nag open na ako ng facebook at nakita ko na may notification na inaccept na ni Chloey ang friend request ko sakanya and nakita ko siya na naka Online so naisipan ko na chat siya bago man lang ako matulog. " Hi panget haha " " Che! Panget ka diyan haha " " Haha salamat sa pag accept " " Ngee wala yun ano ka ba aha " " Hehe oh kumain ka na ba? " " Oo katatapos ko lang eh ikaw ba? " " Tapos na rin "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 17

    " Anu ginagawa mo niyan ? " " Hmm eto ka chat lang naman ang babaeng pangalan ay Chloey " " Ay ganun ba wala ka ata ibang ka chat? hehe " " Wala man ikaw lang at masaya na ako dun " " Sus Kiel talaga noh haha " " Bakit? " " Wala nman haha " " Haha ka ng haha diyan sige ka baka.... " " Haha oh? sige nga ano gagawin mo? " " Hahalikan kita diyan eh hahahaha! " " Hmmp subukan mo at ng makatikim ka sa akin haha " " Makatikim ng halik? Sure why not haha " " Che! Ang adik mo talaga Kiel " " Oo adik talaga ako, Adik sa iyo " " Weh bumabanat ka nanaman ah? " " Hindi naman haha, Musta pala lovelife? " " Weh lovelife naman, wala pa naman ako boyfriend eh " " Wow good girl ka ata hehe " " Hmm siyempre hehe, Tsaka wala pa naman nanliligaw kasi ayaw ko sila entertain eh " " Ay bakit naman? "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 18

    " Wala lang siguro hindi ko lang sila type eh " " Wow choosy ka ata teh? haha " " Haha ewan parang nga naging choosy ako " " Ay bakit choosy? " " Hmm ewan nga din hindi ko masabi " " Ahh dahil siguro nasaktan ka sa dating mong relationship " " Hmm oo parang ganun na nga " " bakit naman at ano ang ginawa sayo ng ex mo? " " Hmmm O sige Kiel matutulog na ako inaantok na kasi ako " Feeling ko tuloy nagalit or nailang siya sa tanong ko kasi medyo personal ang tinanong ko sakanya about her ex boyfriend, Palpak ang ginawa ko na iyon. Sana hindi siya na awkward sa akin. " Sige Goodnight sweet dreams " " Sige Goodnight din " Nag offline na kami at ako naman ay ready na para magpahinga't matulog, Iniisip ko pa rin si Chloey hangang sa pagtulog nangangahulugan lang talaga na mahal ko na siya dahil ngayon ko lang talaga naramdaman ang feelings na to. Sana dumating ang araw na mahalin niya rin ako gaya ng pagmamahal ko sakanya.

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 19

    Chapter 4 Damit

    As usual same routing pa rin ang ginagawa ko tuwing umaga at sa office din walang pagbabago ganun pa rin maliban na lang sa oras na hinihintay ko, ang pagdating ng aking iniirog na si Chloey. Sa tuwing dumarating siya ay sinasalubong ko siya sa pinto upang kamustahin at batiin siya. " Uyy Chloey " Ngumingising tawag ko sa kanya. " Uy kaw pala Kiel! " " Malamang ako, kailan pa ako naging ibang tao? " Paasar na banat ko. " Che! Pinagtritripan mo nanaman ako eh haha " Ngiting taray sa akin. " Hindi naman, Teka may tanong ako sayo " " Ano naman yun? " " Bakit ang ganda mo ngayon? " " Sus nambola pa ang adik " " Che! " " HAHA! Aba may pa Che Che ka na rin nalalaman ah? " " Che ka kasi ng Che eh yan tuloy nahawa na ako " " Haha o sige mamaya na lang trabaho na muna " " O sige, nawiwili kasi ako inaasar ka eh haha " " Ako na lang talaga ang pinagtritripan mo noh? " " Eh kasi kaw lang ang mahal ko eh " Pabulong kong sagot sa kanya. " Ano sabi mo? Hindi ko narinig "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 20

    " WALA!! Trabaho na sabi ko " " Oo nga tara trabaho na " Talagang kinabahan at tumigigdigidig ang puso ko kasi ang akala ko ay narinig niya ang sinabi ko. Dumating nanaman ang oras ng uwian at lumabas na kami lahat upang magpaalam sa isa't isa. Bigla ko naisip na siguro kailangan ko ng gumawa ng moves para mapansin na ako ni Chloey not as a friend but as a lover. " Chloey tara labas tayo " " Adik nasa labas na kayo tayo noh? HAHA! " " Anak na! Pilosopong babae to, Pinagtripan daw ako haha " " Oh huh nakaganti na rin ako sayo " " Naman! At bilang parusa ay sasama ka sa akin sa mall at tutulungan mokong bumili ng damit ko " " Oo sige no problem, para sayo ba? " " Malamang kasi sinabi ko damit ko hindi ba? " " Che! ayan ka nanaman eh haha, anong klaseng damit ba? " " Malamang gown or blouse kasi para sakin nga " " Arrrghh adik ka talaga haha " " Haha masanay ka na kasi adik talaga ako " " Haha sabi mo eh, san ka ba adik aber? " " Sayo! " Mabilis at malakas na sagot ko. " Sus haha " Napangiti na lang siya sa sinabi ko.

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 21

    " Oh tara na nga at baka gabihin pa tayo. " Nakarating na kami sa mall at pumunta kami sa mga bilihan ng damit at doon ay nagpatulong ako pumili ng damit na babagay sa akin. " Hoy panget! bagay ba sakin tong damit? " " Panget ka dyan! Hmmm stripes? parang tumaba ka sa suot mo na iyan. " " Ganun ba? Palitan ko na nga lang ayaw ko tumaba haha " " Teka eto try mo parang bagay sayo " " YELLOW?! Pangbabae kulay na to eh? " " Hoy! hindi ha? try mo na dali " " Opo boss wait lang po ha? " Pumasok ako sa fitting room at tinignan ang damit na pinapasukat sakin ni Chloey. " Hmmm yellow huh? never pa ako nag yellow sa buhay ko pero try ko na rin " Sabi ko sa sarili ko. Lumabas na ako sa fitting room suot ang yellow na damit. " Wow! Pogi! haha " Palokong bola sa akin ni Chloey. " Weh? Hindi nga? Huwag moko pagtripan kasi haha " " Oo nga pogi ka nga diyan. Infairness bagay yellow sayo. " " Puro kasi dark colors ang sinusuot ko eh. " " Bakit kasi puro dark? " " Emo ako eh " " Haha emongoloid ka eh "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 22

    " WAAA! Solid ka haha " " Haha joke lang, pero seryoso bagay yan sayo, yan na lang bilhin mo " " O sige na nga sabi mo eh, pag ako pinagtawan babanatan kita " " Grabe ang sama mo haha " Pinabalot ko na yung damit tsaka ko na binayaran at bigla akong nagutom kaya tinanong ko si Chloey if gusto niyang kumain. " Baliw gutom ka na ba? Tara kain tayo, Treat ko. " " Kung ano ano naman tinatawag mo sakin eh, sige tara libre mo naman pala haha. " Humanap kami ng mukhang masarap kainan at may nakita naman siya na fastfood na mukha naman masarap kasi ang dami tao eh. " Kiel tignan mo sa tingin mo masarap kaya dun? " " Ewan ko lang, pero tara let's try it who knows masarap nga diyan. " " Oo nga dami kasi tao eh. " May nabasa akong tarpaulin sa gilid na sinasabing " Free Unlimited Rice " " Haha kaya pala free unlimited rice dito eh " " Wow Free unlimited rice, Dito na lang tayo Kiel haha. " " Hala! " " Oh bakit? " Takang takang tanong niya. " Matakaw ka sa kanin, madali kang tataba niyan magiging baboy ka na hahaha! " " Adik ka Kiel haha! " " BABOY! BABOY! " Asar ko sa kanya.

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 23

    " Ihhh naman eh ang kulit kulit mo para kang bata haha. " " Bata na kung bata hindi naman baboy, nye nye nye nye baboy si Chloey haha! " " Che! Baboy ka diyan eh kaw? " " Oh sige ano ako oh? " " Uhmm, wala ako maisip haha " " Haha tama na nga lalo akong ginugutom, tara kain na tayo, BABOY! " " Ihhh kaasar ka, umorder ka na nga lang. " Umorder na kami ng makakain at habang kumakain kami ay pinagmamasdan ko siya. " Oh bakit ganyan ka makatingin? May problema ba ang mukha ko ? " Tanong ni Chloey sakin. " Hmm wala naman, it's just na ang takaw mo pala talaga sa kanin hehe. " " Ihhhh hambalusin kita ng kanin eh. " " Ay wag sayang kahit free pa at unlimited wag ganun masama yun. " " Oo nga noh, sige wag na nga lang. " " Takaw talaga haha. " " Naman eh haha. " Asar na asar na hindi malamang kung iiyak or tatawa na lang sa pang aasar ko sa kanya. Habang kumakain at tuloy pa rin ang pangaasar ko sa kanya, gusto ko kasi maging comfortable siya sakin at hindi mailang, sabi nga ng iba eh ang TORPE AY SA PANG AASAR DUMIDISKARTE. " Waiter pahingi pa nga ako ng Rice 2 please , thank you. " " Wow! Kaw din pala matakaw sa kanin. " Ngumiti lang ako at hindi kumibo sa asar niya sa akin.

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 24

    Binigay na ng waiter ang 2 rice na inorder ko. " Hoy Elepante eto na extra rice mo, WAHAHAHA! " " Ang adik mo talaga eh noh? Akala ko sayo tapos ibibigay mo pa sa akin to? " " Hahaha! Nakakatawa ka talaga pag napipikon, sige na kainin mo na at alam ko bitin pa sayo ang kanin na yan. " Paasar ko nanaman na banat sa kanya. " Ihhh hindi ko to mauubos hati na lang tayo please? " " Awww! You said the magic word, sige na nga kaasar ka naman eh. " " Aba! kaw pa may ganang maasar, well hati tayo dito sayang kasi. " " Matakaw talaga ito sa kanin. " " Ayyy kumain ka na nga lang. " Natapos din kami kumain at tumigil na ako sa pang aasar ko sa kanya. Medyo maaga pa para umuwi kaya nagpasama ulit ako sa kanya. " Bakla samahan mo ulit ako may bibilhin ako damit pang babae. " " Ihhh kaasar to kung ano ano tinatawag mo sakin eh. " " Ok lang yan ano ka ba, tara na samahan mo ako ulit ha? " " Sige na nga. " Pumunta kami sa bilihan ng damit para sa mga babae. " Chloey pumili ka ng damit na sa tingin mo ay bagay sayo, same kasi kayo ng body built ng pagbibigyan ko ng damit eh. " " Ay talaga o sige. " " Gandahan at galingan mo sa pagpili noh? " " Oo na, eto try ko. "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 25

    " Sige subukan mo na. " Pagkaraan ng ilang sandali ay lumabas siya sa fitting room na suot and damit na pinili niya. " Wow ganda mo naman diyan sa napili mo. " " Talaga? Salamat, hmm eto na lang siguro kunin mo. " " Sige, teka miss pabalot yung babae este yung damit kunin na namin. " " Lakas talaga ng trip mo Kiel haha! " Lumabas na kami at pauwi na ng bigla siyang may tinanong. " Para kanino ba tong damit na to? Sa Girlfriend mo noh? " " Hindi ah? " " Oh para kanino nga? " " Sayo siyempre para kanino pa nga ba? " " Ano?! " Biglang bigla siya sa sinabi ko. " Oo nga para sa'yo yan, gift ko sa'yo kasi sinamahan moko. " " Ikaw ha? Nauto moko sa sinabi mo haha. " " Haha for sure naman kasi hindi ka papayag kapag sinabi ko na para sa'yo ang bibilhin ntin na damit." " Hmm hindi naman siguro, anyways salamat dito ang bait bait mo talaga. " " Wala yun, Salamat din at sinamahan moko. " " Hehe Wala yun, mabait ka kasi eh. " " O sya tayo na at umuwi na, Tara hatid na kita. " " Ay nakakahiya naman wag na ok lang ako. "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 26

    " Wag matigas ang ulo, Tara na hatid na kita sa inyo. " Style ko to para malaman ko ang bahay niya. " Sige na nga haha. " Hinatid ko siya sakanila at sa wakas alam ko na ang bahay nila. " Oh Chloey bukas na lang ha? " " Sige Kiel salamat sa paghatid at sa damit na binili mo for me. " " Welcome basta ikaw, Sige una na ako, Goodnight! " " Goodnight din, ingat ka pauwi. " " Sige salamat, oh pasok ka na. " " Sige, bukas na lang bye. " Hinintay ko muna siya makapasok sa bahay nila bago ako umuwi, sana tuloy tuloy na ang pag iimprove na ito, hindi ako marunong manligaw pero feeling ko tama ang ginagawa ko. Darating din ang araw na magiging kami rin, positive ako na darating ang araw na yun.

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 27

    Chapter 5 Date

    Kinaumagahan sa aming opisina, lahat ng mga katrabaho ko at pati na rin ang boss ko ay tinitignan ako sabay ngising tawa. Nagtaka talaga ako sakanila bakit ganun na lang sila makatitig sa akin feeling ko tuloy may crush sila sakin eh. " Bakit ganyan ang tingin niyo nakakaloko kayo ah? " Pabirong tanong ko sa kanilang lahat. " Ay sus bata ka. " Sagot ng boss ko sa akin. " Ha? Napano ba ako sir? May ginawa ba akong masama? " " Wala naman Kiel, sabihin mo nga nanliligaw ka na ba kay Chloey? " " No comment sir. " " Sabi na nga ba eh nanliligaw ka na hahaha! " " HAHAHAHAHA! " Lahat sila ay tawanan sa akin. " Anong nakakatuwa if nanliligaw ako? Minsan na nga lang ay aasarin pa ako. " " Hindi naman sa ganun pare, it's unusual lang kasi sayo eh. " Sagot ng isa kong ka trabaho. " Ay ewan basta kaya ko to! " " That's the spirit my boy! Go lang ng Go! " Sabat ng boss ko. " Yeah Sir I know. " " Goodluck! Mr. Pag-Ibig! HAHAHA! " Kantyaw ng mga katrabaho ko. " ARRGGGHHH!! Back to work na! " Sigaw ko sakanilang lahat habang ako ay namumula. Kahapunan ay dumating na ang pinakahihintay kong tao na nagpapasaya sa akin araw araw, ang minamahal ko na si Chloey, gaya ng dati ay sinalubong ko siya sa pinto upang batiin ng biglang sumawsaw ang mga katrabaho ko na tila'y nangaalaska pa sa amin.

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 28

    " Uyyyyyy ang mag LOVE TEAM oh? haha " Kantyaw ng mga katrabaho ko sa amin ni Chloey. Nanahimik kami bigla ni Chloey at nagtinginan na lang sa isa't isa, nahiya tuloy ako sa ginawa ng mga katrabaho ko, mga loko talaga tong mga to. " Mga sira ulo talaga tong mga to. " " Hehe nakakatuwa nga sila eh. " Sagot ni Chloey. Tumawa na rin ako at hindi na nagsalita para tumigil na silang lahat at ng hindi na nila gatungan kung ano pa sasabihin ko, mahirap na baka mabuko pa ako ng hindi oras at hindi pa handa. Bago ang uwian ay naisip ko na kunin ko na ang number ni Chloey so that we can stay in touch. " Chloey " " Oh Kiel? " " May itatanong ako. " " Ano naman yun? " " Pwede ko mahingi Cellphone number mo? " " Ayaw! " Nagulat ako sa sinabi niyang iyon sa akin at feeling ko ay basted na ako nito. Nanahimik na lang ako dahil hindi ko expect na tatangi siya. " Ahh sige di bale na lang. " Sabi ko na lang sa kanya. " Pag hiningi mo number ko wala na akong number. " Biglan sagot niya. " Ha? " Nagtatakang sagot ko. " Joke lang haha! Ang slow mo naman. " " Arrgh! "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 29

    " Nye nye nye pikon haha " " Hindi ah? Nabigla lang ako kasi out of nowhere kung pagtripan mo ako. " " Haha ganun ba. Oh eto na nga number ko binibiro ka lang naman eh haha. " " Ikaw talaga haha, Thanks text kita later hehe. " " Sure " Bumalik na ako sa workplace ko so that makapag ayus na ng gamit at ready na para sa uwian. " Chloey tara? " " Saan naman? " " Sa puso ko! " Banat ko sa kanya. " Adik! Ano yan puso mo lugar ba? haha. " " Haha, hindi joke lang, tara gusto mo watch movie? " " Uhmm teka isipin ko lang... " " Huwag na sumama ka nalang haha " " Sige na nga wala rin naman ako gagawin tsaka sunday naman bukas. " " Sige tara na. " Nagtingin tingin kami ng maganda movie na pwedeng panoorin, gusto ko sana yung mga action or sci-fi pero siyempre dahil kasama ko si Chloey ay kahit anong movie na basta kasama ko lang siya. " Kiel eto na lang panoorin natin oh? " " Iiiih bakla ka talaga noh? " " Che! Anong bakla hindi naman pang bakla to eh. "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 30

    " Anong hindi eh love story yan eh. " " Haha ang adik mo hindi kaya. " " Sige na yan na lang panoorin natin? " " Sige mukhang maganda eh. " Pumasok na kami sa sinehan at nanonood na ng movie. Damang dama ko ang mga bawat eksena sa movie dahil love story nga ang genre at ang mga ibang eksena ay nakakarelate ako dahil ang bida ay isang torpe. Natapos ang movie at kitang kita sa mukha ni Chloey ang pagka satisfy sa pinanood namin. " Ang ganda ng movie noh? Sabi sayo hindi pangbakla yun eh. " " Oo nga maganda siya lalo na yung leading lady haha. " " Baliw to haha " Sabay kurot sa braso ko. " ARAY KO!! Ang sakit nun ha? " Gumanti ako ng kurot sa pisngi niya. " Aray! Bakla pumapatol sa babae hahaha! " " Tignan mo to! Ako pa ang nagmukhang may kasalanan. " " Haha bakla ka eh haha! " " CHE! Tara na nga kumain na tayo at ako ay nagugutom na. " Nagyaya na akong kumain dahil gutom na talaga ako. Pumunta kami sa kinainan namin dati na may free unlimited rice, dahil request niya doon na lang daw ulit. " Takaw mo talaga sa kanin! Solid! haha. " " Mang aasar ka nanaman niyan eh. " " Hindi joke lang yun ano ka ba, Baboy! "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 31

    " Waaaaa! Baboy pala ah? " " Aray! Kaw nakakarami ka na. " Piningot niya tenga ko unexpectedly. Hindi na ako gumanti dahil gutom na talaga ako. Pansin ko gutom na gutom na rin siya kasi tuloy tuloy kung kumain siya parang hindi na siya lumulunok. " Patay gutom! " Asar ko sa kanya. " Ano?! Gutom lang ako noh? " " Haha gutom din ako pero hindi ako ganyan ka patay gutom kagaya mo. " " Makapang asar talaga wagas, kapag hindi ka nanahimik ako kakain ng pagkain mo sige ka. " " Eto na kakain na nga lang din ako. " " Haha! " Tawang tawa siya sa sinabi ko kahit wala naman nakakatawa talaga. Natapos na kami kumain at pauwi na rin kami kasi medyo late na. " Oh siya tara na at umuwi dahil late na rin. " " Oo nga, hindi ko napansin ang oras, nga pala salamat. " " Wala yun basta next time ulit haha " " Sige no problem " " Tara na at ihahatid na kita pauwi, teka kunin ko lang yung kotse ko na nakapark. " " Ay wow may kotse ka na? BIGTIME. " " Joke lang e di sana pumunta tayo dito nakasasakyan, SHUNGA ka! haha. " " Ihhhhh pinagtritripan mo nanaman ako eh haha. " " Haha Sarap mo kasi pagtripan eh parang bata lang. "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 32

    " Che! " " Haha natatawa talaga ako sa pa Che Che! mo. " " Haha adik ka talaga. " Ang saya talaga ko talaga dahil nakasama ko siya, at masabi kung date ng maituturing ang paglabas namin. Malapit na kami makarating sa bahay nila at habang naglalakad ay bumubugso ang damdamin ko na magtapat na sa kanya dahil mahal ko na talaga siya. " Uhmmm Chloey? " " Oh Bakit? " " Mamaya may sasabihin ako. " " Bakit hindi pa ngayon? " " Basta mamaya na lang, kontrabida ka talaga kahit kailan. " " Haha sige kaw bahala... Ano kasi yun? " " Ihhh ang kulit mamaya na nga eh, hambalusin kita ng sapatos eh. " " haha sige sige mamaya na nga lang. " Nakarating na kami sa bahay nila at eto na ang tamang pagkakataon at oras para ipagtapat na ang nararamdaman ko sa kanya, kabadong kabado ako hindi ko alam paano ko uumpisahan. " Oh Kiel bakit namumutla ka? " " Ha? Hindi ah? " Feeling ko mauubusan ako ng dugo sa pamumutla ko. " Weh? Natatae ka noh? haha! " " Sira! Hindi! " " Oo sige, ay ano nga pala ang sasabihin mo? "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 33

    " Excited? Eto na nga at sasabihin ko na eh. " " Haha hindi naman. Sige ano yun? " " Chloey! " " Ano nga? haha. " Iniisip ko sa sarili ko na eto na ba talaga ang tamang panahon? Pero kailangan ko na sabihin eto para malaman na niya ang tunay ko nararamdaman dahil ayaw ko mag sisi sa bandang huli at baka ma FRIEND ZONE lang ako kung hindi ko pa sasabihin, mahirap ata yun.

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 34

    Chapter 6 Pagtatapat

    Eto na sasabihin ko na, This is it, this is really is it is it na, wala nang urungan pa, sasabihin ko na talaga sa kanya ang nararamdaman ko, bahala na what will happen. " Chloey! May sasabihin ako importante, seryoso ako this time. " " Ay, sige ano naman yun? " Naman! Kinakabahan talaga ako as of this moment! Kung sa bagay sino ba naman hindi, pero kailangan ko na talagang ipagtapat ito, sasabihin ko na. " Wa.. wa... wag k...k..kang magagalit ha? " " Napano ka Kiel bakit na uutal ka? may sakit ka ba? " " Hindi! Wala! May sasabihin ako sayo na importante. " " Sabihin mo na kanina mo gustong sabihin hindi mo pa masabi eh. " " Eto na sasabihin ko na talaga. " " Sige makikinig ako. " Kailangan ko ng moment of silence para makabuwelo at masabi ko na kay Chloey ang nararamdaman ko. " Chloey! I... I... I LOVE YOU!! " " Ha? " " Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko I LOVE YOU!! MAHAL KITA!! TE AMO!! AISHTERU!! " Pilit pa akong nagpapatawa kahit seryosong seryoso ako. " Kiel, uhhmmm alam mo, na appreciate ko talaga ang sinabi mo pero.... " " Pero ano? Sabihin mo. " " Kasi ano eh, sorry pero hindi ko pa kayang ibalik ang pagmamahal na binibigay mo sakin eh. "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 35

    " ............. " Hindi ako nakakibo sa sinabi niyang iyon sa akin, feeling ko pinagsuklaban ako ng langit at lupa sa narinig kong iyon kay Chloey, Hindi ko lubusang maisip na ganun ang sasabihin niya. " Kiel sorry talaga ah? Friends lang talaga ang kaya kong ibigay sayo. " " Uhhm O... Ookay lang, hindi ko naman mapipilit na mahalin mo ko. " " Kiel pasensya na talaga, sana mapatawad mo ko, kasi hindi talaga pwede eh. " " Ayus lang un, tanggap ko naman yun, sorry din kasi minahal kita. " " Huwag kang mag alala Kiel, marami pang babae diyan na mas deserving sa pagmamahal mo. " " Siguro nga tama ka, O sige mauna na ako at baka mahirapan na ako makauwi, late na rin kasi. " " Uhmm ganun ba? Sige mag iingat ka Kiel, Salamat pala. " " Sige paalam Chloey. " " Goodbye, Ingat ka Kiel. " Nang nakatalikod na ako sa kanya at papalayo na ay hindi ko maiwasan na lumuha dahil sobra akong nasaktan sa narinig ko na hindi niya ako kayang mahalin at pagkakaibigan lang ang kaya niyang maibigay sa akin pero ganyan talaga ang buhay hindi lahat ay makukuha mo. Nakauwi na ako sa amin, dumeretso agad ako sa aking kuwarto, humiga, tinignan ang kisame at unting unti na ako mag umpisang lumuha at umiyak na rin ng tuluyan habang iniisip ang nangyari sa akin, tinatanong ang sarili ko kung bakit kaya hindi niya ako kayang mahalin? Bakit hanggang kaibigan lang? Bakit hindi pwede? Pinipilit na iniisip ang mga dahilan kung bakit nga ba hindi pwede. Hindi ko alam paano ko siya haharapin sa susunod na magkita kami sa opisina at iniisip kung ano ang dapat ko gawin. Sobrang sakit talaga ng nararamdaman ko, hindi ako makapaniwala na naranasan ko ito. Patulog na ako ng biglang may nag text sa aking cellphone, tinignan ko ito at si Chloey ang nag text sa akin, nagdadalawang isip ako na tignan ang text niya sa akin dahil masakit pa ang ginawa niya sa akin kahit na wala naman siyang kasalanan, pero tinignan ko na rin ito para malaman kung ano nga ba talaga ang tinext niya sa akin.

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 36

    " Kiel Ok ka lang ba talaga? " Yan ang laman ng text message niya sa akin. Nagreply naman ako sa kanya. " Ok naman ako, wag kang mag alala. " Nag text ulit siya sa akin. " Mabuti naman, sorry ulit ha? " " Ok lang wag mo nang alalahanin yun wala ka naman kasalanan eh. " Reply ko sa kanya. " Uhmm kahit na, pero thanks ha. " Reply niya sa akin. " Para saan naman? " Reply ko. " Para sa lahat tsaka sa pagtatapat mo, na appreciate ko yun. " Reply niya sa akin. " Ah ganun ba, salamat din, o sige matutulog na ako, pahinga kana rin goodnight. " Last text ko na sa kanya para hindi na humaba dahil wala talaga ako sa mood. " Sige goodnight din sayo. " Last reply niya sa akin. Bago ako matulog ay umiyak na ako ng todo para makapag move on na at mawala na ang sakit. Kinaumagahan pagkagising ko ay pakiramdam ko medyo magaan na ang pakiramdam ko, dahil na rin siguro binuhos ko na lahat ng kalungkutan ko sa pag iyak kagabi. Walang trabaho ngayon dahil linggo, naisip ko pa naman na mag da-date sana kami ngayong araw na ito if ever sinagot niya ako pero ang masaklap ay hindi niya ako sinagot. Ginawa ko pa rin ang dati kong ginagawa tuwing linggo, ang maglinis, maglaba at magpahinga dahil rest day ko talaga ang linggo, nakinig na lang ako ng mga music collections ko sa aking computer, dahil heartbroken ako ay pinakingan ko ang mga kantang emotional genre. Gabi na at tinapos ko na ang mga dapat kong gawin sa bahay nang biglang may nag text sa akin cellphone, expect ko si Chloey ang nag text kaya binasa ko agad ito.

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 37

    " Hi Kiel, Kamusta? How's your rest day? " Laman ng text message niya sa akin. Hindi na ako nag reply dahil masakit pa rin talaga at ayaw ko na muna isipin kaya binalewala ko na muna ang text niya sa akin, dahil gabi na rin ay natulog na ako dahil maaga pa ako papasok para sa trabaho ko bukas. Naisip ko ano ang gagawin ko bukas dahil for sure ay makikita ko si Chloey at ma aawkward kami sa isa't isa dahil nga sa pagtatapat ko ng nararamdaman ko sa kanya at dahil na rin sa na basted ako, Bahala na kung ano na mangyayari bukas hindi naman pwedeng mag absent ako at lalong hindi pwedeng iwasan ko siya forever. Basta bahala na bukas kung ano mangyayari sana maging maayos ang lahat.

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 38

    Chapter 7 Awkward

    Umaga ng lunes, naghahanda na ako papasok sa trabaho ko, naisip ko umaga hindi ko siya makikita pero pagdating naman ng hapon ay darating siya, ano na kaya ang dapat kong gawin? dapat ba maging friends na nga lang ba talaga kami? Pero ayaw ko eh hindi ko kayang tanggapin na hangang friends lang ang turingan namin sa isa't isa ni Chloey, but as I said hindi ko talaga mapipilit na mahalin niya ako, Hayyy bahala na mamaya kung paano ako aasta sa kabila ng mga nangyari. Nakarating na ako sa aming opisina at tahimik ako pumunta sa aking workplace na parang wala akong pinagdadaanan pero sa totoo ay meron, lumapit ang boss ko at parang may nahalata siya na sad aura sa akin. " Kiel bakit pakiramdam ko ay may nangyari sayo? " " Huh? Sir? Uhmm, nothing really. " " You sure? " " Yes Sir. " " No you are not, matagal na kitang kilala Kiel at kilalang kilala na kita. " " Sir, kasi ano eh.. " " What is it? " " Sir kasi po nagtapat na po ako kay Chloey nung isang gabi. " " And then? na basted ka ba? " " Hindi ko po alam paano sasabihin kasi sinabi niya po na friends lang po ang kaya niya ibigay. " " I see, Kiel isa lang masasabi ko sayo, Move on even it's hard. " " Sir mahirap po, mahal ko po talaga siya eh. " " I know pero hindi ka pwedeng ganyan ka na lang forever. "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 39

    " I know sir but stil.... " " Just move on Kiel, just move on. " Sabay tapik sa aking balikat. " Sir I'll try, masakit talaga. Salamat sir. " Nag smile na lang sa akin ang boss ko at bumalik na siya sa kanyang workplace ako naman ay nagtrabaho na upang kahit papaano ay mabaling ang atensyon ko at saglitan na mawala muna siya sa akin isipan. Dumating na ang oras na dati ay gustong gusto ko na ngayon ay parang ayaw ko na, ang oras na pagdating ni Chloey, hindi ko na siya sasalubungin sa pinto dahil baka ma awkward siya sa akin, dumating na siya at tinignan ko lang siya binati at nginitian ko na lamang. " Hi. " " Hello Kiel, busy ka ata? " " Uhmm medyo nga eh. " " Ay ganun ba sige. " Pumunta na siya sa kanyang workplace para umpisahan ang trabaho niya. Lumipas ang mga oras na sobrang tahimik naming dalawa ung feelng ba na parang hindi kami magkakilala. Linapitan ako ng boss ko at pinapunta sa stock room para kami ay mag usap daw ng saglit. " Sir bakit? " " Bakit kayo ganyan? Ang lamig ng atmosphere niyong dalawa. " " Sir kasi awkward feelings eh. " " Hay, alisin niyo yan, kung hindi man niya maalis ikaw dapat alisin mo sa sarili mo. " " Sir ang hirap, hindi na kagaya ng dati. " " Ganyan talaga pero you need to make a move para maibalik ang dati niyong pagtitinginan. " " Hindi ko alam sir kung saan ko uumpisahan eh. "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 40

    " Gaya pa rin ng dati, batiin, kamustahin, makipagkwentuhan ganun lang. " " Hayyy ang hirap sir pero sige gagawin ko, salamat sir ah? " " Wala un, para ka naman iba sa akin eh, Hala sige back to work na, buhay pag ibig nga naman. " Bumalik na ako sa aking trabaho para tapusin na ito at baka ako mag overtime pa ng hindi oras. Oras na ng uwian at hindi ko nanaman alam kung ano gagawin ko, pero tinatagan ko loob ko para hindi isipin ni Chloey na galit ako sa kanya. " Chloey tara uwian na. " " Ay sige. " Lumabas na kami lahat sa opisina at nagpaalam na ang lahat sa isa't isa, as usual kami nanaman ni Chloey ang nahuli. " Oh? Sige bukas na lang ha? Ingat ka pauwi Chloey. " " Uhmm sige, Kiel? " " Oh bakit? " " Ok ka lang? I mean ung last time. " " Oo ok lang ako ano ka ba? masyado ka naman nag aalala sakin eh. " " Naninigurado lang baka kasi nasaktan ka sa mga nasabi ko. " " Sus, wag mo na isipin yun, that's life talaga, anyways alisin mo na sa isip mo yan ok? " " Hmm sige , sorry ulit ha? " " Pektusin kita diyan eh, sabi nang ok na eh. " " Hehe sige sabi mo eh, osya uwi na ako. " " Sige ingat ka. "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 41

    Nagtapos ang usapan namin sa simpleng ingat lang, pero atleast ay napagaan ko ang loob niya na ok lang ako at hindi ko dinamdam ang mga sinabi niya sa akin, pero sa totoo lang ay masakit pa rin talaga but of course hindi naman pwede na sabihin ko sa kanya na nasaktan ako ng husto sa mga sinabi niya at hindi matangap na hangang friends lang talaga ang mabibigay niya. Nakauwi na ako sa bahay at magpapahinga na, iniisip ko na kailangan ko na nga siguro talagang mag move on dahil hindi pwedeng habangbuhay ay ganito na lang ako at magpapaka EMO sa nangyari sa amin ni Chloey, pilit ko tinatatak sa isip ko na " KIEL MOVE ON! MOVE ON!! MOVE ON! " yan ang paulit ulit na sinasabi ko but still hindi ko magawa kasi talagang siya lang ang laman ng aking isip at puso.

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 42

    Chapter 8 Paalam na mahal ko

    Umaga sa opisina ay kinamusta ako ng aking boss, masasabi ko lang talaga sa kanya ay napakabait niya para sa isang boss, para ko na rin kasi siyang pangalawang ama dahil talagang inaalala niya ang nararamdaman ko at kinakamusta pa ako kung ako ay ok na. " Kiel, kamusta? still hurts? " " Yes sir, it's still hurts pero wala ako magagawa. " " Hindi mo rin masasabi yan, who knows. " " Bakit sir? sa palagay niyo bakit kaya hindi niya tinanggap ang pagmamahal ko for her? " " Hindi ko rin yan masasabi, dahil may kanya kanya tayong dahilan at malay natin Kiel, meron din sariling dahilan si Chloey kaya hindi ka niya sinagot. " " But sir she said na hanggang friends lang daw. " " Hayaan mo na lang muna siya, as I said earlier baka may dahilan lang siya. " " I do hope sir. " Habang nagtratrabaho ako ay bigla nanaman pumasok sa isipian ko si Chloey at napaisip ako ng husto talaga kung bakit ganun? Pumasok sa isipan ko ang sinabi sa akin ng boss ko na baka nga may sarili siyang dahilan kung bakit hindi niya matanggap ang pagmamahal ko para sa kanya, gustuhin ko man siyang tanungin talaga kung bakit hangang kaibigan lang talaga ang kaya niyang bigay pero that would be so rude if I do that so I decided na hayaan na lang at magpakabaliw na lang sa kakaisip ko kung bakit nga ba kesa naman sa ma badshot siya sa akin at lalong magka-ilangan sa tuwing nagkikita kami. Oras na ng kanyang pagdating, kabang kaba nanaman ako dahil heto nanaman kami at magkikitang muli pero hindi na kagaya ng samahan namin ang meron kami ngayon. Dumating na siya at ako ang una niyang pinansin. " Hello. " Pangiting bati niya sa akin. " Hi, Huwag mo nga akong nginigitian ng ganyan, nakakalusaw. " Pabiro ko sabi sa kanya.

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 43

    " Hmp! kaw talaga Kiel. " " Hmp! ka rin! " Sabay smile na rin. " Oh kamusta pala? " Tanong ni Chloey sa akin. " Heto, humihinga pa naman as usal. " Biro ko sa kanya. " Malamang kung hindi sana wala ka na dito sa harap ko. " " Ahh ganun? So gusto mo siguro akong mamatay noh? " " Uy hindi ha? Sino ba naman ang gusto mamatay yung... ano ko... kaibigan ko. " Pautal niya sabi. " Malay ko baka ikaw gusto mo. " " Hindi ha? Sobra ka naman. Love kita eh. " Nagulat ako sa sinabi niyang yun sa akin at hindi nakakibo ng ilang segundo. " Ha?! Talaga? " Shock ako at namumulang tanong ko sa kanya. " Oo naman love kita kasi friend kita. " " Ahh, sabi ko nga, osige tapusin ko muna trabaho ko. " Nalungkot ako bigla ang akala ko pa naman... " Ay! Sige ako rin, mamaya na lang. " " Sige. " " Ay Kiel? " " Oh bakit? " " Uhmm, wala sige. " " Ahh Ok sige. "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 44

    Na offend talaga ako sa sinabi niya ang akala ko love na niya talaga ako pero narinig ko as a friend lang pala, ang sakit talagang isipin na hanggang ganun na lang talaga. Hindi ako makapag concetrate sa trabaho dahil siya at siya na lang lagi ang nasa isip ko, wala eh mahal ko talaga, bakit kaya ganito ang tadhana kung makapag trip wagas minsan lang nga ako magmahal ganito pa ang madarama ko bandang huli, nakakabwisit talaga, BADTRIP!! Pinagmamasdan ko siya ng patago sa kanyang workplace, naluluha ako sa tuwing nakikita ko siya at naalala ang mga masayang pagsasama namin kahit sa saglit lang na panahon ay nahulog talaga ako ng husto sa kanya, inlove ako na sobra sa kanya. Asar na asar at baliw na baliw na ako dito sa aking inuupuan, gusto ko pagsigawan kung gaano ko talaga siya kamahal na halos ay higit na sa buhay ko, she's my everything even though for her I'm just nothing. " WAAAAAAAAAAAA!!! " Sumigaw na ako at dinig ito sa buong opisina. Nagtinginan ang lahat sa akin, ang boss ko, mga katrabaho ko at si Chloey, lahat sila ay takang taka kung bakit sumigaw ako ng walang dahilan. " Hoy Kiel napano ka? " Tanong sa akin ng boss ko. " Sir! Please forgive me sa gagawin ko. " Ngumit ang boss ko sa akin at ngumiti na lang.... " Go Ahead Kiel. " Sabi ng boss ko sa akin. " Chloey!!!!!!!!!! " Nagulat si Chloey dahil sa pasigaw ko na tawag sa kanya. " Chloey! Gusto ko ulit sabihin sa iyo to, hindi ko na talaga matiis pa at gusto kong malaman ng mga tao dito na gaano kita ka mahal, TAMA! Chloey! Hindi pa ako makapag move on sa sinabi mo sa akin, gusto ko malamang ang totoong dahilan kung bakit hindi pwede? kung bakit kaibigan lang ang kaya mong ituring sa akin? Hindi mo man lang ako binigyan ng chance na mahalin ka. "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 45

    Sa haba ng sinabi ko hindi man lang kumibo si Chloey at yumuko na lang, hindi ko alam pero siguro nahiya siya sa ginawa ko na magtapat ulit at sa harap pa ng mga kasamahan namin sa trabaho. Umupo na lang ulit ako at parang walang nangyari, nagkibit balikat nalang ang lahat. Oras na ng uwian at agad akong naglinis sa aking workplace, sa sobrang hiya ko kay Chloey ay hindi ko na muna siya pinansin at pasimpleng umalis sa opisina para hindi na niya ako makita pa. Nasa kabilang daan na ako upang sumakay ng jeepney nang biglang may tumatawag sa pangalan ko. " Kiel! Kiel! Kiel! " Napalingon ako at hinahanap kung saan nangagaling ang boses na tumatawag sa akin, pero sa isipan ko ay kilalang kilala ko ang boses na tumatawag sa pangalan ko boses ni Chloey yun, tama ang hinala ko na si Chloey nga ang tumatawag sa akin, lumingon ako kung saan siya at sumisigaw siya na... " Kiel! Hintayin mo ako may sasabihin ako sayo na mahalaga! " Pasigaw niya sa kabilang daan. " Hintayin mo ko diyan papunta na ako! " Pasigaw ko sakanya. Pero pilit pa rin siyang lumipat ng daan papunta sa akin habang ako ay papunta rin kung saan siya, habang kami ay papunta sa isa't isa ay may isang sasakyan na rumaragasa at sobrang bilis, natakot ako ng husto dahil ung mismong sasakyan na iyon at papunta kung saan papunta si Chloey. " Chloey! Bumalik ka! Dalian mo! " Takot na takot akong sumisigaw at pinapabalik siya pero hindi niya ako marinig at tuloy tuloy lang siyang papunta sa akin, halos malapit na ako kay Chloey nang bigla siyang tumigil at nakita niya ang sasakyan na dire - diretso papunta sa kanya, ako naman ay minadali at tinakbo ko na sa abot ng aking makakaya para sagipin si Chloey, hindi ako aabot kung hihilain ko pa siya kaya ang ginawa ko ay tumalon ako at itinulak na lang siya ng buong pwersa ko para lang mailayo siya sa lugar na iyon at dahil sa ginawa ko ay ako ang nabungo ng rumaragasang sasakyan, bumalibag ako sa sobrang lakas ng impact ko sa pagkakabungo, pagulong gulong at nawalan ng malay. Nagising ako at pilit na binuksan ang mata ko, nakita ko si Chloey na yakap yakap ako at umiiyak siya habang may sinasabi sa akin. " Kiel! Huwag mo ko iwan please, magpakatatag ka. "

  • First Sight, Mahal na kita – 2012 Page 46

    Naluha na lang ako at sinabi sa kanya na... " Chloey, mahal kita lagi mong tatandaan yan kahit anong mangyari. " Nanghihinang sabi ko sa kanya. " Kiel, Mahal din kita, natatakot lang ako kaya nagawa kong sabihin na hangang friends lang tayo pero sa totoo lang ay mahal na mahal kita, Kiel! Huwag kang mawawala. " Umiiyak siya habang sinasabi sa akin ang mga katagang gusto kong marinig mula sa kanya. " Sabi na nga ba mahal mo din ako, may dahilan ka nga kung bakit nagawa mo kong tangihan nang sinabi kong mahal kita. " " Kiel! Mahal kita, wag mo ko iiwan. " " Chloey, sorry ha? parang hanggang dito na lang ako. " Nanghihina na ako, humihina ang pandinig ko, lumalabo na ang paningin ko at halos hindi ko na maaninag ang mukha ng pinakamamahal kong si Chloey. " Kiel! Mahal kita! " Mga katagang narinig ko mula sa kanya, binuhos ko na ang lahat ng natitira pang lakas ng katawan ko para yakapin siya ng mahigpit at ginamit ang huling hininga ko para sabihin sa kanya na.... Chloey, I love you so much, I'm sorry.... Paalam na mahal ko..

    - Wakas -

    Cover PageIntro PageStory Page