54
GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA SA PAGSUBAYBAY SA PAGGAMIT NG ASOGE SA MALIITANG PAGMIMINA NG GINTO

GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

  • Upload
    others

  • View
    22

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA SA PAGSUBAYBAY SA PAGGAMIT NG ASOGE SA MALIITANG PAGMIMINA NG GINTO

Page 2: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMU-NIDAD PARA SA PAGSUBAYBAY SA PAGGAMIT NG ASOGE SA MALIITANG PAGMIMINA NG GINTO

Isinalin mula sa Participatory research and action guide to monitoring mercury use in artisanal and small-scale gold mining in the Philippines: A community-based monitoring approach

© Karapatang Sipi - BAN Toxics, 2016

Konsepto at gabay sa editoryal: Richard Gutierrez, J.D., Ll.M.Sumulat: Evelyn Cubelo (ASGM Program Manager)Mga Kontributor:: Myline Macabuhay (Assistant Program Manager, Global Chemicals Management Program), Jimbea Lucino (ASGM Coordinator, Mindanao) and Arlene Galvez (ASGM Coordinator, Camarines Norte)Editor: Lea GuerreroTranslator: Junilyn SilvestreDesenyo: Rebecca Lagunsad

Ang publikasyong ito ay inihanda ng BAN Toxics at nailathala sa tulong ng United States Department of State (USDOS) at the Foundation for the Philippine Envi-ronment (FPE).

Ang mga pananaw na inihayag dito ay maaaring hindi kumakatawan sa pananaw ng BAN Toxics, ng United States Department of State o ng Foundation for the Phil-ippine Environment. Nagsagawa ang mga may-akda ng lahat ng makatwirang pag-iingat at tiyaga sa produksi-yon ng publikasyong ito. Maliban na lamang kung sila ay may ibang inihayag, ang responsibilidad para sa opinyon, interpretasyon at konklusyong matatagpuan sa publikasyong ito ay nasa mga may akda. Ang BAN Toxics ay walang responsibilidad sa ano mang kahihinathan ng paggamit ng mga datos na nasa publikasyon.

Ang karapatang-sipi sa nilalaman ng publikasyong ito ay pagaari ng BAN Toxics, maliban na lamang sa may mga nakatalang sanggunian.

Ang reproduksiyon ng publikasyong ito para sa hindi pang-komersiyal na layunin ay pahihintulutan kung ito ay may paunang nasusulat na permiso mula sa may hawak ng karapatang-sipi at kung bibigyan ng pagkilala ang may karapatang-sipi.

Pagkilala: Ang pagbubuo ng manwal na ito ay nai-sakatuparan sa tulong ng pondong mula sa United States Department of State (USDOS) at sa Foundation for the Philippine Environment (FPE). Nais pasalamatan ng may akda ang BAN Toxics at ang mga katuwang nito sa proyekto ukol sa artisanal at maliit na pagmimina ng ginto sa Kalinga at Camarines Norte at sa Barangay Mt. Diwata (Diwalwal) sa Compostella Valley, gayundin sa Pamahalaang Panlalawigan ng South Cotabato, para sa kanilang teknikal na kontribusyon.

BAN Toxics6C Maningning Street, Sikatuna VillageQuezon City 1101 Philippines

Tel: +63 2 239 4392Telefax: +63 2 355 7640Email: [email protected]: www.bantoxics.orgFacebook: www.facebook.com/bantoxicsTwitter: twitter.com/bantoxics

Page 3: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Ang BAN Toxics ay isang organisasyong di-pampama-halaan (NGO) na nagsusulong ng katarungang pangka-likasan at pangkalusugan sa pamamagitan ng pagkakam-panya laban sa mga nakakalasong kemikal, lalo’t higit sa mga mas naaapektuhan nito—ang mga kababaihan, mga bata at ang mga sektor na di nabibigyan ng kaukulang pansin ng ating lipunan.

Kami ay nakikipagtulungan sa mga ahensiya ng pama-halaan, sa mga komunidad at sa lipunang sibil sa lokal, pambansa at pandaigdigang antas, upang bawasan o tu-luyang alisin ang paggamit ng mga nakakasong kemikal. Kami ay nagtataguyod sa pandaigdigang layunin para sa likas-kayang pag-unlad (sustainable development) sa pamamagitan ng kampanyang pang-edukasyon, sa pa-kikisangkot, pagbibigay ng pagsasanay at pagpapalakas ng kapasidad ng mga komunidad, sa pagsasaliksik atpagpapaunlad ng mga polisiya at programang pang-adbokasiya.

www.bantoxics.org

Page 4: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

PAUNANG SALITA

May mga minero na gumugugol ng ilang oras sa ilaim ng tubig at humihinga sa pamamagitan lamang ng hose na nakakabit sa isang compressor sa pag-asang makakuha ng graba at buhanging may ginto. Itinataya nila ang per-manenteng pagkasira ng kanilang baga at maging ang kanilang buhay. Ang lahat ay bilang kapalit sa maliit na halagang hindi man lamang sapat upang tugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya sa isang araw. Kailangang muli nila itong gawin sa susunod pang araw.

Kami sa FPE ay kumikilalang ang kahirapan, ang hindi maaayos na pamamahala sa kalikasan at ang kawalan ng mapagpipiliang hanapbuhay, ang nagbubunsod sa at-ing mga komunidad na makibahagi sa isang mahirap at buwis-buhay na pagkakakitaan tulad ng maliitang pag-mimina ng ginto (artisanal and small-scale gold mining o ASGM), na kadalasang gumagamit ng asoge, upang matugunan ang pangunahing pangangailangan sa pang-araw-araw.

Matagal nang ninanais ng FPE na makita ang mga katu-wang na komunidad nito, na nakikilahok sa mga gawa-ing pangkabuhayan na halos ligtas mula sa banta ng panganib sa kanilang kalusugan, sa kalusugan ng ka-nilang mga anak, at sa kalikasan. Sa kontekstong ito, binigyan ng suporta ng FPE ang BAN Toxics sa proyek-tong susubaybay sa paggamit ng asoge sa mga lugar ng ASGM sa Luzon.

Nanininiwala ang FPE sa lakas ng komunidad at labis ding namumuhunan sa mga mga inisyatibo ukol sa pag-papanatili ng ating kalikasan. Sa katapusan, nais naming makita na ang aming mga katuwang sa komunidad ay magkaroon ng malalim na kaalaman at mataas na ka-pasidad, upang sila ay makaiwas mula sa nakapipinsala at hindi pangmatagalang uri ng hanapbuhay, tungo sa isang ligtas, maka-kalikasan at pangmatagalang inisyati-bo para sa kapakanan ng komunidad sa kabuoan.

Subalit ang pagmimina ay hanapbuhay ng mga mahihi-rap. Mahalagang mabigyan natin ang ating komunidad ng mga gabay o kasangakapan upang masubaybayan ang paggamit ng asoge, gayundin ang polusyong du-lot nito dahil sa paggamit ng lokal at hindi teknikal na pamamaraan. Makahihingi lamang sila ng alternatibo mula sa sangay ng kanilang pamahalaang lokal kung magkakaroon sila ng sapat na kaalaman sa ukol sa pin-sala at sa hindi nawawalang epekto ng paggamit ng asoge at ng pagmimina bilang hanapbuhay. May mga mapagpipiliang pangmatagalan at likas-kayang hanap-buhay (sustainable livelihood) na nakahanda at maaaring maisakatuparan sa pamamagitan ng pamahalaan at mga non-government organization.

Ang layunin ng FPE para sa konserbasyon ay taliwas sa pagmimina. Ang pinakamabuting benepisyo ng han-apbuhay na ito ay nasasapawan ng mga negatibong epektong iniiwan nito sa kapaligiran at sa komunidad na nakikilahok sa industriya. Permanenteng binabago ng pagmimina ang lupain. Nakasasama ang prosesong ito sa samu’t saring buhay (biodiversity), sinisira nito ang nat-ural na tirahan ng mga tao at hayop, pinapatay nito ang ilang mga nabubuhay na organismo, nagdaragdag ito sa lumalalang epekto ng pagbabago ng panahon (climate change), nagdudulot ng polusyon, nagdadala ng matin-ding panganib sa kalusugan ng tao, at inaagawan ang mga mamamayan ng tirahan. Panghuli, nag-iiwan ang pagmimina ng permanenteng pagskasira sa kalikasan at nagdudulot ito ng matinding panganib at banta sa ating kalusugan at maayos na pangangatawan.

Naniniwala ang FPE na ang pamumuhunan para sa pangangalaga at sa pangmatagalang paggamit ng likas na yaman ng ating bansa ang pinaka-ekonomikal at lub-hang kapakipakinabang na paraan upang makatutulong sa bansa sa pangmatagalang panahon.

4

Page 5: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Pinahihina ng pagmimina ang pamumuhunan sa pangangalaga at pagpapanatili ng samu’t saring buhay. Magdudulot din ang pagmimina ng hindi napananatil-ing pag-unlad. Nagsisilbing banta ang pagmimina sa 334 milyong pisong puhunang inilaan ng FPE upang pangalagaan at panatilihin ang samu’t saring buhay sa 24 kritikal na lugar konserbasyon, at sa 47 milyong pi-song puhunang inilaan upang matugunan ang lumala-lang isyung kaakibat ng pagmimina mula noong 2005 hanggang 2015. Ang paggamit ng asoge ay ipinagba-bawal na rin, dahil sa nananatili at negatibong epekto nito sa tao at sa kalikasan.

Binigyan naming ng suporta ang BAN Toxics sa pagbu-buo ng gabay pang komunidad, na magsisilbing isang kritikal na kasangkapan na maaari nilang gamitin, ga-yundin ng LGUs, upang makatulong na matukoy kung ginagamit pa rin ang asoge hanggang sa kasalukuyan sa kanilang lugar, sa kabila ng pagbabawal dito. Makatutu-long din ang gabay na ito upang makagawa ang mga komunidad ng isang mabilis na desisyong batay sa ka-nilang kaalaman, ukol sa polusyong dulot ng asoge sa lugar na kanilang nasasakupan. Maari ring gamitin ng komunidad ang gabay na ito upang makapangalap ng suporta at impluwensiya mula sa pambansang pahama-laan at sa mga pandaigdigang grupo, tungo sa pagpa-pabuti ng kasalukuyang patakaran sa pagmimina, upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga tao at ng kapa-ligiran.

Umaasa kami sa mas marami pang proyektong pagsasa-mahan upang matiyak na ang ating mga komunidad ay mabibigyan ng alternatibong kabuhayang hindi na man-gangailangan ng pagsuong sa mapanganib at nakalala-song proseso at gawain. Sa huli, kung ang komunidad aymagkakaroon ng pangmatagalang pangkabuhayan (sus-tainable livelihood), mabibigyan na ng proteksiyon ang kalusugan ng kanilang mga anak at matitiyak na ang ka-kayanan ng kalikasang ipagpatuloy ang pagbibigay ng biyaya para sa kasalukuyan at sa susunod pang henera-syon

Godofredo T. Villapando, Jr.Executive Director

Foundation for the Philippine Environment

(isinalin mula sa Ingles)

5

Page 6: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

6

PANIMULA

Ang tagumpay ng anumang interbensiyon sa komuni-dad ay nakabatay sa pagtanggap at sa kamulatan ng mga mamamayan ukol sa isyu, at sa kanilang pagkilos upang baguhin ang kasulukuyang nilang kalagayan. Ga-yunpaman, ang dalawang salik na ito—ang pagkilala ng mga tao sa suliranin at ang paggawa ng hakbang o pag-kilos ukol dito—ay hindi automatikong mangyayari. Ang pagpapaunlad ng kaalaman ng komunidad at ang pag-bibigay sa kanila ng kasanayan upang matulungan sila sa paggawa ng mga desisyon at pagkilos upang masimulanat mapanatili ang pagbabago sa kanilang komunidad, ay isang masalimuot na gawain. Ito ang batayang ng pagki-los ng BAN Toxics, mula pa nang puspusang simulan at sikapin nitong makapag-mobilisa ng komunidad na na-kikilahok sa maliitang pagmimina ng ginto (artisanal andgold-scale gold mining o ASGM) sa limang probinsiya sa iba’t ibang dako ng Pilipinas kung saan kami ay may aktibong mga proyekto, at kumilos sa apatnapung iba pang probinsiyang may ASGM na inaasahan naming ma-impluwensiyahan.

Ang proseso ng empowerment o ng pagbibigay ng kapangyarihan sa mga mamamayang magdesisyon at kumilos para sa kanilang kapakanan, ay hindi nangya-yari ng mabilisan. Ang daan tungo sa pangmatagalan at matagumpay na interbensiyon ay nakasalalay sa mga sandigang ating itatayo: ito ang pag-angkin ng komuni-dad ng mga maliitang minero sa proseso at sa kanilang partisipasyon.

Ang polusyon mula sa asoge o mercury, isang lubhang nakalalasong elemento, ay mapanganib sa kapaligiran at sa kalusugan, subalit ang pagbabantay sa paggamit nito ay hindi naman nabibigyan ng prioridad ng pamahalaan ng Pilipinas. Habang ang bansa ay may Clean Air Act na sumusubaybay sa asoge, ang batas na ito ay panguna-hing nakatuon lamang sa mga nakikita at karaniwang uri ng polusyong sa hangin.

Sa bansa, ang ASGM ang pinakamalaking pinagmumu-lan ng polusyong galing sa asoge. Ang mga maliitang minero ay kadalasang mula sa mga pinakamahihirap na komunidad, na nagsisikap na maghanap buhay subalik nasadlak sa ASGM dahil sa kahirapan at sa kawalan ng iba pang hanapbuhay na mapagpipiliian. Dahil hindi nakaaabot sa kanila ang programa ng pamahalaan sa pagsugpo ng kahirapan, ibinubuwis nila ang kanilang buhay sa pamamagitan ng paggamit ng asoge, dahil wala silang kaalaman ukol sa iba pang pamamaraan ng pagpoproseso ng ore. Sa mga lugar ng ASGM, ang mga kababaihan at ang mga bata ang pinakananganganib.

Ang manwal na ito ay una sa serye ng mga kasangka-pang pangkaalaman na binuo ng BAN Toxics upang magbigay-daan sa mas malalim na pagsusuri sa mga kaakibat na usapin at suliraning kinakaharap ng komuni-dad ng ASGM. Bilang produkto ng aming tuloy-tuloy nainisyatibong pang-komunidad, ang laman ng manwal na ito ay hinango mula sa aming karanasan sa pag-oorgan-isa ng mga komunidad at sa pagsasagawa ng kampanya ukol sa katarungang pangkapaligiran. Bagamat walang isang simpleng hakbang sa pagmomobilisa ng komu-nidad, humalaw ang BAN Toxics ng inspirasyon mula sa mga positibong pagsusuri mula sa aming mga katuwang sa pagkilos, mula pa sa unang pagsubok sa paggamit ng gabay na ito.

Ang manwal na ito ay inilaan upang magbigay ng su-porta sa komunidad sa pangangalap at sa pagbibigay ng halaga sa mga siyentipikong datos, gayundin sa iba pang mahalagang impormasyon tulad ng tindi at lawak ng kontaminasyon ng asoge, at sa isyu at mga pangambang komunidad, partikular na sa kababaihan at mga bata, ukol sa paggamit ng asoge.

Sa pamagitan ng pagtataas ng antas ng kamulatan at sa pagganyak sa mga katuwang ng komunidad na kumilos nang sama-sama, ang manwal na ito ay maaaring gami-tin sa pagimpluwensiya sa posisyon ng mga opisyal ng pamahalaan upang makakalap ng mas malakas na su-porta para sa komunidad ng ASGM, sa pagtataguyod ng pamamaraan ng pagmiminang hindi gumagamit ng asoge, sa alternatibong magpagkukunan ng kabuhayan, at sa paggawa ng epektibong lokal na polisiya, partikular na sa partisipasyon ng lokal na sangay ng pamahalaan.

Sa huli, inaasahan naming ang gabay na ito ay makatu-long sa mga taong apektado o may interes sa proyekto (o stakeholders), sa pagbibigay sa kanila ng kakayanan sa pagsusubaybay ng paggamit ng asoge at sa po-lusyong dulot nito, gamit ang lokal na kaalaman at mga inisyatibo. Para sa BAN Toxics, ang gabay na ito ay isang hakbang tungo sa pagpapaunlad ng kapasidad ng ating mga katuwang sa ASGM, upang lubos na ariin ng mga ito ang kanilang mithiin sa pag-unlad, at sa kanilang pag-tutulungan ay sama-samang simulan at panatilihin ang aksiyon.

Richard Gutierrez, JD, Ll.M.Chief Executive Officer

BAN Toxics

Page 7: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

UKOL SA PUBLIKASYONG ITO

Ang gabay na ito ay naglalayong tumulong sa pagpa-paunlad ng kakayahan ng komunidad sa pagsubaybay sa paggamit ng asoge at sa polusyong dulot nito sa ka-nilang lugar, gamit ang lokal na kaalaman. Ang gabay na ito ay makatutulong sa komunidad na makakalap ng im-pormasyon upang ito ay maiulat at magawan ng kauku-lang aksiyon.

Ang mga datos na nakalap ng komunidad ang mag-bibigay sa mga lokal na sangay ng pamahalaan ng mga impormasyon na nagmula mismo sa mga taong nakaranas nito, ukol sa kalagayan ng mga komunidad ng ASGM, sa mithiin ng mga maliliit na minero at ng ka-nilang pamilya, at sa mga maaaring gawin ng mga ahen-siya ng gobyerno upang matulungan silang mapabuti ang kanilang kalagayan.

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng kasanayan sa lokal na mga tagapagtaguyod at sa mga NGOs upang masu-baybayan ang mga kasalukuyang polisiya at makahiling ng mga naaayon na patakaran, inaasahan ng BAN Toxics na ang gabay na ito ay makatutulong sa pagbibigay ng lakas at kapangyarihan sa komunidad upang isulong ang kanilang karapatan, bantayan ang kanilang kalusugan at pangalagaan ang kalikasan.

7

Page 8: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

8

BUOD

Ang polusyong dulot ng asoge ay isang malubhang suri-liraning pangkapaligiran at pangkalusugan nakadala-sang hindi nabibigayan ng pansin. Bagamat ito ay dapat na nasusubaybayan sa ilalim ng Philippine Clean Air Act, ang atensiyon ay kadalasang nakatuon sa mga nakikita at sa karaniwang anyo ng polusyon sa hangin tulad ng carbon monoxide, nitrogen and sulfur oxide at chrolo-flourocarbons.

Bilang isang elemento, ang asoge ay likas na natatag-puan sa ating kapaligiran at may iba’t ibang anyo. Ang asoge ay natatagpuan sa mga nnatural na prosesong pang-heolohika tulad ng pag singaw ng mga bulkan, ga-yundin sa pagsingaw ng lupa sa mga lugar na sadyang mayaman sa asoge.

Ayon sa United Nations Environment Programme (UNEP), ang lahat ng tao ay hindi ligtas kahit na sa mababang antas ng epekto ng asoge. Ang tindi ng epekto nito ay batay sa ilang mga salik tulad ng anyo ng asoge, ang dosis at tagal ng pagkalantad dito, ang edad ng taong nalandad, at ang paraan ng pagkalantad na maaaring sa pamamagitan ng pagkalanghap, pagkain o pagkadikit sa balat ng asoge.1

Ang maliitang pagmimina ng ginto (artisanal and gold-scale gold mining o ASGM), ay isa sa pinakamatinding pinagmumulan ng pagkalat ng asoge sa kapaligiran sa mga bansang hindi pa tuluyang maunlad. Ang mer-cury ay ginagamit samaliitang pagmimina ng ginto upang maiproseso ang mga batong may ginto o ore sa pamamagitan ng amalgamation. Ang asoge ay sinusu-nog sa panghuling hakbangpara makuha ang ginto, sa-mantalang ang lason ng asoge naman ay sumisigaw sa kapaligiran. Ang singaw ng nakakalasong asoge ay na-nanatili sa loob ng tahanan, sa lupa, sa mga ilog, lawa at karagatan, at sa yamang gubat.

Tinataya ng mga pag-aaral na halos 100% ng asogeng ginamit sa ASGM ang pinakakawalan sa kapaligiran. Sa kasalukuyan, tinatayang halos 1000 tonelada ng asoge sumisingaw sa buong mundo kada taon, na tumutukoy sa 30% ng kabuoan emisyon ng asoge dulot ng gawain ng tao, kada taon. Ayon sa mga pag-aaral na ang bilang na ito ay tumaas pa sa nakaraang dekada kasabay ng pagtaas ng halaga ng ginto.2

Ang ASGM ay isang masalimuot na usaping pangkaun-laran. Habang nagbibigay ito ng kabuhayan sa dalawang milyong tao sa mga lalawigan sa bansa, isang malaking isyu naman ang pangambang dulot nito sa kapaligiran, sa lipunan at sa kalusugan. Sa Pilipinas, ang ASGM ang may pinakamatinding kontribusyon sa kabuoang pag-kalat ng asoge kada taon.3

Sinuri sa pag-aaral ng BAN Toxics nong 2010 ang mga ASGM sa Pilipinas. Nakatuon ang pagaaral na ito sa pag-kikipagkalakalan at paggamit ng asoge sa pagmimina ng ginto, sa paraan ng produksiyon nito, at gayundin ang matinding epekto nito sa kalusugan at sa kapaligiran. Napagalaman sa pag-aaral na ito ang nakalulungkot na larawan ng malawakang pagkalat ng polusyon dulot ng asoge. Maliban na lamang kung magsasagawa ng hak-bang upang maiwasan ang patuloy pang pagkalat nito sa kapaligiran, ang epekto nito ay tinatayang lubhang mapanganib.4

Ang maliitang pagmimina ng ginto na ginagamitan ng asoge ay naitala sa iba’t ibang probinsiya sa buong ban-sa, partikular na sa Benguet, Camarines Norte, Negros Occidental, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Bukidnon, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte and Davao del Norte, Abra, Kalinga, Apayao, Oriental Mindoro, Compostela Valley, Isabela, Nueva Viz-caya, Quezon, Romblon, Southern Leyte at Timog Cota-bato.

Ang pagsubaybay na nilalahukan ng komunidad ay isang mekanismo upang maging kabahagi ang mamamayan sa pangangasiwa ng kanilang likas-yaman upang tugu-nan ang mga suliraning pangkapaligiran, at sa paraang makapag-aambag sa pagpapanatili ng maayos na kala-gayan ng mga komunidad.

Ang prosesong ito ang magbibigay ng pagkakataon sa mga miyembro ng komunidad na apektado ng suliran-ing pangkapaligiran, na makapangalap at makapag-ulat ng mga mahahalagang impormasyon sa pamahalaan at sa mga kaukulang organisasyon. Ito ang magbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan, mga ahensiya ng gobyerno, industriya, akademya, mga grupong pang-ko-munidad, at lokal na institusyon upang magtulungan sapagsubaybay, pagbabantay at pagtugon sa mga suliran-ing pangkapaligiran.

Page 9: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

9

Ang babasahing ito ay nahahati sa dalawang bahagi.

Unang Bahagi - inilalarawan nito ang suliraning kaakibat ng asoge at inilalatag nito ang matinding epekto ng pag-gamit ng asoge sa kalusugan at sa kapaligiran. Ang ba-haging ito ay nagbibigay ng detalyadong pagtalakay sa lawak ng problemang kaugnay ng asoge, at tumutukoy sa mga palatandaan at sintomas ng pagkalason dahil sa asoge.

Ikalawang Bahagi - naglalatag ito ng paraan ng pagki-los upang matugunan ang suliraning may kinalaman sa asoge. Ipinaliliwanag sa bahaging ito ang dalawang pamamaraan na ginagamit ng BAN Toxics upang mas epektibong mabigyan ang komunidad ng ASGM at ang lokal na sangay ng pamahalaan ng matibay at makato-tohanang batayan ng paghahayag at pagtalakay sa su-liranin. Ang bahaging ito ay nagmumungkahi rin ng mga paraan ng pagbubuo ng proseso sa pagsubaybay sa pakikilahok ng komunidad, kabilang na ang alituntunin sa pagtatasa, sa pangangalap ng impormasyon, at sa pagsubaybay sa paggamit ng asoge sa komunidad ng ASGM.

Nagbibigay din ang bahaging ito ng kaalaman sa pag-bubuo ng plano sa pagsubaybay at sa pagkampanya. Inilalatag rin nito ang mga istratehiya sa pag-oorganisa ng adbokasiyang pangkomunidad at ang mga gawaing pang-kampanya, kasabay ng proseso ng pagsubaybay.

Ang Handbook na ito ay may kasamang CD kit na naglala-man ng elektronikong kopya ng iba’t ibang mga mapag-kukunan ng impormasyon sa likod ng publikasyong ito.

Page 10: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Acronyms

Artisanal and small-scale gold mining Community-based monitoring Department of Environment and Natural ResourcesDepartment of HealthFoundation for the Philippine EnvironmentLocal Government UnitPhilippine Society of Clinical and Occupational ToxicologistsUnited Nations Industrial Development OrganizationUnited States Department of State

ASGM CBM DENR DOH FPE LGU PSCOT UNIDO USDOS

10

Page 11: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

taLAAN NG NILALAMAN468910

12121213131314141516171720222222

23 24242425252526343433353538

3941

Paunang salitaPanimula BuodUkol sa publikasyong ito Acronyms

I: Ang suliranin sa AsogeAng asoge, isang lasong nananatili sa kapaligiran Ang asoge sa kapaligiran Ang asoge sa kalusugan Ang pagkalantad sa asoge Sino ang mga nanganganib sa pagkalantad sa asoge? Ano ang mga palatandaan at sintomas ng pagkalason dulot ng asoge? Minamata disease Ang matinding epektong asoge sa kapaligiranAng pagkalantad sa iba’t-ibang anyo ng asoge at ang epekto nitoAng paggamit ng asoge sa ASGMAmalgamation –Paraan ng pagkuha ng ginto na ginagamitan ng asoge Mga uri ng gawain ng ASGM sa Pilipinas Ang pulusyong sanhi ng asoge sa ASGM Bakit tayo dapat mabahala? Ano ang mga hakbang na maari mong upang maiwasan o maihinto ang polusyong dulot ng asoge sa ASGM? Mga paraan ng pagsubaybay sa asoge

II: Ano ang iyong magagawa upang tugunan ang suliranin?Mula sa pagpa-plano hanggang sa pagkakampanya Ang pagpaplano Pagbubuo ng mga palatandaan (sa paggamit ng asoge) sa isang lugar Mga paraan ng pangangalap ngdatos para sa pagsubaybay ng komunidad Mga pang-etikal na konsiderasyonGabay sa mga aktibidad: Mga kasangkapan sa pagsubaybay ng komunidad Pagtatala at paglalagom ng datos na nakalap Ilang payo sa pagsasagawa ng pagsubaybay Pagpaplano at pagpapasya sa pagtugon Ang pagkilos Ang pagtukoy sa mga ‘targets’ Pakikipag-ugnayan sa BAN Toxics

Mga TalababaAnnexes

11

Page 12: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

I: ANG SULIRANIN SA ASOGE

Ang asoge, isang lasong nananatili sa kapaligiran

Ang mercury o likidong metal, sa Tagalog ay asoge, ay kadalasang matatagpuan sa kalikasan. Ito ay isang mak-intab na pilak na bakal na nasa mga lumang uri ng in-trumentong ginagamit sa pagkuha ng temperature (ther-mometer) at presyon ng dugo (blood pressure monitor). Sa karaniwang temperatura, ang likidong asoge, sa proseso ng ebaporasyon, ay sumisingaw at humahalo sa hangin, lalo na kapag naiinitan o sinunog. Sa pamamagi-tan ng ebaporasyon at kondensasyon (mula sa gas o hangin patungong likido), ang asoge ay bumabalik sa ating kapaligiran at nag-iibang anyo, mula pagiging el-emental na asoge, patungo sa pagiging organikong asoge o organic mercury. Malawak ang maaring lakbayin ng asoge at hindi rin ito naglalaho. Ito ay matatagpuan sa hangin, tubig at sa lupa.1

Tulad nang nabanggit ng Philippine Society of Clinical and Occupational Toxicologists (PSCOT) ang metal ng elemental mercury ang karaniwang ginagamit sa mali-itang pagmimina ng ginto at pilak, sa produksiyon ng chloralkali, ng manometer na instrumento sa pagsukat at pagkontrol, thermometers, electrical switches, mga ilaw na fluorescent, at sa dental amalgam fillings o pasta sa ngipin).

Ang compounds ng mercury ay ginagamit sa baterya, bi-ocides para sa industriya ng paggawa ng papel, pharma-ceuticals, pintura, sa buto ng pananim upang maiwasan ang amag, at sa laboratoryo upang gamitin sa mga pag-susuri ng reaksiyong kemikal, at sa mga prosesong in-dustriya sa pagpapabilis ng reaksiyong kemikal.2

Ang asoge ay may iba’t ibang anyo, tulad ng elemental (o metallic) at organic. Ang mga tao ay maaaring malan-tad sa inorganic mercury sa pamagitan ng kailang mga hanapbuhay, samantalang ang pagkalantad naman sa organic mercury ay kadalasang mula sa pagkain.

Ang asoge ay likas na matatagpuan sa kapaligiran at makikita sa maraming anyo.

Ang pangunahing singaw ng asoge ay galing sa natu-ral na prosesong pang-heolohika tulad ng bulkan at ng mga katulad nito, gayundin sa pagsingaw ng lupa mula sa mga lugar na sadyang mayaman sa asoge.

c.) Organic Mercury. Kapag ang asoge ay inihalo sa karbon ang produkto nito ay tinatawag na organic mercury. Tinatayang marami na ang organic mer-cury sa kapaligiran, karaniwan na rito ang methyl-mercury.

Ang asoge sa kapaligiranIsinalin mula sa: http://www.greenfacts.org/en/mercury/l-2/mercury-1.htm

a.) Elemental Mercury Ito ay isang mabigat at mala-pilak na metal, na mayroong anyong tubig o likido sa karaniwang temperatura at presyon. Karaniwan sa asoge na nasa ating paligid ay singaw ng ele-mental mercury.

b.) Inorganic Mercury Compounds tulad ng Mercury Sulfide. Ang mga ganitong uri ng mga compounds (mula sa produkto ng paghahalo ng asoge sa iba pang elemento) ay tinatawag na mercury salts. karamihan sa mga inorganic mercury compounds ay nasa anyo ng puting pulbura o kristal, maliban na lamang sa mercury sulfide, na kulay pula subalit nagiging itim matapos na ito ay mailantad sa liwa-nag o ilaw.

12

Page 13: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Ang epekto sa kalusugan

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang pag-kalantad kahit sa kaunti mang asoge, ay maaring mag-ing sanhi ng malubhang suliraning pangkalusugan. Ito ay nangangahulugang walang ligtas na antas para sa asoge. Ito ay maaring magdulot ng pagkalason ng mga iba’t ibang parte ng katawan tulad ng nervous system, digestive at immune systems at sa baga, atay at mata.

Ang pagkalantad sa asoge

Sa modernong panahon, ang pagkalantad sa asoge ay hindi maiiwasan. Ito ay matatagpuan kahit saan man—sa fluorescent lamp, thermometers, dental amalgam fillings o pasta sa ngipin, electronic switches at relays, pharma-ceuticals, mga produktong pampaputi ng balat, at sa mga pagkain. Ang komunidad na karaniwang kumakain ng isda at shellfish gaya ng tahong o talaba, ay nalaland-ad sa organic mercury na tinatawag ding methylmercury. Dahil sa pang-araw-araw na pagkalantad na ito, ang ating katawan ay nagtataglay na bahagyang antas ng asoge.

Ayon sa WHO, ang pagkalantad sa asoge ay maaaring magdulot ng malubha, tumatagal at paulit-ulit na epekto, batay sa antas ng pagkalandad sa iba’t ibang anyo nito. Iba’t iba ang antas ng lasong taglay ng bawat anyo ng asoge, gayundin ang epektong dulot nito na nakasasa-ma sa nervous system, sa digestive at immune systems, sa baga, atay, balat at mata. Isa rin itong banta sa nabu-buo pa lamang ng sanggol sa sinapupunan, sa bagong panganak na sanggol, at sa mga maliliit na bata.

Batay sa ilang mga pag-aaral, ang mga kababaihan at mga kabataan ang mas nanganganib kung pag-uusapan ang epekto ng lason ng asoge sa katawan, at ang hindi nalulunasang epekto nito.

Tinatayang 80% ng mga nalalanghap na singaw ng asoge, at ang 100% ng mga nakakaing organic mercury ay napupunta sa ating katawan.

Sino ang mga nanganganib sa asoge?Isinalin mula sa: The Mercury Issue. United Nations Environment Programme (2008).

Ang lahat ng mga tao ay nalalantad, maging sa ma-babang antas lamang ng asoge. Ang mga salik na tumutukoy sa tindi ng epektong dulot ng asoge sa kalusugan, ay ang mga sumusunod: kemikal na anyo ng asoge; ang dosis; ang edad o ang developmental stage ng taong nalantad sa asoge (ang sanggol na nasa sinappunan ang nasa pinakamataas na pangan-ib, at durasyon o tagal ng paglantad.

Partikular, ang mga indibidwal at ang komunidad na direktang nalalantad sa asoge dahil sa kanilang mga hanapbuhay o lokal na industriya, ang maaaring nasa panganib.

May ilang bahagi ng ating populasyon na napaka-daling kapitan ng methylmercury na matatagpuan sa pagkain; ito ang mga taong sensitibo sa epekto ng asoge at yaong mga nalantad sa mas mataas na antas ng asoge:

• Ang fetus o ang mga sanggol sa sinapupunan, ang bagong panganak, ang mga batang nasa murang edad, ang mga sensitibo sa pagkalantad sa asoge dahil nahuhubog pa lamang ang kanilang nervous

system. Bilang karagdagan sa pagkalantad habang nagbubuntis, ang mga bagong panganak may

maaari ring malantad sa asoge sa pamamagitan ng gatas na kakukuha mula sa pagsuso. Dahil dito, ang mga bagong panganak, ang mga kababaihang nag-dadalang-tao, at ang mga kababaihang maaaring magbuntis, ay dapat na maging mulat sa potensiyal na panganib ng methylmercury.

• Ang mga taong may sakit sa atay, bato, ugat at baga ay may mas mataas ng panganib na magdusa dahil sa nakalalasong epekto ng asoge.

• Ang iba pang bahagi ng populasyon na maaaring higit nasa panganib ng pagkalason sa asoge, dahil nakalantad sila sa mataas na antas nito bunga ng malaking pag-konsumo ng isda at pagkaing dagat, ay ang mga nangingisda bilang libangan o para sa-kompetisyon, mga mangingisda, at yaong likas at regular na kumakain ng isda at ng iba pang pagka-ing dagat dahil sa kanilang kultura.

13

Page 14: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Ano ang mga palatandaan at sintomas ng pagkalason dulot ng asoge? Isinalin mula sa: The Mercury Issue. United Nations Environment Programme (2008).

Ang pinaka-unang mga epekto ng pagkalason da-hil methylmercury para sa mga nasa hustong gulang (adult) ay ang mga pangkaraniwang sintomas tulad ng paresthesia (pakiramdam na parang nasusunog o tinutusok ng karayom, karaniwang sa kamay, paa, binti o iba pang bahagi ng katawan), malaise (pagsama ng pakiramdam), at panlalabo ng paningin. Maaari rin itong maging dahilan ng pagkahilo, kawalan ng gana sa pagkain, pagbaba ng timbang, pananakit ng tiyan, pagtate, pagkasunog o iritasyon sa balat, pamamaga ng gilagid at singaw sa bibig, gayun din ang paglala-way. Sa paglala ng antas ng pagkalantad sa asoge, mas malubhang mga sintomas ang makikita tulad ng pamamanhid at ang pakiramdam na tila nasusunog, kinakagat o tinutusok ng karayom ang labi, bibig, dila,kamay at paa; tremors (panginginig) kawalan ng koor-dinasyon ng katawan, pagkawalan ng paningin at ng pandinig, pagkawala ng memorya, pagbabago sa personalidad, hirap sa paghinga, at pagkasira ng atay.

Ang matinding pagkalantad sa elemental mercury at sa singaw nito ay maaaring maging dahilan ng pagkakaroon ng acrodynia o pink diseases, na inila-larawan ng matingkad na kulay rosas na pagbabalat ng palad, daliri at talampakan, labis na pagpapawis,

pakakaroon ng pantal o butlig, pananakit at panghi-hina ng kasukasuan, pagtaas ng presyon ng dugo atpagbilis ng tibok ng puso.

Ang methylmercury ay nanunuot sa plasenta o inu-nan, mula sa ina patungo sa sanggol. Nanunuotdin ito as blood-brain barrier. Ang methylmercury ay nagdudulot din ng sakit sa pag-iisip at ng kakulangan sa kakayahang matuto, cerebral palsy (limitasyon sa kakayahang igalaw ang iba’t ibang bahagi ng kata-wan), seizures (biglang pangingisay na tulad ng sa kumbulsiyon), spasticity (pag-ikli o paghigpit ng kal-amnan at kawalan ng kontrol sa kalamnan), tremors (panginginig) kawalan ng koordinasyon, na sinasa-mahan pa ng pagkasira ng mata at pandinig ng mga sanggol sa sinapupunan, bilang resulta ng pagkalan-tad ng ina. Karagdagan pa rito, ang methylmercury ay maaari ring maipasa mula sa gatas ng ina, na lalo pang naglalantad sa panganib sa bagong silang na sanggol.

14

Minamata desease

Ang isang mahusay na naitalang pag-aaral ukol sa pang-matagalang epekto ng asoge, ay maaring makita sa kara-nasan ng mga mamamayan ng Minamata sa Japan. Sa pagitan ng 1932 at 1956, ang isang planta ng pataba ng lupa ay nagtapon ng likidong basurang nagtataglay ngmethylmercury sa Minamata Bay. Ang methylmercury ay naipon sa mga lamang dagat at isda, na pangunahing pagkaing ng protina ng mga mamamayan sa lugar na ito. Mahigit 200,000 nga tao ang apektado. Lingid sa ka-nilang kaalaman na unti-unti nilang nakakain ang lasong ito sa loob ng mahabang panahon.3

Ang sintomas ng sakit na Minamata ay ang pamamanhid ng kamay at paa, panghihina ng kalamnan, pagliit ng sa-kop ng pangingin, pagkasira ng pandinig at pananalita. Ang malubhang kaso ay kinabibilangan ng matinding sensory disturbance (o suliranin sa pandama), kumbulsi-yon at maging kamatayan.

Ang isang halimbawa ng matinding epektong pangkalu-sugan dulot ng pagkalanghap ng nakalasong singaw ng elemental mercury ay ang aksidenteng pagkatapon ng asoge sa isang paaralan sa Paranaque City noong 2006, sa isang klase sa laboratoryong pang-siyensiya. Ayon sa ulat, 50 gramo ng elemental mercury ang natapon, at ang 96 na mga estudyante ang nalandad dito ay nag-simulang makaranas ng hirap sa paghinga, pananakit ng dibdib at lagnat. Ang isang mag-aaral, na ayon sa pagsu-suri ay nalason dahil asoge, ay nagdurusa dahil sa Parkin-sonism (isang abnormalidad na nagdulot ng pagbagal sa pagkilos at panginginig) at pagkasira ng ugat.

Page 15: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Ang matinding epekto ng asoge sa kapaligiran

Ang kumbersiyon ng elemental mercury patungong di-valent mercury o inorganic mercury ang magiging sanhi ng pagkakaipon o pagkakaimbak nito sa lupa at sa an-yong tubig sa pamamagitan ng ulan at presipitasyon.

Sa anyong tubig tulad ng lawa, ilog at dagat, ang inor-ganic mercury ay nagiging organic mercury sa anyo ng methylmercury. Ang methylmercury ay naiipon sa mga

organismong pinupuntahan, dinidikitan o nakakakain nito, kung saan tumataas ang konsentrasyon nito (bio-magnification) habang nagpapasalin-salin ito sa food chain ng yamang dagat. Ang methylmercury ay mabilis na naiipon at naiimbak (bioaccumulate) sa mga katawan ng isda. Ang isda naman ay makakain din ng ibang hay-op at maging ng tao.

Larawan 1: Bioaccumulation at biomagnificationImage credit: http://www.mercurypolicy.scripts.mit.edu

BIOACCUMULATION

BIOMAGNIFICATION

TIME

TIME

15

Antas ng kontaminasyon

Antas ng kontaminasyon

Ang pagkain ng isda at ibang lamang dagat gaya ng shellfish na kontaminado ng asoge ang nagiging sanhi ng pagkalason ng mga taong hindi direktang nalan-tad dito. Ang mga bata at ang mga nagdadalang-tao ang mas madaling kapitan ng masamang epekto ng asoge. Dagdag pa rito, maaaring maipasa ng buntis ang asoge sa nabubuo pa lamang na sanggol sa sinapu-

punan sa pamamagitan ng placental wall o inunan.Halimbawa, ang mga pag-aaral sa mga isla ng Faeroe sa Denmark ay nagpapakitang ang mga anak ng ka-babaihang buntis na nalantad sa asoge ay kulang sa talino at hirap na matututo, kung ikukumpara sa mga anak ng mga babaeng hindi nalantad sa asoge.

Page 16: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Larawan 2: Paano kumakalat ang asoge sa kapaligiranHalaw sa: http://www.deq.utah.gov/Pollutants/M/mercury/facts/atmospherictransport.htm

Talahayanan 1: Ang pagkalantad sa iba’t ibang anyo ng asoge at ang epekto nitoHalaw sa WHO Training Package for the Health Sector, www.who.int/ceh

ASOGE PARAAN NG PAGKALANTADPINAGMULAN ELIMINASYON EPEKTO ng LASON

Elemental(Metallic)

Inorganic(mercurychloride)

Organic(methyl; ethyl)

Pagkalanghap

PagkainSa balat

PagkainParenteral(pumapasok sa katawan sa ibang paraan, maliban sa pagkain (hal., sa iniksyon)Sa pagdaan sa placenta o inunan

Pag-ihi o Pagdumi

Pag-ihi

Pagdumi

Kombulsyon o pagsabog ng bulkanPagsusunog ng basuraThermometerAmalgamsFolk remedies o naka-mulatang pamamaraang pangkultural o pangreli-hiyon sa pgagamot

IlawPotograpiyaPamatay sa mikrobyo(disinfectants)KosmetikoNakamulatang paraan ng paggagamot na taliwas sa siyensya (folk medicine)

IsdaPamatay ng halamang singaw, amag(fungicides)Preserbatibo (hal., sa bakuna)

Central nervous systemAtayBagaBalat (acrodynia sa mga bata)

Central nervous systemAtayKabuoan ng bituka(gastro istestinal track)Balat (acrodynia sa mga bata)

Central nervous systemCardiovascular

16

Fossil fuel burningMining

Thermometer

CFL bulb

Waste incinerators

Inorganic mercury

Elemental mercury vapor

Photochemicaloxidation

Fish to humans

Water

Organic mercury

Page 17: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Ang paggamit ng asoge sa ASGM

Ang artisanal at ang small-scale gold mining (ASGM) ay ang paraan ng pagmimina na lubos na umaasa sa man-wal na paggawa at sa paggamit ng makalumang paraan ng pagkuha at pagproseso ng ginto sa maliitang par-aan. Ito ang isa sa pinakamatinding sanhi ng pagkalat ng asoge sa kapaligiran sa umuunlad na daigdig. Ayon sa United Nations Environment Program (UNEP), ito ang pinanggagalingan ng 12-15% ng pantaunang produksi-yon ng ginto sa mundo.4

Ayon sa pagtataya ng United Nations Industrial Devel-opment Organization (UNIDO), halos 100% ng lahat ng asogeng ginamit sa ASGM ay nailalabas sa kapaligiran. Ang prosesong ito ay naglalabas ng hindi bababa sa 1,000 tolenada ng asoge kada taon, at kumakatawan sa 30% ng taunang pagkalat ng asoge dahil sa kagagawan ng tao (o anthropogenic mercury emissions) Ang bilang ito ay lumaki pa noong mga nakaraang dekada dahil sa pagtaas ng halaga ng ginto.

Ang Pilipinas ay may mayamang deposito ng ginto, at pang-labing siyam sa usapin ng produksiyon nito5 (sa mundo). Ang paggamit ng asoge sa ASGM sa Pilipinas ay nagsimula pa noong 1970s. Tinatayang may 350,000 na mga minero, kabilang na ang 18,000 mga kababaihan at mga bata, ang direktang nakikilahok sa ganitong uri ng pagmimina. Ang singaw ng asoge mula sa ASGM sa Pilipinas ay tinatayang umaabot nang 250 hanggang 400 tonelada kada taon.6 Ito ay kumakatawan sa 80% ng ka-buoang ng inilalabas na asoge sa kapaligiran sa Pilipinas, kaya ang industriyang ito angpinakamatinding pinag-mumulan ng pagsingaw at pagkalat ng asoge sa buong bansa.

Sa kasalukuyan, may halos 40 mga probinsya sa bansa ang nagsasagawa ng maliitang pagmimina ng ginto, kabilang na ang Benguet, Camarines Norte, Negros Oc-cidental, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Bukidnon, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Suriga del Norte, Davao del Norte, Abra, Kalinga, Apayao, Oriental Mindoro, Compostela Valley, Isabela, Nueva Vizcaya, Qu-ezon, Romblon, Southern Leyte at South Cotabato.

Amalgamation – paraan ng pagkuha ng ginto na ginagamitan ng asoge

Ang pinaka-popular na paraan ng pagkuha ng ginto para mga taong may kasanayan sa industriya at samga minero sa maliliit na minahan ng ginto, ay ang amalga-mation, o ang paghahalo ng asoge sa bato o ore upang ihiwalay at kunin ang ginto. Ang minerong nagsasagawa ng amalgamation, ay naglalagay ng asoge sa makinang panggiling, matapos na madurog ang bato. Inihihiwalay naman ng ibang minero ang putik na may halo-halong mineral at ginto (o concentrates) sa pamamagitan ng pa-ghuhugas nito sa palanggana o bandeha (o panning), o sa pamamagitan ng gravity concentration. Upang mapa-dali ang pagkuha ng butil ng ginto, naglalagay ang mga ito ng kaunting asoge sa palanggana o bandeha.

Sa Pilipinas, ang whole ore amalgamation ay ang isa sa pangkaraniwan procesong amalgamation. Direktang dinadagdagan ng mga minero ng malaking bahagi ng asoge ang mga drum sa mga pagilingan ng bato, at gum-agamit ng 10 hanggang 25 na gramo ng asoge upangmakakuha ng isang gramo ng ginto. Gayunpaman, kara-mihan sa asoge ay nawawala sa proseso ng paggiling o milling process at naiiwan bilang mga basurang metal sa pinong buhangin at sa lanaw ng mga basura ng mina sa milling stations.

Sa ulat na isimunite sa UNEP ng Department of Health noong 2001, tinatayang ang mga maliitang minahan ng ginto sa Northern Mindanao pa lamang, ay nagkakalat na ng 140 tonelada ng asoge kada taon. Mula pa noong 1986, iba’t ibang pag-aaral na ang isinagawa upang mataya ang inilalabas na asoge ng mga maliitang pag-mimina sa Pilipinas. Gayunpaman, dahil sa kakapusan ng datos ukol sa gawain ng maliitang pagmimina sa bansa, ang mga numerong ipakikita ay hindi kumakatawan sa kabuoang pagtataya ng nailabas na asoge.

Ang magkakaibang datos ay nagpapakita ng kawalan ng sapat na pananaaliksik at pagsubaybay sa paggamit ng asoge sa ASGM. Ang pagsubaybay sa paggamit ng asoge ay mahalaga upang makakuha ng tamang bilang na naikakalat na asoge, at upang matukoy ang lawak ng polusyong dulot nito sa ating bansa.

TAON Ang nailabas na asoge sa Pilipinas ayon sa iba’t ibang pag-aaral

2008

2007

2001

Mga unang taon sa dekada 90s

1986-1988

70 tonelada (pagtataya ng Pamahalaan ng Pilipinas)

5 tonelada mula sa apat komunidad ng maliitang minahan sa Zamboanga del Norte and Camarines Norte (Appel, Perez, Køster-Rasmussen).

140 tonelada mula sa dalawang may kalakihang small-scale gold mining sa North-ern Mindanao (DOH assessment submitted to UNEP)

25 tonelada (Greener,1993)

May kabuoang140 tonelada sa loob ng tatlong taon mula sa 53 komunidad ng pagmimina (Appleton et al., 1999)

Talahayanan 2: Mercury releases in the Philippines, according to different studies

17

Page 18: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Larawan 3: Amalgamation:paghahalo ng asoge at ore (batong may mga mahahalagang mineral at elemento) upang makakuha ng ginto sa mga maliitang pagmimina ng ginto.Ang larawan sa ibaba ay nagpapakita ng proseso ng pagkuha ng ginto mula sa mga ore sa pamamagitan ng asoge.

Larawan: BAN Toxics. Tignan ang kasamang CD para sa mga larawan ng kabuoang prosesong tinutukoy dito.

18

Ang mga ulat na ito ay nagsasaad na ang lawak ng paggamit ng mercury sa ASGM sa maraming lugar sa Pilipinas ay isang sakunang naghihintay na maganap, at ang lawak nito ay maaaring mas matindi pa kaysa sa insidente sa Minamata, Japan kung saan tinatayang 80-150 tonelada ng asoge ay itinapon mula 1932 hanggang 1968.7 Dahil ang ASGM ay isang kabuhayang isinasa-gawa dahil sa kahirapan, ang pagnanais ng mga minero na agarang magkaroon ng pagkakakitaan o hanapbuhay upang matugunan ang panguhahing pangangailangan sa pang-araw-araw, ang naitalang panguhahing dahilan kung bakit ang paggamit ng asoge ay naging laganap sa sektor na ito.8

EXTRACTION CRUSHING GRINDING

AMALGAM BURNINGGOLD THE END PRODUCT

Page 19: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

MERCURY MIX( Whole ORE AMALGAMATION )

SLUICING

Recovery ofslurry laden

with mercury

SQUEEZINGSQUEEZED AMALGAM

19

Page 20: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Ang mga uri ng ASGM sa Pilipinas

May iba’t ibang porma o uri ng gawain ng pagmimina ang ASGM sa Pilipinas: sa ibabaw, sa ilalim ng lupa, at sa ilalim ng tubig.

Ang Surface Mining ay kinabibilangan ng paghahanap at paghuhugas ng auriferous o may gintong graba, sa daluyan o sa baybay ng ilog at sapa. Ang underground mining, na laganap sa probinsiya ng Camarines Norte sa Timog Luzon, ay kinabibilangan ng pagkuha o paghi-hiwalay ng ore na may taglay na ginto, mula sa mapu-tik na palayan at sa ilalim ng dagat o ilog. Ang suction mining ay kinasasangkutan ng paggamit ng bangkang may makina, compressor, suction hose, sluice box, at iba pang kagamitang panghukay at panipsip. Ang mga minero ay sumisisid sa ilalim ng tubig at humihinga sa pamamagitan ng suction hose upang makakuha ng graba at buhanging may ginto, na pinaniniwalaang na-tangay mula sa mga bundok, sa kanilang pag-agos tun-go sa ilog at karagatan. Sa underground mining, bago i-proseso ang ore, susuriin ng minero ang tubig sa isang maliit na palanggana upang matukoy ang presensiya ng ginto. Kung sa kanyang pagtataya ay may ginto nga na maaaring makuha at mapagkakitaan, itutuloy nila ang paghuhukay ng ore at pagkatapos ay dadalhin ang mga ito sa gilingan o sa planta upang iproseso.

Ang ore na dinadala sa gilingan ay dinudurog muna, maaring sa manwal na paraan, na ginagamitan ng maso o sledgehammer (mabigat at mahabang martilyo) o sa pamamagitan ng mekanikal na pandurog. Kapag ang ore ay nadurog na, ito ay ginagawang mas pino sa gilin-gan (sa tulong ng ball mills o rod mills). Upang makuha o maihiwalay ang ginto, ginagamit ng mga minero ang proseso ng sluicing at gravity concentration, amalgama-tion o cynadization.

Ang sluicing na sinamahan ng gravity concentration at direct smelting ang mga tradisyunal na paraan ng pangangalap ng ginto na ginagamit sa mga maliitang pagmimina ng ginto saPilipinas, bago pa ang paggamit ng mercury amalgamation at cyanidation. Ang sluicing ay 1986 - 1988 May kabuoang 140 tonelada sa loob ng tat-long taon mula sa 53 komunidad ng pagmimina (Apple-ton et al., 1999) gumagamit ng gravitation sa pamamagi-tan ng sluice, na yari sa kahoy o kongkreto at kagamitang panghugas o launder na nababalutan ng tali, carpet o telang corduroy. Sa pamamagitan ng tubig, ang tela ay hinuhugasan sa palanggana upang makuha ang ginto at ang iba pang butil na nakalap, at pagkatapos,

sa pamamagitan ng panning ay ihihilaway ang ginto. Ang panning ay isang paraan ng paghihiwalay ng mga mabibigat ng butil (na maaaring ginto), mula sa lupa o graba, sa pamamagitan ng paghuhugas ng mga ito sa palagganang may tubig.

Ang sluicing ay ang paggamit ng sluice box sa sapa o ilog upang ihiwalay ang ginto mula sa graba. Ang sluice box ay yari sa kahoy o kongreto, na may kagamitang pan-ghugas na nababalutan ng tali, carpet o telang corduroy. Ang gravity concentration ay ang paghihiwahiwalay ng mga mineral ayon sa bigat ng mga ito. Ang direct smelt-ing ay ang proseso ng direktang pag-iinit at pagtutunaw ng ore upang maihiwalay ang ginto mula sa ibang min-eral.

Ang leaching o cyanidation ay isang prosesong gi-nanamitan ng solusyon ng cyanide upang tunawin ang ginto mula sa batong kinakapitan nito, at kadalasang isinasagawa sa pamamagitan ng apat na pangunahing hakbang: 1) ang pagdurog at paggiling ng gintong ore upang maging pino; 2) ang paglalagay ng solusyon ng cyanide sa pinong ore; 3) paghango ng solusyong may taglay na ginto; at 4) ang pagkuha o pag-aalis ng ginto mula sa solusyon sa pamamagitan ng alikabok ng car-bon o zinc.

Ang cyanidation sa Pilipinas ay may tatlong anyo: car-bon-in leach; carbon-in-pulp at ang heap leaching. Ang pinakamabilis at pinakamadalas na gamitin sa tatlong anyong ito ay ang carbon-in-pulp. Ang paraang ito ay nagbibigay-daan sa pagkuha ng ginto sa loob ng 72 oras, sa pamamagitan ng malakas na pagpapagalaw o pag-aalog ng pinaghalong concentrate. Gayunpaman, sa probinsiya ng Benguet sa hilaga ng Pilipinas, ang heap leaching at carbon-in-leach ang pinakapopular na paraang ginagamit.

Halos lahat ng asoge na ginagamit sa ASGM ay napupun-ta sa kapaligiran. Ang asoge, kapag nailabas na sa kapa-ligian, ay hindi na mawawala. Ito ay umiikot sa daigdig at pumapasok sa iba’t ibang organismo at nagdudulot ng malubhang epekto sa samu’t saring buhay, at lumalasonsa ilog at karagatan.

20

Page 21: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Larawan 4: Ang flowchart ng daloy ng mercury amalgamation.Ang Flowchart ay nagpapakita ng bawat hakbang ng pagkuha ng ginto gamit ang asoge. Sa ibang mga lugar na tulad ng Camarines Norte, ang dayap o kalamansi ay ginagamit sa proseso

Source: BAN ToxicsGOLD ORE

MANUAL CRUSHING

AMALGAMATION SEPARATIONCYANIDE PLANT

BLOWTORCHING

AMALGAM

GOLD SPONGE

MERCURY AMALGAMATION/ROD MILLING

MERCURY

TAILINGS

MERCURY VAPOUR

LIME

BORAX

1

2

4

56

3

21

Page 22: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Ang polusyong sanhi ng asoge sa ASGM Sa mga minero, ang pangunahing daanan ng panganib mula sa asoge ay ang pagkalanghap ng singaw ng asoge, mula sa pagsusunog ng mercury amalgam. Ang ilang ba-hagi ng asoge ay nakapapasok din ng diretso sa balat kung ang amalgamation ay isinasagawa sa pamamagitanng kamay. Kadalasan, ang pagsusunog ay isinasagawa ng walang anumang proteksiyon (tulad ng gwantes o retort (isang uri ng salamin) at kadalasan, ito ay isinasa-gawa ng may mga batang nasa paligid at maging sa loob ng mga tahanan.

Ano ang mga hakbang na maari mong gawin upang maiwasan o maihinto na ang polusyong dulot ng asoge sa ASGM?

Maaari magsimula sa pagsisiyasat at sa pagtukoy sa mga lugar na pinanggagalingan ng asoge sa inyong komu-nidad, sa pagtukoy ng laki ng polusyong dulot nito, ng masamang epekto nito sa iyo, sa mga taong nakapaligid at komunidad na inyong tinatahanan.

Ang pagsubaybay at pagtugon sa suliranin sa asoge sa iyong pamayanan ang susi, sa pagtugon sa isyung ito.

Sa maliitang pagmimina ng ginto, ang mga tao ay nalalantad sa mercury sa iba’t ibangparaanHalaw sa: Mercury use in Artisanal and Small-scale Min-ing, UNEP

Ang singaw ng asoge ay nananatili sa mga tahanan, sa pagkain, sa lupa at sa mga anyong tubig. Ang singaw ng asoge ay maaring tangayin ng hangin sa malayong lugar, mapunta sa tubig, at humalo sa bakteria at sa an-yong pantubig. Ito ay nagba-bioaccumulate o naiipon sa food chain na siyang panguhahing pinagmumulan ng asoge sa ating pagkain. Maging sa maliit na dosis, ang lasong dulot ng methylmercury ay nagiging sanhi ng problemang pangneurologikal, at mapanganib lalo na sa mga kababaihang nasa edad ng pagdalang-tao. Dahil sa lubhang mataas na konsentrasyon ng asoge sa gatas ng mga nagpapasusong ina sa mga komunidad ng ASGM, ang mga sanggol ay higit na nanganganib.

Ang alikabok ng mercury ay kumakapit din sa damit ng mga minero at nadadala ito sa kaniang pag-uwi sa ka-nilang tahanan.

Ang pagsasaliksik sa kalagayang pangkalusugan sa mga lugar ng ASGM sa buong mundo ay nagpapakita ng mataas na antas ng asoge sa katawan ng mga min-ero. Ang ilan sa mga minero ay nalalantad sa antas ng asoge ng limanpung (50) ulit na mas mataas kaysa sa limitasyong pampublikong itinakda ng World Health Organization.

Bakit tayo dapat na mabahala?Halaw sa: Mercury use in Artisanal and Small-scale Min-ing, UNEP

Ang mga lugar na kontaminado ng mataas na konsen-trasyon ng asoge na karaniwang malapit sa umaagos na tubig, ang pangunahing dahilan ng pagkalat ng asoge sa sistema ng tubig, na nagiging sanhi ng kontaminasy-on ng isda at yamang dagat dahil sa methylmercury. Ito ang nagdadala ng panganib sa sa buhay ng libong taong nakikilahok sa pagmimina o nakatira sa malapit sa lugar ng pagmimina.

Kadalasan, ang mga basurang may asoge ay direktang itinatapon sa anumang anyong tubig o sa tabi nito, at bilang resulta, nagkakaroon ng kontaminasyon sa lupa, ilog, sapa, lanaw at lawa, sa loob ng napakahabang pan-ahon. Libo-libong mga lugar pa ang maaaring maapek-tuhan ng polusyong sa mga dekada pang darating, at ang epekto ng panganib nito ay malawak, na maar-ing umabot sa mga karatig na lugar, na kadalasang nagdudulot ng malubha at pangmatagalang panganib sa kalusugan at sa kapaligiran ng mga taong naninira-han sa dinadaluyan ng ilog o sapa sa mga rehiyong nag-mimina. Isang partikular na panganib rin ang pagkasira o pagkatibag ng tailing dam dahil sa baha o dahil sa masamang panahon. Ang tailing dam ang istrukturang imbakan ng basurang mula sa pagmimina. Kapag ito ay nasira, kakalat ng mataas na kantidad ng latak na may taglay na mataas na antas ng asoge sa lugar na dinada-luyan nito. Ang isa pang kaugyan na panganib ay ang pinaghalong paggamit ng asoge sa cyanidation, isang lubhang mapanganib na kumbinasyon na nagiging da-hilan ng mercury methylation.

22

Page 23: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Mga paraan ng pagsubaybay sa asoge Ang pagsubaybay ay proseso ng pagkuha ng regular na panukat ng para sa anumang bagay, na ginagami-tan indicators o palatandaan, upang makapagbigay ng mas mabuting pang-unawa sa kasalukuyang sitwasyon at pagtataya sa patutunguhan ng isang usapin.9 Sa pag-subaybay sa paggamit ng asoge sa ASGM, dalawaang paraan ang maaring gamitin. Ang paraang teknikal at ang paraang hindi-teknikal.

Ang teknikal na paraan sa pamamagitan ng pag-gamit ng Lumex RA915+ sa pagsusuri ng asoge

Ang teknikal na paraan ay mangangailan ng paggamit ng isang ispesyal na kasangkapan. Ang Lumex 916+ na mer-cury analyzer ay isang multifunctional atomic absorption spectrometer na ginagamit upang masukat ang singaw ng asoge sa iba’t ibang lugar upang magkaron ng datos ukol sa ginamit at lumabas na asoge sa kapaligiran. Ito ay pinaaandar sa pamamagitan ng prinsipyo ng atomic ab-sorption spectrometry, isang paraan sa pag-aanalisang ginagamit para sa pagtukoy ng kalidad at kantidad ng mga elemento mula sa iba’t ibang mga halimbawa. Ito ay ginagamit ng karamihan sa mga laboratory sa pananalik-sik at ng industriya sa buong mundo. Ang kasangkapan ding ito ang ginagamit ng United States Environmental Protection Agency (US EPA) sa pagsubaybay ng asoge sa mga kaso ng aksidenteng pagkalat o pagtapon nito.

Paramas maunawaan ang kasangkapang ito at ang gam-it nito, maaaring tingnan bilang sanggunian ang Lumex RA915+ Mercury Analyzer Operations Manual.

Subalit ang paggamit lamang ng Lumex sa pagsubaybay ng paggamit ng asoge ay may limitasyon dahil matutu-koy lamang nito ang presensiya ng asoge sa hangin. Isa pang hiwalay na kasangkapan at proseso ang kailangang isagawa upang matukoy ang presensiya ng asoge sa isda, putik at tubig.

Malaking kapital ang kakailanganin upang makabili ng kasangkapang Lumex. Dagdag pa rito, karamihan sa mga miyembro ng komunidad sa mga lalawigan ay walang sapat na yaman, walang kaalamang teknikal at walang kakayahang magpondo ng mga gawaing gagamitan ngteknikal na kasangkapan at pag-aanalisa ng laboratoryo.

Ang hindi-teknikal na paraan ng pagsubaybay na nilahukan ng komunidad (Community-Based Mon-itoring o CBM)

Karamihan sa mga komunidad ng ASGM ay matatag-puan sa mga mahihirap at malalayong munisipalidad sa Pilipinas. Ang limitadong bilang ng mercury analyzer

ang nagpatingkad sa pangangailangang umasa sa hin-di-teknikal na kakayanan at sa praktikal na kaalaman ng Local Government Units (LGUs) at ng mga mamamayan ng komunidad, na makapagbibigay sa kanila ng pag-kakataong makagawa ng mabilis na desisyong batay sa kaalaman, ukol sa polusyong mula sa asoge, sa lugar na kanilang nasasakupan.

Ang pakikilahok ng komunidadd sa pagsubaybay, ay isang mekanismo upang gawin silang kabahagi sa pamamahala sa likas na yaman, upang matugunan ang suliraning pangkapaligiran sa paraang makatutugon sa local sustainability.

Ang pang-ekolohikal na pagsubaybay na nilalahukan ng komunidad, ang magbibigay daan upang ang mga mamamayang apektado ng masamang kondisyong pangkapaligiran, o ng pagkaubos ng likas yaman, ay makapangalap ng datos at makapagbigay ng balik-puna ukol sa mahahalagang impormasyon sa mga ahensiya ng pamahalaan at mga organisasyon. Ang prosesong ito ang magibigay ng kakayahan sa mga nagmamalasakit na mamamayan, sa ahensiya ng pamahalaan, sa industryia, sa institusyong pampaaaralan, at mga lokal na grupo sa komunidad, upang magtulungan sa pagsubaybay, sa pagbabantay, at sa pagtugon sa mga isyung pangkapa-ligiran.

Dahil sa kawalan ng makinang tulad ng Lumex RA915, ang Gabay ng Komunidad sa Pagkilos (Community Ac-tion Guide) ay magsisilbing isang alternatibong kasang-kapang tutulong upang matukoy ang presensiya ng asoge sa komunidad. Ang gabay na ito ay inilalaan para sa mga LGUS at para sa mga mamamayan sa komunidad ng ASGM, upang maipakita sa kanila ang iba pang par-aanat kasangkapang magagamit sa pagsusubaybayat sa pagsusuri ng mga palatandaan ng polusyong dulot ng asoge, na maaaring gamitin sa pasilidad ng maliitang pagmimina ng ginto at sa mga komunidad sa paligid nito.

Ang Community Action Guide o ang Gabay ng Komu-nidad sa Pagkilos ay isang kasangkapang magagamit sa pangangalap ng mga mahahalagang impormasyon ukol sa paggamit ng asoge sa komunidad na nagmim-ina. Ito ay buhay na gabay na magbibigay-daan sa mga stakeholders (mga apektado at may interes sa usapin) na pangasiwaan at ipatupad ang programang pagsub-aybay nang tuloy-tuloy, at iangkop ito ayon sa tiyak na pangangailangan at sa kakayahan ng komunidad sa itinakdang panahon.

23

Page 24: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Part 2: ANO ANG IYONG MAGAGAWA UPANG TUGUNAN ANG SULIRANIN?

ANG PAGPAPLANOAng pagpaplano ang pinaka-unang hakbang sa pag-bubuo ng gawaing pagsubaybay. Ito ang bahagi kung saan ang pinakamahahalagang desisyon ay pinag-uusa-pan. Ang presensiya ng iba’t ibang mga stakeholders ay mahalaga upang mabigyan ang lahat ng pagkakataong mapataas ng kanilang kamalayan sa isyu. Ito ang magtiti-yak na ang lahat ay mabibigyan ng pagkakataong mag-

ambag at maging bahagi ng proseso at ng direksiyon o tunguhin ng gawaing pagsubaybay. Ito ay makapag-bibigay din sa mga mamamayan ng pakiramdam na sila ang nagmamay-ari sa proseso—isang mahalagang salik tungo sa pagpapaunlad ng usapin sa pagde-desisyon.

Larawan 5: Mula sa pagpa-plano hanggang sa pagkakampanya

Larawan 6: Mga tanong na maaaring talakayin sa pagpaplano para sa sistema ng pagsubaybay na nilahukan ng komunidad, kasama ang mga stakeholders

Pagpaplano: Paunang pagtatasa ngsitwasyon sa lugar

Panayam: Mga miyembro

ng komunidad

Gawain ukol sa pag-iimbentaryo

ng asoge

Pagtatala at paglalagom

ng mga natuklasan

Pagpaplano atpagdedesisyon sa pagtugon sa

suliranin

Pagsisiyasat ng tradis-yunal na sistema ng

kaalman: mga salaysayat pananaw

Pangangalap ngimpormasyon ukol sa lawak ng polusyon at pagtatala nito sa

paraang ginagamitan ng maa-sahan at siyentipikong paraan

ng imbestigasyon

PAGKILOSPANGANGALAP NG DATOSPAGPAPLANO PAGKILOS

24

Sino ang man-gangalap ng datos?

Kailan ito sisimulang gawin?

Kailan at gaano kadalas?

Sino ang magdo-dokumento?Ano ang gaga-

win natin sa mga impormasyon?

Page 25: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Ang pagsasagawa ng pangunahing pagtatasa sa lugar ay mahalaga upang magkaroon ng sapat na batayan sa pagbubuo ng plano sa pagsubaybay. Ito ay maaring kas-ing simple ng pagsasagawa ng sekondaryang pananalik-sik o pagbisita sa inyong lokal na bulwagan at paghingi ng kopya ng Barangay Development Plan. Habang isi-nasagawa ang iyong pananaliksik, itala ang mga sumu-sunod na detalye: pangkalahatang katangian ng lugar, pampisikal na katangian ng mga lugar ng proyekto at ang mga dating resulta ng pag-aaral at pananaliksik na madaling masusuri at mapag-aaralan bago ang aktuwal na pagbisita sa lugar ( Tignan ang Annex - General Infor-mation about the ASGM Community)

Ang ilang mahahalagang impormasyon ay maaring matagpuan sa website ng mga lokal na sangay ng pama-halaan sa lugar kung saan mo isinasagawa ang pagsub-aybay.

PAGBUBUO NG MGA PALATANDAAN(sa paggamit ng asoge) SA ISANG LUGAR

Ang pagtukoy sa mga palatandaan ang pinakamahala-gang bahagi sa proseso ng pagsubaysay sa paggamit ng asoge. Ang mga palatandaan ang magtatakda ng mga salik na dapat pagtuunan ang pansin sa pagsubaybay. Ang unang pangkat ng palatandaan ay gumagamit ng iba’t ibang mga sistemang pangkaalaman11 na tutukoy sa paggamit ng 10 asoge sa komunidad ng ASGM. Ang ikalawang pangkat ng palatandaan ay ang paggamit ng pinaghambing na impormasyon, na magpapahintulot sa inyong makita kung anong gawain ang lumihis sa paraanng gravity concentration (o sa paghango at paghihiwalay ng ginto mula sa iba pang mineral) na hindi ginagamitan ng asoge (Tingnan ang Annex B)

MGA PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS PARA SA PAGSUBAYBAY NA NILALAHUKAN NG KOMUNIDAD

Ang pagsubaybay na nilalahukan ng komunidad ay dapat na simple at ekonomikal. Ang mga simpleng in-strumento o pamamaraan ay ang ginagamit tulad ng pagsisiyasat sa komunidad, mga talakayang nilahukan ng tinukoy na grupo, panayam sa mga panguhaning ma-pagkukuhan ng impormasyon, at kung maaari, sa mga grupo o indibidwal na patas o walang kinikilingan sausaping ito.

Ang mga talaan ng mga tanong (questionnaires) at ang mga panayam ang lubos na mapakikinabangang par-aan ng pagkalap ng detalyadong impormasyon ukol sa opinyon ng mga mamamayan sa paggamit ng asoge sa komunidad. Ang mga katanungan sa panayam ay maaar-ing may istruktura, o open-ended (walang istruktura, walang limitasyon at maaaring magbigay ng kahit na anong kasagutan). Dapat ding ang mga katanungan ay diretso, simple at madaling maintindihan ng mga taong sasagot dito. Ang mga tanong ay dapat na makapag-bibigay mahahalagang impormasyon ukol sa paggamit ng asoge sa mga lugar ng minahan.

MGA PANG-ETIKAL NA KONSIDERASYON

Sa pagsasagawa ng pagsubaybay sa komunidad, may mga pangunahing prinsipyong etikal o moral na gum-agabay sa pagkilos na dapat na isaalang-alang. Binibig-yang-diin ng mga prinsipyong ito ang pangunahing obligasyong gumawa ng tama at iwasang makadulot ng perwisyo.

Importante na bilang mananaliksik, kailangan humingi ka ng pahintulot mula sa potensiyal na mga kalahok sa pa-nanaliksik, sbawasan ang banta ng panganib sa mga ito, pangalagaan ang kanilang pagkakakilanlan, ingatan ang ipinagkatiwalang impormasyon, iwasan paggamit ng mga mapanlinlang na kalakaran, at bigyan ang kalahok ng karapatang sumagot ng ‘hindi’.

Sistemang pang-kaalamanA. Ang tradisyunal na palatandaan batay sa kaalaman sa isyuIto ang mga palatandaan o impormasyon na kadala-sang nagmumula sa pananaw at perspektiba ang mga nakatatanda. Ito ay maaaring mga tanong na nagsi-simula sa ‘paano at ‘kailan’ nagsimulang gumamit ng asoge sa pagpo-proseso ng ore ng ginto’. Mahalaga ring matukoy kung paano nagsimulang pumasok ang asoge sa komunidad. Ang mga palatandaang ito ang magbibigay sa inyo ng kaalaman sa kultura at pa-nanaw ng mga tao sa komunidad ukol sa pagmimina.

B. Ang mga palatandaang nakabatay sa siyensiyaIto ang mga palatandaang matutukoy sa pamamagi-tan ng siyentipikong proseso at pagsusuri.

K. Mga palatandaang nakabatay sa karanasan ng komunidadIto ang mga palatandaang nakabatay sa pang-araw-araw na mga karanasan. Ang mga impormasyong ito ay makakalap sa pamamagitan ng panayam sa mga minerong nakikilahok sa maliitang pagmimina ng ginto, sa mga bata, sa mga manggagawang pang-kalusugan at sa mga pinuno ng komunidad. Ang mga datos ang magpapakita ang kasalukuyang daloy ng paggamit ng asoge sa komunidad habang isinasa-laysay ng mga tao ang kanilang pang-araw-araw na karanasan.

25

Page 26: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

GABAY SA MGA AKTIBIDAD: mga kasangkapan sa pagsubaybay na nilalahukan ng komunidadAng mga sumusunod na gawain ay magsisilbing gabay para sa epektibong implementasyon ng aktibidad o gawaing pagsubaybay. Batay sa dami ng kasapi, ng ka-halagahan at tiyempo, maaari kang maglaan ng araw o oras para isagawa ang ipinapayong mga gawain. Sigu-ruhing maitatala ang mga resulta. Isinama rin sa huling bahagi ng librong ito ang ilang halimbawa ng mga forms at templates upang matulungan ka sa pagbubuo at pag-tatala ng iyong mga obserbasyon at mga natuklasan mula sa pananaliksik sa komunidad.

Ang mga sumusunod na kasangkapan sa pananaliksik ay naglalayong makapangalap ng mga nauukol na impor-masyon sa mga mahalagang bahagi ng pagsubaybay:

1. Kondisyon ng paggamit - ang impormasyong nakal-ap ay magbibigay ng ‘mabilisang larawan’ ng pag-gamit ng asoge sa inyong komunidad at ang mga sanhi ng panganib na maaring humantong sa talam-ak na pagkalantad o pagkalason dahil dito.

2. Ang matinding epekto nito sa kalusugan ng komu-nidad – ang impormasyong nakalap ay magbibigay ng malinaw na kaugnayan sa pagitan ng paggamit ng asoge at sa pagkalantad dito, at magtitiyak din kung ang problemang pangkalusugan ay dulot ng iba pang dahilan, kaya ang pagkalantad sa asoge ay maaaring alisin sa konsiderasyon.

3. Ang insidente ng malalang pagkalason – ang mga impormasyong nakalap ang magtatala at magbubuo ng matibay na edibensiya ukol sa direktang epekto ng patuloy na paggamit ng asoge sa kalusugan ng tao at magtitiyak ng tama at mas epektibong paraan ng pag-uulat ng mga mamamayan.

Pamamaraan:Humiling sa hindi bababa sa tatlong nakatatanda, na magbahagi ng kwento ukol sa ASGM sa kanilang komu-nidad, gayundin ng kanilang personal na opinion ukol sa industriya. Ang mga kakapanayamin ay maaaring lolo o lola ng inyong kaibigan, o dating pinuno ng komunidad. Bilang alternatibo, maaari ring hilingin sa kanilang iguhit ang kanilang kwento. Sa pagtatapos ng panayam, maari mong ipakita ang isang video ukol sa masamang epekto ng paggamit ng asoge sa ASGM upang mapataas ang kamalayan nila sa usapin.

Atasan ang isa pang miyembro ng grupo na itala ang dis-kusyon at kumuha ng litrato.

Materyales: 1. Krayola and markers2. Manila paper3. Ballpen4. Talaan5. ASGM video

Mga gabay na katanungan: Malusog na utak, malinaw na isip (Healthy Brains, Bright Minds)

Kailan nagsimula ang gawain ng ASGM sa komunidad?

Ito ay mahalaga upang matukoy kung gaano katagal na ang ope-rasyon ng ASGM sa lugar (halim-bawa, ilang taon), at makatulong sa pagtatasa kung gaano na kalawak ang epekto nito sa kalusugan at sa kapaligiran.

26

Bago ipatupad ang iyong mga gawain o aktibidad, sigu-ruhing nauunawaan ng mga makikibagi ang layunin at ang benepisyong makukuha nila mula sa kanilang koo-perasyon. Mahalagang maipaliwanag din kung paano gagamitin ng mga tagapagtaguyod ng isyu ang mga impormasyon, upang makatulong sa pagpapabuti ng sistema at kalakaran sa ASGM at upang manawagan sa mga lokal na sangay ng pamahalaan, sa mga pandaigdi-gang sangay, sa mga samahang pangsibil at sa lokal na komunidad na gumawa ng aksiyon.

Gawain 1: Gumawa ng simpleng pananalik-sik sa panahong ang komunidad ay nagsimu-lang gumamit ng asoge at ang mga dahilang naghimok sa kanila upang gumamit nito.

Sa pagtatapos ng gawain, ang grupo ay dapat na:1. Napakapangalap at nakapagpatunay ng historikal na tala o kasaysayan ukol sa pagpasok ng asoge sa komu-nidad ng pagmimina;

2. Nakapagtala ng pangkasaysayan, panglipunan, pang-ekonimiya at pang-politikang konteksto ng industriya ng pagmimina at ang relasyon nito sa paggamit ng asoge sa komunidad ng pagmimina; at

3. Nakapagtala ng pagkaunawa ng mga matatanda ukol sa epekto ng asoge sa kalusugan at kapaligiran (batay sa kanilang kaalaman at personal na karanasan).

Page 27: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Gawain 2: Malusog na utak, malinaw na isip (Healthy Brains, Bright Minds)

Ang kaalaman at pagkaunawa ng mga bata ukol sa pag-gamit ng asoge at sa epekto nito.Ilang mga pananaliksik ang nagpapakitang ang mada-las na pagkalantad sa asoge, kahit sa mababang antas lamang, ay may seryosong epektong pampisikal sa mga bata at sa mga kabataang nahuhubog pa lamang ang katawan.

Ang epektibong kampanya sa pagtataas ng kamalayan ay kinabibilangan ng pagmumulat sa mga kabataan. Ang gawaing ito ay makatutulong upang malaman ang kanilang pagkaunawa ukol sa lasong dulot ng asoge at ng epekto nito. Makatutulong din ito sa pagku-kwenta:

ilan sa inyong komunidad ang nakakaalam ng panganib ng patuloy na paggamit ng asoge? May mga naitala o naiulat bang insidente ng malalang pagkalason dulot ng asoge sa bahay o sa mga paaralan?

Pagkatapos ng gawaing ito, ang grupo ay dapat na:1. Nakapagtala at nakapagpatunay ng mga impor-

masyon ukol sa paggamit ng asoge batay sa pag-kaunawa ng mga mag-aaral at ng mga kabataan; at

2. Nakapagtala ng pagkaunawa ng mga bata, at mga kabataan ukol sa epekto ng asoge sa kalusugan at kapaligiran (batay sa nakuhang impormasyon mula sa paaralan at personal na karanasan).

Pamamaraan: Humiling sa hindi bababa sa limang mag-aaral (12

hanggang 17 taong gulang) na magbahagi ng kwen-to ukol sa pakikilahok ng kanilang pamilya sa ASGM, gayundin ang kanilang mga personal na opinion ukol sa sektor. Ang mga kakapanayamin ay dapat na mga anak ng mga minero. (Paunawa: Ipagbigay-alam sa mga magulang at/o mga guro na nais mong kunan ng panayam ang mga batang menor de edad). Bilang al-ternatibo, maaari mong hilingin sa mga kalahok na ig-uhit ang kanilang mga sagot, o gumamit ng iba pang malikhaing paraan. Bago tapusin ang gawain, maaar-ing magbasa ang tagapagpadaloy ng isang kwento. Maaaring gamitin ang librong pambata ng BAN Toxics na pinamagatang ‘Ang Gintong Talakitok.’

Atasan ang isa pang miyembro na itala ang diskusyon at kumuha ng litrato.

Materyales: 1. Lapis na makulay, krayola at papel2. Talaan ng karaniwang palatandaan at sintomas ng

pagkalason dahil sa asoge3. Librong pambata ng BAN Toxics4. Aklat-sulatan o notebook para sa mga tagapag-

padaloy

Mga gabay na katanungan:

Sino ang nagturo sa mga tao magmina?

Ano ang paraang ginagamit ng mga mamamayan sa pag-kuha ng ginto noon? Gumamit ba sila ng asoge?

Mahalagang malaman ang pinag-mulan ng teknolohiyang ginamit sa lugar dahil makatutulong ito upang matukoy ng grupo kung ang par-aang itinuro sa kanila ay ginagami-tan ng asoge (halimbawa, kung ang teknolohiya ay iba kaysa sa gravity concentration method).

Ito ay upang linawin kung anong paraan ang ginamit noon (sakaling may ibang teknolohiyang itinuro sa kanila) at upang mapatunayan kung gumamit ang mga minero ng asoge sa pagmimina ng ginto.

Sa iyong palagay, bakit naging katang-gap-tanggap ang asoge sa mga tao? Ano sa palagay mo ang sangkap ng asoge?

Saan ka kumukuha o bumibili ng asoge? Magkano ang bawat gramo o kilo nito?

Nakakita ka ba ng anumang negati-bong epekto ng mercury sa kalikasan at sa kalusugan ng tao?

Makatutulong na maunawaan ang konteksto ng prosesong kinaugalian at ang kaugnayan nito sa kanilang pananaw o pagkaunawa sa pag-gamit ng asoge (halimbawa, ang pagkaunawa ng mga matatandang minero ay maaaring may kaugayan o may impluwensiya sa pananaw o pagkaunawa ng mga minero sa bagong henerasyon).

Upang mabigyan tayo ng ideya ukol sa pinagkukuhan at sa sistema ng kalakalan nito.

Ang impormasyon kung ang negatibong epekto (halimbawa, ang pagkalason o pagkakasakit ng mga tao) ay naiulat noong nakaraan, ay maaaring makuha mula sa mga matatanda. Kung ang sagot ay positibo, ang gumagawa ng pa-nayam ay maaaring bumalik sa mga naunang katanungan upang mas makapagpalawig ang mga mata-tanda sa kanilang sagot.

1. Ano ang pinagkuku-nan ng ikabubuhay ng inyong pamilya? Ang mga magulang mo ba ay kasali sa maliit na industriyang pagmim-ina ng ginto sa inyong komunidad? Kung oo, ano (kumpanya) at saan sila nag-mimina? Kailan nagsimula ito?

Ito ay magbibigay ng kaalaman ukol sa pamilya ng kapanayam at ang kanilang hanapbuhay (pagmimina). Ito ay magandang transisyon para sa susunod na tanong. Alalahaning ang tanong ukol sa partisipasyon ng ka-nilang magulang sa pagmimina ay hindi kaagad na itinanong.

27

Page 28: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Gawain 3: Ang kaalaman at pagkaunawa ng mga kababaihang minero ukol sa nakalalasong asoge at ang epekto nito sa kalusugan at sa ka-paligiran.

Ang mga kababaihan sa komunidad ng ASGM ay may mahalagang tungkulin at may malaking bahagi sa pagpa-paunlad ng sektor. Subalit kadalasan, ang kontribusyon at ang tungkulin ng mga kababaihan ay hindi kinikilala. Halimbawa, sa ilang mga lugar, ang mga kababaihan ay itinuturing na ‘malas’ at hindi hinahayaang pumasok sa tunnel ng mina. Kadalasan, sila ay tinitingnan bilang ma-hina at binibigyan lamang ng mga simpleng gawain tu-lad ng pagbabantay sa mercury-gold amalgam habang ito ay pino-proseso, na nagpapataas naman sa antas ng kanilang pagkalantad sa asoge.

Gayunpaman, ang mga kababaihan ay may mahalagang papel sa komunidad ng pagmimina. Ang mga kaba-baihan ang pangunahing tagapag-aruga ng kanilang mga anak at may tungkulin sa kanilang kalusugan at ka-pakanan. Sila rin ang may tungkuling mangasiwa sa ka-nilang tahanan at may mahalagang papel sa pagplano ng mga gastusin ng pamilya.

Makatutulong na maunawaan ang usapin ng kasarian sa ASGM upang makakuha ng mas mainam na larawan ng mga gawain sa komunidad. Ang gawaing ito ay makatu-tulong sa atin upang makakalap ng mahahalagang im-pormasyon ukol sa gamit ng asoge at lasong kaakibat nito, sa pananaw ng mga kababaihan.

Sa pagtatapos ng gawaing ito, ang grupo ay dapat na:1. Nakapangalap at nakapagpatunay ng mga impor-

masyon ukol sa paggamit ng mercury batay sa kaala-man at pagkaunawa ng mga kababaihang minero;

2. Nakapagtala ng pangkasaysayan, panglipunan, pang-ekonomiya at pang-politikal na konteksto ng industriya ng pagmimina at ng paggamit ng asoge sa komunidad ng pagmimina; at

3. Nakapag-dokumento ng pagkaunawa ng mga kaba-baihan sa epekto ng asoge sa kalusugan at sa ka-paligiran, batay sa gawaing pagmimina sa kanilang komunidad, at sa kanilang personal na karanasan.

Pamamraaan: Ipunin ang hindi bababa sa 10 mga kababaihan na

bahagi ng pagmimina sa kanilang komunidad. Hilin-gan silang mag-kwento ukol sa kanilang pakikilahok sa ASGM at ang kanilang mga personal na opinyon

28

2. Anong materyales o kemikal ang ginagamit nila sa pagmimina ng ginto? Saan nila ito kinukuha? Paano nila ito ginagamit? Maari mo bang ilarawan o i-kwento ang proseso?

3. Sumasama ka ba sa mga gawaing pag-mimina? Ano ang mga hakbang o proseso ng pagmimina na iyong sinamahan?

5. Anong uri ng sang-kap ang ginagamit o idinadagdag upang makahango o makaku-ha ng ginto?

14. May kakilala ka bang (miyembro ng pamilya o kapitbahay) nalason o nagkasakit dahil sa kemikal na ito (asoge)?

Maaaring gamitin ng tagapag-padaloy ang talaan ng senyales at sintomas ng pagkalason dahil sa asoge sa bahaging ito ng imbestigasyon.

6. Sa iyong palagay, ang mga ginagamit o ang mga kemikal ba (asoge) ay maaaring magdulot ng masa-mang epekto sa kapa-ligiran at sa kalusugan ng tao? Paano?

Maaring gamitin ng tagapag-padaloy ang libro ng kwento na ginawa ng BAN Toxics upang ilarawan ang epekto ng polusyong mula sa asoge sa komunidad, at hingin ang kasagutan.

4. Nakakaamoy ka ba ng ginto sa inyong bahay?

7. May asoge ba sa inyong paaralan?

9. Ang natapon bang asoge ay na-vacuum?

11. Ilang gramo/kilo? 1 botelya?

8. May insidente bang ang asoge ay natapon sa inyong paaralan?

13. Pinaglalaruan mo ba ito o ng iyong mga kapatid?

10. Kayo ba ay nagtatago ng asoge sa bahay?

12. Saan ninyo ito itina-tago?

Page 29: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

ukol sa gawain. Maaaring magbahagi ang mga ka-babaihan ng kanilang pananaw ukol sa asoge, ang epekto nito (mabuti o masama), ang pang-ekonomi-yang pakinabang (mababa o mataas) at ang paki-kibahagi ng pamilya sa pagpapanatili ng kabuhayan at gastusin. Bilang alternatibo, maaaring hilingan ang mga kalahok na iguhit ang kanilang mga kwen-to. Sa pagtatapos ng panayam, maaaring ipakita sa kanila ang video tungkol sa masamang epekto ng paggamit ng asoge sa kalusugan at sa kapaligiran.

Atasan ang isang miyembro ng grupo na magdoku-mento ng mga sagot at kumuha ng litrato.

Materyales:1. Lapis na may kulay, krayola, papel2. Talaan ng karaniwang senyales at sintomas ng pag-

kalason sanhi ng asoge3. Ang gabay na talaan ng paggamit ng asoge (ang

sukat ng paggamit kada araw/buwan, proseso at pamamaraan)

4. ASGM video

Mga gabay na katanungan:

1. Ano ang pinagkukunan ng ikinabubuhay ng inyong pamilya? Ikaw ba ay bahagi ng maliit na industriyang pagmimina ng ginto sa inyong komunidad? Kung oo, ano at saan kayo nag-mimina? Kailan nagsimula ito?

4. Nagsusunog ba kayo ng amalgam sa inyong

tahanan?

3. Anong kemikal ang ginag-amit ninyo sa pagmimina ng ginto? Saan ninyo ito kinukuha? Magkano ito bawat kilo? Paano ninyo ito ginagamit? Maari mo bang ilarawan ang proseso? Kung ito ay asoge, maaari mo bang bigyan ng pagtataya kung gaano karaming asoge ang ginagamit kada linggo/buwan ng inyong pamilya.

Gumamit ng hiwalay na template upang itala ang iyong natuklasan sa lokal na pinanggagalin-gan ng asoge, sa halaga ng asoge at sa dami ng ginagamit na asoge sa pagkuha ng ginto bawat lingo/buwan.

2. Paano ka nakikibahagi sa gawaing pagmimina? Ano ang mga partikular na hakbang o mga hakbang sa proseso ng pagmimina na nilalahukan mo?

5. Saan ninyo itinatago ang kasangkapang ginamit sa pagsusunog ng amalgam (amalgam smelting equip-ment) pagkatapos itong gamitin?

6. Nagtatago ba kayo ng asoge sa bahay?

8. Saan ninyo ito itinatago?

7. Gaano karaming asoge ang itinatago ninyo sa inyong bahay?

9. Sa iyong palagay, may-roon bang hindi mabuting epekto ang kemikal na ito (asoge) sa kalikasan at sa kalusugan ng tao? Paano?

10. May kakilala ka bang sinuman, na nalason o nagkasakit dahil sa pag-kalason sa kemikal na ito (asoge)?

11. Bukod sa pagmimina, may iba ka pa bang alter-natibong pagkukunan ng ikabubuhay na makatu-tulong sa iyong pamilya? Kung oo, ano ito?

12. Nakikibahagi ka ba sa anumang gawain ng samahan ng kababaihan sa inyong komunidad? Kung oo, anong uri ng gawain?

Maaaring gamitin ng tagapagpadaloy ang Health Assessment Form sa Annex para sa karagd-agang impormasyon ukol sa kasaysayang pangkalu-sugan.

Gawain 4: Pumunta sa inyong lokal na pang-kalusugang tanggapan at kumuha ng istatistiko o bilang ng insidente ng pagkalason dahil sa asoge at alamin kung paanong napangasiwaan ang mga kasong ito.

Ang mga lokal na ospital at klinika ang pinakamainam na mapagkukunan ng impormasyon ukol dito. Tanungin sa inyong mga lokal na doctor at manggagawang pang-kalusugan ang tungkol sa isyung ito at tingnan kung gaano kalawak ang kanilang kaalaman ukol dito. Ang anumang impormasyong makakalap ay makatutulong

29

Page 30: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

1. Ano ang mga karaniwang karamdaman o sakit ng mga tao sa komunidad?

2. Mayroon ka bang nakiki-tang mga nagdadalang tao/buntis at mga batang naninirahan malapit sa lugar ng minahan? Ano ang iyong obserbasyon ukol sa kanila?

3. Alam mo ba ang sintomas ng pagkalason dahil sa asoge? Kung oo, nakakita ka ba ng tao sa inyong komu-nidad na nakaramdam ng ganitong sintomas?

4. Ikaw ba ay nagkaroon ng pagsasanay kung paano matukoy, masuri at maluna-san ang mga sintomas ng pagkalason dahil sa asoge?

5. Saan sa iyong palagay kinukuha ng mga minero ang asoge? Ito ba ay nabibili sa lokal na pamilihan?

Ano ang mga paraang ginagamit mo sa pagkuha ng ginto?

Gawain 5: Pagmamatyag at pagsisiyasat, pag-bisita sa istasyon ng ball mill sa inyong lugar

Maaari ka rin kumuha ng impormasyoun sa pamamagi-tan ng pagmamatyag sa gawain ng ASGM sa inyong ko-munidad. Halimbawa, maari kang bumisita sa ball mill at magmatyag sa kanilang pamamaraan ng pagkuha ng ginto. Itala ang uri ng mga kasangkapang ginagamit nila sa prosesong ito.

Sa pagtatapos ng gawain, inaasahang ang grupo ay:1. Nakapangalap at nakapagpatunay ng mga impor-

masyon ukol sa paggamit ng asoge ng mga minero at ng mga tagapamahala ng ball mill at sa presyo ng binibiling asoge noong nakaraang taon at sa kasalukuyang taon,

2. Nakapagtala ng historikal, panglipunan, pang-ekonomiya at pampulitikang konteksto ng industriya ng pagmimina at ang kaugnayan nito sa paggamit ng asoge sa pagmimina ng komunidad; at

3. Nakapagtala ng pagkaunawa ng mga minero sa epekto ng asoge sa kalusugan at sa kapaligiran batay sa mga gawain ng pagmimina sa kanilang lu-gar at sa kanilang personal na karanasan.

Pamamaraan: Bisitahin ang maliit na pasilidad ng pagmimina.

Tukuyin at ilarawan ang mga kagamitan, makina, at mga materyales na ginagamit ng mga maliliit na mi-nahan sa kanilang mga pasilidad sa pagmimina, na nakalista o, kung meron man, hindi kasama, sa Grav-ity Concentration Method Table (Annex 1).

Tipunin ang mga minero at hilingan silang magbah-agi ng kwento ukol sa kanilang pakikilahok sa ASGM, ang kanilang personal na opinyon ukol sa industriya at ang paraang kanilang ginagamit upang makaku-ha ng ginto. Maaring magbahagi ang mga minero ng kanilang pananaw ukol sa asoge, ang epekto nito (mabuti o masama), ang pang-ekonomiyang bene-pisyo mula sa paggamit nito, at ang pakikilahok ng kanilang pamilya sa pagtataguyod ng kanilang ka-buhayan.

Panukalang pamamaraan:A. PanayamMga gabay na katanungan:

30

para mabuo ang isang epektibong sistema ng pagsub-aybay sa komunidad. Alalahanin nating ito ay higit pa sa pagkuha ng kaalaman ukol sa tindi ng polusyong dulot ng asoge. Ito ay ukol din sa pagsasagawa ng aksiyon o pagkilos (upang ito ay matugunan).

Sa pagtatapos ng gawain, ang grupo ay dapat na:1. Nakapagtala ng mga kaso at nagkaroon ng mga

bagong ulat ukol sa pagkalason dahil sa asoge sa kanilang lugar;

2. Nakakalap ng impormasyon kung paano pinamama-halaan ng mga lokal na tagapangalaga ng kalusug-an ang mga kaso ng pagkalason dahil sa asoge; at

3. Nakapagbahagi at nakapagtalakay ng mga paraan ng pagsubaybay at pangagangasiwa sa pagkalason dahil sa asoge.

Pamamaraan:Bisitahin ang malapit na sentrong pangkalusugan (health centers) at hingiin ang tatlong taong talaan ng morbidity (talaan ng mga uri ng sakit at kung gaano kadalas ito nararanasan ng mga miyembro ng komuni-dad) at ang mortality (ang kadalasang sakit na sanhi ng kamatayan sa kanilang lugar). Ang talaang pangkalu-sugan ay maaaring magpahiwatig ng mga sakit na may kaugnayan sa sintomas ng epekto ng asoge na bina-banggit sa kabanata I.3.

Materyales:1. Kamera2. Talaan at lapis

Maari mo ring siyasatin nang mas malalim sa pamamagi-tan ng mga sumusunod na katanungan:

Page 31: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

B. Patagong obserbasyon at paggamit ng mga palatandaanAng obserbasyon ay karaniwang ginagamit sa mga pananaliksik at pagsisiyasat. Kung ito ay maayos na maisasagawa, maaring makakuha ng mayamang im-pormasyong makatutulong upang mapalakas ang mga datos na nakalap sa pamamagitan ng panayam at pros-eso ng pananaliksik. Habang ito ay isinasagawa, sikap-ing hindi ka maging kapansin-pansin. Kung ikaw ay hindi mula sa komunidad na iyong minamatyagan, siguruhing ikaw ay makikiangkop sa karamihan at sa kondisyon ng komunidad. Halimbawa, ang pagsusuot ng sunglasses at paggamit ng tila mamahaling kamera at ng iba pang mga gadgets ay hindi makatutulong sa iyo upang mag-tagumpay sa gawaing ito.

Pamamaraan: Ang BAN Toxics ay bumuo ng listahan ng mga pala-

tandaang dapat matyagan sa lugar batay sa ilang ulit na pagbisita sa mga maliit na lugar ng nagmimina. Sundan ang tsart na ibinigay sa pagtatala ng mga impormasyon.

Materyales:1. Talaan and lapis2. Maliit na kamera

31

Magdiwang, Romblon 1. Paggamit ng tela ng payong

2. Ang simpleng fume hood ay ginagamit para sa pagsusu-nog ng amalgam

Jose Panganiban,Camarines Norte

Ang tela ng payong ay ginagamit ng mga mali-itang minero para sa whole ore amalgamation. Sa tantiyang dumikit na ang ginto sa asoge, ang namuong batong may halong asoge ay ilalagay sa malaking palanggana at pagkaraka’y ililipat sa lalagyang paghuhugasan, kung saan magdad-agdag ng tubig upang ihiwalay ang asoge na may taglay na ginto. Panghuli, ang amalgam ay pipigain gamit ang pinong tela ng payong.

Ang amalgam ay sinusunog sa pamamagitan ng kalan na may simpleng fume hood (isang uri ng takip na ginawa upang limitahan ang pagkalan-tad sa mapanganib na usok, singaw o alikabok). Sa pagsingaw ng init, maiiwan ang ginto. Maging maalam sa amoy ng nasusunog na metal o bakal. Ito ay palantandaang may kasalukuyang pagtu-tunaw (ng metal) o pagsusunog na nagaganap.

Lokasyon ng pasilidad sa pagmimina PaglalarawanMateryales at kagamitan

Anong mga kemikal ang gina-gamit mo sa pagmimina ng ginto? Saan mo ito kinukuha? Magkano ito? Paano mo ito gina-gamit? Maari mo bang ilarawan ang proseso? Kung ito ay asoge, maaari mo ba akong bigyan ng pagtataya sa dami ng asoge na nagagamit ng iyong pamilya sa loob ng isang buwan?

Sa iyong palagay, ang kemikal na ito ba (asoge) ay may negati-bong epekto sa kapaligiran at sa kalusugan ng tao? Sa paanong paraan?

May alam ka bang alternatibong paraan sa pagkuha ng ginto na hindi ginagamitan ng asoge? Kung oo, ano ito? Maari mo bang ilarawan ang proseso?

Bukod sa pagmimina, may iba pa bang alternatibong mapag-kakakitaan ang iyong pamilya? Kung mayroon, maari mo bang ilawaran?

Mayroon ka bang kakilalang naging biktima ng pagkalason o nagkasakit dahil sa kemikal na ito (asoge)?

Gamitin ang talaan ng mga karaniwang pala-tandaan o sintomas ng pagkalason sa asoge na makikita sa Annex.

Page 32: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Magdiwang, Romblon 4. Paggamit ng palangga-nang kahoy (wooden pan)

6. Tingnan ang hugis ng sluice boxes. Ang mga ito ba ay maikli? May ginagamit bang paraan o mekanismo ang mga minero upang pigilan o ma-kontrol ang pagta-gas o pagtapon ng tubig mula sa sluice box?

5. Ang palangganang bakal (metal/steel pans) ba ay ginagamit? Ang mga kag-amitang ito ay kritikal para sa gold concentration. Ang panning ay isang epektibong paraan ng gravity concentra-tion. Kung magagawa nang tama at mahusay, makatu-tulong ito upang maiwasan ang paggamit ng asoge.

Ang palangganang kahoy (wooden pan) ay gi-nagamit upang ihiwalay ang gold concentrate mula sa ore concentrate. Ayon kay Leoncio Naoy, isang minero mula sa Benguet, mas nais ng mga minero ang gumamit ng wooden pan dahil ito ay natural na lumulutang at madaling hawakan sa tubig. Gayunpaman, inire-rekomenda ng mga minero sa Benguet ang paggamit ng steel pan dahil mas madali itong ikutin, mas maliit at magaan (kung walang asoge) kaysa sa naka-gawiang wooden pan.

Disclaimer: Ang palatandaang ito ay maaari la-mang gamitin upang matukoy ang paggamit ng asoge sa Romblon at hindi sa iba pang lugar na may ASGM.

Ang maliit na sluice box ay palatandaang ang minero ay gumagamit ng asoge dahil hindi sila abala sa epektibong gravity concentration. Ito ay katulad din ng sluice box na hindi naaayon sa normal na hugis o may anumang istruktura upang mapigil ang pagtapon ng tubig. Ang minerong gumagamit ng asoge ay hindi naba-bahala sa epektibong sluicing at hindi nag-bibigay ng pansin sa pag-kontrol ng pagtapon ng tubig sa sluice.

1. Hilinging makita ang metal/steel pan. Ang lokasyon ng metal o steel pan ay mabilis na palatandaan ukol sa paraang ginagamit ng mga minero. Kadalasan, itinatago ng mga minero na aktibong gumagamit ng mga metal pans ang kasangkapang ito sa lugar malapit sa ka-nilang trabaho. Kung ang mga pans ay naka-tago ng malayo sa lugar ng kanilang trabaho, nangangahulugan itong bihira nila itong gami-tin, at sa ganitong kaso, malaki ang posibiledad na ang mga minero ay gumagamit ng asoge.

2. Magsagawa ng inspeksyon sa metal/steel pan. Ang mga minero na aktibong gumagawa ng gravity concentration (walang asoge) ay maaaring makalaspag ng pan sa loob ng isa o dalawang buwan. Ang mga pans na hindi gina-mit at buo pa o may kaunting sira lamang, ay maaaring indikasyon ng paggamit ng asoge.

32

3. Elemental mercuryBalatoc, Pasil Ang asoge ay ginagamit ng mga maliitang min-erong ng ginto upang gumawa ng gold concen-trate sa anyo ng amalgam.

Lokasyon ng pasilidad sa pagmimina PaglalarawanMateryales at kagamitan

Page 33: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

7. Gaano karaming tubig ang ginagamit sa proseso ng sluicing?

9. Tingnan ang iba pang mga nakagawiang paraan ng pagkuha ng ginto upang matukoy kung ang minero ay gumagamit ng asoge o hindi.

8. Tingnan ang paraan ng panning. Gaano kadalas nila isinasagawa ito?

Ang gravity concentration method ay nakabatay sa maayos na daloy ng tubig at sa pag-agos nito. Ang minerong hindi nagbibigay ng pansin sa daloy ng tubig ay malamang na gumagamit ng asoge.

Ang sabong panlaba at ang magnets ay kara-niwang ginagamit sa mga pamamaraang hindi ginagamitan ng asoge (mercury-free).

Ang pag-imbak ng kalamansi at yelo ay pala-tandaan ng paggamit ng asoge sa mga ibang probinsya.

Ang panning ay isang mahalagang bahagi ng epektibong gold concentration. Ang minerong gumagamit ng asoge ay yaong mga hindi ma-huhusay at mga walang kasanayan sa pag-pan-ning dahil sila ay higit na umaasa sa asoge kaysa sa kanilang kakayahan sa panning para maka-kolekta ng ginto.

C. Ang asoge sa ating kapaligiran: mga ebidensya mula sa mga salaysay ng mga tao

Ang asoge ay kumakalat sa ating kapaligiran. Pag ang asoge ay nalantad, ito ay natutuyo ay humahalo sa hangin sa normal na temperatura. Ang bilis ng ebaporasyon ay nakabatay sa pagtaas ng temperatura. Kung ang asoge ay humalo na sa hangin sa pamamagitan ng ebapora-syon, ito ay mananatili sa kapaligiran hanggang sa ito ay maideposito o maipon sa lupa o sa tubig sa pamamagi-tan ng ulan. Ang asoge ay matatagpuan din sa mga hala-man, latak o sediments, at sa tubig.

Habang ikaw ay nag-iikot sa iyong lugar, subukan mong makinig sa mga kwento ng mga tao at maingat na ilagay ang mga ito sa talaan ng iyong mga palatandaan. Lagi ring isaisip na kung mas maraming tao ang nagbabahagi ng pare-parehong kwento, mas malaki ang posibiledad na nangangatawan ito sa katotohanan, sa gayon ay mas malaki ang pagkakataong ang kwentong ito ay totoo.

Maaari mong subukang mag-imbestiga kung ang mga kwento sa iyong komunidad ay may katotohanan. Tandaang gawin ang tamang paraan ng paghahanda at pag-iingat sa pagsasagawa nito, partikular na sa pa-ghawak at pag-iimbak ng elemental mercury. Tingnan ang Annex para sa ilang gabay sa tamang paghawak ng asoge at sa mga kasangkapang may taglay na asoge.

MGA ANEKDOTA

Sa Romblon, pinag-uusapan ang pagkakaiba ng mga baka sa lugar na gumagamit ng asoge at sa mga lu-gar na hindi gumagamit nito. Sa mga lugar na gum-agamit ng asoge, sinasabi nilang ang mga baka ay payat dahil sa kawalan ng mga pananim. Sa mga lugar na hindi gumagamit ng asoge, sinasabi nilang ang mga baka ay mas malusog dahil ang pananim at damuhan ay mas berde at mas sagana.

Sa Gaang, sa probinsiya ng Kalinga, nakakakuha ang mga minero ng asoge sa kanilang bubong na yari sa lata sa pamamagitan ng pagkaskas dito ng ice cubes at ispongha.

Sa Mt. Diwata, Monkayo, Compostela Valley, matu-tukoy ng tao kung ang tubig ay may asoge dahil sa pamumuo ng mala-tuldok na metal at pilak sa ibabaw ng dahon ng gabi pagkatapos itong diligan.

Tingnan ang mga halimbawa at tukuyin o banggitin ang mga ito:

33

Lokasyon ng pasilidad sa pagmimina PaglalarawanMateryales at kagamitan

Page 34: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Sa bahaging ito, ang mga datos na nakalap ay aayusin upang maging isang makatotohanang patunay ng patu-loy na paglaganap ng paggamit ng asoge sa mga maliliit na minahan. Ang pagbubuo at pagdidisenyo ng sariling database o organisadong talaan ng mga datos, ay isang mabisang paraan upang simulan ang klasipikasyon ng mga datos na nabibilang o quantitative. Maari mong ita-laga ang gawaing ito sa isang miyembro ng grupo na nakaaalam sa paggamit ng database application tulad ng Microsoft Excel.

Huwag magpakahirap. Kung walang kompyuter, itala na lamang ang mga magkakatulad na katanungan at kasa-gutan sa manila paper, at hayaang masuri ng grupo ang bawat isang kasagutan habang ito ay iyong isinusulat.

Maging bukas sa komunidad. Mahalagang sa simula pa lamang ng implementasyon ng pagsusubaybay, ang proseso at ang layunin nito ay malinaw nang nai-paliwanag sa komunidad, kabilang na rito ang layunin ng mga pagbisita at ang lahat ng mga nilalayong isa-gawa sa lugar na sakop ng proyekto. Ito ay makatutu-long sa komunidad upang malinaw nilang maunawaan ang pagkakasunod-sunod ng mga gawain, at higit sa lahat, ay upang maunawaan nila kung bakit ang pag-subaybay ay mahalaga para sa kanila.

Palagiang koordinasyon sa taong kaugnay o sa pan-gunahing tagapagbigay ng impormasyon. Pinatu-nayan na ng aming mga karanasan sa komunidad na lubhang makatutulong ang pagpapanatili ng ugnayan sa mga taong palagiang tumutugon at nagbibigay ng impormasyon, sa paglipas ng panahon. Kadalasan, sila na ang unti-unting nagiging tagapanguna sa pag-subaybay. Ito ang magpapanatili ng pamantayan ng proseso at magtitiyak ng makatotohanang datos. Im-inumungkahi kung gayon ang pagpili sa hindi bababa sa dalawang miyembro ng grupo o komunidad, bilang pangunahing taong kaugnay o mga mapagkukunan ng impormasyon. Ito ay makatutulong sa pagtiyak na ang pagsubaybay ay magkakaroon ng makatuwirang impormasyon at makababawas ng pagkiling sa anu-mang usapin.

Makipagtulungan sa iba. Ang pakikipagtulungan sa iba pang miyembro ng komunidad ay dapat na pagsi-kapan. Dapat na ipaalam sa iba pang mga stakehold-ers ang mga gawain, ang resulta nito at ang ninanais na marating. Ito ang magbibigay-daan sa kanila upang magkaroon ng mahalagang ambag sa pangangalap ng datos, sa paggamit ng resulta, at sa pagiging kaba-hagi sa iisang layunin. Natuklasan naming makatutu-long na ipakita at ibahagi ang resulta ng pagsubaybay sa pamamagitan ng isang pulong na dadaluhan ng iba’t ibang sector, at talakayin ang potensiyal na tung-kulin ng iba pang stakeholders, sa pagkilos.

Maging matiyaga. Ipinapakita sa manwal na ito na ang pagsubaybay ay isang mahabang proseso at hin-di maaaring magtapos sa isang beses na pagbisita la-mang. Ang makabuluhang resulta ng pagsubaybay ay mabubuo lamang matapos ang masusing pangangal-ap ng dalawa or higit pang mga pangkat ng datos, na magpapahintulot sa pagsusuri ng daloy ng isyu.

Para sa mga sagot o datos na naglalarawan ng katangian (qualitative response), maaaring pagsama-samahin sa isang grupo ang may magkakatulad na tema na makatu-tulong sa iyo upang mabigyan ng kahulugan ang resulta at ang mga natuklasan. Tingnan ang Annex para sa hal-imbawa at mga templates.

At ang pinakamahalaga, itago ang inyong talaan at ang mga mahahalagang impormasyon sa ligtas na lugar--siguruhing ang mga talaang ito ay nakatago sa kabinet, malayo sa baha o sunog. Maaari ring itanghal ito sa mga bulwagan sa inyong lugar. Regular din itong dagdagan ng mga bagong datos o impormasyon.

Pagtatala at paglalagom ng datos na nakalap

Ilang payo sa pagsasagawa ng pagsubaybay

34

Page 35: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Batay sa resulta ng pagsubaybay, maaring magpasya ang mga stakeholders ng nararapat na pagtugon upang mabawasan o matigil na ang paggamit ng asoge sa ASGM. Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagka-karoon ng pangmaliitang-grupong konsultasyon (small group consultations), na nilahukan ng lokal na yunit ng pamahalaan at ng mga residenteng direktang nakikiba-hagi o apektado ng suliranin. Ang listahan ng mga pagki-los na gagawin ay dapat na matalakay sa pulong, at mula rito ay dapat na matukoy ang mga pinakamahahalagang gawaing dapat agad na maisakatuparan. Ito ay maisa-sakatuparan sa pamamagitan ng simpleng pagpaplano ng mga gawain o action planning. Ang action plan ay binubuo ng mga action steps o hakbang na dapat na isakatuparan sa komunidad.12

Ang epektibong pagpaplano ay sumasagot sa mga su-musunod na katanungan: Anong mga pagkilos o gawain ang kailangang ipatupad? Sino ang magpapatupad ng mga gawaing ito? Kailan at gaano katagal isasagawa ang naturang gawain? Anu-ano ang mga kakailanganin upang maisakatuparan ang mga gawaing ito?

Ang pagkilos

Ang binhi ng panlipunang pagbabago ay nagiging malinaw kung ang mga tao ay nagsasama-sama upang ipahayag ang iisang opinyon at nagsasagawa ng kolek-tibong pagkilos. Ito ang magtutulak sa mga kinaukulan na suriin ang pinagmumulan ng suliranin at gumawa ng mahalagang hakbangin. Ang sama-samang pagkilos ay maaring gawin sa iba’t ibang paraan tulad ng paggawa ng simpleng sulat o petisyon, pagkilos sa lansangan, on-line protest, at hunger strikes.

Kung susubukan mong maging tagapagtaguyod ng pagbabago, mag-isip sa pangmatagalang termino. Sa pamamagitan ng sapat na datos at impormasyon, maaari kang mag-plano ng iyong kampanya at gawain, sa par-aang makatutulong upang makamit ang resultang nina-nais mo.

May mga simple at epektibong paraan upang makapag-plano ng iyong kampanya, at ang kawalan ng pondo o panustos ay hindi dapat na maging malaking hadlang. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama o kahit bilang isang indibidwal, marami kang maaaring gawin. Maaari kang mag-anyaya ng isang lokal na miyembro ng media at magbigay ng pahayag ukol sa usapin. Maaari kang hu-miling sa isang istasyon ng radio na mabigyan ka ng oras upang maipahayag mo sa publiko ang resulta ng iyong pagsubaybay.

Narito ang ilang mahahalagang hakbang sa pagbubuo ng planong pang-kampanya:

1. Tukuyin kung ano ang nais mong mangyari – mal-inaw na ilarawan ang mga layunin ng iyong gawaing pang-kampanya.

2. Magsaliksik – magbuo at gamitin ang mga impor-masyong iyong nakalap.

3. Magplano ng gawaing pang-kampanya – malinaw na talakayin at i-disenyo ang gawaing pang-kam-paya na isasagawa mo.

4. Itakda ang iyong mga ‘targets’ - itala ang mga tao at ang mambabatas na maaaring makatulong sa iyo na ipatupad ang pagbabago.

5. Isagawa ang iyong plano - dito mo isasagawa ang iyong mga plano sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga lokal na media, pakikipag-usap sa mga lokal na opisyal ng konseho (lobbying) upang maitaas ang antas ng kanilang kaaalaman at himukin silang gumawa ng aksiyon ukol dito.

6. Magtasa - dito mo susuriin ang layo ng iyong naabot sa pagsasagawa ng iyong layunin, at tatasahin kung ikaw ay naging matagumpay sa pagpapatupad ng iyong mga plano. Laging tandaan na kung sakaling hindi mo nakamit ng buo ang iyong layunin, hindi ito nangangahulugan ng pagkabigo. Kadalasan, ang karanasan ang makapagbibigay sa iyo ng makabu-luhang kaalaman sa muling pagtatakda ng bagong estratehiyang gagabay sa iyo tungo sa pagkakamit ng iyong mga layunin.

Patukoy sa mga targetsLayunin: Makabuo ng masusing plano upang matukoy ang mga target (mga kinaukulan o mga indibidwal na kailangan umaksyon tungkol sa isyu) ng kampanya at masuri ang kanilang posisyon sa isyu.

Pamamaraan: Pag-aralan ang istruktura ng inyong lokal na konseho at ilatag ang mga proyekto at ang mga es-pesyal na interes ng mga Opisyal ng Konseho sa pang-munisipal at pang-probinsiyal na antas.

Uriin sila ayon sa mga sumusunod na kategorya:1. Kampeon (Champions) - sila ang mga sumusuporta

sa inyong panig at makapagbibigay ng oras upang maka-impluwensiya ng iba pa upang ikaw ay matu-lungan at ipaglaban.

2. Kapanalig (Allies) - sila ang mga naniniwala sa iyong panig, boboto para sa inyo, subalit hindi sila mag-bibigay ng oras para makapag-impluensiya ng iba para sa iyong panig.

Pagpaplano at pagpapasya sa pagtugon sa isyu ng asoge

35

Page 36: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

36

3. Hindi makapagpasiya (Undecided) – sila ang mga hindi pa nakapagpapasiya kung ano ang gaga-win. Matutulungan mo silang makapag-desisyon sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng impor-masyon.

4. Katunggali (Opponents) - sila ang mga hindi susu-porta sa inyong panig, boboto laban sa inyo, subalit hindi sila magbibigay ng oras upang himukin ang iba upang tutulan o labanan ka.

5. Mabigat na katunggali (Big opponents) - sila ang mga hindi susuporta sa inyong panig, boboto laban sa inyo, at manghihimok at maggigipit sa iba, para magdesisyon laban sa iyo.

Page 37: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

PANGALAN NG MGA TARGET

Kampeon

Kapanalig

Hindi

Katunggali

Mabigat na Katunggali

TALA

37

Page 38: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Alalahaning hindi kayo nag-iisa at kasama ninyo kami sa kampanyang ito.

Ang mga sumusunod na kasangkapan at impormasyon ay makikita sa kasamang CD at maaari ring matangpuan sa aming website www.bantoxics.org.

• Mercury Primer• Byaheng Asoge video• Libro ng mga kwentong pambata – “Si Kit at ang Gin-

tong Talakitok” at “Naughty Marty”• Mga materyales para sa kampanyang pang edukasy-

on at impormasyon – posters, banners, disenyo ng t-shirts

• Mercury-Free School Learning Guide para sa mga guro ng elementarya at high school

• Mga ulat at publikasyon tulad ng: National Strategic Plan for the Phase-out of Mercury in the Philippines; The Price of Gold: Mercury Trade in the Philippines; at Chasing Mercury – Measuring Mercury Levels in the Air in the Philippines

Mayroon kang lakas upang kumilos at magtagumpay. Kaya maghanap at mangalap ng mas maraming mga kampeon at kaalyado sa abot ng iyong makakaya. Para sa mga hindi pa nakapagpapasya at sa mga katunggali sa is-yung ito, kausapin sila at ipabatid ang inyong malalaman. Makipag-ugnayan sa BAN Toxics at sa mga katuwang sa ASGM upang matulungan kayo.

BAN Toxics

6C Maningning Street, Sikatuna VillageQuezon City 1101 Philippines

Tel: +63 2 239 4392Telefax: +63 2 355 7640Email: [email protected]: www.bantoxics.orgFacebook: www.facebook.com/bantoxicsTwitter: twitter.com/bantoxics

Makipag-ugnayan sa BAN Toxics upang mabigyan kayo ng suporta

38

Page 39: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Maga Talababa

1 Mula sa: http://www.who.int/mediacentre/factsheets/fs361/en/.2 UNEP 2002, WHO/UNEP 2008, WHO/UNEP 20103 BAN Toxics 2010.4 UNEP 2008. 5 Mula sa: http://www.unep.org/chemicalsandwaste/Metals/GlobalMercuryPartnership/ArtisanalandSmall-Scale-GoldMining/tabid/3526/Default.aspx.6 World Gold Council, Mula sa: http://www.gold.org/gold-mining/interactive-gold-mining-map.7 Batay sa BAN Toxics mercury inventory activities sa South Cotabato at Mt. Diwata noong 20128 Ministry of the Environment, Japan 2013. 9 BAN Toxics 2010.10 SNV – University of Hawaii 2007.11 Brenda 1998.12 Mula sa: http://ctb.ku.edu/en/table-of-contents/structure/strategic-planning/develop-action-plans/main.

39

Page 40: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Ban Toxics (2010). The Price of Gold: Mercury Use and Current Issues Surrounding Artisanal and Small-Scale Gold Mining in the Philippines. Downloadable from http://bantoxics.org/download/the_price_of_gold.pdf

Brenda, P. (1998). A Guide to Community Based Monitor-ing for Northern Communities.

International Finance Corporation, (2007). Stakeholder Engagement: A Good Practice Handbook for Companies Doing Business in Emerging Markets.

Community tool box. (2014). Developing an action plan. Retrieved February 19, 2014 from http://ctb.ku.edu/en/table-of-contents/structure/strategic-planning/develop-action-plans/main.

Environmental Health and Safety Division, Environmental Health Department, Ministry of the Environment, Japan. 2013. Lessons from Minamata Disease and Mercury Man-agement in Japan.

SNV and University of Hawaii. (2007). A Toolkit for Moni-toring and Managing Community-Based Tourism. Re-trieved February 2014 from http://www.gstcouncil.org/images/library/54_A_Toolkit_for_Monitoring_and_Man-aging_Community-based_Tourism_SNV.pdf

UNEP. (2008). The Mercury Issue. Retrieved March 7, 2015 from http://www.unep.org/chemicalsandwaste/Portals/9/Mercury/AwarenessPack/English/UNEP_Intro_UK_WEB.pdf

Philippine Society of Clinical and Occupational Toxicol-ogy. Health Assessment Form for ASGM Miners

Mga sangguniang babasahin

40

Page 41: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

ANNEXES

41

123 578

9

Annex 1: Ang prosesong gravity concentration na hindi ginagamitan ng asoge Annex 2: Pangkalahatang impormasyon ukol sa komunidad ng ASGM (tala ng mga tanong) Annex 3: Talatanungan ukol sa kalusugan ng isang indibidwal (Health assessment form) Annex 4: Pangkalahatang gabay sa pagsasagawa ng panayam at focus group discussions (FGDs) Annex 5: Ang praymer ukol sa asoge Annex 6: Ang tamang paraan ng pangangalaga sa asoge at sa mga kasangkapan at produktong nagtataglay nito Annex 7: Ang tamang pangangalaga sa asoge para sa mga pasilidad pangkalusugan, sa tahanan at paaralan

Page 42: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Annex 1: Ang flowchart ng Gravity Concentration Method na hindi ginagamitan ng asoge

ORE

MILLING o

paggiling

PANNING

SMELTING

WEIGHING

SELLING

SLUICING

Paghihiwalayat

pagdudurog

Pag-unawa sa pagmimina, sa Surface Mining (pag-miminang inilalarawan ng pag-aalis o pagkuha ng lupa o batong may mineral), sa alluvial concen-trates (pagsasama-sama ng mga mahahalagang mineral na nabuo dahil sa gravity concentration sa pamamagitan ng sedimentary process), at sa tail-ing (o basura mula sa pagmimina)

Manwal o mekanikal na proseso ng paghihiwalay o pagdudurog

Manwal o Mekanikal• Pagkakarga (loading/charge)• Paggigiling (grinding)• Pagdi-diskarga

• Pag-aalis ng slimes o latak ng pagmimina, mula sa malalaking piraso ng mineral (desliming)• Pagsasala ng ginto mula sa graba atbp. (sluicing)• Paghihiwalay ng ginto sa iba pang mga mineral (concentration) • Paghahango (harvesting) • Mga latak o basura ng pagmimina at ang pag-tatapon o pagkalat nito (tails and spillage)

Pagkuha ng bakal sa ore sa pamamagitan ng presyon at pag-iinit at pagtunaw• Paunang pag-iinit sa pamamagitan ng borax• Pag-iinit (smelting)1.Pagpapadalisay (refining), muling pag-iinit (re-smelting) sa pamamagitan ng borax o nitric acid

Slags - mala-salaming produktong natitira matapos na ihiwalay ang mineral/ginto mula sa ore, o matapos ang smelting o pag-iinitEarthenware crucible - kasangkapang yari sa putik o clay na ginamit sa pag-iinit o pagtutunaw

Pagtitimbang

Pagbebenta

Isang paraan ng paghihiwalay ng mga mabibigat na butil (na maaaring ginto), mula sa lupa o graba, sa pamamagitan ng paghuhugas ng mga ito sa palangga-nang may tubig• Paghihiwalay ng ginto mula sa iba pang mineral (con-centration)• Pagbubukod-bukod (separation)• Muling paggiling (re-grinding)• Pinal na paghihiwa-hiwalay (final separation)• Paghahalo ng pulbos/alikabok ng ginto sa borax - Muling pagpo-proseso (re-processing)

Tails and spillage

Re-processing

Slags and Earthen ware

crucible

Mala-bilog at mala-patag na hugis ng gintoGOLDDISC

42

Page 43: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Annex 2: Talaan ukol sa pangkalahatang impormasyon ukol sa komunidad ng ASGM

43

Page 44: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Annex 3: Talatanungan ukol sa kalusugan ng isang indibidwal (Health Assessment Questionnaire Form)Ang Health Assessment Form ay maaaring gamitin kasama ng iba pang mga gawaing nakatala sa handbook. Upang mapangasiwaan ng mas mabuti ang pagpapasagot sa ta-latanungan (questionnaire), mainam na ang tagapagpadaloy ay may kaalamang medikal o kaya’y dumaan sa isang pagsasanay. Kung wala kayong kaalaman o karanasang medi-kal at mangangailangan ng tulong ukol sa mga katanungan, makipag-ugnayan lamang sa BAN Toxics.

44

Page 45: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

45

Page 46: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Annex 4: Pangkalahatang gabay sa pagsasagawa ng panayam at Focus Group Discussionshalaw mula sa: How to Conduct Focus Groups ni Eliot and Associates, 2005, https://assessment.trinity.duke.edu/documents/How_to_Conduct_a_Focus_Group.pdf

Magbigay ng introduksiyon sa panayamLaging magbigay ng introduksiyon kapag nakikipag-usap sa mga taong sumang-ayong magbigay ng pa-nayam. Maaari kang magsimula sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa taong kakapanayamin. Halimbawa,

“Salamat sa iyong pagpapaunlak sa panayam. Mahala-ga sa amin ang inyong kontribusyon sa gawaing pag-subaybay na nilahukan ng komunidad.”

Introduksiyon o panimulaIpakilala ang iyong sarili at ang iba pang tagapag-padaloy sa grupo sa pamamagitan ng pagbibigay ng iyong pangalan at ang organisasyong iyong kinabibi-langan (kung mayroon).

Ipahayag ang layunin ng pang-grupong talakayan o panayam

“Bilang mga volunteers ng komunidad, nais naming malaman ang antas ng polusyong dulot ng asoge sa ating komunidad. Ang mga impormasyon at ang in-yong saloobing ibibigay ay napakahalaga sa amin.”

Mga tuntunin (ground rules):Nais namin na kayo ang magsalita. Nais naming ma-karining ng pahayag mula sa inyo at ito na ang inyong pagkakataon na ibahagi ang inyong saloobin sa usap-ing ito.

1. Walang tama o maling kasagutan. Ang inyong karanasan at opinyon ay mahalaga. Magsalita kung kayo man ay umaayon o hindi, sa ilang mga kata-nungang ibibigay sa inyo para sagutin.

2. Ang anumang inyong ibabahagi ay mananatili lamang dito. Nais namin kayong maging komporta-ble sa pagbabahagi ng impormasyon sakaling may mga sensitibong usaping matatalakay.

3. Magsasasagawa kami ng tape recording kung naangkop. Nais naming makuha ang lahat ng kailangan ninyong sabihin. Hindi naming tutukuyin ang inyong pangalan o ang pangalan ninuman sa aming pag-uulat. Kayo ay mananatiling hindi na-kikilala o anonymous.

Pagsasanay upang ihanda ang kalooban ng mga kalahok (o mood-setting exercise)Bago ibigay ang unang katanungan sa grupo, maaar-ing magsagawa muna ng icebreaker upang mas mag-ing komportable ang mga kalahok. Halimbawa maaar-ing itanong ang “Kung ikaw ay mananalo ng 20 milyon sa lotto, ano ang gagawin mo sa perang mapapanalu-nan?”

Karagdagang tips o payo

Ang tagapagtanong ang may responsibilidad na magti-yak na maitatanong ang lahat ng mga katanungan sa itinakdang oras. Siya ay mayroon ding responsibilidad na mapagsalita ang kanyang kapanayam, at mabigyan ang mga ito ng pagkakataong maipaliwanag ng ganap ang kanilang sariling mga kasagutan. Narito ang ilang mga payong makatutulong:

• “Maaari mo bang mas maipaliwanag ang tungkol diyan?”; “Tulungan mo akong maitindihan ang ibig mong sabihin”; o “Maari ka bang magbigay ng hal-imbawa?”• Isang mabuting gawi din ng mahusay na tagapag-padaloy ang sabihin sa sariling pananalita o lagu-min ang mahaba, komplikado at hindi malinaw na komento o sagot. Ito ay nagpapakita ng aktibong pakikinig at naglilinaw ng komento o pahayag para sa lahat ng bahagi ng grupo.• Ang tagapanayam ay dapat na patas o walang kinikilingan. Iwasan ang pagtango, pagtaas ng kilay, pagsang-ayon, pagsalungat, pagpuri o pagpuna sa kahit na anong komento sa panayam.• Dapat na mahusay na pinamamahalaan ng tagap-anayam ang mga kalahok na mahirap harapin sa talakayan. Narito ang ilang mga akmang istratehiya o paraan sa bawat kalahok na may sumusunod na katangian:

1. Sa mga eksperto ang tingin sa sarili - “Salamat, ano ang palagay ng iba?”2. Ang dominante - “Kumuha tayo ng opinyon ng iba.”3. Ang paligoy-ligoy o ang nagbibigay ng maha-bang kasagutan o katanungang halos walang ki-nalaman sa talakayan - Huwag silang tingnan sa mata, tumingin sa relo, sumingit sa pagsasalita sa nakikitang pagkakataon.4. Ang mahiyain - Tingnan sa mata, tawagin sila upang magsalita, ngitian.5. Ang kalahok na sumasagot nang napakahina - Hilingin sa kanilang ulitin ang kanilang sagot nang mas malakas.

• Kapag tapos na ang talakayan, dapat na pasalama-tan ng tagapagpadaloy ang kinapanayam.

46

Page 47: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Ang pagtatala at paglalagom ng datos

Agad na balikan at suriin ang gabay na katanungan at itakda ang mabilisang pagpupulong sa lahat ng tagapanayam matapos ang panayam (debrief) upang pag-usapan ang karanasan sa proseso at makapa-glinaw sa susunod na hakbang. Tiyaking malagyan ng marka ang lahat ng mga tapes na may petsa, oras (kung higit sa isang panayam ang nagawa sa isang araw) at ng pangalan ng kapanayam.

Upang mas maunawaan, maging makabuluhan at mas kapaki-pakinabang ang mga komento o puna ng mga kalahok, itala lamang ang mga mahahalagang impor-masyon sa pamamagitan ng prosesong sistematiko at maaaring patunayan. Simulan ito sa pamamagitan ng pagsasalin ng panayam na nasa tape, sa pamamagi-tan ng pagsusulat nito, na nilagyan ng maikling tala kung naaangkop.

Linisin ang isinaling tala sa pamamagitan ng pagta-tanggal ng mga hindi mahahalagang salita. Maglagay ng kanya-kanyang linya para sa bawat kalahok, para sa kanilang puna, komento o sipi, gayundin para sa bawat bagong kaisipan o ideya. Lagyan ng marka ang bawat linya ng pangalan ng kalahok at numero ng grupo.

Ipasok ang bawat linya sa isang database tulad ng Mi-crosoft Excel ayon sa mga sumusunod:

1. Gumamit ng hiwalay na Excel database spreadsheet sa bawat grupo.2. Sa bawat spreadsheet, gumamit ng isang sheet o pahina sa bawat tanong.3. Markahan ang tatlong column o hanay sa bawat pa-hina: a) isang hanay para sa code; b) isang hanay para sa kalahok; at c) isang hanay para sa mga sagot. 4. Ipasok ang bawat kasagutan o ideya sa hiwalay na linya na nilagyan ng ID ng bawat kalahok. Ang hanay para sa coding ay pupunuan sa susunod na bahagi (pagsusuri).

Pagsusuri1. Matapos na maipasok ang lahat ng mga komento,

hanapin ang magkakapareho o karaniwang kate-gorya o tema ng mga kasagutan sa bawat tanong. Pinaka-angkop na hilingin sa ilang tao na lumahok sa prosesong ito.

2. Matapos na magkaisa sa pagtukoy ng pinaka-ang-kop na kategorya sa pagsasaayos ng datos, magta-laga ng numero o letra sa bawat kategorya.

3. Pagkatapos ay ilagay ang naitalagang numero o letra ng kategorya sa angkop na kasagutan o im-pormasyong inilagay sa bawat pahina.

4. Gamitin ang Excel Sort upang pagsama-samahin ang mga impormasyon o kasagutang inilagay, batay sa kategoryang itinalaga sa mga ito.

5. Kung ang ilang kasagutan ay tila hindi akma sa kanilang kategorya, maaaring ilagay ito sa ibang kategorya o magdagdag pa ng bagong katego-rya. Maaari ring ang isa o higit pang kategorya ay paghiwa-hiwalayin.

6. Ayusin ang kategorya mula sa may pinakamaram-ing impormasyon o kasagutang naitala, hangang sa may pinaka-kaunti.

7. Ulitin ang proseso sa bawat grupo.

Pagbubuo (synthesis)1. Tukuyin ang titulo ng kategorya at ang titulo ng sub-

categories (o ng iba pang maliliit na kategorya sa ilalim nito.)

2. Magsulat ng maikling talata na nagbubuod ng mga natuklasang impormasyon para sa bawat sub-cate-gory at kung maari ay itala ang pagkakapareho at pagkakaiba-iba ng impormasyon sa lahat ng mga grupo.

3. Magdagdag ng mabisang sipi o quotes sa bawat sub-section o mas maliit na seksiyon. Bilang alter-natibo sa paggamit ng spreadsheet na binanggit dito, maari ring gumamit ng manwal na paraan sa pagsusuri ng datos ng grupo. Gumawa ng kopya ng transcript (o isinulat na resulta ng panayam) mata-pos na ito ay isaayos at malagyan ng marka. Sa isang malaking mesa, gupitin nang hiwa-hiwalay ang ba-wat nakalap na impormasyon at lagyan ng glue ang likod. Ayusin ang kategorya sa isang hiwalay na pahina ng papel na may malaking marka ng mga pamagat. Muling ayusin ang kategorya hanggang sa masiyahan sa pagpapangkat. Ipasok ang datos sa Word document.

Kung naisaayos na ang resulta ng panayam mula sa fo-cus group, ito ay handa na para sa presentasyon. Kung mas pormal na ulat ay kailangan, ang resulta ay maaar-ing isulat sa anyong pasalaysay (narrative format) na kinabibilangan ng executive summary (buod ng pag-papaganap), sanligan ng pag-aaral (background sec-tion), pamamaraang ginamit, pangunahing resulta o natuklasan, konklusyon at rekomendasyon.

47

Page 48: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Annex 5: Mga mahahalagang im-pormasyon ukol sa asoge: Isang panimulang babasahin (Mer-cury factsheet: A primer on mercury)

48

ANO ANG ASOGE?

Ang mercury, o asoge, ay isang elementong kemikal na likas na matatagpuan sa ating kapaligiran, at makikita sa iba’t ibang anyo o porma. Ang asoge ay bahagi ng elemento ng lupa. Isang uri ito ng heavy metal. Sa pu-rong anyo, ito ay kilala bilang elemental o metallic na asoge. Bihirang matagpuan ang asoge sa kalikasan bi-lang purong likidong metal. Kadalasan, ito ay makikita bilang bahagi ng compounds o bilang isang produk-tong mula pinaghalong asoge at iba pang elemento.

ANO ANG IBA’T IBANG ANYO NG ASOGE?

1. Elemental mercury - Ang elemental mercury ay ma-bigat at mala-pilak at puting metal, na nasa anyong likido sa karaniwang temperatura at presyon sa ka-paligiran. Mula sa anyong likido, ito ay sumisingaw at mabilis na humahalo sa hangin sa karaniwang temperatura o room temperature. Ang singaw ng elemental mercury ang kadalasang nasa atmospera ng ating daigdig.

2. Inorganic mercury compounds - Halimbawa, mercu-ric sulfide. Ang mga compounds na ito ay tinatawag na mercury salts. Karamihan sa mga inorganikong compounds ng asoge ay nasa anyo ng puting pul-bura o kristal, maliban na lamang sa mercuric sulfide, na kulay pula subalit nagiging itim matapos na mal-antad sa liwanag o ilaw.

3. Organic mercury - Kapag ang asoge ay inihalo sa carbon, nakabubuo ito ng compounds na tinatawag na organic mercury. Potensiyal na laganap ang or-ganic mercury sa ating kapaligiran, at ang pinaka-karaniwang uri ng asogeng matatagpuan dito ay ang methylmercury.

BAKIT DAPAT NA IKABAHALA ANG ASOGE?

1. Ang asoge ay nakalalason. Ito ay nakasasama sa mga tao, sa yamang gubat at yamang dagat (wildlife). Ang nakababahalang epekto nito sa kalusugan ng tao at sa kapaligiran ay naitala na sa buong mundo. Ang ilang bahagi ng populasyong nanganganib sa pagkalantad sa asoge, ay ang mga sanggol sa loob ng sinapupunan ng ina, ang mga sanggol na bagong panganak at ang mga maliliit na bata, sa dahilang bago pa lamang na-bubuo o nahuhubog ang kanilang nervous system.

2. Ang asoge ay nasa kabuoan ng ating kapaligiran. Bi-lang isang elemento, ang asoge ay hindi maaring likhain o sirain sa pamamagitan ng anumang paraang kemikal. Ang antas ng asoge sa kapaligiran ay lub-hang tumaas sa pagpasok ng panahong industriyal. Ang asoge ay nakararating sa mga biktima nito sa iba’t ibang kaparaanan—sa kapaligiran at maging sa pag-kain.

3. Ang asoge ay hindi nawawala, kahit sa matagal na pan-ahon. Ito ay nagpapabalik-balik at nagpapaikot-ikot sa ating daigdig. Kapag ang asoge ay lumabas na sa ka-paligiran, ito ay nananatili, nagpapasalin-salin, at nag-dadala ng panganib sa iba’t ibang paraan, halimbawa, sa hangin, tubig at iba pa.

Ang asogeng naipon sa anumang organismo ay maaaring magbago ng anyo. Ito ay maaaring maging methylmercury sa pamamagitan ng microbial action. Ang methylmercury ay may kakayanang magpataas ng konsentrasyon ng lason sa katawan ng mga organ-ismo (bioaccumulate) at magpataas ng konsentrasyon sa proseso ng pagsasalin-salin ng lasong ito sa iba’t ibang organismo sa food chain, lalo na ng mga organ-ismong nasa karagatan.

GAANO KATINDI ANG LASON NG ASOGE SA MGA TAO?

Ang asoge at ang mga compounds nito ay lubhang na-kalalason, lalo na sa nabubuo pa lamang na nervous system. Ang antas ng lason sa tao, sa yamang-gubat at yamang-dagat, ay nakabatay sa anyong kemikal ng asoge, sa dami nito, sa paraan ng pagkalantad, at sa kala-gayang pangkalusugan, sa kalakasan o kahinaan ng mga nalalantad dito.

Page 49: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

49

Ang pangunahing anyo ng asoge na lubhang nakababa-hala ay ang methylmercury. Ang compound na ito ay na-nunuot sa placental barrier—ang himaymay ng matris na nagbibigay ng proteksiyon sa sanggol na nasa sinapu-punan laban sa mikrobyo, lason at iba pang nakasasama sa sanggol.

Nanunuot din ito sa blood brain barrier—na siya sanang magsasala sa mga bagay o kemikal na nagdadala ng panganib at lason sa nervous system. Ang methylmer-cury ay isa ring matinding neurotoxin. Ang pagkalantad sa lasong ito ay magbubunga ng malubhang epekto sa utak ng sanggol na bago pa lamang nabubuo (sa sinapu-punan ng ina) at gayundin sa mga malilit na bata.

Ipinapakita ng mga pag-aaral na ang presensiya ng meth-ylmercury sa pagkain ng buntis ay maaaring magdulot ng tuloy-tuloy at malubhang epekto sa nabubuo at lu-malaking sanggol o sa mga bata. Higit pa rito, ilang pag-aaral ang nagmumungkahing ang unti-unting pagtaas ng antas ng pagkalantad sa lasong ito ng mga buntis, ay nakasasama rin sa cardiovascular system. Pinanini-walaang maraming tao, mga yamang gubat at yamang dagat ang kasalukuyang nalalantad sa methylmercury sa antas na nakapagdudulot ng panganib, at ng mga iba pang masamang epekto nito.

SAAN NAGMUMULA ANG ASOGE?

Ang asoge ay nailalabas sa kapaligiran, sa pamamagi-tan ng mga natural na bahagi ng kalikasan tulad ng bul-kan, ng singaw o evaporation mula sa ibabaw ng lupa at tubig, ng pagbaba ng antas ng mineral, at ng pagkasu-nog ng kagubatan o forest fire.

Ang mercury ay matatagpuan din bilang bakas sa ele-mento ng coal. Ang malawakang paggamit ng coal-fired power plants ang naging dahilan kung bakit ito ang may pinakamalaking kontribusyon sa pagbubuga ng asoge sa hangin sa buong mundo.

Dagdag pa rito, ang asoge ay matatagpuan at mabibili sa pandaigdigang merkado. Iba’t iba ang pinagmu-mulan nito, halimbawa, mula sa pagmimina at sa mga produktong mula dito; mula sa pagpino o pagkikinis ng iba pang metal (tulad ng zinc, ginto, pilak) o mga min-eral; mula sa pagproseso ng natural gas; at sa muling paggamit ng asoge mula sa mga produkto o basurang galing sa prosesong industriyal.

Ang asoge ay matatagpuan din sa iba’t ibang mga produkto, tulad ng ilaw na fluorescent, thermometer, dental amalgam fillings (ang mala-pilak na nagsisilbing pasta o pantapal sa sirang ngipin), baterya, bakuna (bi-lang preserbatibo sa anyo ng ethyl mercury sa thimero-sal), sabon at cosmetic creams (bilang pantanggal ng bakterya o pampaputi ng kutis).

PAANO AKO MAAARING MALANTAD SA ASOGE?

Ang pangunahing dahilan ng pagkalantad ng tao sa asoge ay mula sa pagkain. Gayunpaman, maaari ring malantad ang mga tao sa asoge sa pamamagitan ng paglanghap ng hangin o sa pag-inom ng tubig na kon-taminado ng asoge o ng compounds nito.

Sa Pilipinas, ang pangunahing sanhi ng polusyon mula sa asoge ay ang maliit na industriya ng pagmimina ng ginto. Halos 300,000 katao sa bansa ay bahagi ng mali-itang pagmimina o small-scale mining (ASGM). Ayon sa konserbatibong pagtataya, sa bawat gramo ng nakuku-hang ginto, dalawa hanggang tatlong gramo ng asoge ang napupunta sa kapaligiran, na nagbabanta namang magdulot ng polusyon sa ilog at sa mga agrikultural na lugar. xvi

ANO ANG MASAMANG EPEKTONG MAARING IDU-LOT NG ASOGE SA KAPALIGIRAN?

Ang asoge at ang mga compounds nito ay nakalalason sa yamang dagat, maging ang maliit lamang na konsen-trasyon nito. Kung ang dami ng asogeng nasa thermom-eter ay kakalat sa karagatan, maari nitong makontamina ang 20 ektarya ng lawa.

Page 50: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

50

ANO ANG KASALUKUYANG PATAKARAN NG AT-ING PAMAHALAAN UKOL SA ASOGE?

Ipinag-uutos ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman (Department of Environment and Natural Re-sources o DENR) na ang lahat ng mga nag-aangkat, nagbebenta, nagpapalaganap at nagluluwas ng mga produktong may taglay na asoge, ay dapat na kumu-ha ng importation clearance at mag-rehistro upang makakuha ng lisensiya sa paggamit at pagbili ng asoge, sa DENR-Environmental Management Bureau (DENR-EMB). Kailangan ding magsumite ng ulat ang mga ito kada tatlong buwan sa DENR-EMB, at mag-panatili ng talaan ng kanilang mga gawain at transak-siyon. Ang pamahalaan ang nagtatakda ng limitasyon para sa paggamit ng mga produktong nagtataglay ng asoge. xvii

Ang mga containers o barkong may taglay na asoge ay dapat na may marka, at dapat naiimbak ito sa ligtas na lugar, na may probisyon para sa angkop na dagli-ang pagtugon, sakaling magkaroon ng aksidente. Ang sinumang lumabag sa mga panuntunang itinalaga ay papatawan ng kaukulang multa at pananagutang ad-ministratibo at kriminal.

Noong ika-11 ng Agosto 2008, and Kagawaran ng Kalusugan (Department of Health) ay naglabas ng Administrative Order 21 na nag-uutos ng unti-unting pag-aalis ng lahat ng mga kagamitang nagtataglay ng asoge, sa lahat ng ospital at mga pasilidad-pangkalu-sugan, hanggang sa pagsapit ng taong 2010.

ANO ANG ILANG SIMPLENG HAKBANG NA MAAARING GAWIN UPANG MAIWASAN O MABA-WASAN ANG PAGKALANTAD SA ASOGE?

Para sa mga konsyumer, ang pinakamadaling paraan ay ang pag-iwas sa mga produktong nagtataglay ng asoge at ang paggamit ng mga alternatibong produk-tong hindi ginagamitan ng asoge. Makatutulong din ang madalang na pagkain ng malalaking isdang ku-makain ng kapwa isda, na maaaring kontaminado ng asoge, tulad ng ispada o swordfish, alumahan o mack-erel, blue marlin, at iba pang mga kauri nito. Kung buntis o nagpa-planong magbuntis, pinakamabuting iwasan ang pagkain ng mga ganitong uri ng isda.

Para sa mga gumagawa (manufacturers o producers) o sa mga tagapamahagi (distributors) ng mga produk-tong may taglay na asoge, mahalagang magkaroon ng maayos na etiketa ang mga produktong ito. At ang pinakamahalaga, nararapat na iwasan o tigilan na ng mga manufacturers ang paggamit ng asoge. Ang mga distributors naman ay dapat na mag-angkat na lamang ng mga produktong hindi nagtataglay ng asoge. Dapat ding magkaroon ng pananagutan ang mga manufactur-ers at mga distributors ng mga produktong may asoge, sa ilalim ng Extended Producers Responsibility, upang matiyak na ang produktong kanilang ginagawa at ipi-nagbibili, ay maayos na napamamahalaan pagkatapos na ang mga ito ay gamitin.

Para sa ating pamahalaan, mahigpit na kontrol ang kailangan, na dapat simulan sa pamamagitan ng pagpa-patupad ng batas ukol sa paglalagay ng etiketa o marka sa mga produktong may taglay na asoge; at sa tuluyang pag-aalis ng asoge sa mga produkto at komersiyo. Ang responsibilidad at obligasyon ng mga producer ay da-pat ding masusing bantayan at ipatupad.

Para sa lahat ng mga nabanggit sa itaas, nararapat na magkaroon ng tamang paraan ng pangangasiwa sa bas-urang mula sa asoge. Ang mga produktong tulad ng bateryang walang laman, mga sira o basag na thermom-eters, mga dental amalgam, mga basag na bumbilya ng ilaw ay dapat na maayos na maitatapon o maiimbak.

xvi http://www.senate.gov.ph/press_release/2008/0111_an-gara2.asp xvii http://119.92.161.2/portal/Portals/40/DAO%201997-38.pdf

Page 51: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

Annex 6: Ang tamang paraan ng pangangalaga sa asoge at sa mga kasangkapan at produktong nagtata-glay nitoHalaw sa: United States Environmental Protection Agency website http://www.epa.illinois.gov/topics/waste-management/waste-disposal/household-hazard-ous-waste/mercury/index

Ano ang dapat mong gawin kung mayroong Elemen-tal Mercury sa iyong tahanan?

Maraming tao ang may mga lalagyan o taguan ng el-emental mercury sa kanilang tahanan mula sa mga nati-rang proyekto sa siyensiya o sa iba pang pinagmulan nito. Ang elemental mercury ay makintab, mala-pilak na metal, na likido sa angkop na temperatura. Kung mayroon kang elemental mercury sa tahanan, kailangan mo ng lubos na pag-iingat dito at nararapat na balutin ito nang mabuti upang maiwasan ang pagkalat ng anumang pagtagas.

Ang maayos na pagbabalot o packaging ng asoge para sa pag-iimbak at transportasyon nito

• Ang lahat ng produktong may asoge, o ang sisidlan ng asoge ay dapat na ilagay sa isa pang mas malaking la-lagyan o taguan na may mahigpit at naaakmang takip.

• Ang mga materyales na nakasisipsip ng langis (halim-bawa, cat litter) ay dapat na ilagay sa paligid ng produk-to upang mapangalagaan ito mula sa pagkabasag o sa biglaang paggalaw.

• Lagyan ng malinaw na marka ang lalagyan o taguan nito tulad ng “Mercury – Huwag Buksan.”

• Kung magdadala ng asoge sa sasakyan, ilagay ito sa la-lagyang sarado, ilagay sa isang kahong yari sa makapal na papel (cardboard box) at tiyaking hindi tatapon ang laman, kung magpapalit ng kambiyo o dudulas dahil sa biglaang paghinto o pagliko ng sasakyan. Ilagay ito sa likod ng sasakyang pick-up truck o sa likod ng kotse, at hindi sa lugar na sasakyan ng pasahero.

51

Page 52: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

52

Annex 7: Ang tamang pangangalaga sa asoge at sa mga kasangkapan at produktong may taglay na asoge - mga alituntunin para sa mga pasi-lidad pangkalusugan, sa tahanan at paaralan

Halaw sa: Management and Storage of Mercury Waste (http://www.who.int/water_sanitation_health/health-care_waste/module20.pdf) at Handling Options for Mercury-Containing Products in the Home (http://www.epa.illinois.gov/topics/waste-management/waste-dis-posal/householdhazardous-waste/mercury/index)

Paunawa: Ang powerpoint presentation ng WHO, “Management and Storage of Mercury Waste” ay matatagpuan sa kasamang CD kit.

A. Ang mga Kakailanganin upang linisin ang tu-mapon o tumagas na asoge

1. Personal na Kagamitang Pang-proteksiyon o Per-sonal protective equipment (PPE)

• Isang pares ng gwantes na gawa sa goma o nitrile (rubber o nitrile gloves)• Safety goggles o isinusuot na pamproteksiyon sa mata• Coveralls, apron, at iba pang damit pang-protek-siyon• Pantakip sa sapatos na itatapon pagkatapos na gamitin (disposable shoe covers)• Pamproteksiyon sa paghinga (respiratory protec-tion)

2. Mangangailangan ka rin ng:• Flashlight • Barahang yari sa plastik (plastic-coated playing cards) o manipis na piraso ng plastik (thin pieces of plastic)• Maliit na pandakot o dust pan na yari sa plastik• Sipit (tweezers) • Eyedropper o hiringgilya (syringe) na walang karay-om • Duct tape or sticky tape • Ang markang “Mapanganib: Basurang Asoge” na ilalagay sa lalagyan ng basura

3. Mga iba pang kakailanganin: paglalagyan ng basura ng asoge:

• Mga plastic bag na maliliit at malalaki, na may kapal na 2–6 mils o 50 to 150 microns, na hindi nalalabasan o nalulusutan ng singaw o hangin (air-tight), at maaaring isara (sealable)

• Matibay na garapong yari sa bakal o plastic, na may malaking bukasan, hindi nabubutas, at hindi nalulusutan ng hangin, singaw o tubig

• Regular na plastik na lalagyan ng basura (may kapal na 2–6 mils, o 50 hanggang 150 microns)

• Tray na yari sa plastik

4. Mga iba pang kakailanganin: mga gamit upang pi-gilin ang pagsingaw (vapor suppression agents)

• Pulbos ng Sulfur (sulfur powder, maaaring mabili sa mga botika)• Manipis na piraso ng zinc o copper (zinc o copper flakes, maaaring bilhin sa mga tindahan ng hard-ware) • Commercial absorbent pads o vapor suppres-sants• Brush upang alisin ang pulbos o flakes

B. Paano lilinisin ang tumapon o tumagas na asoge?1. Mabilis na tukuyin ang lawak ng pagtagas.2. Agad na harangan ang lugar upang walang makalapit, sa lawak na mga dalawang metro sa pal-igid ng tumagas o tumapong asoge.3. Pigilan ang pagkalat ng tagas. Gumamit ng basa-han o materyal na pipigil sa tagas, upang maiwasan ang pagkalat o pagbagsak ng mercury balls sa bitak ng sahig o sa daluyan ng tubig.4. Lisanin kaagad ang lugar. Bigyan ng prioridad ang mga babaing buntis at mga bata sa pag-alis sa lugar.5. Bawasan ang pagkalat ng singaw sa panloob na lu-gar. Isara ang pinto sa loob, isara ang bentilasyon o air conditioning na nagpapaikot ng hangin sa iba pang lugar. 6. Bawasan ang konsentrasyon ng singaw sa lugar na pinangyarihan ng pagtagas, hangga’t maaari. Buk-san ang pinto o bintanang lalagos sa labasan, kung walang tao rito. 7. Maghanda para sa paglilinis ng tumagas o na-tapong asoge, sa pamamagitan ng pagkuha sa mer-cury spill kit at pagtatanggal ng iyong alahas, relo, mobile phone at ng iba pang gamit na may metal na maaaring humalo sa asoge; takpan ang metal na bakal ng salamin sa mata.

Page 53: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

8. Isuot ang PPE. Isuot ang lumang damit, coveralls, takip sa sapatos, rubber o nitrile na guwantes, protek-siyon sa mata, at proteksiyon sa paghinga.9. Una, alisin ang mga nakikitang bola ng asoge at ang mga basag na baso o bote, mula sa labas na ba-hagi ng natapunang lugar (outer edge), patungo sa sentrong lugar (center) ng natapunan.

• Ilagay ang garapon sa ibabaw ng tray na yari sa plastik.• Gumamit ng sipit sa pagtanggal ng basag na baso o bote.• Gumamit ng plastik na baraha o piraso ng plas-tik upang padulasin ang mercury balls patungo sa pandakot, at pagkatapos, papunta sa garapon na nakapatong sa ibabaw ng tray upang masalo ang anumang pagligwak pa nito.• Gumamit ng eye dropper o hiringgilya sa pagkuha ng maliliit na butil ng asoge.

10. Hanapin at alisin ang maliliit na patak ng asoge.11. Gumamit ng flashlight sa mababang anggulo upang makita ang repleksiyon ng mga maliliit na pa-tak; gumamit ng madikit na tape upang pulutin ang maliliit na patak, at ilagay ang tape na may asoge sa naise-selyong bag na yari sa plastik.12. Linisin ang mga bitak at ang mga kongkretong lugar.

• Wisikan ng pulbos ng sulfur, o manipis na piraso ng zinc o copper, ang mga may bitak o basag at kongkretong sahig na natapunan ng asoge; gum-amit ng brush upang tipunin ang pulbos o maliliit na piraso nito at ilagay sa bag na selyado.• Punasan sa pamamagitan ng basahan, o ng anu-mang materyal o telang nakasisipsip, na ibinabad sa suka at peroxide.

13. Tanggalin ang kontaminadong malambot na ma-teryal. Gumamit ng kutsilyo upang putulin ang kon-taminadong karpet, basahan, atbp at ilagay sa bag na maaring muling i-selyo o isara.14. Linisin ang kontaminadong tubo ng tubig. Main-gat na ilipat ang asoge na nasa J- o S-trap, sa isang lalagyang hindi mapapasukan o malulusutan ng hangin. Palitan ang trap. 15. Itapon ang dekontaminadong materyal sa isang hindi tumatagas at selyadong plastic bag, at itapon bilang basurang asoge.16. Lagyan ng marka at selyuhan ang lahat ng kon-taminadong materyal.17. Hugasan ang kamay at ang lahat ng nalantad na bahagi ng balat, gamit ang sabon at tubig.

18. Pasingawin o pahanginan ang lugar na natapunan o natagasan ng asoge.19. Maglagay ng heaters at bentilador (fans) upang makasingaw ang natitirang asoge, at mailabas ang kontaminadong hangin palabas ng lugar, sa hindi bababa sa 48 oras.20. Para sa pasilidad na may sentralisadong bentilas-yon, lakasan ang antas ng pagpapaikot ng hangin sa loob ng ilang araw.

Ano ang mga HINDI dapat gawin sa oras ng pag-tagas o pagtapon ng asoge?

• Huwag gumamit ng regular o ordinaryong vacuum cleaner. Lalo lamang ikakalat nito ang singaw ng asoge at mako-kontamina nito ang vacuum cleaner.

• Huwag lalabhan ang kontaminadong damit o tela sa washing machine. Mako-kontamina nito ang makina at ang ginamit na tubig.

• Huwag gagamit ng malaking walis upang alisin ang asoge. Maari nitong madurog ang bola ng asoge sa mas maliliit na patak.

• Huwag ilalagay ang asoge sa daluyan ng tubig. Iko-kontamina nito ang sistema ng tubo, at ang tangke o ang sewage treatment system, sa mga darating pang mga taon.

• Huwag ikalat ang asoge sa pamamagitan ng iyong sapatos. Gumamit ng pangtakip o sapin sa sapatos na maaring itapon, o i-dekontamina ang mga sapa-tos pagkaatapos gamitin.

Ihanda ang spill kits taglay ang lahat ng mga bagay na nakatala dito.

• Ilagay ang spill kits sa isang lugar na madaling makita at makuha.

• Bigyan ng pagsasanay ang mga tauhan sa paggamit ng spill kits.

• Palitan ang laman ng spill kit na nagamit na, pagkata-pos ng bawat pagtapon o pagtagas.

53

Page 54: GABAY SA PANANALIKSIK AT PAGKILOS NG KOMUNIDAD PARA …

BAN Toxics

6C Maningning Street, Sikatuna VillageQuezon City 1101 Philippines

Tel: +63 2 239 4392Telefax: +63 2 355 7640Email: [email protected]: www.facebook.com/bantoxicsTwitter: twitter.com/bantoxics