13
Katuturan ng Maikling Kuwento Ang maikling kuwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

MAIKLING KUWENTO

Embed Size (px)

DESCRIPTION

PANITIKAN

Citation preview

Page 1: MAIKLING KUWENTO

Katuturan ng Maikling Kuwento

Ang maikling kuwento ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.

Page 2: MAIKLING KUWENTO

Si Edgar Allan Poe ang itinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento” dahil siya ang kauna-unahang manunulat na nagpakilala ng maikling kwento bilang isang sining.

Deogracias A. Rosario – itinuturing na “Ama ng Maikling Kuwentong Pilipino”

Page 3: MAIKLING KUWENTO

Pahapyaw na Kasaysayan ng Maikling Kuwento

Nag – ugat ang kuwentong Pilipino sa sinaunang kultura ng ating bansa. Ang mga katunayan rito ay mababakas sa mga sinaunang kuwento ng iba’t ibang grupong etniko sa iba’t ibang rehiyon sa bansa gaya halimbawa ng mga epiko, alamat, kuwentong bayan, at iba pang kauring salaysay tungkol sa mga tao, pook o lugar, punongkahoy, pinagmulan ng mga bagay-bagay, may buhay man o wala, ng lipi at lahi.

Page 4: MAIKLING KUWENTO

Bahagi ng Maikling Kuwento

Simula Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin.

Gitna Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at

kasukdulan.

Wakas Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan.

Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento.

Page 5: MAIKLING KUWENTO

Mga Sangkap ng Maikling Kwento:

1. Banghay – tumutukoy sa maayos, kawing-kawing at magkakasunod na mga pangyayari.

2. Tauhan – tumutukoy sa mga tauhang gumagalaw sa kwento na maaaring pangunahing tauhan at pantulong na tauhan.

3. Tagpuan – tumutukoy sa lugar at oras ng pinangyarihan ng kwento.

4. Paningin – pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang kwento.

Page 6: MAIKLING KUWENTO

5. Paksang-diwa o tema – tumutukoy sa kaisipang iniikutan ng katha. Ito ang sentral na ideya ng kwento na naghahayag ng pagkaunawa sa buhay. Ito ay hindi dapat ihayag sa isang salita o parirala lamang kundi sabihin ito sa isang buong pangungusap. Halimbawa: “ ang pagsama ng isang tao”- kundi ihayag ang buong pangungusap nang ganito: “kung minsan, ang pagsama ng isang tao ay dala ng mapapait niyang karanasan sa buhay ”

Page 7: MAIKLING KUWENTO

6. Katimpian – masining na paglalarawan sa damdamin. Ang maingay at nagpapalahaw na pag-iyak ay di tanda ng kalaliman ng kalungkutan; di gaya ng tahimik, pigil at di mailuhang pighati.

7. Pahiwatig – tinatalakay ang pangyayaring nagaganap sa isang akda. Ipinahihiwatig ang pangyayaring inaakalang mahalaga sa kwento. Dahil dito, nagiging malikhain ang mga mambabasa sapagkat naiiwan ang kanyang guniguni o imahinasyon sa mga pangyayaring nagaganap o maaaring maganap sa maikling katha.

Page 8: MAIKLING KUWENTO

8. Simbolo – ito ang mga salita na kapag binabanggit sa isang akdang pampanitikan ay nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa.

Halimbawa: Ang puti ay kumakatawan sa kalinisan o kawagasan samantalang ang pula ay kumakatawan sa katapangan o kaguluhan.

Kagaya ng mga tayutay o talinghaga, ang pangunahing layunin ng simbolo ay ang magkintal ng mga imahe o larawan. Sa isang maikling kuwento lalo na, makakatulong nang malaki ang mga simbolo upang makapagdulot ng kaisahang kintal o diwa.

Page 9: MAIKLING KUWENTO

9. Suliranin – mga problemang kinakaharap ng mga tauhan sa kwento. Ito ang nagbibigay daan upang magkaroon ng kulay at kawili-wili ang mga pangyayari sa kwento.

tanikalang bakal - kawalan ng kalayaan

putol na tinapay at santabong sabaw - paghihirap

maruming kamay - kasalanan

sugat ng puso - pighati, dalamhati

Page 10: MAIKLING KUWENTO

10. Tunggalian – ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at kapana-panabik ang mga pangyayari kaya’t sinasabing ito ang sandigan ng akda.

a. tao laban sa taob. tao laban sa sarilic. tao laban sa kalikasan

11. Kasukdulan – dito nagwawakas ang tunggalian. Pinakamasidhing pananabik ang madarama ng mga mambabasa sa bahaging ito sapagkat dito pagpapasyahan ang kapalaran ng pangunahing tauhan o bayani sa kwento.

Page 11: MAIKLING KUWENTO

12. Himig – ito’y tumutukoy sa kulay ng damdamin. Maaaring mapanudyo, mapagtawa at iba pang magpapahiwatig ng kulay ng kalikasan ng damdamin.

13. Salitaan – ang usapan ng mga tauhan. Kailangang magawang natural at hindi artipisyal ang dayalogo.

14. Kapananabikan – nalilikha ito sa paglalaban ng mga tauhan o ng bidang tauhan laban sa mga kasalungat niya. Ito ang pagkabahalang nararamdaman ng mga mambabasa bunga ng hindi matiyak ang magiging kalagayan ng pangunahing tauhan sa kanyang pakikipagtunggali.

Page 12: MAIKLING KUWENTO

15. Kakalasan – ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda.

16. Galaw – tumutukoy ito sa pagkakalahad o pag-unlad ng kwento mula sa pagkakalahad ng suliranin hanggang sa malutas ang suliraning ito sa wakas ng katha.

17. Wakas – bagama’t ang kwento’y maaari nang magwakas sa kasukdulan, may mga pagkakataong kailangan pa rin ng katuusan upang ipahayag ang mga pangyayari pagkatapos ng kasukdulan. Maaari itong ipaloob ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak na sinapit ng pangunahing tauhan sa halip na ipaubaya na lamang sa mga mambabasa.

Page 13: MAIKLING KUWENTO