Upload
rosanna-lombres
View
1.007
Download
1
Embed Size (px)
Citation preview
MGA PANGULO NG PILIPINAS
CARLOS GARCIA y POLISTICOIkawalong Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Marso 18, 1957-Disyembre 30, 1961
MGA PERSONAL NA TALA SA BUHAY
Araw ng Pagsilang: Nobyembre 4, 1896Lugar ng Sinilangan: Talibon, BoholAma: Policarpio GarciaIna: Ambrosia Polistico Maybahay: Leonila DimatigaAnak: Linda Garcia-CamposAraw ng Kamatayan: Hunyo 14, 1957Sanhi ng Kamatayan: Atake sa PusoEdad nang mamatay: 61
EDUKASYONElementarya at Mataas na Paaralan Mababang Paaralan ng Talibon, Bohol Mataas na Paaralang Panlalawigan ng CebuKolehiyo Pamantasan ng Siliman, Dumaguete City Batsilyer ng Abogasya, Philippine Law School (1923)
MGA NATATANGING TALA SA KASAYSAYAN; Tinaguriang Prinsipe ng Panulaan sa Bisaya at Makata ng Bohol Dalawang taong nagturo sa Mataas na Paaralang Panlalawigan ng Bohol. Dalawang beses nagging Kongresista na kumatawan sa Silangang Visayas (1941) Naging gobernador ng Bohol mula 1932-1942. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay sumapi sa Guerilla Forces na lumaban sa
mga Hapon. Nahalal na Pangalawang Pangulo ni Pangulong Ramon Magsaysay noong 1953. Naging Kalihim ng Kagawaran ng Ugnayan Panlabas. Nanumpa bilang pangulo ng Pilipinas makaraan ang Araw ng Kamatayan ng
Pangulong Magsaysay sa pagbagsak ng eroplanong sinasakyan nito noong Marso 18, 1957.
Nahalal na Pangulo ng Republika ng Pilipinas sa opisyal na halalang pampanguluhan noong Nobyembre 1957.
Nagpatupad ng patakarang “Pilipino Muna” na ang layunin ay tangkilikin ang sariling gawa tulad ng mga produktong Pilipino, Wikang Pilipino, musika, arte at lahat ng gawa ng mga Pilipino. Binigyang pansin din ng palatuntunan ang pagbibigay prayoridad sa mga Pilipino kaysa mga banyaga.
Tinapos ang kasunduang Pagbabayad Pinsala ng Hapon na nagtatakda ng pagbabayad ng $550 milyon sa Pilipinas ng Hapon sa pinsalang tinamo ng bansa sa digmaan.
Naging pangulo ng 1971-1972 Constitutional Convention. Nahalal na pangulo ng Second Constitutional Convention noong Hunyo 11, 1971.
DIOSDADO MACAPAGAL y PANGANIkasiyam Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Disyembre 30 1961-Disyembre 30, 1965
MGA PERSONAL NA TALA SA BUHAY
Araw ng Pagsilang: Setyembre 28, 1910Lugar ng Sinilangan: San Nicolas, Lubao, PampangaAma: Urbano MacapagalIna: Romana Pangan Unang Maybahay: Purita de la RosaIkalawang Maybahay: Dra. Evangelina MacaraegMga anak ni Purita de la Rosa:Cielo at ArthurMga anak ni Dra. Evangelina MacaraegDiosdado, Jr. at GloriaAraw ng Kamatayan: Abril 21, 1997Lugar Kung Saan Namatay: MakatiSanhi ng Kamatayan: Sakit sa Puso, pulmonya at sakit sa bato.Edad nang mamatay: 87
EDUKASYONElementarya at Mataas na Paaralan Mababang Paaralan ng Lubao (1925) Mataas na Paaralang Panlalawigan ng Pampanga (1929)Kolehiyo Associate of Arts, Pamantasan ng Pilipinas Iskolar, Philippine Law School Batsilyer ng Abogasya, Pamantasan ng Sto. Tomas (1936) Dalubhasa ng Abogasya, (1941) Doktor ng mga Batas Pambayan, (1947) Doktor ng Pilosopiya sa Ekonomiya (1957)
MGA NATATANGING TALA SA KASAYSAYAN; Tinangkilik ng Pilantropong si Honorio Ventura upang mag-aral ng Abogasya sa
Pamantasan ng Sto. Tomas at nagging bar examination topnotcher. Naging miyembro ng Pambansang Lehislatura mula 1949-1957. Naging katulong na abogado ni Pang. Manuel Quezon. Naging propesor sa University of Sto. Tomas. Hepe ng Sangay ng Batas, Kagawarang Ugnayang Panlabas (1946) Kongresista, unang distrito ng Pampanga, dalawang beses na halal, (1949-1953)
Noong 1951 naging tagapangulo ng delegasyon ng Pilipinas sa United Nations Assembly sa Paris at tumulong sa negosasyon ng mutual defense treaty sa Estados Unidos at tratadong pangkapayapaan sa Japan.
Nag-akda, katulong na nag-akda at nagpanukala ng pagsasabatas ng Batas Ukol sa Pinakamababang Pasahod, Batas sa mga Bangko sa kanayunan at batas na nagsasabansa ng kalakal na bigas at mais.
Tagapangulo; Lupon ng Kongreso sa Ugnayang Panlabas. Isa sa mga pinarangalan ng Sampung Pinakamahusay ng Kongresista ng
Congressional Press Club, (1947-1957). Tinawag na Kampeon ng Masa dahil sa pagmamalasakit sa mahihirap. Tinanghal na Pinakamahusay na Mambabatas ng Ikatlong Kongreso. Naging Pangalawang Pangulo ng Pilipinas noong 1957. Naging Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1961. Dahil sa kanyang mahigpit na kampanya laban sa katiwalian ay umani siya ng
taguring The Incorruptible. Ipinasa ang Kodigo ng Reporma sa Lupang Pansakahan (Republic Act No. 3844)
noong Agosto 8, 1963. Nakatulong sa pagbuo ng MAPHILINDO (Malaysia, Philippines, Indonesia), na
hinalinhan ng ASEAN noong 1963. Nakatulong sa pagpapalit ng Araw ng kalayaan ng Pilipinas mula Hulyo 4 tungo sa
Hunyo 12. Nahalal na tagapangulo ng Kapulungang Konstitusyonal, (1971-1972) makaraang
mamatay si dating Pangulong Carlos P. Garcia. Siya ang nagpasimuno na angkiin ng Pilipinas ang Sabah mula sa Malaysia.
FERDINAND MARCOS y EDRALINIkasampung Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Disyembre 30, 1961-Pebrero 25, 1986
MGA PERSONAL NA TALA SA BUHAY
Araw ng Pagsilang: Setyembre 11, 1917Lugar ng Sinilangan: Sarrat, Ilocos NorteAma: Mariano MarcosIna: Josefa Edralin Maybahay: Imelda RomualdezAnak: Maria Imelda, Ferdinand Jr., at IreneAraw ng Kamatayan: Setyembre 28, 1989Lugar Kung Saan Namatay: Makiki, Honolulu, HawaiiEdad nang mamatay: 72
EDUKASYON
Elementarya at Mataas na Paaralan Paaralang Sentral ng Sarrat Mababang Paaralan ng Shamrock sa Laoag Mababang Paaralan ng Ermita Mataas na Paaralan ng Pamantasan ng Pilipinas, (1933)
Kolehiyo Malayang Sining, Pamantasan ng Pilipinas (1936) Batsilyer ng Abogasya, Pamantasan ng Pilipinas.
MGA NATATANGING TALA SA KASAYSAYAN; Nakakuha ng pinakamataas na karangalan sa Military Science and Tactics sa buong
pamantasan. Komandante ng Batalyon, may ranggo na kadete mayor at puno ng koponan ng ripple
at pistola ng Pamantasan ng Pilipinas. Nakamit niya ang President Manuel Quezon Medal Award dahil sa kanyang
Graduation Thesis. Naakusahang nakipagsabwatan sa pagpatay kay kinatwan Julio Nalundasan, kalaban
sa pulitika ng ama noong 1938. Naging topnotcher sa bar examinations noong Nobyembre 1939. Ipinagtanggol ang sarili sa kasong pagpatay sa harap ng Korte Suprema na
nagpawalang-sala sa kanya noong Nobyembre 1940. Nang Sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakasama siya sa Death
March at nakaranas ng hirap at sakit bilanggo ng giyera sa Fort Santiago at Capas, Tarlac.
Naging tenyente rin siya na nangasiwa sa pangangalaga ng impormasyon, ika-21 sangay ng USAFE.
Tatlong beses nahalal na Kongresista ng Ilocos Norte, (1949, 1953, at 1957). Sa edad na 32, siya ang pinakabatang miyambro ng Kapulungan ng mga Kinatawan at
nagging pinuno ng kapulungang minorya. Senador (1959) ang kauna-unahang kandidato ng minorya na nanguna sa pagka-
senador; pinuno ng kapulungang minorya, pangulo ng senado (1936). Pangulo ng Republika ng Pilipinas (Nobyembre 1965) Pinasikat niya ang islogang Magiging dakilang muli ang bansang ito. Muling nahalal para sa apat na taong Panahon (1969); ang kauna-unahang muling
nahalal sa kapanguluhan sa kasaysayan ng Pilipinas. Nakapagpagawa ng maraming patubig at naipalaganap sa bansa ang tinatawag na
miracle rice. Ang pinakamadugong demonstrasyon sa ilalim ng pamahalaan ni Marcos ay naganap
noong Enero 30, 1970 sa Mendiola Bridge. Sinuspinde niya ang Writ of Habeas Corpus noong Agosto 21, 1971 upang mapanatili
ang kaayusan at kapayapaan matapos bombahin ang rally ng Liberal Party sa Plaza Miranda.
Ipinatupad ang Batas Militar at sinuspinde ang 1935 Konstitusyon (Setyembre 21, 1972).
Ipinroklama niya ang 1973 Konstitusyon na naglalayong palawigin ang kanyang pamamahala hanggang sa pagtatapos ng pag-iral ng Base Militar.
Sa panahon ng Batas Militar ay sumikat ang Bagong Lipunan. Kauna-unahang Punong Ministro sa balangkas ng pamahalaang uring
parliyamentaryo. Nilagdaan niya ang pagpapawalang bisa ng Batas Militar noong Enero 17, 1981 sa
pamamagitan ng Proklamasyon 2045. Muling nahalal na pangulo sa anim-na-taong Panahon makaraang magwakas ang
Batas Militar. Tumawag ng isang snap election sa Pagkapangulo noong Pebrero 7, 1986 at nanalo si
Cory Aquino sa kabila ng malawakang dayaan at karahasan. Pinatalsik ng makasaysayang People’s Power noong Pebrero 25, 1986. Tumakas at napatapon sa Hawaii, Estados Unidos. Ibinalik ang bangkay sa Pilipinas noong 1992.
CORAZON AQUINO y COJUANGCOIkalabing-isa at Unang Babaing Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Pebrero 26, 1986-Hunyo 30, 1992
MGA PERSONAL NA TALA SA BUHAY
Araw ng Pagsilang: Enero 25, 1933Lugar ng Sinilangan: ManilaAma: Jose CojauangcoIna: Demetria Sumulong Asawa: Benigno “Ninoy” Aquino, Jr.Mga Anak: Maria, Aurora, Benigno III, Victoria at Kristina
EDUKASYONElementarya at Mataas na Paaralan St. Scholastica’s College Akademya ng Ravenhill sa Philadelphia, Estados Unidos Kumbentong Paaralan ng Notre Dame sa New York
Kolehiyo Batsiyer ng Sining, Kolehiyo ng Mount Saint Vincent sa New York (1953) Doctor of Humanities, honoris causa, Kolehiyo ng Mount Saint Vincent (NY);
Pamantasan ng Ateneo de Manila at Pamantasan ng Xavier (Pilipinas)
Doctor of Humanities, honoris causa, Pamantasan ng Boston, Pamantasan ng Fordham ng Waseda (Tokyo), Pamantasan ng Far Eastern, At Pamantasan ng Santo Tomas, Honoris Causa, Kolehiyo ng Stonehill (Masachussetts).
MGA NATATANGING TALA SA KASAYSAYAN; Matapos makapangalap ng isang milyong signature ang mga kakampi ay saka lang
siya napapayag na labanan si Marcos sa Snap election noong Pebrero 7, 1986. Iniluklok bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong Pebrero 25, 1986 dahil sa
makasaysayang People’s Power na nagpatalsik kay Marcos sa posisyon. Pinanumpa ni Hukom ng Supreme Court Claudio Teehankee bilang pangulo ng
Pilipinas sa Club Filipino. Nagpatupad ng palatuntunan ng rekonsilyasyon a pinalaya ang mga bilanggoong
pulitikal tulad ni Bernabe Buscayno ng New People’ Army at Jose Maria Sison ng Communist Party of the Philippines.
Nagpabalik sa pampanguluhang balangkas ng pamahalaan. Sa ilalim ng kanyang pamamaala ay nagdaos ng isang pambansang plebisito upang
pagtibayin ng bayan ang ma susog sa Saligang Batas ng 1935 noong Pebrero 2, 1987. Tinanghal na Baba eng Taon ng Time Magazine. Ginawaran ng Gawad Eleanor Roosevelt para sa Karapatang Pantao. Napingasan ang pagtingin ng taumbayan kay Cory dahil sa mga taong nakapaligid sa
kanya na uhaw sa paghihiganti kay Marcos. Nagkaroon ng anim na malalaking coup d’ etat na nais magpatalsik sa kanyang
pamahalaan na ang pinakamadugo ay naganap noong 1987 at 1989. Nakaranas ng malalaking problema at kalamidad sa panahon niya tulad ng lindol
noong Hulyo 16, 1990; bagyong Rufing at pagtaas ng presyo ng langis bunga ng giyera sa Gitnang Silangan at pagsabog ng Bulkang Pinatubo noong 1991.
FIDEL RAMOS y VALDEZIkalabindalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas
HUnyo 30, 1992-Hunyo 30, 1998
MGA PERSONAL NA TALA SA BUHAY
Araw ng Pagsilang: Marso 18, 1928Lugar ng Sinilangan: Lingayen, PangasinanAma: Atty. Narciso RamosIna: Angela Valdez Maybahay: Amelita “Ming” Martinez
EDUKASYONElementarya at Mataas na Paaralan Padilla Elementary School
Kolehiyo
Philippine Military Academy (1947) U.S Military Academy, West Point, New York, U.S. (1950) Civil Engineering Masteral Degree, University of Illinois (1951) Associate Infantry Company Officer’s Course, Fort Benning, Georgia MBA, Pamantasan ng Ateneo de Manila
MGA NATATANGING TALA SA KASAYSAYAN; Ipinadala ng Pilipinas sa aktibong serbisyo sa Digmaang Korea (1950-1953) at
Digmaang Vietnam (1959-1975).Siya ang nagtatag ng Special Forces ng Hukbo ng Pilipinas.
Naging Hepe ng Philippine Constabulary, na kilala ngayong Philippine National Police o PNP.
Hinirang na Vice Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa loob ng liman taon sa administrasyong Marcos.
Naglunsad ng Philippines 2000 na ang layunin ay mapaunlad ang bansa. Sampung taong nagsilbi bilang Puno ng intelligence Services ng Hukbong
Sandatahan ng Pilipinas at Deputy Chief of Staff para sa Home Defense Activities. Kasama ang Ministro ng Depensa Juan Ponce Enrile, iniurong nila ang kanilang
suporta at nakiisa kay Corazon Aquino at sa People Power Movement noong Pebrero 22, 1986.
Naging Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines noong 1986. Naging kinatawan ng Pilipinas sa Third Asean Conference sa bansang Malaysia
noong 1969 at sa Ministerial Conference ng Asean sa Kuala Lumpur. Kalihim ng Gabinete, Department of National Defense, (Enero 1988) Pangalawang Tagapangulo, Panrehiyong Pagpapaunlad ng Rehiyon 9. Nahalal na Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong 1992. Upang wakasan ang paghihimagsik ng mga rebeldeng Komunista at Muslim ay binuo
ang Komisyado sa Pambansang Pagkakaisa. Nakamit ang isang kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at ng Moro National
Liberation Front ni Nur Misuari.
JOSEPH EJERCITO y MARCELOIkalabintatlong Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Hunyo 30, 1998-Enero 20, 2001
MGA PERSONAL NA TALA SA BUHAY
Araw ng Pagsilang: April 19, 1937Lugar ng Sinilangan: Tondo, ManilaAma: Engr. Emilio EjercitoIna: Maria Marcelo Maybahay: Dra. Luisa “Loi” PimentelAnak: Jinggoy, Jacqueline, Jude
EDUKASYONElementarya at Mataas na PaaralanTondo, ManilaSan Juan, Metro Manila
Kolehiyo Pamantasan ng Ateneo de Manila Mapua Institute of Technology Doktor ng Humanities, honoris causa, Pamantasan ng Pangasinan, (1990)
MGA NATATANGING TALA SA KASAYSAYAN; Nang tumigil sa pag-aaral sa kolehiyo sa edad 21 ay nagsimula bilang aktor sa
pelikula noong 1950 at nakagawa ng higit sa 120 pelikula. Ginawaran ng Ten Outstanding Young Men (TOYM) para sa Paglilingkurang
Pambayan, Philippine Jaycees noong 1972. Naluklok sa Hall of fame ng FAMAS matapos makamit ang pinakamataas na
karangalan bilang Pinakamahusay na Aktor at Prodyuser ng Pinakamahusay na Pelikula noong 1981 at 1984.
Naging Alkalde ng Bayan ng San Juan, Metro Manila sa loob ng 17 taon na sumakop sa panahong 1969-1986.
Nanalo bilang Senador sa pambansang halalan noong 1987. Pinarangalan bilang isa sa tatlong Pinakamahusay na Senador ng Taon ng
Philippine Free Press Magazine noong 1989. Tagapangulo, Mga Lupon ng Senado sa pagpapaunlad sa Agrikultura, Rural
Development at Public works. Naging Pangalawang Tagapangulo sa mga Lupon ng Kalusugan, Likas-yaman at
Ekolohiya, at Pagpaplano ng Lungsod. Isa sa mga senador na bumoto upang Wakasan ang Kasunduang Base Militar ng
Pilipinas at Estados Unidos noong 1991. Pinasikat ang islogang Erap para sa Mahirap. Nahalal na Pangalawang Pangulo ng Republika ng Pilipinas 1992. Tagapangulo, Presidential Anti-Crime Commission. Tagapagtatag at Pangulo, Movie Workers Welfare Foundation, Inc. Napiling maging Gobernador ng Film Academy of the Philippines. Tagapayo, Samahan ng mga Prodyuser ng Pelikula sa Pilipinas (PMPPA). Tagapagtatag at Pangulo, ERAP Para sa Mahirap Foundation
Pangulo ng Republika ng Pilipinas. (May 11, 1998). Kauna-unahang Pangulo na isinakdal dahil sa pagmamalabis sa tungkulin dahil sa
pagkakasangkot sa ilang illegal na gawain noong Nobyembre 13, 2000. Sapilitang pinaalis sa tungkulin dahil na rin sa pagkawala ng tiwala ng mga
mamamayan, pagtalikod ng mahahalagang miyembro ng kanyang gabinete, paglipat ng suporta ng mga mahahalagang opisyal ng military sa kanyang kalaban na nagging sanhi ng tagumpay ng People Power Revolution noong EDSA II.
Inaresto noong Abril 25, 2001 habang nililitis ang kanyang mga kaso. Kasalukuyang nasa ilalim ng House Arrest sa kanyang bahay sa Tanay, Rizal
habang dinirinig ang kanyang kasong pandarambong.
GLORIA ARROYO y MACAPAGALIkalabing-apat na Pangulo ng Republika ng Pilipinas
Enero 20, 2001-Kasalukuyan
MGA PERSONAL NA TALA SA BUHAY
Araw ng Pagsilang: Abril 5, 1947Lugar ng Sinilangan: San Juan, RizalAma: Diosdado Macapagal, Sr.Ina: Evangeline Macaraeg Asawa: Atty. Jose Miguel T. ArroyoMga Anak: Juan Miguel, Evangelina Lourdes at Diosdado Ignacio
EDUKASYONElementarya at Mataas na Paaralan Kumbento ng Assumption
Kolehiyo Bachelor of Science in Commerce, Assumption Convent (1968) Bachelor of Arts in Economics, Georgetown University, Washington, D.C. UPSE fellowship (1970-1971) Japan Foundation Grant (1976-1977) Master of Arts in Economics, Ateneo de Manila University (1978) Rockefeller Foundation, Scholarship (1978-1983) PhD in Economics, Pamantasan ng Pilipinas (1985)
MGA NATATANGING TALA SA KASAYSAYAN;
Nagturo ng Maryknoll College (ngayo’y Miriam College) St. Scholastica College, Ateneo de Manila University at Paaralan ng Ekonomiya ng Pamantasan ng Pilipinas.
Naging Tagapangulo ng Kagawaran ng Ekonomiya ng Kolehiyo ng Assumption, (1984-1987)
Naging Tagapangulo at Pangulo, UP Health Maintenance Organization (UPHMO, 1989-1998)
Tagapangulo, UP Econ Foundation, (1994-1998) Pangalawang kalihim, Kagawaran ng Kalakalan at Industriya. Tagapangasiwang Patnugot, Lupon ng mga Kasuotan at Tela. Pangalawang Kalihim at Gobernador, Lupon ng Pamumuhunan, (1986) Nagsimula sa serbisyo publiko nang mahirang na assistant secretary ng Department
of Trade and Industry noong 1989 hanggang 1992. Nanungkulan bilang Secretary ng Department of Social Welfare and Development sa
ilalim ng pamahalaan ni Joseph Estrada. Nag-akda ng mga 55 batas ukol sa repormang pang-ekonomiya at panlipunan. Tinanghal na Outstanding Senator ng Trade Congress Union ng Pilipinas. Binigyang taguri ng Asiaweek Magazine bilang Isa sa Pinakamakapangyarihang
Babae sa Asya. Pinarangalan din bilang Woman of the Year ng Samahan ng mga Katolikong Guro ng
Pilipinas. Inihalal na Pangalawang-Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong Mayo 11, 1998
kung saan ang nakuha niyang boto ay mas malaki ang taas sa tinanggap ng nahalal na Pangulong Estrada.
Pinanumpa ni Punong Mahistrado Justice Hilario Davide bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas noong Enero 20, 2001 sa EDSA Shrine matapos iwan ni Pangulong Estrada ang Malacañang.
Sa pambansang halalang idinaos noong Mayo 10, 2004 ay nahalal bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas para sa anim na taon.
Umani ng batikos ang kanyang pamahalaan sa pagkampi kay Pangulong George Bush ng Estados Unidos nang magdeklara ito ng giyera laban sa bansang Iraq.
Humarap sa isang fiscal crisis ang kanyang pamahalaan makaraan ang patuloy na pagtaas ng langis sa pandaigdigang pamilihan at patuloy na pagbagsak ng ekonomiya.
Sa ilalim ng kanyang panunungkulan naganap ang panghu-hostage sa truck driver na si Angelo dela Cruz at accountant na si Robert Tarongoy sa Iraq gayundin sa United Nations volunteer na si Angelito Nayan sa Afganistan.
Hinaharap din ng kanyang administrasyon ang malaking pinsala na dulot ng malalakas na bagyong Unding, Violeta, Winnie at Yoyong na nagdulot ng dagling pagbaha at malawakang pagkasira ng mga pananim at inprakstruktura sa maraming lalawigan tulad ng Aurora, Catanduanes, Quezon, Bulacan at Nueva Ecija.