Upload
youssef-belir
View
215
Download
7
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Individual Pages
Citation preview
Sa tabing-ilog o baybay-dagat karaniwang matatagpuan ang mga pamayanan ng mga unang Pilipino. Bakit sa lugar na ito nagtayo ng pamayanan ang mga unang Pilipino?A. Malapit ito sa pinagkukunan ng kanilang
kabuhayan.B. Malayo ito sa panganib ng mababangis na
hayop.C. Madalas silang magdaos dito ng
pagpupulong at kasayahan.D. Madali silang makatakas kapag dumarating
ang mga kaaway.
Pagsasaka o pagtatanim ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa Pilipinas. Saan karaniwang isinasagawa ng mga Pilipino ang gawaing ito?
A. Sa mga kagubatanB. Sa mga talampasC. Sa mga kapataganD. Sa mga kabundukan
Ang kagubatan ay naging mahalagang bahagi ng buhay ng ating mga ninuno. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang maituturing na di kabilang sa kahalagahan nito?A. Nagtayo ng tirahan sa kagubatan ang ating
mga ninuno.B. Natuto silang maghabi mula sa hibla ng
mga halamang matatagpuan dito.C. Naging mahusay silang mangingisda
dahilan sa biyayang dulot ng kagubatan.D. Naging minero ang ating mga ninuno dahil
mayaman sa iba’t ibang metal angkagubatan.
Si Manuel A. Roxas ang nahalal na pangulo ng Republika pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa panahonh ito, maraming nawasak na imprastraktura at bagsak ang ekonomiya ng bansa. Ano ang binigyang pansin ng kanyang administrasyon?A. Pagtitipid ng mga mamamayanB. Reporma sa Lupa para sa mga magsasakaC. Katarungang panlipunan para sa
nakararaming PilipinoD. Rekontruksyon at Rehabilitasyon ng
Pilipinas
Ang Pilipinas 2000 ay inilunsad ni Pangulong Fidel V. Ramos. Ano ang hangarin ng programang ito?A. Paunlarin ang turismo sa bansa.B. Hulihin ang tiwaling opisyal ng
bansa.C. Ayusin ang mga sirang
imprastruktura sa bansa.D. Gawing ganap na newly
industrialized country ang Pilipinas.
Bakit mahalaga ang patakarang Pilipino Muna ng administrasyon ni Pangulong Carlos P. Garcia?A. Itinaguyod nito ang pagtutulungan sa
pamayanan.B. Pinalaganap nito ang nasyonalismo sa
mga mamamayan.C. Pumasok ang Pilipinas sa pandaigdigang
kalakalan dahilan dito.D. Tinangkilik nito ang mga produktong
dayuhan.
Nagsilaki na ang mga anak ni Mang Mario. Kailangan niya ang karagdagang kita upang mapag-aral ang mga anak kung kaya’t siya ay nagpasyang pumunta sa Saudi Arabia upang humanap ng magandang kapalaran dito. Ano ang dahilan ng kanyang pandarayuhan?A. Makapaglakbay sa ibang bansaB. Magkaroon ng maraming trabahoC. Makapaghanapbuhay upang kumita ng
mas malakiD. Mapag-aral ang mga anak sa pribadong
paaralan
Ano ang dahilan ng pandarayuhan sa mga lugar na may nagaganap na paglalaban sa pagitan ng militar at mga rebelde?
A. PangkarununganB. PangkabuhayanC. PangkalusuganD. Pangkaligtasan
Maraming bilang ng mag-aaral ang nagsipagtapos ng kolehiyo sa Pilipinas. Subalit kulang ang hanapbuhay dito. Bunga nito karamihan sa kanila ay nangingibang-bansa na upang doon maghanapbuhay. Ano ang dahilan ng pandarayuhan sa pagkakataong ito?
A. Pang-edukasyonB. PangkabuhayanC. PangkaligtasanD. pangkatanyagan
Alin sa mga sumusunod ang di kabilang sa yamang-tubig?
A. bakawanB. kabibeC. utangD. pusit
Alin sa mga sumusunod na yamang mineral ang di metal?
A. marmolB. carbonC. chromiteD. manganese
Iba-iba ang mga yamang-likas ng bansa. Alin ang pinakamahalaga nitong likas-yaman?
A. Yamang-taoB. Yamang-tubigC. Yamang-gubatD. Yamang-mineral
Ang mga likas na yaman ay mahalaga sa bawat tao. Paano ka makatutulong upang mapanatili at mapayaman ang mga ito?
A. Makiisa sa mga paradang pansibikong barangay
B. Suportahan ang mga programa ng pamahalaan
C. Magbigay ng suporta sa mga proyekto ng kabataan
D. Isumbong sa kinauukulan ang mga taong naninira sa kalikasan
Alin sa mga sumusunod ang dalawang paraan ng wastong paggamit ng mga yamang-likas?1. Pangangaso sa panahon ng close season.2. Paglalagay ng patabang organiko sa lupa3. panghuhuli ng isda sa pamamagitan ng
dinamita4. Pagmumuling-gubat sa mga apektadong
lugarA. 1 at 2B. 2 at 4C. 3 at 4D. 4 at 1
Nagkaroon ng malawakang pagguho ng lupa sa Barangay Pinyahan dahil naubos na ang mga puno sa paligid. Ano ang maaaring gawin ng mga tao upang hindi na maulit pa ang pangyayaring ito?
A. Magkaisa ang mga tao sa pagtulong sa mga biktima mg pagguho.
B. Magsagawa ng malawakang pagtatanim ng puno sa barangay.
C. Magtulungan ang mga tao sa paglilinisng apektadong lugar.
D. Maglunsad ng kampanya laban sa mga minerong naghuhukay sa ilalim ng
lupa.Ano ang dalawang dahilan kung bakit
itinuturing na isang demokratikong bansa ang Pilipinas?1. itinalaga ng Kongreso ang Pangulo ng
Pilipinas.2. Ginagawa ng Korte Suprema ang mga batas
sa bansa.3. Pinipili ang mga opisyal ng bansa sa
pamamagitan ng halalan.
4. Iba’ ibang partido pulitikal ang sumasali sa eleksyon.
A. 1 at 2 C. 3 at 4B. 1 at 3 D. 2 at 4
Ano ang katangian ng Pilipinas bilang bansang demokratiko?
A. May malayang halalanB. May matatag na
pamahalaan
C. May produktibong mamamayan
D. May matapat na pinunong naglilingkod sa
pamahalaanKarapatan ng isang tao na ipaglihim ang
anumang korespondensya at komunikasyon na pag-aari niya. Paano ito mapangangalagaan?
A. Ipabasa lamang ang mga ito sa magulang.
B. Ibalik sa koreo ang sulat kapag wala ang pinagdalahan nito.
C. Basahin lamang ang sulat kapag kilala ang pinaggalinga nito.
D. Pagbawalan ang sinuman na basahin o pakialaman ang sulat ng iba.
Si Rico ay pinagsususpetsahang isang holdaper. Paano mapangangalagaan ng pamahalaan ang karapatang pantao ni Rico?
A. Tulungan ng pamahalaan si Rico upang makapagpiyansa.
B. Ibalik si Rico sa pangangalaga ng magulang.
C. Ipag-utos na dagliang dinggin ang kaso sa korte.
D. Ipawalang saysay ang kaso.Paano makatutulong ang pamhalaan sa
sinumang walang kakayahang kumuha ng abogado para ipagtanggol siya?
A. Tulungan siyang mainterbyu sa radyo o telebisyon.
B. Tulungang maisulat ang kanyang kaso sa mga pahayagan.
C. Bigyan siya ng pampublikong abogado na magtatanggol sa
kanya.D. Garantiyahan ang pag-utang niya ng
pampiyansa.Alin ang nagsasaad ng kahalagahan ng
pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa?
A. Makilala ang mga Pilipino na marunong makipagkaibigan.
B. Makararating ang mga Pilipino sa ibang bansa upang mamuhunan.
C. Magiging madali ang pagpunta ng mga Pilipinong nais manirahan sa ibang
bansa.D. Mapabubuti ang ekonomiya ng Pilipinas
at magkakaroon ito ng relasyong diplomatiko sa ibang bansa.
Paano nakatulong ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa sa mga panahon ng kalamidad?
A. Nagpapadala ang dayuhang bansa ng tulong pinansyal, pagkain, damit, gamot at iba
pang pangangailanagan na kaya nilang ibigay.
B. Nakikipag-ugnayan ng tuwiran ang mga dayuhan sa mga Pilipinong naging biktima
ng kalamidad.C. Nagbibigay ng pondong salapi ang mga
dayuhang bansa upang ipagawa muli ang mga nasirang gusali.
D. Nagbibigay ng libreng pag-aaral para sa mga batang nakaligtas sa kalamidad.
Ano ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa mga bansang maunlad at papaunlad?
A. Nakakapulot ng ideya ang pamahalaan kung paano mapalalakas nito ang
pamumuno ng bansa.B. Nabibigyang halaga ang kultura ng ibang
bansa.C. Nagkakaroon ang mga bansa ng palitan
ng makabagong kaalaman tungo sa pag- unlad.
D. Nagiging tanyag ang mga Pilipinong OFW sa ibang bansa.
Ano ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa mga kompanyang multinational upang magtayo ng negosyo sa bansa?
A. Makabibili tayo ng imported na produkto.
B. Magiging kilala ang Pilipinas sa ibang bansa.
C. Makapagtatayo tayo ng malalaking gusali.
D. Makapagbibigay ito ng hanapbuhay sa mga mamamayan ng bansa.
Paano napagtagumpayan ng mga makabayang Pilipino na makamit ang kalayaan sa naganap na EDSA Revolution?
A. Sila ay humingi ng tulong sa ibang bansa.
B. Sila ay nagdesisyon na ipahuli ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.
C. Sila ay nagtatag ng malakas na partido pulitikal para labanan ang mga
abusadong pinuno ng pamahalaan.
D. Sila ay nagkaisang lumaban sa pamamagitan ng mapayapang
paraan.Iba’t ibang paraan ang ginamit ng ating mga
bayani upang makamit ang kalayaan. Si Jose Palma ay isa sa tumulong sa pagkamit ng kalayaan ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang ipinakita niyang pagtulong sa bansa?
A. Siya ang naglapat ng titik ng Pambansang Awit.
B. Siya ay lumikha ng isang makabayang talumpati.
C. Siya ay nanguna sa isang maalab na pakikipaglaban sa mga kaaway.
D. Siya ay nagpahayag ng pagtutol sa pamamagitan ng matalinhagang
pagtula.Hindi nasakop ng mga dayuhan ang mga pangkat
etniko sa kabundukan ng Hilagang Luzon bagamat wala silang makabagong armas. Paano nila napaalis ang mga manankop sa kanilang lugar?
A. Nagtayo sila ng tanggulan at kuta sa bundok.
B. Nagpamalas sila ng katapangan lalo pa’t hindi batid ng mga Espanyol ang
heograpiya ng kabundukan.C. Tinulungan sila ng mga pangkat etniko sa
kapatagan.D. Nagpakita sila ng pagkakaisa sa
pakikipaglaban.
Alin sa mga sumusunod ang palatandaan ng isang umuunlad na bansa sa larangan ng kabuhayan?
A. Umaasa sa mga dayuhang mamumuhunan.
B. May kakayahang magluwas ng kalakal o produkto sa ibang lugar.
C. Hindi makapag-isa ng walang tulong buhat sa ibang bansa.
D. Madalas na kulang ang mga kagamitang panangkap sa paggawa
ng produkto.