2
Name: Mary Ann C. Tan Year and Section: BPS 1-1 Student Number: Date: Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at mga karagatan na nakapaloob dito, at lahat ng iba pang mga teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas, na binubuo ng mga kalupaan, katubigan, at himpapawirin nito, kasama ang dagat teritoryal, ang lalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa, ang mga kalapagang insular, at ang iba pang mga pook submarina nito. Ang mga karagatang nakapaligid, nakapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging ano man ang lawak at mga dimensyon ay nag- aanyong bahagi ng panloob na karagatan ng Pilipinas. Ito ang nakasaaad sa Artikulo blg. 1 ng pamabansang konstitusyon. Nakatutuwang isipin na may artikulo na ginawa ang konstitusyon na nagtatakda at naglalayong mapangalagaan at maprotektahan ang teritoryo ng Pilipinas. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na dumarami ang isyu hinggil sa agawan ng teritoryo gaya na lamang ng alitan ng Pilipinas at China dahil sa Sscarborough Shoal. Kung ating bibigyang pansin ang teritoryong mainit na pinag-aagawan, masasabi natin na mayaman ang isla hindi lamang sa natural resources gaya ng mga isda, corales, atbp. Gayundin sa natural gas, mineral at sa langis na makukuha rito. Bukod pa rito, malaparaiso rin ang kagandahan ng lugar na ito na sadya namang kahali-halina na makakapag-ambag ng malaki sa turismo ng bansa. Sa kasalukuyan, namataan ng US chopper ang dalawang Chinese warships malapit sa Scarborough. Bukod pa rito, isa pang teritoryo ang ipinaglaban ng Pilipinas sa UN, ang Benham Rise. Kung ating babalikan sa kasaysayan, ika-8 ng Abril, 2009 nang maghain ang Pilipinas ng ‘partial territorial waters claim’ kasama ng United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf hinggil sa nasabing teritoryo. Naglabas rin ang pamahalaan ng patunay gaya

National Territory Reaction Paper

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Reaction paper ukol sa teritoryo ng Pilipinas

Citation preview

Name: Mary Ann C. TanYear and Section: BPS 1-1Student Number:Date:Ang pambansang teritoryo ay binubuo ng kapuluang Pilipinas, kasama ang lahat ng mga pulo at mga karagatan na nakapaloob dito, at lahat ng iba pang mga teritoryo na nasa ganap na kapangyarihan o hurisdiksyon ng Pilipinas, na binubuo ng mga kalupaan, katubigan, at himpapawirin nito, kasama ang dagat teritoryal, ang lalim ng dagat, ang kailaliman ng lupa, ang mga kalapagang insular, at ang iba pang mga pook submarina nito. Ang mga karagatang nakapaligid, nakapagitan at nag-uugnay sa mga pulo ng kapuluan, maging ano man ang lawak at mga dimensyon ay nag-aanyong bahagi ng panloob na karagatan ng Pilipinas. Ito ang nakasaaad sa Artikulo blg. 1 ng pamabansang konstitusyon.Nakatutuwang isipin na may artikulo na ginawa ang konstitusyon na nagtatakda at naglalayong mapangalagaan at maprotektahan ang teritoryo ng Pilipinas. Hindi naman lingid sa ating kaalaman na dumarami ang isyu hinggil sa agawan ng teritoryo gaya na lamang ng alitan ng Pilipinas at China dahil sa Sscarborough Shoal. Kung ating bibigyang pansin ang teritoryong mainit na pinag-aagawan, masasabi natin na mayaman ang isla hindi lamang sa natural resources gaya ng mga isda, corales, atbp. Gayundin sa natural gas, mineral at sa langis na makukuha rito. Bukod pa rito, malaparaiso rin ang kagandahan ng lugar na ito na sadya namang kahali-halina na makakapag-ambag ng malaki sa turismo ng bansa. Sa kasalukuyan, namataan ng US chopper ang dalawang Chinese warships malapit sa Scarborough.Bukod pa rito, isa pang teritoryo ang ipinaglaban ng Pilipinas sa UN, ang Benham Rise. Kung ating babalikan sa kasaysayan, ika-8 ng Abril, 2009 nang maghain ang Pilipinas ng partial territorial waters claim kasama ng United Nations Commission on the Limits of the Continental Shelf hinggil sa nasabing teritoryo. Naglabas rin ang pamahalaan ng patunay gaya ng R.A. 9522 o Archipelagic Baselines Law. Abril noong taong 2012 nang pumayag ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na maging bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang Benham Rise.Sa kabuuhan, nagpapasalamat ako dahil may kapasidad ang pamahalaang mapangalagaan ang dapat ay sa ating mamamayan ng Pilipinas.