16
SF Covered MRA Binago Setyembre 2017 sfcityoption.org Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account€¦ · Ano ang Medical Reimbursement Account? Ang Medical Reimbursement Account (MRA) ay sarili mong account na may mga pondo

  • Upload
    others

  • View
    9

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account€¦ · Ano ang Medical Reimbursement Account? Ang Medical Reimbursement Account (MRA) ay sarili mong account na may mga pondo

SF Covered MRABinago Setyembre 2017

sfcityoption.org

Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account

Page 2: Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account€¦ · Ano ang Medical Reimbursement Account? Ang Medical Reimbursement Account (MRA) ay sarili mong account na may mga pondo

Mga NilalamanTungkol sa Handbook na ito .......................... 1

Ano ang Medical Reimbursement Account ...1

Ang Iyong SF Covered MRA .......................... 2

Ang Iyong Deposito .......................................3

Ang Iyong Taon sa Plano .............................. 4

Ang Iyong Account Number .......................... 4

Mga Kwalipikadong Gastusin sa Pangangalaga ng Kalusugan ........................5

Mag-file ng SF Covered MRA Claim ..............9

Mga Resibo para sa Mga Gastusin sa Pangangalaga ng Kalusugan .......................9

Koreo ..............................................................10

Fax ..................................................................10

Online..............................................................11

Mobile App .....................................................11

Kumuha ng Reimbursement .......................12

Mga Madudulugan sa Internet .....................13

Magbukas ng Online Account ....................13

Mag-Sign Up para sa Direct Deposit .........15

I-download ang Mobile App ......................16

Tingnan ang Balanse ng Iyong SF Covered MRA ................................... 17

Availability ng mga Pondo sa SF Covered MRA ......................................... 17

I-update ang Iyong Contact Information ...19

Mga Madalas na Itinatanong ........................19

Mga Madudulugan at Importanteng Kontak ............ Pabalat sa Likod

Page 3: Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account€¦ · Ano ang Medical Reimbursement Account? Ang Medical Reimbursement Account (MRA) ay sarili mong account na may mga pondo

1 | sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 | 2

Tungkol sa Handbook na itoKasama sa handbook na ito ang impormasyon kung paano gagamitin ang iyong SF Covered Medical Reimbursement Account (SF Covered MRA).

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa iyong SF Covered MRA, pakitawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078, Lunes hanggang Biyernes, 5:00n.u. hanggang 5:00n.h. Oras sa Pasipiko. Maaari mo ring i-access ang iyong account online sa mymra.wageworks.com.

Ano ang Medical Reimbursement Account?Ang Medical Reimbursement Account (MRA) ay sarili mong account na may mga pondo para gamitin sa mga kwalipikadong gastusin sa pangangalaga ng kalusugan. Itong mga kwalipikadong gastusin ay maaaring para sa iyo, sa iyong asawa o domestic partner, at sa iyong mga anak o mga dependent. Ang mga hulog sa insurance sa kalusugan, mga pagbisita sa opisina ng doktor, mga bayad sa ospital, mga serbisyo sa paningin, mga serbisyo sa ngipin, at mga gamot na inirereseta at nabibili nang walang reseta ay ilan lamang sa mga gastusin na kwalipikado para sa reimbursement.

Ang Iyong SF Covered MRA

Ang SF Covered MRA ay isang programa ng Lungsod at County ng San Francisco na tumutulong upang gawing abot-kaya ng bulsa ang insurance sa kalusugan. Kwalipikado ka para sa SF Covered MRA dahil:

• Nakatira ka sa San Francisco;

• Ikaw ay edad 18 o mas matanda;

• Ang kinikita mo ay nasa pagitan ng 138% at 500% ng Federal Poverty Level;

• Inaatasan ka ng batas na magkaroon ng insurance sa kalusugan;

• Bumili ka ng insurance sa kalusugan sa pamamagitan ng Covered California; at

• Nagbigay ng mga bayad sa SF City Option ang iyong employer.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano at bakit nagbigay ng bayad ang iyong employer sa SF City Option, bisitahin ang:

• Health Care Security Ordinance: sfgov.org/olse/hcso

• SF City Option: sfcityoption.org

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano maging kwalipikado at mag-apply para sa SF Covered MRA, bisitahin ang:

• SF City Option: sfcityoption.org

Page 4: Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account€¦ · Ano ang Medical Reimbursement Account? Ang Medical Reimbursement Account (MRA) ay sarili mong account na may mga pondo

3 | sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 | 4

Ang Iyong Deposito

Ang halagang idinedeposito sa iyong account ay nakalaan upang bayaran ang bahagi ng iyong mga hulog sa insurance sa kalusugan sa Covered California at iba pang mga gastos sa insurance sa kalusugan tulad ng mga copay at deductible. Kinuwenta ng aming programa ang halaga batay sa mga bagay na ito:

• Ang iyong kinikita;

• Ang iyong edad;

• Ang petsa ng pagsisimula ng iyong taon sa plano ng insurance sa kalusugan sa Covered California; at

• Ang halaga ng pangalawang-pinakamababang Covered California Silver plan sa San Francisco para sa sambahayang may 1 miyembro.

Ang Iyong Taon sa Plano

Makakakuha ka ng reimbursement para sa mga kwalipikadong serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan na natanggap o mga bagay para sa pangangalaga ng kalusugan na binili sa loob ng iyong taon sa plano sa SF Covered MRA. Ang mga petsang sakop ka ng iyong plano ng insurance sa kalusugan sa Covered California ang iyong taon sa plano sa SF Covered MRA.

Sa kalahatan, ang taon sa plano ay ika-1 ng Enero hanggang ika-31 ng Disyembre. Kung bumili ka ng insurance sa kalusugan sa pamamagitan ng Covered California makalipas ang ika-1 ng Enero o sa panahon ng espesyal na pagpapatala, maaaring magsimula ang iyong taon sa plano makalipas ang ika-1 ng Enero. Kung kailangan mong alamin ang iyong taon sa plano sa SF Covered MRA, tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078.

Ang Iyong Account Number

Ang iyong account number ay isang natatanging numero na itinakda ng SF City Option. Gamitin ang iyong account number sa claim form kapag hihingi ka ng reimbursement at kapag makikipag-usap ka sa Customer Service tungkol sa account na ito. Kung kailangan mong alamin ang iyong account number, tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078.

YOUR$ MRA

$

Page 5: Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account€¦ · Ano ang Medical Reimbursement Account? Ang Medical Reimbursement Account (MRA) ay sarili mong account na may mga pondo

5 | sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 | 6

Mga Medisina at Gamot• Gamot sa Allergy

• Mga Lotion sa Pangangati

• Mga Gamot sa Hika

• Pangkontrol sa Pagbubuntis

• Gamot sa Sipon at Trangkaso

• Mga Gamot sa Butlig sa Labi/Pamamaga sa Labi

• Gamot sa Ubo

• Mga Gamot na Pantanggal ng Plema

• Paggamot sa Diaper Rash

• Mga Gamot na Ipinapatak sa Mata

• Insulin

• Mga Suplemento para sa Lactose Intolerance

• Gamot sa Matinding Pananakit ng Ulo (Migraine)

• Mga Nicotine Patch at Gum

• Mga Inireresetang Gamot

• Gamot sa Balat na Nasunog sa Araw

• Sunscreen

• Mga Bitamina at Mineral

Kagamitang Medikal• Mga Pansuporta sa

Tiyan/Likod

• Mga Artipisyal na Braso o Binti/Prosthetics

• Mga Pangbenda

• Mga Pansubaybay ng Presyon ng Dugo

• Mga Test Kit/Strip para sa Asukal sa Dugo

• Mga Saklay

• Mga Supply ng Diabetic

• Mga Suplementong Fiber

• Mga First Aid Kit

• Mga Pansubaybay ng Puso

• Mga Pad na Pampainit

• Mga Paketeng Mainit/Malamig

• Mga Sapatos na Orthopedic

• Kagamitang Pang-oxygen

• Mga Heringgilya

• Mga Thermometer

• Mga Silyang May Gulong (Wheelchair)

Mga Kwalipikadong Gastusin sa Pangangalaga ng KalusuganIto ay hindi kumpletong listahan ng mga gastusin sa pangangalaga ng kalusugan na kwalipikado para sa reimbursement mula sa iyong SF Covered MRA. Pumunta sa www.sfcityoption.org at mag-click sa “MRA Eligible Health Care Expenses” (“Mga Kwalipikado sa MRA na Gastusin sa Pangangalaga ng Kalusugan”) upang tingnan ang detalyadong listahan ng mga kwalipikadong gastusin. Kung mayroon kang tanong tungkol sa isang espesipikong gastusin, tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078.

Mga Serbisyong Medikal

• Acupuncture

• Mga Paggamot sa Pagkalulong sa Alak

• Chemotherapy

• Mga Bayad sa Doktor

• Mga Paggamot sa Pagkalulong sa Droga

• Mga Paggamot sa Kahirapang Magkaroon ng Anak

• Mga Bakuna sa Trangkaso

• Mga Pagpapa-screen ng Kalusugan

• In-Vitro Fertilization

• Terapiya sa Pamamagitan ng Paggawa

• Mga Pagta-transplant ng Organ

• Mga Eksaminasyon ng Katawan

• Terapiya ng Katawan

• Radiation Therapy

• Terapiya sa Pagsasalita

• Operasyon (hindi pampaganda)

• Mga Pagbabakuna

• Vasectomy

Mga Bayad/Paghahati ng Gastos

• Mga Co-pay

• Mga Deductible

• Mga Hulog sa Insurance sa Kalusugan

Page 6: Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account€¦ · Ano ang Medical Reimbursement Account? Ang Medical Reimbursement Account (MRA) ay sarili mong account na may mga pondo

7 | sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 | 8

Mga Kwalipikadong Gastusin sa Pangangalaga ng Kalusugan (ipinagpapatuloy)

Mga Serbisyo sa Ngipin

• Mga Brace at Iba pang Orthodontics

• Mga Bridge

• Mga Crown

• Bayad sa Dentista

• Mga Pustiso

• Mga Pagpapabunot

• Mga Pasta ng Ngipin

• Paggamot ng Gilagid

• Operasyon sa Bibig

• Mga root canal

• Paglilinis ng Ngipin

• Mga X-ray

Mga Serbisyo sa Pandinig

• Mga Gamit na Tumutulong sa Pandinig at mga Baterya

• Mga Eksaminasyon ng Pandinig

Mga Serbisyo sa Paningin

• Mga Contact Lens at Cleaning Solution

• Mga Operasyon sa Mata

• Mga Eksaminasyon ng Mata

• Mga Salamin sa Mata

• Mga LASIK/Laser Eye Surgery

• Bayad sa Optometrist/Optician

• Inireresetang Sunglasses

Mga Eksaminasyon/Pagsusuri sa Laboratoryo

• Mga Pagsusuri ng Dugo

• Mga Scan ng Katawan

• Pagsusuri ng Kolesterol

• Mga mammogram

• Mga MRI

• Mga Pap Smear

• Pagsusuri ng Ihi/Dumi

• Mga X-ray

Iba pa• Mga Serbisyo ng

Ambulansya

• Mga Serbisyo ng Ospital at Bayad sa Kuwarto

Mga Gastusing Hindi SakopAng mga sumusunod na gastusin ay hindi kwalipikado para sa reimbursement mula sa iyong SF Covered MRA.

• Pagbabantay at Pangangalaga ng Bata

• Sabong Panligo at Panghugas ng Kamay

• Mga Kosmetiko/Makeup

• Dental Floss

• Mga Deodorant

• Mga Gastos sa Pagpapalibing

• Mga Bayad sa Healthy SF

• Mga Pagkaing Mababa sa Kaloriya/Kolesterol

• Mga Kasuotang Pambuntis

• Medical Marijuana

• Mouthwash

• Hindi Inireresetang Sunglasses

• Mga Personal Trainer

• Shampoo at Conditioner

• Mga Sleeping Aid

• Mga Sun-Tanning Product

• Pagtanggal ng Tattoo

• Toothpaste at Mga Sipilyo

• Pagpapaputi ng Ngipin

Page 7: Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account€¦ · Ano ang Medical Reimbursement Account? Ang Medical Reimbursement Account (MRA) ay sarili mong account na may mga pondo

9 | sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 | 10

Mag-file ng SF Covered MRA ClaimPara makakuha ng reimbursement para sa mga kwalipikadong gastusin sa pangangalaga ng kalusugan, kailangan mo munang bayaran ang mga gastusin at siguraduhing kumuha ng resibo. Pagkatapos, maaari kang magsumite ng SF Covered MRA claim at makakuha ng reimbursement para sa mga naaprubahang gastusin mula sa mga pondo sa iyong MRA.

Mga Resibo para sa Mga Gastusin sa Pangangalaga ng Kalusugan

Tandaang isama ang mga resibo para sa iyong mga gastusin sa pangangalaga ng kalusugan kapag ipadadala mo ang iyong mga claim form. Kasama sa tinatanggap na dokumentasyon ng mga gastusin sa pangangalaga ng kalusugan ang:

• Pangalan ng tagapagbigay ng serbisyo

• Uri ng bagay o serbisyo

• Petsa noong ipinagkaloob ang bagay o serbisyo

• Halaga ng bayad

• Katibayan ng bayad

• Pangalan ng taong tumatanggap ng serbisyo (kung naaangkop)

May apat na paraan para magsumite ng mga MRA claim:

1. KOREO

• Kunin ang mga resibo para sa iyong mga gastos.

• Kumpletuhin ang isang claim form. Tandaang lagdaan ang form.

• Ipadala sa koreo ang nakumpleto mong claim form at mga resibo sa adres na ito: WageWorks Spending Accounts P.O. Box 34700 Louisville, KY 40232

Kung kailangan mo ng isang claim form, pumunta sa www.sfcityoption.org para mag-download ng kopya o tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078 para hinging ipadala sa iyo ang form sa pamamagitan ng koreo.

2. FAX

• Kunin ang mga resibo para sa iyong mga gastos.

• Kumpletuhin ang isang claim form. Tandaang lagdaan ang form.

• I-fax ang iyong nakumpletong claim form at mga resibo sa 1(866) 643-2219.

Kung kailangan mo ng isang claim form, pumunta sa www.sfcityoption.org para mag-download ng kopya o tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078 para hinging ipadala sa iyo ang form sa pamamagitan ng koreo.

Bayaran ang mga Gastusin

Mag-file ng SF Covered MRA Claim

Tanggapin ang Iyong Reimbursement

Page 8: Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account€¦ · Ano ang Medical Reimbursement Account? Ang Medical Reimbursement Account (MRA) ay sarili mong account na may mga pondo

11 | sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 | 12

3. ONLINE

• Kunin ang mga resibo para sa iyong mga gastos.

• Mag-log in sa iyong account sa mymra.wageworks.com.

• Kumpletuhin ang online claim form.

• I-upload ang mga imahe ng iyong mga resibo.

• I-click ang “I Certify” (“Pinatutunayan Ko”) para ipadala ang iyong claim.

Para sa mga detalyadong tagubilin, basahin ang “Online Claims Submission User Guide” (“Gabay ng User sa Pagsusumite ng mga Claim sa Internet”) sa sfcityoption.org sa ilalim ng “Employee Resources” (“Mga Madudulugan ng Empleyado”).

4. MOBILE APP

• Kunin ang mga resibo para sa iyong mga gastos.

• Mag-log in sa iyong account sa pamamagitan ng mobile app.

• Kumpletuhin ang mobile app claim form.

• I-upload ang mga imahe ng iyong mga resibo.

• I-click ang “Magsumite ng Claim” (“Pinatutunayan Ko”) para ipadala ang iyong claim.

Para sa mga detalyadong tagubilin, basahin ang

“Mobile Phone User Guide” sa sfcityoption.org sa ilalim ng “Employee Resources.”

Kumuha ng Reimbursement

Pagkatapos matanggap ng WageWorks ang iyong MRA claim, ipadadala sa iyo ang isang Pagpapaliwanag ng Mga Benepisyo na kadalasan sa loob ng 3 hanggang 5 araw ng trabaho. Ipapaalam sa iyo ng Pagpapaliwanag ng Mga Benepisyo kung ang iyong MRA claim ay naaprubahan o hindi. Ang Pagpapaliwanag ng Mga Benepisyo ay ipinadadala sa iyo sa koreo o, kung mayroon kang online account, ipino-post sa iyong online account. Basahin ang “Online Resources” na seksyon nitong MRA Handbook kung gusto mong magbukas ng online account.

Kung naaprubahan ang iyong MRA claim, makakatanggap ka ng bayad ng reimbursement na tseke o, kung naka-enrol ka sa direct deposit, sa pamamagitan ng direct deposit. Basahin ang

“Online Resources” na seksyon nitong SF Covered MRA Handbook kung gusto mong mag-enrol sa direct deposit.

Page 9: Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account€¦ · Ano ang Medical Reimbursement Account? Ang Medical Reimbursement Account (MRA) ay sarili mong account na may mga pondo

13 | sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 | 14

Mga Madudulugan sa InternetKasama sa iyong MRA ang access sa mga madudulugan sa Internet para tulungan kang pangasiwaan ang iyong account. Narito ang maaaring mong gawin online:

• Tingnan ang account balance

• Magsumite ng mga bagong claim at tingnan ang mga claim status

• Tingnan at mag-download ng mga materyales ng MRA

• Mag-sign up para sa direct deposit

Magbukas ng Online Account

Upang magbukas ng bagong online account:

• Pumunta sa mymra.wageworks.com.

• Mag-click sa “New Users Register Here” (“Mga Bagong User – Magrehistro Dito”).

• Sundin ang mga tagubilin sa website na ibigay ang iyong personal na impormasyon at user ID/password para sa account.

TANDAAN: Ipasok ang iyong account number kapag hiningi sa iyong magbigay ka ng Social Security Number o Alternatibong ID. Kung kailangan mong alamin ang iyong account number, tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078.

Kung magbibigay ka ng email address kapag bubuksan mo ang iyong online account, ipadadala sa iyo ang mga notipikasyon sa pamamagitan ng email. Kabilang sa mga notipikasyong ito ang:

• Kumpirmasyon na tagumpay na naipadala ang claim online

• Pagpapaliwanag ng Mga Benepisyo kapag ang iyong claim ay naaprubahan o hindi

• Kumpirmasyon na na-issue ang bayad ng reimbursement (kung nag-sign up ka para sa direct deposit)

*Inirerekomenda namin na kayo ay gumamit ng Internet Explorer upang gagawa ng iyong account. Magkaroon ka ng mga problema kapag Chrome o ibang internet browser ang iyong gagamitin.

Page 10: Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account€¦ · Ano ang Medical Reimbursement Account? Ang Medical Reimbursement Account (MRA) ay sarili mong account na may mga pondo

CHSA

15 | sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 | 16

Mag-Sign Up para sa Direct Deposit

Kumuha ng reimbursement para sa mga gastusin sa pangangalaga ng kalusugan nang mas mabilis sa pamamagitan ng direct deposit. Maaari kang mag-set up ng direct deposit upang maideposito ang mga bayad ng reimbursement para sa mga aprubadong gastusin sa pangangalaga ng kalusugan mismo sa iyong bank account sa halip na ipadala sa koreo bilang tseke. Sa sandaling maaprubahan ang isang gastusin sa pangangalaga ng kalusugan, kadalasang ipinadadala ang bayad ng reimbursement sa loob ng 3 araw ng trabaho sa iyong bank account.

Upang mag-sign up para sa direct deposit:

• Mag-log in sa iyong account sa mymra.wageworks.com.

• Mag-click sa “Direct Deposit” mula sa menu sa kaliwa.

• Sundin ang mga tagubilin sa website na ibigay ang impormasyon ng iyong account sa bangko.

I-download ang Mobile App

Maaari mong gamitin ang MRA mobile app para i-access ang iyong account at magsumite ng mga claim mula sa isang iOS o Android device. I-download ang libreng “Spending Accounts (CHSA)” app mula sa Google Play Store o Apple App Store. Pagkatapos ma-download, makikita ang app bilang “CHSA” sa inyong telepono.Kailangang mayroon ka nang online account na naka-set up

Page 11: Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account€¦ · Ano ang Medical Reimbursement Account? Ang Medical Reimbursement Account (MRA) ay sarili mong account na may mga pondo

17 | sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 | 18

sa mymra.wageworks.com upang magamit ang mobile app.

Tingnan ang Balanse ng Iyong SF Covered MRAAlamin kung magkano ang perang kasalukuyang nasa iyong SF Covered MRA sa pamamagitan ng pagtawag sa 1(866) 697-6078 o sa pamamagitan ng pagla-log in sa iyong account online sa mymra.wageworks.com.

Availability ng mga Pondo sa SF Covered MRAMaaari mo pa ring gamitin ang iyong SF Covered MRA matapos mong humintong magtrabaho sa isang employer na nagbayad sa SF City Option.

Upang ma-reimburse ang mga kwalipikadong gastusin sa pangangalaga ng kalusugan na natanggap o mga bagay para sa pangangalaga ng kalusugan na binili sa loob ng taon sa plano, kailangan mong isumite ang iyong mga MRA claim hanggang ika-31 ng Marso sa susunod na taon ng kalendaryo. Makalipas ang ika-31 ng Marso ng susunod na taon ng kalendaryo, hindi mo na magagamit ang mga pondo sa SF Covered MRA.

Available ang mga pondo sa SF Covered MRA makalipas ang iyong pagkamatay. Maaaring magsumite ang isang executor o iba pang legal na kinatawan ng mga claim para sa mga kwalipikadong serbisyo sa pangangalaga ng kalusugan na natanggap mo o mga bagay sa pangangalaga ng kalusugan na binili mo hanggang sa petsa ng iyong pagkamatay. Kailangang maisumite ang mga claim hanggang sa ika-31 ng Marso makalipas ang taon sa plano.

Ang mga pondo sa SF Covered MRA ay magagamit din ng iyong asawa o domestic partner at ng kanilang mga dependent para sa mga kwalipikadong

gastusin sa loob ng taon sa plano.

Page 12: Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account€¦ · Ano ang Medical Reimbursement Account? Ang Medical Reimbursement Account (MRA) ay sarili mong account na may mga pondo

19 | sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 | 20

I-update ang Iyong Contact InformationPanatilihin kaming updated sa iyong kasalukuyang adres, numero ng telepono, at email address upang matanggap mo ang mga bayad ng reimbursement, mga update sa programa, at iba pang sulat. Tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078 kung kailangan mong palitan ang iyong contact information.

Mga Madalas na ItinatanongAno ang aking account number?

Tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Ang numero ng iyong akawnt ay ibinigay sa inyo noong panahon ng inyong nakatakdang pagkikita para sa pagpapatala. Ito ay natatanging 9-na-tambilang na numero na ginawa ng SF City Option.

Gaano katagal sa nakaraan ang maaari kong i-claim para sa reimbursement?

Maaari kang makakuha ng reimbursement para sa mga kwalipikadong gastusin sa pangangalaga ng kalusugan na natanggap o mga bagay para sa pangangalaga ng kalusugan na binili sa loob ng iyong taon sa plano sa SF Covered MRA. Ang mga petsa kung kailan ka sakop ng iyong plano ng insurance sa kalusugan sa Covered California ay ang iyong taon sa plano sa SF Covered MRA. Kung kailangan mong alamin ang iyong taon sa plano sa SF Covered MRA, tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078.

Gaano katagal na available ang aking SF Covered MRA?

Upang makakuha ka ng reimbursement para sa mga kwalipikadong gastusin sa pangangalaga ng kalusugan na natanggap o mga bagay para sa pangangalaga ng kalusugan na binili sa loob taon sa plano, kailangan mong isumite ang iyong mga MRA claim hanggang sa ika-31 ng Marso ng susunod na taon ng kalendaryo. Makalipas ang ika-31 ng Marso ng susunod na taon ng kalendaryo, hindi mo na magagamit ang mga pondo sa SF Covered MRA.

May mga babayaran ba sa isang SF Covered MRA?

Walang mga babayaran para magkaroon ng SF Covered MRA.

Ano ang WageWorks?

Ang WageWorks ay ang kompanyang nagbibigay ng customer service, claims processing, at mga iba pang serbisyo para sa programang SF Covered MRA.

Maaari ko bang gamitin ang aking SF Covered MRA para ma-reimburse ang mga hulog sa insurance sa kalusugan?

Oo, ang mga hulog sa insurance sa kalusugan ay kwalipikado para sa reimbursement mula sa isang SF Covered MRA. Kabilang dito ang insurance sa kalusugan na binili sa pamamagitan ng Covered California.

Page 13: Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account€¦ · Ano ang Medical Reimbursement Account? Ang Medical Reimbursement Account (MRA) ay sarili mong account na may mga pondo

21 | sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 | 22

Paano kung aalis ako sa aking plano ng insurance sa kalusugan sa Covered California bago matapos ang aking taon sa plano sa SF Covered MRA?

Tawagan ang SF City Option sa 1(415) 615-4555 upang ipagbigay-alam sa amin. Maaari mo pa ring gamitin ang anumang available na pondo sa iyong SF Covered MRA.

Maaari ba akong magpadala ng claim na mas malaki kaysa sa available na pondo sa aking SF Covered MRA?

Oo, maaari kang magpadala ng claim na mas malaki kaysa sa balanse ng iyong SF Covered MRA ngunit babayaran lamang ang claim hanggang sa available na balanse sa account.

Mayroon bang pinakamababang halaga ng claim?

Wala, maaari kang magpadala ng claim na kasing baba ng $0.01 at makakakuha pa rin ng reimbursement kung maaprubahan ang claim.

Mayroon bang pinakamababang halaga para sa reimbursement na tseke o direct deposit?

Wala, maaari kang makakuha ng reimbursement na tseke o direct deposit na kasing baba ng $0.01.

Mayroon bang pinakamalaking bilang o halaga ng mga claim na maaari kong hilingin bawat taon?

Wala, maaari kang magpadala ng kasing daming claim na kailangan mo. Ang mga claim ay binabayaran hanggang sa available na balanse sa account.

Gaano katagal na makakuha ng reimbursement para sa mga kwalipikadong gastusin sa pangangalaga ng kalusugan?

Ang mga claim ay kadalasang pinoproseso sa loob ng 3 hanggang 5 araw ng trabaho.

Maaari ko bang ilabas ang pera sa aking SF Covered MRA?

Hindi, maaari mo lamang gamitin ang mga pondo sa SF Covered MRA sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga claim para sa reimbursement ng mga kwalipikadong gastusin sa pangangalaga ng kalusugan.

Maaari ko bang gamitin ang aking SF Covered MRA kahit pagkatapos kong humintong magtrabaho sa aking employer?

Oo, maaari mo pa ring gamitin ang mga pondo sa iyong SF Covered MRA kahit pagkatapos mong humintong magtrabaho sa employer na nagdeposito sa SF City Option.

Paano kinukuwenta ang halaga ng deposito sa aking SF Covered MRA?

Kinukuwenta ng aming programa ang halaga batay sa iyong kita, sa iyong edad, sa petsa ng pagsisimula ng iyong taon sa plano ng insurance sa kalusugan sa Covered California, at sa halaga ng pangalawang-pinakamababang Covered California Silver plan sa San Francisco para sa sambahayang may 1 miyembro.

Mga Madalas Itinatanong (ipinagpapatuloy)

Page 14: Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account€¦ · Ano ang Medical Reimbursement Account? Ang Medical Reimbursement Account (MRA) ay sarili mong account na may mga pondo

Puntahan kami sa:

sfcityoption.org

23 | sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 | 24

Ano ang pagkakaiba ng SF Covered MRA at ng ibang programang MRA?

Ang SF Covered MRA ay isang programa na tumutulong upang maging mas abot-kaya ng bulsa ang insurance sa kalusugan para sa mga kwalipikadong residente ng San Francisco na bibili ng insurance sa kalusugan sa pamamagitan ng Covered California. Ang halagang idinedeposito sa isang SF Covered MRA ay inilaan upang sagutin ang bahagi ng iyong mga hulog sa insurance sa kalusugan at mga iba pang halaga ng insurance sa kalusugan. Ang isa pang programang MRA (SF MRA) ay bukas sa mga hindi kwalipikado para sa SF Covered MRA at nakakatugon sa pagiging karapat-dapat sa mga pamantayan ng SF MRA.

Maaari ba akong magkaroon ng SF Covered MRA at SF MRA nang sabay?

Oo, kung nagkaroon ka noon ng SF MRA, available pa rin ang mga pondong iyon para sa reimbursement ng mga kwalipikadong gastusin sa pangangalaga ng kalusugan. Dapat mong isumite ang iyong mga claim sa pamamagitan muna ng iyong SF Covered MRA dahil mapapaso ang mga pondong iyon sa katapusan ng taon sa plano sa SF Covered MRA.

Kailangan ko bang magpatalang muli para sa SF Covered MRA sa susunod na taon?

Kung gusto mong magkaroon ng SF Covered MRA sa susunod na taon, kailangan mong mag-apply muli. Kakailanganing kumpirmahin ng SF City Option na kwalipikado ka pa rin para sa programa at kukuwentahin ang halaga ng iyong bagong deposito.

Kung mayroon akong SF Covered MRA at SF MRA, maaari ko bang pagsamahin ang mga pondo sa isang account?

Hindi, ang iyong SF Covered MRA ay hiwalay na account mula sa anumang iba pang MRA mo.

Ano ang aking kasalukuyang balanse sa SF Covered MRA?

Tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Maaari mo ring tingnan ang iyong account balance online sa mymra.wageworks.com.

Paano ko titingnan ang status ng aking claim?

Tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078. Maaari mo ring tingnan ang iyong mga claim online sa mymra.wageworks.com.

Paano ko papalitan ang aking adres o numero ng telepono?

Tawagan ang Customer Service sa 1(866) 697-6078.

Mga Madalas Itinatanong (ipinagpapatuloy)

Page 15: Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account€¦ · Ano ang Medical Reimbursement Account? Ang Medical Reimbursement Account (MRA) ay sarili mong account na may mga pondo

25 | sfcityoption.org Customer Service: 1(866) 697-6078 | 26

MGA NOTASYONMGA NOTASYON

Page 16: Paano Gagamitin ang Iyong Medical Reimbursement Account€¦ · Ano ang Medical Reimbursement Account? Ang Medical Reimbursement Account (MRA) ay sarili mong account na may mga pondo

Mga Madudulugan at Importanteng KontakCustomer Service 1(866) 697-6078 Lunes – Biyernes, 5:00n.u. hanggang 5:00n.h. Oras ng Pasipiko

Isumite ang mga SF Covered MRA Claim KOREO: WageWorks Spending Accounts P.O. Box 34700 Louisville, KY 40232

FAX: 1(866) 643-2219

ONLINE: mymra.wageworks.com

MOBILE APP: Spending Accounts (CHSA)

Online Account mymra.wageworks.com

Impormasyon ng Programa sfcityoption.org

73211C TAG 0817