4
Shaina Mavreen D. Villaroza Filipino 3 III – Sodium October 24, 2011 Pabula ANG UWAK NA NAGPANGGAP Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa. Pinagmasdan niya iyon at nasiyahan sa iba't ibang kulay nataglay niyon. At dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang katawan at dali- dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala bilang kauri ng mga ito. Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak. Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng uwak. Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan. Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. At sinabing, "Hindi namin kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa sariling anyo!" Aral: Walang sikretong hindi mabubunyag. Lalabas at lalabas ang katotohanan.

Pabula, parabula, anekdota

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Compilation of fable, parable, and anecdote. One example each, including the moral lesson on each story. It was a requirement for our Filipino 3 in 3rd year high school.

Citation preview

Page 1: Pabula, parabula, anekdota

Shaina Mavreen D. Villaroza Filipino 3

III – Sodium October 24, 2011

Pabula

ANG UWAK NA NAGPANGGAP

Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa

lupa.  Pinagmasdan niya iyon at nasiyahan sa iba't ibang kulay nataglay niyon.  At

dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at

saka idinikit sa kanyang katawan at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng

mga pabo at nagpakilala bilang kauri ng mga ito. 

Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin

nagtagal ay nabisto ng mga ito ang nagkukunwaring uwak.

Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na balahibong nakadikit

sa katawan ng uwak.  Pagkuwa'y pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan.

Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin

siya tinanggap ng mga ito. At sinabing, "Hindi namin kailangan ang

isang tulad mong walang pagmamahal sa sariling anyo!"

Aral: Walang sikretong hindi mabubunyag. Lalabas at lalabas ang katotohanan.

Huwag magpanggap at matuto kang mahalin kung sino at kung ano man.

Page 2: Pabula, parabula, anekdota

Parabula

Ang Parabula ng Pariseo at ang kolektor ng buwis

Dalawang lalaki ang pumunta sa templo upang magdasal;

ang isa ay Pariseo at ang isa ay kolektor ng buwis.

Ang Pariseo ay tumayo at nagdasal ng ganito:

“Panginoon, nagpapasalamant ako at hindi ako katulad ng ibang tao na mga

makasalanan, mapagkurakot, mga mapang-api sa hindi nila asawa o kaya katulad

ng kolektor ng buwis na narito. Ako ay nag-aayuno dalawang beses, isang Linggo at

nagbibigay bahagi sa bawat aking kinita."

Ang kolektor ng buwis na nakatayo sa hindi kalayuan ay hindi man lang

nagtaas ng kaniyang mata sa langit ngunit kaniyang tinapik ang kaniyang dibdib at

nagwikang

“Panginoon, kaawaan mo ako, isang makasalanan”. (Luke 18:9-14)

Aral: Ang taong humingi ng awa ay tumanggap ng awa kaysa sa doon sa taong itinaas ang

sarili niya sa mata ng Diyos. Ang mapagmalaki ay ginagawang aba at ang

nagpapakababa ay siyang pinupuri. 

Page 3: Pabula, parabula, anekdota

Anekdota

Sapatos

Ni: Shaina Mavreen D. Villaroza

Minsan ako’y bumili ng sapatos

Na mas malaki ng limang sukat sa aking mga paa

Sapagka’t ako’y nag-alala

Balang araw ito’y sisikip,

Aking pera’y masasayang

At ito’y ‘di na magagamit.

Ngunit sa aking pagtakbo ng mabilis

Patungo sa aandar na dyip

Sa kay luwang ng ‘king sapatos,

Ito’y tumilapon at naiwan sa kalsada.

Aanhin pa ang isang natitira?

Linagay ko na lamang sa basura.

At nalugi na nga aking bulsa, pati na rin ang aking mukha.

Aral: Mas nararapat alalahanin ang ngayon kaysa bukas dahil hindi tayo nabubuhay

sa nakaraan at sa kinabukasan. Maganda rin ang mag-alala at magplano para sa

kinabukasan ngunit dapat ang iyong desisyon ay magsisilbi ng mabuti sa iyo

ngayon. Hindi katulad sa nangyari sa kwento, masyado siyang naging

maalahanin kaya tuloy walang nangyaring maganda sa kanya ngayon at pati na

rin sa kayang bukas.

Page 4: Pabula, parabula, anekdota