47
Yunit 1 Ang Pananaliksik at ang Mananaliksik

pananaliksik.pptx

Embed Size (px)

DESCRIPTION

ulat sa pananaliksik

Citation preview

Page 1: pananaliksik.pptx

Yunit 1

Ang Pananaliksik at ang Mananaliksik

Page 2: pananaliksik.pptx

PananaliksikAyon kay Good (1963) , ang

pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inquiry sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klarifikasyon at/o resolusyon nito.

Page 3: pananaliksik.pptx

Aquino (1974) naman ay may detalyadong definisyon. Ayon sa kanya , ang pananaliksik ay isang

sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon

hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.

Page 4: pananaliksik.pptx

Manuel at Medel (1976)- ay isang proseso ng pangangalap ng mga

datos o informasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentifikong

pamamaraan.

Page 5: pananaliksik.pptx

Parel (1966)- ang pananaliksik ay isang siyentipikong pag-aaral o investigasyon ng isang bagay sa

layuning masagot ang mga katanungan ng isang mananaliksik.

Page 6: pananaliksik.pptx

E. Treece at J.W Treece (1973)- na nagsasaad ng ang pananaliksik… ay

isang pagtatangka upang makakuha nng mga solusyon sa

mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay pangangalap ng mga datos sa isang kontraladong sitwasyon para

sa layunin ng prediksyon at exsplanasyon

Page 7: pananaliksik.pptx

Katangian ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay sistematik- may sinusunod itong proseso o magkasunod-sunod ang hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.

Page 8: pananaliksik.pptx

Ang pananaliksik ay Kontrolado- lahat ng mga varyabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling konstant.

Ang pananaliksik ay imperikal-kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap.

Page 9: pananaliksik.pptx

Ang pananaliksik ay mapanuri- ang mga datos na nakalap ay kailangang suriin nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng interptretasyon sa mga datos na kanyang nakalap.

Ang pananaliksik ay objektiv, lohikal at walang pagkiling-lahay ng tuklas o findings at mga kongklusyon ay kailangang lohikal na nakabatay sa imperikal na datos at walang pagtatatangkang ginawa upang baguhin ang resulta ng pananaliksik.

Page 10: pananaliksik.pptx

Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga kwatiteytiv, o istatistikal na metodo- ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerikal at masuri sa pamamagitan ng istatistikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at kahalagahan.

Page 11: pananaliksik.pptx

Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda- ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat, tuklas o lathala ng ibang mananaliksik.

Page 12: pananaliksik.pptx

Ang pananaliksik ay isang akyureyt na investigasyon, observasyon at diskripsyon- bawat aktibidad na pananaliksik ay kailangang maisagawa nang tumpak o akyureyt nang ang tuklasay humantong sa formulasyon ng mga syentifikong paglalahat.

Page 13: pananaliksik.pptx

Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali- upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang nito.

Page 14: pananaliksik.pptx

Ang pananaliksik ay pinagsisikapan- walang pananaliksik na naisasagawa nang walang pagsisikap. Kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag upang maging matagumpay.

Page 15: pananaliksik.pptx

Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang- kailangan ng tapang ng isang mananaliksik sapagkat maaaaring makaranas siya ng hazards at discomforts sa kanyang pananaliksik.

Page 16: pananaliksik.pptx

Ang pananaliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat- lahat ng datos na nakalap ay kailangang maingat na maitala.

Page 17: pananaliksik.pptx

Layunin

Good and Scates (1972)- “ the purpose of research is to serve man and the goal is the good life”

Page 18: pananaliksik.pptx

Calderon and Gonzales (1993) ay nagtala ng mga tiyak na layunin ng pananaliksik. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

a. Upang madiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid na penomena.

b. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at informasyon

Page 19: pananaliksik.pptx

c. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadevelop ng mga bagong instrumento o produkto.

d. Makatuklas ng hindi pa nakilalang substances at elements.

e. Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements.

Page 20: pananaliksik.pptx

f. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya, edukasyon, pamahalaan at iba pang larangan.

g. Masatisfy ang kuryosidad ng mananaliksik.

h. Mapalawak o maverifay ang mga umiiral na kaalaman.

Page 21: pananaliksik.pptx

Ang Mananaliksik

Page 22: pananaliksik.pptx

Mga Pananagutan ng mga Mananaliksik

Kinikilala ng mananaliksik ang lahat ng pinagkunan niya ng datos.

Bawat hiram na termino at ideya ay kanyang ginanagawan ng karampatang tala

Hindi siya nnagnanakaw ng mga salita ng iba kundi sinisipi ito at nilalagyan ng karampatang pagkilala.

Page 23: pananaliksik.pptx

Hindi siya nagkukubli ng datos para lamang palakasin o pagtibayin ang kanyang argumento o para ikiling ang kanyang pag-aaral sa isang partikular na pananaw (Atienza, et al., 1996).

Page 24: pananaliksik.pptx

Mga katangiang dapat taglayin ng Mananaliksik

Masipag MatiyagaMaingatSistematikKritikal o mapanuri

Page 25: pananaliksik.pptx

Ang Pamanahong Papel

Page 26: pananaliksik.pptx

Ito ay isang uri ng papel-pananaliksik na karaniwang ipinagagawa sa mga estudyante sa kolehiyo bilang isa sa mga pangangailangan sa isang larangang akademiko.

Page 27: pananaliksik.pptx

Ang Paksa at Pamagat ng Pananaliksik

Page 28: pananaliksik.pptx

Mga Hanguan ng Paksa

a. Sarili b. Dyaryo at Magasinc. Radyo, TV at Cable TVd. Mga awtoridad, kaibigan at guroe. Internetf. Aklatan

Page 29: pananaliksik.pptx

Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa

Kasapatan ng datosLimitasyon ng panahonKakayahang pinansyalKabuluhan ng paksaInteres ng mananaliksik

Page 30: pananaliksik.pptx

Paglilimita ng Paksa

PanahonEdadKasarianPerspektibLugarPropesyon o grupong kinabibilanganAnyo o uri

Page 31: pananaliksik.pptx

Partikular na halimbawa o kasoKumbinasyon ng dalawa o higit

pang batayana

Page 32: pananaliksik.pptx

Ang Pamagat ng Pananaliksik

Kailangang maging malinaw (hindi matalinhaga), tuwiran (hindi maligoy) at tiyak (hindi masaklaw) .

Ang mga salita sa pamagat ay hindi kasama ang mga salitang pangkayarian tulad ng pantukoy, pananda at pang-ugnay.

Page 33: pananaliksik.pptx

Pangangalap ng mga Datos, Informasyon at Sanggunian

Page 34: pananaliksik.pptx

Pangangalap ng mga Impormasyon o Datos

1. Tukuyin kung anong uri ng impormasyon o datos ang kailangan gayundin ang klasipikasyon kung saan maaaring matagpuan ito sa silid-aralan. Ang lahat ng posibleng sanggunian ay kailangang itala upang mapadali ang paghahanap nito.

Page 35: pananaliksik.pptx

3 yugto ng pananaliksik sa silid-aklatan

1. Panimulang paghahanap ng kard katalog , sangguniang aklat, bibliograpi, indeks, at hanguang elektroniko o internet.

2. Pagsusuri na kinsasangkutan ng browsing, skimming, at scanning ng mga aklat at artikulo at ng pagpili ng citation mula sa mga babasahin.

Page 36: pananaliksik.pptx

3.Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay, artikulo, computer, printouts at iba pang sanggunian.

Page 37: pananaliksik.pptx

Dokumentasyong Istilong A.P.A

Page 38: pananaliksik.pptx

American Psychological Association (A.P.A)

Ito ang tinatawag na talang-parenterikal (parentherical citation) na higit na simple at madaling gawin kaysa footnote, bukod pa sa nagagawa nitong maging tuloy-tuloy ang daloy ng teksto sa pagbabasa.

Page 39: pananaliksik.pptx

Pangkalahatang tuntunin ng A.P.A

1. Kung nabanggit ang pangalan ng awtor sa mismong teksto, taon na lamang ng publikasyon ang isulat sa loob ng parenthesis.

Hal:

Ayon kay Nunan (1997), mahalaga ang……

Page 40: pananaliksik.pptx

• Kung si Nunan ay may ko-awtor (dalawa o higit pa), kailangang may et al. matapos ang kanyang pangalan at sa kuwit na naghihiwalay rito, bago ang taon ng publikasyon na nasa loob ng parentesis.

Ayon kina Nunan, et al. (1997), mahalaga ang ……

Page 41: pananaliksik.pptx

2. Kung hindi nabanggit ang awtor sa mismong teksto, banggitin ito sa hulihan ng pangungusap kasama ang taon ng publikasyon. Pahiwalayin ang dalawang entris sa loob ng parentesis sa pamamagitan ng kuwit (,).

Ang lingua franca ay ang wikang ginamit ng mga …………..(Wardaugh, 1986).

Page 42: pananaliksik.pptx

3. Kung dalawa ang awtor, banggitin ang apelyido ng dalawa at ang taon ng publikasyon. Inamin ng mga guro ng Oral Communication sa Estados Unidos na ang ……. (Sailer at Beall, 2002).

Inamin nina Sailer at Beall (2002), mga guro ng Oral Communication sa Estados Unidos , na ang…….

Page 43: pananaliksik.pptx

4. Kung tatlo o hugit pa ang awtor at hindi na banggit ang pangunahing awtor sa mismong teksto, banggitin na lamangang unang awtor sa loob ng parentesis at sundan ng et al. bago ang taon ng publikasyon.

Sa pananaw na kunikatibo, ang apat na kasanayang pangwika ay ………. (Bernales et al., 2001)

Page 44: pananaliksik.pptx

5. Kung may babanggiting dalawa o higit pang awtor na pareho ang apelyido, bangggitin ang inisyal ng mga awtor bago ang kani-kanilang apelyido at sundan ng taon ng publikasyon.

Ang pananaliksik ay pangangalap ng mga datos sa masinop at kontroladong sitwasyon……. (E. Trece at J.W. Trece Jr., 1977).

Ayon kina E. Trece at J.W. Trece , Jr. , (1977), ang pananaliksik ay pangangalap ng mga datos …….

Page 45: pananaliksik.pptx

6.Kung pamagat lamang ang abeylabol na impormasyon, banggitin ang pinaiklang bersyon ng pamagat at sundan ng taon ng publikasyon. Ipaloob ang pinaikling pamagat sa panipi o di kaya’y iitalisado ang tipo ng font.

Ang mga mag-aaral ay may karapatang maglathala at mamahala ng regular ng publikasyon……… ( CSB Student Handbook, 1996)

Page 46: pananaliksik.pptx

• 7. kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa isang bolyum, banggitin ang bilang ng bolyum kasunod ng pangalan ng awtor o mga awtor, ngunit tutulduk (:) ang gamiting bantas upang paghiwalayin ang unang entri sa taon ng publikasyon.

Nang sakupin ng Amerika ang Pilipinas, muling ipinahayag ni Mabini ang kanyang paghihimagsik. Isinulat niya ang El Liberal ……( Bernales 4: 2002).

Page 47: pananaliksik.pptx

• 8. kung may babanggiting dalawa o higit pang akda ng iisang awtor, banggitin na lamang ang mga akda at paiikliin hangga’t maaari. Ipaloob sa panipi o iitalisado ang mga pamagat. Sa mga aklat ni Bernales ( Sining ng Pakikipagtalastasan at Mabisang Komunikasyon ) , tinukoy ang mga pangunahin at unibersal na katangian ng wika.