14
PANITIKAN : Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula ” Ang Matsing at ang Pagong” ni Dr. Jose P. Rizal” GRAMATIKA AT RETORIKA : Iba’t ibang Paraan ng Pagtatanong Ngayong nalaman mo na ang antas ng iyong kaalaman sa pabula,maaari ka nang mag-aral pa at dagdagan ang iyong dapat matutuhan sa araling ito tungkol sa pabula. Ang kasunod na larawan ay nagpapakita ng isang bahagi ng pabulang Ang Matsing at ang Pagong” na isinakomiks ni Dr. Jose P. Rizal na unang nailathala noong 1885 21 Trubner’s Record, isang magasing panliteratura sa Europa. Isalaysay ang pabula batay sa iyong natatandaan. Isulat ang iyong nabuong salaysay sa kasunod na kahon sa susunod na pahina. Ang Matsing at ang Pagong ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ ______________________________________________________________________ Tuklasin ang Iyong Pag-unawa

P.Modyul1.1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: P.Modyul1.1

PANITIKAN : Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula

” Ang Matsing at ang Pagong” ni Dr. Jose P. Rizal”

GRAMATIKA AT RETORIKA : Iba’t ibang Paraan ng Pagtatanong

Ngayong nalaman mo na ang antas ng iyong kaalaman sa pabula,maaari ka nang mag-aral pa at dagdagan ang iyong dapat matutuhan sa araling ito tungkol sa pabula. Ang kasunod na larawan ay nagpapakita ng isang bahagi ng pabulang “Ang Matsing at ang Pagong” na isinakomiks ni Dr. Jose P. Rizal na unang nailathala noong 1885 21 Trubner’s Record, isang magasing panliteratura sa Europa.

Isalaysay ang pabula batay sa iyong natatandaan. Isulat ang iyong nabuong salaysay sa kasunod na kahon sa susunod na pahina.

Ang Matsing at ang Pagong

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

Tuklasin ang Iyong Pag-unawa

Page 2: P.Modyul1.1

Sa pag-aaral ng ating aralin, marapat na masagot ang sumusunod na mga Mahahalagang Tanong upang matiyak ang lubos na pag-unawa:

a. Bakit kailangang pag-aralan ang pabula ng mga rehiyon sa bansa?

b. Paano mauunawaan at mapahahalagahan ang mga pabula ng sariling rehiyon at ng iba’t ibang rehiyon sa bansa?

c. Bakit mahalaga ang paggamit ng wastong gramatika at retorika sa proseso ng komunikasyon?

Bilang patunay ng iyong pagkaunawa, sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay

inaasahang nakapagbabahagi sa pagsasagawa ng panayam o interbyu kaugnay ng

kaligirang pangkasaysayan ng pabula o iba pang kauri nito.

Upang magabayan ka sa inaasahang produkto o pagganap, narito ang mga

kraytiryang gagamitin natin sa pagtataya ng isasagawang panayam o interbyu.

A. batay sa pananaliksik,

B. kaangkupan sa paksa,

C. tama ang paraan ng pagtatanong at pagsagot, at

D. nagtataglay ng mga elemento ng panayam

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Inaasahang Pagganap

Page 3: P.Modyul1.1

Sagutin ang mga tanong upang higit mong maunawaan ang mahahalagang kaisipan ng pabula na nais ipabatid sa atin ni Dr. Jose Rizal.

1. Itala ang mga katangian nina Pagong at Matsing na dapat tularan at hindi dapat

tularan. Isulat ang iyong sagot sa kasunod na talahanayan .

Katangian Pagong Matsing

Dapat Tularan

Di- Dapat Tularan

2. Kanino mo ihahalintulad ang iyong sarili,kay Pagong o kay Matsing? Bakit

Nais kong ihalintulad ang aking sarili kay ________________________________________

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

________

Page 4: P.Modyul1.1

3. Isinakomiks ni Dr.Jose P.Rizal ang pabulang “Ang Matsing at ang Pagong” noong

panahon ng Espanol, masasalamin ba sa pabulang ito ang kalagayan ng bansa noong

panahong iyon? Pangatuwiranan.

4. Ano ang mahalagang kaisipan o mensahe ang natutuhan mo sa pabulang “Ang

Matsing at ang Pagong? Dugtungan ang nasa ibaba.

Magbigay ng mga salitang naaalala ninyo kapag naririnig o nababasa ang salitang pabula sa pamamagitan ng word network. Isulat sa kuwaderno ang sagot.

Ating balik-tanawan ang pinagmulan ng ating mga sinaunang pabula. Tandaan ang mahahalagang detalye na makatutulong sa iyong pag-aaral.

Basahin at unawain:

Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula

Noong sinaunang panahon, nakahiligan na ng mga katutubong Pilipino ang pagsasalaysay sa kung ano ang kanilang nakikita, nadarama at maging ang pinaniniwalaan.

PABULA

Linangin Mo

Subukin Mo

Sa aking palagay, (masasalamin/di-masasalamin) ang kalagayan ng

bansa sa panahong isinakomiks ang pabula

dahil_______________________________________

_______________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________

__________________________________________

Sa aking palagay, masasalamin/di-masasalamin ang kalagayan ng

bansa sa panahong isinakomiks ang pabula dahil

_______________________________________

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

__________________________________________________________

Ang mahalagang kaisipan o mensahe na natutuhan ko sa pabulang “Ang

Matsing at ang Pagong” ay __________________________________________________.

Upang maisabuhay ko ang mahalagang kaisipan o mensaheng

natutuhan ko, sisikapin kong _____________________________________________________.

Page 5: P.Modyul1.1

Dito ibinatay ang pinagmulan ng mga sinaunang panitikan na ating binabasa at pinag-aaralan sa kasulukuyang panahon. Isa ang pabula sa mga itinuturing na pinakaunang uri ng panitikan na kinagigiliwan ng mga tao sa daigdig. Sa pampanitikang depinisyon, ang pabula ay uri ng kuwentong pambata na ang gumaganap ay mga hayop na kumikilos, nag-iisip at nagsasalita na parang tao at sa bandang huli’y nagdudulot sa bawat mambabasa ng mabubuting aral . Bago pa man makarating sa Pilipinas ang mga banyagang pabula tulad ng ‘Ang Lobo at ang Uwak” at “Ang Leon at ang Daga” ni Aesop ng Gresya, isinasalaysay na sa mga liblib na lalawigan at rehiyon ng bansa ang kani-kanilang ipinagmamalaking katutubong pabula. Tinatayang unang naisulat ang mga pabula sa daigdig noong ikalima at ikaanim na daang taon bago isilang si Kristo. Ayon sa ilang mananaliksik at historyador ng panitikan, nabasa ang unang pabula sa India. Kinikilala si Kasyapa at ilang mga dakilang tao ng India na madalas paksain ng kanilang mga pabula dahilan sa kanilang mabubuting gawa sa

lipunan. May bahid ng relihiyon ang paggamit ng mga pabula sa kanilang pangangaral ng Budismo dahilan sa mga aral na inihahatid nito sa tao. May ilan namang naniniwala na ang kanilang sinaunang pabula ay hinango sa Panchantara at Jatakas. Ang Panchantara ng India ay kalipunan ng mga kuwento na isinulat sa Kashmir noong 200 B.C.. Ang pamagat ng aklat ay galing sa pangalan ng dalawang lobo(Jackals) na sina Kalilab at Dimab. Ang Panchantara ay isinalin sa wikang Persiano, Arabic at Latin na napatanyag sa Europa noong mga panahon iyon. Samantala, ang Jatakas ay aklat naman ng mga kuwento na nauukol sa muling pagkabuhay ni Gautama Buddha. Isinalaysay rito ang buhay ni Buddha kung paano nagpasalin-salin ang kaniyang

kaluluwa bago siya maging Buddha sa iba’t ibang hayop gaya ng barako, leon, isda at maging ng daga. Ang Jatakas ay isang kuwento sa loob ng isa pang kuwento na sa bahaging huli ay may patulang aral. Taglay ng Jatakas ang 547 na kuwento at 30 rito ay mga kuwentong pambata lamang. Ang mga kuwentong Jatakas(Eastern Stories and Legends Jatakas Tales) ay tinipon nina Helen C. Babbit at Marie Shedlock. Ang Europa ay may ipinagmamalaking manunulat at mananalaysay ng pabula sa katauhan ni Esopo o Aesop. Ipinanganak siya noong ikaanim na daang taon at tinaguriang “Ama ng Sinaunang Pabula” (Father of Ancient Fables) mula 620-560 B.C. Isinilang na may kapansanan sa pandinig si Aesop bukod pa sa pagiging kuba nito. Si Aesop ay kabilang din sa mga alipin noong mga panahong iyon. Sa kabila ng pagiging alipin at kapansanang taglay, biniyayaan naman siya ng kakayahang makapagsulat at makapagsalaysay ng pabula. Ang kasipagan at katapatan sa kanyang panginoon ang naging daan upang mabigyan siya ng natatanging karapatan at kalayaan na makisalamuha sa tao at makapaglakbay. Sa kaniyang paglilibot, nasaksihan niya ang pangit na kalagayan ng pamumuhay ng mga tao. Nagdudumilat ang hindi patas na pagtrato sa mahihirap at maging ang masasamang gawi at asal ng mayayaman at pinuno ng bayan. Pinuna niya ang mga kamaliang ito sa pamamagitan ng pagsulat ng kuwento na hayop ang mga nagsisiganap. Ipinagbabawal noon ang tuwirang pagpuna sa mga taong nasa mataas na antas sa lipunan at ang sinumang sumuway ay pinapatawan ng pagkakulong at

Aesop

Page 6: P.Modyul1.1

kamatayan. Bawat lugar o bayan na kaniyang pinupuntahan ay sumusulat siya ng mga kuwentong pabula na nauukol dito. Nakasulat ng humigit-kumulang na 200 mga pabula si

Aesop bago siya bawian ng buhay sa Gresya. Lumitaw ang iba pang mga manunulat ng pabula sa katauhan nila Marie de France (1300), Jean la Fontaine(1600), Gotthold Ephraim Lessing(1700) at maging si Ambrose Bierce (1800). Si Jean La Fontaine ang naglathala ng kaniyang pabulang patulang Pranses noong 1668. Nabigyang pagkakataon ding mailathala ni Milo Winter ang aklat na “The Aesop for Children” bilang pagdakila sa mga kuwentong pabula ni Aesop. Tumanyag din ang mga sinulat na pabula nina Babrias, Hesiod, Phaedrus, Phalacrus, Planudes, Romulus at

Socrates. Ang pagtanyag ng mga dayuhang pabula ang siyang naging daan upang higit na malinang ang ating sariling pabula. Umunlad pa ito nang sakupin ng España ang Pilipinas sapagkat natuklasan nilang may sarili nang pabula ang mga katutubo na tinatangkilik bilang paraan ng paglilibang at pangangaral sa mga anak. Sa pagkakataong ito, naghalo ang dayuhang pabula at katutubong pabula ng Pilipinas na ating pinag-aaralan hanggang sa kasalukuyan. Tinataglay ng pabula ang magagandang aral gaya ng tama, patas, makatarungan at makataong pakikisama sa kapwa. Mabuting paggabay ang dahilan kung bakit nagkainteres ang mga tao na basahin at palaganapin ito sa mga lalawigan at rehiyon kung saan lumikha sila ng kanilang bersyon ng pabula. Mabisang nailarawan at naipakita ang mga kaugalian at kultura ng isang lalawigan o rehiyon sa pamamagitan ng mga hayop na taal o likas sa lugar na pinatutungkulan. Ginamit na tauhan ang mga hayop upang maiwasan ang pag-aakusa sa ilang grupo, lipi o tribo na sila ang pinatutungkulan ng pabula. Nakarating ang pabula sa modernong panahon kasama na ang pilipinas dahilan sa pasaling-dila ng ating mga ninuno. Marami man sa mga kuwentong ito ay nawala na sa pagdaan ng panahon, ang iba nama’y napagsikapang naitala at nailimbag sa mga bato, balat ng kahoy, talukap ng niyog at maging sa mga dahon. Sa kasalukuyan, ang ilang mga pabula ay nailathala na sa mga aklat at pinag-aaralan sa mga paaralan sa buong kapuluan. Ang mga aral ng pabula ang siyang dahilan upang balik-balikang basahin ito hindi lamang ng mga kabataan kundi maging ng mga Pilipinong may pusong bata. Ipinaalala nito sa atin ang kahalagahan ng tamang pakikipagkapwa-tao, paggalang sa bawat isa anuman ang antas sa buhay, pagganap ng tapat sa tungkulin sa pamahalaan, pananagutan sa lipunan at pagiging mabuting magulang at anak.

Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salita ayon sa lalim ng pagpapakahulugan.

Ilagay sa word ladder ang iyong katumbas na salita. Gawin sa sagutang papel.

Paglinang ng Talasalitaan

Jean la Fontaine

G.E. Lessing

Page 7: P.Modyul1.1

1. 2.

3. 4.

Sagutin mo ang mga tanong upang malaman kung iyong lubos na naunawaan

ang mga kaisipan sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula.

1. Sa iyong palagay, tama ba si Aesop sa paggamit ng hayop bilang tauhan ng mga

pabula?

_____________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________

2. Dapat bang pahalagahan at palaganapin sa kasalukuyan ang pagbabasa ng mga

pabula? Paano mo ito palalaganapin?

_____________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________

3. Sa iyong palagay, bakit sa bawat panahon at bansang pinagdaanan ng pabula ay

nagbabago ang paksa ng mga ito?

_____________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________

4. Ano ang iyong naging damdamin sa katangiang ipinakita ni Aesop? Ipaliwanag.

Sa Antas ng Iyong Pag-unawa

Page 8: P.Modyul1.1

5. Anong pangyayari sa iyong buhay ang iyong naaalala na may pagkakatulad sa

kaligirang pangkasaysayan ng pabula?

____________________________________________________________________________________________

6. Sa iyong palagay makatutulong nga ba ang mga pabula sa pangangaral?

Pangatuwiranan.

_____________________________________________________________________________________________

Basahin ang pag-uusap ng Librarian at ni Rico sa wastong paggamit ng silid-aklatan.Pansinin ang mga tanong na ginamit ni Rico sa pagkuha ng mga impormasyon.

Isang hapon, naisipang magsaliksik ni Rico sa aklatan tungkol sa kaniyang takdang- aralin sa Filipino. Kaaagad niyang tinungo ito at magalang na kinausap ang librarian ng paaralan.

Rico : Magandang hapon po. Maaari po ba akong magpatulong kung paano gumawa ng pananaliksik?

Librarian : Oo, ano ba ang paksa na nais mong saliksikin?

Rico : Gusto ko po sanang malaman ang pinagmulan ng ating katutubong mga pabula. Paano po ba makatutulong sa aking pananaliksik ang ating aklatan?

Librarian : Dapat lamang na marunong kang tumingin sa Card Catalogue ng mga aklat. Sa katalogo mo makikita ang aklat na iyong pagkukunan ng mga impormasyon tungkol sa pabula.

Rico : Aba, ganoon lang po ba kadali?

Librarian : Oo, ganun lamang . May alam ka na bang pamagat ng aklat na iyong hahanapin?

Rico : Wala pa po. Sa katunayan po, ngayon lamang ako makagagamit ng aklatan.

Palalimin ang Iyong Pag-unawa

Ako ay natutuwa sapagkat ____________________________________________________

Nalulungkot din ako sapagkat________________________________________________

Wala akong nararamdaman sapagkat _______________________________________

Humaha

nga rin ako sa kaniya sapagkat sa kabila ng ________________________

Bukod sa

mga nabanggit ako rin ay _______________ sapagkat _________________

Page 9: P.Modyul1.1

Librarian : Sige, subukin mong tingnan na sa katalogo ang pamagat ng aklat na pagkukunan ng iyong paksa. May dala ka bang papel na pagsusulatan?

Rico : Mayroon po. Maraming salamat po sa inyong paggabay.

Pansinin ang naging usapan ni Rico at ng librarian. Ano-anong mga tanong ang ginamit nila sa usapan?

Mga Tanong

1.

2.

3.

4.

5.

May iba’t ibang paraan tayo ng pagtatanong upang makakuha ng impormasyon. Suriin ang mga tanong sa usapan.Anong paraan ng pagtatanong ang ginamit? Upang masagot, gawing batayan ang sumusunod na paliwanag kaugnay ng iba’t ibang paraan ng pagtatanong.

Iba’t ibang Paraan ng Pagtatanong

Narito ang ilan sa maayos na paraan ng pagtatanong at pagsagot sa mga tanong upang makakuha ng wasto at makabuluhang impormasyon hinggil sa isang paksa.

1. Mga tanong na humihingi ng limitadong sagot na Oo o hindi.

Sa wikang Filipino, karaniwang ginagamitan ang ganitong paraan ng tanong. Maaaring tumaas o bumaba ang intonasyon sa katapusan ng tanong. Ang sagot dito ay maigsi at hindi na nangangailangan ng pagbuo ng isang pangungusap.

Halimbawa:

Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Oo. (naunawaan ko)

Hindi. (ko naunawaan)

2. Mga tanong na masasagot ng mayroon, wala, oo, hindi, ayaw ko/ayoko, ewan/aywan, siguro/marahil at iba pa na may tonong naiinis, naiinip, natutuwa, walang gana at iba pa.

Ugnay Wika

Page 10: P.Modyul1.1

Malalaman sa tono o intonasyon ang inihahayag ng damdamin.

Halimbawa:

Napagbago ba ng mga likhang mga pabula ni Aesop ang mga tao ? (Ba) ewan. (malay ko)

Siguro.

Malaki ba ang naitulong ng pabula sa pagiging mabuti ng mga tao?Naku,oo!

Hindi.

3. Mga tanong na binubuo ng pangungusap na sinusundan ng hindi/di ba upang matiyak ang katotohanan (o kamalian) ng sinasabi ng pangungusap.

Masasagot din ng oo/opo, hindi/hindi po o ewan/aywan/ewan ko po, siguro at iba pa ang ganitong tanong.

Halimbawa:

Kapupulutan ng mga aral ang isinulat ni Aesop, Aba,oo./ Opo

hindi ba? Hindi./ Ewan./ Siguro.

Makasusulat ng pabula ang sinuman basta may Oo. /Opo.

interes dito, hindi ba? Hindi po.

Basahin at suriin ang komik strip sa ibaba.

Gawaing Panggramatika

Page 11: P.Modyul1.1

A. Mula sa nakikitang larawan sa itaas bumuo ng limang (5) tanong na

ginagamitan ng tatlong paraan ng pagtatanong na tinalakay.

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

B. Bumuo ng mga tanong mula sa mga natutuhan na nagpapahayag ng sagot na

pagtitiyak ng katotohanan o kamalian.

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

C. Bumuo ng mga tanong para sa sumusunod.

Page 12: P.Modyul1.1

1. guro

2. pinuno ng baranggay

3. working student

Magsagawa ng panayam tungkol sa paksang:” Paano ka makatutulong sa

pagpapalaganap ng mga kuwentong-bayan sa iyong sariling lugar o rehiyon kabilang na

ang pabula”?

Mga taong Kinapanayam Pananaw

1. Guro ng Filipino

Ilapat Mo

Sundin lamang ang tuntunin o kraytirya sa maayos na pakikipanayam. Tiyak akong magagawa mo ito nang buong husay. Kayang-kaya mo yan!

Gawin nang buong galing ang bawat

tanong. Tiyak na matatamo mo nang

maayos ang kasanayan sa pakikipanayam.

Page 13: P.Modyul1.1

2. Pari

3. Librarian

4. Kapitan ng Barangay

5. Mag-aaral

Pag-aralan ang nakalap na mga pananaw at pagkatapos bumuo ng sariling

pananaw.

Mga Sanggunian

A. Gabay sa Pagtuturo ng Filipino I para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyong

Sekundarya(SEC) Pasig City.

B. Sanio, Cristina S., Filipino sa Unang Taon,Batay sa Kurikulum ng Edukasyong

Sekondari ng 2010, Eferza Academic Publications, Lipa City, Batangas.

C. Villafuerte, Patrocinio, et.al, Panitikang Panrehiyon sa Pilipinas, Mutya Publishing

House, Valenzuela City.

D. Mateo, Renato R.,Gabay sa Panitikang Filipino, Arenar Books Marketing, Tondo,

Maynila.

E. Internet: www.pilipinokomiks.blogspot.com/ www.google.com

Batay sa aking natuklasan, masasabi ko na_______________________________ ___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Page 14: P.Modyul1.1

F. Kopya ng komiks ng “Ang Matsing at ang Pagong” ni Dr. Jose Rizal