Research Paper Namin

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/28/2019 Research Paper Namin

    1/4

    Paglalagom

    Sa pangkalahatan,tinatalakay dito ang pananaw ng mga estudyante, guro at magulang hinggil sa panukalang

    pagdaragdag ng dalawang taon sa kurikulum ng edukasyon. Bingiyan ng pansin ang mga naitulong at hindi

    magandang epekto na kaakibat nito, maging ang kasapatan ng mga dapat isaalang-alang sa pagpapatupad nito.

    Bukod dito,nabatid din ang saloobin at hinaing sa mga nasabing panukala ng mga respondente.

    Sa kabuuang pagsusurbey, lumalabas na marami ang hindi sumasang-ayon ngunit sa huli ay nararapat pa din

    itong ipatupad sapagkat ito ay makatutulong ng malaki sa kalidad ng edukasyon dito sa ating bansa,bagay na

    hindi maipagkakaila ng bawat isa sa atin. Marami ng tumuligsa sa panukalang ito ngunit dapat pa din nating isip

    ang malaking maitutulong nito sa kabila ng sakripisyong ilalaan natin para dito.

    Naniniwala tayo na ang edukasyon ang susi sa pag-unlad kaya naman bawat isa sa atin ay dapat lamang na

    umaksyon at makiisa sa programang magiging solusyon sa mga problemang kinakaharap nating lahat. Hindi lan

    ito para sa kasalukuyan, ito ay para rin sa mga darating pang henerasyon na siyang magpapatuloy ng ating

    nasimulan.

  • 7/28/2019 Research Paper Namin

    2/4

    Kongklusyon

    Sa isinagawang pag-aaral, lumalabas na halos hati ang opinyon ng mga mag-aaral, guro at magulang sa

    panukalang pagdaragdag ng dalawang taon sa kurikulum ng edukasyon. Dahil na rin sa kaakibat na suliranin ng

    nasabing panukala, kinakailangang bigyang pansin ang saloobin ng mga apektadong mamamayan.

    Gayunpaman,isang behikulo ito upang paandarin ang natigil nating pag-usad sa sektor ng edukasyon.

    Naging kapuna-puna ang suliraning pinansiyal na kakambal ng panukalang ito lalot ngayoy nahaharap sa

    mga krisis ang bansa. Marahil ay hindi pa napapanahon ang pagpapatupad nito ngunit isang aksyon sa

    bumababang antas ng edukasyon ng bansa. Panibagong suliranin ang pag-usbong nito sa mga magulang na

    kailangang triplehin ang pagkayod dahil sa dagdag pang taon, sa mga guro na magiging katuwang sa

    implementasyon nito, lalot higit sa mga mag-aaral na kailangang pakibagayan ang sistemang hindi nila

    nakasanayan.

    Ngunit naging bukas naman ang pagtanggap dito ng mga respondente dahil na rin sa malaking naitutulong

    nito sa lubos na pagkatuto ng mga estudyante. Magiging isang mabisang paraan din ito upang muling patibayin

    ang pundasyon ng eduksyon sa bansa. Kailangan ng matinding pag-unawa at kooperasyon ng bawat

    mamamayan upang maging matagumpay ang implementasyon ng programang ito. Higit ay ang pagtugon ng

    mga bawat isa sa tawag ng pananagutan uapng makamit natin ang ating mithiin.

    Samakatuwid, isang mabisang paraan ang pagdaragdag na ito upang maitaas ang kalidad ng ating

    edukasyon at ang kabisaan nito ay nasa atin pa ring mga kamay. Kung tayoy magkakaisa sa isang mithiin.

  • 7/28/2019 Research Paper Namin

    3/4

    Rekomendasyon

    Ang pagdaragdag ng dalawang taon sa kurikulum ng pag-aaral ay may maganda at hindi magandang

    maidudulot para sa mga mag-aaral, gayundin sa mga magulang at guro. Batid naman natin na mababa ang

    kalidad ng edukasyon sa sting bansa kung kaya naman napagpagpasyahang ipatupad ang panukalang itio.

    Mahalaga at malaki ang ginagampanan ng edukasyon sa pagapapaunlad ng bansa.

    Kaugnay nito, marami sa mga mag-aaral ang umaapela sapagkat sa halip na makuha na nila ang inaasam na

    diploma at makapagtapos ng apat na taon sa sekundarya, magkakaroon pa silang muli ng dalawang taong

    pagsisikap sa pag-aaral.

    Sa bagay na ito,nababahala din ang mga magulang sapagkat kakailanganin nilang magsakripisyo pang muli

    para makapag-aral ang kanilang mga anak. Marami ngang epekto ito para sa ating mga magulang at maging sa

    mga mag-aaral. Napag-alaman ng mga mananaliksik na hindi sumasang-ayonang mga respondente sa

    pagpapatupad ng panukalang ito. Gayunpaman, isa itong tulong sa pagapapataas ng lebel ng edukasyon sa

    bansa kaya kailangan natin itong ipatupad para sa ating kaularan. Kailangan nating isaalang-alang ang

    mabuting dulot ng pagdaragdag ng dalawang taon sa sa elementarya at sekundarya sapagkat ito ang

    pinakamabuting solusyon sa paghihirap ng bansa. Kaugany din nito, nararapat na matutong magpahalaga

    ang mag-aaral sa kanilang edukasyon sapagkat ito lamang ang susi para sa tagumpay at kaunlaran ng bansa.

    Magiging matagal man ang panahonng ating pag-aaral ngunit kailangan natin itong pagsikapan dahil ang

    matagal naman nating pagsisikap ay magbubunga sa atin ng makabuluhang tagumpay. Nagkakaroon din tayo ng

    sapat na panahon upang makapamili tayo ng tamang paghahanda para sa kursong ating kukuhanin sa kolehiyo.

    Sa pamamagitan ng panukalang ito,mas makikilala ang mga gradweyt nating mga kabataan sa ibang bansa at

    lalot higit maitataas natin ang kalidad ng edukasyon ng ating bansa.

  • 7/28/2019 Research Paper Namin

    4/4