Upload
anghel-cabrera
View
863
Download
36
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Thesis about sa Pambabara o Pamimilosopo.
Citation preview
1
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT SANLIGANG KASAYSAYAN
PANIMULA
Bawat isa sa atin, bata, matanda, may asawa man o wala, ay may social life.
Dito, nakakatagpo tayo ng iba’t ibang uri ng tao na may iba’t ibang kaugalian, iba’t ibang
kahinaan at kakayahan. Ngunit hindi tayo magkakaroon ng social life kung hindi natin
alam ang kahalagahan ng komunikasyon sa bawat isa. Ang komunikasyon ay ang
pagpapahayag, pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan; isang
pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan (Webster dictionary).
Kung hindi natin alam ang kahalagahan nito hindi tayo magkakaroon ng mabisang
pakikipagkomunikasyon sa mga taong nakapaligid sa atin.
Sa pagkakaroon ng social life ay nagagamit natin ang pakikipagkomunikasyon.
Sa ganitong paraan ay nakakapagkwentuhan tayo, nakakapagbiruan, nagkakaroon ng
pagkakaintindihan at naibabahagi natin ang ilan nating karanasan. Sa mga ganitong
pagkakataon din, tayo’y minsan nang nabara at minsan tayo rin ay nambabara. Ang
pambabara ay ang pagtigil sa isang tao gamit ang isang banat o pamimilosopo.
Kadalasan na itong ginagawa o nangyayari sa bawat pag-uusap dahil nakakapagpasaya
ito ng isang samahan o kahit simpleng usapan lang. Hindi natin malalaman kung kailan
ito biglang papasok sa isang usapan dahil bigla na lamang itong masasabi ng iyong
kausap o maging tayo mismo.
Nagagamit ito ninuman sa isang pakikipag-usap sa kapwa dahil nagbibigay kulay
ito sa isang simpleng pakikipagkomunikasyon. Kaya naman, mabilis itong tangkilikin ng
mga tao lalo na ng mga kabataan. At dahil na rin napapanood at naririnig ito sa
2
telebisyon at maging sa radyo. Mabilis mag-isip ng mga sasabihin ang taong
mambabara o mamimilosopo. At kahit mga simpleng usapan ay nagagamit nila ito.
Karaniwan din itong ginagamit ng mga komedyante upang makapagbigay saya sa
kanilang mga manonood.
Ang pakikipagtalastasan ay mahalaga para sa lahat. Maraming tulong ang
naihahatid nito, kagaya na lamang ng paghahatid ng balita o impormasyon. Sa panahon
ngayon, maraming klase na ng midyum ang naimbento sa tulong na rin ng patuloy na
pag-unlad ng teknolohiya. Isa na rito ang telebisyon, dito napapanuod ng mga tao ang
mga programa na naghahangad na magbigay ng balita o impormasyon, mag-aliw,
magpasaya at iba pa. Dahil rin sa tulong ng midyum na ito ---ang telebisyon---
nalalaman ng mga tao ang mga bagay, pagkain at maging uri ng pamumuhay na
nauuso.
Ang pagsunod sa kung ano ang nauuso ay mabilis lang lumaganap at natural o
normal na ito sa mga tao. Lalo na sa mga kabataan dahil sila ang madalas
makisalamuha sa mga “barkada” o grupo ng mga kaibigan nila at madali silang
makahanap ng mga kaibigan o kakaibiganin nila na may kaparehong interes sa mga
bagay na nauuso. Kadalasan, ang mga bagay na nauuso ay nagmumula sa mga
personalidad na nakikita at napapanuod sa telebisyon. Sila ang mga tao na iniidolo o
hinahangaan kaya naman ginagaya ng mga tao kung ano ang ginagamit, pananalita o
maging pamumuhay nila. Isa na rito ang komedyanteng personalidad sa isang programa
tuwing tanghali. Maraming bagay na siyang pinauso na ginaya ng mga manunuod,
kagaya na lamang ng kanyang mga kasuotan, ayos ng buhok, ekspresyon at pananalita.
Sa kanya nauso ang uri ng pakikipag-usap na tinatawag na “pambabara”. Ito ang
pagsagot o “pagbara” sa mga tanong na hindi na kailangan pang itanong. Isang
halimbawa ng sitwasyon na pinaggagamitan ng pambabara ay ang pagdating ng isang
3
tao at tatanungin siya ng ganito ng kasama niya “Kadarating mo lang?”, ang magiging
normal na sagot dito ay “Oo” pero para sa taong nambabara, ang kanyang sagot ay
kadalasang ganito “Ay hindi, paalis pa lang ako”. Marami ang natatawa tuwing
makakarinig sila ng mga ganitong uri ng pagsagot kaya naman ginagaya nila ito at
ginagawa sa iba. Maihahambing ang pambabara sa “sarcasm” sa wikang Ingles, kung
saan ang reaksyon ng isang tao ay taliwas sa kanyang sinasabi o nais ipabatid. Kung
gaano kabilis ang pag-usbong o pagkauso ng isang bagay, ganoon din ito kabilis
maglalaho nang hindi man lang mapapansin dahil may panibago na naman ang nauuso.
Ganoon din ang nangyayari sa uri ng pakikipag-usap na pambabara. Sa umpisa ay
marami ang tumatangkilik o nagsasabi ng mga ganito subalit unti-unti rin silang
nagsasawa hanggang sa maging normal na lang ito para sa kanila at hindi na bago o
uso.
Napukaw nito ang pansin ng mga mananaliksik dahil sa patuloy na pagkalat nito
sa lipunan at maging sila ay nagagamit ito sa kanilang pag-uusap. At dahil na rin sa
kanilang kagustuhan na malaman ang epekto nito sa aspetong sosyal at sikolohikal ng
bawat indibidwal, nagsagawa sila ng pag-aaral hinggil dito.
SANLIGANG KASAYSAYAN
Ayon sa isang blog, nagsimula ang pagkilala o pag-usbong ng pambabara sa
pagitan ng taong 2009 hanggang 2010. Sinasabi sa mga artikulo dito na ang puno’t dulo
o ang pinagmulan ng pambabara ay isang sikat na komedyante. Ang komedyanteng ito
ay hurado sa isang palabas sa tanghali. Sa tuwing siya ay magbibigay ng kanyang
komento, hinahaluan niya ito ng pagbibiro at pambabara na siya namang ikinatutuwa ng
4
mga taong manunuod. Marami ang gumaya sa nasabing komedyante dahil nakakatawa
nga ang mga pinagsasabi niya. Ang mga nauusong bagay ay mabilis lang lumaganap at
natural o normal na ito sa mga tao. Lalo na sa mga kabataan dahil sila ang madalas
makisalamuha sa mga “barkada” o grupo ng mga kaibigan nila at madali silang
makahanap ng mga kaibigan o kakaibigan nila na may kapaerong interes sa mga bagay
na nauuso. Mas napabilis din ang paglaganap ng pambabara dahil sa mga social
networking sites na kung saan nagkakaroon ka rin ng interaksyon sa iba. Sa ngayon,
madalas mong maririnig ang pambabara hindi lang basta sa mga kwentuhan kundi
maging sa simpleng pag-uusap nahahaluan na ng pambabara. Marami nga natutuwa
ditto subalit marami rin naman ang naiinis at nagsasabing wala na silang makausap ng
matino dahil sa pambabara. Ang pagkauso ng pambabara ay hindi lang nagdulot ng
magandang epekto pati na din ang negatibong epekto nito.
BALANGKAS TEORETIKAL
Ayon sa “Hypodermic Needle Theory”, ang midya ay may direkta at malaking
impluwensiya sa mga tao. Ang mga ipinapalabas sa midya ay parang karayom na
direktang ipinapasok sa katawan ng tao para maparating ang nilalaman ng mga
programa. Sa panahon ngayon, karamihan ng tao ay nakadepende sa midya. Ang mga
tao ay nahahayag sa madaming mga bagay, pati ang mga uso at di uso. Dahil din sa
midya, nauuso ang iba’t ibang paraan ng pakikipagtalastasan sa kapwa.
(http://en.wikipedia.org/wiki/Hypodermic_needle_model)
Ayon sa “Social Cognitive Theory” ni Albert Bandura, ang pagkatuto ay
nagaganap sa sosyal na konteksto at karamihan sa mga natutunan ay nakukuha mula
sa obserbasyon. Kung iuugnay ito sa paksa ng pananaliksik, ang pambabara ay
5
kadalasang nagaganap sa grupo ng mga magkakaibigan at sa telebisyon. Lahat ay
maaaring manood sa telebisyon, at kung araw-araw itong naoobserbahan na ginagawa
ng mga personalidad sa midya, ang persepsyon ng tao ay isa itong normal na gawain.
Nang dahil naman sa mga kaibigan at malalapit na tao sa sosyal na aspeto ng buhay ng
isang tao, ang pambabara ay kadalasang nagiging paraan upang magkaroon ng buhay
ang usapan. (www.education.com/reference/article/social-cognitive-theory/)
Ang “Attribution Theory” naman ni Fritz Heider ay tumatalakay sa kung paano
inaanalisa ng mga tao ang mga pangyayari at ikinokonekta nila ito sa kanilang pagkilos
at pag-iisip. Kung ano ang kognitibong persepsyon nila ay iyon ay ang umaapekto sa
kanilang motibasyon. Kapag ang isang tao ay nabara, ang kanyang reaksyon ay
ibinabase niya sa kung ano ang madalas na reaksyon ng iba. Nagkakaroon din ng iba’t
ibang interpretasyon ang mga tao sa kanilang pagtugon sa mga ganitong bagay. Kung
sila ay natuwa, marahil ang kanilang tugon ay isang tawa o isa ring pagbibiro. Ngunit
kung ang interpretasyon nila ay mas malalim, maaari itong mag-ugat sa iba’t ibang
sikolohikal at sosyal na epekto. (ww.buzzle.com/articles/attribution-theory-of-social-
psychology.html)
6
PAMBABARA O PAMIMILOSOPO
EPEKTO
SOSYAL SIKOLOHIKAL
HYPODERMIC NEEDLE THEORY
SOCIAL COGNITIVE
THEORYATTRIBUTION
THEORY
Sa panahon ngayon, karamihan ng tao ay nakadepende sa midya. Ang mga tao ay nahahayag sa madaming mga bagay, pati ang mga uso at di uso. Dahil din sa midya, nauuso ang iba’t ibang paraan ng pakikipagtalastasan sa kapwa.
ang pambabara ay kadalasang nagaganap sa mga grupo at sa telebisyon. Lahat ay maaaring manood sa telebisyon, at kung araw-araw itong naoobserbahan na ginagawa ng mga personalidad sa midya, ang persepsyon ng tao ay isa itong normal na gawain. Nang dahil naman sa mga kaibigan at malalapit na tao sa sosyal na aspeto ng buhay ng isang tao, ang pambabara ay kadalasang nagiging paraan upang magkaroon ng buhay ang usapan.
Kapag ang isang tao ay nabara, ang kanyang reaksyon ay ibinabase niya sa kung ano ang madalas na reaksyon ng iba. Nagkakaroon din ng iba’t ibang interpretasyon ang mga tao sa kanilang pagtugon sa mga ganitong bagay. Kung sila ay natuwa, marahil ang kanilang tugon ay isang tawa o isa ring pagbibiro. Ngunit kung ang interpretasyon nila ay mas malalim, maaari itong mag-ugat sa iba’t ibang sikolohikal at sosyal na epekto.
BALANGKAS KONSEPTWAL
7
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang paksang “Epekto Ng Pambabara O Pamimilosopo Sa Aspetong Sosyal At
Sikolohikal Sa Mga Piling Mag-aaral Ng PUP Laboratory High School Sa T.A. 2012 –
2013” ay naglalayong sagutin ang sumusunod na katanungan:
1. Ano ang pamimilosopo o pambabara?
2. Aling mga sitwasyon kadalasan lumilitaw ang pamimilosopo o pambabara?
3. Ano ang nakaiimpluwensiya sa pamimilosopo o pambabara?
4. Ano ang epekto ng pamimilosopo o pambabara sa pangsosyal at
pangsikolohikal na aspeto?
5. Paano ito nakaaapekto sa mga sumusunod:
a. Sosyal
b. Sikolohikal
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pambabara o pamimilosopo sa kasalukuyang panahon ay isang uri lamang
ng biro o katuwaan sa mga usapan at kung minsan, ay isa na ring paraan ng
pakikisama. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, malalaman natin kung ano nga ba
ang nagiging epekto dulot ng nauuso ngayong “pambabara” o pamimilosopo sa mga
kabataan. Maaaring hindi lamang natin napapansin ngunit kung titingnan natin sa mas
malalim na aspeto, mayroon din itong malaking epekto sa aspetong sosyal at
sikolohikal. Sa tulong ng pananaliksik na ito, mapagtatanto natin kung gaano nga ba
kalaki ang impluwensiya nito sa paraan ng pakikitungo ng mga kabataan lalo na sa mga
kasing edad nila. Sa kasalukuyan, halos kahit saan ay maririnig mo ang mga usapang
may kasamang “pambabara” lalo na sa pagitan ng magkakabarkada.
8
Layunin ng pag-aaral na ito na alamin kung ano ang positibo at negatibong dulot
ng pamimilosopo o pambabara. Sa gayon, mapagtatanto ng mga kabataan kung kailan
nakakatuwa at nakakasakit ang parating “pambabara” at kung kailan hindi dapat barahin
ang kausap lalo na kung ito ay seryosong usapan. Mahalaga ito upang maunawaan ng
mga kabataan na hindi lahat ng oras, ang akala nilang biro ay nakakatuwa.
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral o pananaliksik na ito ay sasakop lamang sa paksang “Epekto Ng
Pambabara o Pamimilosopo Sa Aspetong Sosyal at Sikolohikal Sa Mga Piling Mag-aaral
Ng PUP Laboratory High School Sa T.A. 2012 – 2013”. Ang napiling mga respondente
ay nasa ikatlo at ikaapat na taon ng sekundarya. Kabataan ang napiling respondente
dahil naaayon sa kanila ang napapanahong paksa. Ang mga mananaliksik ay kukuha ng
isandaan at sampung (110) respondente sa naturang paaralan na sasagot sa
inihandang talatanungan na magbibigay gabay upang malutasan ang mga suliranin ng
pananaliksik na ito.
KATUTURAN NG MGA KATAWAGANG GINAMIT
Ang mga sumusunod na terminolohiya ay binigyang kahulugan ng mga
mananaliksik ayon sa pagkakagamit ng mga ito sa mga nakaraang bahagi ng pag-aaral:
PAMBABARA/BANAT - Ang pambabara/banat ay mga salitang ginagamit para
mapatigil ang kausap. Kalimitan, ito ay ginagamit para biruin o kaya naman ay asarin
ang kausap.
9
Halimbawa:
Lalaki: Manong diyan lang po sa tabi.
Drayber: Bababa ka?
Lalaki 2: Hindi, sasakay palang!
KOMEDYANTE - Ang komedyante ay isang tao na bihasa sa pagbibigay kasiyahan o
pagpapatawa.
MIDYUM - Ang midyum ay ang kasangkapang ginamit upang makipagkomunikasyon o
magpahayag na damdamin at saloobin.
PERSONALIDAD - Ito ay tumutukoy sa mga taong kilala sa isang lipunan. Sila ay sikat
at kadalasang iniidolo ng marami tulad ng mga artista.
SARCASM - Ang sarcasm o pang-uuyam ay pangungutyang patago. Pinangungunahan
ng mga papuri at sinusundan ng pangugutya.
Halimbawa: Ang sarap ng luto mo, nakakasuka.
SOCIAL LIFE - Ang social life ay ang pakikipamuhay natin sa mga taong ating
nakakasalamuha. Ito ay ang interaksyon o pakikihalubilo sa lipunang ating ginagalawan.
HYPODERMIC NEEDLE THEORY - Ang teoryang nagsasabi na ang midya ay may
direkta at malaking impluwensiya sa mga tao. Ang mga programa ng midya ay
hinalintulad sa isang karayom na ipinapasok sa katawan ng mga tao upang maiparating
ang mga nilalaman ng programa.
SOCIAL COGNITIVE THEORY - Ang Social Cognitive Theory ay nagsasabi na ang
pagkatuto ay nagaganap sa sosyal na konteksto at karamihan sa mga natutunan ay
nakukuha mula sa obserbasyon.
ATTRIBUTION THEORY - Ang Attribution Theory ay tumatalakay sa kung paano
inaanalisa ng mga tao ang mga pangyayari at ikinokonekta nila ito sa kanilang pagkilos
at pag-iisip. Kung ano ang kognitibong persepsyon nila ay iyon ay ang umaapekto sa
kanilang motibasyon.
10
PERSEPSYON - Ito ay ang pagkakaintindi base sa kung ano ang nauunawan ng isip sa
pamamagitan ng ating pandama, pang amoy, panlasa, pandinig at paningin.
MOTIBASYON - Ito ang nag uudyok sa isang tao upang gawin ang isang gawain o
nagtutulak upang ipagpatuloy ang gawaing nasimulan.
11
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
BANYAGANG PAG-AARAL
Ayon sa pag-aaral nina Toplak at Katz, may apat na punto na dapat pagtuunan
ng pansin pagdating sa sarcasm o pag-uyam: ang sa nagsasalita, nakikinig, di
sinasadyang makarinig at ng isang taong walang kontroladong pananaw. Lumalabas na
ang kadalasang nakakatanggap ng mga kritisismo ay ang nagsasalita o kung kanino
man galing ang pag-uyam. Ang pag-uyam kasi ay kadalasan naipahahayag sa isang di
kaaya-ayang paraan kaya naman nagkakaroon ng maling pagkaintindi ang mga
nakakarinig nito at naiisip na sila’y binabastos ng taong nagsasalita. Ang tao naman na
nagsasalita ay walang nakikitang masama sa pag-uyam dahil para sa kanya ay wala
naman siyang ipinakakahulugang masama sa kanyang sinabi. Mas nakikita ng
nagsasalita ang positibong bahagi ng sarcasm kaysa ang negatibo nito dahil iniisip niya
na mas masaya ito kaya ipinahayag niya ito sa isang pabirong paraan.
(http://ccat.sas.upenn.edu/plc/communication/valerie.html)
Ang ikawalang pag-aaral ay nakabase pa rin sa pananaw ng taong nagsasalita
at nakikinig. Dito ay naisip agad ng nagsasalita na ang agrabiyado sa pag-uyam ay ang
nakikinig dahil siya ang taga-tanggap ng sarcasm. Nakita rin dito na ang dalawang
partido ay umaayon na ang negatibong epekto ng sarcasm ay hindi magdudulot ng
maganda sa samahan ng dalawang tao, lalo na kung ang dalawang ito ay bago palang
na magkakausap. Subalit, kung ang dalawang tao naman ay matagal nang komportable
sa isa’t isa, mas nakikita nila ang positibong katangian ng pag-uyam at mas madalas
nilang gamitin sa isa’t isa nang walang naghihinanakit dahil sanay na sila.
(http://ccat.sas.upenn.edu/plc/communication/valerie.htm)
12
LOKAL NA PAG-AARAL
Mga kabataan talaga ang karamihang tumatangkilik ng mga nauusong bagay. Ito
kasi ang panahon sa buhay ng tao kung saan halos lahat ng desisyon at gawain sa
kanilang buhay ay naaayon sa mga kaibigan o mga kabarkada. Sa isang
magbabarkada, kung ano ang bagong labas na produkto o mga nauusong gawain,
siyang tatangkilikin – mas bago, mas tanggap; mas maporma, mas maganda;
magagamit o hindi, tatangkilikin parin, upang maging “in”. Ganyan ang pamumuhay ng
mga kabataan sa panahon ngayon. Nakakalungkot mang isipin ngunit ginagawa lamang
ito sa pakikisama. Hindi naman masama ang pagsunod sa uso ngunit sabi nga, lahat ng
sobra ay nakasasama. Hindi natin masisisi ang mga magulang kung hindi sila ayon sa
sobrang pagtangkilik sa uso ng mga kabataan. Apektado ang mga magulang sa
ganitong sitwasyon dahil nagkakaroon ng masamang impluwensiya ito sa kanilang mga
anak na humahantong sa di pagrespeto at di paggalang. Kasama na rin ang
pagwawaldas nila ng pera sa mga walang kwentang mga bagay. Ito ang mga suliraning
makikita ukol sa matinding pagsunod sa mga uso.
Masasabi rin na ang pagsabay sa uso ay makakatulong sa paghubog ng
kanyang katauhan o personalidad. Kaugnay dito, ang mga tao ay likas na sumasabay sa
takbo ng pamumuhay ng isang tao sa pakikiayon sa mga taong kanyang
pinakikisamahan. Malaki rin ang pwedeng mabago sa isang tao dahil dito, maaaring
masama at mabuti. Ang dating gawi ay hindi na nagagawa o dating hindi ginagawa ang
siya namang ikinapamumuhay. Isa na lamang halimbawa nito ay ang pagsunod sa uso.
Hindi maiiwasang hindi ito sundin ng mga tao dahil kailangan din naman ito sa
kasalukuyang panahon ngunit ang iba dito ay lubhang pakikiayon lamang talaga.
Isang katangian ng mga nauusong bagay ay mabilis itong napapalitan at mabilis
lumaganap. Hindi sinasaalang-alang dito kung gaano ito makakatulong sa mamamayan.
13
Kahit ano, pwedeng maging uso, hindi lamang isang bagay ang tinutukoy dito. Maaaring
teknolohiya, estilo ng pananamit, estilo ng buhok, mga pagkain at paraan ng
paghahanda nito, klase ng pamumuhay katulad ng pagpapapayat at pamamaraan ng
pakikisama. Lahat na yata ng bagay sa paligid basta bago at patok sa masa,
tinatangkilik ng karamihan. (Epekto Ng Matinding Pagsunod Sa Uso Sa Isip At
Damdamin Ng Mga Piling Mag-aaral Sa Unang Taon Ng Kolehiyo Ng Pagtutuos Sa PUP
2008-2009)
Maraming posibleng maging epekto ang panonood ng telebisyon sa isang mag-
aaral. Isa na rito ang posibilidad na pagyaman ng kanilang kaalaman sa bokabularyo, na
isang positibong pananaw. Ngunit ang kabaligtaran nito ay ang pagkawala ng kaalaman
mula sa panonood. Sa ano nga bang paraan? Ito ay maaaring sa kadahilanang, imbis
na ang panonood ng edukasyonal na palabas ay puro panooring pang-enterteyn lamang
ang kanilang napapanood.
Ang epekto narin ng panonood ay nakasaalang-alang na rin sa mismong
manonood ng palabas. Siya mismo ang mamimili kung ano ang sa tingin niya ay
maganda o makatutulong sa kanya. Ngunit sa isang dako, may mga panoorin ay akala
niya ay maganda o makatutulong sa kanya, ngunit hindi naman.
Tao na mismo ang daan tungo sa kanyang mabuting gawain. Dahil siya ang nag-
iisip at nagtataglay ng dahilan sa panonood at pamimili ng mga palabas sa telebisyon.
Ang pagpapayaman o pagkawala ng kaalaman niya ay nakasalalay sa kanyang sarili
mismo at hindi sa ibang tao. Gayon pa man, maaari siyang bigyan ng payo, na
magmumula sa iba. Ito ay maaaring makatulong o hindi. Ngunit siya lamang sa sarili
niya ang nakakaalam kung ano ang mas dapat na gawin, mula sa pag-iisip ng mga
bagay bagay na kaniyang narinig. (Epekto Ng Panonod Ng Telebisyon Sa Pananalita Ng
Mga Mag-aaral Ng AB English Sa Ikalawang Taon: Isang Pagsusuri)
14
BANYAGANG LITERATURA
Ayon sa isang artikulo na isinulat ni Richard Chin na may pamagat na “The
Science of Sarcasm: Yeah, right” sa www.smithsonianmag.com, ang “sarcasm”, gaya ng
pambabara, ay mayroong mga mabuti at masamang epekto. Ayon sa isang pag-aaral,
malaking porsyento ng mga konbersasyon sa telepono na may sagot ng “yeah, right” ay
may sarkastikong tono. Ang sabi ni John Haiman, ang pag-uyam ay isa nang
pangunahin linguahe sa ating sosiedad. May masama mang epekto ito, naeehersisyo ng
“sarcasm” ang utak kaysa sa mga sinsero at direktang pahayag. Ang mga estudyante sa
Israel ay mas madaling naresolba ang problema ng isang kompanya ng serbisyong para
sa mga mamimili nang ang mga nagrereklamo ay gumagamit ng pang-uyam kaysa sa
mga mamimili na sadyang galit lamang. Ibang mga eksperto sa linguahe ay mas ay
tinutukoy ang “sarcasm” bilang mas mababang anyo ng pang-iinsulto. Ngunit, ang ibang
mga pananaliksik ay natuklasan na ang “sarcasm” ay mas tinitignan bilang isang
masakit na pahayag imbis na simpleng kritisismo.
Ngunit, ano man ang persepsyon ng mga tao sa paggamit ng mga ganitong
klase ng mga pahayag, ang pagkawala ng abilidad na pagkaintindi sa isang
sarkastikong pahayag ay maaaring maging senyales ng sakit sa utak. Gaano man ito
kasakit sa paningin ng iba, ang “sarcasm” ay isa pa ring mahalagang parte ng araw-
araw na pakikisalamuha sa ating sosiedad.
Ayon sa isang artikulo na may pamagat na “Why Sarcasm Makes You Creative”
(creativecommunicator.wordpress.com/2012/10/05/why-sarcasm-makes-you- creative/),
ang pambabara ay isang paraan lamang upang maibsan ang galit ng isang tao sa
kinakausap nito. Ginagawa ng taong ito ang pambabara upang ibahin ang daloy ng
kanilang usapan na kung saan siya ay maaaring nasaktan o nainis sa kanyang kausap.
Isang eksperimento ang naisagawa sa mga engineering workers sa isang payak
na lugar, na kung saan nakitaan sila ng pamamaraan upang maibsan ang kanilang
15
pagkabagot sa mga di kanais-nais na mga kliyente at masusungit na boss. Sa kabila ng
kanilang pagkabagot sa mga taong ito, sila ay nagtuon na lamang ng pansin sa kung
paano nila maiiwasan ang pagkabagot na ito. Sa halip na sila ay magpakita ng galit sa
mga taong iyon, pinili na lamang nila na sagutin ito ng may halong pag-uyam dahil alam
nila na isa itong pamamaraan na kung saan hindi makahahadlang sa relasyon nila sa
mga taong kanilang ikinababagot. Ginagamit nila ito upang ipabatid sa kanilang mga
kausap ang kahalagahan ng paggamit ng “common sense”.
Ang paggamit ng pambabara bilang isang pamamaraan ng komunikasyon ay
nagdudulot din ng magandang epekto sa mga grupo o samahan. Tulad na lamang sa
opisina. Isang psychological research ang isinagawa hinggil dito na kung saan ang
bawat isang nagtatrabaho dito ay nakaiimpluwensiya ng kondisyon o “mood” sa iba
pang kasamahan nito. Kung ang lahat ay nasa magandang kondisyon upang gumawa
ng trabaho, magiging kaaya-aya ang kanilang kapaligiran. Kung may isa namang wala
sa kondisyon magtrabaho, maaaring makahawa ito ng iba pa niyang kasamahan. Upang
maging maayos ang daloy ng gawain sa isang opisina, nangangailangan ito ng “good
vibes” ng bawat isa sa kanila. At upang mangyari iyon, sisimulan ito sa pagkukwentuhan
na kung saan gagamit sila ng mga salita o paksang magbibigay daan sa pagiging
masayahin at pagiging aktibo ng bawat miyembro. Kung ang lahat ng miyembro ay
masaya, tiyak na gaganahan silang gumawa. At napag-alaman na natin na ang
paggamit ng pambabara ay isa na ring paraan upang magbigay buhay sa isang usapang
pangkatan. Dahil sa ito ay nauuso, nagiging instrumento ang pambabara upang
magbigay ng kasiyahan sa isang pangkat. Para sa karamihan, ginagamit ang
pambabara bilang isang katuwaan. At nagdudulot ito ng masayang usapan at
magandang samahan. Magiging kaaya-aya ang isang samahan kung ang bawat
miyembro nito ay marunong makisama sa katuwaan.
16
LOKAL NA LITERATURA
Ang Pambabara
Noon, noong hindi pa nauuso ang mga salitang tinatalak ng isang kilalang komedyante,
matino pang kausap ang mga tao. Iba na ngayon. Hindi na gaya ng dati, sa pakikipag-
usap sa isang tao, maaari nang makaranas ng tinatawag na pambabara. Parang ganito:
Tambay: (kakarating lang sa isang sari-sari store) Ah, pabili nga po ng Coke
Tindero: Coke, Royal o Pepsi?
Tambay: Ah, kape. Kape brad.
Ano nga ba ang pambabara?
Pambabara ang tawag sa pagtigil sa pagsasalita ng isang tao sa gamit ng isang
pamatay na banat o isang counter-argument. Ginagawa ang pambabara upang
kontrahin ang sinabi ng isang kausap, o para lamang mang-asar. Kapag nabara ang
isang tao, mapapatigil na siya sa pangungulit o pagsasalita, o kaya nama'y mapatutulala
dahil pinoproseso pa ng kanyang utak ang mga salitang kanya lang narinig. Sa madaling
salita, isa ring pambabasag ang pambabara.
Paano nga ba mambara?
Ang pambabara ay kalimitang sagot sa mga katanungan na halata naman ang
kasagutan. Ibig sabihin, pangontra ito sa mga walang kuwenta at hindi pinag-iisipan na
tanong. Maaaring gamitin ang pambabara sa alinmang pagkakataon, maging sa
simpleng diyalogo lamang sa pagitan ng dalawa o higit na magkaibigan o magkakilala,
sa bahay, sa eskuwelahan, sa karinderya, sa mall, sa isang debate, sa pahayagan, sa
dyaryo o periodiko, sa telebisyon, o kahit sa mundo ng politika, lalo
na sa mga hearings sa Senado.
Paano nga ba nauso ang pambabara?
17
Nauso lamang ang pambabara nitong 20th Century, partikular na sa pagitan ng
taong 2009 hanggang 2010 o 2011. Sa halos lahat ng mga blog sites na aking nakita at
nabasa, sinisisi ng karamihan ang pag-usbong ng pambabara sa isang sikat na
kmedyante.
Mahilig bumanat si Vice Ganda ng mga 'pambabara jokes'. Nagsimula ito sa
isang palabas sa ABS-CBN channel 2 na 'Showtime', kung saan isa siya sa mga hurado
ng mga kalahok sa palabas. Sa tuwing siya ay magkokomento, laging may halong biro
na kadalasa'y sasamahan pa ng iba pang mga hosts tulad nina Anne Curtis at Vhong
Navarro. Kapag sumasali naman sila sa biruan, doon na nagsisimula ang barahan.
Naging patok ang 'barahan session' na ito sa mga manonood kaya mula noon dumami
na nang dumami ang mga gumagaya sa komedyante na ito.
Ano kaya ang epekto ng pambabara sa mga tao?
Ipinakita ni Lourd de Veyra, isang TV host, manunulat, aktibista, at dating vocalist ng
Radioactive sago project, sa isang episode ng kanyang palabas na 'Word of the
Lourd' sa TV5 kung gaano na kalala ang sakit na pambabara sa ating lipunan. Sa
episode na ito, kitang kita kung paano nagiging obheto ng pambabara ang mga news
correspondent dahil sa kanilang mga tanong na halata naman ang sagot.
Mayroong ilang negatibo na epekto sa pag-iisip ng kinakausap ang pambabara. Una,
kapag ang kausap ay binabara, ang isang posibleng mangyari ay maaasar lamang siya.
At mas malala pa, pwedeng magkaroon ng inferiority complex (pakiramdam ng isang tao
na wala siyang kuwenta kumpara sa iba) ang isang taong binabara. Iispin niya na dahil
mali ang kanyang tanong, isa na siyang mang-mang o walang kuwentang mag-isip.
Ikalawa, at mas malala, kapag hindi nakuha ng iyong kausap ang biro mo (kung
18
nagbibiro ka lamang) o kung hindi siya nadadala sa mga ganitong uri ng biruan, naku,
mauuwi lamang sa pikunan ang simpleng asaran. Ganito ang kadalasang dahilan kung
bakit marami ang namamatay kapag may mga inuman at lasingan. Hindi naman
maiiwasan ang pagkakaroon ng kaunting barahan at asaran sa pagitan ng mga nag-
iinumang magkakaibigan, ngunit samahan pa ng pagkalasing at tama ng alak, doon na
nagsisimulang gumulo ang lahat.
Isa nang halimbawa ng isang mainit na taktakan ang mga
pangyayari sa senado. Madalas magkaroon ng bangayan sa pagitan ng mga Senador
sa tuwing sila ay magdedebate ukol sa mga isyu ng korapsyon o katiwalian, ekonomiya,
at iba pang mga iskandalo sa lipunan. Kilala sa kanyang mga maaanghang na salita si
Senadora Miriam Defensor Santiago na isa ring lawyer at dating trial judge. Madalas
siyang mambara ng mga tao - mapa-senador man, representative, house-speaker,
hukom, o kahit testigo, na alam niyang may pagkakamali sa gobyerno o nakagawa ng
katiwalian, o talaga lamang naiinis siya sa tao na iyon.
Ating suriin ang paglaganap ng pambabara. Isa marahil dahilan kung bakit nauso
ang pambabara ay dahil sa isa itong bago at kakaibang paraan para
makipagtalastasan sa isang kausap. Gayunpaman, dahil masyado itong impormal,
makikita rin ito bilang pambabastos sa kausap, sapagkat sa pambabara, para na rin
nating minaliit ang pag-iisip ng ating kausap. Ngunit dahil sa ginagawa rin ito ng ibang
artista, gaya na nga ni Vice Ganda, ay nagingviral at ginaya rin ng mga tao. Nagkaroon
na ng nosyon ng normal ang pambabara sa araw-araw na diyalogo ng mga Pilipino.
Pinapatunayan lang nito na minsan, talagang mabenta ang tekstong popular sa mga
tao, na dahil sa sikat ang gumagawa nito, ay siya ring gagayahin ng mga sumusubaybay
rito. Sa madaling sabi, madaling kumalat sa mga tao and ideolohiya ng mga nakatataas
ang antas sa buhay, lalo na kung ito ay benta sa kanila.
19
Ang pambabara ay maaari ngang nakakatuwa, kung minsan nagagamit pa sa
mga biro at kalokohan, ngunit minsan, nagdudulot din ito ng pagkapikon at
kapahamakan. In short, mayroon itong mabuti at masamang epekto.
(http://fil12blogsularte.blogspot.com/2012/02/ang-pambabara-noong-nobenta-
kopong.html)
20
KABANATA III
DISENYO NG PANANALIKSIK AT PAMAMARAANG GINAMIT
PAMAMARAANG GINAMIT
Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng pamamaraang deskriptibo na
sumasaklaw sa mga pangkasalukuyang gawain, kalagayan at mga pamantayan. Sa
ilalim naman ng pamamaraang deskriptibo ay ang impact study na naglalayong alamin
ang epekto ng independent variable sa dependent variable.
RESPONDENTE NG PAG-AARAL
Ang mga piling mag-aaral ng ikatlo at ikaapat na taon ng PUP-LHS Taong
panuruan 2012 – 2013 ang mga naging respondente ng pag-aaral na ito. Ang mga
naturang taon ng sekundarya ang napili ng mga mananaliksik sa dahilang ang kanilang
edad (13 hanggang 17 na taong gulang) ang sentro o pusod ng
pagdadalaga/pagbibinata (adolescent stage), kung saan ay madali silang nakauugnay
sa anumang nabasa, napakinggan at napanood. Isa ring dahilan ang pagiging mulat ng
mga kabataan sa teknolohiya tulad ng kompyuter, telebisyon, cellphone, at iba pang
mga gadyet na maaaring magbigay ng akses sa kahit anong impormasyon sa sadaling
panahon lamang. Dahil sa mga modernong gadyet na ito ay hindi mapigilan ang mabilis
na paglaganap ng mga impluwensya ng midya at sa sandaling panahon ay nagiging
parte na ito ng araw-araw na pamumuhay ng mga tao. Isa na nga rito ang pambabara o
21
pamimilosopo, kung saan ay itinuturing na “viral” dahil sa mabilis na pagpasok sa buhay
ng mga tao partikular na nga sa mga kabataang tulad ng mga mag-aaaral ng PUP-LHS.
Ang pananaliksik ay itutuon sa mga estudyanteng kabilang sa ikatlo at ikaapat na
taon ng PUP-LHS. Ang kabuuang populasyon ng ikatlong taon ay 139 na mag-aaral,
kung saan binubuo ito ng 67 mag-aaral na lalaki at 71 mag-aaral na babae. At ang
kabuuang populasyon ng ikaapat na taon naman ay 136 na mag-aaral, kung saan
binubuo ito ng 69 na mag-aaral na lalaki at 67 na mag-aaral na babae.
Ang kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa ikatlo at ikaapat na taon ay 275 mag-
aaral, at 40% sa mga ito ay ang mga magiging respondente sa pag-aaral. Ang
kabuuang bilang ng magiging respondent ay 110 mag-aaral, ang 55 na respondent ay
magmumula sa ikatlong taon at 55 ay magmumula sa ikaapat na taon.
INSTRUMENTONG GINAMIT
Ang pananaw ng mga mag-aaral na nagsilbing mga respondente sa epekto ng
pambabara sa aspetong sosyal at sikolohikal ay napalitaw sa pamamagitan ng paggawa
ng talatanungan ng mga mananaliksik.
Kabilang sa talatanungan na ito ay ang ilang pampersonal na katanungan tulad
ng pangalan (ito’y opsyonal), edad, taon/pangkat, at kasarian ng mga piling
respondente. Kasama rin sa talatanungan na ginawa ng mga mananaliksik ay ang
labing isang (11) katanungan na maaaring tumugon/tutugon sa mga suliranin sa napiling
paksa na inilahad ng mga mananaliksik. Kaugnay ng mga katanungan na nailahad ay
ang ilang pagpipiliang mga kasagutan na magbibigay linaw sa mga katanungan at
tutulong upang mabuo ang pananaliksik na ito.
22
Upang masagot kung ano ang sariling pananaw ng mga respondente sa mga
katanungan na maaaring tumugon sa epekto ng pambabara o pamimilosopo sa
aspetong sosyal at sikolohikal, ay mamarkahan nila ito ng tsek sa patlang tapat ng
kanilang napiling kasagutan.
Sa pamamagitan ng mga datos na nakalap, pinag-aralan ito ng mabuti ng mga
mananaliksik at pinagtibay din ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pagtipon ng
mga kaugnay na pag-aaral at literatura sa paksang tinatalakay ng mga mananaliksik.
Ito’y kanilang isinagawa sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga silid-aklatan at sila rin
ay gumamit ng internet. Ang Kaalaman at karanasan ng mga mananaliksik ay ginamit
din upang magbigay tulong sa pagbuo ng pag-aaral na ito.
PANGANGALAP NG DATOS
Sa pangangalap ng datos, gumamit ng iba't ibang sanggunian hinggil sa paksa
ng pananaliksik. Nagtungo ang mga mananaliksik sa Pambansang Aklatan upang
humanap ng mga pag-aaral at literaturang kaugnay ng ginagawang pag-aaral. Ilan sa
mga pinagmulan ng mga impormasyon ay mga libro na may mga paksang maaaring
iugnay sa paksa ng pananaliksik. Sinangguni din ng mga mananaliksik ang internet
upang makahanap pa ng mga karagdagang datos upang magawa ang balangkas
teoretikal at sanligang kasaysayan ng kabanata 1. Gumamit din ng mga talatanungan sa
pangangalap ng datos kung saan mahihinuha mismo sa mga magiging sagot ng mga
respondente ang kalutasan ng suliranin. Ang mga napiling respondente ay isa-isang
tinanong at nilapitan upang sagutan ang talatanungan. Pagkatapos, ay isa-isang tinipon
ang mga kopya ng mga nasagutang talatanungan upang tayain ang mga naging
kasagutan ng mga respondente para sa kompyutasyong estadistika.
23
KOMPYUTASYONG ESTADISTIKA
Sa pananaliksik na ito, ang pagkuha o pagkompyut ng porsyento ng mga sagot
sa pag-aaral ay ginamitan ng pormyula. Ang pormyulang ito ay:
P = f/N x 100
Kung saan:
P = Porsyento
F = Bilang ng mga sumagot
N = kabuuang bilang ng mga respondente
24
KABANATA IV
PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAHALAGA SA MGA DATOS
Talahanayan Blg. 1
Kahulugan ng Pambabara Para sa mga Estudyante sa PUP - LHS
KAHULUGAN DAMI/BILANG BAHAGDAN
Katuwaan 59 53.64 %
Nakakasakit na salita 28 25.45 %
Parte ng pakikisama 20 18.18 %
Iba Pa 3 2.73 %
KABUUAN 110 100%
Para sa unang katanungang “Ano ang pambabara para sa iyo?” sa 100% ay may
53.64% o sa 110 na respondente, ay may 59 na respondente ang nagsabing ang
pambabara ay isang katuwaan. Habang may bahagdan na 25.45% o katumbas ng 28
na respondente ang nagsabing ito ay nakakasakit na salita. Samantalang may
bahagdan na 18.18% o katumbas ng 20 na respondente ang nagsabing ito ay parte ng
pakikisama. At may bahagdan na 2.73% o may katumbas ng 3 na respondente ang
may iba pang pakahulugan ng pambabara. Ayon sa kanila, ito ay pambabastos,
25
walang katuturan na usapan, at may nagsabing ang kahulugan ay depende sa klase
ng pambabara.
Ayon sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang pagsasarbey, lumalabas na
ang pagpapakahulugang “Ang pambabara ay isang katuwaan” ang may pinakamalaking
bahagdan (53.64% o 59 na respondente). Samantala, lumalabas na ang mga ibang
pagpapakahulugan ng mga respondente ang nakakuha ng pinakamaliit na bahagdan
(2.73% o 3 na respondente).
Pigura Blg. 1
Grapikong Representasyon ng mga Kasagutan sa Kahulugan ng Pambabara sa
mga Estudyante sa PUP – LHS
26
Talahanayan Blg. 2
Dalas ng Pambabara ng mga Estudyante sa PUP – LHS
DALAS DAMI/BILANG BAHAGDAN
palagi 14 12.73%
madalas 36 32.73%
paminsan-minsan 45 40.91%
bihira 14 12.73%
hindi 1 0.90%
KABUUAN 110 100%
Para sa ikalawang katanungang “Gaano ka kadalas mambara?” sa 100% ay may
bahagdan na 40.71% o sa 110 na respondente, may katumbas na 45 na respondente
ang nagsabing sila’y paminsan-minsan mambara. Habang may bahagdan na 32.73%
o katumbas ng 36 na respondente ang nagsabing sila’y madalas mambara.
Samantalang may 12.73% o 14 na respondente ang nagsabing sila’y palagi
mambara. May bahagdan na 12.73% o katumbas ng 14 na respondente ang
nagsabing sila’y bihira mambara. At may bahagdan na 0.90% o katumbas ng isang
respondente ang nagsabing siya’y hindi nambabara.
27
Ayon sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang pagsasarbey, lumalabas na
ang mga respondente ay paminsan-minsan mambara, ito ang may pinakamalaking
bahagdan (40.71% o 45 na respondente). Samantala, lumalabas na may nag-iisang
respondente ang hindi nambabara, ito ang nakakuha ng pinakamaliit na bahagdan
(0.90% o isang respondente).
Pigura Blg. 2
Grapikong Representasyon ng mga Kasagutan sa Dalas ng Pambabara ng mga
Estudyante sa PUP - LHS
28
Talahanayan Blg. 3
Dalas na Nababara ang mga Estudyante sa PUP – LHS
DALAS DAMI/BILANG BAHAGDAN
Palagi 13 11.82%
madalas 46 41.82%
Paminsan-minsan 34 30.91%
bihira 16 14.55%
hindi 1 0.90%
KABUUAN 110 100%
Para sa ikatlong katanungang “Gaano ka kadalas binabara?” sa 100% ay may
bahagdan na 41.82% o sa 110 na respondente, katumbas ng 46 na respondente ang
nagsabing madalas silang mabara. May bahagdan na 30.91% o 34 na respondente
ang ayon sa kanila ay paminsan minsan lang silang mabara. Mayroon namang
bahagdang 14.55% o 16 na respondente ang sumagot na bihira lang silang mabara.
Mayroon namang bahagdang 11.82% o katumbas ng 13 na respondente ang
nagsabing palagi silang nababara. At bahagdang 0.90% o katumbas ng isang
respondente ang nagsabing hindi pa siya nababara.
Ayon sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang pagsasarbey, lumalabas na
ang mga respondente ay madalas mabara, ito ang may pinakamalaking bahagdan
29
(41.82% o 46 na respondente). Samantala, lumalabas na may nag-iisang respondente
ang hindi pa nababara, ito ang nakakuha ng pinakamaliit na bahagdan (0.90% o isang
respondente).
Pigura Blg. 3
Grapikong Representasyon ng mga Kasagutan sa Dalas na Nababara ang mga
Estudyante sa PUP - LHS
30
Talahanayan Blg. 4
Mga Sitwasyong Nababara ang mga Estudyante sa PUP – LHS
SITWASYON DAMI/BILANG BAHAGDAN
Pormal na usapan 3 2.73%
Kwentuhan 95 86.36%
Madamdaming usapan 8 7.27%
Iba pa 4 3.64%
KABUUAN 110 100%
.
Para sa ikaapat na katanungang “Sa anong sitwasyon ka madalas nababara?”
sa 100% ay may bahagdang 86.36% o 95 na respondente ang nagsabing sa
kwentuhan ito nangyayari. Samantalang may bahagdang 7.27% o katumbas na 8 na
respondente na nagsabing nababara sila sa madamdaming usapan. Mayroon
namang bahagdang 3.64% o 4 na respondente na nagsabing sa biruan, walang
katuturang usapan, kapag nagkamali o kapag nagpapataasan ng pride. Mayroon
din namang bahagdang 2.73% o katumbas ng 3 na respondente ang nagsabing kapag
pormal na usapan sila madalas mabara.
Ayon sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang pagsasarbey,
lumalabas na ang mga respondente ay madalas nababara habang sila’y
nagkukwentuhan, ito ang may pinakamalaking bahagdan (86.36% o 95 na
31
respondente). Samantala, lumalabas na ang mga respondente ay madalas nababara
habang sila’y nasa isang pormal na usapan, ito ay nakakuha ng pinakamaliit na
bahagdan (2.73% o 3 na respondente).
Pigura Blg. 4
Grapikong Representasyon ng mga Kasagutan sa Mga Sitwasyong Nababara ang
mga Estudyante sa PUP – LHS
32
Talahanayan Blg. 5
Mga Sitwasyong Nambabara ang mga Estudyante sa PUP – LHS
SITWASYON DAMI/BILANG BAHAGDAN
Pormal na usapan 5 4.55%
Kwentuhan 94 85.45%
Madamdaming usapan 9 8.18%
Iba pa 2 1.82%
KABUUAN 110 100%
Para sa ikalimang katanungang “Sa anong sitwasyon ka kadalasang
nambabara?” sa 100% ay may bahagdang 85.45% o 94 na respondente ang
nagsabing sa kwentuhan. Samantala, may bahagdang 8.18% o 9 na respondente ang
nagsabing nambabara sila sa madamdaming usapan. Mayroon namang bahagdang
4.55% o katumbas ng 5 na respondente ang nagsabing sa pormal na usapan sila
madalas mambara at may bahagdang 1.82% o 2 na respondente ang nagsabing sa
biruan o sa walang katuturang usapan.
Ayon sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang pagsasarbey, lumalabas na
ang mga respondente ay madalas nambabara habang sila’y nagkukwentuhan, ito ang
may pinakamalaking bahagdan (85.45% o 94 na respondente). Samantala, lumalabas
33
na ang mga respondente ay madalas nambabara habang sila’y nagbibiruan o sa walang
katuturang usapan, ito ay nakakuha ng pinakamaliit na bahagdan (1.82% o 2 na
respondente).
Pigura Blg. 5
Grapikong Representasyon ng mga Kasagutan sa Mga Sitwasyong Nambabara
ang mga Estudyante sa PUP – LHS
34
Talahanayan Blg. 6
Mga Impluwensiya ng Pambabara sa mga Estudyante ng PUP – LHS
MGA IMPLUWENSIYA DAMI/BILANG BAHAGDAN
Kaibigan/kabarkada 85 77.27%
Midya 14 12.73%
Pamilya 0 0%
Kamag-aral 10 9.09%
Iba pa 1 0.90%
KABUUAN 110 100%
Para sa ikaanim na katanungang “Ano sa tingin mo ang
pinakanakakaimpluwensya sa pambabara?” sa 100% ay may bahagdang 77.27% o sa
110 na respondente, may 85 na respondente ang nagsabing ang
pinakanakakaimpluwensya sa pambabara ay kaibigan o kabarkada. May bahagdan na
12.73% o katumbas na 14 na respondente ang nagsabing ito ay mula sa media. May
nahagdang 9.09% o katumbas ng 10 na respondente ang nagsabing ito ay mula sa
kamag-aral. May bahagdan na 0.90% o katumbas ng isang respondente ang may
ibang kasagutan na internet ang pinakanakakaimpluwensya. At may bahagdang 0% o
katumbas ng 0 na respondente ang sumagot ng pamilya.
35
Ayon sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang pagsasarbey, lumalabas na
ang pinakanakakaimpluwensya sa pambabara ay ang kanilang mga kaibigan o
kabarkada, ito ang may pinakamalaking bahagdan (77.27% o 85 na respondente).
Samantala, lumalabas na hindi nakakaimpluwensya ang pamilya sa pambabara ng mga
respondente, ito ay walang bahagdan sa resulta (0% o 0 na respondente).
Pigura Blg. 6
Grapikong Representasyon ng mga Kasagutan sa Mga Impluwensiya ng
Pambabara sa mga Estudyante ng PUP – LHS
36
Talahanayan Blg. 7
Mga Reaksyon ng mga Estudyante ng PUP – LHS Matapos Mabara
MGA REAKSYON DAMI/BILANG BAHAGDAN
naiinis 24 21.82%
nasasaktan 5 4.55%
natatawa 53 48.18%
dedma 28 25.45%
iba pa 0 0%
KABUUAN 110 100%
. Para sa ikapitong katanungang “Ano ang iyong reaksyon sa tuwing ika’y
nababara?” sa 100% ay may 48.18% o sa 110 na respondente, may 53 na
respondente ang nagsabing sila’y natatawa. May bahagdang 25.45% o katumbas ng
28 na respondente ang nagsabing sila’y dedma lang o walang pakialam. May
bahagdan na 21.82% o 24 na respondente ang nagsabing ang kanilang reaksyon ay
naiinis sa tuwing sila’y nababara. May bahagdang 4.55% o katumbas ng 5 na
respondente ang nagsabing sila’y nasasaktan.
Ayon sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang pagsasarbey, lumalabas na
ang pangunahing reaksyon ng mga respondente kapag sila’y nababara ay natatawa, ito
ang may pinakamalaking bahagdan (48.18% o 53 na respondente). Samantala,
37
lumalabas na may iilang respondente ang nasasaktan kapag sila’y nababara, ito ang
nakakuha ng pinakamaliit na bahagdan (4.55% o 5 na respondente).
Pigura Blg. 7
Grapikong Representasyon ng mga Kasagutan sa Mga Reaksyon ng mga
Estudyante ng PUP – LHS Matapos Mabara
38
Talahanayan Blg. 8
Epekto ng Pambabara sa Aspetong Sosyal ng mga Estudyante sa PUP – LHS
MGA EPEKTO DAMI/BILANG BAHAGDAN
Pakikisalamuha sa ibang
tao25 22.73%
Nagiging dahilan ng hindi
pagkakaunawaan sa
pagitan ng magkakaibigan
39 35.45%
Sumasaya ang usapan 31 28.18%
Masamang impresyon sa
iyo ng ibang tao10 9.09%
Madalang na pakikipag-
usap sa iyo ng ibang tao3 2.73%
Iba pa 2 1.82
KABUUAN 110 100%
Para sa ikawalong katanungang “Ano ang kabuuang epekto ng pambabara sa
aspetong sosyal ng isang tao?” sa 100% ay may 35.45% o sa 110 na respondente, may
39 na respondente ang nagsabing ito ay nagiging dahilan ng hindi
pagkakaunawaan sa pagitan ng magkakaibigan. May bahagdang 28.18% o 31 na
respondente ang nagsabing sumasaya ang usapan. May bahagdang 22.73% o 25 na
respondente ang nagsabing ang epekto ng pambabara sa aspetong sosyal ng isang
tao ay pakikisalamuha sa ibang tao. May bahagdan na 9.09% o katumbas ng 10 na
39
respondente ang nagsabing magkakaroon ng masamang impresyon sa’yo ang
ibang tao. May bahagdang 2.73% o katumbas ng 3 na respondente ang nagsabing
magiging madalang ang pakikipag-usap sa’yo ng ibang tao. At may bahagdang
1.82% o katumbas ng 2 na respondente ang may ibang kasagutan na ang epekto nito
ay depende sa usapan at hindi napipikon.
Ayon sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang pagsasarbey, lumalabas na
ang nagiging epekto sa aspetong sosyal ng pambabara ay pagiging dahilan ng hindi
pagkakaunawaan sa pagitan ng magkakaibigan, ito ang may pinakamalaking bahagdan
(35.45% o 39 na respondente). Samantala, lumalabas na maaaring ang epekto sa
aspetong sosyal ng pambabara ay depende sa usapan at mayroon ding hindi napipikon,
ito ang nakakuha ng pinakamaliit na bahagdan (1.82% o 2 na respondente).
Pigura Blg. 8
Grapikong Representasyon ng mga Kasagutan sa Epekto ng Pambabara sa
Aspetong Sosyal ng mga Estudyante sa PUP – LHS
40
Talahanayan Blg. 9
Epekto ng Pambabara sa Aspetong Sikolohikal ng mga Estudyante sa PUP – LHS
MGA EPEKTO DAMI/BILANG BAHAGDAN
Bumababa ang kompiyansa
sa sarili35 31.82%
Panandaliang limot sa
problema25 22.73%
Nakagagaan ng damdamin 11 10%
Pagdaramdam sa nasabing
pambabara12 10.91%
Natututo ring mambara 26 23.64%
Iba pa 1 0.90%
KABUUAN 110 100%
41
Para sa ikasiyam na katanungang “Ano ang kabuuang epekto ng pambabara sa
aspetong sikolohikal ng isang tao?” sa 100% ay may 31.82% o sa 110 na respondente,
may 35 na respondente ang nagsabi na ito ay nakakapagpababa ng kompiyansa sa
sarili. May bahagdang 23.64% o katumbas ng 26 na respondente ang sumagot ng
pagkatuto ring mambara. May bahagdan na 22.73% o katumbas ng 25 na
respondente ang nagsabing ito ay nagiging dahilan ng panandaliang pagkalimot ng
problema. May bahagdan na 10.91% o may katumbas na 12 na respondente sumagot
ng padaramdam sa nasabing pambabara. May bahagdan na 10% o 11 na
respondente ang nagsabing ito ay nakakagaan ng damdamin. At may bahagdang
0.90% o katumbas ng isang respondente ang may ibang kasagutan na ang epekto nito
ay depende sa tao.
Ayon sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang pagsasarbey, lumalabas na
ang nagiging epekto sa aspetong sikolohikal ng pambabara ay pagiging dahilan nito ng
pagbaba ng kompiyansa sa sarili, ito ang may pinakamalaking bahagdan (31.82% o 35
na respondente). Samantala, lumalabas na maaaring ang epekto sa aspetong
sikolohikal ng pambabara ay depende sa sa pagkaunawa ng taong nababara, ito ang
nakakuha ng pinakamaliit na bahagdan (0.90% o isang respondente).
Pigura Blg. 9
Grapikong Representasyon ng mga Kasagutan sa Epekto ng Pambabara sa
Aspetong Sikolohikal ng mga Estudyante sa PUP – LHS
42
Talahanayan Blg. 10
Mga Salik ng Pambabara na Nakakaapekto sa Aspetong Sosyal ng mga
Estudyante sa PUP – LHS
MGA SALIK DAMI/BILANG BAHAGDAN
Kapag naimpluwensiyahan 46 41.82%
Kapag nakikisalamuha sa
mga taong nambabara34 30.91%
Kapag napapadalas ang
panonood ng programa sa
telebisyon/ pelikula
14 12.73%
43
Kapag ginagaya kung ano
ang uso16 14.55%
Iba pa 0 0%
KABUUAN 110 100%
Para sa ikasampung katanungang “ Paano nakakaepekto ang pambabara sa
aspetong sosyal ng isang tao?” sa 100% ay may 41.82% o sa 110 na respondente , may
46 na respondente ang nagsabing kapag naiimpluwensyahan. May bahagdang
30.91% o katumbas ng 34 na respondente ang nagsasabing kapag nakikisalamuha
sa mga taong nambabara. May bahagdang 14.55% o 16 na respondente ang
sumagot ng kapag ginagaya kung ano ang uso. At may bahagdan na 12.13% o 14 na
respondente ang nagsabing kapag napapadalas ang panonood ng programa sa
telebisyon.
Ayon sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang pagsasarbey, lumalabas na
nakakaapekto ang pambabara sa aspetong sosyal ng respondente kapag siya ay
naiimpluwensyahan nang mambara tulad ng iba, ito ang may pinakamalaking bahagdan
(41.82% o 46 na respondente). Samantala, wala nang iba pang nakitang salik na
maaaring makaapekto sa aspetong sosyal ng respondente maliban sa mga nabanggit
mula sa pagpipilian, ito ang nakakuha ng pinakamaliit na bahagdan (0.90% o isang
respondente).
Pigura Blg. 10
44
Grapikong Representasyon ng mga Kasagutan sa Mga Salik ng Pambabara na
Nakakaapekto sa Aspetong Sosyal ng mga Estudyante sa PUP – LHS
Talahanayan Blg. 11
Mga Salik na Nakakaapekto sa Aspetong Sikolohikal ng mga Estudyante sa PUP –
LHS
MGA SALIK DAMI/BILANG BAHAGDAN
Kapag nawawalan ng
kompiyansa sa sarili ang
isang nababara
25 22.73%
Kapag iba ang
naipakahulugan ng
32 29.09%
45
pambabara sa taong nabara
Kapag nasanay ang isang
tao sa pagsasagot sa
ganoong paraan ng
pananalita
45 40.91%
Kapag nagmumukhang
mangmang ang binabara6 5.45%
Iba pa 2 1.82%
KABUUAN 110 100%
Para sa huling katanungang “Paano nakakaapekto ang pambabara sa aspetong
sikolohikal ng isang tao?” sa 100% may 40.91% o sa 110 na respondete, may 45 na
respondente ang sumagot ng kapag nasanay ang isang tao sa pagsagot sa
ganoong paraan ng pananalita. May bahagdang 29.09% o katumbas ng 32 na
respondente ang nagsabing kapag iba ang naipakahulugan ng pambabara sa taong
nabara. May bahagdan na 22.73% o 25 na respondente ang sumagot ng kapag
nawawalan ng kompiyansa sa sarili ang isang taong nababara. May bahagdang
5.45% o 6 na respondente ang nagsabing kapag nagmumukhang mangmang ang
binabara. At may bahagdan na 1.82% o 2 respondente ang may ibang kasagutan na
ito katuwaan at nakakasaya.
Ayon sa mga nakalap na datos mula sa isinagawang pagsasarbey, lumalabas na
nakakaapekto ang pambabara sa aspetong sikolohikal ng respondente kapag nasanay
ang isang tao sa pagsasagot sa ganoong paraan ng pananalita, ito ang may
46
pinakamalaking bahagdan (40.91% o 45 na respondente). Samantala, lumalabas na
may iba pang salik na maaaring nakakaapekto sa aspetong sikolohikal ng respondente,
ito ang nakakuha ng pinakamaliit na bahagdan (1.82% o 2 na respondente).
Pigura Blg. 11
Grapikong Representasyon ng mga Kasagutan sa Mga Salik na Nakakaapekto sa
Aspetong Sikolohikal ng mga Estudyante sa PUP – LHS
KABANATA V
PAGLALAGOM, NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
Sa kabanatang ito nakasaad ang naging pangkalahatang resulta ng ginawang
pag-aaral. Kabilang na rin ang mga natuklasan, kongklusyon at rekomendasyon ng mga
47
mananaliksik na siyang makatutulong upang mas maintindihan ang mga katanungan
tungkol sa pambabara sa pamamagitan ng “Epekto ng Pambabara o Pamimilosopo
sa Aspetong Sosyal at Sikolohikal sa mga Piling Mag-aaral ng PUP Laboratory
High School sa T.A. 2012-2013”
PAGLALAGOM
Sa unang kabanata, tinalakay ang panimula ng pag-aaral at maging ang mga
pag-aaral na siyang nagpapatibay sa napiling paksa. Kabilang din dito ang mga
suliraning binIgyang kasagutan sa tulong ng pananaliksik gayundin ang mga teoryang
may kaugnayan sa pag-aaral. Sa ikalawang kabanata, inilahad ang mga pag-aaral at
literaturang kaugnay sa pagpapalawak ng pananaliksik. Sa ikatlong kabanata, nakasaad
ang mga pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik gayundin ang kompyutasyong
istadistika upang matukoy ang porsyento ng mga naging kasagutan ng mga
respondente sa sarbey.
NATUKLASAN
Ang mga bagay na nakalahad dito ay ang mga natuklasan sa isinagawang pag-
aaral. Ang mga ito ay ayon sa mga nakuhang sagot mula sa mga respondente na mag-
aaral ng PUP-LHS nasa ikatlo at ika-apat na taon.
Natukalasan ng mga mananaliksik:
1. Na sa 100% ay may 53.64% o sa 110 na respondente, ay may 59 na
respondente ang nagsabing ang pambabara ay isang katuwaan. Habang
48
may bahagdan na 25.45% o katumbas ng 28 na respondente ang
nagsabing ito ay nakakasakit na salita. Samantalang may bahagdan na
18.18% o katumbas ng 20 na respondente ang nagsabing ito ay parte ng
pakikisama. At may bahagdan na 2.73% o may katumbas ng 3 na
respondente ang may iba pang pakahulugan ng pambabara. Ayon sa
kanila, ito ay pambabastos, walang katuturan na usapan, at may
nagsabing ang kahulugan ay depende sa klase ng pambabara.
2. Na sa 100% ay may 12.73% o sa 110 na respondente, may 14 na
respondente ang nagsabing sila’y palagi mambara. Habang may
bahagdan na 32.73% o katumbas ng 36 na respondente ang nagsabing
sila’y madalas mambara . Samantalang may bahagdan na 40.71% o
katumbas ng 45 na respondente ang nagsabing sila’y paminsan-minsan
mambara. May bahagdan na 12.73% o katumbas ng 14 na respondente
ang nagsabing sila’y bihira mambara. At may bahagdan na 0.90% o
katumbas ng isang respondente ang nagsabing siya’y hindi nambabara.
3. Na sa 100% ay may 11.82% o sa 110 na respondente, may 13 na
respondente ang nagsabing palagi silang nababara. Mayroon namang
bahagdan na 41.82% o katumbas ng 46 na respondente ang nagsabing
madalas silang mabara. May bahagdan na 30.91% o 34 na respondente
ang ayon sa kanila ay paminsan minsan lang silang mabara. Mayroon
namang bahagdang 14.55% o 16 na respondente ang sumagot na bihira
lang silang mabara. At bahagdang 0.90% o katumbas ng isang
respondente ang nagsabing hindi pa siya nababara.
49
4. Na sa 100% ay may bahagdang 2.73% o katumbas ng 3 na respondente
ang nagsabing kapag pormal na usapan sila madalas mabara. Mayroon
namang bahagdang 86.36% o 95 na respondente ang nagsabing sa
kwentuhan ito nangyayari. Samantalang may bahagdang 7.27% o
katumbas na 8 na respondente na nagsabing nababara sila sa
madamdaming usapan. Mayroon din namang bahagdang 3.64% o 4 na
respondente na nagsabing sa biruan, walang katuturang usapan, kapag
nagkamali o kapag nagpapataasan ng pride.
5. Na sa 100% ay may bahagdang 4.55% o katumbas ng 5 na respondente
ang nagsabing sa pormal na usapan sila madalas mambara. Mayroon
namang bahagdang 85.45% o 94 na respondente ang nagsabing sa
kwentuhan. Samantala, may bahagdang 8.18% o 9 na respondente ang
nagsabing nambabara sila sa madamdaming usapan at may bahagdang
1.82% o 2 na respondente ang nagsabing sa biruan o sa walang
katuturang usapan.
6. Na sa 100% ay may bahagdang 77.27% o sa 110 na respondente, may
85 na respondente ang nagsabing ang pinakanakakaimpluwensya sa
pambabara ay kaibigan o kabarkada. May bahagdan na 12.73% o
katumbas na 14 na respondente ang nagsabing ito ay mula sa media.
May bahagdang 0% o katumbas ng 0 na respondente ang sumagot ng
pamilya. May nahagdang 9.09% o katumbas ng 10 na respondente ang
nagsabing ito ay mula sa kamag-aral. At may bahagdan na 0.90% o
50
katumbas ng isang respondente ang may ibang kasagutan na internet
ang pinakanakakaimpluwensya.
7. Na sa 100% ay may 21.82% o sa 110 na respondente, may 24 na
respondente ang nagsabing ang kanilang reaksyon ay naiinis sa tuwing
sila’y nababara. May bahagdang 4.55% o katumbas ng 5 na respondente
ang nagsabing sila’y nasasaktan. May bahagdan na 48.18% o 53 na
respondente ang nagsabing sila’y natatawa. May bahagdang 25.45% o
katumbas ng 28 na respondente ang nagsabing sila’y dedma lang o
walang pakialam.
8. Na sa 100% ay may 22.73% o sa 110 na respondente, may 25 na
respondente ang nagsabing ang epekto ng pambabara sa aspetong
sosyal ng isang tao ay pakikisalamuha sa ibang tao. May bahagdang
35.45% o katumbas ng 39 na respondente ang nagsabing ito ay nagiging
dahilan ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng magkakaibigan. May
bahagdang 28.18% o 31 na respondente ang nagsabing sumasaya ang
usapan. May bahagdan na 9.09% o katumbas ng 10 na respondente ang
nagsabing magkakaroon ng masamang impresyon sa’yo ang ibang tao.
May bahagdang 2.73% o katumbas ng 3 na respondente ang nagsabing
magiging madalang ang pakikipag-usap sa’yo ng ibang tao. At may
bahagdang 1.82% o katumbas ng 2 na respondente ang may ibang
kasagutan na ang epekto nito ay depende sa usapan at hindi napipikon.
51
9. Na sa 100% ay may 31.82% o sa 110 na respondente, may 35 na
respondente ang nagsabi na ito ay nakakapagpababa ng kompiyansa sa
sarili. May bahagdan na 22.73% o katumbas ng 25 na respondente ang
nagsabing ito ay nagiging dahilan ng panandaliang pagkalimot ng
problema. May bahagdan na 10% o 11 na respondente ang nagsabing ito
ay nakakagaan ng damdamin. May bahagdan na 10.91% o may
katumbas na 12 na respondente sumagot ng padaramdam sa nasabing
pambabara. May bahagdang 23.64% o katumbas ng 26 na respondente
ang sumagot ng pagkatuto ring mambara. At may bahagdang 0.90% o
katumbas ng isang respondente ang may ibang kasagutan na ang epekto
nito ay depende sa tao.
10. Na sa 100% ay may 41.82% o sa 110 na respondente , may 46 na
respondente ang nagsabing kapag naiimpluwensyahan. May bahagdang
30.91% o katumbas ng 34 na respondente ang nagsasabing kapag
nakikisalamuha sa mga taong nambabara. May bahagdan na 12.13% o
14 na respondente ang nagsabing kapag napapadalas ang panonood ng
programa sa telebisyon. At may bahagdang 14.55% o 16 na respondente
ang sumagot ng kapag ginagaya kung ano ang uso.
11. Na sa 100% may 22.73% o sa 110 na respondete, may 25 na
respondente ang sumagot ng kapag nawawalan ng kompiyansa sa sarili
ang isang taong nababara. May bahagdang 29.09% o katumbas ng 32 na
respondente ang nagsabing kapag iba ang naipakahulugan ng
pambabara sa taong nabara. May bahagdan na 40.91% o katunmbas ng
45 na respondente ang sumagot ng kapag nasanay ang isang tao sa
52
pagsagot sa ganoong paraan ng pananalita. May bahagdang 5.45% o 6
na respondente ang nagsabing kapag nagmumukhang mangmang ang
binabara. At may bahagdan na 1.82% o 2 respondente ang may ibang
kasagutan na ito katuwaan at nakakasaya.
KONGKLUSYON
Batay sa aming isinagawang sarbey at mga datos na nakalap ng aming
mananaliksik ay lumalabas na ang mga mag-aaral ng PUP LABORATORY HIGH
SCHOOL na nasa ikatlo at ika-apat na taon ay ginagamit ang pambabara upang mas
sumaya ang kwentuhan at magkaroon ng kaunting katuwaan. Mula sa mga natuklasan
ng mga mananaliksik ay naglalahad ng mga sumusunod na konklusyon:
1. Ang pagpapakahulugan ng karamihan sa aming mga respondente sa
pambabara ay isang katuwaan.
2. Madalas sila mabara subalitpaminsan-minsan lang sila mambara.
3. Madalas silang nababara at nambabara habang sila’y nagkukwentuhan.
4. Pinakanakakaimpluwensya sa pambabara ay ang kanilang mga kaibigan
o kabarkada.
5. Ang pangunahing reaksyon nila kapag sila’y nababara ay natatawa, may
iilan din na nasasaktan kapag sila’y nababara.
6. Ang nagiging epekto sa aspetong sosyal ng pambabara ay pagiging
dahilan ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng magkakaibigan.
7. Ang nagiging epekto sa aspetong sikolohikal ng pambabara ay pagiging
dahilan nito ng pagbaba ng kompiyansa sa sarili.
53
8. Nakakaapekto ang pambabara sa aspetong sosyal ng respondente
kapag siya ay naiimpluwensyahan nang mambara tulad ng iba.
9. At nakakaapekto ang pambabara sa aspetong sikolohikal ng respondente
kapag nasanay ang isang tao sa pagsasagot sa ganoong paraan ng
pananalita.
REKOMENDASYON
Para sa mga nais na ipagpatuloy ang pag-aaral na ito, ang mga mananaliksik ay
minumungkahi na:
1. Mas palawakin ang pangangalap ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura na
magmumula sa mga aklat.
2. Kuhanan ng pananaw ang iba pang mga tao sa lipunan maliban sa napiling
respondente ng mga mananaliksik.
3. Magsagawa ng panayam sa mga eksperto na may kaalaman sa maaring maging
iba pang epekto ng pambabara o pamimilosopo sa sosyal at sikolohikal na
aspeto.
4. Lawakan ang pag-aaral tungkol sa mga nakapag-ambag sa pag-usbong ng
nauusong paraan ng pakikipagtalastasan ng mga tao sa lipunan, ang
pambabara.
5. Paunlarin ang mga tanong sa talatanungan na makakatulong sa pagpapatibay sa
mga natuklasan ng mga mananaliksik.