11
Sinong nagka-Sala? ni Alacpa Isa siya roon sa mga mapaghalina’t magandang babaeng kung minsan ay ipinanganak mula sa angkan ng mga mapagbigay-aliw Wala siya ni kahit ano, walang paraan para makilala, walang maipagmamalaki at higit sa lahat isang bagay lamang ang alam niyang makakapansin sa kanya at yaong likas na karikitan at hubog ng pangangatawan. Sa isang lugar na kinabibilangan ng mga taong hanap lamang ay lumigaya, kahit panandaliang aliw ay papatusin mapawi lamang ang kalam na nararanasan. Paboritong pasyalan ng mga parokyano, mga amoy-lupa at kahit mga bata-bata. Sa kanyang mundong kinabibilangan ang mamatay na dilat ay natural na lamang, kapag hindi ka gumalaw tiyak madededbol ka na lang ng walang kalaban- laban. “Hi mga bossing! Anu po gusto niyong gwain ko sa inyo na ikaliligaya niyo? Gusto niyo ba ng onting pampainit jan? “kahit ano? Pwede naman humiling eh... sayang din to pampabuhay ng natutulog niyong mga laman” sambit ng dalaga habang hinihimas- himas ang baikat ng mga parokyano. “Oh sige pero sa isang kundisyon uupo ka rito kasama naming lahat, paliligayahin at sasamahan kami umubos nitong mga alak na inumin natin sa buong magdamag”. Hirit ng mga kalakihang bangenge na sa alak. 1

Sinong Nagkasala:Maikling kwento

  • Upload
    bryan

  • View
    169

  • Download
    5

Embed Size (px)

DESCRIPTION

ito ay sulatin na mula lamang sa isang kathang isipin. alay ko sa mga taong nakauugnay sa mga pangyayari sa maikling kwento. maligayang pagbabasa!

Citation preview

Page 1: Sinong Nagkasala:Maikling kwento

Sinong nagka-Sala?

ni Alacpa

Isa siya roon sa mga mapaghalina’t magandang babaeng kung minsan ay

ipinanganak mula sa angkan ng mga mapagbigay-aliw Wala siya ni kahit

ano, walang paraan para makilala, walang maipagmamalaki at higit sa lahat

isang bagay lamang ang alam niyang makakapansin sa kanya at yaong likas

na karikitan at hubog ng pangangatawan.

Sa isang lugar na kinabibilangan ng mga taong hanap lamang ay lumigaya,

kahit panandaliang aliw ay papatusin mapawi lamang ang kalam na

nararanasan. Paboritong pasyalan ng mga parokyano, mga amoy-lupa at

kahit mga bata-bata. Sa kanyang mundong kinabibilangan ang mamatay na

dilat ay natural na lamang, kapag hindi ka gumalaw tiyak madededbol ka na

lang ng walang kalaban-laban.

“Hi mga bossing! Anu po gusto niyong gwain ko sa inyo na ikaliligaya niyo?

Gusto niyo ba ng onting pampainit jan?

“kahit ano? Pwede naman humiling eh... sayang din to pampabuhay ng

natutulog niyong mga laman” sambit ng dalaga habang hinihimas-himas ang

baikat ng mga parokyano.

“Oh sige pero sa isang kundisyon uupo ka rito kasama naming lahat,

paliligayahin at sasamahan kami umubos nitong mga alak na inumin natin sa

buong magdamag”. Hirit ng mga kalakihang bangenge na sa alak.

Makalipas ang ilang oras ay agad naman napatumba ng dalaga ang grupo ng

kalalakihan sabay takas tangan-tangan ang malaking tip na bigay ng mga

nakainuman. Agad na nag-ayos ang dalaga dahil para sa kanya ay hindi pa

sapat ang kwartang nakuha upang maiuwi sa mga supling at mala-buwayang

asawa. Maya-maya pa’y agad na tinawag ni Paula na kanyang kasamahan

at matalik na kaibigan.

1

Page 2: Sinong Nagkasala:Maikling kwento

“Erlinda..Erlinda, oy bruha ka bilisan mo na magpaganda! May nag-aantay

sayong papa sa labas mukhang bagong kostumer ah!

“Oo nandyan na sino ba yun? Parang wala naman akong inaasahan na

dadalaw sa’kin ngayon ah?! Pagtatakang sambit ng dalaga.

Nang makalabas ay agad na bumungad ang binata may katangkaran,

moreno, kumikislap-kislap at naninilaw na katawan at halatang balik-bayan,

dala-dala ang mabango at mapupulang rosas na halatang pinagkagastusan.

Kitang-kita sa mga mata ng dalaga ang pagtataka at pahapyaw na

pagkakilig sa binatang dumalaw. Batid ng dalaga na wala naman siyang

naging matalik na lalaking kaibigan maliban lang sa kanyang mga nakatalik

mula ng siya ang mag-umpisang mamuhunan ng ganda sa bahay-aliwan.

“Ikaw ba si Erlinda?” tanung ng binata sa dalaga na may halong kaba at pag-

aalinlangan.

Hinahanap mo daw ako? Bakit? Wala naman akong natatandaang manliligaw

ko para sa linggong ito ah!” pabirong sabi ng dalaga.

“O baka naman nagkakamali ka lang ng napuntahan” pagtatangging sambit

ng dalaga.

“Hindi ako nagkamali ng napuntahan at mas lalong hindi ako nagkamali ng

taong aking hinahanap, wala akong ibang taong hinahanap kundi ikaw

walang iba Erlinda!”. Matapang na sagot ng binata matapos mapanghinaan

ng loob.

“Erlinda? Sino ‘yon? Walang naman kaming kilalang Erlinda rito eh! Baka

naman nagkamali ka lang ho ng napuntahan.”

“ hindi alam ko ikaw si Erlinda ang matalik kong kababata, Walang iba!, hindi

mo na ba ako natatandaan? Si Rodante ito ang matalik mong kababata

natatandaan mo pa ba?”

2

Page 3: Sinong Nagkasala:Maikling kwento

“Hindi talaga eh! Pasensya ka na talaga wala akong natatandaang Rodante!”

“eh sa dami pa naman ng mga naging kostumer ko matatandaan ko pa ba

‘yon lahat?! ha ha ha ha” ang mapang-asar na sagot ng dalaga.

“ah ganun ba! Ipagpaumanhin mo kung naabala kita.. pasensya na talaga..

ito oh sayo na ‘tong rosas pambayad sa pang-aabala ko.

Matapos ang pag-uusap ay agad na umalis ang binata at iniwan ang rosas sa

dalaga. Bakas sa mukha ng binata ang pagkadismaya dahil sa pag-aakalang

makikilala pa siya ni Erlinda Makalipas ang pag-alis ni Rodante ay agad na

napaisip ang dalaga tungkol sa binatang dumalaw sa kanya. Tila inuusig siya

ng kanyang konsiyensya dahil sa kanyang ginawa ngunit, batid niyang mali

ang ginawa niya pero iyon lamang ang natatanging paraan para matakasan

na ang mga ala-ala ng nagdaang panahon at di na muling paasahin ang

kababata sa inaasahan nitong mangyari.

Para sa kanya ay nilmot na niya ang nakaraan at wala siyang pinagsisisihan

sa kanyang mga naging desisyon.dagdag pa niya, wala naman siyang

natatandaang manliligaw o di kaya’y naging matalik na kaibigan sa ekswela

maliban lamang sa lalaking itinuring niyang kapatid mula sa kanyang

kamusmuan ito’y walang iba kundi si Marlon at Rodante.

Nagsimula ang kanilang samahan mula noong mga bata pa sila. Simula nang

magpantay ang paa ng kanyang ina siya’y lubusan ng nangulila at walang

kinagisnang kapatid ni-isa hanggang sa lumaki, swerte na lamang niya ng

kukupin siya at arugain nang kanyang madrasta na walang ibang gawin

kundi alipinin at bugbugin. At sa murang edad ay natuto nang tumayo sa

sariling paa at dito na niya nakilala ang kababatang si Rodante.

Tulad din ni Erlinda, si Rodante at Marlon ay kapwa nagmula rin sa ulilang

pamilya. Musmos pa lamang ng iwan at pagtabuyan ng sariling pamilya.

Naging matalik na magkaibigan ang tatlo simula ng magsama sa pagtitinda

3

Page 4: Sinong Nagkasala:Maikling kwento

ng Sampaguita sa simbahan ng Concepcion. Halos magkapatid na ang

turingan ng magkababata dahil sa pag-aalagang ipinadadarama nila sa isa’t

isa.

Dumating ang araw na siyang pinakamasakit para kay Erlinda dahil ang

matalik na kaibigang si Dante ay lumisan na, ni-sinuman ay walang

nakaaalam kung nasa’n siya kahit mga katropa nito sa kanto labas-bakod ay

walang alam tungkol sa kinaroroonan nito. Kung kaya’t tanging si Marlon na

lamang ang nagsilbing tagapagtanggol at pumunan ng lahat ng kakulangan

ni Dante.

At sa edad na trese anyos ay tumimo na sa isip ng dalaga na wala na nga

ang matalik niyang kaibigan, ang lalaking pro-protekta at makakasama niya

pagdating ng panahon. At kailanman ay hindi na ito magbabalik at nangako

sa sarili na hindi na magmamahal at magtitiwala pang muli.

“take it off, take it off, take it off!”

“huuuuuhhh sige ihubad mo na yan!”

“hubad na! hubad na! tagal naman!”

“hubarin mo na kasi nang magkaalaman na!”

“tagal naman…!”

Ang mga tinig ng bulyawan at sigawan ng mga kalalakihang nais makakita

ng bago at kakaiba mula sa mga dalagang umiindak-indak, mapanuksong

naghuhubad ng pulang damit, tumatalon-talon sa kabuuan ng tanghalan sa

saliw ng nakabibinging hiyawan at sigawan. Tila walang buto ang mga

dalagang ito dahil sa husay at lupet nito sa bakal na poste, giling dito, giling

doon iyan ang buhay na kinabibilangan ng babaeng nmapag-aakala mong

burlesque queen, si Erlinda. Matapos sumalang sa isang mainit-nit at

4

Page 5: Sinong Nagkasala:Maikling kwento

mapangahas na live show ay agad na lumabas ang dalaga upang magtungo

sa nakasanayang puntahan.

Agad na nagtungo ang dalaga sa paboritong tambayan nito at agad kumuha

ng yosi bilang pantanggal nerbiyos at sama ng loob. Habang siya ay

sumusuba at nagpapalipas ng oras ay isang tinig ang kanyang narinig hindi

kalayuan, tinig na siyang nagpaalala kay Erlinda ng kanyang nakaraan.

“Ocean of heart day after day and slowly go and sink,

I hear your voice on the line

But it doesn’t stop the pain

If I see you next to never

How can we say forever?

Wherever you go

Whatever you do

I will be right here, waiting for you

Whatever it takes or have my heartbreaks

I will be right here waiting for you.”

Pagkarinig ay agad na napasabay at inakala pang ito’y galing lamang mula

sa kalapit na videoke, sabay tulo ng luha na tila damang-dama ang awitin at

biglang sambit:

“Kung alam niya lang kung gaano ako nasaktan sa pagkawala niya,

dinamdam ko ‘yon, araw-gabi inisip ko kung nasaan na siya pero

wala…...wala, iniwan niya akong nag-iisa.”

kung kelan mahal ko na siya!’’ sambit ni Erlinda sabay hagulgol.

5

Page 6: Sinong Nagkasala:Maikling kwento

“sinubukan kong hintayin siya, ngunit namuti na mata ko kakaantay sa

kanya pero wala talagang iniwan na niya ako”.

“Kung nasan man siya tarantado siya wag na sana siyang

magbabalik…..sinusumpa ko siya….sinusumpa kita Rodante!” dagdag pa ng

dalaga sabay buga ng yosi.

Habang dinarama ang bawat sandali, isang boses ang agad na nangibabaw

sa gitna ng katahimikan.

“Hindi o naman talaga ginustong iwan ka at kahit kailan hindi ako nawala sa

tabi mo eh! Kung alam mo lang sana ang tunay na dahilan kung bakit ako

nawala maiintindihan mo.”

Nagulat ang dalaga dahil isang pamilyar na boses ang kanyang narinig at

iyon ay walang iba kundi ang boses ni Rodante. Maya-maya pa’y agad na

lumabas si Dante mula sa kinatataguan at agad na lumapit kay Erlinda sabay

yakap ng mahigpit. Wala na ngang mas sasaya pa sa nadarama ng

magkababata dahil matagal-tagal din ang panahon na sila’y nagkawalay sa

isa’t isa. Pinilit man na magpumiglas ng dalaga ay wala itong nagawa dahil

sa higpit ng pagkakayakap ni Rodante dito.

“bakit mo ako iniwan? Sabi mo walang iwanan? Di ba nangako ka?” sambit ni

Erlinda sa binata.

“Alam ko mali ang ginawa ko dahil iniwan kita ng walang pagpapaalam

sa’yo. Pero hindi ko ginustong iwan ka maniwala ka!’’ Paliwanag ni Rodante

na nangungusap sa dalaga na maniwala.

“kung alam mo lang sana kung gaano kasakit na maiwanan muli ng mga

taong mahal mo sobrang sakit, kung sino pa yung taong inakala kong

makakasama ko sa mahabang panahon, siya pa pala yung taong mang-iiwan

sa’kin”.

6

Page 7: Sinong Nagkasala:Maikling kwento

Habang sila’y nag-uusap ay muli ngang naungkat ang nakaraan at nalaman

na rin ni Erlinda ang tunay na dahilan na biglaang paglisan ng kanyang

kababata. Ang dating tahimik na lugar ay binalot na nang ingay na siyang

nagmumula sa dalawa. Iba’t ibang reaksyon ang nangingibabaw, nag-

iiyakan, nagsisihan at pakiusapan ang siyang maririnig sa pagtatalo ng

dalawang magkaibigan.

“oo na.. oo na, alam ko malaki ang naging kasalanan ko!

Pero hindi ko naman ginustong iwan ka eh, nagawa ko ‘yon dahil sa

kagustuhan kong makatakas sa mundong kinabibilangan natin. Gusto kong

maibigay sa’yo ang buhay na nararapat saiyo, ang masagana at maginhawa.

Paliwanag ng binata kay Erlinda kasabay ang matinding bugso ng

damdamin.

“hindi ko alam kung anong iisipin ko! Hindi.. hindi ko na alam,

Sinisi ko ang sarili ko bakit nangarap pa ako nang imposibleng mangyari.

Matagal akong nag hintay.. tiniis ko lahat para sa’yo dahil alam ko darating

ang panahon na magbabalik ka… pero….. huli na ang lahat…. Huli na!”

Matapos ang komprontasyon at pag-uusap ay nagmadaling tumakbo si

Erlinda paalis ng lugar, halos matagal-tagal din ang naging usapan ng

dalawa. Dahil dito ay agad niya itong hinabol at sinundan upang tanungin si

Erlinda kung bakit nasabi nitong “huli na”.

Sa paghahabol nito kay Erlinda ay nakarating na siya sa isang lugar na

sumasalamin sa tunay na kalagayan ng ating bayan. Masukal, maliliit na

bahay, maraming tambay na tila laging may lamayan, matao at malapit sa

tapunan ng basura ang lugar na kinalulugdan ni Erlinda. Nang makarating si

Rodante sa ay muli na naman niyang nadama ang kanyang pinagmulan, ang

lugar hinanguan ng kaalaman at karanasan at sinusuan ng kaalaman.

7

Page 8: Sinong Nagkasala:Maikling kwento

“Eto ang mundong kinabibilangan ko, ang mundong umaruga at humulma sa

katauhan ko”. Sambit ni Rodante sabay buntong hininga.

Sa kanyang paglalakad at pagmumuni-muni sa lugar ay di inaasahang

natapat sa isang bahay, agad niya itong pinuntahan dahil sa mga tinig na

tumatawag sa kanya upang pasukin ito.

“aray ko..aray ko.. ano bang problema mo?! Nasasaktan ako…. Ano ba?..”

pakiusap ni Erlinda

“hayop ka! Tarantado ka! nangaling ka na sa pinagputahan mo wala ka

pang nakuha ha!” sigaw ng lalaking lasing at halatang lulong sa masamang

bisyo.

“buyset na buhay ‘toh! Walang kakwenta-kwenta! Ni-wala kang mapala-pala,

mas mabuti pang lumayas na lang!” ang pagalit at pasigaw na tinig Marlon

sa kanyang asawa.

Habang nakatayo sa labas ng bahay at nakikinig sa mga pagtatalo ng mag-

asawa at bigla niyang nabosesan ang mga tinig at nasabing pamilyar ang

mga tinig na’yon kung kaya’t nagpasya na itong pasukin ang bahay at laking

gulat niya dahil nang buksan niya ang pinto ay tumambad sa kanya ang

katotohanan sa likod ng pinakamamahal na kababata.

Ang dating sisiw na kanyang iniwanan noon ay isa ng ganap na Tandang

ngayon, kasabay na tumutuka kasama ang anim nitong sisiw at nililimliman

nitong munti. Samatalang ang dati sawang inalagaan at itinuring na kapatid

ay isa na ngang ganap na ahas ngayon na siyang tumuklaw at umahas na

pinakamamahal niyang babae.

“Bakit sa maling tao pa? ito na nga ba ang tunay na ganti ng Maykapal sa

mga taong walang ibang hangad kundi ang mag tagumpay at sumaya sa

buhay.”

8

Page 9: Sinong Nagkasala:Maikling kwento

“sadyang kaylupit nga talaga ng tadhana, kung sino pa ang nagmahal siya

pa ang nasaktan!

9