9
ARALING PANLIPUNAN TAUNANG ULAT NG MGA NAISAKATUPARAN Taong Pampanuruan: 2011 – 2012 Ang mga sumusunod ay ang mga natatanging nagawa ng Supreme Student Government na nakakuha ng mandato mula sa mga mag – aaral sa nagdaang unang computerized election sa paaralan sa tulong ng Asian College of Science and Technology, Lunsod ng Cabanatuan. Narito ang mga naisakatuparan ng SSG sa nagkalipas na anim na buwan mula Mayo hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan: BRIGADA ESKWELA Mayo 23 – 27, 2011 Bilang tugon ng paaralan sa taunang programa ng DepEd, ang Supreme Student Government ay nakiisa sa paglilinis, pagkukumpuni at pagpipintura ng mga pasilidad ng paaralan gaya ng silid aralan at palikuran. Kampanya ng mga kandidato sa pagka-kinatawan ng unang taon ng Supreme Student Government Halalan ng mga Kinatawan sa Unang Taon Hunyo 24, 2011 Nagdaos ng halalan para sa kinatawan ng unang taon na kukumpleto sa listahan ng mga opisyal ng SSG para sa taong pampanuruang ito.

SSG Accomplishment Report

  • Upload
    znhsssg

  • View
    1.091

  • Download
    14

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Zaragoza National High School Annual Narrative Report of Supreme Student Government

Citation preview

Page 1: SSG Accomplishment Report

ARALING PANLIPUNAN

TAUNANG ULAT NG MGA NAISAKATUPARANTaong Pampanuruan: 2011 – 2012

Ang mga sumusunod ay ang mga natatanging nagawa ng Supreme Student Government na nakakuha ng mandato mula sa mga mag – aaral sa nagdaang unang computerized election sa paaralan sa tulong ng Asian College of Science and Technology, Lunsod ng Cabanatuan. Narito ang mga naisakatuparan ng SSG sa nagkalipas na anim na buwan mula Mayo hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan:

BRIGADA ESKWELA Mayo 23 – 27, 2011

Bilang tugon ng paaralan sa taunang programa ng DepEd, ang Supreme Student Government ay nakiisa sa paglilinis, pagkukumpuni at pagpipintura ng mga pasilidad ng paaralan gaya ng silid aralan at palikuran.

Kampanya ng mga kandidato sa pagka-kinatawan ng unang taon ng Supreme Student Government

Halalan ng mga Kinatawan sa Unang Taon Hunyo 24, 2011

Nagdaos ng halalan para sa kinatawan ng unang taon na kukumpleto sa listahan ng mga opisyal ng SSG para sa taong pampanuruang ito. Mula sa dalawamput apat na naglaban para sa labindalawang posisyon na kakatawan sa mga mag-aaral ng unang taon.

Unang Pormal na Kumbensyon ng mga Opisyal at Kasapi ng General Assembly ng SSG Hunyo 27, 2011

Pormal na nagpulong ang mga opisyal ng SSG at kasapi ng general assembly na pawang mga pangulo ng lahat ng class organization sa paaralan. Ito ay bilang hudyat ng pagsisisimula ng kanilang pagganap sa tungkulin bilang mga pinuno ng mga mag – aaral ng paaralan.

Page 2: SSG Accomplishment Report

Panunumpa sa Tungkulin ng mga Pinuno ng SSG, Class Organization at Club

Panunumpa sa Tungkulin ng mga Pinuno ng SSG, Class Organization at Club Hulyo 8, 2011

Ipinakilala isa – isa ang mga manunungkulang mag –aaral para sa taong pampanuruang ito sa harap ng mga dumalong mag - aaral sa acquaintance party at induction ng mga opisyal ng SSG, class organization at mga club ng bawat subject.

Nanumpa at itinalaga sa tungkulin ang lahat ng pinuno ng SSG, class organization ng bawat section at club ng bawat subject. Sinundan ito ng sayawan na taunang aktibidad ng paaralan sa pangunguna ng SSG.

Paglulunsad ng mga Proyekto ng SSG Agosto 2011

Sinimulan ang pagsasaayos at pagpapaganda ng parke ng SSG – Araling Panlipunan sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga tanim na halaman at pagpapasemento ng mga bato para sa pagsasaayos ng landscape nito.

Ipinaayos din ang gusali ng SSG bilang bahagi ng regular ng pagmementine nito. Ipinakumpuni ang ilang maliliit na sira gaya ng door knob ng pintuan at pagbili ng mga karagdagan cabinet, upuan, office fixtures, salaminan ng mukha, orasan at mga gamit sa palikuran nito.

Ang streamer na isinabit sa himnasyo bilang hudyat ng Pandaigdigang Buwan ng mga Guro

Page 3: SSG Accomplishment Report

Pormal na Pagsisimula ng Pandaigdigang Buwan ng mga Guro Setyembre 5, 2011

Pormal na inilunsad ang taunang pandaigdigang pagdiriwang ng buwan ng mga guro. Sa buong buwan nito, nagsagawa ng mga programa at patimpalak ang SSG gaya ng poster making at slogan making bilang tribute ng mga mag – aaral sa kanilang mga guro.

Naghanda rin ng mga sorpresang bilang mga mag – aaral para sa kanilang mga guro. Nagdaos din ng jingle presentation ang mga mag – aaral na may tema kaugnay ng pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Guro.

Pag-oorganisa ng Student Crime Prevention Committee Setyembre 12, 2011

Inorganisa ang lupong mangangasiwa upang sugpuin ang mga posibleng pagkakasala sa batas na kasasangkutan ng mga mag –aaral. Kabahagi nito ang SSG sa pamamagitan ng pangulo ng samahan at mga pangulo ng bawat section ng paaralan kasama ang punong guro ng paaralan, punong barangay ng San Rafael, Zaragoza, Nueva Ecija, ang hepe ng kwerpo ng pulisya at kura paroko ng Simbahang Katoliko.

Layunin nito na maiwasan ang pagkakaroon ng krimen na sangkot ang mga mag – aaral sa tulong ng mga guro, lokal na pinuno ng pamahalaan, simbahan at kumunidad.

Parangal sa mga guro, bahagi ng Pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Guro

Pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Guro Oktubre 5, 2011

Buong mundo ay sabay – sabay nagdiriwang sa natatanging araw para sa mga guro. Ibat – ibang gawain ang isinasagawa taun – taon para sa mahalagang okasyon na ito. Mahalaga ang araw na ito sa lahat ng guro dahil ito ang araw na kinikilala ang kanilang kontribusyon sa ating lipunan.

Isang makulay na programa ang iginawad ng SSG para sa lahat ng guro at kawani ng paaralan sa araw na ito bilang pagpupugay sa kanilang napakahalagang ambag sa lipunan at paghubog ng kaisipan ng mga kabataang mag-aaral . Sa pamamagitan ng pangulo ng SSG, binigyang parangal isa – isa ang mga guro ng paaralan bilang sukli ng mga mag – aaral sa kadakilaang ipinamamalas ng mga guro sa araw – araw ng kanilang pagtuturo.

Naghandog ng mga sayaw at awitin o jingle ang mga piling mag – aaral buhat sa ibat – ibang section ng paaralan. Nagkaloob din ng simpleng meryenda ang SSG para sa lahat ng guro na dumalo sa palatuntunan at mga espesyal na handog para sa kanilang mga tagapayong guro.

Page 4: SSG Accomplishment Report

Ang mga mag-aaral na dumalo sa Pansangay na Pagsasanay ng mga Opisyal ng SSG

Pansangay na Pagsasanay ng mga Opisyal ng SSG Oktubre 27 – 29, 2011

Ginanap ito sa Nueva Ecija High School, Lunsod ng Cabanatuan na dinaluhan ng 15 matataas na pinuno ng SSG ng paaralan sa pangunguna ng pangulo nito kasama ang iba pang mga opisyal na buhat sa ibat – ibang paaralan ng Sangay ng Nueva Ecija. Sa loob ng tatlong araw, nagsanay ang mga mag – aaral para lalong mapagbuti ang kanilang pagtupad at pagganap sa tungkulin.

Ang Pansangay na Tagamasid ng Araling Panlipunan, kasama ang iba pang delegado ng paaralan sa Pambansang Pagsasanay ng mga Opisyal ng SSG, Lunsod ng Baguio

Pambansang Pagsasanay ng mga Opisyal ng SSG Nobyembre 4 – 9, 2011

Ginanap sa Teachers Camp, Lunsod ng Baguio na dinaluhan ng limang mag – aaral sa pangunguna ng pangulo ng SSG kasama ang kanilang tagapayo. Ito ay taunang programa ng DepEd para sa mga pinuno ng SSG sa buong Pilipinas. Ito rin ang siyang nagsisilbing paraan ng pagpili ng pangulo ng pambansang pederasyon ng SSG na ang mga opisyal ng SSG mismo ang pipili ng mga opisyal para sa pambansang pederasyon.

Sa loob ng anim na araw, nagsanay ang mga pinuno ng SSG buhat sa ibat – ibang rehiyon ng bansa ng mabisang paraan ng paglilingkod bilang mga pinuno ng SSG ng kani – kanilang paaralan. Mayroon ding mga pagsasanay na programa na inilaan sa mga tagapayo para sa makatulong sa maayos na pangangasiwa ng mga programa at proyekto ng SSG .

Page 5: SSG Accomplishment Report

Ang mga opisyal ng SSG habang nagpapamigay ng mga polyeto ukol sa masamang epekto ng paninigarilyo sa kalusugan

Kampanya Laban sa Paninigarilyo Nobyembre 14 – 18, 2011

Inilunsad din ng SSG ang Anti – Smoking Week sa pamamagitan ng info campaign na pinangunahan ng pangulo ng SSG kasama ang iba pang pinuno nito. Sa loob ng isang lingo ipinaalala ng SS gang mga masasamang epekto nito sa kalusugan. Namigay ng mga polyeto ang mga opisyal ng SSG at nagkabit ng mga poster ukol sa masamang epekto ng paninigarilyo sa kalusugan ng tao sa ibat – ibang panig ng paaralan.

Ang tagapayo ng SSG habang tinatalakay ang mga mahahalagang programa at proyekto ng mga mag-aaral na opisyal ng SSG kaugnay sa kanilang idinaos na pampaaralang pagsasanay

Pampaaralang Pagsasanay ng mga Opisyal ng SSG Nobyembre 30, 2011

Ginanap sa himnasyo ng paaralan na dinaluhan ng humigit kumulang na isandaang mag – aaral sa pangunguna ng pangulo ng SSG kasama ang kanilang tagapayo. Ito ay taunang programa ng SSG para sa mga pinuno ng SSG, Co-Curricular Clubs at class organizations.

Sa loob ng isang araw na pagsasanay, tinalakay ang mga tungkuling dapat gampanan ng bawat opisyal. Gayundin ang katangian ng isang epektibong lider at maayos na pamamahala ng SSG. Mayroon ding mga pagsasanay na inilaan sa mga mag - aaral para makatulong sa maayos na pangangasiwa ng mga programa at proyekto ng SSG .

Page 6: SSG Accomplishment Report

Proyektong mula sa nalikom na salapi ng mga opisyal ng SSG na nag-caroling noong Disyembre

Christmas Caroling ng SSG Disyembre 2011

Nagsagawa ng caroling ang mga opisyal ng SSG bilang Gawain sa panahon ng Kapaskuhan sa mga piling barangay ng Zaragoza. Ang nalikom na salapi buhat ditto ay ipinampagawa ng mga karagdagang garbage stand ng paaralan para sa pagpapanatili ng kalinisan at kagandahan ng paaralan.

Ang dalawang (2) hanging cabinet na donasyon ng ZNHS Batch 2001

Proyektong Donasyon ng ZNHS Batch 2001 Enero 16, 2012

Pinagkalooban ang SSG Hall/AP Center ng mga cabinet mula sa grupo ng mga alumni, ang ZNHS Batch 2001 noong Enero 16, 2012 bilang bahagi sa kanilang pagdiriwang ng Ika – 10 Taong Anibersaryo noong nakaraang Disyembre 23, 2011.

Ang nagwaging pangulo habang siya ay bumoboto kasama ang kanyang mga kamag-aaral

Page 7: SSG Accomplishment Report

Halalan ng mga Opisyal ng SSG Pebrero 23, 2012

Nagdaos ng halalan para sa mga opisyal ng SSG na manunungkulan para sa Taong Pampanuruan: 2012 – 2013. Nagwagi bilang pangulo si Christian Diamond G. Arcillo ng III – Jade laban kay Kim Norvin B. Ibus ng III – Bayabas. Bago ito, binigyan ang dalawang partido ng dalawang araw para sa kanilang Room to Room Campaign mula Pebrero 20 – 21, samantalang ang tradisyunal na Miting de Avance ay ginanap isang araw bago ang halalan.

Ang mga bagong halal na opisyal ng SSG habang nanunumpa sa harap ng punong guro na nagpasumpa sa kanila sa tungkulin.

Panunumpa sa Tungkulin ng mga Opisyal ng SSG Marso 12, 2012

Ang mga bagong halal na pinuno ay pormal na ninombrahan sa tungkulin ng punong guro ng paaralan, Gng. Nila E. Mactal noong Marso 12, 2012 sa harap ng mga mag – aaral ng paaralan. Pormal na ring isinalin ni Allyson Jade B. Dela Cruz, pangulo ng SSG sa bagong pangulo Christian Diamond G. Arcillo ang tungkulin bilang pinakamataas na pinuno ng mga mag – aaral.

Inihanda ni:

EDGARDO G. RAMISCAL, JR. Tagapayo

Nabatid:

CIRILO B. BALA, JR.Ulong Guro, Araling Panlipunan

NILA E. MACTALPunong Guro