7
Pag-uugnayan ng Kaalamang Pantalasalitaan sa Pag-unawa ng Teksto Ayon kina Anderson at Freebody sa kanilang aklat na Vocabulary Knowledge (1981) may tatlong pananaw o posisyon sa ganitong pag-uugnayan. o Pangkagamitang posisyon o Pangkakayahang posisyon o Pangkaalamang posisyon Pangkagamitang Posisyon (Instrumentalist position) Dapat na pag-aralan nang tuwiran ang mga talasalitaan ng mga estudyante sa halip na hayaan na lamang silang matutunan ito sa pagbabasa. Pangkakayahang Posisyon (Aptitude position) Ang mga estudyante ay nagkakaroon ng malawak na kaalamang pantalasa- litaan sa pamamagitan ng malawakang pagbabasa. Nararapat na magkaroon ang mga estudyante ng maraming pagkakataon sa pagbabasa at pagsasanay sa pagkilala ng mga salita Pangkaalamang Posisyon (Knowledge position) o Sinasabing ang pagkakaroon ng kakayahang pantalasalitaan at pag-unawa ay dulot ng malawak na kaalaman tungkol sa sariling kapaligiran at kultura o Pagkakaroon ng mga batayang kaalaman at konsepto na ginagamit ng isang estudyante sa pag-unawa ng mga salita, sa kabuuan ng teksto o Kaya upang mapalawak ang talasalitaan ng mga mag- aaral, nangangailangan na magkaroon sila ng sapat na mga karanasan na pag-uusapan at maisusulat nang sa gayon ay mapauunlad ang mga konsepto at

talasalitaan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: talasalitaan

Pag-uugnayan ng Kaalamang Pantalasalitaan sa Pag-unawa ng Teksto

Ayon kina Anderson at Freebody sa kanilang aklat na Vocabulary Knowledge (1981) may tatlong pananaw o posisyon sa ganitong pag-uugnayan.

o Pangkagamitang posisyono Pangkakayahang posisyono Pangkaalamang posisyon

Pangkagamitang Posisyon (Instrumentalist position)Dapat na pag-aralan nang tuwiran ang mga talasalitaan ng mga estudyante sa halip na hayaan na lamang silang matutunan ito sa pagbabasa.

Pangkakayahang Posisyon(Aptitude position)

Ang mga estudyante ay nagkakaroon ng malawak na kaalamang pantalasa- litaan sa pamamagitan ng malawakang pagbabasa.

Nararapat na magkaroon ang mga estudyante ng maraming pagkakataon sa pagbabasa at pagsasanay sa pagkilala ng mga salita

Pangkaalamang Posisyon (Knowledge position)o Sinasabing ang pagkakaroon ng kakayahang pantalasalitaan at pag-

unawa ay dulot ng malawak na kaalaman tungkol sa sariling kapaligiran at kultura

o Pagkakaroon ng mga batayang kaalaman at konsepto na ginagamit ng isang estudyante sa pag-unawa ng mga salita, sa kabuuan ng teksto

o Kaya upang mapalawak ang talasalitaan ng mga mag-aaral, nangangailangan na magkaroon sila ng sapat na mga karanasan na pag-uusapan at maisusulat nang sa gayon ay mapauunlad ang mga konsepto at kaisipan nila na magagamit sa pag-unawa ng nilalaman ng teksto.

Interaktibong Posisyon (Interactive position)

May idinagdag si Frank May (1986)na pang-apat na posisyon, ang interaktiv. Ito ang pag-uugnayan ng mga sistema ng palatandaan o hudyat (cueing systems) sa teksto na tumutulong sa mabisang pag-unawa.

Ang mga palatandaang ito ay:o Palatandaang Grapoponiko – nauukol sa tunog na bumubuo sa mga

salita

o Palatandaang Sintaktiko – nauukol sa pagbubuo o kayarian ng mga salita

Page 2: talasalitaan

o Palatandaang Semantiko – nauukol sa kahulugan ng salita ayon sa pagkakaugnayan nito sa iba pang salita

o Palatandaang Iskematik – pag-uugnayan ng sariling karanasan sa binabasa

Mga Istratehiya sa Paglinang ng TalasalitaanA. Pagsusuring Pangkayarian (Structural Analysis)

Nauunawaan ang salita sa pamamagitan ng mga bahagi nito:- salitang-ugat- panlapi- pagkakabuo ng salitaHalimbawa: buhay

kabuhayannabubuhaybuhay-buhaybuhay-alamang

B. Paggamit ng mga Palatandaang Nagbibigay Kahulugan (Context Clues)

1. Sa pamamagitan ng kasingkahulugan ng salita na napapaloob din sa pangungusap.

Halimbawa:Masarap mamuhay sa bansang may kasarinlan na kung saan may kalayaan

ka sa pagkilos at pagsasalita.

2. Sa pamamagitan ng kasalungat na kahulugan ng salita.

Halimbawa:Masugid si Renato na makatapos ng hayskul ngunit tila matamlay

naman ang kanyang ama na tustusan siya dahil sa kakulangan ng salapi. 3. Sa pamamagitan ng katuturan ng salita.

Halimbawa:Ipinamalas ng mga tao sa EDSA ang marubdob o matinding

pagnanasa na magkaroon ng kalayaan.

4. Pag-uugnay sa sariling karanasan. Nakikilala ang bago o mahihirap na salita sa pamamagitan ng pag-alala sa mga naging karanasan.

Halimbawa:Dahil sa bahang dala ng bagyong si Roming, inilikas sa ligtas

na pook ang mga tao sa aming lugar.

Page 3: talasalitaan

5. Ayon sa sitwasyong pinaggamitan ng salita. Dito nauunawaan ang salita ayon sa mga pangyayari o sitwasyon na kaugnay nito.

Halimbawa:Pinag-iibayo ng pangulo ang kampanya laban sa lumalaganap

na kilusan ng mga pangkat laban sa pamahalaan. Itinaas niya ang moral at sahod ng mga kawal.

6. Sa pamamagitan ng buod o lagom ng binasa.

Halimbawa:Naranasan niya ang matinding kahirapan noong siya ay bata

pa. Salat na salat silang mag-anak sa pagkain, damit at maayos na tirahan. Mula siya sa isang maralitang mag-anak.

7. Sa pamamagitan ng halimbawa.

Halimbawa:Maiiwasan ang sigalot tulad ng patayan, nakawan, awayan kung ang

mga mamamayan ay matututong kumilala sa Diyos at magmahal sa kapwa.

8. Sa pamamagitan ng pormal na depinisyon ng salita.

Halimbawa:Mahilig tayo sumulat ng sanaysay. Ito ay isang kathang tuluyan na

naglalahad ng kaalaman, kuru-kuro at damdamin ng sumulat.

9. Sa pamamagitan ng paglalarawan.Halimbawa:

Sa kabuuan ng kanyang mukha. Sa mga mata niya at sa nagbabagong pangangatawan, sa balat niyang manilaw-nilaw at pinamumutukan ng maraming tagiyawat. Ang mga ito ay naglalarawan na siya ay lumipas na sa pagiging musmos.

10. Sa pamamagitan ng pahiwatig na tono o damdamin.

Halimbawa:Mula sa kusina, ang tibok ng aking puso ay nakipag-unahan sa

aking mga hakbang. At ang aking agam-agam ay napawi nang makita ko siya sa sala.

C. Pag-uugnayan ng mga Salita (Word Association)

Page 4: talasalitaan

1. Pagsasama ng salita sa iba pang salita upang makabuo ng ibang kahulugan (collocation). Nabibilang dito ang mga matalinhagang salita o parirala.

Halimbawa: puso = bahagi ng katawan ng taobato = matigas na bagaypusong bato = matigas ang puso o sa tunay na kahulugan ito ay naglalarawan ng taong hindi marunong mahabag o maawa.

2. Pagbibigay ng iba pang salita na halos kapareho rin ng kahulugan ng pangunang salita. (clustering)

Halimbawa: Anu-ano ang iba pang salita na maaaring ipalit sa salitang tingnan?

masdan silipin

TINGNAN lingunin sulyapin

tanawin

3. Pagkilala ng pagkakaugnayan ng mga salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan na ipinahahayag (clining). May mga salita na ginagamit ayon sa tindi ng damdamin na nais ipahayag. Halimbawa, hindi maaaring sabihing nagalit ka kung naiinis ka lamang. Pansinin ang ayos ng mga salita ayon sa tindi ng damdaming ipinahahayag o ayon sa haba ng panahon.Damdamin: inis, yamot, suklam, galit Panahon: noon, kamakalawa,ngayon, mamaya,bukas, sa isang buwan,

4. Pagpapangkat ng mga salita ayon sa antas ng paggamit o pormalidad ng gamit nito (level of formality). May mag salitang ginagamit sa mga di-pormal, pormal na kalagayan o sa pangkalahatan.

Halimbawa: Ang iba pang salita na itinatawag sa kasama ay maaaring pangkatin ayon sa paggamit sa sitwasyon na maaaring:

PORMAL DI-PORMAL NEUTRAL

kapanalig kabagang kaibigan

kaanib abay kasama

katoto utol kaakbay

Page 5: talasalitaan

5. Pagpapangkat ng mga salita ayon sa punong salita o paksa (classification).

Halimbawa:Panlasa – mapait, matamis, maanghang, matabang Kilos – mabagal, mabilis, maliksi, makupad, dahan-dahan

6. Pagbibigay ng mga salitang kaugnay sa isang paksa o ideya (association or word network). Ang mga salitang nauugnay sa isang paksa o bagay ay naaayon sa karanasan o nakaraang kaalaman.

Marunong magpatawad ng kapwa

Kontento ang mamamayan Walang kudeta KAPAYAPAAN

Ang tunay na kapayapaan Tahimik ang paligid ay nagsisimula sa loob. Walang awayan

7. Paggamit ng Semantic Mapping – ito ay isang paraan ng pagpapalawak ng kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga kategorya ng salita na nauugnay rito. Ito ay nababatay sa panuntunan na ang mga bagay na natututuhan ay kaugnay ng mga karanasan at dati nang alam.

Kaligayahan Kapayapaan

Pagkakaisa

Luha Pagtitiis Pagsisikap SakitPagpaparaya Lungkot PAG-IBIG Pagtatalik Bulaklak na rosas Pagbibigay ng sarili Pabangopagsasamantala Regalo