3
Toshi Sa isang gilid ng maingay at mataong food-court sa Trinoma, sa pagitan ng mga usapan habang kumakain ng pambatang Spaghetti at masebong burger ng Jollibee ay may dalawang taong sumusubok na kilalanin ang isa't isa. Siya si Toshi. 21 taong gulang na siya ngunit hindi pa nakaka-alis sa kolehiyo; ganun talaga kapag gipit sa pera. Lyceum; Broadcast Communication course niya. Kung interesado kang tanungin ang kanyang itsura eh ipapaubaya ko na lang ito sa iyong imahinasyon. Nagsimula ang lahat sa Internet. Isa siyang blogger gaya ko, ngunit magkaiba kami ng interes. Madalas bukam-bibig ko ang mga balita habang siya nama'y tinuring nang bestfriend and anime. Malayo man ang mundo namin ngunit napaglapit ito ng mga kable ng kuryente at ng wi-fi signals. Facebook, Twitter at Tumblr ang naging tambayan namin sa mga panahong wala pa kaming ideya sa itsura ng isa't isa. "Salamat pala sa libre..." Sabi niya bago kumagat ng bahagya sa hawak niyang burger. Buti na lang kamo at dala ko pa yung mga coupon na nakuha ko nung isang araw; kahit papaano nakatipid. Kaya nga siguro nagkaayaan kaming magkita dahil sa marami kaming pagkakapareho. Hindi naman sa napakahirap namin ngunit himala lang talaga na nakakapag-aral kami, mas lalo nang may pang-gala kami. Dapat nga ay inaaya ko lang siya sa isang meet-up (iyon na ang tawag sa eyeball ngayon) ngunit nagkanda-ligaw-ligaw kami at di na namin nakita ang aming mga kasama. Mabuti nga siguro iyon at baka may kumalat pang tsismis. Kung may totoo mang kwentong alam ko tungkol sa kanya, nabasa ko na noon sa mga posts niya ang tungkol sa isang Carlo na sa tingin ko'y naging bestfriend niya. O baka nga higit pa doon. Parang yung mga kwentong yaoi lang na nababasa ko paminsan-minsan - mas matanda yung Carlo alam ko, pero nagkalapit sila...at bigla na lang tinamaan ng kupido si Toshi sa kanyang

Toshi (Maikling Kwento)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Toshi (Maikling Kwento)

Toshi

Sa isang gilid ng maingay at mataong food-court sa Trinoma, sa pagitan ng mga usapan

habang kumakain ng pambatang Spaghetti at masebong burger ng Jollibee ay may dalawang taong

sumusubok na kilalanin ang isa't isa.

Siya si Toshi. 21 taong gulang na siya ngunit hindi pa nakaka-alis sa kolehiyo; ganun talaga

kapag gipit sa pera. Lyceum; Broadcast Communication course niya. Kung interesado kang tanungin

ang kanyang itsura eh ipapaubaya ko na lang ito sa iyong imahinasyon.

Nagsimula ang lahat sa Internet. Isa siyang blogger gaya ko, ngunit magkaiba kami ng

interes. Madalas bukam-bibig ko ang mga balita habang siya nama'y tinuring nang bestfriend and

anime. Malayo man ang mundo namin ngunit napaglapit ito ng mga kable ng kuryente at ng wi-fi

signals. Facebook, Twitter at Tumblr ang naging tambayan namin sa mga panahong wala pa kaming

ideya sa itsura ng isa't isa.

"Salamat pala sa libre..." Sabi niya bago kumagat ng bahagya sa hawak niyang burger. Buti

na lang kamo at dala ko pa yung mga coupon na nakuha ko nung isang araw; kahit papaano

nakatipid. Kaya nga siguro nagkaayaan kaming magkita dahil sa marami kaming pagkakapareho.

Hindi naman sa napakahirap namin ngunit himala lang talaga na nakakapag-aral kami, mas lalo

nang may pang-gala kami.

Dapat nga ay inaaya ko lang siya sa isang meet-up (iyon na ang tawag sa eyeball ngayon)

ngunit nagkanda-ligaw-ligaw kami at di na namin nakita ang aming mga kasama. Mabuti nga siguro

iyon at baka may kumalat pang tsismis.

Kung may totoo mang kwentong alam ko tungkol sa kanya, nabasa ko na noon sa mga

posts niya ang tungkol sa isang Carlo na sa tingin ko'y naging bestfriend niya. O baka nga higit pa

doon. Parang yung mga kwentong yaoi lang na nababasa ko paminsan-minsan - mas matanda yung

Carlo alam ko, pero nagkalapit sila...at bigla na lang tinamaan ng kupido si Toshi sa kanyang senpai.

Ngunit sa bandang huli ay nauwi lahat ito sa kasawian.

Kaya nga siguro naging mas interesado ako kay Toshi ay dahil feeling ko napakamisteryoso

ang mga anime blogger na tulad niya. Ang motibo ko lang talaga ay malaman ang kanyang istorya,

yun lang. Maari ding magkaroon ng bagong kaibigan.

Ngunit sa totoo lang, may mga reserbasyon din ako sa aspetong iyon.

"So date ito?" Napaisip ako sandali. Hindi ko nga rin alam kung anong ibig sabihin ng

salitang iyon. Wala namang bulaklak, o tsokolate, mas lalo nang isipin mong pareho naman kaming

lalaki. Date kung sabihin mong una naming pagkikita nito at nais naming makilala ang isa't isa.

At ang sagot ko'y oo. Doon na nagpaikot-ikot ang usapan. Saan kami nakatira. Bakit di pa

siya nakakapagtapos, at bakit ako lilipat ng kurso. Buhay hayskul. Tsismisan tungkol sa mga kapwa

naming blogger. Ang "news website" kung saan siya nagtatrabaho. Bakit pareho naming ayaw ng

CAT at ROTC. At kung bakit "Knight Kira" ang ginagamit niyang pseudonym.

Page 2: Toshi (Maikling Kwento)

"At bakit, di mo ba napanuod yung Gundam Seed?"

"Hindi, eh. Sa sobrang busy wala na akong naabutang anime sa TV."

"Pero sure naman akong nakapanuod ka, di ba?" Tanong niya sa akin.

"Oo naman..." Ang sagot ko. "Yung mga tipong 1 milyong beses nang ni-replay sa TV:

Doreamon, Dragon Ball, Pokemon, Yugi-oh...yung mga nasa TV5 Animega bago pa mawala...Tora

Dora, ganun."

"Kaya pala si Ryuji ang ginagamit mong DP." Napansin niya.

"Yun lang naman yung series na nagustuhan ko. Kapag nanunuod kasi ako ng anime,

parang wala lang. Para di mabagot, lalo na madalas walang tao sa bahay."

"Ngayon alam ko na kung bakit adik ka sa internet."

"Hindi ako adik ah!" Pagtatanggol ko sa sarili. Pero binawi ko rin. "Wala ka rin naman kasing

gagawin - aral, bahay, gawa ng paper, post sa blog, gawa ng housework, ganun. Si mama gabi

naman yun uuwi, at siya lang naman kasama ko."

"Kaibigan, ganun?"

Natahimik ako saglit. "Ewan ko nga sa sarili ko, eh. Mahabang kwento, pero sabihin na

nating wala akong tiwala sa mga tao. Oo, sa internet mabait ako't palakaibigan, pero sa likod eh may

sakit akong nararamdaman. Na parang wala akong tiwala sa lahat. Wala akong magawang

kuneksyon - oo, kaklase ko sila, kapitbahay ganun, pero kaibigan? Hindi ko silang maituring na

ganun."

"Ang lungkot ng buhay mo." Iyon lang nasabi niya sa akin.

"Okay lang iyon, sanay na ako. Himala nga't buhay pa ako eh...kung saan ako nakakahugot

ng lakas na mabuhay ng mag-isa. Siguro nasanay na lang talaga akong maging malungkot. Na

naihanda ko na yung sarili ko na mabuhay ng ganito."

Hinawakan niya bigla ang aking dalawang kamay. Nanlalamig ito ngunit tinatabla ng kanyang

mainit at malalaking palad. Halata mong may nais siyang iparating.

"Huwag kang mag-alala. Hindi ka na mag-iisa. Nandito na ako."

Sa puntong iyon ay di malinaw sa akin kung ano ang kanyang alok. Kaibigan, o ka-ibigan?

Nahihibang na ba siya? Bakit nais niyang tulungan ang isang taong hindi nga matulungan ang sarili?

Gusto ko man siyang sagutin pero wala akong ideya kung ano, o paano.

"So, are you with me?"