11
Vol.XXV No.01 June 2010 09 Panitikan 03 Balita 12 Lathalain H abang patuloy ang pagtaas ng halaga ng mga bilihin sa pamilihan, unti-unting naisasantabi ang mga serbisyong panlipunan tulad ng dekalidad na edukasyon. Hanggang hindi na ito kinikilala bilang demokratikong karapatan kundi isang pribilehiyo na kung sino ang may kakayanang makapagbayad ang siya lamang makakatamasa nito. Problema: Mababang Badyet sa Edukasyon Sa isang araw, P6.85 lamang ang inilalaang badyet sa edukasyon at higit na mas mababa pa sa ibang social services (P1.10 sa kalusugan at 16 centavos sa pabahay) habang P21.75 sa utang panlabas. Kung pagbabatayan ang batas, taliwas ang napapatupad ng estado sa nakasaad sa 1987 Philippine Constitution na dapat ang edukasyon ang primaryang pinaglalaanan ng pondo dahil tumatayang 2.19% lamang ng Gross Domestic Product (GDP) ang para sa sektor ng edukasyon. Sa mahigit 111 State Universities and Colleges (SUC’s), pangatlo ang Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) sa pinaglaanan ng pinakamalaking badyet sa edukasyon, kasunod ng University of the Philippines (UP) at Mindanao State University (MSU). Ang PUP ang may pinakamalaking bilang ng populasyon ng mga estudyante sa lahat ng SUC’s na umaabot sa mahigit sa 60,000. Ang 624M na natanggap ng PUP mula sa kaban ng mamamayan ay ina- allocate para sa taunang Personal Services (sweldo ng mga empleyado, kaguruan at mga kawani), Capital Outlay (kontruksyon ng mga buildings , etc.) at Maintenance and Other Operating Expenditures (MOOE) para sa transaksyon, supplies, kuryente at tubig na direktang nilulusaw ng programa ng gobyerno na Long-Term Higher Education Development Program for 2010-2011 (LTHEDP). Nilalayon nitong pakontiin ang bilang ng SUC’s. Tinuturuan ng programa na maging self-reliant ang mga SUC sa pamamagitan ng Income Generating Projects (IGP). Ang itim na lasong ito ay sumusimbolo ng pagkundena ng The Catalyst sa pitong buwang kawalan ng hustisya para sa mga biktima ng Ampatuan massacre, kung saan 32 ang mula sa larangan ng pamamahayag. ANG PANGANGAILANGAN SA MAS MATAAS NA BADYET SA SEKTOR NG EDUKASYON Hindi sana hahantong sa institutional violence (paghahagis at pagsusunog ng sirang pasilidad) kung nakakatanggap sana ng sapat na badyet ang ating pamantasan. Epekto: Pagbubukas sa komersyalisasyon Ilang beses tinangkang itaas ang P12/yunit na matrikula sa PUP dahil diumano sapat ang natatanggap na badyet, kung kaya ang resolusyon ni PUP President Dante Guevarra ay pagsusulong ng komersyalisasyon sa pamantasan. Sa pagbubukas ng PUP sa mga private sectors , pinasok ito ng malalaking korporasyon tulad ng PEPSI, Mini-Stop, E-Services Global Solutions, Inc., Robinsons Convenience Store at Pinnacle. Maging sa Landbank, naging katuwang ang PUP sa pag-iimplementa ng iligal na Student Information System (SIS) na isa sa mga halimbawa ng pagtindi ng komersyalisasyon. Napatunayan magmula 2008 ay kinakasangkapan ito ng administrasyon upang mapadausdos ang mga iligal na bayarin mula sa bulsa ng mga Iskolar ng Bayan. Ipinahayag ng administrasyong Guevarra sa isang panayam na malaki ang pangangailangan ng ating pamantasan sa usaping pambili ng office supplies, dagdag pa na 30 years ng nananatiling P12/yunit sa PUP kung kaya napapanahon na diumano siguro na magtaas na ng tuition dahil nagmamahal na din ang mga bilihin. Solusyon: PUP HIGHER BUDGET Hindi makatarungan para sa isang State University ang magtaas ng matrikula. Kaya nga tayo binansagang “Iskolar ng Bayan”, ibig sabihin tayo ay pinag- aaral ng bayan mula sa binabayarang buwis. Kung kaya’t isang malaking tanong sa bawat isa kung ano ang kahahantungan ng PUP at ng bansa kung ang isa sa mga pamantasan ng bayan ay magiging ekslusibo sa may kakayanang magbayad. Tumitindi ang dahilan kung bakit kailangan nating magkaisa ngayon. Dahil ang krisis sa edukasyon ay ibinunga lamang ng pagpapabaya ng estado sa isa sa mga pinakamahalagang institusyon ng ating lipunan. At bilang mga Iskolar ng Bayan , makatarungan na manawagan tayo para sa mas mataas na badyet sa edukasyon. Ipabasura natin ang mga anti-estudyanteng patakaran at igiit ang ating demokratikong karapatan sa edukasyon. n Vol.XXV No.01 June 2010 Sa kabila ang kaguluhan sa enrolment Bilang ng mga freshmen, tumaas Ang Tanaw mula sa Corridor Yugto ng mga Pangako Isang paghamon sa pagbabagong dala ng Rehimeng Aquino n CHRISTZAINE SAGUINSIN ARTICLE: CHRISTZAINE SAGUINSIN / PAGE DESIGN: EDRICK CARRASCO / ILLUSTRATION: FRANCIS BIÑAS

TV June 2010

Embed Size (px)

DESCRIPTION

The Catalyst is the official student publication of the Polytechnic University of the Philippines (PUP)

Citation preview

Page 1: TV June 2010

Vol.XXV No.01 June 2010

09Panitikan03Balita12Lathalain

Habang patuloy ang pagtaas

ng halaga ng mga bilihin

sa pamilihan, unti-unting

naisasantabi ang mga serbisyong

panlipunan tulad ng dekalidad na

edukasyon. Hanggang hindi na ito

kinikilala bilang demokratikong

karapatan kundi isang pribilehiyo

na kung sino ang may kakayanang

makapagbayad ang siya lamang

makakatamasa nito.

Problema: Mababang Badyet sa Edukasyon

Sa isang araw, P6.85 lamang ang

inilalaang badyet sa edukasyon at higit na

mas mababa pa sa ibang social services

(P1.10 sa kalusugan at 16 centavos

sa pabahay) habang P21.75 sa utang

panlabas. Kung pagbabatayan ang batas,

taliwas ang napapatupad ng estado sa

nakasaad sa 1987 Philippine Constitution

na dapat ang edukasyon ang primaryang

pinaglalaanan ng pondo dahil tumatayang

2.19% lamang ng Gross Domestic Product

(GDP) ang para sa sektor ng edukasyon.

Sa mahigit 111 State Universities

and Colleges (SUC’s), pangatlo ang

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP)

sa pinaglaanan ng pinakamalaking badyet

sa edukasyon, kasunod ng University of the

Philippines (UP) at Mindanao State University

(MSU). Ang PUP ang may pinakamalaking

bilang ng populasyon ng mga estudyante sa

lahat ng SUC’s na umaabot sa mahigit sa 60,000.

Ang 624M na natanggap ng PUP mula

sa kaban ng mamamayan ay ina-allocate para

sa taunang Personal Services (sweldo ng mga

empleyado, kaguruan at mga kawani), Capital

Outlay (kontruksyon ng mga buildings, etc.) at

Maintenance and Other Operating Expenditures

(MOOE) para sa transaksyon, supplies, kuryente

at tubig na direktang nilulusaw ng programa

ng gobyerno na Long-Term Higher Education

Development Program for 2010-2011 (LTHEDP).

Nilalayon nitong pakontiin ang

bilang ng SUC’s. Tinuturuan ng

programa na maging self-reliant ang

mga SUC sa pamamagitan ng Income

Generating Projects (IGP).

Ang itim na lasong ito ay sumusimbolo ng pagkundena ng The Catalyst sa pitong buwang kawalan ng hustisya para sa mga biktima ng Ampatuan massacre, kung saan 32 ang mula sa larangan ng pamamahayag.

Ang PAngAngAILAngAn SA

MAS MATAAS nA BAdyET SA

SEkTor ng EdukASyon

Hindi sana hahantong sa institutional violence (paghahagis at

pagsusunog ng sirang pasilidad) kung nakakatanggap sana ng sapat na

badyet ang ating pamantasan.

Epekto: Pagbubukas sa komersyalisasyon

Ilang beses tinangkang itaas ang P12/yunit na matrikula sa PUP dahil

diumano sapat ang natatanggap na badyet, kung kaya ang resolusyon ni

PUP President Dante Guevarra ay pagsusulong ng komersyalisasyon sa

pamantasan.

Sa pagbubukas ng PUP sa mga private sectors, pinasok ito ng

malalaking korporasyon tulad ng PEPSI, Mini-Stop, E-Services Global

Solutions, Inc., Robinsons Convenience Store at Pinnacle. Maging sa

Landbank, naging katuwang ang PUP sa pag-iimplementa ng iligal na

Student Information System (SIS) na isa sa mga halimbawa ng pagtindi ng

komersyalisasyon. Napatunayan magmula 2008 ay kinakasangkapan ito

ng administrasyon upang mapadausdos ang mga iligal na bayarin mula sa

bulsa ng mga Iskolar ng Bayan.

Ipinahayag ng administrasyong Guevarra sa isang panayam na malaki

ang pangangailangan ng ating pamantasan sa usaping pambili ng office

supplies, dagdag pa na 30 years ng nananatiling P12/yunit sa PUP kung

kaya napapanahon na diumano siguro na magtaas na ng tuition

dahil nagmamahal na din ang mga bilihin.

Solusyon: PuP HIgHEr BudgET

Hindi makatarungan para sa isang State University

ang magtaas ng matrikula.

Kaya nga tayo binansagang

“Iskolar ng Bayan”, ibig

sabihin tayo ay pinag-

aaral ng bayan mula sa

binabayarang buwis.

Kung kaya’t isang

malaking tanong sa bawat isa kung ano ang

kahahantungan ng PUP at ng bansa kung ang

isa sa mga pamantasan ng bayan ay magiging

ekslusibo sa may kakayanang magbayad.

Tumitindi ang dahilan kung bakit

kailangan nating magkaisa ngayon. Dahil

ang krisis sa edukasyon ay ibinunga lamang

ng pagpapabaya ng estado sa isa sa mga

pinakamahalagang institusyon ng ating

lipunan.

At bilang mga Iskolar ng Bayan,

makatarungan na manawagan tayo para

sa mas mataas na badyet sa edukasyon.

Ipabasura natin ang mga anti-estudyanteng

patakaran at igiit ang ating demokratikong

karapatan sa edukasyon. n

Vol.XXV No.01 June 2010

Sa kabila ang kaguluhan sa enrolmentBilang ng mga freshmen, tumaas

Ang Tanaw mula sa CorridorYugto ng mga Pangako

Isang paghamon sa pagbabagong dala ng Rehimeng Aquino

n Christzaine saguinsin

ARTICle: Ch

RISTzAIn

e SAg

uIn

SIn / PA

ge D

eSIgn

: eDRICk C

ARRA

SCo / Illu

STRATIon

: fRAn

CIS BIÑA

S

Page 2: TV June 2010

Vol.XXV No.01 June 2010

‘‘02 Editorial

o pisyal nang ipinroklama noong June 30,

2010 ang ika-labinlimang pangulo ng

Republika ng Pilipinas na si Benigno

Simeon “Noynoy” Aquino III, ang kilalang anak ng

mga tagapagtaguyod umano ng demokrasya sa ating

bansa.

Tulad ng kanyang mga yumaong magulang,

inaangkin din ni Noynoy ang pagmamahal diumano

nito sa demokrasyang tinatamasa ng sambayanang

Pilipino. Ngayong siya na ang bagong pangulo, siya

umano ang pangunahing magtatanggol sa kalayaan

sa pamamahayag at demokrasya ng Pilipinas.

Hindi nailalayo ang kalayaang binabanggit

ni Noynoy sa malayang pamamahayag na patuloy

na ipinaglalaban ng The Catalyst (TC). Ang

kalayaang patuloy na ipinagkakait ng kasalukuyang

adminitrasyon ni PUP Pres. Dante Guevarra.

Magtatatlong taon na ang nakararaan simula

noong Abril 4, 2008 nang alisin ng administrasyon ni

Guevarra ang P20 publication fee sa breakdown ng

“A potent Agent of chAnge”2nd flr. Charlie del Rosario Building, PuP Sta. Mesa, Manila

| Telefax: 7167832 loc. 637 | Send yourcomments, suggestions and messages [email protected]. Visit us online atwww.pupthecatalyst.deviantart.com |

Text kATA and send to 2299.

Acting editor in chief: Ma. FatiMa Joy B. VillanueVa | Acting MAnAging editor: edrick S. carraSco |AssociAte editors: Jeric F. JiMenez (internAl), Mark p. BuStarga (externAl)

e d i t o r i A l B oA r d 2 0 1 0 - 2 0 1 1

news: Jewel o. alquiSola | feAtures: chriStzaine SaguinSin | culture: Ma. quey ann eliza a. Solano | coMMunity: FranciS B. BiñaS | sports: Mc Macky nieVa | circulAtion MAnAgers: MayBelle gorMate, Marlon peter n. BerMudez | grAphics: Shirley d. tagapan | lAyout: paul nicholaS M. diVina

s e c t i o n e d i t o r s ///

s t A f f ///writers: Maria karol p. hernandez, Janica l. caldon, ronaldo d. Medina, regina lalaine M. BancolMo, anthony B. quiJano, Mike Jay g. Jayan, Maria roJen M. leonardo, JulieBeth d. aFaBle, katherine louBer M. daet, ian chriStopher BolañoS, Stephen p. eSpeJon, harriS u. Sandigan | Artists: ericSon d. caguete, rene t. aldonza, Jillian dela roSa chriStian a MonForte photogrApher: alVin tenedero [contriButor]

MeMBer : alyanSa ng kaBataang MaMaMahayag (AKM-pup), college editorS guild oF the philippineS (cegp)

Padron ng demokrasya?binabayaran ng mga estudyante. (Ngunit nananatili

pa rin itong mandatory.) Ang pag-alis ng P20

publication fee ay tuluyang pagparalisa sa patuloy na

produksyon pahayagan at tuluyang di paglalathala

ng regular na isyu.

Umabot na maging sa mainstream media ang

kalagayan ng TC ngunit kahit ilang beses nang

nababanggit sa Bulatlat.com (isang pahayagang

nailalathala sa online) ang kalagayan ng publikasyon,

paulit-ulit din ang pagsasawalam-bahala ni Dr.

Dante Guevarra sa sitwasyon ng publikasyon. Ilang

beses ng nagtakda ng dayalogo ang TC ngunit

paikot-ikot lamang ang sikolo ng mga paksa. Paulit-

ulit na sinasabi ang hindi nakakapagpasa ng mga

nakaraang termino ng liquidation report kaya ganito

ang kanyang ginawang hakbang. Ngunit, paulit-ulit

din naming sasabihin na hindi dapat ipapasan sa

bagong patnugutan ang obligasyon ng nakaraan

dahil lubos na naaapektuhan ang kasalukuyan.

Maging ang pagpapasa ng parsyal na

likwidasyon sa termino ni Joyce Llanto, dating Editor

in Chief (EIC), ay nagawa na ng publikasyon. Umabot

na sa pagbubukas ng klase ngunit wala pa ring

ginagawang aksyon ang administrasyon. Kitang-kita

sa diyaryong hawak niyo ngayon na hindi na naman

nakapangolekta ng maayos ang TC. Mula sa dating

hiwalay na June issue at Freshmen Kit, pinagsama na

ito ngayon upang makatipid.

Dahil sa mas matinding represyon na

patuloy na nararanasan ng TC, mas pinaigting na

kampanyang Defend Our Catalyst ang ating dapat

itugon. Habang patuloy na pagbibingi-bingihan

ang lokal na administrasyon, hinahamon namin ang

administrasyon ni P-Noy na aksyunan kaagad ang

kawalan ng demokrasya sa ating publikasyon.

Kung totoong si Noynoy ang susunod na

magtatanggol sa demokrasya at pamamahayag sa

ating bansa, magagawa kaya niyang ipaglaban ang

malayang pamamahayag ng publikasyong tiyak na

magiging kritikal sa kanyang termino?

Kung totoong si noynoy ang

susunod na magtatanggol sa demoKrasya

at pamamahayag sa ating bansa,

magagawa Kaya niyang ipaglaban

ang malayang pamamahayag

ng publiKasyong tiyaK na magiging

KritiKal sa Kanyang

termino?”

Page 3: TV June 2010

Vol.XXV No.01 June 2010

03Balita

labing-anim na mag-aaral ng College of Law ang nakapasa noong nakaraang Philippine Bar Exam 2009.

Ayon kay Atty. Felipe Cahayon, Dean ng College of Law, sa 47 na law students na kumuha ng Bar Exam ay 16 o 40% ang nakapasa. Ang taong 2009 ang tinatalang may pinakamaraming nakapasa kung ikukumpara noong mga naraang taon. Mabilis na pag-unlad ng kolehiyo, kahit ito ang pinakabagong tayo na College of Law, ito ay ang ika-sampu sa may pinakamagagaling na Law School sa National Capital Region (NCR).

Ang mga bar passers na ito ay sina Maricris Alura, Maricel Cano, Alvin Gutierrez, Herold Kim Hernando, Ericson Lamuyra, Edward Magat, Rosalie Mazo, Ryan Medrano, Ronald Crisanto, Mercado, Dennis Palad, Epicurus Charlo Salcoda, Melissa San Miguel, Arlyn Santos- Montebon, Florences Sta.Ana, Jan Tristan Sulit at Mhedora Tan.

“Legal profession is not a business, it is a service profession. Yan ang lagi naming paalala sa mga estudyante ng kolehiyong ito. Kaya naman sana sa mga bagong bar passers ay tanganin nila ang prinsipyong itinuro namin sa kanila”, pagtatapos ni Atty. Cahayon. n

16 Law Studentspumasa sa Bar Examn jewel o. alquisola

sa papapatuloy ng de-kalidad na pamamahayag, ang The Catalyst (TC), opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng PUP-Main, ay nakapag-uwi ng mga karangalan mula sa ginanap na ika-70 National Student Press Convention at ika-36 National Student Press Congress ng College Editors Guild of the Philippines sa Mambukal Resort, Murcia, Negros Occidental, Abril 19-24.

Nanalo ang TC sa ika-11 na Gawad Ernesto Rodriguez, Jr. (Gawad ERJ). Nagkamit ng ikatlong gantimpala para sa Tabloid size ang isyu ng Agosto. Para sa mga minor na kategorya, naiuwi ng TC ang unang gantimpala para sa pinakamahusay na Literary Folio, ang Mabini *XP. Nakuha din nito ang ikalawang gantimpala para sa Alternative Form kung saan inilaban ang mga TC Wall News.

Sa naganap na botohan ng mga bagong opisyal

TC nag-uwi ng 3 parangaln ma. quey ann solano ng CEGP, nanalo bilang

National President si Trina Federis ng Paulinian, St.Paul University-Quezon City. Naluklok naman sina Francis Perdon, The Pillars ng Ateneo de Naga University, bilang Vice President ng Luzon. Sina Rommel Depasucat ng Tolentine Star, publikasyon sa University of Negros Occidental-Recoletos at Paul Randy Gumanao ng Atenews, publikasyon ng Ateneo de Davao University naman bilang mga VP ng Visayas at Mindanao. n

humigit-kumulang 12,000 bagong Iskolar ng bayan ang tinanggap sa PUP. Tumaas ito ng 50%, mula sa humigit-kumulang 8,000 na nag-enrol noong nakaraang taon, ayon sa datos ng Admission and Registration office (ARO).

Slots: Closed“Ang haba-haba ng

pinila namin dito, mula palang sa X-Ray hanggang dito sa enrolment, pabalik-balik pa. tapos sasabihin nila (administrasyon ng PUP) na first-come, first-serve basis ang enrolment, edi sana hindi na lang nila binigyan ng scheduled date ng pagpunta. Kahit yung gustong kurso ng anak ko, puno na kaagad, bale wala lang din yung reservation sa internet.”, hinaing ni Ginang Andaya, magulang ng enrollee.

Sa paliwanag naman ni Dr. Juan C. Birion, Vice President for Student Services, na umaabot ng 17,000 na mag-aaral na kumuha ng PUPCET (PUP College Entrance Test) ang ipinasa ng unibersidad. 15,000 lamang dito ang nagconfirm sa internet. Kaya lang, 13, 075 lamang na slots ang kayang ioffer ng university, kasama na dito ‘yung para sa CT (College of Technology).

Bilang ng mga freshmen, tumaas

Kung ibabawas pa sa bilang ng slots na ito yung sa CT, aabot sa 6,000 na PUPCET passers ang nawalan ng slots.

We are open. –CTKasabay ng pagkaubos

ng mga baccalaureate courses noong huling linggo ng Abril ang pag-aalok ng unibersidad na sa College of Technology (CT) na lamang mag-enrol.

“Araw-araw, ang daming mga magulang at enrollees ang dumudulog samin dahil sa CT na daw sila pinapapunta para mag-enrol. Alam naman natin kung anong katangian ng CT at kung bakit dito gustong dalin ng PUP ang mga first year. P250 kada yunit ang tuition fee dito at napakarami pang kinocompulsory na mga tickets, uniform at i.d. lace.”, saad ni Sentral na Konseho ng Mag-aaral President Cheysser Soriano.

Dinepensahan naman ito ni ARO Dir. Elena R. Abeleda. ‘ininform’ lang umano nila ang mga estudyante at magulang na bukas ang CT for 3-year. program at walang sapilitan na nangyari.

Tagumpay ng freshmen.Sa ginanap na dayalogo

sa opisina ng Commission on Higher Education (CHEd), napinal ang desisyon ng mga administrador ng PUP

na sina Dr. Dante Guevarra at VPSS Birion, kasama si CHEd Chairman Emmanuel Angeles, na tanggapin ang 6,000 pang PUPCET passers na hindi pa nakakapag-enrol. Dinaluhan din ito ng mga kinatawan mula sa alyansa ng mga magulang, Student Regent (SR) Donnavie Pascual, SKM Pres. Soriano at ng TC.

Ayon kay SR Donnavie Pascual, “malinaw ang kinalabasan ng dialogue non, extended ang panahon ng enrolment. Ang mga requirements lang na hinihingi, dapat nagconfirm online para magkaroon ng slot sa PUP, 82% high school average at may medical clearance. Malinaw din na hindi sila (mga incoming freshmen) dapat ipasok sa CT.”

Matapos ang dayalogo, nadagdagan pa ng humigit-kumulang na 2,000 incoming freshmen ang nakapasok sa PUP. Ang ibang naubusan ng slots noon ay nag-enroll na lamang sa ibang unibersidad at nagbabalak na lamang magtransfer dito sa susunod na taon.

“ Lagi tayong maging mapagbantay sa mga susunod na semestre, dahil hindi tayo nakakasiguro na mananatili ang mababang matrikula para sa mga Iskolar ng bayan.”, pagtatapos ni SR Pascual. n

Sa kabila ang kaguluhan sa enrolment

p ALyAnSA ng MgA MAguLAng. hindi lamang ang mga Iskolar ng Bayan ang naggigiit na tanggapin ang natitira pang 6,000 incoming fresh-men sa PuP, maging ang magulang ay nakiisa upang ipaglaban ang karapa-tan ng kabataan para sa edukasyon. a l V i n t e n e D e r o

Sa kabila ng represyon

n ma. quey ann solano

ESPASYOOO, TAMA KA, MAAARING IKAW ANG PUMUNO SA MGA ESPASYONG TULAD NITO. APPLY KA NA BILANG WRITER, GRAPHIC ARTIST, LAYOUT ARTIST, PHOTOGRAPHER O WEB DESIGNER. DALA KA NA RIN NG KOPYA NG REGI MO AT 1X1 PICTURE. SAMA KA RIN NG TROPA PARA MAY KASAMA KA MAGLAKAD PAPUNTA SA 2ND FLR. CHARLIE DEL ROSARIO BLDG. MALAY NYO PUMASA KAYO AT PANGALAN MO MAKITA MO DITO. YUN OH. NAKS.

Page 4: TV June 2010

Vol.XXV No.01 June 2010

04 Balita

siyam na lider-estudyante ang sinampahan ng malicious mischief ni Security Office Chief Leonardo Coquilia, matapos ang insidente ng paghahagis at pagsusunog ng mga sirang pasilidad ng pamantasan noong Marso.

Matatandaang naganap ito noong makasaysayang protesta laban sa P200 per unit tuition fee increase sa mga incoming freshmen.

Ang mga sinampahan ng

kaso ay sina Student Regent Donnavie Pascual, Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM) Councilor Margo Dian Alonzo, mga dating opisyal ng SKM na sina Vice President Jynell Sibayan at Councilors Michelle Arcenio at Mc Gyver Malabuyoc, mga myembro ng League of Filipino Student (LFS-PUP) Chairperson Louie Viñegas at Elvin Rillo. Maging ang mga bahagi ng PUP 5 na sina SKM President Cheysser Soriano at Secretary General

Siyam na lider-estudyante, kinasuhan

of Kabataan Partylist-PUP Abriel Mansilungan.

“Last week ng April ng natanggap namin ang subpoena. Maraming ireguralidad ang sampang kaso. Una, walang sapat na pag-aaral. Pangalawa, walang matibay na mga batayan. Pangatlo, mismong ang complainant ay wala sa wisyo ang mga sinasabi sa harap ng fiscal at tila napag-utusan lang. Basta kung sino lang ang kilala nila iyon agad ang mga sinampahan nila. Kahit mismong mga wala sa insidente ay nakasuhan.”, paglalahad ni Soriano n

Matapos mapalaya ang PUP5

n Christzaine saguinsin

numerous beautification projects welcome the PUPians as the school year starts. It is said to be funded by the savings of the University plus donations from the private sector.

“It is better to deload the building and also, there will be flow of wind throughout the building.”, said Technical Assisstant to the President Digna Rosales-Ortega, when asked about the renovation of Main building corridors. She also stressed that the supposed P200 per unit for the incoming freshmen would be used to improve facilities and transform PUP grounds into a Spanish heritage park. “It makes you proud to be a PUPian if you can see that your campus is clean and beautiful.”

According to Student Regent Donnavie Pascual that it clearly shows that the priority of the PUP administration is not uplifting the quality of education in the university, instead, it

invests more on revamping the facade of the building. She sited that the savings and said donations can be more fruitful if it is allotted on the classrooms and other facilities being used by the students.

“The question is, what is the main concern of this administration? There are many things to be given proper attention. It all boils down that PUP lacks enough budget allocation from the national administration. After all, being a PUPian itself is one thing we can really be proud of.”, SR Pascual concluded.

Beautification projects covers the construction of gym walkway, Tahanan ng Alumni, Heroes plaza, University Canteen, guard house and sports open field, renovation of main building, College of Nutrition and Food Science building, Manila Room in Hasmin Hostel and repainting of College of Communication building and College of Engineering and Architecture building. n

PuP prioritizes beautification

n ma. Fatima VillanueVa

Tuition fee sa CT, nagtaasn marlon n. bermuDez

dahil sa sama-sama at militanteng pagkilos ng mga PUPians, pinabasura ang tangkang 2000% tuition fee increase ng Board of Regents (BOR), ang highest policy-making body ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), noong Marso 29, 2010.

Tangkang P200/unitMarso 15, 2010 ng mag-

anunsyo ang administrasyong Guevarra na magkakaroon ng pagtataas ng matrikula sa unibersidad. Halos 2,000% ang pagtataas ng matrikula nito na mula sa P12 kada yunit ay magiging 200 kada yunit na ang babayaran ng mga incoming freshmen.

Ayon kay Dr. Dante Guevarra, ang pangulo ng PUP, kailangan daw magtaas ng matrikula ang unibersidad dahil sa maliit na badyet na natatanggap nito sa gobyerno. Hindi daw kayang tugunan ang pangangailangan ng unibersidad sa kakarampot

na natatanggap natin.

Symbolic ProtestUmani ng iba’t ibang

reaksyon ang paghahagis ng mga sira-sirang pasilidad ng unibersidad bilang simbolo ng tumitinding galit ng mga estudyante sa pagbabantang pagtataas ng matrikula.

Humantong umano sa pagsusunog ng mga bulok na pasilidad ang protesta dahil sa ilang beses na paghingi nila ng dialogue sa pagitan ng mga estudyante at ni Dr. Guevarra pero hindi sila hinaharap nito upang linawin o bawiin ang bantang TFI batay sa panayam kay Cheysser Soriano, tagapangulo ng Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM).

“Noong nakipagdialogue siya sa amin ang sagot lang ni Pres. Guevarra kung wala daw kakayahan magbayad ang mga estudyante ng P200 per unit ay wag na lang mag-enrol dito. Ganyan ba ang isang aktitud ng presidente ng unibersidad?” dagdag pa ni Soriano.

2000% TFI nabigono TFI this school year

Matapos ang pagkilos ng mga Iskolar ng Bayan, kasama ang Kabataan partylist, sa Commission on Higher Education (CHEd) noong Marso 24, inanunsyo ni Chairman Emmanuel Angeles na hindi magkakaroon ng pagtataas ng matrikula ngayong taon ang PUP at bilang chairman ng BOR ay hindi niya papayagan na ipatupad ito sa BOR meeting.

“Muli na namang pinatunayan na sa sama-samang pagkilos ay napagwagian natin ang pagbabasura sa TFI. Hindi ang pagtataas ng matrikula ang sagot sa kakulangan ng badyet ng PUP kundi ang panawagan sa gobyerno ng mataas na badyet sa edukasyon. Pero hindi pa tapos ang laban nating mga Iskolar ng Bayan dahil andyan pa ang banta ng TFI. Kaya naman hinahamon ko ang bawat PUPian na maging mapagmatyag sa mga aksyon ng administrasyong Guevarra”, saad ni Donnavie Pascual, Student Regent. n

n jewel o. alquisola

Despite low budget

p STACkEd uP. umabot ng gabundok ang naging simbolikong protesta ng mga Iskolar ng Bayan ang paghahagis ng mga sirang pasilidad upang ipakita ang pagtutol sa nakaambang P200 per yunit na matrikula para sa mga incoming freshmen. a l V i n t e n e D e r o

Tumaas ng 20% ang binabayaran ng mga freshmen sa College of Technology (College of Technology) ngayong taong panuruan 2010-2011. Mula P200 kada yunit, umaabot na ito ngayon ng P250 sa bawat yunit na i-eenrol, bukod pa dito ang mataas na miscellaneous fee.

Alinsunod ito sa inaprubahan ng Board

of Regents noong Marso 2009. Kasama rin sa mga inaprubahan ang pagiging tatlong taon ng mga vocational at technological courses sa CT at pagkakaroon ng no-shifting policy dito.

“Dito sa CT natin pinakamakikita ang muka ng komersyalisasyon na gustong ipatupad sa buong pamantasan – mataas na matrikula at maraming mga iligal na binibentang libro, ticket at maging i.d. lace kahit

pa sinasaad na ito sa Article 3, Section 9 ng Student Handbook. Represibo din ang katangian ng pamamalakad dito dahil sa No Uniform, No Entry policy at paghihigpit sa mga mag-aaral na kabilang sa mga progresibong organisasyon katulad ng SAMASA alliance.”, paliwanag ni Nikki Aserios, Student Council President.

Nang kapanayamin ng TC ang dekano ng CT, Dr. Roland Viray, pinahayag niya ang kanyang pagtutol sa pagtaas ng matrikula ngunit ito diumano ay ‘on the account of the BOR’s approval’. n

Page 5: TV June 2010

Vol.XXV No.01 June 2010

FRESHMENSURVIVALKIT

The Polytechnic University of the Philippines envisions itself as a pre-eminent national and international leader in higher education an innovative global powerhouse of quality and relevant education, dedicated to educating tomorrow’s leaders and scholars through the highest quality learning experiences and growth in instruction, research and service to our country and the international community.

1. Democratize access to educational opportunities;2. Promote science and technology consciousness and develop relevant expertise and competence among all members of the academic stressing their importance in building a truly independent and sovereign Philippines;3. Emphasize the unrestrained and unremitting search for truth and its defense, as well as the advancement of moral and spiritual values;4. Promote awareness of our beneficial and relevant cultural heritage;5. Develop in the students and faculty the values of self-discipline, love country and social consciousness and the need to defend human rights;6. Provide its students and faculty with a liberal arts-based education essential to a broader understanding and appreciation of life and the total development of the individual;7. Make the students and the faculty aware of technological, social as well as political and

As a State University, the PUP believes that the education is an instrument for the development of the citizenry and for the enhancement of nation building. It believes that the meaningful growth and transformation of the country are the best achieved in an atmosphere or brotherhood, peace, freedom, justice and a nationalist-oriented education imbued with the spirit of humanist internationalism.

MISSION

VISION

PUP PHILOSOPHY

(Komposisyon nina S. Calabig,S. Roldan, at R. Amaranto)

Sintang paaralan, tanglaw ka ng bayanPandayan ng isip ng kabataan

Kami ay dumating ng salat sa yamanHanap ay dunong ay iyong alay.

Ang layunin mong makataoDinarangal ng Pilipino

Ang iyong aral, diwa, adhikang taglay,PUP, aming gabayPaaralang dakilaPUP, pinagpala

Gagamitin ang karununganMula sayo, para sa bayan.

Ang iyong aral, diwa adhikang taglayPUP, aming gabayPaaralang dakilaPUP, pinagpala

PUP HYMN

economic problems and encourage them to contribute to the realization of nationalist industrialization and economic development of the country;8. Use and propagate the National Languages and other Philippine languages, and development proficiency in English and other foreign languages required by the students field of specialization;9. Promote intellectual leadership and sustain a humane and technologically advanced academic community where people of diverse ideologies work and learn together to attain academic research excellence in a continually changing world; and10. Build learning community in touch with the main currents of political, economic and cultural life through out the world; a community enriched by the presence of a significant number of intentional students; and community supported by new technologies and facilities for active participation in the creation and use of information and knowledge on a global scale.

Welcome sa mga bagong Iskolar ng Bayan!!Ang bahaging ito ng dyaryo ay nakalaan talaga para sa’yo. (nakanaaaaaaang.)

Pwede mong punitin at itago sa ilalim ng unan kung tanggap mong para sayo lang talaga.

Maligayang pagdating sa Unibersidad na pinagliparan ng upuan, kung saan uso ang Trip to Jerusalem sa mga classroom, dito na pangarap lang ang aircon sa room; na may dalawang electric fan, isang sira at isang pasira pa lang.

Malayang maglakad sa mga pasilyo nitong kulang na lang ay magdikit rin ng karatula si Tuberong Berto at isama ang kanyang numero ng telepono, dahil sa

dami ng nakapaskil na panawagan ng mga Iskolar ng bayan. Mga panawagang paulit-ulit inaalis ngunit walang sawang paulit-ulit ding dinidikit. Panawagang matagal nang isinisigaw ngunit hindi pa rin natutugunan.

Sa unibersidad na unang binabaha ang 6th floor dahil sa dami ng butas sa bubong, sa 3rd floor na animo’y may away-gulo dahil sa tunog ng mga makinilyang singtanda na ng mga propesor. Mga propesor na matagal nang nagtuturo ngunit part time pa rin. Mapagkakamalan mo rin minsang propesor ang kapwa mo Iskolar ng bayan dahil paulit-ulit pumapasok sa classroom, hindi para umupo at makinig, sa halip ay magturo ng mga kalagayan ng lipunan, edukasyon, pulitika, ekonomya at kultura. (minsan, may showbiz din) Mga canteen na mala-pugon sa init di lamang dahil sa mga lutuan, matindi ang init roon dahil dito sumusingaw ang mga aircon ng mga opisina sa ground floor.

Maaaring nagtataka kayo sa mga wirdong istruktura sa paligid. Ang water tank na tinaguriang space ship ni Kokey, ang rebulto ni Mabini na kulay green ( di yun lumot ), ang matayog na haligi sa likod niya ang obelisk (search nyo meaning nyan!) ito ang humaharang sa araw para hindi mainitan si Mabini kasi hindi siya makapasok sa bahay nya sa tabi ng obelisk. (ako rin di pa nakakapasok dun) Sa taas ng obelisk ay may bitwing maningning. Logo ito ng PUP at hindi ng Star City, hindi rin ito ang bitwing hinahanap ng tatlong haring si Melchor, Gaspar at Baltazar nang ipanganak si Hesus. Nariyan pa ang tatlong bar na marmol sa gilid ng gate, sila ang tatlong hari. (joke lang) Ang tatlong marmol na ito ay ang simbolo ng PUP. Ito ang PYLON, siya ang astig, maangas, malupet, kaakit akit, kapita-pitagan, kataas-tasang, kagalang-galangang si TED PYLON.

Si Ted PYLON ay character sa inyong lingkod, ang publikasyong THE CATALYST (kung gusto nyo syang

WELCOME FRESHIES!& WELCOME BACK PUPIANS

makilala magbayad kayo ng bente (ang pinakamurang publication fee na binabayaran bawat semestre) at magbasa ng dyaryo. Kung bayad na kayo, tapon nyo na resibo nyo, tapos magbayad kayo ulit. Di ako galit. : )

Sa kabila ng mga kataka-takang bagay at pangyayari sa PUP, malugod kayong wine-welcome ng The Catalyst sa pamantasang itinayo para sa atin. Inaanyayahang maging bahagi ng ating publikasyon at maging writer o artist, damhin ang adbokasiyang TO WRITE NOT FOR THE PEOPLE IS NOTHING. Makiisa sa pagpigil sa represyon at sa paglalagay ng The Catalyst fee sa proseso ng enrolment. Sana ay maenjoy nyo ang apat o higit pa sa inaasahang taon nyo dito PUP. (Good luck!) n

Page 6: TV June 2010

Vol.XXV No.01 June 2010 Vol.XXV No.01 June 2010

.

5. Main Gate - Huwag na huwag mong kakalimutan ang ID mo kung ayaw mong pagkamalan

kang terorista ng guard. Malakas pa naman silang magpowertrip.

6.PUP Pylon - Dito nakatayo si TED.

Dati itong playground ng mga

batang riles kaso binakuran na kaya

wala nang playmates si TED. Punta ka lang

dito kung nais mong ma-sight ang makintab

na katawan ng paboritong sumbungan ng

mga Isko’t Iska.

7. Information Center & Visitor’s Lounge - Isang lugar na nagpupumilit maging Starbucks ngunit nabigo. Ginawa rin itong monitoring center noong may surveillance camera pa. (hmm. San na kaya un ngaun?)

8.Kumaliwang Catwalk - Dati

itong padiretso sa Mabini

Obelisk. Kaso isa ang catwalk

sa mga napagtripan ng administrasyon.

Ikinaliwa para raw diretso Chapel

at mamaximize ang parking space.

Nyahaha. Marami bang merong

sasakyan sa PUP?

9.Mabini Shrine - Ito raw ang

orihinal na tirahan ng lumpong

bayani na si Apolinario Mabini.

Naririto na naman daw ang rebulto ni

Mabini kaya marapat lang na dito na rin

ilagak ang kanyang bahay.

10.Mabini Obelisk - Isa itong malaking joystick. Tambayan ng mga estudyante lalo na sa pagsapit ng gabi, kasabay ang mala-Star City na ilaw nito sa tuktok. Dito rin pinangalan ang literary folio ng The Catalyst, ang Mabini Sessions I & II at Mabini *XP..

11.Tennis Court - Dito naglalaro ang mga nangangarap na naging “prince of tennis”. Dito din nagpapapawis ang mga bigtime ng PUP.

12.Gym - Iba’t ibang PE

class ang nagaganap

dito. Pagpapawisan ka

talaga dito sa sobrang init. Dito rin

ginaganap ang mga concerts. Woohoo!

Slaman naa! Sa July 2, gaganapin ang

General Freshmen Orientation, huwag

kakalimutan ang inyong mga ID at

registration card. Rakenrol!

13. Basketball Court - Panis ang Araneta sa lugar na’to kasi dito allowed ang mga butiki na maglaro ng topless. Tambayan ng mga adik sa basketball at mga adik sa basketbolista.

4. Dambana ng Kabayanihan - Brass

sculpture na inaalay sa mga ninuno

nating Iskolar ng Bayan na nagbuwis

ng buhay noong kasagsagan ng Martial Law.

1. Gabriela Silang Hall - Ang Bayan Muna Partylist ang nagdonate nito na muka na ngayong abandonadong building dahil wala na ring linya ng tubig at kuryente.

1

2

3

4

5

6 7

8 9

10

11

12

13

14

15

16

26

17

18

19

21

20

22

23

24

2527

28

2930

31

2. Oval - Madalas rin magpractice dito

ang mga kabayo galing Sta.Ana at San

Lazaro. Nood ka rito ng mga lalaking

mabilis tumakbo. Char lang.

3.Grandstand - Eto ang pwesto ng mga matataas na opisyal ng ROTC sa klase nila upang magpalamig, at habang tinutusta ang mga natirang estudyante sa paligid ng oval. May mga PE class din dito, pero as usual, mainit pa rin.

14.Swimming

Pool - Kung

isa kang

prinsesa, punta ka lang

dito at makikita mo

si Kermit kasama ang

buong angkan niya na

lumalangoy. Eeew.

16.PE Building

- Teritoryo

ng mga

estudyante ng CPES.

Maskulado lahat ng tao

dito. may mala-gym

din kasi dito. Dito ka

rin magpapaverify ng

mga grades mo sa PE.

siguraduhing may dala

kang index card.

22.The Catalyst - Opisina at pangalawang tirahan ng mga manunulat ng bayan. Tambayan rin ni Ted Pylon, tagapagtanggol ng mga naaaping Isko at Iska. Kung gusto mong maging kabahagi ng pinaka-astig at award-winning na

publikasyong pangkampus, go ka lang dito at mag-apply!

21.Charlie Del Rosario Student Development Center - Formerly “Unyon ng mga Mag-aaral” at “Student Development Center”. Hindi na ito pugad ng mga multo dahil mga estudyanteng miyembro ng iba’t ibang organisasyon na

ang tumatambay rito ngayon. Dito matatagpuan ang opisina ng Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM) at SAMASA Alliance. Sa mga

organisasyong nais makakuha ng puwesto rito, magtungo lamang sa OSS.

20.PUP Laboratory High School - Maririnig

mo rito ang paggu’good morning ma’am’

at ‘magandang umaga po binibining

Trining’ ng mga high school students na hindi na

ginagawa ng mga nasa kolehiyo, kaya mapapatunayan

mong nasa lab high ka nga at hindi naliligaw.

18.NALRC - Ninoy Aquino

Learning Resourcing Center.

Ang largest Structural

Library in South East Asia ito na kulang-

kulang ang mga libro. Meron na ring

computer shop sa taas nito na isa sa

mga income generating projects

(IGP’s) ng unibersidad. Sa ibaba

naman nito matatagpuan ng

College of Law at sa taas ang

Open University.

17.Lagoon- Maraming teorya ang

sumulpot kung bakit green

ang tubig dito; sinabi nila,

dito nakukuha ang green

tea sa canteen, o dito

naliligo si Shrek. O talagang

berde lang ang utak ng

mga tumatambay dito lalo

na pagdating ng takipsilim.

BABALA: May nakawalang

pating dito noong nakaraang Linggo.

15.Tahanan ng Alumni - Kasalukuyan

pa itong ginagawa sa ngayon. Dito ka magmamaka-awa ma-kakuha ng alumni I.D. sa hinaharap.

19. Water Tank - Kilala rin bilang thumbtacks, espada ni Mazinger

Z, UFO, Spaceship ni Kokey, atbp.

(Basta paganahin na lamang ang imahinasyon.)

Pangunahing nagsu-suplay ng tubig sa PUP, at

kadalasang salarin sa tuwing nawawalan ng

tubig sa gabi.

23.Sampaguita University Canteen - Masarap ang gulaman dito, parang sa Goldilocks. Pwede ka ring magpaluto ng pansit palabok kung sakaling mapagdesisyunan niyo ang mga barkada mong magparty.

24.Linear Park - Alternative

sa mga magkakarelasyon

na sawa na sa Lagoon. Tinatawag ding

“mini-baywalk” dahil sa sunset view nito.

Bukod sa mabangong halimuyak mula

sa Ilog Pasig, pwede ka ding paliguan

dito dahil sa mga tilamsik ng tubig

dahil sa mga dumadaang ferry boats.

30.Ferry Station

- Isa ang PUP sa

mga istasyon

ng mga naggagalang

Titanic sa Pasig River.

Pinagshootingan din ng ‘Miss

You Like Crazy” ni John Lloyd

at Bea. Punta na at try mo ring

mag-iwan ng bato.

29. Chapel - Interfaith ito, kaya kahit anong rehiliyon mo (o kulto man yan), swak sayo ang lugar na’to. Paborito din itong kainan ng mga gutom sa pagkain, at tambayan ng mga gutom sa pag-ibig.

27.Prudente

Park - Hindi

ito kadugtong sa Teresa o

kaya ng Luneta, marami lang

talagang bricks dito. Mayroon

itong 2,674 tiles. Bilangin mo pa.

25.Amphitheatre - Teatro sa open space. Para

lang nasa unang panahon kung kailan us0

pa ang Romeo and Juliet. Kaya lang mas

namamaximize ata ang likuran nito na tinatawag na

“popeye” na hango sa dating tindahan na nakatirik

dito. Ito ang sikat na pinagdadausan ng mga

programa ng mga aktibista at ang

pinakasikat na talkshow sa balat

ng kalyeng studio, ang

talamak.

26.Student Kiosk - Cottage ito para sa mga gustong

magswimming sa lagoon at sa Pasig

river. Tambayan ng mga estudyante.

Motel rin ito pag gabi. tsk.

28.Main Academic Building - Kanlungan ng mga PUPian sa loob ng maraming taon. Tumagal na nang ilang dekada at halata na sa mga pasilidad nito ang paglipas ng panahon. Kaya wag na

kayo magtaka kung may sisilip sa classroom niyo at nanglilimos ng upuan, aagos ang litro-litrong pawis dahil sa kakulangan ng mga electric fan, at danasin ang hirap at sakit ng mga sardinas sa petite mong silid-aralan. Ngayon ay mas delikado na ito dahil sa malalaking awang ng corridors.

31. PUP Open University- Dito nag-aaral ang mga estudyanteng sobrang hectic ng mga schedule. Mga bigtime siguro

PUPMAP

PAG

E DESIG

N: PO

L DIvIN

A

Page 7: TV June 2010

Vol.XXV No.01 June 2010

FRESHMENSURVIVALKIT

1ST SEMESTER 2010April 19-30 (M) - First Year RegistrationMay 17-18 (M) - Second Year RegistrationMay 19-20 (W) - Third Year RegistrationMay 21 & 24 (F) - 4th & 5th Year RegistrationMay 25-28 (T) - Late EnrolleesJune 4 (F) - College Faculty MeetingJune 15 (T) - First Semester Classes StartJune 16-30 (W) - Adjustment PeriodJune 30 (W) - Last day of payment of tuition fees without fine - Deadline for submission of adjustment forms/or applicant for change of enrollment (ACE) forms to OURJune 28-July 23 (M) - Issuance of application for graduation - Mid-Year 2010-2011July 23 (F) - Deadline for submission of application for Mid –Year graduation,2010-2011August 9-14 (M) - MID-TERM EXAMINATIONSAug 15 (Sun) - MID-TERM DEPARTMENTAL EXAMINATIONSAug. 21 (Sat) - ENCODING OF MID-TERM GRADES/DEADLINE OF COMPLETION OF INCOMPLETE MARKS,FIRST TERM 2009-2010 (ICTC)August 27 (F) - Last day for graduating students to clear their deficienciesSeptember 1 (W) - PUPCET 2011 Application startsOctober 1 & 2 (F/S) - PUP 106th FOUNDATION ANNIVERSARYOctober 9-15 (Sat) - FINAL EXAMS-GRADUATING AND NON GRADUATING STUDENTSOctober 16 (Sat) - FINAL DEPARTMENTAL EXAMNINATIONSOctober 16 (Sat) - Integration Period/Round-up activities - Submission of pink card grades from Dean’s Office to OUR - Submission of 1st Semester 2010-2011 gradesheets to the Dean - Distribution of classcards - Submission of subject offerings for Second Semester, 2010 2011October 16 (Sat) - FIRST SEMESTER ENDS/ENCODING OF FINAL GRADES (ICTC)October 23 (Sat) - Submission of 1st Semester 2010-2011 gradesheets to OURNovember 12 (F) - University Academic Council Meeting December 10 (F) - MID-YEAR COMMENCEMENT EXERCISES

2ND SEMESTER 2010October 18-19 (M) - First Year RegistrationOctober 20-21 (W) - Second Year Registration October 22-25 (F) - Third Year RegistrationOctober 26-27 (T) - Fourth and Fifth Years RegistrationOctober 29 (F) - College Faculty MeetingNovember 1 (M) - All Saints’ DayNovember 3 (W) - SECOND SEMESTER CLASSES STARTNovember 3 (W) - Resumption of PUPCET 2011 ApplicationsNovember 4 - Nov.20 (Th.) - Adjustment PeriodNovember 12 (F) - University Academic Council MeetingNovember 20 (Sat) - Last Day of payment of tuition fees without fine - Deadline for submission of adjustment forms/or application for change of enrolment (ACE) forms to OURNov. 15- Dec.10 (M) - Issuance of application for graduation –Year –End Graduation, 2010 - 2011November 29 (M) - Bonifacio DayDecember 10 (F) - MID-YEAR COMMENCEMENT EXERCISES - Deadline for submission of application for Year-End Graduation, 2010-2011Dec.20-Jan.2 (M) - Christmas VacationDecember 27 (M) - Rizal Day Celebration (non-working)Dec. 30 (Th) - Rizal Day (working day)

2011January 1 (Sat) - New Year’s DayJanuary 3 (M) - CLASSES RESUMEJanuary 17-22 (M) - MID-TERM EXAMINATIONSJanuary 23 (Sun) - MID-TERM DEPARTMENTAL EXAMINATIONSJanuary 28 (F) - Last day for graduating students to clear their deficiencies Jan.29 (Sat) - ENCODING OF MID-TERM GRADES/DEADLINE OF COMPLERTION OF INCOMPLETE MARKS SECOND SEM 2009-2010 (ICTC)Feb. 4 (F) - Deadline for submission of PUPCET 2011 application formsFeb.13 & 20 (Sun) - PUPLHS Entrance ExamMarch 11-17 (F) - Integration Period/Round-up activities ` - Submission of pink card grades from the Deans to OUR - Submission of Summer 2011 subject offerings to OUR - Distribution of ClasscardsMarch 19 (Sat) - SECOND SEMESTER ENDS/ENCODING OF FINAL GRADES (ICTC)March 20 (Sun) - LongVacation beginsMarch 26 (Sat) - Submission of 2nd Semester 2010-2011 gradesheets to the DeanMarch 29 (T) - Submission of 2nd Semester 2010-2011 gradesheets to OURApril 4 (M) - SUMMER CLASS STARTSApril 21 (Th) - Holy ThursdayApril 22 (F) - Good FridayApril 25-26 (M) - MID-TERM EXAMINATIONS/ENCODING OF MID-TERM GRADES/DEADLINE OF COMPLETION OF INCOMPLETE MARKS SUMMER 2009-2010 (ICTC)May 1 (Sun) - Labor DayMay 12-13 (Th) - FINAL EXAMINATIONS/ENCODING OF FINAL GRADES (ICTC)May 14 (S) - ROUND-UP OF ACTIVITIES/END OF SUMMER TERMMay 29 (Sun) - LONG VACATION ENDS

REVISED UNIVERSITy CALENDARSChOOL yEAR 2010-2011

MgA dApAT TANdAAN bAgo pUMASoK SA pUp

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga bagay na nakamamatay tulad ng mga patalim,

baril, bomba, missile o watusi. Baka ma-paranoid na naman ang admin at ipasarado ang main gate para

hindi na makapasok ang mga estudyante. Para hindi rin makalabas ang mga nasa loob. Aynakows!

Bawal maglaro ng kahit anong porma ng sugal dito sa PUP. Baraha man, bingo o kahit unahan ng bangkang papel sa lagoon. Pag nahuli ka, malalagot ka! Kahit pustahan pa tayo.

Bawal pumasok ang lasing o magdala ng alak sa loob ng pamantasan. Pero magtataka ka kung bakit may kasabay kang lumabas na lasing, o baka naman mukang lasing lang talaga sya men!?

Mahigpit ding ipinagbabawal ang pagnanakaw ng anumang kagamitan sa loob ng pamantasan. Hindi mo rin naman mapapakinabangan dahil siguradong luma o sira na ito. Tsktsk.

REqUIREMENTS:

1. Statement of loss w? Xerox copy (How, When, Where)

2. Promissory note (w? Xerox copy) which shall contain

a. Assurance that utmost care shall be taken by the student with his/her duplicate ID/RC/Midterm or Final Exams Permit

b. If ever the student losses the duplicate ID/RC/LC again, he/she will be subject to disciplinary action.

LoST REgISTRATIoN & I.d cARd3. Student’s Statement of Loss/Promissory Note

must be:c. signed by the studentd. signed by the parent/guardian (with I.D or

residence Certificate with signature for validation)

e. arrested by the Dean of the College Area Chairperson

PROCEDURE:1st step: Guidance and Counseling Office, 2nd Floor

Student Development Center

2nd step: Pup Legal Counsel, 2nd Floor South Wing

3rd step: Cashier’s office, Ground Floor, South wing

4th step: Student Affairs Office 2nd Floor, Student Development Center

For duplicate ID and registration card, •Admission Office, Ground FloorFor duplicate Library Card, Ninoy Aquino •Learning Resources CenterFor Midterm and Final Exam permit, •Accounting Office, Ground Floor

Dante G. Guevarra, DPAPresidentVictoria C. Naval, DEMExecutive Vice PresidentSamuel M. Salvador, Ed. DVice President for Academic AffairsJuan C. Birion, DPAVice President for Student ServicesPastor B. Malaborbor, Ph. DVice President for Research andDevelopmentAugustus F. Cesar, LIBVice President for AdministrationMarissa J. Legaspi, CPAVice President for Finance

Prof Melba D. AbaletaUniversity RegistrarProf. Elena R.AbeledaAdmission and Registration OfficeProf. Barbara P. CamachoGuidance and Counseling OfficeProf. Segundo C. DizonUniversity Center for the Cultureand the ArtsProf. Armando TorresOffice of Scholarship andFinancial AssistanceMs. Ria S. FajilagoCareer Development andPlacement OfficeDr. Mona Lisa P. LeguiabLearning Resource CenterDr. helen D. AlmiranteMedical and dental ServicesProf. Jose M. AbatOffice of the Student Services

College of Arts– Dr. Nenita F. Buan

College of Accountancy– Dr. Milagros B. Hernane

College of Business– Dr. Dominador L. Gamboa, Jr.

College of Communication– Dr. Robert F. Soriano

College of Engineering– Engr. Manuel M. Muhi

College of Science– Dr. Zenaida R. Sarmiento

College of Cooperatives– Sis. Marietta P. Demelino

College of Languages and Linguistics– Dr. Corazon P. San Juan

College of Economics,Finance and Politics

– Dr. Melly L. ParaisoCollege of Architecture and Fine Arts

– Arch. Ted Villamor G. InocencioCollege of Tourism, hotel and Restaurant Management

– Dr. Ma. Teresa C. VillarCollege of Computer Management and Information Technology

– Dr. Ma. Luisa R. PadlanCollege of Education

– Dr. Liceria D. LorenzoCollege of PhysicalEducation and Sports

– Acting Dean Celia M. Rilles College of Nutrition and Food Science

– Prof. Esperanza SJ. LorenzoCollege of Technology

– Dr. Roland C. VirayCollege of Law

– Atty. Felipe CahayonGraduate School

– Dr. Amalia C. RosalesOpen University

– Executive Dir. Leodegario S. Bautista

COLLEGE DEANS AND DIRECTORS

STUDENT SERVICESChIEF AND DIRECTORS

PUP ADMINISTRATIVE OFFICIALS

PHo

To M

An

iPU

lATi

on

: eri

cso

n c

Ag

UeT

e

Page 8: TV June 2010

Vol.XXV No.01 June 2010

09Panitikan

Ang tanaw mulasa Corridorn E d R I c K S . cA R R A S c o

cont. on page 11 ►

Ginising ako ng tunog ng mga pukpukan at kaskasan sa labas ng kwarto na tinitirahan ko.

Tila punong abala ang lahat ng tao sa bahay maliban sa amin ng kaibigan kong naghihilik at naglalaway pa sa pagtulog. Mukhang tinuloy na ng masungit na landlady namin ang balak na ipagawa ang kanyang lumang gusali kung saan kami nagrerenta ng kaibigan. Pag nagkataon at natapos na ang pagpapasa-ayos o pagpapaganda ng gusali ay magtataas na naman ng renta at pagtataguan na naman naming muli ang matandang dalagang may-ari, panigurado.

Kinikindatan ako ng orasan sa cellphone kong katabi lagi sa pagtulog. Limang minuto na daw bago mag alas siyete ng umaga, pahiwatig ng alarm nito. Maaga pa para sa pasok ko na alas nuwebe. Gusto ko pang umidlip ng kaunti kahit ilang minuto lang pero sadyang maingay ang paligid. Nagtimpla na lang ako ng kape at pinalamig ng kaunti. Sinabayan ko ng pakikinig sa musika. Masarap simulan ang araw sa tunog ng Explosions in the sky kasabay ng kape sa umaga. Inayos ko ang mga kalat sa higaan. Sanay akong may mga katabing gamit sa kama. Mga papel, ballpen, libro, magasin, kamera, litratong kinukulumpon ko para sa aking portfolio at kung anu-ano pang nakakatulugan ko. Mas malaki pa ata ang nauukopang espasyo nito kesa sa hinihigaan ko. Nang matapos na ay nagmadali na ako sa pag-aayos sa sarili kalahating oras bago mag alas-nuwebe. Tamang-tama lang para makaabot sa unang asignatura. Iniwan kong nakadapa pa sa higaan ang nokturnal kong kaibigan.

Tulad ng sa bahay, madami ding

ginagawang pagpapaganda sa loob ng campus. May mga tinanggal at may mga dinagdag. Di ko na pinansin ang paligid at tinakbo ko na paakyat sa 3rd floor papunta sa aming silid-aralan. Gaya ng inaasahan walang dumating na prof. Nalalapit na rin kasi ang pagtatapos ng klase at eksayted na ang lahat para sa bakasyon. Tumunganga nalang ako kasama ang ilang kaklase sa corridor.

Mayroong mala-talk show na may dalawang mala-host sa mala-studiong kalye ng popeye. Nagtatalakayan ang dalawa sa ilalim ng init ng araw, suot ang mga barong na pinarisan ng shorts at nagkakape. Talamak ang titulo ng palabas na may kahulugang talakayang laging may kape. Kaya pala kahit magtatanghali na ay nagkakape pa rin ang dalawa. Nakakatuwa ang topic ng talakayan. Kung anu-anong mga bagay o pangyayari na dumudulo sa sosyo-politikal na usapan. Nung panahong iyon ay may isang guest mula sa publikasyon ng unibersidad at naglahad ng kanilang kasalukuyang kalagayan.

Kinabukasan, sa corridor ako dumeretso. Wala ang aking mga kaklase. Siguro’y umuwi na at nakapagpasa na ng proyekto. Ako nama’y nakinig muna sa bagong talakayan sa baba.

“Mga katalamak! Simula na ng talakayan!” Sigaw ng mga mala-host na sina Juax at Sim. Maraming nagbabato ng mga katanungan tulad ng kung bakit maitim ang kulangot, ano ang tagalog ng sliding folder, bakit gumagamit pa ng refrigerator ang mga Eskimo at kung anu-ano pang makukulit na bagay na maisip ng mga makukulit na utak ng mga tagapakinig. Ang nakakatuwa pa ay palipat-lipat ng posisyon ang tinagurang studio dahil sa sikat ng araw.

Masayang makinig sa makabuluhang usapan

pag

walang magawa at nag-iisa. Napapalakas ata ang halakhak ko. May narinig din akong ngisi sa kanan ko. May pagka mahinhin ang ngisi. Akala ko’y ako lang mag-isa pero may kasabayan pala ako ng pagtawa mga tatlong dipa mula sa akin. Hindi ko ito pinansin at muling nakinig pero inaninag ko ang malabong mukha ng katabi ko. Tiningnan ko ang pinanggalingan ng mahinang tawa. Paglingon ko, lumingon din siya sa akin. Di mabilang na segundo ang itinagal ng tingin ko sa kanya. Parang tumigil ang oras at lumabo ang paligid na akala mo’y siya ang focus ng isang mahabang focal length na lente ng camera. Nag-ala-motion blur ang paligid. Iba ang kanyang ngiti. Malamlam kesa sa akin. Maitim at mahaba ang kanyang buhok na medyo nililipad ng hangin. May kaliitan ang mga mata dahil sa tawang halos di marinig. Para akong tangang nakangiwi at nakatingin sa kanya. Dama ko ang bilis ng tibok ng puso kong parang tumatakbong kabayo. May koneksyon nga yata ang adrenaline at paghanga. Umiwas ako sa kanyang tingin dahil sa hiya ko sa kanya. Napansin na ata nitong may sira ulong na-stuck up at nakatingin sa kanya. Sayang at hindi tulad ng memory ng kamera ang memorya ko dahil hindi ko naisalba ang mukha niya. Konting piraso ng ngiti at titig lang ang naalala ko sa kanya. Umuwi ako sa bahay na ninanamnam ang bawat sandaling nasilayan ko siya.

Ilang araw ang nakalipas. Lagi’t lagi pa rin ako sa corridor. Hinahanap-hanap ko siya. Sa kaliwa, sa kanan, sa taas o

sa baba. Sa corridor kung saan tanaw ko ang lahat. Sapat na muna siguro

ang makita ko siya. Kadalasan ay nakikita ko siya kung mayroong Talamak. Swerte na kung pareho kaming nasa parehong palapag. Sinasabay kong makinig sa programa at tumitig sa kanya. Salamat Talamak. Salamat corridor. Kayo ang tulay ko sa kanya.

May malaking kampanya at may mga serye ng programa sa

popeye. Walang Talamak at puno ng mga nakasulat na panawagan ang pader. Tutulan ang 200% na pagtataas ng matrikula, sabi ng isang poster

sa pader na tinatambayan ko. Marami

ang nagagalit at mas marami ata ang walang pakialam dahil hindi naman maaapektuhan. Nagkaroon ng mga simbolikong protesta. Nagkahagisan ng mga sirang upuan. Hinahagis ito sa baba kung saan may programang nagaganap. Bawat pagbagsak ng mga sirang upuan ay parang bumabagsak at nasisirang pangarap ng mga kabataang nais mag-aral sa unibersidad ngunit maaaring hindi na matupad dahil sa tinatangkang pagtataas ng matrikula. Bawat tunog ng paghampas nito ay animo sigaw ng mga kabataan para sa karapatan sa edukasyon. Tulad ng dati ay andun pa rin ako sa laging pwesto ko. Sa corridor kung saan tanaw ko ang lahat. Ang mga bumabagsak na pangarap, ang namumulang pader dahil sa mga nakapaskil, ang galit ng mga kabataan. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko siya makita. Hindi ko siya matanaw. Ang dating lawak ng corridor ay tila sumisikip o lumiliit na parang ako na lang ang kasya.

Nanatili ako sa pakikinig ng mga pananalita ng mga matatapang na mga estudyanteng ipinaglalaban ang karapatan ng pangkalahatan sa edukasyon. Sinamantala ko ang pagkakataon at kumuha na lang ng mga litratong maaaring maisama ko para sa aking portfolio. Siguro ay ito ang aking kontribusyon para sa kampanya, ang makinig at magdokumento ng mga pangyayari.

Dumaan ang mga araw. Nabigo ang tangkang pagtataas ng matrikula. Tagumpay ang makikita sa mga mukha ng mga estudyante. Tagumpay lalo na sa mga bagong estudyanteng nagnanais na makapasok sa kolehiyo na may murang matrikula.

Patapos na ang semestre at bakasyon na sa wakas. Umuwi ako sa probinsya dala ang alaala ng huling mga buwan ng aking ikalawang taon sa pamantasan. Maraming bagay akong pinagkaabalahan habang bakasyon tulad ng pagbasa ng mga nobelang di matapos-tapos, pagguhit o pagpinta, panunood ng sangkatutak na pelikula o palabas sa telebisyon at pagkuha ng mga bagong litrato. Mga bagay na hilig kong gawin at ekstensyon ng aking sarili.

“Tulad ng dati ay andun pa rin ako sa laging pwesto ko. Sa corridor kung saan tanaw ko ang lahat. Ang mga bumabagsak na pangarap, ang namumulang pader dahil sa mga nakapaskil, ang galit ng mga kabataan. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko siya makita. Hindi ko siya matanaw.”

illUsTrATion: sHirley TAgAPAn

Page 9: TV June 2010

Vol.XXV No.01 June 2010

Amaze na amaze ang mga freshie sa intro ng marmol na ito.

Taas noo siyang naglakad sa catwalk, proud na proud sa bago nyang lunch box at sa bago nyang Jansport bag.

Bigla syang hinarang ng mga bully na professors.

BULLy PROF: Andito ka na naman, Ted! Ano na namang kwento ang gagawin mo tungkol sa amin? Magbibida ka nanaman!

Spark… spark… spark…

Lumikha ng kuryenteang pag a-eye-to-eye ni Ted at ng mga bully profs.

TED: Excuse me! Hindi ako gumagawa ng kwento. Kayo! Kayo ang gumagawa ng mga

10 Komunidad / Kultura

ted pylon’sKumembot Exposé

Half Man, Half Marble froM roMblon

Republic of the PhilippinesPolytechnic University of the PhilippinesOffice of the President

June 21, 2010

MS. MA. FATIMA JOY B. VILLANUEVAActing Editor-in-ChiefThe Catalyst

Dear Ms. Villanueva:

On behalf of the PUP Community, I wish to extend my congratulations to the editorial staff of The Catalyst.The paper’s success in the recent Gawad Ernesto Rodriguez Jr. by the College Editors’ Guild of the Philippines is indeed a laudable achievement. May this recognition continue to inspire your publication to adhere to the canons of responsible campus journalism.

Mabuhay kayo!

Very truly yours,

Dr. Dante G. GuevarraPresident

Letter to theEdIToR

TxT KATA2299

register once by typing KATA [space] REG [space] AGE, COURSE, YR. & SEC. then send to 2299Text KATA [space] Q1 / Q2 [space] YOUR ANSWER [space] NAME, YR. & SEC. then send to 2299P2.50 lang ang bawat padala. Bukas sa subscribers ng anumang network. Text na!

Next issues’ question: Q1. Ano ang inaasahan mong mangyayari sa Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni P-noy? Q2. Pabor ka ba o hindi sa bagong disenyo ng corridor? Bakit?

ipadala ang inyong mga sulat, komento, suhestiyon o mensahe sa The catalyst office, 2nd flr. Charlie Del Rosario Bldg., PUP Sta. Mesa, Manila. o sa email: [email protected].

cAMpUSlife

Abangan lang ang mga staff ng The Catalyst sa inyong mga paboritong tambayan. sagutin ang katanungan kasama ng iyong pangalan at section.

oRgvoice

Ang ORG VOICE ay bukas sa lahat ng mga organisasyon sa PUP. Personal lang na ipasa ang inyong mga deskripsyon o history ng org., statements etc. sa aming opisina, 2nd floor Charlie Del Rosario Bldg.

UnzippedAng UNZIPPED ay bukas para sa lahat ng estudyante ng PUP. Maaaring magpadala ng maikling sanaysay na may kahit anong paksa sa [email protected] o personal na ipasa sa aming opisina, 2nd floor Charlie Del Rosario Bldg. siguraduhing maglagay ng maikling deskripsyon ng iyong sarili.

First day of school. May isang makinang at makinis na bagay ang nakaagaw ng pansin ng mga freshmen. “Ano yan?” tanong ng isa.Nagsalita ang makinang na bagay:

TED: WTF! Welcome the Freshmen!!!

Nagulat ang lahat dahil nagsasalita ang dambuhalang marmol na ito.

TED: Hi! Para sa mga freshmen na hindi nakakakilala sa akin, ako nga pala si Ted Pylon. I’m a half-man half-marmol imported from Romblon!” sabay flash ng pearly white nyang teeth (na marmol din).

issue nyo! Para hindi kayo isumbong ng mga istudyante nyo, magbehave kayo! Hmph! Mga *ADHD!” sabay alis ni Ted.

Dinaanan nya lang na parang hangin ang mga bully profs. Hindi na sila nakapag-rebut pa.

(so yun nga yun. Si Ted ang sumbungan ng mga istudyante vs. profs o administrators, etc. na nang-aapi sa kanila. Kaya kung may alam kayo, isulat lamang ang pangalan ng prof o administrators, etc. , at paglalahad ng pang-aapi nila sa inyo .Ipasa sa opisina ng The Catalyst, 2nd floor Charlie del Rosario Bldg. Ipa-publish yan ni Ted!)

*ADHD – Attention Deficit Hyperactivity

Disorder . . . in short papansin.hehe!

focu

s

back to school edition

Educ

atio

n is

a ri

ght!

AL

VI

N

TE

NE

DE

RO

M A y b E L L E G O R M A T ES o N A

Page 10: TV June 2010

Vol.XXV No.01 June 2010

11Opinyon

Pansamantalang naging isang estrangherong lugar sa akin ang PUP pagpasok ko pa lamang

ng gate. Nawala na ang catwalk na nagmimistulang isang bulletin board sa mga estudyanteng naglalakad dito. Kasabay ng pagpapader ng lagoon ay ang paglalagay na din ng harang sa oval. Malaki na nga ang ginanda ng labas ng sintang paaralan. Bukod pa dun ang mga bagong balkon sa main building.

Para tuloy isang malaking regalo ang PUP na binalutan ng isang maganda

at mamahaling gift wrapper pero kapag binuksan mo ay makikita ang tunay na mukha nito. Sa loob ng silid-aralan, nariyan pa din ang sira-sirang upuan, hindi gumaganang electric fan at ang kakulangan ng classroom. Hindi ko alam kung hanggang sa panlabas na kaanyuan na lang ba talaga kayang pagandahin ng administrasyon ang ating paaralan.

Natatandaan ko noong nakaraang Marso ng magtangkang magtaas ng matrikula ang administrasyon ni Pres.

Guevarra. Ang dahilan pa nila ay dahil sa kapos sa badyet ang PUP. Pero ngayon, ang dami nilang proyektong pinagagawa na alam naman natin na hindi ito ang pangunahing pangangailangan ng mga Iskolar ng Bayan.

Naalala ko tuloy yung commercial ni Pres. Arroyo kung saan pinagmamalaki niya ang mga naipagawa niyang infrastructure at kung paano nagkaroon ang bansa ng mga “modernong” kalsada sa kanyang termino. Pero kasabay ng pag-unlad “daw” ng ating pamamaraan

sa transportasyon ay ang pag-aabondana ng gobyerno sa sektor ng edukasyon noong termino nito.

Apat na beses daw nalamangan ni Pres. GMA ang tatlong nakaraang mga presidente. Siguro nga. Natalo niya ang mga nakaraang presidente sa usapin ng tuition fee increase. Noong taong 2001-2002 ay tumaas ang matrikula mula P230.79 ay naging P437 o 89.39%. Mas tumaas pa ang matrikula noong taong 2009 na mula sa P439.59 ay naging

P855.20 o 95.54%.Natapos na ang 9 na taon na termino

ni GMA at nanatiling bulok ang sistema ng edukasyon. Dumami ang out-of-school youth dahil sa unaffordable education. Kasabay ng pagtatapos ng termino ni GMA ay ang nalalapit na retirement ni Pres. Guevarra na mag-iiwan ng commercialized education dito sa PUP sa tulong ng SIS.

Nariyan ang mga modernong transportasyon ng bansa at ang bagong itsura ng paaralan. Pero nanatili pa rin

ang bulok na pamamalakad sa sektor ng edukasyon. Ang dami ng badyet na nilalaan para sa mga infrastructure at mga beautification projects pero walang pera para sa mga bagong upuan at electric fan.

At ngayon, tapos na ang election. Punung-puno ng pag-asa ang sambayanan na may pagbabagong magaganap sa pamamalakad ng bagong presidente. Hinahamon ng kabataan ang administrasyong Aquino na paglaanan ng mataas na badyet ang edukasyon. n

“NATAPOS NA ANG 9 NA TAON NA TERMINO NI GMA AT NANATILING BULOk ANG SISTEMA NG EDUkASyON. DUMAMI ANG OUT-OF-

SChOOL yOUTh DAhIL SA UNAFFORDABLE EDUCATION.”

BEAUTIFICATION OF EDUCATIONJ E w E L O . A L Q U I S O L A

b A N Y U H AY

Bakit kaya usong uso ang tsinelas ngayon? Isang beses nga, sa sobrang uso nito ay nagkaroon ng

insidente na bawal pumasok sa PUP ng nakatsinelas. Doon na ba nasusukat ang pagkatao mo? Sa presyo at tatak na lang ba tinitingnan ang mga bagay-bagay tulad ng mga suot nating pansaplot sa paa?

Ewan ko pero sa tatlong taon ko na sa PUP ay paglalakad na siguro ang isa sa pinakaimportanteng gawain ng mga estudyante. Pagbaba kasi ng Teresa, ilang metro pa yung layo ng main gate.

Pag may nakaambang pagtaas ng matrikula hanggang Mendiola naman ang lalakarin. Hindi ko tuloy maiwasan pansinin yung mga tsinelas ng mga makakasalubong ko at makakasabay ko, hindi naman dahil sa lagi akong naka rubber shoes o bitter lang ako sa kanila, kundi sa tsinelas mo na daw kasi makikita ang uring pinangalingan ng isang tao .

Marami ng naglalabasan na uri ng tsinelas, ayon kay wiki, ang pagtsitsinelas ay naunang ginamit sa Ehipto na yari sa palaspas at straw, 6,000 taon na ang nakakaraan. Yari naman sa dayami ang

sa Tsina at Japan at iba’t ibang uri ng halaman naman ang sa Mexico.

At sa ikalawang digmaan pandaigdig, binibili ng mga amerikanong sundalo ang Zori, pansaplot sa paa ng mga Hapon. Hanggang sa ginaya na din nila Uncle Sam ang mga ganitong produkto na kung tawagin ay flipflops. Hango ang pangalan nito sa tunog na maririnig pag suot ito, flip-flop-flip-flop. Ang bansang Brazil ang pabrikante ng isa sa mga pinakausong tsinelas ngayon, ang Havaianas, gawa sa goma at kung ano

ano pang synthetic na materyales Na kung saan una nila itong binenta para sa mga manggagawa, kasambahay at sa mahihirap na komunidad sa kanilang bansa. At hindi naglaon ay binenta na nila ito sa buong mundo.

Sa Pilipinas, nakakatawang isipin na humalo na ito sa ating kultura. Na kung saan pag Rambo, Beachwalk, Duralite at Spartan ang suot mo, laos ka. Na haharangin ka ata sa Trinoma o SM pag ganito yung mga klase ng suot ng paa mo. Buti sa PUP, hindi pa naghihigpit ang mga gwardya sa usapin ng tsinelas, dahil siguro hindi din nila kayang bumili ng

mga mamahalin na tsinelas.Naalala ko nung bata ako madalas

ay nagtutumbang preso kami, lagi kong suot yung Rambo, na pag hinagis mo para patumbahin yung lata, pati yung nagbabantay natutumba sa sakit. Solid kasi pag natamaan ka, sobrang tigas parang gawa sa bato. Pag naglalaro naman kami ng taguan, mainam pag suot ko yung Beachwalk, mas mabilis ang paggalaw.

Pero sa alaala ko na lang ito mababalikan. Nakakatawang-isipin na ang bilis na talaga ng oras, na sa

paglaki ko hindi ko na namalayan na nagbabago na nga talaga ang mga bagay-bagay. Kasabay ng pagmulat ko, mabilis na ginagapang na tayo ng mga kolonyalistang bansa at unti-unti na nilang binubura ang tunay nating kultura. Inuukit nila sa mga utak natin na sila ang Diyos at tayo ang kanilang mga disipulo na sunud-sunuran sa gusto nilang mangyari.

Masyado silang malakas. Pero sa larong tumbang preso walang magagawa ang P1000 na Havaiainas nila sa P50 na Rambo.

Salamat Rambo, sa mga alaala. n

A SLIPPER TO REMEMBERM A . Q U E y A N N E L I z A A . S O L A N O

S L E E p L E S S K N I g H T S

“NAkAkATAWANG-ISIPIN NA ANG BILIS NA TALAGA NG ORAS, NA SA PAGLAkI kO hINDI kO NA NAMALAyAN NA NAGBABAGO

NA NGA TALAGA ANG MGA BAGAy-BAGAy.”

Naging mabilis ang panahon dahil sa pagiging abala sa mga bagay-bagay. Nananabik akong pumasok muli sa eskwelahan. Nananabik ako sa maraming bagay - discounts sa pamasahe, mga bagong kaibigan, bagong mga kaalaman at syempre, ang pagkakataon na makita siyang muli. Sa bilis ng panahon ay dumating na naman ang araw ng pasukan.

Unang linggo palang, balik na ako sa dating gawain. Ang tumambay sa corridor at makinig sa Talamak tuwing break sa klase. Araw-araw pa rin akong naghihintay, nagmamatyag, nakikinig, at naghahanap. Tumatanaw sa kawalan. Wala pa rin siya. Kahit anino ata niya ay hindi ko makita ngunit umaasa pa rin akong nariyan lang siya sa tabi-tabi at muli kong masisilayan. Sa pagkakataong ito, hindi na sapat na makita ko lang siya. Magtatapat ako sa naramdaman ko nung una ko siyang nakita, na gusto kong makilala pa siya ng lubos, na magkakahawak-kamay kami at sabay na lilikha ng mga pangarap na paliliparin sa mismong corridor kung saan ko siya unang nakita. Kung saan kami nagkatinginan. Ngunit tila nakikipaglaro ang pagkakataon. Hindi ko pa rin siya makita. Kahit araw-araw ako sa lugar na iyon. Hindi talaga maaasahan ang tadhana.

Unti-unti, lumabo ang alaala ng kanyang mga ngiti sa aking isipan hanggang sa hindi ko na siya maisip. Ibinaling ko na lang ang mga oras ko sa mga bagay na lagi kong ginagawa. Muli kong binalikan ang mga litrato para sa compilation ko na di mabuo-buo.

Tiningnan ko ang ang mga kuhang litrato sa aking kamera. Inumpisahan ko itong ayusin at kulumpunin. Matagal ko nang gustong maging litratista ng isang publikasyon. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para tuluyang isakatuparan ang kagustuhan kong iyon. Napansin ko ang isang litrato. Siya ang nakita ko. Siya ay nasa di kalayuang parte ng north wing, tulad ng unang beses ko siyang nakita, nakangiti at masaya. Bumalik ang alaala ko sa kanya. Maaaring sa mga litratong ito ko na lang siya makita. Litratong magpapaalala na minsan sa corridor na iyon, nakita ko ang isang babaeng nagbigay ng di maipapaliwanag na pakiramdam sa akin. Isinama ko ito sa aking iniipong litrato para sa aking portfolio.

Nang matapos ko ang mga kakailanganin ay agad akong tumungo sa opisina ng publikasyon. Kumatok ako sa pintuan. Pagbukas nito ay nagulat ako. Bumilis muli ang tibok ng puso ko. Para akong sinikmuraan dahil sa paninikip ng aking tiyan. Tumigil muli ang paligid na akala mo’y nakatime warp. Siya ang nagbukas ng pinto. Dalawang dangkal lang ang layo niya sa akin at maaari ng magtagpo ang aming ilong. Ito na ang pagkakataong hinihintay ko. Muntik na akong di makapagsalita na parang nabubulol pero nilakasan ko ang aking loob. Hanggang sa nasambit ng bibig kong:

“Maaari po bang mag-apply sa inyo?”

Ang tanaw... from page 9 ►

Page 11: TV June 2010

Vol.XXV No.01 June 2010

Naproklama na nitong ika-9 ng Hunyo ang ika-15 Pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Benigno Simeon “Noynoy” Aquino III para mamuno sa bansa. Anak ng isang bayani na

si Benigno “Ninoy” Aquino at ng isang dating pangulo na si Cory Aquino at isa rin sa mga nagmamay-ari ng mga lupain sa Hacienda Luisita.

Nakamatyag ang taumbayan sa bawat kilos ng bagong pinuno dahil sa kalalaan ng krisis ng bansa, at lalo nitong ginigiit ang matiwasay na pamamalakad. Inaasahan ng bayan na matugunan ni P-Noy ang mga pangangailangan ng bansa bilang bagong lider at matupad niya ang mga pangako na nasabi niya sa mamamayan nang siya’y nangangampanya pa lamang.

Ano-ano nga ba ang mga pangako’t balak ng Bagong Pangulo?

Dugong Nananalaytay“Isang pangulo na galing

sa uring Panginoong may-lupa, ang mga nagmamay-ari ng malalaking ektarya ng lupain, maaasahan bang tutugon sa hinaing ng mga magsasaka?”

Si P-Noy ay isa sa mga may-ari ng lupain sa Hacienda Luisita kung saan may naganap na madugong ingkwentro sa pagitan ng mga magsasaka at mga Hacienderong Cojuangco na nagmamay-ari ng naturang lupain. 13 ang namatay at marami ang nasaktan mula sa hanay ng magsasaka at manggagawang-bukid. Mariing tinanggi ni P-Noy ang direktang pagkakasangkot niya sa pangyayari subalit bilang kongresista ng distrito ng panahong iyon, malaki ang kanyang kaya (at dapat) gawin upang hindi ito mauwi sa massacre.

Sa mga panayam sa kanya ng media, nangako si P-Noy na ipamamahagi na ang mga lupain sa Hacienda Luisita limang taon mula ngayon.

Maliban sa mga lupaing iyon, iginigiit ng sektor ng mga magsasaka na magkaroon ng mas mainam na reporma sa lupa sa porma

ng GARB (Genuine Agrarian Reform Bill), di tulad ng CARP (Comprehensive Agrarian Reform Program) na isinulong ng kanyang namayapang ina, na lalo lamang nagbigay daan sa pamilyang Cojuangco-Aquino na magpalaki ng sakop na lupain.

Hamon ng KabataanIsa sa mga isyung isinasantabi

ng mga nagdaang rehimen ay ang pangunahing pangangailangan ng sektor ng kabataan – de-kalidad na edukasyon at angkop na trabaho.

Ayon sa datos ng Bulatlat.com, sa sampung mag-aaral ng highschool ay may isa lamang dito ang nakatutuloy sa kolehiyo at 7 sa bawat 10 bagong graduate ng kolehiyo ay di makakuha ng trabaho. Mga konkretong suliranin na inihihingi ng mga kabataan ng tugon mula na pangulo.

Maging sa iba’t ibang sektor ng lipunan katulad ng mga manggagawa, magsasaka, kababaihan, katutubo at iba pa ay marami ring mga suliraning dapat tugunan. Sa pagsisimula ng termino ni P-Noy, mas marami tayong dahilan upang maging mapagbantay at nakikilahok sa mga panlipunang isyu upang hindi na maulit ang bangunot na dala ng rehimeng Arroyo.

Katulad ng kanyang binabanggit noong eleksyon, dito na tayo sa daang matuwid. Huwag lang sana dead end.

Isang

paghamon s

a

pagbabagong dala ng

Rehimeng

Aquino

Naiwang “dilemma”Isa sa mga matitinding

hamon ng sambayanan ngayon kay P-Noy ay ang pagbayarin ang dating

pangulo na si Gloria Macapagal-Arroyo sa mga paglabag sa karapatang-

pantao, usapin ng korapsyon at pandarambong sa kaban ng bayan sa loob ng siyam

na taon nyang termino. Sa kabila ng utang na loob ni Noynoy sa dating rehimen na

tumulong na pagtakpan ang mga nangyari sa Hacienda Luisita massacre, isa ito sa

makapagpapatunay kung maglilingkod nga ba si Noynoy sa masang naghalal

sa kanya sa posisyon.Nakapasan rin ngayon

kay P-Noy ang naiwang kapabayaan ng nagtapos na rehimen Arroyo at inaasahan

ng taumbayan na magsusulong siya ng mga patakarang papabor sa lahat ng sektor,

pagsusulong ng demokrasya at malinis na pamamahala.

‘‘Katulad ng kanyang binabanggit noong eleksyon, dito na tayo sa daang matuwid. Huwag lang sana dead end.”

n Marlo

n berm

udez

‘‘Isa sa

mga is

yung

isinasa

ntabi n

g mga

nagdaang

rehim

en

ay ang

pang

unahin

g

pang

angaila

ngan n

g sekto

r

ng ka

bataan –

de-

kalid

ad

na e

dukasyo

n at a

ngko

p

na tr

abaho.”

POL DIVINA 2010

12 Lathalain

ArTicle: MArlon BerMUDez / PAge Design: Pol DivinA