8
Malapit nang magwakas ang anim na taong termino ni BS Aquino, na nailuklok kasunod ng malalaking pangako ng malawakang pagbabago mula sa rehimeng Arroyo. Ang mga pangunahing islogang kanyang pinangalandakan ay hinggil sa paglaban sa kabulukan ng gobyerno: “walang wang-wang,” “kung walang kurap walang mahirap,” at “tuwid na daan.” Bukod dito, gaya ng maraming tradisyunal na politiko, hindi rin nawala sa mga ipinangako niya ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka (lalo ng Hacienda Luisita na pag-aari ng kanilang pamilya), paglikha ng trabaho para sa mga manggagawa, at pagpapabuti sa edukasyon at iba pang serbisyo. Halos anim na taon pagkatapos, ano nga ba ang ginawa at iiwanang legacy ng rehimeng BS Aquino? Asyendero at kontra-magsasaka Imbes na interes ng masang magsasaka, ang itinaguyod ng rehimeng Aquino ay ang interes ng mga kagaya niyang asyendero. Sa kaniya mismong bakuran, ang Hacienda Luisita (HL) ay nananatiling wala sa kontrol ng mga manggagawang-bukid nito. Sa kabila ng kanyang pag-deklarang matagumpay na naipamahagi sa ilalim ng CARPER ang HL, ang mga manggagawang-bukid ay nasa ilalim ng palagiang pangamba na palayasin sa mga loteng “ipinamahagi” dahil sa kawalang-kakayahan nilang bayaran ang mataas na amortisasyong sinisingil. Noong 2014 lang ay sunod-sunod ang reklamo ng mga manggagawang-bukid dahil sa mga pananakot, pandarahas, at pamimilit ng mga pulis, sundalo, at ahente ng Department of Agrarian Reform (DAR) na papirmahin sila sa mga kontrata kung saan papayag umano sila na palalayasin sa lupa kung hindi makapagbayad ng amortisasyon. Bukod sa bantang mapalayas anumang oras, nariyan din ang panggugulo sa pagitan ng mga manggagawang-bukid dahil sa mapanghating pamamahagi ng mga lote sa pamamagitan ng tambyolo. Habang pinapakita ng kasaysayan HL ang lubos na kapalpakan ng CARPER, pilit naman itong pinatatagal ng mga panginoong-maylupa sa gobyerno kasunod ng pagkapaso nito noong Hunyo 2014. Hinabol ng ilang mababatas ang ekstensyon pang muli ng naturang batas - na epektibong hinarang ng mga magsasaka. Gayunpaman, tusong nilusot ng asyenderong rehimen ang praktikal na ekstensyon ng CARPER sa pamamagitan ng paglalaan ng P4.5 bilyon sa “land acquisition and distribution” ng 2016 budget. Nariyan din ang mga proyektong Public- Private Partnership (PPP) na nagpapahintulot sa mga higanteng pribadong korporasyon na kumita nang malaki sa mga pampublikong proyekto. Marami sa mga proyektong PPP ay magpapalayas ng magsasaka at mangingisda. (ituloy sa p. 7) Uhay Setyembre 2015 Opisyal na Pahayagan ng National Network of Agrarian Reform Advocates - Youth Sa loob: Wakasan na ang Huwad na Daan ng Asyenderong Rehimeng Aquino! Hinggil sa KM@50 ni JMS sa p. 2 NRY@20! & chapter updates sa p. 3 Youth for GARB: Rekindling Hopes sa p. 4-5 Y4G updates sa p. 6 Tuloy ang Laban, JP sa p. 7 OUST AQUINO - Mural ng NNARA-Youth na nananawagang patalsikin si Aquino sa isang pagkilos kasama ng Anakpawis sa Maynila.

Uhay (September 2015)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

September 2015 issue of Uhay. Features articles about the legacy of the BS Aquino regime, the 20th anniversary of NNARA-Youth, and the Youth for GARB alliance.

Citation preview

Page 1: Uhay (September 2015)

Malapit nang magwakas ang anim na taong termino ni BS Aquino, na nailuklok kasunod ng malalaking pangako ng malawakang pagbabago mula sa rehimeng Arroyo. Ang mga pangunahing islogang kanyang pinangalandakan ay hinggil sa paglaban sa kabulukan ng gobyerno: “walang wang-wang,” “kung walang kurap walang mahirap,” at “tuwid na daan.” Bukod dito, gaya ng maraming tradisyunal na politiko, hindi rin nawala sa mga ipinangako niya ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka (lalo ng Hacienda Luisita na pag-aari ng kanilang pamilya), paglikha ng trabaho para sa mga manggagawa, at pagpapabuti sa edukasyon at iba pang serbisyo. Halos anim na taon pagkatapos, ano nga ba ang ginawa at iiwanang legacy ng rehimeng BS Aquino?

Asyendero at kontra-magsasaka Imbes na interes ng masang magsasaka, ang itinaguyod ng rehimeng Aquino ay ang interes ng mga

kagaya niyang asyendero. Sa kaniya mismong bakuran, ang Hacienda Luisita (HL) ay nananatiling wala sa kontrol ng mga manggagawang-bukid nito. Sa kabila ng kanyang pag-deklarang matagumpay na naipamahagi sa ilalim ng CARPER ang HL, ang mga manggagawang-bukid ay nasa ilalim ng palagiang pangamba na palayasin sa mga loteng “ipinamahagi” dahil sa kawalang-kakayahan nilang bayaran ang mataas na amortisasyong sinisingil. Noong 2014 lang ay sunod-sunod ang reklamo ng mga manggagawang-bukid dahil sa mga pananakot, pandarahas, at pamimilit ng mga pulis, sundalo, at ahente ng Department of Agrarian Reform (DAR) na papirmahin sila sa mga kontrata kung saan papayag umano sila na palalayasin sa lupa kung hindi makapagbayad ng amortisasyon. Bukod sa bantang mapalayas anumang oras, nariyan din ang panggugulo sa pagitan ng mga manggagawang-bukid dahil sa mapanghating pamamahagi ng mga lote sa pamamagitan ng tambyolo.

Habang pinapakita ng kasaysayan HL ang lubos na kapalpakan ng CARPER, pilit naman itong pinatatagal ng mga panginoong-maylupa sa gobyerno kasunod ng pagkapaso nito noong Hunyo 2014. Hinabol ng ilang mababatas ang ekstensyon pang muli ng naturang batas - na epektibong hinarang ng mga magsasaka. Gayunpaman, tusong nilusot ng asyenderong rehimen ang praktikal na ekstensyon ng CARPER sa pamamagitan ng paglalaan ng P4.5 bilyon sa “land acquisition and distribution” ng 2016 budget. Nariyan din ang mga proyektong Public-Private Partnership (PPP) na nagpapahintulot sa mga higanteng pribadong korporasyon na kumita nang malaki sa mga pampublikong proyekto. Marami sa mga proyektong PPP ay magpapalayas

ng magsasaka at mangingisda. (ituloy sa p. 7)

UhaySetyembre 2015

Opisyal na Pahayagan ng National Network of Agrarian Reform Advocates - Youth

Sa loob:

Wakasan na ang Huwad na Daan ng Asyenderong Rehimeng Aquino!

Hinggil sa KM@50 ni JMS sa p. 2

NRY@20!& chapter updatessa p. 3

Youth for GARB: Rekindling Hopessa p. 4-5

Y4G updates sa p. 6

Tuloy ang Laban, JP sa p. 7

OUST AQUINO - Mural ng NNARA-Youth na nananawagang patalsikin si Aquino sa isang pagkilos kasama ng Anakpawis sa Maynila.

Page 2: Uhay (September 2015)

KM@50: Pagpapatuloy ng Adbokasiya para sa Tunay na Repormang AgraryoAng sumusunod ay mga sipi sa talumpati ni Prop. Jose Maria Sison para sa kampanyang KM@50 noong 2014

Nagagalak ako na sa taong ito pinangungunahan ng NNARA-Youth ang kampanyang may pamagat “KM@50: Pagpapatuloy ng adbokasiya para sa tunay na repormang agraryo” bilang pagkilala sa naging paninindigan ng Kabataang Makabayan sa usapin ng repormang agraryo. Angkop na manguna ang NNARA-Youth sa kampanya dahil sa ito ay isang pang-masang organisasyon ng mga kabataan at estudyante na nakikiisa sa panawagan ng uring magsasaka para sa tunay na reporma sa lupa. [...] Malaki, mahalaga at mapagsiyang bahagi ng Kabataang Makabayan ang kabataang magsasaka mula sa umpisa. Sa pagtatayo ng KM, inugnayan sila sa pamamagitan ng mga samahan ng mga magsasaka sa Gitnang Luson at Timog Katagalugan. Sa gayon, napadali ang pagtungo ng mga kabataang tagalunsod sa kanayunan para makisalamuha sa uring magsasaka, kabilang ang kabataan nila sa pamamagitan ng pagsisiyasayat sa sosyal na kalagayan at gawain masa para pukawin, organisahin at pakilusin sila para sa kanilang mga karapatan at interes. [...] Hanggang matapos ang taning ng CARP noong 2009, hindi linutas kundi pinalubha ng CARP ang mga problema ng kawalan ng lupa ng mga magbubukid at pyudal at malapyudal na pagsasamantala sa kanila. Nananawagan at kumilos ang Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at ang masa ng magbububukid na magkaroon ng tunay na reporma sa lupa. Subalit tinanggihan ng reaksyonaryong rehimen at kongreso ng mga asendero ang Genuine Agrarian Reform Bill (GARB). Sa halip nito, pinahaba pa hanggang 2014 ang buhay ng CARP sa ngalan ng CARP—Extension with Reforms (CARPER). Hangga’t maaari, ipaglaban ang pagsasabatas ng GARB. Pero kung mabibigo ang ganitong legal na mga pagsisikap, huwag kayong magpabulid sa kawalan ng pag-asa. Anumang paghaharang ang gawin ng mga reaksyonaryong m a y k a p a n g y a r i h a n , paigtingin ninyo at ng malawak na masa ang inyong kampanya ng pagmumulat , p a g -oorganisa

at pagmobilisa hanggang sa magapi ang naghaharing sistema at magtagumpay ang demokratikong rebolusyon

ng bayan. Kayong nasa legal na pagkilos para sa tunay na repormang agraryo ay nakakaalam na habang

binibigo at pinipigilan ng reaksyonaryong estado ng mga malaking komprador at asendero ang tunay

na reporma sa lupa, sumusulong sa kanayunan mismo ang rebolusyonaryong pagkilos para sa

tunay na repormang agraryo. Kapag dumami sa kalunsuran ang mga kabataang aktibista na nagtataguyod sa

tunay na repormang agraryo, puedeng tularan nila ang mga kadre at kasapi ng Kabataang Makabayan na tumungo sa kanayunan at gumawa ng panlipunan pagsisiyasat at gawaing masa hanggang sumapi sa rebolusyonaryong Partido at sa hukbong bayan para puspusang isakatuparan ang rebolusyong agraryo mula sa minimum na antas hanggang sa maksimum na antas. Naghihintay sa inyo ang mga kadre at aktibista ng Kabataang Makabyan sa kanayunan. Nais nilang matulungan sa pagsasagawa ng minimum na antas, kabilang ang pagpapababa ng upa sa lupa, pagpawi sa usura, pagpapataas ng pasahod sa mga mangagawang bukid, pagpapataas ng presyo ng produktong agrikultural at pagpapahusay ng produksyon sa agrikultura at ibang gawain-- hanggang sa pagsasagawa ng maksimum na antas, kabialng ang pagkumpiska ng lupa mula sa mga asendero at libreng distribusyon ng lupa sa mga magsasaka. Mainam na habang nasa mga unibersidad pa lamang kayo, may pag-unawa na kayo sa mga problema ng uring magsasaka at sa solusyon na dapat tuparin. Dumako kayo sa kanayunan para ibayong matuto sa mga magsasaka tungkol sa kalagayan, mga problema at pangangailangan nila. Puedeng pansamantalang tumigil sa kanayunan para magsimula sa pag-aaral. Puede ring tuluy-tuloy at permanenteng kumilos sa kanayunan. Basta’t may matibay kayong ugnayan sa kanayunan hindi kayo matatakot na lumahok sa mga pakikibaka sa kalunsuran. Sinasabi ko ito kaugnay ng mga binabalak na kilos protesta laban sa pagkapapet, pagsasamantala, pangungurakot, karahasan at

kasinungalingan ng rehimeng Aquino. Mangahas na patalsikin ang kasuklam-suklam na rehimeng ito.

Lakasan ninyo ang inyong loob na lumaban dahil anumang kalupitan ang gawin ng rehimeng ito mayroon na kayong muog na bakal sa kanayunan, sa piling ng mga magsasaka at manggagawang bukid na nagrerebolusyon. #

2

Page 3: Uhay (September 2015)

“Dumako kayo sa kanayunan para ibayong matuto sa mga magsasaka tungkol sa kalagayan, mga problema at pangangailangan nila. Puedeng pansamantalang tumigil sa kanayunan para magsimula sa pag-aaral. Puede ring tuluy-tuloy at permanenteng kumilos sa kanayunan.”

Ika-20 taon ng NNARA-Youth, ipinagdiriwang Ipinagdiriwang ngayong taon ng NNARA-Youth ang ika-20 anibersaryo nito mula sa pagkakatatag noong 1995. Ang taong 2015 ay kinatatampukan ng maraming bago at unang karanasan para sa organisasyon - lahat para sa pagpapataas sa antas ng pakikisangkot ng kabataan at estudyante sa laban ng masang magsasaka para sa tunay na reporma sa lupa. Malayo na ang narating ng NNARA-Youth mula sa inisyal nitong pagpapalawak noong huling bahagi ng 1990s sa mga kolehiyo at eskwelahan sa Kamaynilaan gaya ng Miriam College, St. Scholastica’s College, at ilang hayskul, sa mga nakaraang taon ay binuhay muli ng NNARA-Youth ang pag-abot sa iba pang mga eskwelahan at komunidad sa malalayong probinsya gaya ng Rizal, Isabela, CARAGA, at Davao. Sa pamamagitan ng pagrerekrut sa mga buo nang organisasyon tungo sa adbokasiya para sa tunay na reporma sa lupa, napapasaklaw pa ng NNARA-Youth ang pagsasangkot dito ng kabataan, lalo sa mga agrikultural na probinsya. Samantala bilang bahagi

rin ng paggunita sa ika-20 nitong taon ay inilunsad ng NNARA-Youth ang kampanyang Abente!, isang serye ng mga aktibidad tuwing ika-20 ng buwan para sa pagkilala sa dalawang dekadang paglahok ng NNARA-Youth sa pakikibakang magsasaka. Isa ring malaking proyekto ngayong taon ang pagsisimula sa muling pagtatatag sa NNARA mula sa mga alumni ng NNARA-Youth. Bahagi ito ng pagpapalakas sa suporta para sa

pakikibakang magsasaka at nagbibigay ng

p a g k a k a t a o n para sa mga

nakapagtapos na ng pag-aaral, nagtatrabaho, o may pamilya nang dating bahagi ng

o r g a n i s a s y o n na ipagpatuloy

ang pag-aambag sa labang minsan din

nilang pinaglaanan ng enerhiya at panahon. Bilang pagsasara sa kabuuang pagdiriwang ng ika-20 taon ng NNARA -Youth ay ilulunsad sa Setyembre ang Pambansang Konseho nito kasama ang mga rehiyunal na tsapter at magkakaroon ng gabi ng pagdiriwang kasama ang mga dati at kasalukuyang miyembro ng NNARA-Youth. #

CHAPTER UPDATES

UPM• 30+ recruits mostly in DSS• 4 ACLEs on the peasant situation• Mar. 9 “An Eye-opener to the Promises

and Threats of Golden Rice“ forum• Apr. 7 “Salumpuwit“ exhibit on agrarian

reform history• Apr. 21 “Minsa’y Naging Akin” forum• Murals for March Oust Aquino campaign

and July SONA ng Bayan• Walking “talakaran“ exhibit

on commercialization and contractualization

• Aug 14 General Assembly• Sept 3 Y4G UPM preparatory meeting

UPD• ACLEs on the peasant situation• Freshie discussion on agriculture• Sept 10 “Pangako Sa’yo” forum• Monthly plans

PUP• Campaign against cha-cha• RTR discussions with Mindoro farmers• Campaign against TOFI• Fund raising for Ka Gerry’s hospitalization

• July 21 General Assembly• ACLEs, RTRs, Booth for SONA ng Bayan• 130+ students on July SONA ng Bayan• Expansion on College of Education• Hun 31 “Nasan ka nung kailangan kita?” forum

National Expansion Since 2014, chapters in Pintong Bukawe National High School in Rizal, Assumption College de Davao (Kadumahan), UP Los Banos, and the provinces of Isabela and Cagayan (Masakbayan) have been established. Preparations for the formal establishment of chapters in CARAGA and Negros are also being done. #

3

Page 4: Uhay (September 2015)

Youth for GARB: While Millenium Develoment Goals of the United Nations in the Philippines have been grossly unsatisfactory despite reported and projected economic growth, inclusivity and social justice have come to the forefront of debates. Rather conspicuous in the matter, is the failure of agrarian reform in the country. A genuinely redistributive land reform is not only a component but key to social justice and sustainable economic development, according to the United Nations. Yet 11 programs later, the Philippine peasantry remains boggled by landlessness and sheer poverty. As the Comprehensive Agrarian Reform Program ended last June 30, 2014, CARP had proven to be the most protracted and most expensive land reform program in Asia. In fact together with Marcos’ PD 27, it has squandered 259 billion worth of people’s taxes from 1972 to 2012 (at rates unadjusted to inflation).While,out of the 5.37 million hectares of its shrunk target for distribution, only 84% or 4.49 million-hectares were given notices of coverage (NOCs), smaller still were the landsdistributed.Inefficientasitis,inthe95percentileprivate lands it has targeted from the supposed balance of CARP; only 30% of these were covered by NOCs and next to nil was distributed.

Landlessness and poverty outlived CARP After 27 years of existence, the Comprehensive Agrarian Reform Program,along with its extension and reforms known as CARPER, has finally expired last 30June 2014. While 7 out of 10 Filipino farmers still do not have their own lands to till, 60% of all agricultural lands or almost 9 million hectares are privately owned by just 13% of landlords in the Philippines. The largest Haciendas in the country, located in Central Luzon, Southern Tagalog, Cagayan, Negros, Iloilo, Cebu, Davao del Sur, Agusan del Sur, Davao del Norte, Agusan del Norte, Cotabato, and Lanao are still intact and owned by landlords such as Danding Cojuanco Jr., Juan Ponce Enrile, Dimaporo Family, Roxas Family, and Escudero Family. Hacienda Luisita in Tarlac, placed under the Stock Distribution Option (SDO) is a classic example. It has a total land area of 6,453 hectares, 4,915 .75 of which are classified as agricultural land, comprising mainlyof sugarcane plantation. Instead of transferring the ownership to the farmers who have tilled the land, they were promised of receiving shares in the gross sales of the Hacienda but weren’t able to receive any dividends at all. On 24 April 2012, under the decision of the Supreme Court, the 4,335 hectares of Hacienda Luisita had to be distributed to farmers; however, DAR’s distribution through raffle draw has only caused confusion anddisputesamongthefarmerbeneficiaries.

Moreover, instead of distributing lands to the farmers, CARPER even does the reverse. The cancellation of Certificate of Land Ownership Awards (CLOAs) andPD 27 Emancipation Patents (EPs) among the farmers of Hacienda Looc in Batangas, Hacienda Dolores in Pampanga, and Bondoc Peninsula in Quezon, in favor of private companies, reveals the anti-farmer essence of CARPER as it posits to be a pro-farmer agrarian reform law, in paper only. The cancellation of CLOAs and EPs means that their holders no longer have rights to the land indicated in the said documents, irrespective of the land amortization and other payments that they have previously made. The issuance of NOCs that the DAR intends to continue after CARPER’s expiration will ensure nothing for the farmers as the government tries to get around appropriate land distribution, and approvesthereclassificationofagricultural landsusingthe loopholes of other state policies, e.g. Section 20 of the Local Government Code. While agrarian reform laws are made with the intention of redistributing agricultural lands for landless farmers, CARPER does not aim for land distribution. It is thus, a bogus agrarian reform law from inception. While the countryside remains a quagmire of poverty, most of thepeople from far flungareas have no access to health care services and education. In the aspect of health, it was reported that 4 out of 10 Filipinos die without seeing a doctor. It is an inevitable consequence given that around 300 municipalities in the Philippines have no Rural Health Units (RHU) while an estimate of 2,600 health facilities in the country has full-time doctors or nurses. It is not a taboo that most of the health facilities in rural areas need improvement. The combination of the lack of access in health and education is a dreadful cage for the people in the rural areas to stay in a cycle of poverty.

Need for GARB There is an urgent need for a new landreformlawthatwilltrulybenefitthe Filipino farmers. The obvious failure of the Comprehensive Agrarian Reform Program - and its reforms - to provide the farmers their well-deserved land has been an age-long discussion

4Rekindling Hopes

“Now is not the time to sit back and hide in our comfort zones while the toiling masses are in need of support. “

Page 5: Uhay (September 2015)

and the purported developments the law promised to provide have not yet been realized. Farmers remain landless, treading still the path of poverty and destitution; rural development misdirected from genuinely inclusive national economic progress; and the lack of social justice persist throughout the country.

In its truest form, CARPER was never made to help the

farmers of our country. It was nothing more than a ploy to take

even more from them. This is seen in the constant unrest and disdain of

the farmers towards CARPER, even until its expiration.

Such is the reason why House Bill 252, or the Genuine Agrarian Reform Bill, was

drafted. Created through a congress held by the Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) in 2009, the document was based not from the perspective of the landlords, but those of the farmers who truly understood what it meant to care for the land. GARB consists of three primary values: the acquisition of all agricultural lands, the free distribution of those lands, and the

development of agriculture, to be led by farmers. The acquisition of all agricultural lands is paramount to break up the monopoly of landowners and foreigners of our lands. Under Section 5, it includes all private agricultural lands, lands operated as agribusiness plantations by transnational corporations, lands that have declared by various laws as part of reserved or devoted areas for tourism development, military reservations, human settlement projects, special

economic development authorities, export processing

zones but have remained undeveloped or agricultural in dominantuse,andall lands thathavebeenreclassifiedbut have remained undeveloped or agricultural in dominant use. These lands will be acquired through one of three ways: state acquisition, nationalization, and the option to sell the land. The development of these lands will be led from a farmer’s perspective. In doing so, the development will bebothscientific,aswellasmass-oriented.Itistheywhoknow best how to take care of these lands. Whether it comes to how to irrigate, which seeds to plant for the season, and other such intricacies, it is the farmers who know most.

A challenge for the youth The current absence of genuine land reform in the country will continue to take its toll not only on the welfare of the rural communities but of the whole country. The issue of nationwide poverty, food insecurity, and agricultural backwardness will continue to prevail if we do not have a clear-cut direction for agricultural development and national industrialization. The soaring

prices of basic commodities along with the privatization of social services including education poses

various perils on the youth sector—especially those coming from the low and middle-

income families. Now is not the time to sit back and hide in our comfort zones while the toiling masses are in need of support. Youth for GARB believes that we, the youth, has an important role of making

a stand for the passage of the Genuine Agrarian Reform Bill.

Youth for GARB Youth for GARB is a national alliance of youth and

student organizations, institutions, clubs, publications, and individuals who believes and supports the passage of GARB. Y4G holds fora, discussions, and info dissemination drives in schools, institutions, and peasant communities as to the peasant and agrarian situation and the need for the passage of GARB; launches immersions and community service programs for students and academic employees for them to lay witness of the dire peasant situation; creates avenues for discussion and advocacy in the online community aswell as offline networkingto broaden the reach of the advocacy; spearheads and supports lobbying work in the House of Congress and the Senate to encourage them to enact GARB. Our dominant assets as youths—our physical strength, creative minds, and wide social connections—willsignificantlycontributeininformingthepublicaboutthe current peasant situation and in advancing the call of the masses for the passage of House Bill 252, an agrarian reform that will truly serve its purpose. What are you fightingfor?WehopeyouareayouthforGARB,too.#

5 “Now is not the time to sit back and hide in our comfort zones while the toiling masses are in need of support. “

Page 6: Uhay (September 2015)

“Hindi man po naibigay ni JP sa inyo ang isang diploma ng pagtatapos sa kolehiyo... narito po at tanggapin n’yo ang isang sertipiko na tanda ng kanyang mga nagawa para sa bayang kanyang minahal at ipinaglaban.”

- Mieka Fernandez

Alyansang Youth for GARB, Sumusulong

Pinangunahan ng NNARA-Youth ang pagpapalawak sa pagkakaisa ng kabataan at mga estudyante para sa pagsasabatas ng Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) o House Bill 252 ng Anakpawis Partylist, sa pamamagitan ng pagtatayo sa alyansang Youth for GARB o Y4G. Ang Y4G ay isang malapad na alyansa ng mga kabataang organisasyon, institusyon, at indibidwal na pinagkakaisa ng pagpapahalaga sa repormang agraryo sa pangkalahatan at sa pagsasabatas sa Genuine Agrarian Reform Bill sa partikular. Nagsimula ang Y4G sa pagkilalang matapos ang CARPER ay nananatili ang malawakang kawalang-lupa ng mga magsasaka, at kung gayon pati ang mahigpit na pangangailangan para sa isang tunay na reporma agraryong mamamahagi ng lupa para sa mga nagbubungkal nito at magtitiyak sa makabayang pag-unlad ng ating agrikultura at ekonomya - at sa kasalukuyan ay walang ibang panukalang batas ang sumasaklaw sa lahat ng ito kundi ang GARB. Kaakibat nito ay ang pagsalig sa potensyal ng kabataan at mga estudyante sa pag-aambag sa labang ito. Unang hakbang para sa pagtatayo ng Y4G ang paglulunsad ng Round Table Discussion sa PUP noong Marso 5. Dinaluhan ito ng ilang propesor at mga organisasyong gaya ng Damlay PUP, ilang kapatiran, at maging ng Development Studies Society (DevSoc) mula sa UP Manila. Tinalakay dito ang pangangailangan para sa tunay na reporma sa lupa, sa pangunguna ni Antonio Flores ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP). Naging masigla rin ang pagtalakay sa nilalalaman, kasaysayan, at mga maaring tunguhin ng GARB na pinamunuan ni Kong. Fernando Hicap ng Anakpawis Partylist. Sa huli ay nagkaisa ang mga dumalo na itayo ang Y4G PUP. Abril 21 naman nilunsad sa UP Manila ang porum na “Minsa’y Naging Akin” bilang bahagi ng isang linggong aktibidades ng Department of Social Sciences. Tinalakay doon ng mga sumusunod na tagapagsalita ang mga sumusunod na paksa: (1) Angie Ipong ng Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura (UMA) hinggil sa pangangamkam ng lupa at pagtutol dito ng mga magsasaka sa Asya; (2) Flores ng KMP hinggil sa pangangamkam ng lupa sa Pilipinas at kaakibat nitong kalagayan ng magsasakang Pilipino; (3) Alexandro Labado ng Sentro Para sa Tunay na Repormang Agraryo (SENTRA) hinggil sa pangangailangan sa tunay na reporma sa lupa; at (4) Kong. Hicap ng Anakpawis Partylist hinggil sa GARB bilang kongkretong alternatibong programa para sa repormang agraryo. Isa sa mga pangunahing layunin sa naturang porum ang pagtatatag sa Y4G UP Manila. Kaya ilang linggo bago ang porum ay nag-imbita ng iba’t ibang organisasyon na dumalo rito. Matapos ang mga tagapagsalita, pinangunhan ni Hanna Sabar, Pangkalahatang Kalihim ng NNARA-Youth, at Pericles Festin, Tagapangulo ng DevSoc, ang pagpresenta sa borador na Pahayag ng Pagkakaisa ng Y4G. Ang mga

sumusunod na organisasyon ay maagap ding pumirma sa naturang pahayag at nagkaisa sa pagtatayo sa Y4G UP Manila: Minggan, Gabriela Youth, at Katribu. May kahalintulad ding porum na inilunsad sa PUP na pinamagatang “Nasaan ka nung Kailangan Kita?” noong Hunyo 31. Nagsalita rito sina Flores at Kong. Hicap sa harap ng mahigit 200 estudyante. Lalo nitong pinalakas ang ugnayan ng NNARA-Youth PUP sa iba pang mga organisasyon. Sa UP Diliman ay patuloy ang paglapit sa iba’t ibang organisasyon, institusyon, at propesor. Nailunsad dito noong Setyembre 3 ang porum na “Pangako Sa’yo,” kung saan nagsalita si Ericson Acosta mula sa opisina ng Anakpawis Partylist hinggil sa GARB at si Marrian Zandrea ng NNARA-Youth hinggil sa papel ng kabataan. Nilahukan ito ng mahigit 150 estudyante mula sa iba’t ibang kurso. May mga pagsisikap na ring abutin ang iba pang mga eskwelahan/unibersidad gaya ng Unibersidad ng Sto. Tomas, De La Salle University Taft, Ateneo de Manila University, St. Scholastica’s Taft at Marikina, at Pintong Bukawe National High School. May malaking potensyal ang alyansang Y4G para sa pangkabuuang pakikibaka ng mga magsasaka para sa lupa. Kung kaya’t nananawagan ang NNARA-Youth sa kabataan at estudyanteng Pilipino para sa patuloy na pagpapahigpit sa pakikipagkisa sa mga magsasaka para sa malawakang katarungan at pambansang kaunlaran. #

6

Mga dumalo sa Y4G UPM preparatory meeting noong Setyembre 4.

Page 7: Uhay (September 2015)

“Hindi man po naibigay ni JP sa inyo ang isang diploma ng pagtatapos sa kolehiyo... narito po at tanggapin n’yo ang isang sertipiko na tanda ng kanyang mga nagawa para sa bayang kanyang minahal at ipinaglaban.”

- Mieka Fernandez

“Mananatili kang Inspirasyon; Tuloy ang Laban!”

John Paulino S. Canlas (1997 – 2015) Noong Hunyo 11 ay nakaranas ng kawalan ang NNARA-Youth sa pagpanaw ng isa sa pinakaabante at aktibong miyembro nito. Si John Paulino S. Canlas o mas kilala bilang JP ay namulat sa kasagsagan ng banta sa pagtataas ng matrikula sa PUP sa unang taon nya sa kolehiyo noong 2014. Sumama s’ya sa pagkilos sa CHEd para tutulan ito. Dito nag-umpisa ang kanyang tuloy-tuloy na pagkilos at pagsuporta sa pakikibakang magsasaka at pagsulong ng tunay na reporma sa lupa kasama ng NNARA-Youth. Mabilis ang naging pag-unlad ng kanyang kamulatan sa proseso ng kanyang

pagtuklas sa kalagayan at pakikibaka ng magsasaka at mamamayang Pilipino.

Masigla at masigasig n’yang nilahukan ang mga aktibidad. Nahalal siyang opisyal sa edukasyon ng NNARA-Youth PUP noong Hulyo 2014. Samantalang sa pambansang antas ay hinalal siyang opisyal sa kampanya noong Setyembre 2014. Dito niya naipamalas ang kanyang husay at kakayanan sa paggampan ng gawain sa lokal na balangay at maging sa pangkalahatan bilang bahagi ng pambansang kagawaran. Hanggang sa nagpasya syang buong-panahong kumilos para ubos-kayang maglingkod sa sambayanan, hindi lang sa mga pamantasan sa lunsod, kundi maging sa mga komunidad ng magsasaka sa kanayunan, sa pamamagitan ng

patuloy na pag-o-organisa sa kabataan. Kaisa sya sa pagtatatag ng balangay ng NNARA-Youth sa

Pintong Bukawe, San Mateo, Rizal at naging tagapagtaguyod nito. Noong Hunyo 11 ay winakasan n’ya ang kanyang sariling buhay. Marami ang nabigla at hindi makapaniwala sa nangyari. Sya ay labing-pitong taong gulang. Bumuhos ang pakikiramay ng mga kaibigan, mga kapamilya, ng karelasyon, at maging ng kasapian ng NNARA-Youth kasama ang iba pang mga organisasyon. Nagdaos ng programa kung saan sinariwa ang kanyang mga alaala bilang anak, kapatid, kaklase, kaibigan, karelasyon, at kasama. Ginawaran s’ya ng NNARA-Youth ng sertipiko ng pagkilala sa kanyang mga nagawa para sa bayan, na tinanggap ng kanyang mga magulang. Mananatiling inspirasyon si JP sa mga kabataan dahil sa kanyang pagpili sa pakikibaka kaisa ng magsasaka. Bagamat dito na nagtatapos ang kanyang paglaban ay ipagpapatuloy ng maraming kabataan estudyante ang kanyang mga nasimulan. Tuloy ang laban! #

(mula sa p. 1) Gaya ng P69.3B MRT 7 na magpapalayas sa 3,000 pamilya ng magsasaka at mamamayan ng San Jose del Monte, Bulacan samantalang nagtitiyak ng ilang bilyong pisong kita para sa mga kumpanyang pag-aari ng mga Araneta, mga kaalyado ng pangulo. Nariyan din ang P122.8B proyektong Laguna Lakeshore Expressway Dike na kahit hindi pa nagsisimula ang mismong konstruksyon ay unti-unti nang sinisira ang Lawa ng Laguna dahil sa pagpapasara ng Napindan Dam para sa paghahanda para rito. Sa kabila ng pangakong pangangalagaan ang interes ng maliliit na mamayan gaya ng mga magsasaka at mangingisda, ang rehimeng Aquino ay aktibong nagpapahirap sa kanila.

Tuta at maka-dayuhanWalang katulad ang pagpapakatuta ng rehimeng Aquino. Pinakamasahol na marahil ang madaliang pagpirma mismo ni Noynoy sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) noong Abril 2014. Sa ilalim ng kasunduang ito ay hinahayaan ang pagkampo ng mga tropa ng Amerika sa mga pasilidad-militar ng gobyerno. Hindi na kailangangn magtayo pa ng mga Amerika ng mga sariling kampo dahil maari na nitong gamitin ang ilang libong kampong nakatayo na sa ating bansa. Ginawang katanggap-tanggap sa publiko ang pagkatutang ito sa pagpapalobo ng agresyon ng Tsina sa usaping-teritoryal sa South China/West Philippine Sea. Imbes na tunguhin ng gobyerno ang mga diplomatikong pamamaraan ng pagresolba sa naturang usapin, bulag itong umaasa sa pangarap na suportang-militar ng Amerika. Ito ay sa kabila ng malinaw na pag-iwas ng mismong pangulo nitong si Barrack Obama, na mangako ng kahit na anong tipo ng suporta para sa Pilipinas sa pagkakataong sumalakay nga ang Tsina. Nariyan din ang madugong insidente sa Mamasapano kung saan namatay ang mahigit 70 Pilipino kabilang ang 44 SAF. Dahil sa bulag na pagsunod sa atas ng Amerika na madaliang hulihin ang teroristang si Marwan ay inilagay ni Noynoy sa panganib ang buhay ng maraming Pilipino at maging ang usapang-pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at mamamayang Moro. Pinaka-huli sa listahan ng mga krimen ng tropa ng Amerika sa bansa ang pagpatay kay Jennifer Laude. Magpasa-hanggang ngayon ay hindi naipipiit ang pangunahing suspek sa kasong ito, ang Amerikanong sundalong si Joseph Scott Pemberton. Bukod sa mga naturang kaso, maaga na nating nakita ang panghihimasok ng Amerika sa bansa sa kaso ng pagsadsad ng submarino nito sa ating Tubbataha Reefs at ang pagsulpot ng kanilang mga ilegal na surveillance drones sa iba’t ibang panig ng ating bansa.

Kurap at Pahirap Sa kabila ng pagkapanalo sa likod (ituloy sa p. 8)

7

Page 8: Uhay (September 2015)

Nilimbag ng:

National Network of Agrarian Reform Advocates - Youth

(mula sa p. 7) ng islogan para sa malinis na gubyerno, batbat ng isyu ng kurapsyon ang mismong gobyernong Aquino. Taong 2013 pumutok ang isyu sa ilang bilyong PDAF (Priority Development Assistance Fund) Scam. Nasa sentro nito si Janet Napoles na naging tulay sa pagitan ng mga mambabatas at mga pekeng organisasyong dinaluyan ng pondo tungo sa kung kaninong mga bulsa. Kumilos ang mamamayan para mariin itong tutulan at humantong sa pagsasampa ng kaso laban sa ilang mga mambabatas. Sa kabila ng panawagan ng mamamayang papanagutin ang lahat ng sangkot, tanging ilang senador lang mula sa oposisyon ang naipiit. Gayunpaman, bunga ng panawagan para sa pananagutan, naungkat din ang usapin hinggil sa DAP (Disbursement Acceleration Program) na ilang bilyong pondong kontrolado mismo ng pangulo. Kung ang PDAF ay pork barrel o pondong-publiko na arbitraryong ginagamit ng mga mambabatas, ang DAP naman ang pork barrel ng pangulo. Ito ang pinakamalaki sa lahat ng pork barrel at aabot sa mahigit P1T noong 2014. Pinanuhol at pinang-banta ito sa mga mambabatas upang umayon sila sa mga nais ng pangulo. Bunga muli ng mariin at malawakang protesta ng mamamayan, dineklara ng Korte Suprema na labag sa konstitusyon ang DAP. Gayunpama’y nananatiling hindi napapanagot ang mga pangunahing nagpakana nito, si Noynoy mismo at DBM (Department of Budget and Management) Secretary Butch Abad. Tuso pa nilang pinuslit ang DAP sa 2016 budget sa pamamagitan ng mga

probisyon hinggil sa arbitraryo at maanomalyang paggasta sa mga pondong matitipid ng gobyerno. Sa gitna ng isyu ng sistematikong kurapsyon ay nanatiling salat sa batayang serbisyo ang mamamayang Pilipino. Sa edukasyon ay pinakatampok ang lalo pang pagpalalayo ng kabataan sa edukasyong pang-kolehiyo sa pamamagitan ng K+12. Sa halip ay pinupwersa nito ang kaabataan na maagang magtrabaho bilang mga murang manggagawa sa labas ng bansa. Kasabay ito ng pagbabawas ng pondo para sa mga SUCs (State Universities and Colleges). Kaya naman sunod-sunod din ang mga pagpapalaki ng sinisingil sa mga estudyante sa SUCs, sa pamamagitan halimbawa ng STS (Socialized Tuition System) sa University of the Philippines, at napakalalaking miscellaneous fees sa PUP at iba pang mga pamantasan. Tampok rin ang malalaking suliranin sa transportasyon lalo hinggil sa MRT/LRT. Kasabay kasi ng tinutulang pagtaas nito ng singil ay ang sunod-sunod na aberya ng mga tren. Dagdag pa, ilang linggo matapos ang pagtaas ng singil, walang ibang pinaunlad dito kundi ang kanilang paniningil (i.e. Beep cards) - habang nanatiling kulangan ang mga tren at nabubulok ng mga nariyan na. Mismong pondo ng bayan ang ginagamit para lalo pahirapan ang mamamayan.

Trapo at ilusyonado Lahat ng ito ay nagpapatunay na walang pundamental na ipinagkaiba si BS Aquino sa mga nauna nang maka-dayuhan, kontra-magsasaka, at pahirap sa masa na mga pangulo ng Pilipinas.

Matapos mangako ng lupa para sa magsasaka, pagtataguyod ng pambansang kalayaan, at serbisyo para sa mamayan, puros kabaligtaran ang iiwang legacy ng kanyang administrasyon: lumalalang kawalang-lupa ng mga magsasaka, garapalang pagsusunud-sunuran sa Amerika, at lumulubhang kahirapan at kawalan ng mga batayang serbisyo para sa mamamayan. Gayunpaman ay ilusyonadong pumupostura si Noynoy at ang Liberal Party na nararapat pa umanong palawakin ang tuwid na daan sa katauhan ni Mar Roxas. Isa itong malaking sampal sa naghihirap na sambayanang Pilipino. Malinaw na ang “tuwid na daan,” na ito ay huwad at walang ibang patutunguhan kundi lalo pang paghihirap at pagkabusabos para sa mamamayan. Ang pilit na pagpapasikat ni Noynoy kay Roxas ay nagpapakita ng garapal na tangkang pagpapalawig pa ng kanyang paghahari-harian matapos tutulan ng mamamayan ang ekstensyon ng kanyang termino. Maasahan pa rin ang malawak at mariing pagtutol ng mamamayan laban rito. Kaya nararapat lang na aktibong makiisa ang kabataan sa sambayanang Pilipinong nananawagan sa pananagutan ng rehimeng BS Aquino. Tayong mga kabataan ay may angking lakas at kapasidad para tuloy-tuloy na isulong hindi lang ang paniningil sa asyenderong rehimen kundi pati ang pagtataguyod sa makabuluhang pagbabago tungo sa ganap na pagkakakamit ng panlipunang katarungan at pambansang kaunlaran. #

8

Makipag-ugnayan#56 K-9 st., Bgy. West Kamias, Quezon City

[email protected]

/NNARAYouth

/NNARAYouth

nnarayouth.wix .com/home

Mga Haiku Alay sa Magsasakani Downa Magsino

Irigasyon

Tubig na ginto Pangakong na- bayubay Tuyo na’ng uhay

Balintuna

Syang nagtatanim Sya pang walang makain Busog ang sakim

Rali ng Bayan

Lakas ng masa, Karatula’t polyeto, Kamao’t karit