87
“WALKING DISASTER GIRL” BY: AmaDevGirl [A/N:] Certified Bigbang VIP po ako. KAYO? HAHAHA. LOL. Shares. Alam niyo yun? Nakakabaliw si G-dragon. Yung mga mata ni TOP! Ay juskooo. Yung killer smile ni Daesung? Nakakaloka >.< Eh yung maknae na si Seungri na nagmamatured na? tsaka yung galing ni Taeyang sa pagsasayaw! OHMAYGULAYY. Bigbang na talaga ang “The best!” Ay nalang. Pagpasensyahan nio nalang ako. Fan nga diba? WUAHAHA. O siya, Prologue na nga, tsk. -PROLOGUE- Masarap siguro sa pakiramdam ang maging matalino. Walang manlalait sayo. Bida ka lage. Tss. Kung isa lang akong matalinong nilalang, AKO na siguro ang pinakamasayang tao sa mundo! As in! promise!!!!!! :D Kaso, kabilaktaran naman. >.< Di ako matalino. Dalawang beses akong umulit sa 1 st year dahil di pa rin ako gaanong marunong magbasa! pero hephep! Marunong nako ngayon! Wag mo akong maliitin! Chos! :P ------ ENTRY ONE.. –SPELL WALKING DISASTER? YAWN.YAWN.YAWN.YAWN. ASAR NAMAN O. bakit ngayon pa ko inaantok? Oras ng klase ngayon. Naku naman Nikay! Umayos ka! Tumuwid ako ng upo at pakunwaring binuklat ang libro sa physics. Alam ko naman kaseng ako nanaman ang center of attraction, tiyak na tatawagin ako ni Maam Garido dahil alam niyang di nanaman ako nakikinig. Dahil wala rin naman kase akong balak makinig!

Walking Disaster Girl

Embed Size (px)

DESCRIPTION

NOTHING

Citation preview

Page 1: Walking Disaster Girl

“WALKING DISASTER GIRL”BY: AmaDevGirl

[A/N:] Certified Bigbang VIP po ako. KAYO? HAHAHA. LOL. Shares. Alam niyo yun? Nakakabaliw si G-dragon. Yung mga mata ni TOP! Ay juskooo. Yung killer smile ni Daesung? Nakakaloka >.< Eh yung maknae na si Seungri na nagmamatured na? tsaka yung galing ni Taeyang sa pagsasayaw! OHMAYGULAYY. Bigbang na talaga ang “The best!”Ay nalang. Pagpasensyahan nio nalang ako. Fan nga diba? WUAHAHA.

O siya, Prologue na nga, tsk.

-PROLOGUE-

Masarap siguro sa pakiramdam ang maging matalino.Walang manlalait sayo.Bida ka lage.Tss. Kung isa lang akong matalinong nilalang, AKO na siguro ang pinakamasayang tao sa mundo! As in! promise!!!!!! :D

Kaso, kabilaktaran naman. >.<Di ako matalino. Dalawang beses akong umulit sa 1st year dahil di pa rin ako gaanong marunong magbasa! pero hephep! Marunong nako ngayon! Wag mo akong maliitin! Chos! :P

------ENTRY ONE.. –SPELL WALKING DISASTER?

YAWN.YAWN.YAWN.YAWN.

ASAR NAMAN O. bakit ngayon pa ko inaantok? Oras ng klase ngayon. Naku naman Nikay! Umayos ka!

Tumuwid ako ng upo at pakunwaring binuklat ang libro sa physics. Alam ko naman kaseng ako nanaman ang center of attraction, tiyak na tatawagin ako ni Maam Garido dahil alam niyang di nanaman ako nakikinig. Dahil wala rin naman kase akong balak makinig!

“Villanueva!”

Badshot naman tlaga o! ayun nga at tinawag talaga ako ng uhugin na adviser namin. Tama talaga hinala ko, ee kung maging isang manghuhula na lang kaya ako? Baka may future pa ko. Hehehe. Diyan ako magaling ee!

Agad naman akong tumayo. “Yes Maam?”

“Nakikinig ka ba?”

Page 2: Walking Disaster Girl

“Opo naman Maam!”

“Do you know what chapter we are now?”

Napanganga ako. Kainis naman o! ee di ko tlaga alam ang sagoooooot! Lintek naman yang chapter-chapter na yan. May pachapter-chapter pa kaseng nalalaman itong librong hawak ko.

Tahimik lahat ng kaklase ko. Hey yoooow? Habang buhay na lang kayo riyan tutulala sa ken? Walang balak tumulong?

Kung sabagay, ayaw naman nila sa ken ee. Mahirap daw akong turuan. Parang ako na raw ang pinakaBOBOng nilalang sa mundo sabi saken ng sitmate ko noong first day palang kame sa fourth year. Kung mkapagsalita siya sa aken ay parang sobrang talino nia, HALLER? Classmate kaya kami kaya dir in siya matalino! Feelingera din.

“Monicaaaaaaaaaaaaaaaa tlaga!”-----

Nakooooow naman! Ang daming problema ngayong araw na to. Paano ba naman kase, may report ako para bukaaaaaas! Pinahihirapan talaga ako ng teacher namin. Dahil alam niyang takot ako sa reporting. Parang may trauma na kase ako noong pagkagrade-six ko. Naaalala ko pa noong napili akong magreport sa English……………………..

“G-good M-morning to all. Nandito ako upang mag-ula----------“

“Wait Monica! This is English Subject, so you should speak in English. You’re going to report the adjectives right?”

Nosebleed yata ako neto ngayon. Paano ba naman kase! Di ko alam kung ano ang gagawin at sasabihin ko. Section one pa naman ako! HUHUHU. Section one lng naman ako dahil sa lola kong teacher na nagpasok sa ken sa section na to kahit naman ayoko!

“Monica, you can start now. “ umayos ng upo ang teacher namin at pormal na ngumiti sa kin ng tipid. Nang mapansin niyang di pa rin ako tumitinag ay inulit niya ang sinabi niya.

“You can start now.”

“I’m report about the Adjectives t-today. I wish classmates you all hear to me.” Tama baaaaaah?

Nagulat ako ng nagsitawanan ang mga classmates ko at binato ako ng nakabilog na papel.

“LOSER!”

“SUCH A WALKING DISASTER GIRL!”

“HAHAHAHA!”

“BWAHAHAHAHAHA! CAN’T SPEAK ENGLISH PROPERLY!”

Page 3: Walking Disaster Girl

“AAAAAHHH! BOBO!”

“BOBO MO NIKAY!”

Napaiyak ako sa sinabi nila. Wala talaga silang awa. Palibahasa kase mga matatalino kaya mga mayayabang. Eh ano naman kung bobo? Ano naman kung di ko maintindihan mga pinagsasabi nila kase nga English?

“Class!!! Stop that!” tumayo ang teacher namin.

“HAHAHA! FOOL!”

“NUTS!”

“Class! I said Stop it! STOOOOOOOP!”Pinagtatawanan ako ng lahat maliban lang kay Andrey ‘Ray’ Fetalvero. Ang kapitbahay/kinakapatid kong crush na crush ko. Di ko siya matatawag na kaibigan bagaman welcome na welcome siya sa bahay namin atsaka kinakausap niya naman ako ako kahit papano. Lihim na sumaya ang kalooban ko. Di niya ko pinagtawanan. Ibig sabihin, di siya galit sa akin at di siya nandidiri.

Nagsitigil naman mula sa pagtawa ang mga kaklase kong mayayabang. >.<

“Monica, you can sit now.” Parang naaawang sabi ng teacher namin.

Nang umupo na ako ay pinagtitinginan nila ako. At pinagbubulungan. Parang pinipigilan lang nila ang sarili nilang wag tumawa…. “Sorry!” nasabi ko ng may mabangga akong babae.

“tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Hmp!” irap niya.

Dahil sa busy ang isip kong walang laman sa pag-alala sa nakaraan ay nakalimutan ko nang nasa present nga pala ako. Tsk. Ansama naman netooooo! Malala na siguro tong sakit ko sa kabobohan. Huhuhu. T.T

----

Nahiga ako sa damuhan. Di naman madumi eh. Nililinisan naman ito ng mga kaschoolmate ko eh. Nakita ko kanina si Ray at para akong tanga. Asar talaga! Ugh. Asar talaga ako sa ginawa ko. napakapalpak!

KANINA….

Dumirecho ako sa Library dahil inatasan kami ng teacher namin na maglinis daw dito. Kainis nga dahil dalawa lang kaming inatasan eh marami naman akong mga kaklase. Mga TAMAD talaga! Lalo na ang uhuging Teacher namin, pinapabanas ako! Kung di ko lang teacher iyon.. siguro matagal ko na yong….Di sinunod, kaso pampadagdag grade naman ang paglilinis. Para naman may dagdag points naman ako! Kulelat nanaman kase ako kanina sa quiz. :”/

Page 4: Walking Disaster Girl

Agad kong hinagilap ang walis tambo. NASAAAAAAN ba rito?

“Excuse me Maam!” napatakip ako sa bibig ko ng mapansing napalakas ang boses ko. Nasa Library nga pala ako ngayon! Nikay talaga!

“Ssshh! Observe Silence!” warning ng Librarian. Napakagat labi ako ng maramdamang lumingon sa direksyon ko ang lahat ng nagbabasa. Halos mahimatay ako ng makitang nandito si Ray! Diyos ko! wala naman siguro akong ginawang masama. HUHUHU.

Buti at nakita ko na ang walis tambo. Magsisimula ako sa dulong part ng Library. Napanganga ako ng makitang nasa dulo ang direksyon ni Ray!!!!! waaaahh. Yumuko ako habang nagwawalis, para naman di niya ako mapansin, baka kase mairita siya sa akin at mawala na ang konsentrasyon sa binabasa. Husss! `pag nagkataon.. ako nanaman ang me kasalanan. Ayoko ngaaaa!

Nakayuko ito habang nagbabasa, tutok na tutok ang mga mata nito sa binabasa. Concentrate lang ang drama ! palihim ko siyang pinagmasdan.. napakagwapo niya talagang tignan. Mahahaba ang pilik mata niya at masasabi ko talagang 100% kasali siya sa mga taong Tall, and handsome! Atsaka ang ganda-ganda ng skin niya, parang talo niya pa si KRIS Aquino eh, =__=

Napakatangos ng ilong niya, pointer nose ba ang tawag dun? Ayy hindeee! Pointing nose yata! Nakooow naman. Parang Pointed Nose naman yata ang tawag dun eh. Nakakaakit talaga ang nunal niya malapit sa kaliwang mata. May pagkared din ang lips niya. Haaaay! Perpektong nilalang na siguro kung di lang siya masungit. Hmp! Drama nanaman ba ako?

Nataranta ako ng lumingon siya sa direksyon ko! Halaaaa Nikay! Magdasal-dasal ka na! magkadikit ang mga kilay niya. Naman! Napansin niya siguro ang malagkit kong pagtitig sa kanya. Tschooo.

Nagwalis-walis effect na ako agad, di ako tumitingin sa direksyon niya at talagang iniiwasan ko siya.

“ARAY!” sigaw ko ng maramdamang may nabangga akong napakatigas na iyon. Bumunggo ako sa pader! Dahil sa pag-iwas-iwas ko ng tingin ay di ko namalayang papunta na pala ang winawalis ko sa pinakagilid at pinakadulo.

Nagsitinginan nanaman ang lahat sa akin! Palpak talaga! Pahiya nanaman ako! BADSHOT namaan talagaaaa o! bakeeeet kase napasigaw pa ako eh! Kasalanan ko nanaman!

Nilapitan ako ng Librarian at parang galit na hinigit niya ako.

“GET OUT! NOW!” tinuro niya ang pinto ng Library at hinila ako palabas.

“Tell your Teacher that we don’t need a Walking Disaster here! This is Library, can’t you see? Now, you can get out!”

Nosebleeeeeeeeeeeeeed. ANO RAW? English-english pa kase. Hiyang-hiya na tumalikod ako. Masasaktan siguro ako sa sinabi niya kung naintindihan ko. eh kaso, manhid ako ngayon eh. Di ko talaga nagets.

PATAY. Ano nga `yong pinapasabi niya kay Maam? Paano ko masasabi kung di ko naman naintindihan?

Page 5: Walking Disaster Girl

Bumalik ako sa Library. Nakataas ang kilay ng Librarian ng makita akong bumalik.

“Why did you come back? What do you need?”

“Ano nga po pala ang pinapasabi niyo ke Maam? Para naman po maiparating ko.”

“Miss Villanuevaaaaaaaa!”

--------

ENTRY TWO.. –Heyy Daydreamer!

MANIGAS KA DIYAN! Inis na bulong ko. nadapa kase ang seatmate ko sa harapan ng councilor ng school namin eh. Bahala siyang tumayo diyan mag-isa! Di niya ako tinuruan kanina sa quiz. Sobrang damoooot talaga niya. HMMMP! Pero nagbibiro lang ako, nilapitan ko siya at tinulungan siya sa pagtayo.

“Sorry po.” Sabi ko at tinulungan siyang pagpagin ang medyo na nadumihang uniform niya. Ngumiti sa akin ang councilor at umalis na agad. “hmp!” irap saken ni Cristelle. At agad na tinalikuran at iniwan ako. :’|

ABA NAMAN! AGGRRR. KAPAL TALAGA NANG CRISTELLE NA YAN KAHIT NA KELAN! Ni hindi man lang nagawang ngumiti sa akin o magpasalamat.aba! aba naman! Tinulungan ko na nga siya, siya pa itong umirap saken. Ano kayang tooooopak nang babaeng yun?

Umupo ako sa bench at nilabas ang dala kong lunchbox. Dito sa bench na ito ako palaging kumakain mag-isa. Alam ko naman kaseng pagbubulungan at pagchichismisan nanaman ako dahil sa kabobohan ko siguroooo. At alam ko naman kase talagang aalis sila kapag nakisalo ako sa kanila sa lunch. Buti pa rito sa bench na `to. Ako lang mag-isa at may katabi pang malaking puno na pwede kong pagtaguan. Atsaka wala naman kaseng umuupo sa bench na`to maliban lang saken. Dahil medyo kinakalawang na.

Eh ano ngayon kung me kalawang? At least diba, kahit papano.. may katahimikan din akong nalalanghap. Jeez, kakain na ako. Bagaman di naman ako gutom na gutom pero kase gusto kong magstay dito. Gumaganda at umaaliwalas kase ang pakiramdam ko `pag nandito ako .

Sumubo ako ng kanin. Ansaraaaap pa naman ng ulam ko, tocino at sausage. Marami ang nag-aakalang mahirap lang ako. Pero mali sila, may kaya ang pamilya ko at me tatlo kaming restaurant na pagmamay –ari ng papa at mama ko. kahit na kelan naman kase, di ako nagbihis ng maganda, inaasar nga nila ako na para daw basahan ang school uniform ko. MGA OA TALGA.Atsaka mahilig kase talaga ako t-shirt at pantalon kaya parang wala namang nakaka-appreciate sa akin.

Maputi ako, mapula-pula pa nga skin ko. straight na straight nga ang mahabang buhok ko eh. Maraming nagsasabing napakasayang daw ng ganda ko dahil bobo raw ako. Pede raw sana akong sumali sa mga beauty contest kase matangkad naman ako pero wala daw talaga kaseng laman utak ko. Minsan nga, may nagparinig sa akin ng “WHAT IS YOUR BEAUTY, IF YOUR BRAIN IS EMPTY?” at agad silang tumatawa ng pagak. At nakakainsulto namang talaga. >,<

Page 6: Walking Disaster Girl

Sa edad kong eighteen ay isa pa rin akong NBSB. Wala talagang naglakas ng loob na ligawan ako. Sino ba kase talaga ang magkakagusto sa isang bobong katulad ko? WALA. Nakakahiya naman kase talaga kung liligawan nila ako, alam na nila siguro na magiging kahiya-hiya sila sa lipunan.

Gusto kong makaranas ng true love. Eh kaso nga bobo ako diba? Walang pag-asa `to. Kaya hanggang crush-crush na lang ako. Ang samaaaaa no? tschoo. Walking disaster daw ako. Kahit naman di ko nagegets meaning niyan eh parang alam ko na ang meaning. NAPAKATANGA yata ang meaning niyan. Ang tatalino talaga nila no? akalain mong nakapag-isip sila ng ganoong salita na tamang-tama para sa pagkatao ko? ako nga ni minsan, di naka-isip ng ganyang salita eh. Mahirap kase yan. Di ko nga yata alam spell niyang salita na yan eh.

Teka nga, iisipin ko kung ano spell niyan. N-I-K-A-Y. kainis naman tong utak ko o! nakakaisip pang magbiro ng ganyan. Pero N-I-K-A-Y naman kase yata ang spelling niyan eh. Sige na nga, aayusin ko na.

Uhm. W-O-K-E-E-N-G D-E-S-A-S-T-I-R? Teka, mali yata.Eh ang W-O-K-I-N-G D-I-S-A-S-T-E-R?Erase, erase. Kulang yata ng S eh.

Hmp! Suko na nga `ko. di ko talaga alam ang spell eh. Bobo ko talaga no? >,<

Agh-agh. Ubo ko ng mabulunan ako. Agad na kinuha ko ang coke at ininom. Nye? Palpak nanaman. Ang drama-drama ko talaga kahit na kailan. Pede na siguro akong mag-artista nito sa kadramahan ko. eh kaso, bobo ako. Pede bang mag-artista ang isang bobo? Pano kaya yun? Hmm. Di yata pwede eh. Wala naman kase akong nababalitaang may bobong artista.

Asar lang oh.

Di sinasadyang napasulyap ako sa gym namin. Nakita ko si Ray na nagte-tennis. Napakagaling niya talaga sa tennis. Sporty siyang tao, kaya naman matipuno ang pangangatawan niya. gustOng-gusto ko talaga siyang pagmasdan habang nagpapractice, napakagwapo niya talaga. Lalo na kapag pawisan na siya. Para siyang model sa paningin ko. parang god sa greet mythology ang taglay niyang kakisigan. Ahhh! Greek mythology pala. Hehehehe. Mali nanaman ako. Ugh.

Gusting-gusto ko siyang kaibiganin at kausapin. Pero di ko magawa, para kaseng naiirita siya `twing nakikita niya beauty ko. >,<

Kainis talaga. Gusting-gusto ko talaga siya, pero ako at ang bestfriend kong si Shiela lang ang nakakaalam. Oo may bestfriend ako. Pero di halata diba? Kase 2nd year college na rin kase siya. Bagaman di siya gaanong matalino pero kase nakapasa siya kaya ka-year niya si Ray.

Si Shiela ang tagapagtanggol ko `pag me nang-iinsulto saken. Sayang kase minsan ko na lang siya nakakabonding. Busy kase talaga siya lalo pa at college na siya. Palagi na lang siyang nasa bahay nila dahil marami daw siyang thesir. Ah? Thesis yata ang tawag dun.

Page 7: Walking Disaster Girl

Kinakabahan nga ako eh. Paano na kaya kung mag-entrance exam ako para sa college? Makakapasa kaya ako? HIMALA yata kung mangyayari `yon. pero nagpe-pray naman ako na makapasa naman sana ako. Sayang naman ang pinag-aralan at pinaghirapan ko para lang makapasa sa 4th year. May pinag-aralan ba talaga ko? matatawag bang pinaghirapan ko ang pag-aaral ko? p_q

Pero paano ko kaya madadala lahat ng problema ko pag nag-college na ako, kung hanggang ngayon eh, di ko pa rin alam ang equation ng boyle’s law? At kung anu-ano pang law na yan? Aggrrr.

Ansamaaaaaa >:/

-----

Binuklat ko ang aking libro sa ‘langyang Physics. Stress siguro talaga utak ko ngayon! Sanay din naman ako eh. Hehehe. Palage naman stress utak ko dahil kahit anong gawin ko ay wala talaga akong maipasok na Lecture naming kahit isa. Lahat yata kinakalimutan ko. >.<`Di kaya Ulyanin na ako? Pambihira naman! Baka di naman talaga ako bobo? Baka naman ulyanin na ako. Nye! Ano ako? Matanda na? Ke bata-bata ko pa noh!

Sigh*.. kung anu-anong pinag-iisip ko. Badtrip naman o! imbes na ang report ko para bukas ang atupagin ko ay mas inuna ko pang isipin ang kung anong Ulyanin whatever na yan!

Humiga ako at napatitig sa kisame ng kwarto ko. Ilang beses ko na bang binasa ang book? Agggr. Asar ah. Paulit-ulit naman ang drama ko neto. Nakakatamad na!

“Nikay!”

Agad akong tumayo at dumirecho sa kusina dahil nagluluto si Mama ng pang-dinner namin ngayon.

“hmmm?”

Inabutan niya ako ng bowl na may laman na mainit-init pa na sabaw.

“Ihatid mo iyang Sopas kay kumareng Cynthia..”

Napanguso ako.”Bakeeeet?”

“Dami mong tanong. Dumirecho ka na don.” Sabi niya habang inaayos ang lababo.

“Hmp! Sungit ni Mama. Naglilihi siguro.” Irap ko at agad na lumabas ng bahay at tinungo ang kapitbahay.

“T-tita..” natarantang bungad ko ng makapasok na ako sa malaking bahay nila. Pormal na nanonood ng T.V si Ray. Napakamisteryoso niyang tignan talaga kahit na kailan!. Tahimik lang siya ngunit napakalakas ng appeal. Asar! Kaakit-akit talaga siya . Promise! Agad naming bumalik ang hiya ko ng maalala ang nangyari sa Library kanina!

Page 8: Walking Disaster Girl

“Nikay, gandang gabi.” Nakangiting sabi ng ng ama ni Ray sa akin.

Lumapit ako at nagmano. “N-ninong.. gandang gabi rin po. Ipinapabigay nga po pala ni Mama.”

“Salamat Nikay ha. Humingi ang ninang mo ng sopas para kay Ryan na nilalagnat. Gabi na kasi kami nakauwi kaya walang nakaluto ng mainit na pagkain para kay Ryan.”

“Ahhh. Kaya po pala. Okay na po ba siya?”

“Sort Of, nakakaworried na nga.”

Inilapag ko sa mesa nila ang bowl. Nilalagnat si Ryan at parang di man lang nag-alala ang kuya niya. Hmp! Kung ako ang ate ni Ryan, mababaliw siguro ako kung paano ko siya matutulungan.! Samantalang itong Ray na to ay parang walang pake. Akalain mo yun?

Umupo ako malapit kay Ninong.

“Kumusta pag-aaral?”

Ano? Kumusta ba kamo? Heto Bobo pa rin kahit saang subject. T.T. Kailan ba kase tumino ang utak ko? kailaaaan?

“E-ewan ko nga po kung okay ba.” Honest kong sagot. Ang honest ko noh? Tsk. Yey! Atleast diba may maganda naman tungkol sa akin, kahit papano? Atsaka naman, alam naman nila ang kalagayan ng utak ko kaya baket pa ako magisinungaling na ‘Okay lang’ kung alam na alam nilang Bobo ako. Kailan ba ko naging matalinooo aber?*

Inakbayan ako ni Ninong. “Don’t Worry Nikay, I can help you.”

“Papano po?”

“Sa tulong ni Ray.”

Napalunok ako mula sa narinig. Pangalan pa lang ni Ray ay parang mahihimatay yata ako paano na kaya kung magtututor siya sa akin? Pinakiramdaman ko ang sarili ko. ang bilis-bilis ng pintig ng puso ko. parang malakas ang daloy ng dugo, kumbaga parang nabuhayan ako ng dugo! Nanginginig tuhod ko na di ko maipaliwanag. Ano to? Alam ko crush ko siya pero… ano ba kase talaga to?

Ang topak ko talaga. Bakit ko ba tinatanong ang sarili ko? eh wala rin naman akong makukuhang sagot o solusyon. Kailan ba kase gumana ang utak ko? kailaaan? Siguro pag puti na ang uwak. AHUHUHUHU.!

Laglag ang panga ko. si Ray ba mismoooo? Anoooo? Nababaliw na ba talaga itong si ninong? Bakit naman niya naisipang tutulungan ako ni Ray sa studies ko eh parang pihikan yan sa akin? Baka tumanggi pa yan ngayon din.

“But Dad----“ Iritable yong mukha niya.

Page 9: Walking Disaster Girl

Kitams? Tatanggi talaga siya. Ang galing ko talagang manghula. Bakit pagdating sa panghuhula eh napakatalino ko? toiiiinnkkss. Kabaliwan ko talaga*

-----

-Ray’s Side

WHAAAAAAAT? Dad must be kidding me! He cant do this to me! He told me na `pag di raw ako nagtutor kay Nikay ay wala raw akong Allowance for one year! Oh no. He must be out of his mind. At baket niya naman naisip ang pagtututor ko kay Nikay without my permission? Kaasar talaga ang Nikay na `yon!

Busy naman din akong tao dahil college student na ako. At EIC pa ng school namin sa Campus Journal. Marami pa akong gagawin at di lang simple ang mga thesis ko! si Dad talaga! Aggggggrrr. >:)

Di naman siguro mangyayari ito kung nag-aral lang ng mabuti ang babaeng iyon! Pambihira naman.

Pero paano ko matuturuan ang babaeng `yon? Mahirap siya makaintindi at matagal pa bago makaisip ng isasagot. At kung makakaisip man ng pwedeng sagot ay mali pa rin naman! Matagal ko na siyang kilala ngunit di ko naisip na pagtuunan ng pansin ang katulad niya. Atsaka, di ko rin naman siya mapagtutuunan ng pansin dahil ang mga nakapaligid sa akin ay ang mga klasmeyt ko na kapwa may mga honor din. Second honor kase ako pagka-elementary kaya lahat ng mga kaibigan ko ay matatalino. Kaya kahit kapitbahay ko siya ay di ko nagawang kausapin siya ng matino. May pagka-weirdo din kase siya. >.<

Kaklase ko siya grade 1- first year. Pero di na kami naging magkaklase noong pagkasecond year ko dahil umulit siya. Bumagsak kase siya dahil nahihirapan siya sa pagbibigkas ng mga mahihirap na salita lalo na `pag English.

Noong 3rd year din ako ay nabalitaan ko ring umulit nanaman siya sa sa 1st year. And same reason nanaman. Haaaay! Ang hirap ng buhay niyaaaaaa! Ako nahihirapan sa kanya. Hay naku!

Nag2nd year college na lang ako, eh 4th year high school pa siya. Pero kahit di ko na siya kaklase eh palagi ko pa rin siyang nakikita. Iisa lang kase ang university naman. Kaasar. Araw-araw kong nakikita ang mga kalampahan niyang kilos. NapakaWALKING DISASTER niya talaga!

Pinatay ko ang ilaw ng lampshade ko. makatulog na nga. (-_-)

-----

-Nikay’s Side

Di ako makatulog. Iniisip ko pa lang na tuturuan ako ni Ray sa pag-aaral ay inuunahan na ako ng kilig. Di ko kase mapigilan eh. SI Ray na kase ang pinag-uusapan. Kung papayag siya.. araw-araw ko siguro siyang lulutuan ng hotcake. Araw-araw ko rin siguro siyang pagsi-silbihan. Tutulungan ko siya sa mga Gawain niya. Ililibre ko siya siguro sa Jollibee o KFC o McDo, kahit na mayaman pa siya. Ililibre ko pa rin siya. Haaaay! Ang sarap sa pakiramdam kung mangyayari `yan.

Page 10: Walking Disaster Girl

Siguro, papaypayan ko pa siya habang nagsasalita siya sa pagtututor saken. Tapos nun, hahatidan ko kagad siya ng juice. Ngingiti ako sa kanya ng buong tamis tapos ngingiti rin siya saken. HEAVEN! Tapos pipicturan ko siya ng palihim para naman me souvenir ako.

Sigh* what a dream noh? napakaDaydreamer ko talaga. As if naman, mangyayari yun. Di rin. Napangiti ako ng mapansin English ang daydreamer! Yey! Me alam na akong English kahit papano. Ang saya!

Binuksan ko ang radio ko at tamang-tama naman dahil pinatugtog ang HEY DAYDREAMER ni Somedaydream.

Oh! You could just pretend to be with her all day..Remember the feelings when you first held hands today.Imagine her with your favorite white dress, smiling at you as if you were the best.You and me.. sitting on a tree..K-I-S-S-I-N-G..

Hus! Gustong-gusto ko talaga ang kantang `to. Kahit di ko memorize. Basta me daydreamer, para sa akin, natamaan ako sa kantang to. Eh dakilang daydreamer yata ako!

`cause when tonight she holds you tight..You wonder if this fantasy is right..`cause when reality comes to play, you realize you couldn’t make her stay,…..

HEY! DAYDREAMER! You’ve gotta be prepared to leave her in your fantasy.Cause when, its over. You gotta make sure that its you who’ll be with her-----

Antok nako. gustong-gusto ng pumikit ng mata ko. goodnight. [z_z]

zZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZZZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzZzzZzZzZzZzzzzzz.. -----

ENTRY THREE…

Nahinto ako sa paglalakad ng may maulinigan ako na mga yapak na parang sinusundan ako. Kanina ko pa kase talaga napapansin yon eh. Binalewala ko lang kase naisip ko na baka naghahalusinasyon lang ako. Pero di talaga ako nagkakamali.

Agad akong lumingon. Laglag ang panga ko ng makilala kung sino `yon. >.<

Page 11: Walking Disaster Girl

“RAY?????????????” nanlaki ang butas ng ilong na bulalas ko. aba? Shocking naman kase talaga diba? Tschoo. Ayy. Baka nga naman naghahalunisasyon lang ako. Umiling-iling ako. Baka kamukha niya lang si Ray.

Di siya sumagot. Hinigit niya ako sa kaliwang pulso at mabilis na naglakad.

“S-sandali naman Ray, a-ano ba to?” napilitang sumunod ako sa direksyon niya.

Huminto kami sa harap ng isang Resto, binitawan niya ako.

“N-nikay, We have to talk about the tutorial thing.” Seryosong saad niya. Ehhhh? At kailan ba siya hindi naging seryoso sa harap ko? kung makadrama din ako dito parang di sanay.

“Ah…eh..” nauutal kong sabi. Ano raaaaaaaaaaaaaaw?nakakainis naman, bakit ba kase kelangan niya pang um-english? Eh nasa Pilipinas lang naman siya. Bakeeeeeeeeeet? Di uso sa akin ang English-english speaking epek na `yan!

Kinagat ko labi ko. nakakahiya talaga kung aaminin ko sa kanya na hindi ko nagets. ~_~

“I mean… kelangan natin pag-usapan ang pagtutor ko sayo.” Naiiritang tono at Napakamot sa ulo na sabi niya. Mukhang nahalata niya na hindi ko siya naintindihan kaya agad niyang tinagalog. Ang tali-talino niya talaga no? akalain mong anbilis niyang nabasa utak ko? Ehhh? Baka isa siyang manghuhula? Yieeeee. Bagay kami kung ganon. Diyan ako magaling diba?.Kilig!

“K-kelangan?”

“Yep.kelangan.” pumasok sya sa resto at agad naman akong sumunod. Parang nagmamadali naman ang isang ito akala mo naman kung hinahabol ng oras.

Agad siyang um-order.

“busy ako bukas, at di ko alam kung may time pa ba ako para i-tutor ka.” Binuksan niya ang menu at pumili ng sariling pagkain niya. Oo, tama ka diyan! SARILING pagkain niya. As in, para sa sarili niya lang. AKALAAAIN MO YUUNN? :3

Page 12: Walking Disaster Girl

Kagad namang umalis ang waiter. Napanganga tuloy ako at di alam ang gagawin. Hello? Tao po ako Ray. Makasarili talaga! Dagukan ko `to eh. Tsss. Asar na tinawag ko ang waiter at bumalik naman kagad sa mesa namin. Napapakamot sa ulo na um-order ako.

“Im busy Monica. Napakarami kong thesis na gagawin. Sa palagay mo, matuturuan pa kita sa pag-aaral mo? Please tell Dad that you don’t need a tutor. Please … “

“P-E-R-O…”

Sumimangot siya, parang nairita sa sagot ko. eh ano ba kase ang dapat kong gawin? Gusto ko talagang matuto. Syempre naman, dahil magka-college na `ko. masarap sa pakiramdam ang may stored knowledge. Ehhhh? Tama ba? Stocked knowledge ba `yon? Ahhhh. Ewan.

“Monica!” he frowned.

“S-sige.” Napipilitang sabi ko at kagad na nag-iwas ng tingin. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Eh, kung close ko tong si Ray ay talagang pinilit ko to kahit umabot pa ng bukas, eh kaso.. nahihiya talaga ako . ANEBEYEEEEEEEEEN!

Kagad akong tumayo. “Male-late na `ko. s-sige, aalis na`ko. “ sabi ko at kumuha ng pera sa wallet ko. naglapag ng isang daan sa mesa. HMP! Makaalis na nga ritoooo! Asar lang. baka maulol lang ako rito sa lalaking `to. Kung gusto niya siya na lang kumain ng in-order ko! pakealam ko ba?

Tumayo rin siya at naglapag ng dalawang daan sa mesa. ABA! Mukhang di magpapatalo!

Aaaah! Kainis! Tinalikuran niya ako at kagad na humakbang palabas ng Resto. Inunahan niya`ko!

Mabilis na naglakad ako para maunahan siya pero mas lalo niya pang binilisan ang paglalakad. Urrggghhh! Ano ba ang tawag sa aming dalawa? BALIW-BALIWAN siguro0o0o0o0o0o0? 0_o

AHHH! Basta! Ako dapat ang mauna kesa sa kanya!

“AHH!” tili ko. dahil sa paglalakad ko ng super bilis na daig pa si Flash ay di ko na tiningnan pa ang dinadaanan ko. kaya hayun, nadapa tuloy ako. Heto ako ngayon, nakadapa sa sementong lupa na`to. kagad akong tumayo at pinagpag ang nadumihan kong uniporme. “ASAR.”bulong ko.

Nabigla ako ng dinaluhan ako ni Ray. “Nasaktan ka ba?” tanong niya habang tinutulugan akong pagpagin ang nadumihan kong uniporme.

Page 13: Walking Disaster Girl

“HINDI naman.” Kahit banas na banas ako sa pagiging arogante niya ay heto ako ngayon at hinahangaan ang pagiging gentleman niya. Bakit niya pa kase ko tinulungan eh? Nababaitan na tuloy ako sa kanya.

“Maayos ka naman pala diyan eh.” Aniya at kagad na tinalikuran ako.

Ehhh? Nakakagulat. Akala ko naman tutulungan niya ako yun pala iiwan lang din ako. Nahihiyang naglakad na ako. Tinitingnan na talaga ako ng mga tao! Lampa-lampa ko kase talaga kahit na kailan!

Heto mukha ko habang naglalakad. [p_q]

------

-Ray’s Side

“Class, pass you’re papers now. Late papers are not accepted.” Sabi ng professor namin.

Sigh*

Kanina ko pa pinasa ang paper ko. alam kong ako naman kase talaga ang hinihintay ng mga professor’s ko na unang magpasa ng papel. Palagi na lang ganto.

Tumayo ako at dumirecho sa locker room ko. kinuha ko ang rubber shoes ko at kagad na sinuot. P.E time na. P.E is so boring. Alam ko na ang gagawin na ganto ganyan. Memorize ko na nga siguro lahat ng gagawin.

Tennis’s player ako nong highschool ako. Well, until now. Player ako pero di ko hilig. Sumali lang naman ako dahil pinilit ako ng president ng university na`to. kakabagot na nga, actually. Kung di lang dagdag grade ay baka matagal na akong nagquit.

Naglakad na`ko papunta ng gym. Doon muna pansamantala ang classroom ng P.E.

Heto nanaman ang nakaka-awkward na tingin ng mga babae. Parang nakuryente ang iba kung maka-react lang. kinikilig na parang ewan. Mahihimatay yata itong nasa gilid ko.

“Girl, look at him! He’s so gorgeous diba?”

“Yeah right. I think, I’ve found the man of my dreams!”

“He’s so gwapo talaga noh? Kaso deadma naman tayo.”

Page 14: Walking Disaster Girl

“Si crush!” turo pa sa akin ng mga kababaihan.

“SI Mr. Soulmate!”

“Oh. I think im gonna collapse.”

“Si Fetalvero, girl! Nandiyan na yung crush mo!”

“RAY!”

“Mr. Handsome!”

“Ang pogiiii!”

“Price Charming ko yan. Wag kang mang-agaw.”

“I think, im dreaming. Is that really him?”

“Sa palagay ko, ngayon lang ako nakakita ng isang katulad niya.”

“Naniniwala na ako sa salitang Perfect.”

`Di ko sila maintindihan kung bakit sila nagkakaganto sa akin. Simpleng student lang naman ako. Well, nung highschool ako, Valedictorian ako. At ngayong college na`ko ay pangatlo ako sa mga may pinakamalaking grades sa lahat.. Eh ano ngayon? Rason naba iyon upang magkaganito ang mga babae sa akin? 0_o

Sabi nila, sikat daw ako sa university. Pero di naman siguro. Baka may humahanga lang. grabe naman iyong sikat na. Im not even celebrity nor actor, so why they are saying that im one of the university’s heartthrob?

Sabi nila, marami daw sa aking may gusto. Beautiful ladies pa nga raw ang karamihan, ano naman ang gagawin ko sa kanila???

Sabi nila, im superbly, astoundingly, stunningly good looking. Ah, grabe naman sila. All people in this world are all pretty and handsome. That’s why im really astonished of the way they describe me.

Sabi nila, Im vain, arrogant, disdain, ruthless, insensitive, despicable, infuriating, incredulous, which is true. I really don’t care. Wala naman kase talaga akong pakelam sa mga girls diyan. Ano ba kase ang gagawin ko sa kanila? Im one woman’s man. Hindi naman ako playboy, siguro yon ang dahilan kaya maraming girls na nagkakagusto sa ken.

BAYAAN MO NGA SILA, RAY. Why think of them? They’re just all annoying.

Page 15: Walking Disaster Girl

Nakasalubong ko si Mahree. Let’s say, siya na siguro ang ideal girl ko. pero wala akong kakaibang nararamdaman maliban na lang sa nagagandahan ako sa kanya. She’s really pretty. Fragile siya para saken.

“Hi!” she smiled at me wearily, nahihiya lang siguro. I heard a rumor na she liked me. Well, maybe, I like her too. She’s really beautiful, parang me dugo siyang chinese. Singkit na singkit kasi ang mga mata na `twing ngumingiti ay parang nakapikit na.

“Hi.” Bati ko rin sa kanya.

“Saan ka nga pala papunta?”

“Sa P.E. Why?”

“P.E?”

“Yep.”

“Pwede bang sabay na tayong maglakad papunta sa mga rooms’ natin?” she smiled sweetly.

“Oh, sure.” Ngiti ko sa kanya.

Nasisiyahang sumabay siya sa paglalakad ko.

“You’re taking what course nga pala?”

“Bachelor of Science major in economics.”

“WOW!” na-a-amaze na sabi niya.

I just smiled at her.

“And you, Mahree. What course are you taking up now?”

“Mass communication.”

“OH, well. That’s amazing. Broadcasting ba pinili mo?”

“Yep.”

Page 16: Walking Disaster Girl

“AHHH. I see.” I nod.“Nga pla. D-dito na yung room ko. Bye!”

“Bye. Take care.” Nasabi ko at kagad na umalis.

Narinig ko kaseng nagtilihan ang mga girls na mga kablock ni Mahree. Sisigaw-sigaw pa sila, di ko rin naman sila papansinin. Baket ba kase nag-e-effort pa silang tumili?

They’re pissing me off. :’/

----

-Nikay’s Side

HUHUHUHU T.T

Nakita ko kanina si Ray na may kasamang babaeng napakaganda. >.<

Super singkit pa nga ng mga mata. Kakainggit. At mukha siyang matalino. Yep, as in M-A-T-A-L-I-N-O. na kabaliktaran ko naman na isang B-O-B-O. Ang gusto siguro talaga ni Ray sa mga babae ay yung tipong mga matatalino talaga na kauri niya. Di tulad ko.

Matangkad ang girl at maputi. Kaso maliit lang ang buhok niya na parang hanggang baba niya lang. parehas kami na shine rin ang buhok. Kaso di kami parehas ng pag-iisip.

Siya yata si Mahree Ong. Balita ko, galing siya sa China. AT ISA SIYANG MADE IN CHINA. HAHAHAHA. Napakaganda niya talaga at parang napakahinhin din. Maingat siya na naglalakad at dahan dahan lang kumilos. Di tulad ko na mabilis pa sa kuneho maglakad upang di mabalingan ng pansin ng mga tao.

Recess time na. kakatunog lang ng bell. Pero di ako lumabas. Pake ko ba sa kanila? Eh di, magrecess sila. Marami naman silang pera eh. Eh ako? Marami din. Hehehehe. Ayoko lang talaga lumabas ng classroom. Bukod sa pagiging bobo ay last section pa ko. HUHUHU. Section ten. Anim nga lang yata kaming mga girls na classmate ko. ang 24 ay halos lalake na lahat.

Binuklat ko ang libro ko sa A.P.

Kagad na tiniklop ko ang libro ko ng marinig ang kaklase kong mga lalaki na nagsitawanan ng malalakas.

Page 17: Walking Disaster Girl

“HAHAHHAHA! HOY NIKAY! DI KA NA TATALINO PA!”“HAHAHHAA. KITA NIYO YUN MGA PRE? NAG-STUDY HARD SI MONICA! MAY HIMALA NA PALA NGAYON!”

“WALANG HIMALA!” sabay na sabi nila na ginaya pati ang ekspresyon ng mukha ni Nora Aunor noong sinabi niya ang katagang yan sa isang movie niya.

Bumusangot ako. “Ewan ko sa inyo!”

“PABUKLAT-BUKLAT PA NG BOOK! EH, WALA NAMANG NAINTINDIHAN! HAHAHAHAHA!”

“Anong nakakatawa don?” ismid ko sa kanila.

“EH DI YANG KABOBOHAN MO! HAHAHAHHHHAHA!”

Nanahimik ako at tinalikuran sila. “Akala mo naman kung sinong matatalino. Hmp!” inis na bulong ko.

Tumayo ako mula sa inuupuan ko at lumabas ng room. Mga pasaway talaga ang mga ugok na yon!

Tahimik na naglalakad ako mag-isa. Di ko kailangan ng pagkain at nang kung anuman. Ang gusto ko ay maging MATALINOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO! do_ob

ANEBEYEN! Kaasar lang. anong topak ko? bakit ko naman naisip yan? WALA NGANG HIMALA DIBA? Hus! Wala na talaga akong pag-asa neto. Badshot lang.

Tinakpan ko ang bibig ko na wag mapasigaw ng madulas ako mula sa paglalakad. Nagsitawanan ang lahat ng nakakita.

“Tatanga-tanga talaga iyang si Villanueva.” Narinig kong bulong ng ilan.

Nahihiyang tinakpan ko ang mukha ko. Ano bang silbi ng mga janitors? Bakit may saging na nagkakalat dito? Yan tuloy, nadulas ako. HUHUHU. T.T

“Kahiya-hiya talaga siya.” Bulong nang nasa likuran ko.

“Look at her, she’s so clumsy. That’s really humiliating.” Nakataas pa ang kilay na sabi ng nasa gilid ko.

Page 18: Walking Disaster Girl

HAAAAAAAAAAA? ANO RAW? Pakiulet? Di ko gets.

“Bobo na nga, lampa pa. Nobody’s perfect nga naman talaga!”

Mabilis na tumayo ako. Nagsitawanan silang muli lahat.

“LAMPA mo miss!”

“whooooooh!”

“BOO!”

Yumuko ako at dire-direcho lang na naglakad.

Nagilalas ako ng may mabunggong matitipunong dibdib. Tiningala ko kung sino ang taong yun.

Nagbaba ako ng tingin at kinakabahang napatuwid ng tayo. Si Ray, anong ginagawa niya rito?

“You’re so reckless. Please look at your way.”“P-pasensya.” Nasabi ko na lang. sige na nga, kahit di ko siya gets. Nilagpasan ko siya dahil talagang tutulo na ang luha ko! gustong-gusto ko ng umiyak ngayon at pumunta sa comfort room.

Napatigil ako ng pigilan niya ang braso ko. “Don’t go.”

“Huh?”

“I said, Don’t go!”

Tumigil ako sa paghakbang at nilingon siya. “Baket naman?” naiiyak na sabi ko. KAINIS! Bakit ngayon niya pa ako nakita? Kung kailan naman ako kaawa-awa!

“May klase pa ako.” Palusot ko.

Binitawan niya ako. “Meet me at the Library, tomorrow. At 12:30 in the afternoon.”

“S-sige.” Sabi ko.

Nagmamadali kong iniwan ang lugar na yon.

Page 19: Walking Disaster Girl

“Nakita mo yon?”

“Did Ray just hold her arm?”

“Kapal niya talaga!”

“Oh! They know each other? NOOOOOOOO!”

“Ray must be out of his mind for holding the arm of that clumsy girl.”

“OH NO!”

Nakasimangot na umalis si Ray, nakakainis lang. Mga OA lang sila.

-----

-MAHREE’s side

“G-good morning to all, I’m Mahree Ong. I’m 19 years old, that’s all thank you,” sabi ko. Nasa harapan kase ako ngayon at kailangan daw naming i-introduce ang mga sarili namin sabi ng Professor namin. Nakakapagtaka nga at kaialngan pang i-introduce ang oneself eh, college na kami >.< parang isip-bata naman itong si Maam oh >.<

“She’s Mahree?” narinig kong bulong ng isa sa mga irregular na student na ngayon ay kaklase ko sa subject na Philosphy.

“Ganda niya naman,” sagot namn ng isa.

Nginitian ko naman sila at umupo na. “Ang bait mo naman, di mo kami ini-snob,”

“HMM. Why should I? eh, harmless naman kayo dba?” ngingiti-ngiting sagot ko.

Nakaupo ako sa tabi ng bintana kaya naman Malaya kong natatanaw si Ray sa malayo na nagwa-warm up. Naglalaro kase siya ng tennis, and ilang beses ko na siyang nakitang naglaro. And I must say na he’s really good, di lang good, the best pa! malakas yan sa ken eh.

I liked him, ever since na tumapak ako sa university na ito. Talagang na love at first sight yata talaga ako ng Makita ko siyang dumaan sa harapan ko noon. Simple lang siya maglakad pero kakaiba ang aura niya, parang may powers na mang-akit? Namula tuloy ako sa mga pinag-iisip ko. Pano ba naman kase kahet na kalian di pa ako nagkakaboyfriend kase naman may iba ng gusto ang parents ko para saken pero I refuse dahil nga si Ray talaga ang gusto ko kahit na di ko pa siya gaanong kakilala.

My heart says that he’s mabait sa kabila ng medyo suplado niyang mukha.

Gusto ko siya lang. si ray lang.

Namula ang ako ng Makita ko siyang tumingin sa direksyon ko at nag wave na para bang nag-HI.

Page 20: Walking Disaster Girl

Nagwave din ako at nginitian siya ng matamis.

HAYYY, RAY FETALVERO. Akin ka na lang?

----ENTRY FOUR..

-Ray’s Side

“Ray,” tawag sa ken ni Dad.

Umupo ako sa couch at niyakap ang throw pillow. “Yes Dad?”“Nakapagdecide ka naba?”

“About what?” tutok na tutok ang atensyon ko sa pinapanood na balita.

“Tungkol sa `pagtu-tutor mo ke Nikay.” Inayos ni Dad ang eyeglasses niya.

I sighed. “Not yet.” I lied. Nakapagdecide na`ko. I don’t want. At kakausapin ko bukas si Nikay na magpatutor na lang siya sa iba. May ire-recommend naman din ako sa kanya. Para wala akong problema. Buti na lang busy ako kundi mapipilitan talaga akong i-tutor siya. Nah, wala talaga akong balak i-tutor siya for free. :3

“Ray, I already told you about the consequence, right? So, payag ka naba?”

I shrugged my shoulders. “Dad, im busy everyday. I don’t think I have a vacant time for that---“

“My son, kelangan mong i-tutor ang kinakapatid mo. You know how I really pity her. Kelangan niyang matuto. Alam nga ng mama niya pero wala siyang kayang gawin upang magbago ang anak. Araw-araw na lang binu-bully si Nikay sa university niyo na hindi alam ng mother niya.”

“ALAM NIYO PO?” I was astounded. Paanong ?

“Nikay told me. I pity her, wala naman kase akong anak na babae kaya gusto ko siyang tulungan. I know what you are thinking Ray. Magre-recommend ka ng magtu-tutor sa kanya, I know you. But I think you are the one who could change her. Ituring mo na lang na kapatid mo siya. There’s nothing wrong with trying right? “

I sighed. Ano pa nga ba ang magagawa ko?

I nod. Kawawang Ray Fetalvero. Eh baket parang ako ang mas magmumukhang kawawa? :”[

Page 21: Walking Disaster Girl

-----

-Nikay’s Side

Sigh. kanina pa talaga `ko naguguluhan kung pupunta ba `ko sa library o hindi. Syempre naman, ayoko naman na mapahiya nanaman. Sobrang nakakahiya. :'[

Baka nga hahakbang pa lang ako papasok ng Library eh, sinarhan na kagad ako ng masungit na Librarian na `yon. At may magpe-paging kagad. Ugh. O baka papasok pa lang ako ay baka may magBEEp tapos “WARNiNG!WARNiNG!”. Ang lulupet talaga nila, eh `no? Pero baka naman kase hinihintay ako run ni Ray. Eh, baka nga nagjo-joke lang yun eh. Gusto lang siguro akong pagtripan. Ano naman ang pakay sa ken nun , abeeeer? Wala talaga akong maisip na dahilan kung ano ba ang pedeng rason para makipagkita siya saken at sa oras pa man din ng lunch break. Ano kaya?!

Dumirecho na ako sa Library. Total, tapos na rin akong maglunch. Wala namang masama sa pagpunta diba? Eh ano ngayon kung di ko siya makita run sa Library? Di niya rin naman alam na pumunta ako ah? Kaya di naman siguro ako katawa-tawa.

Sinilip ko ang Library. Hayyy, salamat, iba ang nagbabantay ngayon. Nginitian ako nung nagbabantay. “Miss, You need something?”

“W-wala po."

Laglag ang balikat ko ng di ko natanaw si Ray. Nagjo-joke lang siguro saken yun. At ako rin, dakilang uto-uto. Nakakainis na talaga ang ganito. Mabait naman ako pero ginaganito nila ako. :L

Nasapo ko ang dibdib ko ng pagharap ko ay nasa harap ko lang pala si Ray. Totoo ba `to? pumunta talaga si Ray? Baka pagkatapos ay tumawa lang siya ng malakas?

“Am I late?” pumasok siya ng Library, sumunod naman ako at umupo kagad.

“Kanina ka pa ba rito?” mahinang sabi niya.

“Oo.” Pagsisinungaling ko pa.

“Not according to my watch.” Pagsasalungat niya.

“Hmp! Alam mo pala diyan.” bubulong-bulong na sabi ko.

“Im just trying kung sinungaling ka bang tao. At tama naman ako.” Bumuklat ito ng isang libro.

Page 22: Walking Disaster Girl

“Di ah!” tanggi ko.

“SSSSHHHH. Observe silence.” Pagwawarning niya pa saken.

“OK.OK.” pinaikot ko pa eyeballs ko sa kanya.

“Are you busy tomorrow?”

Busy= abala, tomorrow= bukas. Sabado bukas ah? Ahhh, tinatanong niya kung..“Di naman. Wala naman akong palaging ginagawa. Sa totoo lang, matutulog lang ako buong maghapon bukas.” Baket kaya siya nagtanong sa`ken? Ehhh, baka namali lang sya ng nasabi?! Ah ewan ko, wala akong maisip na dahilan.

“Eh di mabuti. “

“B-baket?” tanong ko. ang sama talaga neto, mabuti raw na matutulog lang ako bukas ng maghapon. Baka para di niya ko makita. >.<

“Para magawa ko na ang pagtutor ko sayo bukas.”

“TALAGAAAA?” sa sobrang saya ko ay napatayo ako sa kinauupuan ko. totoo ba `to? napakaimposible naman yata nito. Di papayag si Ray, alam ko. kaya imposible!

“Observe silence.” Banta ng nagbabantay.

Kagad naman akong umupo at pinisil ang pisngi ni Ray. “HUH? Totoo ka ba?”

“Aray naman!” galit na turan niya.

Napanganga ako. TOTOO NGA! MAY HIMALA!

Nakasimagot na tumayo siya at binitbit ang bag niya. “Diyan ka na nga.”

“Ray, p-pasensya. Di ko naman kase alam na totoo pala talaga na------“ sinundan ko siya palabas ng Library.

“I know right,” sungit nito.

Page 23: Walking Disaster Girl

“S-sige, I-ingat ka sa daan!” kumaway-kaway pa`ko sa kanya kahit na nakatalikod siya sa akin. Basta, Masaya talaga `ko ngayon. Hekhek. >:D

-----

-Ray’s Side

Ikaw ang mag-ingat sa daan mo, ikaw tong lampa.

Di ko na nilingon pa si Nikay, nakakainis lang.

Napalingon ako ng maulinigan kong may bumagsak. Si Nikay talaga. Di nanaman siguro tumitingin sa dinadaanan niya. Napakamot ako sa ulo ko at nilapitan siya. Déjà vu naman `to.

“Tumitingin ka ba talaga sa dinadaanan mo?” sarcastic kong sabi sa kanya.

Tumayo siya at nahihiyang ngumiti sa akin. “Oo naman.”

“Sa palagay mong yan, tumitingin ka pa sa dinadaanan mo?” I shake my head incredulously.

“Wala lang, yan ang style ko eh.”

Bulok na yang style niya. Wala na ba talaga siyang ibang maipapanglusot? “Ewan ko sayo, baka you’re just imagining that you’re walking in the universe. Kaya akala mo walang gravity dito.”

“HA? Eh,” napakamot siya sa batok niya at pinulot ang bag. `yan nanaman ang style niya kapag di niya ako naiintindihan.

“Halika nga,” hinigit ko siya.

“B-bakeeet?”

“Para malaman mo kung papaano maglakad ang isang normal na tao,” sabi ko sa kanya at binitawan siya. Sabay kaming naglalakad ngayon.

“Baket? Normal naman ako ah,”

Wala talagang sense of humor ang babaeng `to. :3

“Pag naglalakad ka, tumingin ka sa dinadaanan mo. “ tinuro ko pa ang way namin ngayon.

“Tignan mo kung tama ba ang way na pinupuntahan mo o mali.” Sabi ko.

“Tumitingin nga ako.” pagpupumilit niya pa.

“Tinitingnan mo ba talaga? Bakit ka na lang palage nadadapa? Tumitingin ka nga siguro pero titignan mo lang din ang mga bato diyan sa paligid at hindi iniiwasan.”

Page 24: Walking Disaster Girl

Tumingin ako sa bandang paanan niya, wala naman siyang mga pilat na kahit isa. Makinis ang binti niya na parang di nadadapa. Paanong?

“Teka! Sinisilipan mo ba ako?!” nanlalaki ang mga mata na sabi niya na parang may ginawa akong krimen sa kanya at dagli-dagling tinakpan ng bag ang binti niya na medyo mamula-mula pa dahil sa nangyari kanina.

“In your dreams.” I rolled my eyeballs. Ang lakas talaga ng loob na sabihan ako ng ganon.

“HAHA. Joke lang, alam ko naman na----------“

“Dahil wala talaga akong balak na gawin `yon!”putol ko sa iba pa niyang sasabihin.

Napatigil ako sa paglalakad ng mapansin nasa likuran ko na pala si Nikay, ganon naba talaga `ko kabilis maglakad?!

Huminto siya sa harap ko at may kung anong kinuha sa loob ng bag niya. “CHANCHARAN! Heto para sayo,” may inabot siya sa `keng isang supot ng tinapay.

“Tinapay??????? Anong gagawin ko rito?” I furrowed.

“Para nga sayo diba? Di lang yan basta-basta tinapay ah! Tuna sandwich kaya yan.” Kumpyansa pang sabi niya.

“O ngayon?!”

“Masarap `yan!”

“Paano mo nasabi?” akmang ibabalik ko na ang tinapay sa kanya ng tumalikod na siya.

“BA-BYE!” sabi niya at humarap lang para kumaway at tumalikod na.

“Teka,” mahinang sabi ko.

-----

ENTRY FiVE..

Nikay’s Side

“G-good morning po.” Bati ko ke Tita Cynthia.

“Nikay! Upo ka rito,” tinuro niya yung isang bakanteng couch. Umupo ako at nahihiyang tiniklop-tiklop ang book na dala ko.

“Magpapatutor ka ba ke Ray, hija?” masayang bungad sa`ken ni Tita Cynthia. Napa-appear pa siya sa sarili niyang kamay.

Page 25: Walking Disaster Girl

“AH. Eh, o-opo. Nandiyan po ba siya?”

“Naku! Gigisingin ko pa siya. Ang aga mo naman Hija,”

Sorry po, excited lang. tumingin ako sa orasan nila. Di ko nga pala alam pano basahin ang maliit at malaking stick na yon ng orasan. “Anong oras napo ba?”

Natawa si Tita Cynthia “Ke aga-aga mo naman hija, alam mo bang 6:35 pa lang ng umaga?”

“Ho?” nagulat na sabi ko. ano bang malay ko? masyado ata akong napaaga!

Tumayo ako sa gulat ko. uuwi na muna ako! Di ko naman kase talaga alam na masyado pa palang maaga! At baka naisturbo ko pa si Ray! Jusme Nikay!Nasapo ko tuloy ang noo ko, “T-tita, pasensya po sa abala. Di ko naman po kase talaga alam na masyado pang maaga kaya… ah! Wag niyo na lang po gisingin si Ray! At baka magalit lang siya kase nakakaisturbo lang ho ako. Pasensya po talaga Tita! Di ko po sinasadya,” naiiyak na nasabi ko. AGGGGGR!

Natawa ng mahina si Tita Cynthia, “Its too late hija, inutusan ko na si yaya Ladring na gisingin si Ray. Don’t worry, Ray will not be fuss.”

“PO?” napabagsak na naupo ako sa couch.

Nanginginig ang mga tuhod ko ng may marinig na mga hakbang mula sa hagdan ng bahay nila Ray.

“Mom naman!” magulo ang buhok ni Ray, gusot na gusot ang suot na pantulog. Napakamot ito sa batok. Nakow! Mukhang naisturbo ko talaga siya. `Nay ko po! Pero baket ang gwapo-gwapo niya pa ren kahit napakagulo na ng buhok at kahit wala pang ligo?

Magkakadikit ang kilay na sumulyap siya saken. “Its too early in the morning, Nikay!” napahampas siya sa ere sa inis niya sa ken. Huminto siya sa pinakahuling baitang ng hagdan.

Isturbuhin mo na ang lahat ng bobo mula sa pagkakatulog, wag lang ang matalinong isang tulad ni Ray Fetalvero.

LAGOT talaga `ko nito.

“Aalis na`ko. P-pasensya talaga sa isturbo.” Halos pagmamakaawa ko sa kanya.

“Hija, nakabreakfast ka naba? Sabay ka na sa`min.” yaya sa akin ni Tito Roy.

Aish. Hindi pa nga pala ako nakakapag-umagahan sa sobrang excited ko. Pambihira naman o!

“P-pero po…”

-----

Page 26: Walking Disaster Girl

“Nakikinig ka ba Nikay?” nayayamot na puna sa akin ni Ray.

“O-oo naman.” Mabilis pa sa alas-kwatrong sagot ko.

“Are you sure?” he throws a doubtful look.

Nag-iwas ako ng tingin, kasalanan ko ba kung di ko siya masyadong napakinggan dahil sa sobrang kakisigan niya? Lihim ko lang naman siyang tinititigan.

“I don’t think so,” sinara niya ang libro ng Physics.

“O? baket mo----“

“Cause you’re not even interested of what im teaching you. Did you get it?”

Nasapo ko ilong ko. HANURAW? Baka kako manosebleed lang ako ritong bigla.

“Makikinig na talaga ako, promise!” itinaas ko pa ang kanang kamay ko simbolo ng nanunumpa talaga.

“Nah.”

“Please..”

“Don’t bother.”

“S-sige nanaman o. di ko naman yun sinasadya eh. Atsaka, gusto ko talagang matuto. Para naman masagutan ko na itong assignment ko.”

“Assignment?”

“O-oo.” Pinakita ko sa kanya ang assignment notebook ko na kani-kanina ko pa talaga dala-dala!

“Yan na nga muna ang uunahin kong ituturo sayo.”

“S-salamat talaga Ray,”

He sighed in frustration. Ni wala man lang siyang sinabi kung naiinis naba talaga siya o hindi. Di rin siya palasalita kaya medyo nahihiya naman ako dito sa inuupuan ko. siguradong maraming maiinggit sa akin pag nalaman nilang nakatabi ko talaga ng malapitan si Ray! Paiingitin ko sila. Promise!!!

“Ahhh.. `di ko kase naintindihan dito sa part I eh.”

“I think in part II din. Look at your answers, puro mali.”

“S-siguro, pero kase.. ang alam ko, tama talaga lahat ng answers ko sa part II.”

Page 27: Walking Disaster Girl

Naiiritang napakamot si Ray sa batok niya. “Maraming namamatay sa maling akala.”

Nasapo ko ang dibdib ko. “Talaga?”

NAKAKATAKOOOOT naman ang sinabi ni Ray, totoo kaya `yun? Pero kase.. tama talaga yung mga answers ko! promise!!!!!!!

----

“Villanueva!”

Nagising ang buong sistema ko ng marinig ko ang Teacher namin na tinawag ako ng pagkalakas-lakas at may pagududang tiningnan ako. Nakadikit ang mga kilay na ibinaba ang suot-suot na eyeglasses.

“Yes?” kinakabahan na tumayo ako. Baka kako mag-report ako, delikado talaga ang buhay ko pag nagkataon!

“You’re the one who got PERFECT in quiz. Did you cheat ?”

PERFECT? Ohmygawsh! May himala nga talaga! Totoo ba `to? nananaginip lang ba si Nikay ngayon? Pero `di rin. Eh baka naman nagjo-joke lang itong si me edad na teacher namin?! JOKE BA TO? baka, ako ang perfect sa lahat ng mali. Ahh, nagjo-joke nga si maam. Ano nga ulet ang meaning ng CHEAT? Napakamot ako sa ulo ko. nakalimutan ko ang meaning, hehehe.

Di ako sumagot, ano bang malay ko diyan?! Atsaka wala rin naman akong maisip na maisagot. o.0

“Villanueva! Did you cheat? Just answer me Yes or No.”

Nabigla ako sa sinabi niya. Ano ba ang dapat kong isagot?

“Yes,” sinabi ko na lang. yes or no lang naman eh, madali lang naman pala eh.

Nagsitawanan lahat ng kaklase ko sa sinagot ko, anong nakakatawa roon?

“HAHAHAH! Buti naman inamin mo rin!” ungot ng kaklase kong lalake.

Inamin ang ano? Mga sira pala to eh. Wala naman akong dapat aminin.

Nanlaki ang mga mata ni Maam. “Go to the office of the Principal now!”

Hah? Ano ba kaseng ibig niyang sabihin? Anong gagawin ko sa Principal’s office?! Porque ba, nakaPERFECT ako sa mali ay kailangan ko nang pumunta roon? May punishment kaya ako?

“Maam naman, K-Kailangan po ba `yon?” kinakabahan na talaga ako. Parang nawalan ako ng lakas at anumang oras ay mahihimatay na yata ako. Ayokong pumunta roon! Nakakatakot magkapunishment!

Page 28: Walking Disaster Girl

Dahil lang sa 0 over 5 ang score ko eh, ginaganito na ako ng Teacher ko? Hindi yata tama to!

“Follow me!” lumabas na si Maam.

Nakayuko na sumunod ako sa kanya. Naiiyak na talaga ako sa sobrang kaba ko!! p_q

-------

“Dont you know that Cheating is a sin?” galit na litanya ng Principal.

Nakayuko pa rin ako. ANOOOOOO RAW? Sin= kasalanan. Cheating? Ano ba kase talaga yan? Kasalanan ba talaga `yan? Aish. Malay ko ba kase talaga sa salita na yan! KAINIS TALAGA! Naiiyak na talaga ako rito sa kinauupuan ko! ano ba kase talaga ang meaning niyan? Para naman akong sira dito, kanina pa ako rito sinisigawan ng Principal namin.

“1-5 lang naman po yun,” nasagot ko.

“But still.” Sabad ni Maam. Ansamaaaaa >:/ Akalain mo yun? Pinapahamak niya ang sarili niyang estudyante? Ano ba kaseng ginawa kong masama? Bakeet palagi na lang AKO? AKO na WALANG kamalay-malay.

“Ano po ba kase ang meaning ng Cheating?” naiinis na naibulalas ko. eh, nakakainis na at nakakaiyak na talaga eh!

Tumawa ng malakas ang Principal. “Cheating? That’s kodigo.”

Ako naman ang natawa ng malakas na ikinahinto sa pagtawa ng Principal namin.

“BWAHAHAHAHAHA! Hindi po ah! Wala nga po akong katabi nung Quiz namin kase ayaw nila akong katabi dahil di raw sila makakacopy! BWAHAHAAHA.”“Are you serious?”

“Opo naman! Atsaka, di ko rin po trabaho ang mangodigo. Sadyang nag-aaral na po talaga ako ng maayos.

-------

“Hindi raw nagcheat si Nikay, naniniwala ka ba ron?”

“Masyado yatang himala ang nangyari.”

“Palagi kaseng 1 lang ang score niya sa quiz natin, pero akalain mong nakaperfect siya?”

“That’s really Unbelievable!”

“Yeah right. Im not believing that she answer our quiz without cheating.”

Page 29: Walking Disaster Girl

Napataas ang isang kilay ko mula sa mga narinig mula sa mga kaklase ko. please, galangin niyo naman ako. Kakarating ko lang eh, chinichismisan niyo na ako. Hmmm? Paenglish-english pa silang nalalaman! Hmp! Pasalamat sila at di ko sila kayang englishin! Grabe na talaga iyang mga bunganga nila, parang inaano. Di naman! Masyado na talaga silang mapanghusga. Eh ano sa inyo kung Perfect ako sa quiz na hanggang 5 lang? di makapaniwala?! Atsaka, isang beses lang naman ah!

Nakasimagot na umupo ako sa upuan ko. pinagkrus ang mga braso, masyado na talaga sila!! Kung may lakas lang ako ng loob para kalabanin sila siguro, kanina pa nila naibulsa iyang mga bibig nila! Eh kaso, natatakot akong magkaroon ng kaaway. Di ko ba sila isang kaaway?! Ehhhh?! Kaaway ata.

“Tsamba ang tawag dun, Nikay.” Ngisi sa akin ng kaklase kong lalake.

Inirapan ko sila. Wala naman akong mapapala kung sasagutin ko pa sila.

Tumawa sila ng pagkalakas-lakas na parang matatanggal na ang ngala-ngala. Matanggal na sana mga ngala-ngala ng mga panget nato!

Inismiran ko sila isa-isa. Tse! Taray ko ba? Inisa-isa ko talaga?

------

-Ray’s Side

Umuwi na ako ng bahay pagkatapos ng P.E . P.E kase ang last subject ko twing Monday.

Binuklat ko ang libro ko sa Chemistry at binasa. Wala naman kaming essay o gagawin na thesis ngayong araw na `to kay magbabasa na lang ako ng book. They say my life was boring. Im always holding book na ikinaiinis ng mga tao sa paligid ko.

I don’t care.

And they don’t care.

They don’t have the right to judge my own life. Im just holding a book, then, boring na kagad?Di ba pwedeng hinawakan muna?

Aish,mga pakelamero/ra talaga sila. They are really disgusting.

What’s wrong with reading a book, by the way?! NOTHiNG.

I cross my arms.

Masama ba maging hobby ang pagbabasa?! Ah, I don’t know.

Inabot ko agad ang cellphone ng marinig na may message.

Page 30: Walking Disaster Girl

“Hi.”

Who’s this?

“Is this you Nikay?” I frown while typing my message.

May pakiramdam akong si Nikay nanaman `to. may naisip nanaman siguro iyong kalokohan.

“Hmmm. No, im not! Guess who,”

Ano ako manghuhula?!Sumimangot ako, guess who-guess who pang nalalaman, parang nae-excite ako. Di naman.

“Im not going to guess, who are you?” sending…..

Antagal naman masend!

Baka wala na akong load. Bahala ka diyan sa buhay mo, di ako magsasayang ng oras na magpaload para lang mareplyan ka.

Sumilip ako sa ibaba, napakunot-noo ako ng makita ko si Nikay sa isang sari-sari store at may hawak na cellphone! At mukhang problemado siya. Ahh, baka dahil di ko nireplayan, di niya ako maiisahan.

“Are you still there?” natanggap kong reply.

I don’t care, really.

Pero kung si Nikay ito, saan niya nakuha number ko? ahh, I remember! Hiniram niya nung isang araw yung cellphone ko!

Tumunog ulit cellphone ko.

“OK. You’re really rude, eh. Hehehe, joke. This is Mahree Ong.”

RUDE? JOKE? Ahh. Si Nikay talaga `to. I cant remember that I gave my number to Mahree.

But? Man! This is Mahree! Nikay can’t speak English properly, sa text pa kaya?!

Agad na bumaba ako at nagmamadaling dumirecho sa sari-sari store. Kelangan kong makareply kay Mahree!.....

Page 31: Walking Disaster Girl

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.Baka kase may assignment!

I remember kase na I told her na ite-text ko siya `pag may ire-research kami sa Philosophy na subject!

------

Nikay’s Side

Nakakainis naman tong pinadala sa ken na cellphone ni Papa. Nagpadala agad siya ng gift sa ken ng tinawagan siya kagabi ni Mama na nakaperfect daw ako sa quiz namin. Sabi niya, kapag naperfect ko pa raw ulit ang quiz namin ay magpapadala na raw siya ng laptop! BONGGELS! ! !

Nasa Alabama kase si Papa kase nga, nagtrabaho siya sa abroad last year lang dahil nalugi ang isa namin restaurant.

Touchscreen ang cellphone at di ko alam kung papaano ba to gagamitin. Kaya problemado masyado ang mukha ko.

Ano ba kase ang gagawin dito? Kung anu-anong mga pinagpipindot ko, may lumalabas na ERROR daw. Malay ko ba diyan?

Nakanguso ako ng marinig kong may nag’TAO PO!’

Napatingin ako sa kanya, si Ray ba talaga to? himala ah? Ngayon ko lang siyang nakitang pumunta sa isang sari-sari store. Palaging sa mall yan eh, sosyal no? atsaka, palage niyang inuutusan ang katulong nila na bumili ng mga kailangan niya.

Anbilis niya yatang kumilos? Di ko talaga namalayan ang presensya niya eh. Agad akong tumalikod, nakakahiya kung makita niya akong di marunong gumamit ng isang touchscreen cellphone!

“Nikay, may tao ba rito?!” halatang naiirita na siya, base na rin sa tono ng kanyang boses.

Aba malay ko!

Page 32: Walking Disaster Girl

“Ha?eh….”

Salubong ang mga kilay nito. “OK. I understand, you don’t know.”

Parang alam na talaga nito ang expression ko `pag di ko alam ang sagot!Hindi na ako nakaimik, di ko rin naman alam ang gagawin ko.Uminit ang pisngi ko, pero gusto ko talaga siyang kausapin eh! Anebeyen!

“But.. di mo ba talaga alam?!” parang di mapakali na sabi niya.

“Hindi eh. Pero----------“

“Pero ano?”

“NagCR yata eh.”

“Matagal pa ba siya?”

“E-ewan,”

“May load ka ba?”“Di ko alam.” Inabot ko sa kanya ang cellphone. “Baka meron,”

Tinanggap niya naman ang cellphone at nagtype agad ng ire-reply.

Sino kaya ang katext niya? Mukhang mahalaga kaya gagawa talaga siya ng paraan para lang mareplyan ang taong yun.

Baka girlfriend niya. :’/

“nakasend..” Tumunog ang cellphone niya at binasa niya agad ang reply.

Nakahinga siya ng malalim ng matanggap ang reply.

Baka ang reply ay, di na makikipagbreak ang girlfriend niya kaya ganun ang reaction niya. Baka kase, nakikipagbreak ang girlfriend kase matagal siyang magreply.

Nanghina tuloy ako. Di sinasadyang may napindot ako at binasa ko, parang sent items.

To: +63947………… Sorry Mahree, I don’t know na ikaw pala yan.

Parang gusto kong itapon ang cellphone ko. Si Mahree Ong? Ang swerte niya naman para agad makuha si Ray. Balita ko kase, bago lang sila nagkakilala. Sino ba naman ang di maiinlove ke Mahree? Super ganda, super hinhin at super TALINO rin. As in, T-A-L-I-N-O. eh ako? AHH, no comment.

Page 33: Walking Disaster Girl

Tinalikuran ko na si Ray, akala ko kase single siya kaya di ako nawawalan ng pag-asa. Yun pala…..

Eh pano niya ba naman kase ako magugustuhan? Wala ako ng meron si Mahree. Tsk*tsk*

“May ite-text ka pa ba?”

“Wala na.”

“S-sige, uuwi na`ko.” pilit akong ngumiti sa kanya.

“OK.”

Di talaga siya palasalita, kaya OK lang ang masasabi niya. Ni hindi man lang marunong magTHANK YOU. Isang THANK YOU niya lang baka ibigay ko na rin ang sim ng cellphone para magamit niya ang load, kaso…..

-------

ENTRY SIX..

“Ano po bang gagawin ko rito sa cellphone nato?” pagmumukmok ko ng makapasok na ako ng bahay namin.

“Eh di para makatext ka,” sabad ni Mama. Ayy? Chesmosa ? nandito pala si mama sa tabi ko? Bat di ko namalayan?

“Eh di ko naman po alam pano gamitin eh!”

“Magpaturo ka kay Ray, baka alam niya kung papano.”

“Ayoko po,” baka makaisturbo lang ako sa pagtetext nila ng girlfriend niyang si Mahree Ong! Nagtatampo talaga ako, promise.

Eh may karapatan ka ba?!Nabigla ako sa sinabi sa akin ng isipan ko. aba! Oo nga, tama naman si utak ko eh, wala naman akong karapatan eh.

Basta may nararamdaman!, sabad naman ng puso ko.

Tama rin naman si puso. Korni-korni talaga ng pag-iisip at heart ko noh? Nagchichismisan pa ang dalawa kung ano ang dapat kong gawin. Hay naku naman!

“Oo nga pala, may ipinadala ang Papa mo. Nasa kwarto mo ang box,”

“OK.” Dumirecho ako sa kwarto ko at binuksan agad ang box na yun.

Page 34: Walking Disaster Girl

Nasapo ko ang noo ng malaman kung ano iyon.

Isa lang naman 32 inches na flat screen TV. Paano ko nalaman ang size? Nakalagay sa gilid eh.

“MAMA!MAMA!MAMA!” tumakbo ako palabas ng kwarto ko at masayang humarap kay Mama.

“Hinihingal ka na, ano ba yun?”

“May Flatscreen TV na tayo!” nagtatalon ako sa tuwa.

“HA?” napahinto sa paghuhugas ng plato si Mama at kumaripas ng lakad patungo sa kwarto ko.

“Diyos ko! Totoo nga, anak!” sumisigaw na si Mama sa sobrang tuwa.

“Sa susunod, i-perfect mo na ang exam mo para magpadala na si Relio ng isang flatscreen TV na kasing laki ng nasa sinehan!.”

“Mama naman! Exam na po yan, mahirap na po yan!” nakangusong sabi ko.

------

“Kapag may period, wag mo munang i-comma. Diyan kita napansin na palaging nagkakamali,” sabi ni Ray habang tinuturo ng Ballpen ang papel na may example niya.

“Kapag may period, wag munang i-comma? B-baket parang iba ang meaning?” nagulat na sabi ko sa kanya.

He shook his head,”Napakagreen minded mo talaga.”

“Ha?????? Eh kase, ano ang green minded?”

“Malisyosa!”

“Ako?”

“Yung aparador,”

“Malisyosa pala ang aparador? Paano?”

“Sense of humor ,Nikay.”

Tumahimik ako, di ko nagets eh. ^_^

“Ayy, nga pala! Turuan mo naman ako sa Spelling! May Spelling kase kami bukas, Ray.”

Page 35: Walking Disaster Girl

Binuklat niya ang dictionary na nasa study table niya. Webster’s Dictionary ang pamagat. Sobrang kapal ng Dictionaring ito ah. Nahimatay at nanosebleed siguro ang gumawa niyan. Siguro, isang dekada niya pa naprint ang mga pages ng dictionary. Hus! Nakakapagod din pala ang maging matalino.

Sigh*

“Sabi ni Maam, letter A daw na letter nagsisimula ang i-spellingin namin.”

“1 up to?”

“20 yata. andami-dami nga eh. Nakakainis nga ito si Maam eh, anhihirap ng mga words na ginagamit tapos di ine-explain ang meaning,”

“OK.” Naghahanap na siya ng mga salita sa dictionary.

“Ray, salamat nga pala!”

“For?” busy pa rin siya sa paghahanap ng mga mahihirap na salita.

“Kase, perfect ako kanina sa quiz namin”

“up to?”

“5. “

“Akala ko naman kung gano kalaki ang score mo,”“Pero diba, kahit papano.. perfect pa rin! Salamat talaga sa tulong mo saken!”

“OK.”

OK lang? wala nang ibang masasabi pa?!

Sumimangot ako ng hindi man lang siya nagreact. Kainis!

Binalingan niya ako at salubong ang kilay na tinitigan ako.

“Kumain ka na ba?”

“Ha? Baket?” may concern siguro siya saken, kaya niya ako tinanong kung kumain naba ako. O baka gusto niya akong makasama sa hapagkainan! Ohmygawsh!!!

“Kung anu-ano kaseng pinagsasabi mo. Baka kase gutom lang yan,” :’3

Ow? Ansama-sama naman neto.. ang ganda-ganda na ng daydream ko eh, tapos sinisira niya. Grabe naman. Akalain mong sabihan niya ako ng ganon?

Nasapo ko ang bibig ko ng marinig ang tiyan kong tumunog ng mahina. Alam ko, ako lang nakarinig.

Page 36: Walking Disaster Girl

“Baka nga, gutom lang.” bulong-bulong ko.

“May sinasabi ka?” nakakunot-noo na sabi niya at mahigpit na hinawakan ang dictionary.

“W-wala.” Natakot naman akong bigla sa paghawak niya ng mahigpit sa dictionary, ano to? baka kanina pa siya nairita sa pinagkikilos ko. HUHUHU.

“Are you sure?” nakakunot-noo pa rin siya.

“Ang sabi ko! gutom ako!” naibulalas ko. natakot kase ako sa reaksyon ng mukha niya. Nasabi ko tuloy ang totoo ng wala ssa oras.

“Eh di kumain ka,” pambabalewala niya at binalik ang atensyon sa dictionary.

Laglag ang panga ko. wala talaga siyang pakealam sa ken, eh no?

“Kakain na nga, sabi ko nga.” Tumayo ako.

“ikaw, ayaw mong kumain?”

“Don’t bother.”tutok na tutok ang mga mata niya sa dictionary.

Kung ako ang nasa pusisyon niya ngayon, baka sumakit na ang mga mata ko sa kakatitig sa dictionary! Aish! Hobby niya yan eh. Wala na akong magagawa.

“S-sige,” binuksan ko ang pinto ng kwarto niya. Parang di ko kayang iwan si Ray!

Kagad akong bumalik sa pwesto ko kanina.

“S-sigurado ka ba?!”

“Yes.”

Hinila ko ang braso niya, ”Pakunwari ka pa riyan eh. Alam ko, gutom ka na rin.”

“Hindi pa nga!” nakukulitan na sabi niya saken kaya napataas ang boses niya.

“Hindi ako maapektuhan niyan. Sige na Ray,” pilit ko pa ring hinila ang braso niya.

“Nikay! Why you’re so stubborn?!”

Napanganga ako sa sinabi niya, mukhang galit na nga siya.

Ah, basta! Kahit di ko naintindihan ang sinabi niya ay di ako madadala sa English niya saken. Pake ko ba? Di ko naman naintindihan eh!

Hinila ko pa rin siya.

Page 37: Walking Disaster Girl

Tumayo siya kaya natumba ako sa sahig.

“ARAY!” nasabi ko ng maramdaman kong sumakit ang pang-upo ko.

“RAY?! WHAT have you done to Nikay?!” nagulat na sabi ni Tita Cynthia na nasa tapat ng pintuan ng kwarto ni Ray. May hawak-hawak siyang tray ng mga pagkain.

Inilapag ni Tita Cynthia ang tray sa study table ni Ray at kagad akong dinaluhan.

“Nikay? May masakit ba?”

“W-wala po,” kahit na nakangiwing sabi ko. kasalanan ko naman din eh.

Lumabas si Ray at iniwan kami ng Mom niya. Nakasimangot siya na umalis.

------

-Ray’s Side

Wala sa mood na kinagat ko ang Burger na ino-order ko sa jolibee. Naalala ko kase yung nangyari kagabi kay Nikay. Sobrang kulit niya naman kase kaya siya nasasaktan.

Reckless talaga.

“Uh-oh. Why you look upset?”

Napalingon ako sa nagsalita na nasa likuran ko.

Nakangiting umupo si Mahree sa tabi ko.

“I just remember -----“

“What?”

“Nothing, just nothing.” Pilit akong ngumiti sa harapan niya.

“Really?!” she cross her arms and glare at me doubtfully.

“Oo,”

“Alam mo Ray, you’re always nakasimagot. Kaya di na talaga ako magtataka kung nakasimangot ka nanaman.” mula sa bulsa niya ay may kinuha siya.

Lumagok ako ng energy drink.

OKAY. Eh di masungit na kung masungit!

Page 38: Walking Disaster Girl

Napabaling ako sa kanya ng mapansin ko ang kamay niya na malapit sa mukha ko at may kung anu siyang nais ibigay.

I moan, “what is that?!”

Nakayuko siya at tila hiyang-hiya.

“P-para sayo,”

“Ano nga `yan?”

Humarap siya saken at ngumiti ng ubod ng tamis.”Yan ka nanaman, nakasimagot ka nanaman. Chocolate for you.”

“Para ba talaga saken `to? are you pretty sure Mahree?”

Bakit niya naman ako bibigyan ng Chocolate? Mukha ba akong gutom? Atsaka, di ako mahilig sa matatamis. It sucks!

Nakanguso na inabot ko rin ang shape heart na medyo may kalakihan na Chocolate na `yon.

“Open it.” Mahree was really beautiful when she smile like that. Parang nahihiya na ewan, although medyo nakapikit na siya, sobrang singkit kase ng mga mata, parang ganito [~.~]

Nabigla ako ng tanggalin ko ang wrapper ng chocolate na `yon. May nakasulat na …

I LiKE YOU Ray.

She likes me? Is she serious? Papaanong? Eh, last month ko lang siya nakilala. Manliligaw ba siya? Isa na ba siya sa mga manliligaw ko? It sounds so weird, I know. >.<

Pero yun naman kase talaga ang totoo. Kahit na kailan ay di ko pa talaga nasubukang makapanligaw. Girls ang unang nagpapakita sa`ken ng motibo. At nagkagirlfriend ako dahil sa panliligaw nila. Kasalanan ko ba kung ako ang sumasagot ng matamis na ‘OO’ ?! weird nga eh.

“I really like you, Ray.” Mahree mutter vaguely.

I beg your pardon? Im sorry? Di ko gaanong narinig.

I nod idly. What must I say?

Nahihiyang ngumiti siya. “I hope you will not evade. I know, awkward na sabihin ko sayo. K-kaso…”

“It’s OK. Why would I evade? There’s n-nothing wrong with…..” I pause. There’s nothing wrong nga ba? Bakit parang gusto ko siyang layuan ngayon din? Nakakailang.

“Yeah,” she agreed.

Page 39: Walking Disaster Girl

I bite the chocolate then forced a smile. “Ansaraaaap naman neto. “ nagthumbs-up pa`ko though I feel like throwing up. This is so sweet! The taste of this chocolate is too much. Sobrang daming sugar siguro o kung anuman ang nilagay niyang cheche boreche sa chocolate na`to.

“I made that.” she looked satisfied with my answer.

“Oh?” kunwaring nashocked na react ko.

I sighed slyly. Ok, i think makakapasa na talaga siya sa ideal girl ko. but, ----

Tumikhim ako at kagad inabot ang mineral water ko. iluluwa ko na talaga to! pambihira naman o!

This is really ludicrous. Ako kakain ng chocolate? Ugh. I cant believe it.

-----

-Nikay’s side

Nakasimagot na pinunit ko ang quiz ko kanina na 1 mistake na. Sasabihin ko sana ke Ray kaso nagmomoment naman sila ng girlfriend niya. May binigay si Mahree ke Ray na shape heart na chocolate at kinain naman kagad ni Ray.

Ugh. Sa pagkakaalam ko, di kumakain si Ray ng chocolates, nakakapandiri daw ang chocolate eh. Pero kinain niya yung bigay ni Mahree na chocolate. ANEBEYEN! Mahal na mahal niya siguro si Mahree kaya kahit na ayaw na ayaw niya sa matatamis ay pinilit niya pa rin ang sarili na kumain ng chocolate!

Kainis. Kainis. Kainis.

Ano ba ang meron sa kanya na wala ako?

Simple lang, UTAK. Utak girl! Utak ! , napasimagot ako ng biglang umungot ang cerebrum ng utak ko.

May utak si Nikay at may puso,diba Medulla Oblongata? sabad naman ng cerebellum ko.

Magpapakatalino na talaga ako!

Kailan pa mangyayari yan? Sabi ng medulla oblongata ko.

Nye?! Pati parte na ng utak ko ay nangengealam na! tama na! sobra na!

Nagulat ako ng maramdamang may mga kamay na tumakip sa mata ko.

“Who youuuu?!” napaEnglish tuloy ako ng wala sa oras! Tsktsk.

“Guess who,” babae ang boses at parang pamilyar.

Page 40: Walking Disaster Girl

“SHIELA!” agad na hula ko! Alam na alam ko yata ang tono ng pananalita ng Bruhang `to.

Tinanggal niya ang kamay niya at nakangiting tumabi saken. “Baket ka nakabusangot?” puna niya saken.“Ako? Nakabusangot? Di ah.” Tanggi ko.

“Hindi! Hindi!” pampipilosopa niya pa.“B-baket ngayon ka lang ulit saken nagpakita?ha?”“Palagi ko kayang gustong lumapit sayo kaso parang lage kang nagmamadali kaya di kita nahahabol. Kainis ka naman,eh.” Sabi niya at kinuha ang cellphone sa bulsa niya.

Nakangiti siya ng matamis habang nagtataype ng message sa katext niya.

“Talaga? Eh di sorry! Nga pala, sino yang katext mo?! Baket parang ang saya-saya mo?”

“Kilala mo yung kumanta ng Collide?” excited na tanong niya saken.

“Ha? Ewan ko ba kung sino ang nilalang na yan. Tao ba yan?” pagbibiro ko pa. Sa kanya lang naman talaga ako nakakapagsabi ng totoo kapag di ko talaga alam ang isang bagay. Siya lang naman ang nakakaintindi saken at ang Mama ko.

“Nikay naman eh! Late ka talaga sa mga news pagdating sa mga gwapo. Pambihira ka naman, porket me Ray ka na diyan. Pero teka! Di mo ba talaga siya kilala? si Howie Day ng Campus! Katext ko siya Nikay!” halos magtatalon na ito sa sobrang saya. Kinikilig ng sobra-sobra ang Babaeng `to.

“Si Howie Day ng Campus?!” Nagtatakang binalingan ko siya ng mapansin kong parang naninigas siya mula sa kinauupuan niya. Siniko niya ako na parang may ibig ipahiwatig.

“S-siya… s-siya yung dumaan,” pinipigilan niya ang sariling mapabulanghit.

Napatingin ako sa taong dumaan sa harapan naming dalawa, napanganga ako ng makita ko kung gaano kaHOT ang nilalang na yon. Tsktsk! Nasa Hollywood na ba ako? Bakit parang nakakita ako ng isang celebrity na galling sa America? Ohmygas! Itong katabi ko naman halos lumuwa na ang mga mata.

“Niloloko mo ba ako?siya ba talaga ang tinutukoy mo???” napalakas ata ang boses ko! napabaling kase siya sa direksyon namin at huminto sa harap namin habang kausap ang kaibigan niya.

Kumunot-noo siya at tinitigan si Shiela, na parang alam na alam niyang siya ang tinutukoy ko.

“Im sorry?” tanong niya samin.

“Ha? W-wala lang yun. Pinapatawad na kita.” Sagot ko. Bakit siya nagso-sorry?! Wala akong maalala na may ginawa siyang masama samin! Bakeeeeeeeeeeeeeeet?!

Page 41: Walking Disaster Girl

“Ayy! Mali! Mali! “ ungot ni Shiela na nakayuko at halatang kinakabahan.

“Okeydoke.” Sabi niya at tiningnan ang cellphone niya at parang may inaabangang text message! Inaabangan niya kaya ang reply ni Shiela?!

Nilagpasan niya na kame at pinagpatuloy na ang pakikipag-usap sa kausap niya kaninang lalake.

“Siya ang tinutukoy mo?” ulit ko sa tanong ko kanina sa kanya.

“Hmp! Bakit ba kase ang lakas-lakas ng boses mo, naweirduhan siguro yun sating dal`wa!” parang naiiyak na sabi niya at tinapat ang hawak na cellphone sa dibdib niya.

“B-baket di ka niya kilala?”

“I dunno.”“H-huh?”

“Sabi ko, ewan ko! atsaka, wala pa kame sa stage na ganyan noh! Text-text muna bago ang meet-meet effect.”

“B-baket ?”

“Magscientist ka na lang kaya? Dami mong tanong Nikay eh.”

“Di ko dream ang magscientist ano! At baka manosebleed lamang ako.”

“Ewan ko sayo,” natatawang sabi niya at hinila ako patayo.

“Nakita ko kanina si Ray na may kasamang girl. Ayun sila o!” at ang lakas ng loob ni Shiela na ituro si Mahree!Kagad ko siyang hinila paupo. “Shiela naman! Nakakahiya!”

Nagtakip ako ng bag sa mukha ko. andami kaseng napatingin sa direksyon namin ngayon ni Shiela. Nagtataka siguro dahil sa ginawa ni Shiela.

“Nikay, know what? That girl was really pretty.”

“Wag mo nga akong ineenglish-english. Pretty na kung pretty. Basta wag ka lang maingay diyan.”

“Singkit kase yung mata niya at----“

“AT?? Matalino siya? Alam ko naman ang tungkol sa baga na yan. Alam ko na hindi ako----“

Page 42: Walking Disaster Girl

“Excited ka naman eh? What I meant is, singkit siya at maputi. Ang hilig-hilig mo talagang magdrama, Nikay. Don’t ever down yourself. You’re pretty too. Actually, you’re taller than her. I think she’s only 5’6 while you, 5’7 ang height. Mas sexy ka pa nga sa kanya eh. Nahahalata nga yung shape ng katawan mo sa simpleng t-shirt mo lang at maputi ka rin na kutis mayaman dahil mamula-mula pa. you’re almost perfect but….”

“But…” napakamot siya sa likod ng kanyang balikat.

“Wala akong utak? Alam ko. “

“Buti naman. Hekhek.”

“Snacks nga muna tayo,” yaya ko.

“Naks naman! di ka naman palaging nagsasabi niyang word na snacks na yan ah? Spell nga?” siniko-siko niya pa ako at tawa ng tawa.

“Spell-spell ka pang nalalaman diyan. Pwede bang merienda na lang?”

“HAHAHAHA. O sige ba! Basta treat mo,”

“Kelan mo ba kase ako nilibre? Talagang ako manlilibre noh,”

------

Ayokong makinig. Ayokong makinig. Ayokong makinig.

Nawalan na ako ng gana. Di ko maintindihan ang bawat mga salitang sinasabi ni Ray saken. Malungkot ng nakatitig ako sa gwapo niyang mukha. Wala na akong inspirasyon, may girlfriend na si Ray. Wala na talaga akong pag-asa sa kanya. Wala akong panama sa singkit na `yon! Mukhang type na type siya ni Ray.

Para saan pa magpakatalino ako? Kung may-iba nang gusto si Ray?????

Si Ray ang dahilan ko kung bakit ko gustong matuto. At kung bakit ko gustong gusto na pumunta sa bahay nila araw-araw. Ngayon ano na ang gagawin ko? may dahilan pa nga ba ako para magpakatalino???????????

Tinakpan ko ang tenga ko na ikinahinto mula sa pagsasalita ni Ray.

“What’s wrong with you, Nikay? Kanina pa kita napapansin na hindi ka talaga nakikinig.”

Tumayo ako.

“Nikay? Whats---------“

“Uuwi na`ko. “

Page 43: Walking Disaster Girl

“Why? But its not time yet,”

“Basta. M-masakit k-kase ang ulo ko.”

He furrowed. “Why?”

“Dahil siguro walang kalaman-laman.”

At iniwan ko na siya.

--------

ENTRY SEVEN :*

Bakit ganun? Bakit ang bilis magkagirlfriend ni Ray? At ako hindi man lang mabiyayaan ng boyfriend o manliligaw?

Nung 3rd year siya at 1st year pako ay nabalitaan ko sa tabi-tabi na nagkagirlfriend si Ray ng kaklase niyang nagngangalang Michelle, beauty queen yun! Magaganda at matatalino talaga ang hanap niya sa mga babae. Wala na talaga akong pag-asa! Pero balita ko, si Michelle mismo ang nanligaw ke Ray. Akalain mong ang Ms. Intrams ng school namin dati ay marunong pala manligaw? Maraming nababaliw ke Michelle pero si Ray lang ang nagustuhan niya. Nagtagal ang relasyon nila ng limang buwan. Kitams? Matalino ako basta tungkol na ke Ray. Hek!hek!

Nang 4th year naman si Ray ay nagkagirlfriend siya ng taga-ibang school. Galing sa isang exlusive school for girls ang ex niyang si Doreen. Mahinhin at maganda rin ang isang yun. Sabi ni Shiela saken, isang taon ang relasyon nila ni Ray. Nakipagbreak ata itong si Doreen dahil marami ang nangbablackmail sa kanya na kapag di niya hiniwalayan si Ray may mangyayaring ganto, ganyan. Nakakatakot naman ang mga ganong tao!

Pero teka! Ehhhhhhhhhhhhhh kung i-Blackmail ko rin kaya si Mahree Ong? Hehehe. Ang sama ko. di ako ganyan ah! Mabait ako at marunong magparaya.

KUNG KATULAD LANG SANA AKO NI MAHREE NA MAY BEAUTY AND BRAINS. Di sana ako nagkakaganito.

Dinampot ko ang mga unan ko na tinapon-tapon ko kanina sa sahig. Nag-e-emote lang ako kanina kase di ko lang talaga matanggap. drama ko noh? Atsaka nagpapractice din akong mag-artista, malay natin? Kaya nga maluha-luha na itong mga mata ko eh. Kase madrama ang lola!

Dumirecho ako sa kusina at naghanap ng makakain. Nakakagutom din pala ang sobrang pag-e-emote noh?

-----

Page 44: Walking Disaster Girl

Nakatitig lang ako sa librong binigay sakin ni Ray na basahin ko raw. Magdadalawang linggo na simula ng pinahiram niya sakin ang mini book na ito. Pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin binabasa, napapagod na kase talaga ako eh.

Napabuntong-hininga ako,at dalawang linggo ko na ring iniiwasan si Ray. Feeling ko kase ang sama kung lalapit-lapit ako kay Ray kung gayon na may girlfriend na siya. As if naman, magiging kerida talaga ako? Eh, wala ngang pake sakin yun eh! >.<

Napakamot ako sa braso ko, may kung ano kasing makati at parang….“AAAAAHHHHHHHHHHHHHH!” sigaw ko at nagtatalon na sa sobrang takot! May alupihan! Sa pagkakaalam ko, nakakamatay ang kagat ng alupihan! Di ko naman mahawakan dahil sa takot kong kagatin ako! Kaya nagsisigaw na lang ako pilit na iwinawagayway ang kanang braso at baka sakali namang tumalsik ang alupihan pero kahit na anong gawin ko, eh, hindi talaga siya maalis sa braso ko! `NAY KO PO!

Napaiyak ako sa sobrang takot ko, di ko na talaga alam ang gagawin ko….

“Nikay! Just calm!” naramdaman ko na may bumuhat sakin. Parang mawawalan na kase talaga ako ng malay. At parang mahihilo na talaga ako! Naramdaman kong inilapag niya ako sa bench at may kung anong ginamit na bagay upang maalis ang langyang alupihan sa braso ko.

Pero joke lang, hindi ako nahimatay ah! Drama-drama ko lang para buhatin ako ni Ray! BWAHAHA.

“Nikay,” tinampal-tampal niya pa ang mukha ko para siguraduhin kung gising ba ako.

“Nikay? Are you okay ?!”

Pinilit ko pang pumikit para kunwari nahimatay talagang tunay. O diba ?!

“Nika---“

Napamulat ako ng mapansin kong hindi na nagsalita pa si Ray.

“Nikay talaga!” galit na bulalas niya at agad na tumayo.

Napatayo na rin ako at sinundan siya. ”Ray, s-sandali n-naman, o”

Galit na hinarap niya ako, “Are you really playing with me, huh ?!!”

Page 45: Walking Disaster Girl

“Hindi, m-mali ka ng iniisip.” Nauutal na talaga ako. Palaging nakasimangot si Ray pero kahit na kelan di ko pa siya nakitang nagalit ng ganito. Atsaka, ewan ko ba… pero naintindihan ko ang English niya. Siguro dahil sa sobrang takot ko ay gumana ang utak ko.

“Alam mo bang kinabahan ako? Akala ko may mangyayari na sayong masama! But you’re just,…”

Bumilis ang pintig ng puso ko sa sinabi niya. Nag-alala siya sa akin?! Pwede bang ulitin? Pwede bang magtake two para sabihin niyang ulit sa akin yon? Bakit naman siya mag-aalala? Bakeeeeeeeeeeeeet?! Gusto kong malaman ang sagot! At talagang mukha siyang nag-alala. Totoo ba to?!

Napakamot ako sa batok, “ I’m s-sorry.. natakot naman kase talaga ako pero----“

Napahigpit ang hawak ko sa bag ko, ang dami na kasing taong nakapalibot sa amin at sinusubaybayan kung anong sunod na mangyayari.

“Girlfriend ba siya ni Ray?”

“Did just Ray said that ‘Nag-alala siya to that girl’?”

“NagLQ siguro,”

“no! she’s not his girlfriend!” pasigaw pa na sabi ng isang babaeng nasa likod ko at parang mahihimatay.

Galit na tinitigan ng masama ni Ray ang mga babaeng nasa paligid namin at humakbang na para iwan kami. “Bahala kayo sa buhay niyo,”

Hahabulin ko sana siya pero may isang babaeng humila ng kamay ko.

“Don’t tell me, you’re going to chase after him? Cant you see?! Iniwan ka na niya! Atsaka dapat lang yan sayo! Hindi kayo bagay! Look at him, He’s angry. Kung hahabulin mo pa siya, baka masaktan ka lang niya sa sobrang galit niya. Aarte-arte ka pa kase! Yan tuloy! Manigas ka! HAHAHAHA!”

Nilingon ko ang babaeng yon. Katabi niya si Mahree Ong. Nakayuko si Mahree at parang malungkot sa nangyari sa kin.

“Mahree, kayo ang bagay ni Ray.” Sabi pa ng isa pang girl.

“She’s just another girl who’s desperately inlove with your Ray.”

“No.” tanggi ni Mahree.

Dinuro-duro pa ako ng kaibigan niya. “Hoy babae! Wag kang makapal,hinding-hindi kayo magiging bagay ni Ray kahit na kailan!”

Page 46: Walking Disaster Girl

Nakayukong nagsalita ako,”A-alam ko….”

Alam na alam kong hindi kami bagay ni Ray, pero hindi na nila kailangan pang ipamukha sa akin kung gaano ako kababa. Kahit na kailan din naman kase ay hindi ako nangarap na magiging bagay kami ni Ray.

“S-sorry sa istur-----------“

“Monica, don’t say sorry.”

Nabigla ako ng marinig ko ang boses na yon at lumingon ako. Bumalik si Ray, para? Para ano? Para saan? Para ba kay Mahree?! at manghihingi siya ng sorry kay Mahree dahil sa ginawa niyang pagsusuplado sa akin? OO nga pala, si Mahree ang totoo niyang girlfriend.

“Mahree? And you?” pasupladong tinitigan niya si Mahree at hinila ang kamay ko.

“Halika na,”

Huminto kami sa harap ng isang bench.

“R-ray,t-teka-----“

“Sorry,” di makatingin na seryosong sabi niya.

“B-bakit? Baliktad, ako dapat ang nagsosorry,” nagulat na sabi ko. Eh bakit naman kase talaga siya magsosorry? Di ko maintindihan.

“Why are you like that?!” galit na hinarap niya ako.

Napalunok ako. “Bakit ako g-ganito?”

“OO! Bakit ba napakakitid ng utak mo!”

Napayuko ako. Bakit ba raw ako BOBO?! Masakit pala talagang marinig mula sa taong gusto mo ang katotohanan.

Hindi na ako nakapagsalita. Ano pa bang masasabi ko?

“Bakit ka nagso-sorry sa mga taong yun? Eh, wala ka namang ginawang masama sa kanila! Sila ang dapat ang nanghihingi ng patawad sa mga sinasabi nila sayo!”

Page 47: Walking Disaster Girl

“Totoo naman din y-yon.”

“Narinig ko ang lahat!” galit na sabi niya.

Natigilan ako. Narinig niya ang lahat? Ehhh ?

“Hinahayaan mo ang sarili mong saktan ka nila ng ganyan. Alam mo ba kung gaano nakakainis ang mga ganong tao?”

“B-bakit nakakainis?” dahil sa wala na akong masabi ay ang mga katagang yan ang naibulalas ko.

“Dahil ayoko kong makitang sinasaktan ka nila!”

Nanigas ako. Parang naiiyak ako na hindi. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. At di ko alam ang gagawin ko. ano ba ang dapat kong i.react?? dapat bang tawanan ko siya? Dapat bang ngumiti ako? O ano na?

Nagulat ako ng marinig ko ang pagtunog ng bell. Oras na ng pasok. Nakow naman! Bad timing!

“Go to your room,” sabi niya at tinalikuran ako agad.

“I-ingat…” nasabi ko at nagmamadaling lumakad palayo sa kanya. Ayoko ng marinig pa ang iba pa niyang sasabihin. Basta ang alam ko, kinikilig ako! <3

-----

Napatigil ako sa pagnguya ng Cracklings ng makita ko si Ray na nakatingin sa akin ng masama. Nakatayo siya sa harap ng pinto, nakasimagot ang gwapong mukha.

“R-Ray, nandito ka pala.” Agad na iginild ko ang cracklings.

“Why you’re eating that kind of food?? Nakakasama ang Junkfoods sa health,” kusa na siyang umupo sa sofa. May hawak siyang notebook at libro.

“Three weeks na simula ng huli kitang ma-i-tutor. So, I think I have to come barging in your house para ipaalala sayo ang naudlot na---“

PAG-IIBIGAN?? Yieee!

“Na??” napamatang sabi ko. kung anu-ano na kaseng pinag-iisip ko.

“Ano sa palagay mo??” singhal niya at kinuha ang remote. “Stop watching T.v muna, ngayon lang ako may free time ulit kaya ngayon na kita i-tututor. Kuha mo?”

Page 48: Walking Disaster Girl

“Yes Sir!” sabi ko at tumayo. “P-pero sandali lang muna…..” nakakahiya naman kase talaga masyado. Sabog ang buhok ko at parang walang suklay. At wala pa akong ligo!

“Baket? Ano pa ang gagawin mo? Magpapaganda?” nakakunot-noong hinila niya ako patabi sa kanya.

“Stay here,” utos niya at binuksan na ang libro. Binuksan niya na.. ahhh! Parang may trauma talaga ako sa pagbubukas ng Libro.nakakapanindig-balahibo. OA ko talaga no? pati pagbubukas ng libro ay kinatatakutan! HAHAHAHAHAHAHAHA!

Feeling ko kase wala akong karapatang tumingin man lang sa Libro. Para sa akin, tanging mga matatalino lamang ang may karapatang magbukas ng Libro. Kaya nga dalawang beses akong umulit sa pag-aaral dahil na rin ayaw na ayaw kong bumubuklat ng libro! Nakakaiyak! Promise!!!

“H-hindi pa ako naliligo,” namumulang sabi ko sa kanya.

Kagad na tinulak niya ako palayo sa kanya. “Kadiri ka. Ang bantot mo Nikay!”

Umirap ako.”ikaw naman kase!” tuluyan na akong nahiya! Nikay naman!!!!!

“Maligo ka na,” taboy niya pa saken.

“S-sige,” nagmamadaling tinungo ko ang C.R.

-----

ENTRY EiGHT --> MEET EDWARD??????!!!!!!

“STRESSSSSSSSSSSSSSSS!”

Nagulat ako ng marinig ko na sumigaw ang lalaking `yon. Ano na bang nangyayare sa taong `yon? Malaki siguro ang problema nun. Tumabi ako sa kanya at binigyan siya ng juice “OH heto, pampawala ng stress. Kahit di kita kilala, nauunawaan kita dahil palage rin akong stress.”

Nagulat na napatingin siya saken. “T-talaga??”

“Oo naman! Buti nga binigay ko sayo ng libre yan eh. Paborito ko pa naman ang juice na yan”

“S-salamat” napayuko siya at ininom ang juice na binigay ko.

“Ako nga pala si Monica Villanueva, “Nikay” for short,” sabi ko at nakipag-kamay pero di niya tinanggap kaya ibinaba ko na lang kamay ko.

di wag, bulong ko.

“ANONG DUWAG?” galit na hinarap niya ako.

Page 49: Walking Disaster Girl

“H-ha? Mali ka ng narinig.”

“Ano ba ang gusto mong palabasin? Na porque ganito ako ay DUWAG na ako?” singhal niya at hinila ang kwelyo ng uniporme ko.

Napatingin ako sa paligid at kinakabahan na nagsalita “S-sorry, p-pero mali talaga kase ang narinig mo.”

Natuon nanaman saken ang mga pansin ng mga nasa paligid ko. “S-sorry talaga……” naiiyak na sabi ko, baka kase suntukin niya ako sa mukha.

Napasigaw ako ng makitang natumba siya sa sahig. At may humila sa akin patayo.

“Okay ka lang ba Nikay?” napanganga ako ng makilala kung sino ang nagligtas sa akin.

Gustong-gusto kong yakapin si Ray dahil sa pagliligtas niya saken pero marami kasing tao at ayokong i-bully nila ako… “S-salamat”Nakasimangot na hinila niya ako palabas ng canteen.“Baket ka ba nakikipag-usap sa mga katulad ni Edward? Alam mo bang kilala siyang “Basag-ulo” sa school nato? Di mo alam, palibhasa kase…” itinaas niya ang kamay at galit na tinalikuran ako.

“Palibhasa kase ano? Palibhasa kase bobo ako? Palibhasa kase wala akong alam?”

ANG DRAMA KO NO?

“OO!” inis na hinarap niya ako at tila mainit na talaga ulo niya saken.

“S-sorry, akala ko naman kase mabait siya at ----“

“At ano? At gusto mo siyang maging boyfriend?”

“H-hindi,”

“I don’t care,” namumula ang mukha na sabi niya saken. At nagmamadaling iniwan akong naguguluhan.-----

“Hey, Sorry”

Napalingon ako. AKO ba ang sinasabihan niya ng sorry?

“Hey, Sorry,” ulit ng makulet na lalakeng ito.

Nanlaki ang mga eyeballs ko ng Makita kung sino yon. JUSME! A-at a-anong p-pakay niya saken ha?

Page 50: Walking Disaster Girl

“Bingi ka ba ha?”

“OO. Ay! S-sabi ko, Hindi.”

“Good.” Tumabi siya sa kinauupuan ko. “Im sorry sa ginawa ko sayo sa canteen kanina, Stress na stress talaga kase ko.”

Kinakabahang binalingan ko siya.

“Don’t be afraid of me, mabait ako. By the way, I am Edward Tasque. “

At may balak pa siyang makipagSHAKE HANDS ano?Tila naging estatwa akong bigla, ayoko nga! Inosente pa ko.

Napanganga ako ng hinila niya lang bigla ang kamay ko. “Nice meeting you Nikay,” ngiti niya.

“ANYARE? B-baket ang bait mo na saken?P-paanong kilala mo ko??”Natawa siya, “Paulit-ulit? Unli ka? Stress nga kase talaga ako. Sikat na sikat ka kaya sa buong Campus.”

“T-talaga?” malungkot na napabuntong-hiniga ako.

“Nga pala, Boyfriend mo ba si Ray?”

Namumulang napaHINDI ako. NAKAKAHIYA KAYA? Pero sana ..

“Really? I.. I thought that he was your boyfriend . dami na kse talagang rumors tungkol sa inyong dalawa. Malas naman.”

“B-baket malas?” ano raw? RUMORS? Mahanap nga mamaya meaning niyan sa google.

“Ray doesn’t like me.”

MMK? Nagseshare lng sa aken? BESTFRIEND TAYO?

“TAPOS?” chesmosa ko ren .

“N-nothing, nevermind”

Nagulat kaming dalawa ng narinig kong tumunog yung tiyan niya ng pagkalakas-lakas.

“HAHAHHAHAHAHAHAHHAHHAHAH!” tawa ko sa kanya.Sumimangot siya. NAKAKATAKOT!

“G-gutom ka yata? Libre na kita,”

“WAG NA, di mo kakayaning bayaran.”

Page 51: Walking Disaster Girl

------

-Ray’s side

Nawalan ako ng gana sa kinakain ko ng makita ko si Nikay na pumasok ng canteen at kasama niya ang lalaking yon! NASISIRAAN nab a talaga itong si Nikay? Kanikanina lang ay sinigawan siya nito at ngayon?

Nakakainis talaga ang Nikay na yan! Di nag-iingat.

Nakasimagot na uminom ako ng juice. At baket parang ang sweet ng dalawang to?

“Hi Ray. Here you are again, nakasimagot nanaman,” nakangiting tumabi si Mahree sa akin.“Hi Mahree,”“You are alone?”OBVIOUSLY. “OO eh.”

Nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko. “Ray, eat this,” sabi niya at sinubo sa bibig ko ang sandwich.“Thanks,”

Napahinto ako ng makita ko si Nikay at Edward na nakasimagot at nakatingin sa aming dalawa.

“Kilala mo ba si Edward, Mahree?”

Parang nahihiyang napaHINDI siya.

“I just asked, kase binantaan niya ako ng isang araw na wag na wag daw kitang sasaktan,”

“S-sino ba kase siya? M-maybe, some obsess stupid admirer lang yon. I,.. I don’t even know him. Ang lakas naman ng loob niya na bantaan ka ng ganoon.” ><”

I sigh.

------

-Nikay’s side

NAKAKAINIS TALAGA ANG MAHREE ONG NA YAN! SUPER SAYAAAAAAAAAAAAAN!

“Anyaree sayo?” tanong ni Edward.“W-wala,”“WEH?”“Wala nga,”“Sinungaling.”“Wala nga! Ang kulit mo!” di sinsadyang napalakas ang boses ko. Nagsitinginan tuloy lahat sila sa akin.“Relax,”

Napalunok ako ng Makita kong tiningnan ako ng masama ni Mahree at Ray. Tsk!tsk! CHAKA.

Page 52: Walking Disaster Girl

Akala mo naman kung sino itong Mahree na ito. HMP!

“Nikay, Eat this oh, “

Nashocked naman ang beauty ko ng bigla-bigla ay sinubuan ako ng Edward. Ang bilis naman? Kakameet lng kanina ay gumagawa na ng move..

E-EH?t-teka..

“Crush mo ba ako ha?”Natatawang ginulo niya ang buhok . “Assuming ka naman,”

------

Edward’s sideITS HER FAULT. Yes, its Mahree’s fault. Were suppose to be meant to be to each other but SHE WONT allow me.

2 years ago, our parents planned for our engagement. They want me and Mahree for each other since were childhood friends naman pero ayaw niya at pinagpipilitang may gusto na siyang iba. AT KAYA STREES NA STRESS AKO . dahil selos na selos ako kay Ray. I want Mahree alone. Pero bakit kailangan pang uminsert itong si Ray? I heard pa nga na sila na raw. At iyan tlaga ang ikinagagalit ko. She promised me na hinding-hindi muna siya magboboyfriend . PERO ANO na ngayon?

-----

-Ray’s side

Di ako makatulog. Ewan ko ba . pero di talaga mawala-wala sa isipan ko ang masayang ngiti ni Nikay kanina kasama si Edward na yon.

I sigh.WHY DO I CARE? I don’t.

I don’t.

I really don’t.

But why I cant help but to feel helplessly na Masaya si Nikay sa lokong yon?ANYARE.

----

Nikay’s side

Page 53: Walking Disaster Girl

Ang sweet sweet nila kanina. Naiiyak tuloy ako. ANG SWERTE-SWERTE namang nilalang talaga nitong si Mahree at nagagawa siyang ngitian ni Ray. Nagagawa pa niyang masubuan si Ray. Eh ako? Hanggang NGANGA lang,.ASAR, baket ba kase ang ganda-ganda niya at ang talino pa?

Hayyyyyyyyyyy buhay parang life.

-----

-Mahree’s Side

I am not in my usual mood. Eh kase nman, nakakainis talga ang ginawa ni Edward na pagbabanta ke Ray, eh wala namang ginagawa sa kanya si Ray! Kakaasar talaga ang isang yon.

Nagiging ganyan siya dahil kasalanan niya naman. Yes, its his all about his fault and not mine. =.=Though wala siyang sinsabe pero I know na ako ang sinisisi niya. Wala na siyang magagawa pa, I already made up my mind and di na papauto pa sa kanya! I hate this love song.. I hate this love song.. I hate this love song..[love song by: Bigbang <3]

Sino naman kaya ang tumatawag sa cellphone ko?Nakasimangot na sinagot ko ang call.“HELL-O?”

“Mahree, I…”

Boses niya palang alam na alam ko na, at ano naman ang gutso niyang pag-usapan aber? K-kapal niya n-naman p-para t-tawagan ako.

“SHUTUP!” agad kong in-end call. Who cares? I am not in the mood because of him, tapos,balak niya pang makipag-usap saken? YOKO NGA. AYOKO TALAGA, AS IN.

I sigh* and binuklat ang laptop ko. Makafacebook nga.

-----

-Ray’s side

I furrowed when I saw Nikay’s status in Facebook.

Monica Villanueva“HMP. Ang arte mo na nga, feelingera ka pa! hampasin ko bunganga mo eh.”

Anyaree sa babaeng to?

Baka may umaway nanaman sa kanya. nagcomment ako ng “Who cares.”

Page 54: Walking Disaster Girl

Nagulat ako ng makita sa notifications ko na ni-like niya pa ang comment ko. Binabara ko na nga siya eh, baket ni-like niya pa?

Nagcomment siya ng “Sorry ha. Hehehe”

Natatawang ni-like ko na lang comment niya at di na lang nagcomment pa. baket naman siya magsosorry? Nasisiraan na talaga ang babaeng yon.

-----

-nikay’s side

Muntikan na akong magtatalon sa kama ko ng Makita kong ni-like ni Ray ang facebook status ko. De joke lang, nagcomment lang naman siya. Assuming din talaga ako eh.

Ano kaya ang nakain ni Ray at naisipang i-like ang comment ko? Baka nakakain ng poop ng isda. Yahahakk! :P

Napatayo ako at iniwan na lang ang laptop ng marinig kong maraming aso ang tumatahol sa labas ng mansion namin, sosyal ha? Mansion talaga? De joke lang, sa labas ng bahay nmen.

Nagmamadaling lumabas ako ng kwarto ko at tiningnan ang nangyayare sa labas ng bahay namin.Naku po? At baket namn maraming tumatahol? Di kaya may magnanakaw? Ohmygawsh!!!! Ako pa lang naman mag isa rito sa bahay, ottokhe?

Muntikan na akong madulas sa sahig dahil sa pagmamadali ko. At di lang yan, muntikan na akong magkombulsyon ng Makita ko kung anong nagyayare !

NakikipagTOTOOOOT lang naman ang magaling kong alagang lalakeng aso sa isa pang aso na Chihuahua yata .

ANG BASTOS BASTOS! HUMANDA TALAGA SA AKIN ANG NAGMAMAY-ARI NG ASO NATO. Di ko tuloy maalis ang tingin sa dalawang aso nato dahil nag-iisip ako kung paano ba maipaghihiwalay ang mga aso na ito! OHMYGAWSH!!!!!!!! Kakastress ito, promise. Parang nanonood lang ako ng live porn eh no?

Napatigil ako at lalong kumulo ang mga nerve cells at dugo ng Makita kong may mga paang papalapit sa direksyon ko, siya marahil ang nagmamay-ari sa asong chihuahua na ito!

Sumigaw ako na di tumitingin dahil talagang di ko kayang makipag-eye to eye sa taong ito.

“Hoy! Ang landi-landi ng aso mo! Nagmana sayo! Basto------“

“What did you just say?”

Napatigil ako at paslow-mo, as in, paslow motion, kumbaga parang nasa mga palabas na may paslow-slow motion pa nalalaman na napatingin ako sa taong nagsalita, boses to ni.. alam ko, boses niya talaga to. OHMYGAWSH!!!!!!!!!!!!

Page 55: Walking Disaster Girl

“R-ray, s-sorry, m-mali--------“

“What?ako malandi? are you really---“

“S-sorry na nga, OA naman neto. Di nga sinasadya, atsaka malay ko bang aso mo pala iyang Chihuahua?”

Tila lalong uminit ang ulo nito sa sinabi ko. Ano bang mali sa sinabi ko ha? Eh diba, sa kanya naman yan at balak niyang kuhain siguroooo..

Nakasimagot na tumikhim ito, “Uhem,uhem.”

“Know what Nikay? It wasn’t my dog, and I don’t have a dog,”

Namutla ako, nga pala, wala nga pala siyang aso dahil ayaw na ayaw niya sa mga aso.

Galit na hinigit niya pulso ko at hinila ako palayo sa mga aso na yon.

“Im here to help you na makaalis mula sa mga aso na yan, you never know kung ligtas ba ang mga asong nakapaligid sayo! For pete sake Nikay! think before you act, at blah blah blah blah blah blah blah”

Di ko na naintindihan pa ang iba niyang sinasabi dahil kinilig akong bigla, T-TALAGA? DI AKO NANANAGINIP LANG? gusto niya akong iligtas mula sa kamay ng masasamang aso na yon? At kelan ko pa siya naging super hero? PALAGI. Palagi siyang nariyan twing mapapahamak ako. Bakit ngayon ko lang narealize na totoo pala ang mga superhero?

Napatigil ako sa pagdedaydream ng marealize kong titig na titig ako sa kanya! OMG.

Nahihiyang napatalikod ako, wala na akong mukhang maihaharap!

“Nikay, im not yet done talking,” sabi niya.

Nahihiyang humarap akong muli. “S-sorry na nga diba?”

Halos magdikit na ang mga kilay niya sa sobrang titig sa akin ng masama, “are you in your right mind ha? I don’t need your sorry,”

“E-eh di, isang malaking SORRY! As in, S-O-R-R-I-E, para jejemon,”

Parang pinipigilan niya ang mangiti sa sinabi ko at nagseryoso ulit ang mukha niya, hephep! Let me correct you, ang gwapo niyang mukha! <3

“Atsaka malaking THANK YOU din pala Capital letters lahat para damang dama mo, Hehehe,”

Seryosong pumasok siya ng bahay namin at binuksan ang Ref.Welcome na welcome talaga siya sa bahay namin eh no? kahit walang paalam, papasok-pasok lang siya sa bahay namin. Nasanay kase siya na palageng pinapayagan ni mama’t papa. HMP!

“Meron ba kayong gamut sa utak dito ha?” pasupladong sulyap niya sa ken.

Page 56: Walking Disaster Girl

“E-ewan? Tingnan mo sa loob ng ref, baka meron.” Sagot ko at kampanteng naupo sa couch. Couch talaga, sosyal ano? =.=

“I don’t think meron kayo, just in case, kailangan niyo ng bumili,”

“HA? Baket naman?” nagtatakang tanong ko, para saan naman ang gamut sa utak?

“Para sayo,” inis na sagot niya. “Nababaliw ka na ata at kung saan-saan lumilipad pag-iisip mo,”HMP! Gustong-gusto ko na talaga siya i-snob, as in!

“Tama ka riyan, nababaliw na nga talaga ako,” SAYO…..Inis rin na sagot ko.

Natahimik siya at naupo sa tabi ko. Napalunok naman ako. At ano ang balak niya sa aken abeeeeer? Baka may ipagtatapat siya, at iyon ay tungkol sa… tungkol sa….

Seryoso pa ren ang mukha na inagaw niya sa aken ang remote. “Ang tanda-tanda mo na eh, mahilig ka paren sa mga cartoons,”

“Ha?”

“Ewan ko sayo,” sagot niya at inilipat ang TV sa ABS-CBN.

“Mamaya, go to my house at 3:00 pm.”

“B-baket?!” magdeDATE kami? OHMYGAWSHHHHHHHHHH! SIGE NA, ako na ang dakilang daydreamer.

“Did you forgot about your studies? Ano pa ba, magtutor ako,”

“S-sige, bye, ingat.” Namumulang sagot ko at hinatid siya palabas ng gate. Parang shunga na napahinto ako sa tapat ng gate at tiningnan ang pag-alis niya papunta sa bahay nila na katapat lang nman ng bahay nmin.

“Ray, akin ka na lang,” nagdedaydream pa na sabi ko.

Sana single na lang siya forever para kaya niya pa akong hintayin.

------

Parang shunga na sinusulat ko ang pangalang ANDREY FETALVERO sa likod ng notebook ko, at di lang yan, with heart-heart epek pa! ^^

Baket ganito..Anyareeeeeeeeeeeeee saken? Di kaya, inlabadido na ako ke Ray? OHMYGAS. Crush-crush lang naman ang saken pero baket, ang bilis ng tibok ng puso ko? Yung feeling na para bang may ral recitaion ang pintig nito. A-anong nangyayare saken?

Page 57: Walking Disaster Girl

Napatigil ako at agad na isinara ang notebook ko ng makitang papalapit saken si Edward. Napalunok ako at guilty na nag-iwas ng tingin. Baka kase mabuking niya pa ako at…

Ngingisi-ngising lumapit siya sa ken at inabutan ako ng suklay.

“ANG GULO NG BUHOK MO, saan ka ba galing ha?”

Nakanguso na kinuha ko ang suklay, “Di naman magul-----“

Napasinghap ako ng mabilis ang kamay na hinawakan niya ang notebook ko.“At ano naman ang sikretong malupet ni Nikay na itinatago sa likod ng notebook ha?”

“Wala ka na dun,” Namumulang hinila ko rin ang notebook ko, di ako makakapayag na kuhain niya ang puri ng notebook na ito, marami pa naman akong sikreto rito at kung anu-ano pang pinagsusulat ko tungkol ke Ray! Di pwede!

Napanganga nalang ako ng ginamitan niya ako ng shakra niya at nakuha niya ng mabilisan ang notebook. Ngingiti-ngiting binuklat niya ang likod ng notebook ko.

“ANDREY FETALVERO, AKIN KA NA LANG,PLEASE.” Mahinang basa niya na halatang inaasar lang ako.

Hiyang-hiya na napatingin ako sa paligid, malay ko ba kase diyan ke Edward kung trip niyan na basahin ng malakas ang mga sinulat ko?

------ENTRY NINE

-Edward’s side

I smiled widely ng nabasa ko ang laman ng notebook niya.

Natahimik ako at nagbasa ng taimtim na para bang noli me tangere ang binabasa.

Ray, bakit di ka na lang magpasingle ulet ha? Para naman lang sa aken oh.

Baket si Mahree pa? halata namang wala akong panama run eh! Beauty and brains kaya ang isang yun!

Huy Ray, pansinin mo naman ang beauty ko. utang na loob

Kunin niyo na ang lahat sa aken,wag lang si Ray Fetalvero.. lalalalala

Dear Ray,Wala lang! crush kita, share lang!

HMP! RAY MR. SUNGIT.

Ray: Superhero ng buhay ko. Di siya si SuperMan, siya ay si Super Inggo! Para pinoy version.

Page 58: Walking Disaster Girl

Natawa tuloy ako ng malakas, “Super Inggo ka diyan,”

Parang naiiyak na nagsalita siya ,”utang na loob, ibalik mo na sa kaen notebook ko. AHUHUHUHU,”“I DON’T WANT,”“Epal naman neto!”“Ipagkakalat ko to! BWAHAHAHAHAHA”“WHAAAAAAAAAAAT?” O.o parang nagulat din siya sa sinabi niya. “First time ko yun ha, naka English,”

Bumulanghit ako ng tawa sa sinabi niya, close na kami nitong si Nikay at tinuturing niya rin naman akong kaibigan kaya, kaya ko siyang i-prank. HAHAHAHHAHA

“Oy! Epal ang yong style. Tigil-tigilan mo ako sa pagjojoke mo ng ganyan,” tatawa-tawang sabi niya.

Nawala ang ngiti ko ng mapansin kong…. Maganda pala si Nikay at… di lang bsta basta ang kagandahan niya at… at…

Agad akong nagseryoso at tumikhim. “Oh, sayo nayan,”

“Salamat naman, napakasadista mo talaga Edward!”“Eh di Sorry,”“Pero,,, di mo naman ipagkakalat diba?” nangungusap ang kanyang mga mata na para bang kumikintab.Napaurong ako mula sa kinauupuan ko, “O-oo naman! Pake ko ba ke Ray,”Tumayo ako at agad na kinuha ang suklay na inabot ko sa kanya. “Aalis nako. May k-klase pa kame,”

“Okay, bye! Ingat ka diyan.” Nakangiting sabi niya. She looks so lovely with that smile.

Napalunok ako at iniwan siya.

------

-Mahree’s side

“Ray!”

Napalingon ako. Sino kaya ang tumawag kay Ray?Namutla ako ng Makita ko si Monica na papalapit kay Ray na naglalaro ng Tennis. Nandito ako sa bleachers, slyly watching him.

Nakangiting inabutan ni Monica ng Mineral Bottle si Ray. At nakasimangot na ininom agad ni Ray ang laman non. Di ko man sila naririnig pero alam kong…. Alam kong… may gusto siya ke Ray. Base na rin sa mga ngiti niya at pagtitig. Kakaiba siya makatitig na para bang .. para bang..

Nagmamadaling pinagpag ko ang uniporme at nilapitan sila. Di maaring ..

Tumikhim muna ako bago ngumiti ke Nikay “H-hi Ray and M-monica,” inabutan ko si Ray ng towel. “M-mukhang kanina ka pa yata pinagpapawisan ah.”

Nakangiting binalingan ko si Nikay , nawala na ang matatamis niyang ngiti na napalitan ng pagkalumo.

Page 59: Walking Disaster Girl

Kinakabahang umupo ako sa tabi ni Nikay. di na maipinta pa ang mukha niya, para bang disappointed siya. Posible na magkagusto siya kay Nikay, I admit that she’s really pretty. She’s almost pretty nga and I envy her because magkapit-bahay lang sila at palagi niyang nakikita si Ray. Samantalang ako… nakikita lang si Ray kapag nagpapractice siya sa tennis niya at Malaya ko siyang natititigan kahet di niya alam.

Alanganing inabutan ko si Nikay ng sandwich. “YOU WANT?I.. I made this.”“S-salamat.” Alanganing sagot niya rin.

=.= ganto kame, as in. sobrang awkward. Ayoko man din ng away pero alam kong isa siyang dakilang karibal ko. I couldn’t let her , kase… kase… Ray is the perfect guy for me. And siya lang gusto ko. Siya lang.

-----Nikay’s side

ANO ba ang problema nitong si Mahree? NapakaEPAL eh. Twing makakascore si Ray ay parang talo niya pa ang pito sa kaingayan niya, Leshe naman eh. Baket ba kase nabuhay pa ang isang Mahree sa mundong Ibabaw? Pwede namang sa China siya tumira ah, total dun naman siya galing. Pero ang malas nga naman talaga dahil sa Pilipinas siya napadpad. UGH. Nakakaloka talaga tong si Mahree, etchosera talaga kahet kalian eh.

Natigilan ako sa pinag-iisip ko. First of all, ang kapal ng mukha ko. Libakin ba naman siya sa isipan ko eh siya itong tunay na nagmamay-ari kay Ray?

“Hey Nikay, bkit nakasimangot ka? Tingnan mo nga oh, nakascore si Ray, di ka ba magchecheer for him ha?” Ngiti niya sa aken, napakaganda niya talaga ngumiti para tuloy akong katulong sa tabi niya.

“UHEM. A-aalis na lang ako, t-tapos na ang recess time,”

She shrugged, at itinuon nlng ang atensyon kay Ray ulet.

Nag-wave bye ako kay Ray kahit di siya nakatingin saken. Wala sa mood na dumiretcho ako sa Water Fountain. Ang totoo niyan eh, kanina pa tapos ang recess time at kanina pa kami walang klase dahil nagkaroon ng meeting ang mga Teachers.

“Kainis naman eh,” bulong ko.

“Baket ka naiinis?”

Muntik na akong matapilok ng marinig ko ang malamig na boses na yun.

“I thought you’re going to cheer for me kanina, then nawala ka nalang bigla,” Ginulo ni Ray ang buhok ko.

“Ano ba, ang b-buhok ko,” nabubulol na nasabi ko. Ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. Mahahigh blood yata ako ng wala sa oras neto dahil sa kanya!

Page 60: Walking Disaster Girl

Nginitian niya ako.

Ha?

Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin, dumirecho siya sa pwesto ni Mahree.

Nasa mood siguro siya dahil kay Mahree. HMP!

Wala na talaga akong pag-asa neto. Paano ba naman kase, kanina nang abutan ko siya ng mineral water ay todo simangot siya ng Makita niya si Mahree talo niya pa si McDonald sa pagkakangiti niya. Nakakabadtrip talaga. Pag ako nainis, Hahalikan ko talaga siya!

Namula ako sa mga pinag-iisip ko. Virgin pa itong lips ko ah! Joke lang yun.

Napakamot nlng tuloy ako sa ulo ko. Baket ko kinamot ulo ko? OHMYGASH, m-may kuto ba ako? No way!

Nagmamadaling tinungo ko ang Canteen, bibili na ako ng Anti-kuto shampoo. Keri?-----

Ray’s side

I furrowed when I looked at my reflection in the mirror. Kanina pa yata ako nakangiti? :3At kanina ko pa hawak-hawak ang mineral bottle na bigay sa aken ni Nikay. Nagtatakang napatingin ako sa sarili kong reflection sa salamin, Kanina rin ay parang inspired na inspired ako sa paglalaro ko ng Tennis.

Dahil ba kay Mahree?

Pero parang kaibigan lang kase talaga ang turing ko sa kanya. Tsaka nga teka! Baket di pa dumadating si Nikay? kanina ko pa siya hinihintay dito sa bahay, nakalimutan niya bang may assignment siyang dapat sagutin?

Tatawagan ko sana si Nikay ng magring ang CP ko at nakitang Tumatawag si Mahree.

“Yes?” sagot ko.

“Can we meet?”

“Now?”

“Yes,”

“Okay, where?”

Page 61: Walking Disaster Girl

“Sa school clinic,”

“Why?” may sakit kaya si Mahree?

“Someone locked me here h-help,” umiiyak na ang tinig nito.

“I will, I will, just wait for me,” at sino naman ang maaring maglocked kay Mahree doon? Its already 8:30 in the evening!

------Nikay’s side

8:30 pm na. O.O

Nanlaki ang mga mata ko ng Makita kung anong oras na! OHMYGASSS! Kanina pa dapat ako nakapunta sa bahay ni Ray! 6:00 ang usapan. Tschooooooooooo. :3 Di ko namalayan ang bilis pala ng oras, Ang ganda naman kase ng pinapanood kong movie na A very Special love. KILIG KAYA!

Nagmamadaling inayos ko ang buhok ko at bumaba na para tumungo sa bahay nina Ray. Nagulat ako ng makitang umalis ang kotse ni Ray palabas ng bahay nila. ANYAREEEEEEEEE?

Saan naman kaya siya maaring pumunta sa oras na ito????

-----ENTRY TEN

Mahree’s side

Umiiyak na niyakap ko ang sarili ko. Alam ko kung sino ang maypakana nito sa akin. I know them, Nagkukunwari silang friends ko but the truth is, they are really not. Masakit kasi ang ulo ko kanina kaya I went here in Clinic but then when I woke up, Nakalock na yung pinto at wala na akong malabasan.

Narinig kong nagRing ang CP ko. Unknown number is calling…

I knew who is he. I did it on porpuse not to save his number though I deleted his number many times at my contacts but still, I know it’s his number. Does it make sense? Memorize ko number niya. Its been 3 years pero di pa rin siya nagchechange ng number. Ilan beses na ba akong nagchange ng number para di niya ako matawagan? Kailan niya ba ako titigilan ha?

Edward really make it hard for him.

Im not going to answer it.

I’m not going to answer it. I SWEAR!

I’m not going to answer it. I’m not going to answer it.

Page 62: Walking Disaster Girl

I’m not going to answer it.

I’m not going to answer it.

“Mahree!”

“Mahree! Answer me!”

Nanginginig na napahawak ako sa tuhod ko. Boses iyon ni Edward. I’m not going to answer it.

I want Ray to save me from this ..

“Mahree! Please answer us!” boses iyon ni Ray!

“R-ray! I’m here!”

Napasigaw ako ng makitang nasira ang pintuan dahil buong lakas na sinipa iyon ni Ray at Edward.

Nanginginig na napayakap ako kay Ray. “T-thank you R-ray,”

“Mahree.. stop crying now, youre okay now,” pag-aalo niya sa akin.“I know who made this to you M-mahree, They are your “FRIENDS”,” sabi ni Edward.

“Stop acting like you care! Stop it Edward!” lalong napalakas ang hagulhol ko. He doesn’t have the right to care at all. He doesn’t worth it.

Walang emosyon na tinalikuran niya ako.

Yan. Tama yan Edward, tama yang ginagawa mo. You should leave me with Ray.

----Edward’s side

She’s really angry. I don’t know what I had done to her.

Wala sa mood na nahiga ako at napatitig sa picture frame na ang laman ay picture naming dalawa 3 years ago..

We looked happy together.

I remember how we used to laugh at each other. How she smile sweetly at me. I guess, I have to accept that she already like this guy “Ray”.

Napaisip tuloy ako kung ano bang ginawa kong masama sa kanya at nagkakaganyan siya. Di ko napigilang di siya tawagan pero di niya sinasagot.

Page 63: Walking Disaster Girl

If I could bring the past..

------

Nikay’s side

“Hi tita!” bati ko sa mommy ni Ray.

“O, bket prang Masaya ka ngayon?”

Makikita ko nanaman kase si Ray, ^^ kaya ganon.“Palage naman po akong Masaya eh, tsaka nga po pla, saan po pumunta si Ray?”

“I don’t know. He’s in a hurry, baka may nakalimutan sa school, kaya ganon.”“AHH,”“By the way, nakakain ka na ba?”“O-oho,” naupo ako at napatingin sa mga picture frame.

Palagi pla talgang seryoso ang gwapo niyang mukha. Pero kanina talaga sa school, kakaiba yung ngiti niya. Para bang ang saya-saya niya tignan. Siguro dahil yun kay Mahree.

Sana ako na lang si Mahree. Para boylet ko na si Ray

Muntikan ng malaglag ang mga eyeballs ko ng Makita kong dumating na si RAY—buhat buhat si Mahree.

Nagkatinginan kami ni Ninang at napatingin siya ng masama ke Mahree.“Who is she?”“S-si Mahree po ninang,”“I mean, kaklase ba siya ni Ray?”Malungkot na napabuntong-hininga ako, “Hindi po. G-girlfriend po siya ni Ray,” parang naiiyak na sabi ko p____q

“Talaga?”

ANG SWEET nilang dalawa. Kahit na mukhang miserable si Mahree ngayon ay inggit na inggit talaga ako sa kanya.

“T-tita, A-aalis na ako.”“Wait Nikay, Don’t” matigas na sabi ni ninang.“B-baket po?”Natigilan siya ng makita ang naiiyak kong mata.“S-sige na nga. Umuwi ka na, nagjojoke lang si Ninang^^”

Bagsak ang mga balikat na para bang makukuba na umalis ako.

NAKAKAASAR!Napasigaw ako ng madulas ako pagkalabas na pagkalabas ko ng pintuan.

Page 64: Walking Disaster Girl

“Kainis naman eh, &#$%#$%^$^*$##@@$^&*^$$#!”Napatawa nlang si ninang sa akin. “Ingat Nikay,”“O-opo,” nahihiyang lumabas na ako ng gate.-------Ray’s side

“Ray! Why you didn’t tell us that you already have a girlfriend?”Muntikan na akong mabulunan sa kinakain ko. “Mom naman. Ang aga-aga ay nagsesermon ka. And wait, wait. Girlfriend?”“Yes. Nikay told me that she’s your girlfriend,”“HA? Who is my girlfriend? You mean Ni-------““No, anak, that Mahree.”“She’s not, Mom.”“Don’t lie,”Nagulat naman ako ng sinubo sa akin ni Mommy ng buo ang saging. “MOM!” Nasigaw ko sa inis ko.“Why did you do that? Don’t you kn---““Ok, forgive me son. I just don’t like her for you,” parang nagtatampo na sabi ni Mommy.“Mom naman, don’t say like that. Di mo kilala yung tao,”“HA! At ipinagtatanggol mo pa siya ngayon?”“Mom, what I meant is that…” napakasensitive talaga ni Mommy.

“Hon, whats the problem at kaaga-aga ay nagsesermon ka kay Ray?,”“Asked him!” sinuot ni Mon ang apron niya at tinungo ang lababo.

Naupo si Daddy sa tabi ko at agad na binuklat ang newspaper. “What is it all about, my son?”

“Nothing Dad,” I refused to answer. Napipikon lang ako.

“Nagagawa na niyang maglihim sa atin,” sabad ni Mommy.

OH PLEASE MOM. DON’T BE A MOMSTER.-------Nikay’s side

“Ray!” nilapitan ko siya at inabutan ng mineral water.Nakasimangot na tinabig niya ang bottle, “What did you say to my Mother ha?”“ANO?”“ANONG SINABI MO KAY MOMMY!” inis na tumayo siya.

“Marami. Tulad ng favorite ko ang color red at---““Be specific. I meant, Mahree is not my girlfriend,”

At iniwan niya ako sa bench at naglaro na ulit ng tennis.

ANORAW?Napakamot naman ako sa ulo ko. Ano raw? Specific-specific pa siyang nalalaman! Tse! Parang naintindihan ko naman kung makaenglish siya riyan. =_________=

Page 65: Walking Disaster Girl

“Go Ray!” cheer ko sa kanya. Mukhang galit siya sa akin , ah? Ano nanaman ba ang nagawa ko?

Lalapitan ko sana siya pero anak ng destiny nga naman talaga at saktong nakaapak ako ng saging kaya yun nadulas ako :”/

“Nikay!” Napatigil siya sa paglalaro niya at nilapitan ako.“M-masakit ba ang --?”Tumango-tango ako. Napalaki nmn ang mga mata ko ng bigla nalang niya akong binuhat! Oyyy. Marameng nakasaksi nito! Mainggit pa please. LOL.

“R-ray naman,” nahihiya na talaga ako at feeling ko mas mapula pa ako sa kamatis!

“Nasaktan ka. Ano ba ang gusto mo ha? Sumakit pa lalo yang pang-upo mo?”Lalo nmn akong namula. Pati ba naman pang-upo ko, kinukonsulta. Pero totoo naman kase talaga e. nasaktan kase talaga yung pang-upo ko. T.T

“S-salamat sa tulong mo,” Nahihiyang sagot ko at nagbaba ng tingin. At baket kailangan niyang umakto na para bang nagkecare talaga siya sa aken?

Wag mo na sana akong paasahin pa, kase asang-asa na ako, bulong ko.

“WHAT?”“W-wala,”

“Nurse, is she okay?” tanong ni Ray sa school nurse ng university nila.“Okay naman siya.” Sagot ng nurse habang sinusulat yung pangalan ko sa record niya.Nginitian niya ako. “Ang swerte mo naman sa boyfriend mo miss. He really cared. Dahil kung hindi ka mahal niyan sus kanina pa yan nahiya at di ka na binuhat pa,”

Nahiya naman tuloy ako ng bonggang-bongga. “H-hindi po..”“Naku wag na nga kayong mahiya pang dalawa. Palage ko kayang nakikita na nililigtas ka niya mula sa mga kung ano bang etchos yan. “

Tahimik naman si Ray. Mukhang di niya narinig ang sinabi ng nurse at mukhang may iniisip.Iniwan naman kami ng nurse at sa halip na nahiga ako ay pinili ko na lang na maupo. Natabi si Ray sa aken.“Sa susunod, mag-iingat ka na. Alam mo naming ayokong nakikita kang nasasaktan,” Seryoso siya at nakatingin sa ibaba.

JOKE BA TO? Bumilis ang tibok ng puso ko. Kahet na tatanga tanga ako at bobo ay may alam naman ako at di ako manhid. At alam kong mahal ko siya pero di ko lang maamin. Paano ba naman girlfriend niya na nga si Marhee diba? Kaya dina ako aasa pa.

“Tsaka di ko siya girlfriend,” sabi niya at tumayo na.------

Ray’s side

Page 66: Walking Disaster Girl

I sighed when I left Nikay in the clinic. Di kase ako mapalagay at di ko ren maipaliwanag yung nafeel ko kanina ng Makita ko siyang nadulas ng pagkalakas-lakas. Mas grabe yung nangyare kay Marhee pero talgang mas nag alala ako kay Nikay.

Bumalik ako mula sa pagpapractice at nakita ko na nadon si Mahree. Medyo namamaga prin yung mata niya siguro dahil sa nangyare sa kanya kagabe. Pero namanage niya pa reng ngitian ako. “Hi Ray!”

I smiled back. “H-hi Mahree,”Nag-iwas siya ng tingin at parang nawala yung ngiti niya at nginitian akong muli. “Is Nikay okay?”“Yes,”Inabutan niya ako ng mineral water. T-teka nasaan na ba yung binigay sa akin kanina ni Nikay?“Wag na Mahree. But thanks.”“T-talaga? Ito ba ang hinahanap mo?” yung isa niyang kamay ay may hawak na mineral bottle rin na iba nga lang ang name.SHOOT. Yun nga.“Oo.”Nagulat naman ako ng tinapon niya iyon sa damuhan. “M-madumi n-na iyon. Nakita ko yun dyan kani—““Bakit mo ginawa yun Mahree? Anong problema mo?” nagulat naman talaga ako sa ginawa niya.“C-cant you see? M-madume na nga yon. Pinulot ko lang, “ pinilit niyang iabot sa aken yung hawak niyang tubig.“I don’t want,” nawala na talaga ako sa mood. EWAN ko ba pero mineral bottle lang yun pero…Tumalikod ako. Di ko talaga matiis at bumalik ako sa clinic. Maayos ba talaga siya run?Nakapikit siya habang nakauop roon, natabi ako at ginalaw-galaw yung mga balikat niya.“Are you alright?”Umungol pa siya at nagnod. OK. She’s okay.“I know masaket pa ren.”

Nagdilat siya ng mata at napangiwi siya. “Medyo,”Nakakainis naman yung taong yun na nagtapon ng balat ng saging at di man lang marunong magtapong maayos sa basurahan. Nadisgrasya pa tuloy si Nikay.

TEKA. BAKET KAKAIBA AKO NGAYON? I am acting odd na dati naman ay hindi._____

Nikay’s side

Di ako makatulog. Jusko. Di kase ako makamove on sa nangyare kanina at binuhat ako ni Ray <3

Alam mo naming ayokong nakikita kang nasasaktan.Alam mo naming ayokong nakikita kang nasasaktan.

AHAY. Kanina pa pabalik-balik sa isipan at sa puso ko, chos! Yung mga sinabi ni Ray. Sana nga diba nag-aalala talaga siya saken?

Alam mo naming ayokong nakikita kang nasasaktan.

Page 67: Walking Disaster Girl

Mababaliw na yata ang lola mo. As in, ngayon din! Tsaka ang sarap magcelebrate ng sinabi niyang di niya pala syota yung si Mahree. Hehehe. Edi ibig sabihin pala niyan ay may pag-asa na ang lola niyo? Tss.Tinamaan nga ako. <3

------ENTRY ELEVEN -EHEM. ANG PUSO! ANG PUSO!

Nikay’s side

Nagulat namn ako at tipong aatakihin sa puso nang Makita ko si Ray sa labas ng bahay namin.“R-ray?”

Di siya ngumiti at sinabayan na ako sa paglalakad. Weird yata siya ngayon? Chos! English yan. Tandaan niyo English yan ha.

“S-saan ka p-pupunta??”

Sa puso mo. Chos! Lumalandi na ako ha? Kung anu-anong ini-imagine ko.

“Sa school. San pa ba?”“A-akala ko s-sa..” sa puso ko.“Akala mo san?!?”“A-akala ko kila Mahree,”“Di ko nga alam bahay nun eh. Tsaka bket naman ako pupunta run?”wala siyang kangiti-ngiti.“H-hindi mo ba gagamitin ang kotse mo?”“Nah. I don’t want. Magkocommute na lang ako ngayon.”“Baket naman?”“HMM.”“B-baket?”

Tumungo siya at di umimik. Weird talaga siya ngayon. O ha? Favorite word ko yang weird. Palage kase siyang nagkokotse at di nga yata marunong magcommute ang isang to. Palage kaseng hated sundo ang isang to at ako naman ay naglalakad lang papuntang school. Ilang kanto lang naman at sa school nanamin eh.

Siniko ko siya. “Magkocommute ka ngayon?!?”“OO.”“Ha? Maglakad nalang kaya tayo para mas tipid?”“Sige.”Ang tipid talaga sumagot eh no?

Pero sa isiping magsasabay kami ngayon maglalakad na parang mga lovers ay siyang nagpapabilis ng tibok sa puso ko. Hayynako.