Aralin 18: Mga Pilipinong nag-Paunlad ng Kultura: Pahalagahan at ipagmalakiKim Elionae Cruz, Keitlyn Garcia
Makabayan Group Report
Via-PowerPoint Presentation
Campaña, Alecsandra Ysabel M.Aballe, Kiana R.
Caya, Acel S.Altamirano, Sophia M.
Amalin, Kelvin V.Quinquito, Vianca
Dela Cruz, Marie Alynna P.
Kasaysayan ng Kultura ng Pilipinas
Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon.
Kaugaliang Pilipino
Bayanihan Matinding Pagkakabuklod-buklod ng Mag-
anak Pakikisama Hiya Utang na loob Amor propio (Pagpapahalaga sa sarili) Delicadeza (Tamang pag-uugali) Palabra de Honor (May isang salita)
Mga Pagdiriwang
Enero 1 - Bagong taon Pebrero 25 - Himagsikang EDSA Abril 9 - Araw ng Kagitingan Mayo 1 - Araw ng Manggagawa Hunyo 12 - Araw ng Kalayaan Agosto 28 - Araw ng mga Bayani Nobyembre 30 - Araw ni Bonifacio Disyembre 30 - Araw ni Rizal Disyembre 25 - Pasko
Mga Taong nagpalaganap ng Kulturang Pilipino
Pag-unlad ng Panitikang PilipinoDr. Jose P. Rizal Francisco BalagtasJose Garcia Villa NVM GonzalesNick Joaquin Lope K. SantosJose Villa Panganiban Alejandro AbadillaCarlos P. Romulo Amado V. Hernandez
Ang pinakabantog na manunulat noong panahon ng Espanyol ay si Dr. Jose Rizal. Ang isinulat niyang Noli Me Tangere at El Filibusterismo ay nakapagdulot ng inspirasyon sa mga Pilipino.
Isinulat naman ni Francisco Balagtas ang Florante at Laura, isang metrical romance na nagbigay sa kanya ng taguring “Prinsipe ng mga Makata ng Pilipinas.”
Pagkatapos ng panahon ng mga amerikano naging bantog sa larangan ng panitikan sina Jose Garcia Villa, NVM Gozales at Nick Joaquin.
Ang mga manunulat namang namayani sa lokal na larangan ay sina Lope K. Santos, Jose Villa Panganiban, Amado V. Hernandez at Alejandro Abadilla.
Si Carlos P. Romulo ay isa sa ating mahuhusay na manunulat, sa kanyang pagtatalumpati madalas niyang ilarawan ang sarili bilang “Maliit na lalaki sa maliit na bansa.” Siya ang una at tanging Pilipinong nagkamit ng American Pulitzer Prize In Journalism noong 1941. Ilan sa mga naisulat niya ang I See the Rise of the Philippines, The Magsaysay Story at Evasions and Response.
Maaalala si Lope K. Santos sa pagiging Makata, guro, mamamahayag, nobelista, lider ng mga Manggagawa at mananalumpati. Siya ay tinaguriang “Ama ng Balarila.”
Hindi rin dapat kalimutang bigyan ng Pagpapahalaga si Amado V. Hernandez. “Makata ng Manggagawa” ang taguri sa kanya.
Pag-unlad sa larangan ng PintaJuan Luna Fernando AmorsoloBotong Francisco Victorio EdadesJose T. Joya Arturo Rogelio Luz
Ang pintang Pilipino ay lubhang naimpluwensyahan ng mga Eurpeo, lalo na nang mga Espanyol.
Ang mga institusyong pang-edukasyon tulad ng Pamantasan ng Pilipinas at Pamantasan ng Santo Tomas ay malaki ang nagawa sa pagkakaloob ng pormal na edukasyon sa larangan ngpagpipinta.
Marami tayong bantog na Pilipinong pintor na kinabibilangan nina Fernando Amorsolo, Carlos Botong Francisco, Victorio Edades, Jose T. Joya at Arturo Rogelio Luz.
Ngunit alam ninyo ba na ang isang dakilang pintor na hindi napahalagahan sa kanyang kapanahunan ay si Juan Luna. Nabibilang Siya sa mayamang pamilya, noong 1877, nagtungo siya sa Madid upang mag-aral at pagkatapos ng mahabang panahon ng pagsisikap at pag-aaral, nakilala siya bilang pintor sa Madrid.
Ang Spolirium na kanyang lahok ay nanalo nhg gintong medalya, maging sa Paris ay hinangaan din ang kanyang obra.Ngunit nang siya ay magbalik sa Pilipinas, sa halip na pagkilala ang isalubong sa kanya pinaratangan pa siyang kasabwat ng mga Katipunero.
Pag-unlad sa larangan ng PaglilokGuilermo Tolentino
Eduardo Castrillo
Kilalang-kilala ang monumento ni Andres Bonifacio sa lunsod ng Caloocan. Ang klasikong likhang sining na ito ay hinubog ng mga kamay ni Guillermo Tolentino.
Siya rin ang may likha ng “Oblation” sa Pamantasan ng Pilipinas na kung saan si Fernando Poe Sr. ang siyang naging madelo. Naigawa rin niya ng busto ang mga naging pangulo tulad nina Manuel L. Quezon, Sergio Osmeña, Jose P. Laurel, Manuel Roxas at Ramon Magsaysay. Isa sa mga makabagong manlililok si Eduardo Castrillo. Ang mga gawain niya ay makikita sa isang makabagong libingan.
Pag-unlad sa larangan ng MusikaNicanor Abelardo Jose MacedaLucrecia Kasilag Joey AyalaFreddie Aguilar Celeste LegaspiLea Salonga Kuh LedesmaZsa-Zsa Padilla Gilopez Kabayao
Dahil sa kapangyarihan ng kalinangang kanluranin, ang ating musika ay nagdaan sa maraming pagbabago. Ang ilan sa mga gumagamit ng katutubong instrumentong pangmusika ay sina Jose Maceda, Lucreacia Kasilag at Joey Ayala.
Ang ilan sa mga mang-aawit sa kasalukuyan na nagbibigay ningning sa ating mga awiting kanluranin man o katutubo ay sina Freddie Aguilar, Celeste Legaspi, Lea Salonga, Kuh Ledesma at Zsa-Zsa Padilla.
Ngunit hindi malilimutan ng mga Pilipino ang nalikhang awit ni Nicanor Abelardo na tinaguriang “Ama ng Sonatang Filipino.” Siya ay nagtapos sa Konserbatoryo ng Musika sa Pamantasan ng Pilipinas.
Isa siyang mahusay na kompositor, mang-aawit at manunugtog ng biyulin at piyano. Nilikha niya ang awiting “Bituing Marikit”, “Ang Aking Bayan” at “Mutya ng Pasig.” Siya rin ang kauna-unahang Pilipino na lumikha ng isang konsyertong pampiyano na maiha-hambing na sa mga kilalang kompositor sa buong daigdig.
Ang programang Aawitan Kita ay walang katulad sa pagsariwa ng kagandahan ng ating mga awitin, lalo na ang mga kundiman.
Ang Pilipinong manunugtog na maipagkakapuri natin ay si Gilopez Kabayao, nag tanghal siya sa Carnegie Hall sa Estados Unidos, lubos siyang hinangaan at pinalakpakan. Kinilala siyang virtuoso sa kahusayan niya sa pagtugtog ng biyulin.Iginawad sa kanya ang Ramon Magsaysay for Community Service.
Pag-unlad sa larangan ng mga sayaw na Katutubo
Bayanihan Dancers Felipinescas
Gng. Francesca Reyes Aquino
Ang ating mga katutubong mga sayaw ay tunay na nagpapakita ng ating kultura sa paraang tunay na maganda, makulay, kaakit-akit at silanganin.
Ang ating pangunahing sugo ng mga sayaw na katutubong Pilipino ay ang Bayanihan, Nariyan din ang
Felipinescas.
Sila ay nakapaglakbay na sa buong Mundo at nakapagpahanga ang mga ginawa nilang pagtatanghal.
Marubdob ang damdaming makabansa ni Gng. Francesca Reyes-Aquino. Nais niyang makita na ang mga katutubong sayaw ay sinasayaw ang mga Pilipino.
Nais niyang marinig ang mga awiting bayan na inaawit ng ating mga kababayan. Dahil dito nag ukol siya ng mahabang panahon sa pananaliksik, pagmamasid at pangongolekta ng mga katutubong sayaw at awiting bayan . Tinipon niya lahat ito bilang pamana sa mga Pilipino.
Pag-unlad sa larangan ng DulaSeverino Reyes Hermogenes Ilagan Nick Joaquin Wilfredo Ma. GuereroAurelio Tolentino
Ang mga kilala namang mandudula ay sina Severino Reyes, Hermogenes Ilagan, Nick Joaquin at Wilfredo Ma. Guerero. Tinaguriang Ama ng Dulang Tagalog si Severino Reyes na kilala rin sa tawag na Lola Basyang. Marahil ngayon niyo pa lamang narinig ito. Ang mga Kwento ni Lola Basyang ay kilalang kilala ng inyong mga lolo, lola, nanay at tatay. Subukin ninyong magpakwento sa kanila tungkol dito.
Si Aurelio Tolentino ay isa ring manunulat na nagpalagap at nagpaunlad ng dulang Pilipino. Diwang makabayan ang paksa ng kanyang mga katha.
Mga Pinagsaliksikan
Wikipedia-Para sa makabagong Filipino
Makabayan Lahi
Maraming Salamat sa pakikinig Ninyo Sa aming Pag-uulat Ng Aralin 18!
- Alecs Alynna Kiana Vianca Sophia Acel Kelvin