34
Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog Unit 2 1 1 Music, Art, Physical Education Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

1 music lm u2

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 1 music lm u2

Kagamitan ng Mag-aaral

TagalogUnit 2

Kagawaran ng EdukasyonRepublika ng Pilipinas

Music, Art, Physical Education, and Health- Unang Baitang

1

1Music, Art, Physical

Education and Health

Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected].

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Page 2: 1 music lm u2

Kagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon, 2013ISBN: ____________

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon. Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. QuijanoKawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz

 

Inilimbag sa Pilipinas ng _______________________________

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor Dorm G, Philsports Complex, Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (02) 634-1054 o 634-1072E-mail Address: [email protected]

2

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral

MUSICConsultant at Editor: Mauricia D. Borromeo Manunulat: Cielito Margo MirandillaART Consultant at Editor: Alice Pañares, MA Manunulat: Anna Victoria C. San DiegoMga Tagasuri: Ma. Blesseda A. Cahapay (Music), MInda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas (Music at Art)Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra,

Ma. Rita T. Belen, Grace U. SalvatusMga Gumuhit ng Larawan: Deo R. Moreno (Music) at Zeena P. Garcia (Art)Mga Naglayout: John Rey T. Roco, Allan R. Thomas, Maria Leonor M. Barraquias, Ma. Theresa M. CastroPHYSICAL EDUCATION Consultant: Larry A. Gabao, PhD. Manunulat: Salve A. Favila, PhD.HEALTH Consultant: Evelina M. Vicencio, PhD. Mga Manunulat: Josefina Q. Era, Teodora D. Conde, Flormay O. Manalo, Rhodora Ll. Formento,

Mark Kenneth S. Camiling, at Lualhati F. CalloMga Editor: Mila Arias, Bernadette Y. Santos, Cynthia L. Diaz, Josefina A Tuazon, at Evelina M. VicencioMga Tagasuri: Nerisa Beltran (Health), Jenny J. Bendal (PE), Minda Blanca Limbo, Lourdes Z. HinampasMga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra,

Ma. Rita T. Belen, Grace U. SalvatusMga Gumuhit ng Larawan: Deo R. Moreno, Amphy B. Ampong (PE), Jayson R. Gaduena, Erich D. Garcia,

Jayson Villena, at Mercedita S. Garcia (Health)Mga Naglayout: Anthony Gil Q. Versoza (Health), Allan R. Thomas, Maria Leonor M. Barraquias (PE),

Ma. Theresa M. CastroEncoder: Earl John V. Lee

Page 3: 1 music lm u2

TALAAN NG MGA NILALAMAN

MUSIKAYUNIT 2:Modyul 5

…………………………....................................... 23Gawain 1: Tayo Nang Maghanap! ……...........

… 25Gawain 2: Paggawa ng Mahaba at Maikling

Tunog .…………………………………………… 26

Gawain 3 ..……………………………………………. 27Modyul 6 …………..………………….………………….

…. 29Gawain 1: Damhin ang Kumpas ……………….

… 31Gawain 2: Pagguhit ng Kumpas ..……….

……..... 31Gawain 3: Mga Kumpas na Walang Tunog

….... 32Gawain 4: Hamon sa Kumpas na Walang

Tunog ……………………………………………. 33

Modyul 7 ………………………………………………...…… 34Gawain 1: Patalbugin ang Bola ..…….

………….. 37Gawain 2: Pagbilang ng Sukat …..…………....

… 39Gawain 3: Pagguhit ng Bar Lines …………..

……. 40Gawain 4: Hulaan ang Sukat

………………....... 41Modyul 8 …………………………………………..

…………. 44Unang Araw …..………………………..………….. 45

3

Page 4: 1 music lm u2

…Ikalawang Araw ………………………..

….............. 47Pagtataya 1 .……………………………….

……….... 48Pagtataya sa Sarili para sa Ikalawang

Kuwarter 49

4

Page 5: 1 music lm u2

Musika 1 - Modyul 5

YUNIT 2

I. Nilalayong Antas: Baitang 1II. Pamagat ng Modyul: Ikalimang Modyul

saPagkatuto

III. Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggo na tig-4 minuto

IV. Kabuuan ng Modyul

Ipinakikilala sa modyul na ito ang elemento ng ritmo o rhythm. Layunin nitong makapagpakita ang mga mag-aaral ng pangunahing pag-unawa sa tunog, katahimikan at ritmo sa pamamagitan ng pagganap, paglikha, pakikinig, pagmamasid, at pagtugon sa mga gawain.

V. Batayan ng Pagkatuto/ Layunin

Ang mag-aaral ay inaasahang:

naiuugnay ang mga larawan sa tunog at katahimikan sa loob ng hulwarang panritmo.

5

Page 6: 1 music lm u2

nakapapalakpak, nakatatapik, nakaaawit at nakapagpapatugtog ng mga instrumentong pangmusika bilang tugon sa tunog na may tamang ritmo.

nakalilikha ng madaling hulwarang ostinato nang dalawahan, tatluhan at apatang pangkat sa pamamagitan ng paggalaw ng katawan.

nakapaglalaro ng mga kagamitang pansilid upang makalikha ng mga simpleng himig na paulit-ulit o hulwarang ostinato.

VI. Nilalaman/ Paksa: RITMO o RHYTHM – pagsasama ng tunog at katahimikan na nasa tiyempo.

VII. Mga Mapagkukunan a. “Tulog Na” - Oyayi ni Cielito Margo E.

Mirandillab. “ Duyan” (See-Saw) - Tugmac. “Tren” ( Engine, Engine No. 9) - Tugma

VIII. Mga Gawain

Nakapagduyan ka na ba? Paano ito gumagalaw? Gayahin. Awitin ang “Duyan”.

“Duyan” (See-Saw)(Isinalin sa Filipino ni: Ms. Dulce de Vera)

6

Page 7: 1 music lm u2

Duyan, umimbay pataas at pababa (2x)

May mahaba at maikling tunog ng musika. Muli nating awitin ang Duyan. Pakinggan kung aling bahagi ng awit ang may mahaba at maikling tunog.

Panuto: Kopyahin ang awit sa sagutang papel. Hanapin ang salitang may mahaba at maikling tunog sa awiting “Duyan”. Bilugan ang salitang inawit nang mahaba. Ikahon ang salitang inawit nang maikli.

Sundan ang halimbawa:

See - saw up and down,

In the sky and on the ground.

Du- yan u- mim- bay

Pa -ta -as at pa - ba -ba.

7

Gawain 1: Tayo Nang Maghanap!

Page 8: 1 music lm u2

Panuto: Makikita sa kahon ang mahaba at maikling guhit. Ito ang naglalarawan sa mahaba at maikling tunog ng unang linya ng awit na “Tulog Na.” Lagyan ng mahaba at maikling guhit ang pangalawang linya ng awit upang maipakita ang mahaba at maikling tunog sa sagutang papel.

Pumalakpak nang mahaba at maikling tunog habang inaawit ang Tulog Na.

Ipalit ang salitang mahaba at maikli sa mga titik na awit na “Tulog Na”. Pumalakpak habang umaawit.

8

Gawain 2: Paggawa ng Mahaba at Maikling Tunog

Page 9: 1 music lm u2

Tren

Linya 1:

Linya 2:

Linya 3:

Linya 4:

IX. Pagtatasa

Ipakita kung gaano ka kahusay umawit habang pumapalakpak nang mahaba at maikling tunog. Iguhit sa iyong papel ang at kulayan ito ng DILAW kung NAPAKAHUSAY, PULA kung MAHUSAY at BERDE kung HUMUHUSAY sa pag-awit.

1. Naaawit nang wasto ang himig. 2. Nakapapalakpak at naaawit nang tama

ang mahaba at maikling tunog.

9

Gawain 3

Page 10: 1 music lm u2

3. Nakikilala ang mahaba at maikling tunog sa awit na walang tulong ng guro.

X. Pagbubuo

Anong mga tunog ang ating natutuhan ngayon?

Ano kaya ang magiging tunog ng awitin kung maikling tunog lamang ang gagamitin?

Ano naman ang magiging tunog kung ang mahabang tunog lamang ang gagamitin?

Buuin ang pangungusap:Mahalaga ang pagsasama ng mahaba at maikling tunog sa isang awit dahil ________.

10

Page 11: 1 music lm u2

Musika 1 – Modyul 6

I. Nilalayong Antas: Baitang 1II. Pamagat ng Modyul: Ikaanim na Modyul

saPagkatuto

III. Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggona tig-40 minuto

IV. Kabuuan ng Modyul:

Ipinakikilala sa modyul na ito ang elemento ng ritmo o element of rhythm. Layunin nitong makapagpakita ang mga mag-aaral ng pangunahing pag-unawa sa tunog, katahimikan, at ritmo sa pamamagitan ng pagganap, paglikha, pakikinig, pagmamasid at pagtugon sa mga gawain.

V. Batayan ng pagkatuto/ Layunin

Ang Mag-aaral ay inaasahang: naiuugnay ang mga larawan sa tunog at

katahimikan sa loob ng hulwarang panritmo

nakapapalakpak, nakatatapik, nakaaawit, at nakapagpapatugtog ng mga

11

Page 12: 1 music lm u2

instrumentong pangmusika bilang tugon sa tunog na may tamang ritmo

nakapaglalaro ng mga madaling hulwarang ostinato sa mga kagamitang pansilid-aralan o anumang bagay na magpagkukunan ng tunog

VI. Nilalaman/ Paksa: RITMO O RHYTHM – pagsasama ng tunog at katahimikan na nasa tiyempo.

VII. Mga Mapagkukunan

a. “Pan de Sal” Salin ni D. De Verab. “Tren” Tugmac. “Chimpoy Champoy” Katutubong Larong

Pangmusika ng Maynila ni Miriam B. Factora

d. “Tulog Na” Oyayi ni Cielito Margo E. Mirandilla

VIII. Mga Gawain

Ang musika ay pagsasama-sama ng tunog at katahimikan. Tapikin ang mesa o ang iyong kandungan kasabay ng guro habang inaawit ang “Tulog Na.”

12

Page 13: 1 music lm u2

Panuto: Ang sumusunod ay kumpas ng awiting “Tulog Na”. Mula sa kaliwa, sabayan ng tapik ang bawat kumpas ng awit na “Tulog Na.”

I I I II I I I

Ang kumpas ng isang awit o piyesa ng musika ay tinatawag ding pulso o pulse. Hihinto ang kumpas ng awit kapag tapos na ito.

Panuto: Gayahin ang halimbawa sa Gawain 1. Isulat ang kumpas ng tugmang “Tren”. Awitin ito habang gumuguhit ng kumpas sa iyong sagutang papel.

13

Gawain 1: Damhin ang Kumpas

Gawain 2: Pagguhit ng Kumpas

Page 14: 1 music lm u2

Ilang kumpas mayroon ang awitin? _______

Panuto: Makikita sa ibaba ang kumpas ng awit na “Chimpoy, Champoy.” Lagyan ng ekis (x) sa papel ang mga kumpas na para sa iyo ay WALANG TUNOG.

Linya 1 I I I I I I I

Linya 2 I I I I I I I

Sa musika, pahinga o rest ang tawag sa kumpas na WALANG TUNOG. Ibig sabihin, walang tunog o may KATAHIMIKAN sa kumpas na ito. Ginagamit ang simbolong .

Sino ang mahilig kumain ng pan de sal?

Kantahin natin ang awit na “Pan de Sal”. Pan de Sal

(translation of Hot Cross Buns)Salin ni: D. de Vera

Pan de SalPan de Sal

“Tig singkwenta, tig mamiso

14

Gawain 3: Mga Kumpas na Walang Tunog

Page 15: 1 music lm u2

Pan de Sal.

Panuto: Isulat ang kumpas ng bawat linya ng awiting “Pan de Sal.” Lagyan ng ekis (x) sa papel ang kumpas na WALANG TUNOG at iguhit ang sa tabi nito.

Tingnan ang halimbawa:

Linya 1 I I I I

Linya 2

Linya 3

Linya 4

IX. Pagtatasa

Alamin ang iyong kakayahan. Lagyan ng tsek () ang bilang ng angkop na kakayahan mo sa papel.

Mga Kasanayan

Kayang

Gawin

Hindi Pa

Kaya

15

Gawain 4: Hamon sa Kumpas na Walang Tunog

Page 16: 1 music lm u2

1. Natutukoy ang kumpas na WALANG TUNOG sa awit habang nakikinig.

2. Nakasusunod sa mga SIMBOLO ng KUMPAS at PAHINGA sa mga kilalang awitin.

3. Nakasusunod sa mga ibinigay na kumpas sa pamamagitan ng kilos ng katawan.

4. Nakaguguhit ng mga KUMPAS at PAHINGA ng isang kilalang awitin.

IX. Pagbubuo

Natutuhan natin sa modyul na ito na gumagamit ang musika ng TUNOG at PAHINGA sa ilang awit.

Ano ang kaibahan ng TUNOG sa PAHINGA?

Anong salita ang ginagamit upang tukuyin ang KUMPAS NA WALANG TUNOG O PAHINGA?

Buuin ang pangungusap:

16

Page 17: 1 music lm u2

Musika 1 - Modyul 7

Ang kumpas ng awit ay tinatawag ding ____________________. Humihinto lamang ito kapag tapos na ang awit.

I. Nilalayong Antas: Baitang 1II. Pamagat ng Modyul: Ikapitong Modyul sa

PagkatutoIII. Nakalaang Oras: 2 beses sa isang

linggona tig- 40 minuto

IV. Kabuuan ng Modyul:

Ipinakikilala sa modyul na ito ang elemento ng ritmo sa musika. Layunin nitong makapagpakita ang mga mag-aaral ng pangunahing pag-unawa sa tunog, pahinga/katahimikan, at ritmo sa pamamagitan ng pagganap, paglikha, pakikinig, pagmamasid, at pagtugon sa mga gawain.

V. Batayan sa Pagkatuto/Layunin:

Ang mag-aaral ay inaasahang;

17

Page 18: 1 music lm u2

nakapapalakpak, nakatatapik, nakaaawit at nakapagpapatugtog ng mga instrumentong pangmusika bilang tugon sa tunog na may tamang ritmong:

Nasa metrong dalawahan Nasa metrong tatluhan Nasa metrong apatan nakapaglalaro ng madadaling hulwarang

metrong dalawahan, tatluhan at apatang sukat gamit ang kagamitang pansilid-aralan o anumang bagay na mapagkukunan ng tunog

nakalilikha ng madadaling hulwarang ostinato sa metrong dalawahan, tatluhan at apatan na may kasabay na kilos ng katawan

VI. Nilalaman/ Paksa: RITMO – pagsasama-sama ng tunog at pahinga/katahimikan sa tamang tiyempo.

VII. Mga Mapagkukunan:

a. “Talbog Pataas” (Bounce High) Awitingpambata

b. “Pan de Sal” Tugma c. “Tren” Tugmad. “Pedro Penduko” Awit na Pasalita ni

M. Isleta

18

Page 19: 1 music lm u2

VIII. Mga Gawain

Sa musika, ang kumpas ay maaaring ipangkat sa metrong dalawahan o metrong tatluhan.

Awitin natin ang “Talbog Pataas” at magkunwaring may hawak na bola.

“Talbog Pataas”Talbog Pataas, Talbog PababaIhagis ang bola kay John Dave!

1. Isiping may hawak kang bola. Patalbugin at saluhin ito habang umaawit.

2. Matapos awitin ang “Talbog Pataas” ng dalawang beses, ilagay ang kamay sa likod. Isiping ang boses mo ang bolang tumatalbog.

3. Ano ang iyong napuna?

Panuto: Makikita sa ibaba ang mga patayong guhit. Simbolo ito ng kumpas ng awiting “Talbog Pataas.” Lagyan ng ekis (X) sa iyong papel ang ibaba ng guhit na may malakas na kumpas.

19

Gawain 1: Patalbugin ang Bola

Page 20: 1 music lm u2

Tingnan ang halimbawa:

I I I I I I I I

XKantahing muli ang awit. Gawing gabay ang

sagot sa sagutang papel. Sa musika, tinatawag na MALAKAS NA

KUMPAS ang may markang X at MAHINANG KUMPAS naman ang walang marka.

Tingnang mabuti ang patayong guhit na may malaking letrang L at letrang H. Ang titik L ay para sa Lakas ng kumpas at H ay para naman sa Hina ng kumpas. Pumili ng tamang kilos ng katawan na magpapakita ng MALAKAS NA KUMPAS at MAHINANG KUMPAS.

Ipakita ang ibig sabihin ng bawat guhit sa pamamagitan ng tamang paggalaw ng katawan.

I I I I I I I IL H L H L H L H

Upang maging madali ang pagsulat at pagbasa ng musika, gumagamit ang mga musikero ng guhit sa unahan ng malakas na kumpas. BAR

20

Page 21: 1 music lm u2

LINES ang tawag dito. Ang puwang sa pagitan ng BAR LINES ay tinatawag na SUKAT o MEASURE.

I I I I I I I IL H L H L H L H

______ Ilan ang mga bar sa pagitan ng bar lines?

Napansin mo ba kung ilang kumpas ang nasa bawat bar?

Kapag may dalawang kumpas sa bawat bar, ang awit ay gumagalaw nang dalawahan.

Inilalagay ang simbolong 2 sa unahan ng awit upang ipakita na ang daloy ng awit ay may dalawahang sukat. Sa musika, ang ibig sabihin ng bilang ay ang SUKAT ng awit.

Balikan ang Gawain 2. Isulat sa patlang sa unahan ng malakas na kumpas ang bilang na 2.

21

Gawain 2: Pagbilang ng Sukat

Page 22: 1 music lm u2

Kantahing muli ang awit na “Talbog Pataas” habang sinusunod ang kahulugan ng L (lakas) at H (hina).

Pumili ng kilos ng katawan na magpapakita ng malakas na kumpas ng awit at gawin ito sa tuwing aawitin ang malakas na kumpas.

Panuto: Muli nating awitin ang “Leron, Leron, Sinta.” Gumawa ng patayong guhit upang maipakita ang kumpas ng unang bahagi ng awit. Lagyan ng panandang diin (>) ang malakas na kumpas. Gumuhit ng bar lines sa tamang lugar nito. Isulat ang bilang ng kumpas sa unahan ng awit. Gawin sa hiwalay na papel.

Pamagat

Sukat

Linya 1

Linya 2

Linya 3

22

Gawain 3: Pagguhit ng Bar lines

Page 23: 1 music lm u2

Linya 4

Napansin mo ba ang kinalalagyan ng mga MALAKAS NA KUMPAS ng awit?

Saan nakikita ang MALAKAS NA KUMPAS sa bawat sukat?

Panuto:

1. Awitin ang “Pedro Penduko”. Lagyan ng patayong guhit ang bawat linya ng awit upang maipakita ang kumpas nito iyong papel.

2. Lagyan ng panandang diin (>) ang bahagi ng awit na may malakas na kumpas. Isulat ang sukat ng awit sa patlang sa kuwaderno.

Pedro Penduko(Awiting Pasalita)

Pedro Penduko, kumain ng itlog,Nang hindi maligo iniwan ng kalaro.

Linya 1

23

Gawain 4 : Hulaan ang Sukat

Page 24: 1 music lm u2

sukat

Linya 2

IX. Pagtatasa

Ngayon naman, awiting muli ang “Tren”. Pumalakpak ayon sa kumpas ng awit at sabayan ito ng tamang kilos ng katawan na magpapakita ng MALAKAS AT MAHINANG KUMPAS.

Lagyan ng tsek() ang kasanayang iyong natutuhan sa sagutang papel.

Mga Kasanayan

Kayang

Gawin

Hindi pa

Kaya

1. Nakaririnig ng malakas at mahinang kumpas.

2. Nakasusunod sa palatandaan ng malakas at mahinang kumpas.

3. Nakasusunod sa kumpas gamit ang paggalaw ng katawan.

24

Page 25: 1 music lm u2

4. Nakakikilala ng sukat ng alam na awit.

5. Nakaaawit ng awiting may sukat na dalawahan at tatluhan.

X. Pagbubuo

Natutuhan natin sa modyul na ito na ang KUMPAS ay maaaring MALAKAS o MAHINA at maaring pangkatin na may sukat na dalawahan (2 meters) o tatluhan (3 meters).

Ano ang hinahanap ng mga musikero bago maglagay ng bar lines sa isang awit?

Upang matukoy ang sukat ng isang awit, dapat bilangin ang __________________ na makikita sa bawat ______________________.

25

Page 26: 1 music lm u2

Musika 1 - Modyul 8

I. Nilalayong Antas: Baitang 1

II. Pamagat ng Modyul: Ikawalong Modyul sa Pagkatuto

III. Nakalaang Oras: 2 beses sa isang linggo na tig- 40 minuto

IV. Kabuuan ng Modyul:

Layunin ng modyul na ito na suriin ang pag-unlad pangmusika ng mga bata bunga ng aktibong pakikilahok at pagkakalantad sa mga kaalamang pangmusika na nakapaloob sa Modyul 5-7.

V. Batayan ng Pagkatuto/ Layunin:

Ang mag-aaral ay inaasahang;

naipakikilala ang lahat ng kasanayang kinakailangang matamo mula sa mga nakaraang modyul

VI. Mga Naunang Kasanayan at Pagtatasa:

Naipakikita ng mag-aaral ang lahat ng kinakailangang kasanayang nakapaloob sa mga nabanggit na modyul.

VII. Nilalaman/ Paksa:

26

Page 27: 1 music lm u2

a. Pag-aralang muli at suriin ang mga konsepto at kasanayang pinag-aralan sa Pangalawang Kuwarter. Ano ang mga pagkaing nakukuha sa

dagat o ilog? Ating pag-aralan ang isang larong awit

tungkol sa alimango. Paano ba kumilos ang alimango? Maglaro tayo gamit ang ating daliri sa

kamay upang ipakita ang galaw ng isang alimango habang umaawit ng “Tong, Tong, Tong.”

“Tong, Tong, Tong”

Tong, tong, tong , tongPakitong-kitongAlimango sa dagatMalaki at masarapMahirap mahuliSapagkat nangangagat.

27

Unang Araw

Page 28: 1 music lm u2

Kaya mo bang ipakita ang kumpas ng awit sa pamamagitan ng pagtapik sa iyong kandungan habang umaawit?

Aling salita ang may MALAKAS na kumpas?

Nalaman mo ba ang sukat ng awit sa pamamagitan ng pagtapik sa iyong kandungan?

Ngayon, sagutan mo ang Gawain 1 sa iyong papel.

Paglalapat: Magpangkat-pangkat na tig-15. Nalaman mo ba ang sukat ng awiting

“Tong, Tong, Tong” sa pamamagitan ng pagtapik sa MALAKAS NA TUNOG nito?

Gumawa ng isang madaling ostinato pattern o PAULIT-ULIT NA PAG-AWIT.

Pumili ng angkop na galaw ng katawan para sa ginawang ostinato pattern.

Magsanay ng 5 hanggang10 minuto bago gawin ang gawain.

Ipakita sa klase.

Pagbubuo:Paano mo ilalarawan ang presentasyon ng bawat pangkat?

28

Page 29: 1 music lm u2

Maghanda para sa kaparehong gawain sa susunod na araw.

Pumili ng isang awit na natutuhan at gumawa ng isang ostinato pattern.

Ulitin ang naunang gawain.

Kung ikaw ay babatiin sa iyong pangalan sa paraang paawit, kaya mo bang sumagot sa parehong tono?

1. Pagbuo ng AralinMagkakaroon tayo ngayon ng presentasyon ng bawat grupo. Matapos ang gawain, sagutin ang

pagsasanay sa Gawain 2 sa kuwaderno mo.

Maging tapat sa inyong mga sagot.2. Pagbubuo

Alin sa mga gawaing ito ang pinakagusto mo. Bakit?

VIII. Pangkalahatang Pagtatasa

Batayan sa Pagganap

29

IKALAWANG ARAW

Page 30: 1 music lm u2

Panuto: Babasahin ng guro ang mga pamantayan at markahan sa iyong papel ng kung naisagawa mo at x kung hindi.

Pamantayan MalinawBahagyang

malinaw

1. Naging malinaw at tuloy-tuloy ang pagkumpas mula sa simula hanggang katapusan ng awit.

2. Akmang nailapat ang PAHINGA, MAHABA at MAIKLING TUNOG ng awit.

30

Pagtataya 1

Page 31: 1 music lm u2

Pamantayan MalinawBahagyang

malinaw

3. Ang ostinato pattern na ginawa ng pangkat ay may kinakailangang pahinga, mahaba at maikling tunog.

Ipakita ang iyong natutuhan sa musika. Lagyan ng tsek () sa iyong papel ang naaangkop sa iyong kakayahan.

Pagtataya sa SariliKayan

gGawin

Hindi pa

Kayang

Gawin

31

Pagtataya sa Sarili para sa Ikalawang Kuwarter

Page 32: 1 music lm u2

1. Kasanayang Pangmusika:a) napakikinggan ang

pagkakaiba ng tunog at katahimikan;

b) nahahanap ang malakas at mahinang kumpas;

c) nahahanap ang mahaba at maikling tunog;

d) nakabubuo ng maikling ostinato; at

e) napananatili ang tuloy-tuloy na pagkumpas.

2. Nakakukumpas nang tuloy-tuloy, at nakapapalakpak, nakaaawit, nakatatapik, at naisasakilos ang malakas at mahinang kumpas, mahaba at maikling tunog sa anumang uri ng ostinato pattern.

32

Page 33: 1 music lm u2

3. Napakikinggan at nasasagot ang mga panuto at tuntunin; naipakikita ang akmang kilos; tuloy-tuloy na naipakikita ang pakikipagtulungan, pagtitimpi, paggalang sa isa’t isa, at pagkamamamayan.

33