50

Click here to load reader

Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

  • Upload
    -

  • View
    225

  • Download
    28

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

Sa bahaging ito ng modyul ay iyong iuugnay ang mga kaalamang taglay na ng mga mag-aaral. Gaganyakin mo ang mga mag-aaral na makapagbigay ng kanilang mga nalalaman sa tulong ng mga mga mapaghamong tanong at gawain. Ang katanungang iyong ibibigay sa mga mag-aaral ay ang siya ring magsisilbing gabay ng mga susunod na talakayan. Inaasahan na sa yugtong ito ay maaaring makapagbigay ang mga mag-aaral ng mga kaisipan o kasagutang di kaugnay sa paksa.Tanggapin lamang ito sapagkat sa susunod na yugto ito ay unti-unting maiwawasto kapag sapat na ang kanyang kaalaman sa kadahilanang natalakay na ang paksa. Pangkalahatang layunin ng yugtong ito matalos ang ganap na kaalaman ng mag-aaral na magiging sukatan ng kanyang ganap na pagkatuto o naunawaan. Ang katanungan na ilalahad mo sa mga mag-aaral ay: Ano ang naganap sa Silangan at Timog Silangang Asya matapos nilang makamit ang kanilang kalayaan mula sa mahabang panahon ng pananakop ng Kanluran?

ARALIN BLG. 4: MGA PAGBABAGO SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA SA TRANSISYONAL AT MAKABAGONG PANAHON (16-20 SIGLO)

Alamin:

GAWAIN BLG. 1: Ano Alam Ko? . Ipasagot sa mga mag-aaral ang tanong gamit ang IRF WORKSHEET.

Pupunan ng mga mag-aaral ang kolum para sa initial answer.Ang dalawa pang natitirang kolum ay mapupunan lamang ng mga ito sa sandaling natapos ng talakayin ang lahat ng aralin.

Initial Answer (Paunang sagot) Posibleng Sagot: Hinarap nila ang mga suliraning naiwan ng mga dayuhang nanakop; Nagkaroon ng mga suliraning pulitikal bunsod ng kawalan ng pagkakaisa ng mga mamamayan; Tinamasa ang kaunlarang pinasimulan ng mga bansang nanakop; Nahaluan ang katutubong kultura ng kalinangang hatid ng mga bansang nanakop; Nanatili sa katayuang kinabibilangan.Revised Answer (Binagong sagot)

Final Answer (Huling sagot)

PAMPROSESONG TANONG

1

Simula ng Aralin 4

IRF WORKSHEET

Page 2: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

Pag- uusapan ng mga mag-aaral sa kanilang pangkat ang mga sumsunod na katanungan sa checklist. Kukuhanin ng mga ito ang bilang ng kanilang mga kasama sa pangkat na sumagot sa bawat aytem. Layunin nito na maihambing ang nasabing datos sa sandaling ito ay maituro na.

Ipasagot sa mga mag-aaral ang sumusunod na katanungan matapos nilang malamanan ang IRF Worksheet.

1. Ano ang initial answer mo ukol sa tanong na kaugnay sa paksa?2. Anu-ano ang iyong naging batayan sa kasagutan mo na iyong inilahad sa

IRF Worksheet? Ibigay mo ang ilan sa iyong patunay.

GAWAIN BLG. 2: POLL OPINYON

ANG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA SA TRANSISYONAL AT MAKABAGONG PANAHON

OO HINDI KABUUAN1. Nagkaroon ba ng mga programang na

nagtaguyod sa karapatan ng mamamayan, sa pangkalahatan, at ng kababaihan, maging grupong katutubo?

2. Nanatiling tulad ba ng dati ang sistemang pulitikal sa mga bansa sa rehiyon at maging ang balangkas ng pamahalaan nito?

3. Nagkaroon ba ng malaking gampanin ang relihiyon sa mga pagbabagong naganap sa rehiyon?

4. May kaugnayan ba ang edukasyon sa kalidad ng pamumuhay ng isang bansa?

5. Umunlad ba ang ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon?

6. Nararanasan pa ba ang kolonyalismo sa rehiyon sa kasalukuyan?

7. Nakapag-ambag ba ang mga bansa sa rehiyon sa larangan ng sining, humanidades, at palakasan?KABUUAN

Ipaulat sa klase ng mga mag-aaral ang datos na kanilang nakuha sa bawat bilang. Gabayan ang mga ito na maihambing ang kanilang mga sagot sa iba. Ipaunawa sa

2

MGA TANONG SAGOT

Page 3: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

klase na ang kanilang paunang sagot ay maaaring magbago sa puntong tatalakayin na ang mga paksa kaugnay sa kanilang mga sinagutan.

BINABATI KITA! ….dahil natapos na ng mga mag-aaral ang unang yugto ng modyul

PAUNLARIN…

3

Sa puntong ito ay nagwawakas na ang bahagi ng Alamin. Sa mga susunod na bahagi ng modyul ay inaasahang higit ng mauunawaan ng mga mag-aaral ang mga pagbabagong naganap sa Silangan at Timog Silangang Asya sa transisyonal at makabagong panahon (16-20siglo). Kailangan lamang pagtuunan ng pansin at pag-unawa ng mga mag-aaral ang susunod na mga Gawain sa iba pang pahina. Sa huli, matutuklasan nila kung ang kanilang mga naging kasagutan ay tama o mali sa dalawang naunang gawain.

Sa bahaging ito ng modyul ang mga mag-aaral ay bibigyan ng iba't ibang kagamitan sa pagkatuto o babasahin na naglalayong magkaroon ng karanasan ang mga mag-aaral na magamit ang kanilang kaalaman.Inaasahan din makabubuo sila ng mahahalagang impormasyon na maaari nilang pagnilayan, pagtibayin, patotohanan, o di kaya’y baguhin kung kinakailangan. Ang mga gawaing ganito ay makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng ganap na pagkaunawa sa paksa na kanilang pinag-aaralan. Inaasahang makapagbibigay dito sa mga mag-aaral ng gawaing mahahasa ang kakayanan ng mga mag-aaral na makapagproseso at makapagbigay saysay sa mga impormasyong kanilang nabuo o natutunan. Tatayain din dito ang kasanayang taglay ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga gawain. Mula dito ay matitiyak ng guro kung nagkakaroon ng pag-unlad sa kaalaman ng mga mag-aaral at kung nanatili pa ba ang kanilang interes na matuto. Ang paglalahad ng mga katanungang makapagbibigay ng pagkakataong mapakahulugan, maunawaan at mailahad ng mga mag-aaral ang kanilang mga saloobin at opinion ay labis na inaasahan sa puntong ito.

Page 4: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

Isa sa mga aspeto ng kultura ng isang bansa ay ang sistemang pulitikal na umiiral dito. Ang sistemang pulitikal ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya ay nabuo batay mga pangyayaring naganap dito sa mahabang panahon na bahagi na ng tinatawag na kasaysayan. Kabilang na sa mga pangyayaring nabanggit ang karanasan ng mga bansa sa rehiyong ito ng Asya sa mga kanluraning bansa na nagkaroon ng kaugnayan sa mga ito sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan at kadahilanan. Samakatuwid, hindi rin maitatanggi na ang mga kanluraning bansang ito ay maituturing na salik sa pagkabuo ng sistemang pulitikal na umiiral sa rehiyon na ito ng Asya sa ngayon. Isang magandang halimbawa nito ang Pilipinas na ating bansa na sinanay ng mga Amerikano sa pamamahala sa panahong kontrolado tayo ng mga ito. Ito ang kadahilanan kung kaya’t napakalaki ng pagkakatulad ng ating pamahalaan sa kanila, mula sa balangkas at kapangyarihan ng bawat sangay n gating pamahalaan. Ang pagbabagong hatid ng pag-unlad at panahon ay salik din sa pagkabuo ng sistemang pulitikal ng isang bansa. May mga bansa na kinailangang iayon ang kanilang sistemang pulitikal sa pagbabago ng panahon upang makasabay ang mga ito. Masasalamin ang pagbabagong ito sa pagbabago rinse uri ng kanilang pamahalaan. Ang China ay masasabing magandang halimbawa sa aspetong ito na patuloy na nakikilala sa kasalukuyang panahon sa mga reporma na ginawa nito.

GAWAIN BLG 3: SISTEMANG PULITIKAL AT PAMAHALAAN SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA

ANYO NG PAMAHALAAN DESKRIPSYON BANSA1. MONARKIYA

1.1Walang Takda

Pamumuno ng isang tao sa partikular na estado

Minana ang karapatan sa pamumuno

Nagtataglay ng panlahatang Brunei

4

Ilalahad sa mga mag-aaral ang kaisipang ito: Ang sistemang pulitikal sa Silangan at Timog Silangang Asya ay hinubog ng kasaysayan at paniniwala ng mga mamamayang naninirahan dito. Sa karanasang tinamo ng mga Asyano sa mga bansang kanluranin na sumakop sa kanila idagdag pa ang kanilang mga panloob na suliraning kinaharap ay nagbagong anyo ang mga sistemang pulitikal na ito at uri ng pamahalaan. Matutunghayan mo sa talahanayan ang ibat’ ibang uri ng pamahalaan na umiiral sa rehiyon na ito ng Asya. Ipasuri itong mabuti sa mga mag-aaral ipatukoy ang mga bansang napapaloob dito.

SISTEMANG PULITIKAL SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA

Page 5: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

(Absolute)

1.2 Konstitusyunal

kapangyarihan May pagkilala sa pinuno na

nagtataglay ng divine right o mula sa pamumuno na mula sa Diyos

May takda ang kapangyarihan ng pinuno na nakabatay sa isang Saligang Batas

Figure Head o simbolikong pinuno lamang ang monarka

CambodiaJapan

MalaysiaThailand

2. One Party Government

Nag-iisang partidong pulitikal ang may kapangyarihan na bubuo sa pamahalaan

Pumapailalim sa isang nangungunang partido ang iba pang partido kung sakaling ito at ay papahintulutan ng una.

Ipinagbabawal ang oposisyon sa naghaharing partido

Diktaturyal ang pamahalaan

ChinaLaos

North KoreaVietnam

3. Militar Pinangangasiwaan ng isang junta o pangkat ng matataas na opisyal ng hukbong sandatahan

Pinaiiral bilang tugon sa kaguluhang pulitikal sa bansa

Walang pinapanigan at di-kaanib sa anumang partidong pulitikal

Myanmar

4. Demokrasya Taglay ng sambayanan ang kapangyarihan

May representasyon ang ibat ibang sektor ng lipunan sa pamahalaan

May kalayaan sa pagpapahayag at pagbuo ng mga samahan

Nagtataglay at kinikilala ang karapatang pantao at

East TimorIndonesiaPilipinas

South KoreaTaiwan

5

Page 6: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

katarungang panlipunan May mga legal na partido

ng oposisyon Kinikilala ang proseso ng

pamamaraan sa pagpapairal ng hustisya.

PAMPROSESONG TANONGAtasan ang mga mag-aaral na sagutin ang mga tanong batay sa

sinuring chart. Ipatala ang mga sagot sa kanilang notebook.

TANONG SAGOT1. Anu-ano ang sistemang pulitikal

ng pamahalaan ang umiiral sa Silangan at Timog Silangang Asya?

Monarkiya, One Party Government, Militar, Demokrasya

2. Sa anong uri ng pamahalaan maikakategorya ang sistemang dinastiya?

Monarkiya

3. Ano ang mabuti at di- mabuting maaaring idulot sa bansa at mamamayan ng bawat sistemang pulitikal at pamahalaan? Magbigay ng dalawa sa bawat uri.

Ito ay maaaring magpabago sa antas ng pag-unlad ng knilang pamumuhay at kalayaang tinatamo.

4. Anong konklusyon ang iyong mabubuo ukol sa sistemang pulitikal at pamahalaan mayroon ang mga bansa sa Silangang Asya? Timog Silangang Asya?

May pagkakatulad at pagkakaiba sila ng uri ng pamahalaan.Ibinatay nila ito sa knilang karanasan at pangangailangan.

5. Anong uri ng pamahalaan ang para sa iyo ang pinakamainam? hindi mo nais mapailalim? Bakit?

Demokrasya.Militar.Matamo ang kalayaan.Masusupil ang karapatan at kalayaan ng mga mamamayan.

6. Nakaapekto ba sa mga bansa sa rehiyon ang pagpapalit nito ng anyo ng pamahalaan? Patunayan.

Oo.Nabago nito ang antas ng kanilang pamumuhay at pananaw ng kanilang mamamayan.

GAWAIN BLG 4: PAG-ARALAN AT IBAHAGI

1. Basahin mo at ng iyong pangkat ang timeline kaugnay sa mahalagang

6

Pagyamanin pa ang nalalaman ng mga mag-aaral tungkol sa sistemang pulitikal at pamahalaan ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya. Ito ay matatamo sa pamamagitan ng kanilang masigasig na paglahok sa gawain.

Page 7: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

pagbabagong naganap sa sistemang pulitikal sa ilang piling bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya.

a. Pangkat 1-Peoples Republic of Chinab. Pangkat 2- Union of Myanmar c. Pangkat 3-Kingdom of Thailand d. Pangkat 4- Federation of Malaysia e. Pangkat 5- Evaluating gamit ang Rubrics

PEOPLE’S REPUBLIC OFCHINA

Ang Republika

1911-12 –Proklamason ng Republic of China sa pamumuno ng mga militar na nag-alsa na pinangunahan ni Sun Yat-sen.Ito ay hudyat ng pagwawakas ng kapangyarihan ng huling emperador ng Qing. Kinaharap ng republika ang mga hamon sa pamamahala hatid ng mga rehiyonal na pag-aalsa at unti-unting paglakas ng Communist Party.

1925 –Pagkamatay ni Sun Yat-sen na naghatid sa kapangyarihan kay Chiang Kai-shek. Humiwalay si Chiang Kai-shek sa mga komunista at kinilala ang Kuomintang bilang pambansang partido.

1931-45 – Unti-unting pananakop ng Japan sa China.

1934-35 – Pamumuno ni Mao Zedong sa Communist Party. Nagsagawa ang partido ng "Long March" patungo sa bago nitong himpilan sa lalawigan ng Shaanxi.

1937 – Pagsanib puwersa ng Kuomintang at mga Communists upang labanan ang Japan. Muling sumiklab ang digmaang sibil mataposang pagkatalo ng Japan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Ang Tagumpay ng mga Komunista

1949 - 1 October –Pagkakatatag ng People's Republic of China sa pangunguna ni Mao Zedong matapos talunin ng kanyang Communist Party ang Nationalist Party sa mahigit 20 taong digmaang sibil. Umatras ang mga kasapi ng Nationalist Party sa pulo ng Taiwan at doon nagtatag ng panibagong pamahalaan.

1950 –Panghihimasok ng China sa Korean War sa pamamagitan ng pagpanig sa North Korea. Ang Tibet ay naging bahagi ng People's Republic of China.

1958 –Inilunsad ni Mao ang "Great Leap Forward",ang limang (5) taong programang pangkabuhayan tungo sa kaunlaran. Ang kolektibong gawaing pagsasaka at pagpapalakas ng mga industriya ay ipinakilala. Ang adhikaing ito ng pamahalaan ay

7

Page 8: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

tumagal lamang ng dalawang taon bunsod ng kabiguang mapalaki ang ani na lumikha ng milyong pagkagutom at kamatayan ng mga mamamayan.

1959 –Sinupil ng hukbong sandatahan ng bansa ang malawakang pag-aalsa sa Tibet.

1962 –Hidwaan ng China sa India kaugnay sa hangganan nito sa Himalayas.

1966-76 –Inilunsad ni Mao ang "Cultural Revolution",ang 10-taong kampanyang pampulitika at ideolohikal na naglalayong buhayin ang diwang rebolusyonaryo, lumikha ito ng matinding pagbabago sa lipunan, ekonomiya at pamamahala.

1972 –Pagbisita sa China ni US President Richard Nixon. Nangako ang dalawang bansa na pagbutihin ang ugnayan ng dalawang bansa.

1976 –Pagkamatay ni Mao Zedong.

1977 – Pag-angat sa kapangyarihan ni Deng Xiaoping.Pagsisimula ng mga reporma sa larangan ng kabuhayan sa China.

1979 – Pagsisimula ng diplomatikong relasyon ng China at USA. Pinasimulan ng pamahalaan ang “One-Child Policy” upang pigilan ang lumalaking populasyon nito.

1986-90 –Pinairal ng China ang "Open-door policy" na nagbigay pagkakataon sa pamumuhunan ng mga dayuhan sa loob ng bansa. Nakapagpasigla din ito sa ekonomiya ng bansa at humikayat ng mas higit na pamumuhunan sa pribadong sektor.

1989 –Naganap ang demonstrasyon ng mga mag-aaral at iba pang sektor sa Tiananmen Square. Ito at upang ipanawagan sa pamahalaan ang pagkakaloob ng kalayaan at karapatang maipahayag ang damdamin ng mga mamamayan. Hindi ito pinakinggan ng pamahalaan at sa halip ay nagresulta sa pagkadakip ng mga protesta at pagkamatay 200 sa mga ito. Tinagurian itong Tiananmen Massacre. Pumukaw ng pansin sa iba’t ibang bansa ang pangyayaring ito at may ilang kinondena ang pamahalaan bunsod ng marahas na ginawa nito.

1989 –Naging general secretary ng Chinese Communist Party si Jiang Zemin bilang kahalili ni Zhao Ziyang na tumutol na suportahan ang martial law sa panahong nagaganap ang demonstrasyon sa Tiananmen. Pagbubukas ng Stock markets sa Shanghai at Shenzhen.

1992 – Paglagda ng China at Russia ng deklarasyong muling pagbuhay sa kanilang pagkakaibigan.

1993 – Opisyal na paghalili ni Jiang Zemin kay Yang Shangkun bilang pangulo.

8

Page 9: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

1995 –Pagsasagawa ng China ng tests missiles at military exercises sa Taiwan Strait habang nagaganap ang pampanguluhang halalan sa Taiwan.

1996 – Ang China, Russia, Kazakhstan, Kyrgyzstan at Tajikistan ay nagdaos ng pagpupulong sa Shanghai upang magkasundo at magtulungan na labanan ang tensiyon kaugnay sa mga katutubo at relihiyon sa kani-kanilang bansa. Tinaguriang ang mga bansang ito na Shanghai Five.

1997 - Pagkamatay ni Deng Xiaoping sa edad na 92. Pagbabalik ng kontrol ng China sa Taiwan mula sa mga British.

1998 –Paghalili ni Zhu Rongji kay Li Peng bilang premier.

1999 - Ika-50 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng People's Republic of China. Pagbalik ng Macao sa ilalim ng pamamahala ng China

UNION OF MYANMAR

Pagsasarili

1948 – Paglaya ng Burma sa pamumuno ni U Nu bilang prime minister.

Kalagitnaan ng 1950’s- Si U Nu kabilang sina Prime Minister Nehru, Indonesian President Sukarno, Yugoslav President Tito at Egyptian President Nasser ay tinatag ang Movement of Non-Aligned States.

1958-60 - Pansamantalang pamahalaan, sa pangunguna ng hukbo ni Chief of Staff General Ne Win, na nabuo matapos ang pagkakahati sa namumunong AFPFL party.

1960 – Pagwawagi sa halalan ng partido ni U Nu, subalit ang panghihikayat nito sa Buddhismo bilang relihiyon ng estado at pagkunsinti sa pagkakahiwa-hiwalay ay nagpasidhi ng galit sa panig ng militar.

One-party, Ang Pamumuno ng Militar sa Estado

1962 – Pagpapatalsik kay U Nu sa pamamagitan ng kudeta na pinamunuan ni Gen Ne Win na tuluyang nag-alis ng sistemang pederal at pagpapasinaya ng "the Burmese Way to Socialism" .Ito ay nangangahulugang pagkontrol sa pambansang ekonomiya, pagbuo ng single-party state na kung saan ito ay ang Socialist Programme Party bilang tanging partido political sa bansa at pagbabawal sa malayang pamamahayag. Ang military junta na ito ay namuno hanggang 2011.

9

Page 10: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

1974 – Pagsasabisa ng bagong saligang batas, pagsasalin ng kapangyarihan ng hukbong sandatahan ng bansa sa People's Assembly sa pamumuno ni Ne Win at iba pang mga dating lider ng militar.

1975 –Pagtatag ng Opposition National Democratic Front ng mga grupo ng minorya sa rehiyon na nagpapasimula din paglaban sa umiiral na pamahalaang militar.

1981 – Isinalin ni Ne Win ang pagiging pangulo ng bansa kay San Yu ,isang retiradong militar, subalit nanatiling chairman ng namumunong Socialist Programme Party

1982 – Pagpapairal ng batas na nagbabawal sa mga mamamayang hindi katutubong isinilang sa bansa o dayuhan na humawak ng anumang katungkulan sa pamahalaan at iba pang ahensiya nito. Panahon ng Kaguluhan at Pagsupil

1987 – Pagbaba ng halaga ng salapi na nagpahirap sa maraming mamamayan at naging sanhi ng malawakang pagbatikos sa pamahalaan na lumikha ng labis na kaguluhan sa bansa.

1988 – Maraming mamamayan ang napatay sa isang kilos protesta laban sa pamahalaan bunsod ng kaguluhan. Binuo ng pamahalaan ang State Law and Order Restoration Council (Slorc).

1989 – Dineklara ng Slorc ang martial law.Nagkaroon ng malawakang pag-aresto ng mga mamamayan kabilang na ang mga nangangampanya parasa demokrasya at karapatang pantao. Pinalitang ang pangalan ng bansa mula Burma bilang Myanmar at ang kabiserang lungsod na Rangoon bilang Yangon. Ang lider ng NLD (National League for Democracy) na si Aung San Suu Kyi, anak ni Aung San ay ipinailalaim sa house arrest.

Kontrobersiyal na Halalan

1990 – Pagkapanalo ng oposisyon na National League for Democracy (NLD) sa halalan na nagtamo ng napakalaking boto, subalit ang resultang ito ay binalewala lamang ng militar.

1991 – Ginawaran ng Nobel Peace Prize si Aung San Suu Kyi para sa kanyang dedikasyon sa pagbago sa bansa sa mapayapang pamamaraan.

1992 – Pinalitan ni Than Shwe si Saw Maung bilang chairman ng Slorc,prime minister at defense minister. Pinalaya din ang ilang bilanggong politikal upang bumuti ang imahe ng Burma sa daigdig.

1995 - Pinalaya si Aung San Suu Kyi mula sa anim na taong house arrest.

10

Page 11: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

1996 – Dumalo si Aung San Suu Kyi sa kongreso ng unang pagpupulong ng NLD matapos itong makalaya. Humigit sa 200 delegado ang inaresto ng Slorc habang ang mga ito ay papunta sa nasabing pagpupulong.

1997 – Tinanggap ang Burma bilang bagong kasapi ng Association of South East Asian Nations (ASEAN); Ang Slorc naman ay muling pinangalanan bilang State Peace and Development Council (SPDC).

Pagpapalaya sa mga Sumuporta sa Demokrasya

1998 – 300 kasapi ng NLD ang pinalaya mula sa bilangguan ; tumanggi ang namumunong pamahalaang militar na tumugon sa itinakdang panahon ng NLD na ipatawag na ang mga kasapi ng parlamento upang makapagsimula; nagsagawa ng malawakang protesta ang mga militar.

1999 – Tumutol si Aung San Suu Kyi sa kondisyon ng namumunong konseho na bisitahin niya ang kanyang British na asawa na si Michael Aris na namatay sa sakit na kanser sa UK.

2000 September – Ganap ng inalis ng pamahalaan ang pagbabawal kay Aung San Suu Kyi at mga pangunahing kasapi ng NLD na lumipat.

2000 October – Lihim na pakikipagpulong ni Aung San Suu Kyi sa pamahalaan.

KINGDOM OF THAILAND

Pagbangon ng Makabagong Thailand

1782 – Simula ng pamumuno ng dinastiyang Chakri sa pamumuno ni Haring Rama I, na namumuno parin hanggang sa kasalukuyan. Kinilala ang bansa bilang Siam at ang Bangkok ang ginawang kabisera.

1804-1868 – Pamumuno ni Haring Mongkut (Rama IV), pinasimulan niya ang mga pagbabagong maka-Kanluranin at modernisasyon ng bansa.

1868-1910 – Pamumuno ni Haring Chulalongkorn. Pagkuha ng mga tagapayo mula kanluran para sa modernisasyon ng Siam at pamamahala sa ekonomiya ng bansa. Pag-unlad ng sistema ng transportasyon.

1917 - Ang Siam ay naging isa sa ka-alyado (allied) ng Great Britain sa unang digmaang pandaigdig.

1932 – Naganap ang isang mapayapang kudeta laban sa ganap na monarkiya ni haring Prajadhipok. Pinasimulan ng Konstitusyonal na Monarkiya ang parlamentaryong pamahalaan.

11

Page 12: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

1939 – Pinalitan ng Siam ang pangalan nito bilang Thailand ("Land of the Free").

1941 –Pagdaong sa bansa ng hukbo ng Japan. Matapos ang negosasyon, pinahintulutan ng Thailand ang hukbo ng Japan na magtungo sa mga kontroladong lupain ng mga British na Malay Peninsula, Singapore at Burma.

1942 – Pagdeklara ng digmaan sa Britain at USA,subalit ang Thai ambassador sa Washington ay tumangging ibigay ang nasabing deklarasyon sa pamahalaan ng Amerika.

Mga Pangyayari Matapos ang Digmaan

1945 – Pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Inatasan ang Thailand na muling ibalik ang mga teritoryong sinakop nito mula sa Laos, Cambodia at Malaya. Nagbalik sa bansa ang ipinatapong si Haring Ananda.

1946 – Asasinasyon ni Haring Ananda. 1947 – Naganap ang kudeta na pinasimulan ng military sa pamumuno ng Pro-Japanese na si Phibun Songkhram. Nanatili sa kapangyarihan ang military hanggang 1973.

1965- Pagpahintulot ng Thailand sa USA na gamitin ang mga base militar habang nagaganap ang Vietnam War. Ang hukbo ng Thailand ay nakipaglaban sa Timog Vietnam.

1973 – Naganap ang panggugulo ng mga mag-aaral sa Bangkok na halos nagpabagsak sa pamahalaang militar. Naganap ang isang malayang halalan, subalit di naging lubos ang katatagan ng pamahalaang namuno.

1976 – Muling pamamamahala ng militar sa bansa.

1978 – Pinagtibay ang bagong saligang batas.

1980 – Pamumuno ni Heneral Prem Tinsulanonda .

1983 – Pagsuko ni Hen. Prem ng kanyang kapangyarihan bilang pinuno ng pamahalaang militar upang bigyang daan ang pagtatatag at pamumuno sa bagong pamahalaang sibil. Si Hen. Prem ay muling naihalal sa parehong posisyon sa pamahalaang sibil noong 1986.

1988 – Paghalili sa kapangyarihan ni Heneral Chatichai Choonhaven kay Prem matapos ang halalan.

12

Page 13: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

1991 – Naganap ang ika-17 kudeta sa bansa na pinamunuan ng mga militar mula pa noong 1932. Itinalaga sa kapangyarihan bilang Prime Minister si Anand Panyarachun.

1992 – Naganap ang panibagong halalan sa buwan ng Marso.Hinalinhinan sa kapangyarihan ni Heneral Suchinda Kraprayoon si Anand. Nagkaroon ng mga demonstrasyon laban kay Anand na nanawagan sa kanyang pagbaba sa kapangyarihan. Pansamantalang nanatili pa rin sa kapangyarihan si Anand. Muling nagdaos ng halalan sa buwan ng Setyembre na nagbigay daan sa pagkakahalal bilang bagong Prime Minister ni Chuan Leekpai, lider ng Democratic Party.

1995 – Pagbagsak ng pamahalaan. Inihalal bilang bagong Prime Minister si Banharn Silpa-archa, ng Thai Nation party.

1996 – Inakusahan ng korapsyon ang pamahalaan ni Banharn na naghatid sa kusang pagbaba nito sa kapangyarihan. Nanalo sa halalan bilang kahalili si Chavalit Yongchaiyudh ng New Aspiration party. Nagkaroon ng matinding krisis pinansiyal sa bansa.

1997 – Naganap ang krisis pinansiyal sa Asya. Nagpatuloy ang pagbaba ng halaga ng baht laban sa dolyar na naging dahilan ng halos pagkaubos ng pondo ng bansa at mataas na bilang ng walang trabaho. Namagitan sa suliraning pinansiyal ng bansa ang IMF. Nahalal sa kapangyarihan si Chuan Leekpai bilang Prime Minister.

1998 – Pinabalik ng pamahalaan sa kanilang mga bansa ang mga manggagawang dayuhan upang bigyan ng higit na pagkakataon ang mga Thai na makakuha ng trabaho bago ang iba. Hinikayat din ng pamahalaang Chuan ang oposisyon na magsulong ng mga repormang pang-ekonomiya.

1999 – Unti-unting muling pagbangon ng ekonomiya. Sa tulong ng media, pinakita ng Thailand sa daigdig ang malaking halaga na ginugugol nito sa pagbigay lunas sa mga may sakit na AIDS at HIV sa bansa. Hinikayat din ang iba’t ibang drug companies sa agarang pagpapababa ng presyo ng gamut para sa nasabing sakit.

2001- Pagwawagi sa halalan ng New Thai Love Thai party sa poamumuno ni Thaksin Shinawatra.

FEDERATION OF MALAYSIA

1826 – Pinagsanib ng mga British ang kanilang mga himpilan sa Malacca, Penang at Singapore upang buuin ang Colony of Straits Settlements, mula dito ay pinalawak nila ang kanilang impluwensiya bilang tagapagtanggol ng Sultanato ng Malay sa nasabing peninsula.

13

Page 14: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

1895 – Pagsasanib ng apat (4) na estado sa Malay na kinilala bilang Federated Malay States.

1942-45 –Pananakop ng Japan.

1948 –Pinagsanib ang mga teritoryong kontrolado ng mga British sa Malaya at kinilala bilang Federation of Malaya.

1948-60 –Pinairal ang State of Emergency upang supilin ang panggugulo ng mga lokal na komunista.

1957 – Paglaya ng Federation of Malaya mula sa mga British at pamumuno ni Tunku Abdul Rahman bilang prime minister.

1963 – Ang mga kolonya ng British na Sabah, Sarawak at Singapore ay idinagdag sa Federation of Malaya upang buuin ang bagong Federation of Malaysia.

1965 – Paghiwalay ng Singapore sa Malaysia na naging 13 estado na lamang. Nagsimula na din ang pananalakay ng mga komunista sa Sarawak.

1969 –Naganap ang kaguluhan likha ng mga Malay laban sa mga Chinese bunsod ng kabiguan at tumitinding inggit ng mga ito sa tinamasang kaunlarang pangkabuhayan ng mga katutubong Chinese.

1970 –Naging bagong prime minister si Tun Abdul Razak matapos ang pagbaba sa kapangyarihan ni Tunku Abdul Rahman.

Positibong Diskriminasyon sa mga Malay

1971 – Pinasimulan ng pamahalaan ang sapat na partisipasyon ng mga Malay sa larangan ng pagnenegosyo, edukasyon at serbisyo sibil.

1977 – Pinaalis sa Pan-Malaysian Islamic Party (PAS) ang Kelantan chief minister, lumikha ito ng kaguluhan at nagresulta tuluyang pagkatanggal ng PAS sa BN coalition.

1978-89 – Pinahintulutan ng pamahalaan ang mga Vietnamese refugees na pansamantalang magkanlong sa Malaysia upang makaiwas sa suliranin ng mga ito sa kanilang bansa.

1981 – Pagkahalal ni Mahathir Mohamad bilang prime minister.

1989 – Lumagda ang mga lokal na komunista ng kasunduang pangkapayapaan sa pamahalaan.

14

Page 15: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

1990 –Lumagda ang mga komunista sa Sarawak ng kasunduang pangkapayapaan sa pamahalaan

1993 – Ang mga Sultans ay inalisan ng proteksyong legal.

Krisis Pinansiyal

1997 –Krisis Pinansiyal sa Asya.

1998 – Alitang pulitikal nina Prime Minister Mahathir Mohamad at deputy nito na si Anwar Ibrahim na inaasahang hahalili sa kanya. Ang pagkakaiba ng pananawsa patakarang pangkabuhayanng bansa ang ugat ng nasabing alitan. Inaresto si Anwar Ibrahim dahil sa kasong sexual misconduct.

2. Ibuod ang teksto na binasa gamit ang napiling graphic organizer.Tiyaking mailalahad dito ang mahahalagang impormasyon mula sa binasa.

3. Maaari ring magsaliksik sa mga internet websites para sa karagdagang impormasyon sa paksa.

4. Ipresenta sa klase ang nabuong report sa pamamaraang nais. Humandang makapagbigay ng mga katanungan ukol dito na sasagutin ng mga kamag-aral.

ISKORIKONG RUBRICS PARA SA ISANG PANGKATANG GAWAIN

KRITERYA 5 4 3 2Kaalaman sa

paksaHigit na nauunawaan ang mga paksa. Ang mga pangunahing kaalaman ay nailahad at naibigay ang kahalagahan, wasto at magkakaugnay ang mga impormasyon sa kabuuan.

Naunawaan ang paksa, ang mga

pangunahing kaalaman ay

nailahad ngunit di wasto ang ilan,

may ilang impormasyon na di maliwanag ang

pagkakalahad.

Hindi gaanong naunawaan ang

paksa.Hindi lahat ng

pangunahing kaalaman ay

nailahad, may mga maling

impormasyon at di naiugnay ang

mga ito sa kabuuang

paksa.

Hindi naunawaan ang

paksa. Ang mga

pangunahing kaalaman ay hindi nailahad at natalakay,

walang kaugnayan ang

mga pangunahing impormasyon sa kabuuang

gawain.

Pinaghalawan ng datos

Binatay sa ibat-ibang saligan

ang mga

Binatay sa ibat-ibang saligan ng

impormasyon

Binatay lamang ang saligan ng

impormasyon sa

Walang batayang

pinagkunan, at

15

Page 16: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

kaalaman tulad ng mga aklat, pahayagan, video clips,

interview, radio at iba pa.

ngunit limitado lamang.

batayang aklat lamang.

ang mga impormasyon ay gawa-gawa

lamang.

Organisasyon Organisado ang mga paksa at sa

kabuuan maayos ang

presentasyon ng gawain ang pinagsama-

samang ideya ay malinaw na

naipahayag at natalakay gamit

ang mga makabuluhang

graphic organizer

Organisado ang mga paksa sa

kabuuan at maayos na

presentasyon ngunit di –

masydo nagamit nang maayos ang

mga graphic organizers

Walang interaksyon at

ugnayan sa mga kasapi, walang

malinaw na presentasyon ng

paksa, may graphic

organizer ngunit hindi nagamit sa

halip ay nagsilbing

palamuti lamang sa pisara.

Di-organisado ang

paksa.Malinaw na walang

preparasyon ang pangkat.

Presentasyon Maayos ang paglalahad.

Namumukod-tangi ang

pamamaraan, malakas at

malinaw ang pagsasalita, sapat para marinig at

maintindihan ng lahat.

Maayos ang paglalahad.May

ilang kinakabahan at kahinaan ang

tinig.

Simple at maikli ang

presentasyon.

Ang paglalahad ay hindi malinaw, walang

gaanong preparasyon.

PAMPROSESONG TANONG

1. Ano ang mahihinuha sa pagbabagong naganap sa sistemang pulitikal at pamahalaan ng China, Myanmar, Thailand at Malaysia?

Sagot: Mauunawaan na mula sa pamamahala ng mga mananakop na bansa ay nagawang malakalaya at mapamahalalaan ng mga bansang nabanggit ang kanilang sarili. Makikita rin ang mga suliraning kinaharap nila mula sa paglaya nila sa mga mananakop patungo sa kanilang kasalukuyang katayuan.Masasabi nating hindi nagging madali para sa mga nasabing bansa na kaharapin an gang ga nasabing pagbabagong naganap.bansa

16

Page 17: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

2. Paano nakaapekto sa mga mamamayan ng mga bansang nabanggit ang nasabing pagbabago?

Sagot: Bunsod ng mga pagbabagong naganap ay higit na nahasa ang kakayanan nila sa larangan ng pamamahala.Ang mga mamamayan ay naging mulat sa kanilang karapatan at tungkuling pulitikal.3. Ano ang maaaring idulot sa mga nabanggit na bansa kung hindi naganap

ang mga nasabing pagbabago?Sagot: Marahil ay mananatili ang kapangyarihan ng mga bansang sumakop sa kanila at ito ay maghahatid sa kanila ng higit na kahirapan. Posible din na maaaring malimitahan ang kanilang mga ugnayang panlabas sa rehiyon at daigdig.4. Bilang isang Pilipino, bakit mahalaga sa iyo na maunawaan ang mga

pagbabagong naganap sa sistemang pulitikal at pamahalaan ng mga nasabing bansa?

Sagot: Bilang isang Pilipino mahalaga na maunawaan koi to upang malaman ko ang kanilang mga mabuti gawi na maaari rin nating tularan.Makatutulong din ito upang matukoy ko ang dahilan ng ating kaibahan sa kanila particular sa aspektong pulitikal.

Malaki ang ginampanan ng mahusay na pamamahala ng mga namumuno sa mga bansa ng Silangan at Timog Silangang Asya sa pagbabagong naganap dito mula sa ika-16 hanggang 20 siglo. Ang mabuting hatid ng husay na ito sa pamumuno ay masasalamin sa napakabilis na pag-usad ng ekonomiya ng karamihan sa mga bansang ito sa rehiyon. Hinangaan ng marami ang kaunlarang tinamasa ng Japan,Korea, Singapore, Taiwan, at Thailand. Hindi rin matatawaran ang pinakikitang sigla ng China sa larangan ng ekonomiya at unti-unting pag-usad ng kabuhayan ng mga bansa sa dalawang nabanggit na rehiyon. Ang lahat ng ito ay mauugat sa pagbabago ng mga nasabing bansa sa kanilang sistemang pulitikal at mahusay na pamahalaan.

GAWAIN BLG 5: KALAGAYANG PANG-EKONOMIYA NG ASYA SA KASALUKUYAN

ECONOMIC CRISIS sa AsyaSa simula ng Hulyo 1997 lumikha ng labis na pangamba sa buong daigdig ang krisis

pinansiyal na nararanasan sa Asya. Ang Japan, Thailand at karamihan sa mga bansa sa Timog Silangan Asya kabilang ang Pilipinas ay dumaranas ng ng suliraning ito. Ang krisis na ito ay sinasabing epekto ng tulad na suliraning kinaharap din ng mga bansang maunlad na kanluranin. Nahirapan ang mga bansa sa Asya na balikatin ang mga dating responsibilidad bunsod ng pagbabayad sa mga utang panlabas na kanilang da bansang apat bayaran. Para alalayan ang mga bansang labis na naaapektuhan ng economic crisis ay naglaan ang International Monetary Fund (IMF) ng $40 Billion programa.Lubos itong napakinabangan ng mga bansang South Korea, Thailand, at Indonesia.Batay sa artikulong sinulat ni Martin Khor, Direktor ng Thirld World Network na “The Economic Crisis in East Asia: Cause Effects and Lessons ang mga sumusunod ay naging sanhi ng krisis:

1. Maling sistema ng pamamahala sa pagbabangko at iba pang institusyong pinansiyal;

17

Page 18: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

2. Di-pagkakasundo ng pamahalaan at ng mga sektor ng negosyante3. Maling patakaran sa pagkakaroon ng fixed exchange rate sa halaga ng dolyar.

Bunsod ng krisis pinansiyal na ito ay sumidhi ang pagnanais sa aspektong pulitikal sa Thailand ay nagretiro si Prime Minister General Chavalit Yongchaiyudh at sa Indonesia si Pangulong Suharto. Sa kabilang banda, isinilang naman sa panahong ito ang bagong bansa sa Timog Silangang Asya, ang East Timor. Sa pagsisimula ng 1999, naobserbahang muling unti-unting bumabangon ang ekonomiya ng mga apektadong bansa bunsod ng muling pagtaas ng pamumuhunan, mataas na koleksiyon ng buwis at iba pa.

ECONOMIC MIRACLE sa AsyaAng mga bansang Singapore, South Korea at ang mga special administrative region

ng Tsina na Hongkong, at Taiwan ay kinilala bilang Four Asian Dragons sa larangan ng ekonomiya.Kinilala ang mga ito bunsod na 7% kada taon na pag-unlad na kanilang tinamasa.Ipinakilala ng mga nasabing bansa ang napakabilis na pagsulong sa industriyalisasyon sa pagitan ng 1960’s-1990’s. Nagsilbing modelo sa iba pang papaunlad na bansa sa rehiyon ang kanilang karanasang natamo.

Bigyang pansin ang Antas ng Pagtamo ng Per Capita Gross Domestic Product (GDP) mula 1960-2000 ng ilang mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya.

Antas ng Pagtaas ng Per Capita GDP 1960-2000Bansa 1960 1970 1980 1990 2000

Silangang AsyaChina 111.73 119.87 167.62 349.15 824.03*Hongkong 3007.55 5946.5 11289.5 18813 24218Japan 8398.53 20465.5 28295.9 39955.4 44830.4South Korea 1324.88 2282.94 3910.28 7967.39 13062.2Timog Silangan AsyaIndonesia 248.91 297.6 503.01 776.39 13062.2Malaysia 974. 99 1370.65 2297.11 3104.03 4796.6Philippines 724.7 867.39 1172.85 1090.86 1167.39Singapore 2675.86 5426.4 11048.2 17693 28229.6Thailand 464.97 752.24 1117.11 1998.61 2804.93

Pinagkunan: ucatlas.usc.edu?output.edu.php*Special Administrative Region of China

PAMPROSESONG TANONG

1. Ano-ano ang itinuturong sanhi ng ng economic crisis na naganap sa Asya?

Sagot: Ang itinuturong sanhi ng economic crisis sa Asya ay ang mga sumusunod:

o Maling sistema ng pamamahala sa pagbabangko at iba pang institusyong pinansiyal

o Di-pagkakasundo ng pamahalaan at ng mga sektor ng negosyanteo Maling patakaran sa pagkakaroon ng fixed exchange rate sa halaga ng

dolyar

18

Page 19: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

2. Ano ang pinatutunayan ng mga datos sa Talahanayan 1.1?Sagot: Ang pinatutunayan ng mga datos sa Talahanayan 1.1 ay ang pagsulong na naganap sa ekonomiya ng mga bansa sa Silangan at Timog Silagang Asya mula 1960-2000. Makikita din mula dito na hindi magkakasabay ang pag-unlad na kanilang naranasan.

3. Sumasang-ayon ka ba sa pananaw ni Akaname Akamatsu kung ang

pagbabatayan ay ang kasalukuyang panahon? Bakit?Posibleng Sagot: Malaya ang mga mag-aaral na makapagbigay ng kanilang mga personal na sagot.Tiyakin lamang na ito ay sinusuportahan ng datos mula sa sipi.

GAWAIN BLG 6: GAME NA! Sa pamamagitan ng 3-2-1- Chart alamin ang mga nabuong kaisipan at katanungan ng iyong mga kamag-aral mula sa sipi at datos na kanilang sinuri.

3 Things You Found OutPosibleng Sagot: Ang naganap na Economic Crisis, Economic Miracle sa Silangan At Timog Silangang Asya. Ang Per Capita GDP ng mga bansa sa dalawang rehiyon ay nagkaroon ng magkakaibang antas ng pagsulong.

2 Interesting thingsPosibleng Sagot: Ang Pilipinas ay nakasama sa mga bansa na naapektuhan ng Economic Crisis sa rehiyon. Ang Hongkong at Taiwan bagamat hind ganap na isang bansa ay may mabilis na pag-unlad sa ekonomiya.

1 Question You Still HavePosibleng Sagot: Ano ang mga maaaring gawin ng Pilipinas upang matularan ang mga bansa na may mataas na Per Capita GDP?

Pamprosesong Tanong1. Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ninyo batay sa iyong binasa ukol sa

kalagayan ng pang Ekonomiya ng Asya sa kasalukuyang panahon?Posibleng Sagot: Nagkakaroon ng pagsulong at hamon sa kalagayang pangkabuhayan ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya.

2. Naniniwala ka ba na nagkaroon ng pagsulong sa ekonomiya ang mga bansa sa rehiyong Silangan at Timog Silangang Asya? Patunayan ang iyong sagot.Posibleng Sagot: Opo. Sapagkat batay sa mga datos sa talahanayan mula sa taong 1960 – 2000 ay tumataas ang Per Capita GDP ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangan Asya.

19

Page 20: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

GAWAIN BLG 7: COMPLETE IT! Gamit ang talahanayan ng Antas ng Pagtaas ng Per Capita GDP mula 1960-2000 ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya ay buuin mo ang diwa ng mga sumusunod na pangungusap.

1. Ang mga bansa sa Silangang Asya ay….Posibleng Sagot: Ang mga bansa sa rehiyong ito ay may mataas na pagsulong sa ekonomiya sa Asya. Ang Japan ay maihahanay sa iba pang bansa sa daigdig kung kaunlaran ang pag-uusapan.

2. Ang mga bansa sa Timog Silangang Asya ay……Posibleng Sagot: Nagkaroon ng pag sulong sa mga bansa sa rehiyong ito. Ang Singapore ang may pinakamataas na pag-unlad.

3. Ang bansang …… sa Silangang Asya ay may pinakamataas na antas ng Per Capita GDP samantalang sa Timog Silangang Asya ay ang …..Sagot: May pinakamataas na Per Capita GDP ang Japan sa Silangan Asya at Singapore naman sa Timog Silangan Asya.

4. Ang bansang…. Sa Silangang Asya ay may pinakamababang antas ng Per Capita GDP samantalang sa Timog Silangang Asya ay ang …..Sagot: May pinakamababang antas ng Per Capita GDP ang China sa Silangan Asya at Philippines naman sa Timog Silangang Asya.

5. Ang mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya batay sa talahanayan ng Per Capita GDP 1960-2000 ay nagpapatunay na…….Posibleng Sagot: Ang mga bansa sa dalawang rehiyon na ito ng Asya ay nagkaroon ng pagsulong sa ekonomiya bagamat magkakaiba ang antas na kanilang naranasan.

6. Ang pagkakaroon ng mataas na Per Capita GDP ay indikasyon ng …….Sagot: Ang pagkakaroon ng mataas na Per Capita GDP ay indikasyon na sumusulong ang kalagayang pangkabuhayan ng isang bansa.

GAWAIN BLG 8: NEOKOLONYALISMO

Naunawaan mo na ang Asya ay minsang pinaghati-hatian ng mga mananakop na kanluraning bansa.Gumamit ang mga Asyano ng mapayapa at marahas na pamamaraan upang makamit nila muli ang kalayaan. Subalit masasabi nga bang ganap na naging malaya ang bawat bansa matapos silang makapagtatag ng kanilang sariling pamahalaan? Sa pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagkaroon ng bagong paraan ng pananakop na tinatawag na Neokolonyalismo. Ito ay ang di-tuwirang pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang ng isa pang makapangyarihan.

Ang bansang Japan matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakaranas ng neokolonyalismo mula sa United States of America. Ang iba pang bansa tulad ng Vietnam at Pilipinas ay tulad din ng naranasan ng Japan. Ang pagkakaloob ng tulong pinansiyal, militar ay ilan lamang sa anyo ng

20

Page 21: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

neokolonyalismo. Sa aspektong ito, lumalabas na tinutulungan ng mga kapitalistang bansa o maunlad na bansa ang mga dating kolonya na kalimitan ay nasa Asya at Aprika. Nagkakaroon ng mga kasunduang legal sa magkabilang bansa upang maging posible ang pagbibigay at pagtanggap ng mga tulong na ito. Sa kabilang banda, hindi maitatanggi na labis din ang kapakinabangang tinatamasa ng mga kapitalistang bansa sa ganitong sitwasyon. Tinatamasa ng mga maunlad na bansa na makapagtaguyod at makapamuhunan sa mga bansang kanilang tinutulungan. Ang impluwensiyang pulitikal, sosyal, kultural ng mga neokolonyalistang bansa ay masasalamin pa rin sa bansang kanilang tinulungan. Ang mga institusyon katulad ng International Monetary Fund (IMF), World Bank (WB) at maging United Nations (UN) ay sinasabing instrumento ng neokolonyalismo. Ang kulturang kanluranin ay bahagi ng halos lahat ng bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya.Ito ay isang matibay na patunay na niyakap ng mga Asyano ang kanilang kalinangan.Pinatutunayan din nito ang pananatili ng kontrol o kung di-man ay ang impluwesiya ng mga dating mananakop na bansa.

PAMPROSESONG TANONG1. Ano ang Neokolonyalismo? Sagot: Ang Neokolonyalismo ay ang di-tuwirang pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang ng isa pang makapangyarihan.

2. Nagaganap pa ba ang Neokolonyalismo sa kasalukuyan? Patunayan?

Sagot: OO.Ito ay mapatutunayan sa pamamagitan ng pagkakaroon kontrol/impluwensiya sa mga bansa sa Asya ng mga

Kanluraning bansa sa aspektong pangkabuhayan, pampolitika, pang militar at pangkultura.

3. Bakit itinuturing ang mga institusyon katulad ng International Monetary Fund (IMF), World Bank (WB) at maging United Nations (UN) na instrumento ng neokolonyalismo?Sagot: Ito ay sapagkat nagkakaloob ang mga ito ng tulong pinasiyal sa mga bansa sa Asya na nagiging dahilang ng kanilang direktang panghihimasok sa sistemang pampulitika at pangkabuhayan.

Ngayon na maliwanag na sa iyo ang tinatawag na neokolonyalismo, tiyak na may iba kang pagtingin at saloobin sa isyu na ito. Ilahad mo ang iyong pananaw at saloobin sa pamamagitan ng iyong aktibong paglahok sa susunod na gawain.

21

Page 22: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

GAWAIN BLG 9: WHAT’S ON YOUR MIND? Sa pamamagitan ng “One Minute Essay” bubuuo ang mga mag-aaral ng

isang sanaysay tungkol sa mga sumusunod na paksa.

a. Neokolonyalismo: Mabuti o di mabuti para sa mga Asyano?b. Globalisasyon: Isang Paraan ng Neokolonyalismo?

Rubrics sa Pagsulat ng SanaysayPuntos Lebel Pamantayan: Katangian ng Isinulat na Komposisyon

10 Napakahusay Buo ang kaisipan, konsistent, kumpleto ang detalye ng kaganapan sa kasaysayan na tinalakay

Malinaw ( hindi na manghuhula pa ang babasa kung ano ang layunin ng sumulat) at nakabatay sa tunay na pangyayari

Gumamit ng wastong bantas.

8 Mahusay May kaisahan at may sapat na detalye ng kaganapan sa kasaysayan na tinalakay na nakabatay sa tunay na pangyayari

May malinaw na intensyon na makapagbihay ng mensahe na nakabatay sa kasaysayan

Gumamit ng wasong bantas6 Katamtaman Konsistent, may kaisahan, kulang sa detalye ng kaganapan sa

kasaysayan, Di-gaanong malinaw ang intensyon Gumamit ng wastong bantas

4 Mahina Hindi ganap ang paglalahad ng detalye ng kaganapan sa kasaysayan

Di-malinaw ang intensyon Hindi wasto ang bantas na ginamit

2 Napakahina Hindi buo at konsistent, walang sapat na detalye ng kaganapan sa kasaysayan

Malabo ang intensyon Di-wasto ang bantas

Naging mahusay ba ang ginawa mong essay batay sa iyong nakuhang puntos? Anong paksa ang iyong napili? Sigurado ako na malaya mong nailahad ang iyong saloobin at opinyon.Ipagpatuloy mo na muli ang iyong pag-aaral, ngayon naman ay alamin mo ang mahalagang kontribusyon ng mga babae sa pagbabagong naganap sa Asya.Handa ka na ba? Simulan mo na ang pagbabasa.

22

Page 23: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

GAWAIN BLG 10: ANG KABABAIHAN SA KASALUKUYANG ASYA

Ang ika-16 hanggang 20 siglo ay nagsilbing oportunidad sa mga kababaihan para mapalawak ang kanilang papel sa lipunan at maitaguyod ang mataas na paggalang at pagkilala. Kilalanin ang ilan sa kanila.

Pangalan Bansa Mahalagang NagawaMitsu Tanaka Japan Nagtatag ng Garrupo

Tatakan Onuatachi (Fighting Women Group) at layong tutulan ang abortion at itaguyod ang mga karapatan ng babae.

Corazon Aquino Philippines Unang babaeng pangulo ng bansa at kinikilala bilang Ina ng Demokrasya.

Aung San Suu Kyi Burma Pinuno ng National League for Democracy at Nobel Peace Laureate

Megawati Sukarnoputri Indonesia Unang babaeng pangulo ng Indonesia

Mapupuna na maraming kababaihan na ang tumanyag sa ibat-ibang larangan maliban sa mga nabanggit .Isa itong malaking tagumpay ng mga babae sa rehiyon na minsan na itinuring na di gaanong mahalaga.Itinaguyod na din ng ibat-ibang bansa sa kanilang saligang batas ang mga karapatan ng babae na layuning

23

Page 24: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

maitaguyod ito para sa kanilang kapakanan.Hindi rin matatawaran ang malaking naiambag ng mga babae sa pag-akyat ng ekonomiya ng kanilang bansa.Sa Pilipinas ang grupong Gabriela ay kilala sa pakikipaglaban sa karapatan ng mg babae. Isa ito sa party list ng Kongreso ng Pilipinas.

PAMPROSESONG TANONG1. Bakit maituturing na kahanga-hanga ang mga nagawa nang mga kababaihan

na nabanggit sa tsart?Sagot : Ang mga nabanggit na kababaihan ay nagsilbing halimbawa ng katatagan, kahusayan sa iba pang mga babae sa kanilang bansa.

2. Maituturing mo bang mahalaga sa kasalukuyang panahon ang ginagampanan ng mga kababaihan? Bakit?Sagot: OO, Sapagkat ang mga babae sa kasalukuyang panahon ay may kakayanan ng gampanan ang mga tulad na gampanin ng mga kalalakihan tungo sa pag-unlad ng kanilang bansa.

Batid mo ba ang iba’t ibang isyu na kinasasangkutan ng mga babae sa kasalukuyang panahon? Ano ang opinyon at saloobin mo ukol dito? Ipahayag mo ito sa pamamagitan ng paglahok mo sa susunod na gawain.

GAWAIN BLG 11: PUNTO DE BISTA! Pag usapan sa inyong pangkat ang mga isyu na kinakaharap ng mga kababaihan sa kasalukuyan. Gamitin ang tsart sa ibaba matapos ang talakayan.

Isyu Dapat Di-dapat Paliwanag1. Paglahok ng babae

sa pulitikal2. Pagtatrabaho ng

babae sa labas ng bansa

3. Abortion4. One Child Policy5. RH Bill

Paalala: Upang higit na maging masigla ang talakayan sa klase, maaari ring gamitin ang mga nabanggit na paksa sa porma ng debate. Maaari din na gamitin ang pamamaraang small group discussion upang matiyak na ang bawat pananaw at saloobin ay mapakikinggan. Hangarin nito na maiugnay sa aralin ang mga kontemporaryong isyu na kinasasangkutan ng mga kababaihan.

24

Page 25: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

Kamusta ang naging talakayan ninyo sa pangkat? Marahil ay masasabi mong tunay na hindi madali ang papel ng isang babae at tunay na siya ay mahalaga sa bansa. Ang pagkakaroon ng edukasyon ng mga bansa sa Asya ay masasabing isang mahalagang salik sa pagbabagong pananaw na ito sa kahalagahan ng babae sa bansa. Alamin mo sa susunod na gawain ang antas ng edukasyon ng mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya.

GAWAIN BLG 12: ANG KAHALAGAHAN NG EDUKASYON SA MGA ASYANO

Itinuturing ng maraming Asyano ang edukasyon na isa sa kanilang pangunahing pangangailangan. Naniniwala sila na ito ay isang tiyak na paraan para maiahon ang kanilang sarili buhat sa kahirapan.Sa kabilang banda, marami pa ring Asyano ang walang sapat na edukasyon kung ikukumpara sa iba pang kontinente sa daigdig ayon sa UNESCO. Tunghayan ang talahanayan kaugnay sa Illeteracy Rate Adult sa Silangan at Timos Silangang Asya

Education: Illiteracy Rate Adult (% of Females/ Male Ages 15 and above)

Bansa 1970 1980 1990 2000Silangang Asya B L B L B L B LChina 64.48 33.84 47.82 22.02 33.08 13.55 23.72 8.34Hongkong 35.29 7.88 23.76 5.98 5.63 4.65 9.83 3.46Japan                South Korea 19.89 6.26 11.07 3.15 6.56 1.61 3.59 0.86Timog Silangang Asya                Brunei 58.78 27.6 32.54 14.83 20.6 8.99 11.9 5.42Cambodia 74.4 28.88 62.31 25.05 51.9 22.16 42.89 20.22Indonesia 56.08   40.53   27.41   18  

Malaysia 54.09 29.78 37.54 19.87 25.52 13.05 16.56 8.57Myanmar 43.39 16.68 34.11 14.53 25.69 12.62 19.47 11.05Philippines 18.29 14.59 12.09 10.06 8.12 7.06 4.87 4.54Thailand 27.29 11.99 17.37 7.5 10.51 4.64 6.12 2.85Singapore 40.46 14.1 26.19 8.67 16.73 5.51 11.62 3.73Vietnam 27.63 8.93 19.2 6.68 13.1 5.51 8.62 4.46

Legend: B – babae L - lalaki

Marahil ay nagtataka ka kung bakit wala sa tahanayan sa Silangang Asya ang Japan. Ito ay sa kadahilanang halos lahat ng mamamayan dito ay nakababasa

25

Page 26: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

at nakasusulat na siyang naging instrument nito sa pag-unlad.Para palalimin pa ang iyong kaalaman dito, basahin ang Batayang Aklat, Asya Pag usbong ng Kabihasnan, mga pahina 368-376.

PAMPROSESONG TANONG

1. Aling bansa sa Silangang Asya at Timog Silangang Asya ang may pinakamataas na illiteracy rate?Sagot: Ang China ang may pinakamataas na illiteracy rate sa Silangan Asya, babae man o lalaki. Ang bansang Indonesia ang katumbas ng China sa rehiyon ng Timog Silangan Asya.

2. Aling bansa sa Silangang Asya at Timog Silangang Asya ang may pinakamababa na illiteracy rate?Sagot: Maliban sa Japan,ang bansang South Korea ang nagtataglay ng pinakamababang illiteracy rate.Sa Timog Silangan Asya ang ating bansa ang may pinakamababang illiteracy rate para sa kababaihan.Sa mga kalalakihan naman ang bansang Singapore ang may pinakamababa sa rehiyon.

3. Anong konklusyon ang mahihinuha mula sa talahanayang sinuri?Posibleng Sagot: Ang mamamayan sa Silangan at Timog Silangan Asya mula 1970 – 2000 ay patuloy na bumababa ang ilIiteracy rate. Pinatutunayan nito na tumataas naman ang bilang ng literate rate o mga nakababasa at nakasusulat, indikasyon ng pagkakaroon ng pormal na edukasyon.

4. Paano nakaaapekto sa mga bansang nabanggit ang pagkakaroon ng mataas na illiteracy rate? o mababang illiteracy rate?Ipaliwanag.

Sagot: Ang pagkakaroon ng mataas na illiteracy rate ng isang bansa ay maaaring makasagabal sa paghahangad nitong umunlad. Ito ay sapagkat limitado ang maaaring maging partisipasyon ng mga mamamayang iyon tungo sa pag-unlad ng bansa. Samantala, ang mga bansa naman na may mababang illiteracy rate ay malaki ang tsansa na maging mabilis ang pagsulong ng kabuhayan nito. Magiging kapakipakinabang sa loob at labas ng bansa ang mga mamamayan nito na may pinag-aralan sapagkat mas malaki ang oportunidad na makahanap ng maayos na trabaho.Mapupuna sa talahanayan, ang mga bansang mababa ang illiteracy rate ay ang mga bansa rin na may mataas na antas ng pamumuhay at matatag na ekonomiya.

5. Ano ang mga mungkahi mong solusyon para mabawasan ang di marunong bumasa at sumulat sa ating bansa? Ipaliwanag ito.Posibleng Sagot: Pagbibigay prayoridad ng pamahalaan sa mga suliraning kinakaharap ng sektor ng edukasyon. Mahigpit na pagpapairal sa itinatadhana ng saligang batas kaugnay sa probisyon nito tungkol sa edukasyon at ang karapatang makapag-aral ng bawat kabataang Pilipino.

26

Page 27: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

GAWAIN BLG 13: ASK ME WHY? Sa pamamagitan ng pamamaraang Debate, pag-usapan sa klase ang isyu na:

“Ang Edukasyon ay Susi sa Kaunlaran ng isang Bansa”

Rubrics for Debate

Pamantayan Napakahusay(3 puntos)

Mahusay(2 puntos)

Nagsisimula (1 punto)

Posisyong pinili20%

Natukoy nang malinaw ang kalabasan ng posiyong pinili

Natukoy ang posisyon subalit may ilang kalalabasang posisyon ang hindi malinaw

Hindi malinaw ang posisyon

Batayan ng mga pahayag25%

Ibinatay sa datos ng kasaysayan.

Ibinatay sa kultura, kinagisnang paniniwala o instinct

Ibinatay sa nararamdaman o emosyon

Kaugnayan ng mga pahayag sa paksa30%

Ang mga pahayag ay nagpapamalas ng lubos na pagkaunawa sa posisyon o argument

May ilang pahayag na walang kaugnayan sa paksa

Ang mga pahayag ay napapamalas ng walang pagkaunawa sa paksa

Paninnindigan sa posisyong pinili25%

Matatag ang paninindigan sa posisyong pinili

May kaunting agam-agam sa posisyong pinili

Hindi napanindigan ang posisyong pinili

Maliban sa edukasyon, ang relihiyon ay may mahalagang ginampanan din sa pagbabagong naganap sa Asya, alamin mo ito sa susunod na gawain.

GAWAIN BLG 14: ANG RELIHIYON SA ASYA SA IBAT IBANG ASPETO NG PAMUMUHAY

Sa Silangang Asya ay nananatiling matatag ang Buddhism, Shintoism, Confucianism, at Taoism bilang relihiyon. Samantala sa Timog Silangang Asya ang Islam at Kristiyanismo ay mababakas pa rin. Sa paglipas ng panahon, napatatag ng mga relihiyong ito ang pamilyang Asyano. Sa ilang pagkakataon ito ay sanhi rin ng pagbubuklod tungo sa pagbabagong pampulitika. Sa Pilipinas noong 1986 ay nagtagumpay ang mga pari at madre na bigkisin ang sambayanang Pilipino upang

27

Page 28: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

maipakilala sa daigdig ay isang mapayapang rebolusyon. Ang EDSA People Power Revolution ay ang sanhi ng pagpapatalsik kay dating Pang.Marcos. Bagamat sa ilang pagkakataon ang di pagkakaunawaan sa ilang bansa ay nag-uugat din sa aspektong panrelihiyon tulad ng sa Mindanao at East Timor.

PAMPROSESONG TANONG

1. Ano-ano ang mga relihiyong umiiral sa Silangan sa Silangan at Timog Silangang Asya?

Sagot: Ang mga relihiyon sa Silangang Asya ay ang Buddhism, Shintoism, Confucianism, at Taoism samantalang sa Timog Silangang Asya ang Islam at Kristiyanismo.2. Bakit itinuturing na mahalaga ang relihiyon sa aspeto ng pamumuhay sa

mga Asyano?Sagot: Mahalaga ito sapagkat nagsisilbing gabay ng mga mamamayan at maging ng pamahalaan sa mahahalagang pagpapasya na gagawin ng mga ito.

3. Naniniwala ka ba na nanatiling makapangyarihan ang simbahang Katoliko sa Pilipinas? Patunayan.

Sagot: OO,sapagkat may mga usapin sa pamamahala na patuloy na naiimpluwensiyahan ng simbahan halimbawa nito ay ang RH Bill.

GAWAIN BLG 15: WHAT’S YOUR STAND? YES OR NO CARD. Itataas ang YES card ng mga mag-aaral kung sumasang-ayon sila sa pahayag at NO card kung tutol sila dito.Ipapaliwanag nila ang kanilang sagot.

OO HINDI PALIWANAG1. Pagkakaroon ng opisyal na

relihiyon ng isang bansa.2. Panghihimasok ng simbahan sa

gawaing pulitikal3. Paglahok sa halalan ng mga alagad

ng simbahan4. Pagganap sa mga gawaing

pansibiko ng simbahan5. Pagpapahintulot sa mga babae na

mamuno sa simbahan.

Paalala: Sa gawaing ito ay walang maling kasagutan. Hangarin nito na maiugnay ang tinalakay na aralin sa mga kontemporaryong isyu kaugnay sa gampanin ng simbahan o relihiyon sa pamumuhay ng tao at bansa sa kabuuan. Ang pamamaraang Debate, Small Group Discussion, pagsulat ng essay ay maaari ding isagawa para sa pagtalakay ng mga nabanggit na isyu.

28

Page 29: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

Tunay na malaki ang ginampanan ng relihiyon sa paghubog ng buhay sa Asya. Hindi lamang ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig ang naiambag ng Asya kundi maging ang mga katangi-tangi nitong mga mamamayan. Kikilanin mo ang ilan sa mga asyanong hinangaan sa daigdig, ipagpatuloy mo ang gawain.

GAWAIN BLG 16: PAMANA SA SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA SA DAIGDIG

Ang Silangan at Timog Silangang Asya ay binigyan ng mga mahuhusay na mamamayang nakilala sa ibat-ibang dako ng daigdig. Hinahangaan ang kanilang husay at galing sa larangan ng isports at panitikan. Ang ilan sa kanila ay makikita sa talahanayan

Kontribusyon Bansa Larangan1. Lydia De Vega –Mercado Philippines Athletics2. Paeng Nepomuceno Philippines Bowling3. Efren “Bata” Reyes Philippines Billiards4. Manny Pacquiao Philippines Boxing5. Viswanathan Anaud India Chess6. Yao Ming China Basketball7. Jung Koo Chang Korea Boxing8. Murashaki Shikibu Japan Panitikan9. Gao Xingjian China Panitikan

Pamana din ng Silangan at Timog Silangang Asya ang orkestrang Gamelan sa Indonesia, ang dulang Noh at Kabuki ng Japan. Ang mga ito ay lalong nagpatanyag sa rehiyon ng Asya sa daigdig. Pinatunayan ng mga ito ang pagiging malikhain ng mga Asyano.

Kahanga-hanga sila di ba? Tulad nila kaya mo ring magtagumpay kung paghuhusayan mo pa ang iyong pag-aaral at patuloy mong tutuklasin ang iyong kakayanan. Tignan natin kung paano mo mailalahad ang iyong pagmamalaki bilang isang Asyano.

29

Page 30: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

GAWAIN BLG 17: PROUD TO BE ASIAN! Kaugnay sa mga naunawaan mong ambag ng Silangan at Timog Silangang

Asya sa kabihasnan, buuin ang talata sa pamamagitan ng paglalagay ng mga salitang bubuo sa diwa nito.

Ang Silangan at Timog Silangang Asya ay__________________________ sa daigdig____________________na dapat nitong____________________________. Pinatunayan ng mga mamamayan sa rehiyong ito ng Asya na ________________. Bilang kabataan ng kasalukuyang henerasyon nais kong _______________ upang patuloy na ____________ ang Silangan at Timog Silangang Asya sa daigdig. Magagawa kong ______________ ang mga ambag na ito ng Silangan at Timog Silangang Asya sa pamamagitan ng _______________________.Posibleng Sagot: Ang Silangan at Timog Silangan Asya ay nakilala sa daigdig dahil sa naiambag nito sa kabihasnan na dapat nitong ipagmalaki. Pinatunayan ng mga mamamayan sa rehiyong ito ng Asya na may kakayanan silang makipagsabayan o manaig sa daigdig sa anumang larangan. Bilang kabataan ng kasalukuyang henerasyon nais kong maipagmalaki ang mga natatanging ambag na ito ng mga Asyano sa rehiyon upang patuloy na hangaan at tumanyag ang Silangan at Timog Silangang Asya sa daigdig. Magagawa kong mapahalagahan ang mga ambag na ito ng Silangan at Timog Silangang Asya sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aking kaalamang natamo sa iba na di lubos na nakakaalam tungkol dito. Maaari ko rin na gawing inspirasyon ang mga ito upang matuklasan at mapaghusay ko din ang aking kakayanan.

30

Bago ganap na iwanan ng mga mag-aaral ang yugtong ito ng modyul ay kanilang babalikan ang naging kasagutan sa IRF Worksheet at Poll Opinyon. Mahalagang makita, maiwasto ng mga mag-aaral ang kanilang kasagutan sa unang bahagi ng IRF.Ilalagay ng mga mag-aaral sa Revised na kolum ang kanilang kaisipang nabuo matapos ang mga gawain at paksang natalakay. Gagawin lamang ng mga mag-aaral ang pagpapalit ng sagot kung may pangangailangan. Sa Final na kolum naman ng IRF ay kanilang ilalahad ang tiyak na kasagutan sa tanong sa tulong ng mga tiyak na datos. Kapag nagawa na ng mga mag-aaral ito ay ganap nang mabubuo ang IRF Worksheet. Sa puntong iyon ay mapatutunayan kung nagkaroon ng pagkatuto ang mga mag-aaral sa mga paksang natalakay.Samantala sa Poll Opinyon na Gawain ay inaasahan na mababago ang datos ng bilang sapagkat sinagot ng mga mag-aaral ito sa panahong hindi pa ito lubos na natatalakay ang paksa kung kaya’t maaaring di pa noon tiyak ang kanilang sagot. Narito ang tamang sagot para sa Gawain 2: 1. Oo , 2. Hindi , 3. Oo , 4. Oo , 5. Oo , 6. Oo , 7. Oo. Kung ang mga mag-aaral ay nagbigay ng ibang sagot sa inaasahan nangangahulugan na may pangangailangan na ito ay dapat maiwasto.

Page 31: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

Pagnilayan at Unawain…………..

GAWAIN BLG 18: ALAM KO NA! Paghambingin mo ang mga pagababagong naganap sa Silangan at Timog Silangang Asya gamit ang Compare ang Contrast Diagram.

Kaugnay sa:PamahalaanEkonomiyaEdukasyonRelihiyon

Kontribusyon

Ibahagi sa klase ang natapos na gawain.

Posibleng Sagot: Pagkakatulad: Ang mga bansa sa Silangan at Timog Silangan ay nakaranas ng pagbabago sa uri ng pamahalaan na umiiral sa kanilang bansa matapos ang pagkamit ng kalayaan mula sa bansang nanakop sa kanila. Ang kalagayang pangkabuhayan din ng mga bansa sa dalawang rehiyon ay unti-unting umunlad bagamat ang kanilang antas ay di magkakapantay. May ilang mga bansa

31

Sa bahaging ito ng modyul ay inaasahang higit pang palalalimin at palalawakin ang kaalamang natamo ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga karagdagang Gawain na maibibigay pa sa mga ito. Ang ilan sa mga gawaing ito ay tulad ng pagsasaliksik, pagbibigay ng lektura, pag-aanyaya ng tagapagsalita na may higit na kaalaman sa paksa at marami pang iba. Ang pagbibigay ng mapaghamong katanungan sa mga mag-aaral ay dapat ding isagawa upang matiyak ang kabuuang natutuhan kaugnay sa paksa. Ang mga agam-agam ng mga mag-aaral sa yugto ng Alamin ay inaasahang nahawan na sa pagtatapos ng yugtong ito. Ang kabuuan ng paksa ay lubos nang nalinang at naunawaan ng mga mag-aaral bago magsimula sa susunod na yugto.

Paksa 1: Silangang Asya Paksa 2: Timog Silangang Asya

Paano nagkakatulad?

Paano nagkakaiba?

Page 32: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

partikular sa Silangan Asya tulad ng Japan ang nakasasabay sa pandaigdigang pamantayan kaugnay sa pag-unlad. Ang edukasyon ay isa ring prayoridad ng mga bansa sa rehiyon,masasalamin sa kasalukuyan ang pagdayo ng mga mag-aaral buhat sa isang bansa tungo sa iba pang bansa sa rehiyon para sa layuning pagkatuto. Ang relihiyong katutubo at dala ng mga kanluranin tulad ng Kristiyanismo ay nananatiling matatag at maimpluwensiya sa kani-kanilang bansa. Sa larangan ng kontribusyon sa daigdig nagpatuloy ang mga bansa sa rehiyong ito na makapagbahagi ng kanyang husay at talento.

Pagkakaiba: Pamahalaan: Ang mga bansa sa Silangan at Timog Silangang Asya ay may magkakaibang uri ng sistemang pulitikal na pinaiiral bagamat sila ay nasa iisang rehiyon. Ito ay kanilang ibinatay sa karanasang politikal sa nakaraan at kasalukuyan.Malaki din ang ginampanan sa pagbabagong ito ng kagustuhan ng tao sa kanilang bansa.

Ekonomiya: Ang mga bansa sa Silangan Asya ay higit na mas maunlad kaysa sa mga bansa sa Timog Silangang Asya. Ang usaping politikal, kultural, pangkapayapaan ay ilan lamang sa mga salik kung bakit napag-iwanan ang mga bansa sa Timog Silangan Asya kumpara sa kabilang rehiyon.

Edukasyon: Ang edukasyon sa Silangan Asya ay higit na mas mataas ang antas ng kaalaman kumpara sa mga bansa sa Timog Silangan Asya.Ang katatagan ng kalagayang pangkabuhayan ay nakaaapekto sa pagsulong ng edukasyon sa rehiyon. Mapupuna na ang mga maunlad na bansa ay ang siya ring may mataas na kamuwangan sapagkat natutugunan ng mga ito ang pangangasilangan ng kanilang mga mamamayan.

Relihiyon: Ang Silangang Asya ay patuloy na nanatiling tumangkilik sa mga relihiyong nag-ugat sa dito tulad ng Buddhism, Confucianism, Shintoism, Taoism. Sa Timog Silangang Asya ay nanatiling maimpluwensiya ang Buddhism, Islam at Katolisismo. Ang dalawang huli ay hatid ng pakikipagkalakalan at kolonyalismo.Kontribusyon sa Daigdig: Ang rehiyon ng Silangan at Timog Silangan Asya ay nakapag-ambag husay at talento sa iba’t ibang larangan tulad sining, palakasan at humanidades.

Napakarami mo ng natutuhan mulsa mga aralin at gawain sa mga naunang pahina. Sigurado ako na marami kang bagong natuklasan tungkol sa Silangan at Timog Silangang Asya,sa susunod na gawain muling susubukin ang mga natutuhan mong ito,ipagpatuloy mo ang pagsagot

32

Page 33: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

GAWAIN BLG 19: TUKLASIN MO!

1. Kilalanin ang mga personalidad na tumanyag sa Silangan at Timog Silangang Asya bunsod sa mga pagbabagong naganap dito mula sa tradisyunal at makabagong panahon sa pamamagitan ng pagsasaliksik. Ang iba’t ibang aklat,babasahin at internet websites ay maaaring isaalang-alang sa gawaing ito.

2. Pumili ng graphic organizer na iyong magagamit upang maipakita ang mahahalagang detalye ng iyong sinaliksik.

3. Ibahagi ito sa klase bago ganap na isumite sa guro

Paalala: Hangarin ng gawaing ito na mahasa ang kakayanan ng mga mag-aaral sa pangangalap ng datos sa pamamaraang pasaliksik.Gayundin,hangad nito na higit pang madagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral sa paksa na hindi lubusang naipakita sa teksto ng modyul at maging batayang aklat.

PAMPROSESONG TANONG

1. Bakit tumanyag ang mga nabanggit na personalidad?Posibleng Sagot: (depende sa nasaliksik ng mag-aaral) Tumanyagt ang mga nasabing personalidad sapagkat kinilala sila sa asya at daigdig bunsod ng kanilang ipinakitang kakayahan at pagmamahal sa bayan.2. Paano mo tutularan ang mga nagawa nila ?Posibleng Sagot: Matutularan ko sila sa pamamagitan ng pagpapabuti ko sa aking pag-aaral at patuloy na paghasa sa aking natatanging kakayahan.3. Nakatulong ba sila sa pagbabagong naganap sa Asya? Patunayan.Posibleng Sagot: Sa palagay ko ay oo, sapagkat dahil sa kanila ay nabago ang imahe ng Asya sa daigdig. Nagsilbi rin silang malaking inspirasyon sa Asya at daigdig upang tularan ng marami.

33

Dito nagtatapos ang yugto ng Pagnilayan at Unawain.Sa puntong ito inaasahan na natalakay at naunawaan na ng mga mag-aaral ang paksa at sagot sa pangunahing tanong na bubuod sa kabuuan ng aralin. Handa na ang mga mag-aaral na sagutin at isagawa huling bahagi ng modyul ay ang Ilipat at Isabuhay. Good Luck!

Page 34: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

Ilipat at isabuhay…….

Ilalahad sa mga mag-aaral ang sitwasyong ito:

Bunsod ng iba’t ibang suliraning kinakaharap sa Silangang Asya at Timog – Silangang Asya nagpasya ang mga bansang bumubuo dito na magdaos ng isang kumperensiya upang talakayin ang mga naturang suliranin. Bilang isang kinatawan ikaw ay inaasahang makapagbigay ng mga mungkahi kung paano lulutasin ang mga nasabing suliranin. Ang iyong mga mungkahi ay ilalahad sa mga iba pang kinatawan ng kumperensiya sa pamamagitan ng power point presentation. Ang iyong mungkahi ay mamarkahan batay sa mga sumusunod na pamantayan: kaalaman sa paksa, pinaghalawan ng datos, organisasyon, presentasyon, kaangkupan ng mungkahi.

Goal: Talakayin ang mga suliranin ng kinakaharap ng Silangan at Timog – Silangang Asya

Role: Kinatawan ng isang bansa

Audience: Iba’t ibang kinatawan mula sa ibang bansa ng dalawang rehiyon

Situation: May mga suliraning kinakaharap ang mga bansa sa Silangan at Timog – Silangang Asya na kailangang mabigyan ng agarang solusyon

Performance: Makapaglahad ng proposal sa pamamagitan ng powerpoint presentation

Standards: Kaalaman sa paksa, pinaghalawan ng datos, organisasyon, presentasyon, kaangkupan ng mungkahi

Kriterya 4 3 2 1Kaalaman sa Paksa

Higit na nauunawaan ang mga paksa. Ang mga

Nauuwanaan ang paksa ang mga pangunahing kaalaman ay

Hindi gaanong maunawaan ang paksa. Hindi lahat ng pangunahing

Hindi maunawaan ang paksa ang mga pangunahing

34

Ito ang huling bahagi ng modyul. Sa yugtong ito ng modyul ay inaasahan ang mga mag-aaral na makapagsasagawa ng isang perpormans o makagagawa ng isang produkto na magpapamalas ng kanilang natutuhan sa buong modyul. Sa gawaing ito ay masusukat ang tinamong kaalaman ng mga mag-aaral sa mga nakaraang modyul.Gagamit ng rubrics sa pagmamarka ng gawa ng mga mag-aaral. Ang pamamaraang GRASPS ay ginamit sa bahaging ito.

Page 35: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

panguhaning kaalaman ay nailahad at naibigay ang kahalagahan, wasto at magkaka-ugnay ang mga impormasyon sa kabuuan.

nailahad ngunit di-wastoang ilan: may ilang impormasyon na hindi maliwanag ang pagkakalahad.

kaalaman ay nailahad may mga maling impormasyon at hindi naiugnay ang mga ito sa kabuuang paksa.

kaalaman ay hindi nailahad at natalakay at walang kaugnayan ang mga pangunahing impormasyon sa kabuuang Gawain.

Pinaghalawan ng Datos

Binatay sa iba’t ibang saligan ang mga kaalaman tulad ng mga aklat, pahayagan, video clips, interview, radio at iba pa.

Ibinatay sa iba’t ibang saligan ang mga impormasyon ngunit limitado lamang.

Ibinatay lamang ang saligan ng impormasyon sa batayang aklat lamang.

Walang batayang pinagkunan at ang mga impormasyon ay gawa-gawa lamang.

Organisasyon Organisado ang mga paksa at sa kabuuan maayos ang presentasyon ng Gawain ang pinag-sama-samang ideya ay malinaw na naipapahayag at natatalakay gamit ang mga makabuluhang powerpoint presentation.

Organisado ang mga paksa sa kabuuan at maayos na presentaasyon ngunit di masyado nagamit ng maayos ang powerpoint presentation.

Walang interaksyon at ugnayan sa mga kasapi. Walang malinaw na presentasyon ng mga paksa. May powerpoint presentation ngunit hindi nagamit at nagsilbi lamang na palamuti sa pisara?

Di organisado ang paksa. Malinaw na walang preperasyon ang paksa.

Presentasyon Maayos ang pagkakalahad. Namumukod tangi ang pamamaraan, malalakas at malinaw ang pagsasalita

Maayos ang paglalahad. May ilang kinakabahan at may kahinaan ang tinig.

Simple at maikli ang presentasyon.

Ang paglalahad ay hindi malinaw. Walang gaanong presentasyon.

35

Page 36: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

sapat para marinig at maintindihan ng lahat.

Kaangkupan ng Mungkahi

Ang mga mungkahi ay naaangkop sa iba’t ibang bansa at sensitibo sa lahat ng antas ng lipunan

Ang mga mungkahi ay naaangkop sa iba’t ibang bansa

May ilang mungkahi na hindi naaangkop sa ibang bansa

Maraming mga mungkahi ang hindi angkop sa ibang bansa

36

Page 37: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

GlosariDemokrasya Taglay ng sambayanan ang kapangyarihan ; May representasyon

ang ibat ibang sektor ng lipunan sa pamahalaan ; May kalayaan sa pagpapahayag at pagbuo ng mga samahan ; Nagtataglay at kinikilala ang karapatang pantao at katarungang panlipunan ; May mga legal na partido ng oposisyon ; Kinikilala ang proseso ng pamamaraan sa pagpapairal ng hustisya.

Economic Crisis Suliraning pangkabuhayan na naranasan sa Silangan at Timog Silangan Asya noong 1997

Economic Miracle Tumutukoy sa mabilis na industriyalisasyon natamo sa mga bansang Singapore, South Korea, Hongkong at Taiwan

Gabriela Party List sa Pilipinas na nagtataguyod ng karapatan ng mga babae

Garuppo Tatakan Onuatachi

Itinatag ni Mitsu Tanaka ng Japan na layuning tutulan ang abortion at itaguyod ang karapatan ng mga kababaihan

Illeteracy Rate Bilang ng mga di marunong bumasa at sumulat sa isang bansa o lugar

Konstitusyonal May takda ang kapangyarihan ng pinuno na nakabatay sa isang Saligang Batas ; Figure Head o simbolikong pinuno lamang ang monarka

Militar Pinangangasiwaan ng isang junta o pangkat ng matataas na opisyal ng hukbong sandatahan ; Pinaiiral bilang tugon sa kaguluhang putikal sa bansa ; Walang pinapanigan at di-kaanib sa anumang partidong pulitikal

Monarkiya Pamumuno ng isang tao sa partikular na estado ; Minana ang karapatan sa pamumuno

Neokolonyalismo Di-tuwirang pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang makapangyarihang bansa

One Party Government

Nag-iisang partidong pulitikal ang may kapangyarihan na bubuo sa pamahalaan ; Pumapailalim sa isang nangungunang partido ang iba pang partido kung sakaling ito at ay papahintulutan ng una ; Ipinagbabawal ang oposisyon sa naghaharing partido ; Diktaturyal ang pamahalaan

Pagbabago Tumutukoy sa transpormasyong naganap sa rehiyong ng Silangan at Timog Silangang Asya sa larangan ng Pamahalaan, Ekonomiya, Karapatan at Kababaihan, Edukasyon, Relihiyon, at maging kontribusyon sa kabihasnan

Pamana Ambag o kontribusyon ng isang bansa o lahi sa sangkatauhanPer Capita GDP Tumutukoy sa tiyak nakita ng isang mamamayan sa isang bansa Relihiyon Pananampalataya o ispiritwal na paniniwala ng isang tao Sistemang Politikal Patungkol sa uri ng pamahalaan, ideolohiyang pinaniniwalaan

kaugnay sa pamamahala ng isang bansaWalang Takda o Nagtataglay ng panlahatang kapangyarihan ; May pagkilala sa

37

Page 38: Gr 8 4th aralin 4 march 25 tg

Absolute pinuno na nagtataglay ng divine right o mula sa pamumuno na mula sa Diyos

38