48
Mga Kontemporaryo ng Isyu

GRADE10 ARALIN 1 : DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT

Embed Size (px)

Citation preview

MgaKontemporaryo

ng Isyu

Ano nga ba ang“Kontemporaryong Isyu”?

• Ang contemporary o kontemporaryo ay nagmula sa

salitang

• com+tempor

• na nangangahulugang current o napapanahon.

• Kapag sinabing kontemporaryong isyu, ito ay tumutukoy

sa mga isyu na nangyayari sa kasalukuyan o tumutukoy

sa mga napapanahong isyu.

• Sa madaling sabi, ito ng pinakapinag-uusapan sa ating

lipunan ngayon.

BAKIT NGA BA MAHALGA ANG

PAG-AARAL NG KONTEMPOARYONG ISYU

• Kaliwa’t kanan ang mga isyu na nahaharap ng ating lipunan

ngayon kaya dulot nito’y nahihirapan ang mga iba’t ibang sektor

ng pamahalaan sa pagsolusyon sa bawat isa. At bilang isang

mamamayan ng ating bansa, naaapektuhan tayo sa mga isyung ito

gustuhin man natin o hindi. Sa pang-araw-araw nating

pamumuhay, hindi maiiwasang malaman natin ang mga nangyayari

sa mundo kung kaya’t kailangan rin nating maging isang aktibong

mamamayan na may pakinabang sa ating inang bayan.

• Gamitin natin ang kontemporaryong isyu upang makatulong sa

kung ano man ang dapat paunlarin

ARALIN I

Activity

Basahin ang mga sumusunod na

sitwasyon. Iarte ang mga dapat gawin sa

bawat sitwasyon.

Group 1• Malakas ang buhos ng

ulan sa boung

magdamag. Patuloy na

tumataas ang antas ng

tubig baha sa mga kanal

at kalsada na malapit sa

inyong tahanan.

Group 2• Malakas ang ihip ng

hangin. Lalo ang

ikinakalat ng hangin ang

apoy na nagmumula sa

nasusunog na bahay sa

kabilang kalsada. Isa-isa

nang lumilikas ang mga

tao sa mga tahanan

Group 3• Nabalitaan mong tatama

bukas sa inyong lugar

ang supertyphoon, ngunit

ang iyong mga magulang

ay nasa ibang bansa pa

at sa susunod na linggo

pa babalik.

Group 4• Natapos na ang malakas

na pagyanig ng paligid.

Muling naging mapayapa

ang lupa mula sa

kinatatayuan mong lugar

sa loob ng gusali.

Disaster o Sakuna

Ay isang biglangpangyayari na may

malubha at malawakangnegatibong epekto sa tao

at kapaligiran

Disaster o Sakuna

Ito rin ay mgapangyayaring maaring

makasira o makasama samga tao o sa ibang bagay

sa daigdig

Disaster o Sakuna

Hindi ito maiiwasan dahilkung tutuusin ay natural lamang na mangyari ang

mga ito.

Ilang halimbawa sa mgaito ay…

•Lindol

•Bagyo

•Storm Surge

•Pagbaha

•Matindingtagtuyot

Walang kakayahan ang tao na pigilan ang mga

sakuna, subalit maaring paghandaan ang mga

epekto.

Ang tawag sa paghahanda ng mga pamahalaan

para sa sakuna ay

“ DISASTER RISK REDUCTION

MANAGEMENT “

O

DRRM

Ang DRRM ay isinasagawa sa lokal,

pambansa, rehiyunal at pandaigdigang saklaw.

Iba ‘t – ibang Uri ng Sakuna

Bagyo• Ang TYPHOON o BAGYO

ay isang ganap na

TROPICAL CYCLONE na

nabubuo sa Karagatang

Pasipiko

• Ang Pilipinas ang bansang pinakamadalas tamaan ng

bagyo dahil ito ay nasa NORTH WEST PACIFIC

TROPICAL CYCLONE BASIN.

• At ito ang pinakaaktibong sa pitong tropical basin sa sa

daigdig.

• 20 hanggang 26 ng bagyo ang pumasok na PHILIPPINE

AREA OF RESPONSIBILITY taon –taon.

• PHILIPPINE ATMOSPHERIC, GEOPHYSICAL and

ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

(PHIVOLCS) – naatasang magbantay at mag-aral tungkol

sa mga bagyo.

• Ilan sa pinsalang dulot ng

bagyo ay pagkasira ng

mga pananim, ari-arian,

at kabahayan dulot ng

bagyo ay taon-taon

nararanasan ng bansa.

• Kung maraming tubig-

ulan na dala ng bagyo ,

nararanasan rin ang

pagbaha dulot ng pag-

apaw ng ilog.

• Sa mga lungsod na may

suliranin sa pagtatapon

ng basura, kadalasang

bumabaha dahil sa mga

nakabarang plastik sa

mga kanal at estero.

• Minsan ang problema sa baha ay

dulot rin ng tao. Sa mga lungsod,

isang pangunahing suliranin ang

kawalan ng epektibong urban

planning kung saan

pinaghahandaan at

pinagplaplanahuhan ang kaayusan

at pisikal na disenyo ng isang

lungsod,

Lindol• Ito ay paggalaw ng lupa

dulot ng pagkikiskisan ng

TECTONIC PLATE.

• Karaniwang nagiging

EPICENTER ng lindol ang

mga FAULT LINES, kung

saan nagsasalubong ang

dalawang

magkasalunggat na

tectonic plates.

• Nakakaranas ng mas malakas na lindol sa mga

epicenter kaya itinuturing geohazard ang mga

lugar na malapit sa fault lines.

• Ang pagsabog ng bulkan ay isa ring sanhi ng

paglindol.

• PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY

AND SEISMOLOGY o PHILVOLCS – ang

nagmomonitor sa mga lindol at pagsabog ng

bulkan sa bansa.

• Mayroong sampung (10) sukat ang lakas ng lindol

kung saan INTENSITY 1 ang pinakamahina at

INTENSITY 10 ang pinakamalakas

Pagsabog ng Bulkan• Ito ay likas na

pangyayari na

maaring maging

sakuna kung ito

magkakaroon ng

malawak at

negatibong epekto

sa mga tao.

3 pangunahing salik upang

sumabog ang bulkan• BOUYANCY NG MAGMA o pagiging magaan nito ayon

sa kanyang volume kaya ito umaakyat palabas sa

bulkan.

• ANG TINDI NG PRESYON MULA SA MGA VOLCANIC

GASES.

• PAGKAKAIPON NG LAHAT NG ITO SA LOOB NG

MAGMA CHAMBER.

• Ang pagsabog ng bulkan ay maaring

makapinsala sa mga pananim at

kabahayan dulot ng PYROCLASTIC

FLOW at lindol na kasaby ng

pagsabog nito. Maaring

makapinsala ang malalaking bato

na inilalabas ng bulkan.

• Ang pinakamalubhang

pagsabog ng bulkan sa

kasaysayan ay ang

pagsabog ng Bulkang

Pinatubo sa Zambales

noong 1991 at naging

malawak ang pinsalang

idinulot nito.

• Umabot sa Brunei,

Cambodia, Malaysia,

Singapore at Vietnam ang

abong ibnuga nito.

• Ilang araw matapos ang

pagsabog ng Pinatubo ay

tumama naman ang isang

malakas na bagyo.

Maraming bayan sa

Pampanga ang

natabunan ng abo dahil

sa pag agos ng lahar.

• LAHAR ay pinaghalong

abo mulasa pagsabog ng

bulkan, bato at putik na

rumaragasa dala ng ulan

o bagyo.

TSUNAMI• Isang uri ng sakuna na

nangyayari sa katubigan.

• Ang madalas na sanhi

nito ay mga lindol, lalo na

ang lindol na nangyayari

sa ilalim ng tubig

• Ang lindol sa sea floor ay

nakkagawa ng malaki at

matataas na alon, At ito

ay nagiging mataas na

halos kaya nitong sirain

ang ilang bayan o bansa.

SUNOG• Isa sa pinakamadalas na

sakunang nagaganap saPilipinas dulot ng iba’t-ibang salik.

• Ito ay nagiging sakunalamang kung ito ay makakaapekto samaraming tao o malawakna kapaligiran.

3 madalas pagmulan ng sunog

• Pangunahing sanhi

ng sunog ay

OVERLOADING

sa saksakan ng

outlet, at short

circuit.

ELECTRICAL

• Dapat iwasan angpagkakabit ng labis naappliances o gadget saiisang outlet dahil dadaloyrito ang labis nakuryenteng hindi kayangtugunan ng outlet o extension cord kaya itoumiinit at nasusunog.

• Iwasan ring mabasa angmga appliances, gadget at oultet upang hindimagkaroon ng short circuit.

• Nakaligtaang sinaing o

lutuin.

• Wag iwanan at laging

bantayan ang lutuin.

• Pagtagas ng gas mula sa

LPG

• Madalas pagmulan ng

sunog sa bansa, dahil

madami ang

tumatangkilik.

• Hindi dapat itiatabi ang

kandila sa mga bagay na

madaling magliyab at

dapat laging may bantay.

• Hindi dapat basta-

bastang itinatapon ang

sigarilyong may sindi

MITIGATION• Ay ang mga kilos o

hakbang na naglalayong

bawasan ang mga

elementong

nakapagpapalala sa

negatibong epekto ng

sakuna

ADAPTATION• Ay mg kilos o hakbang na

ginagawa upang

maaangkop ang mga tao

sa mga negatibong

epekto ng sakuna.

Ayon sa United Nations International Strategy for Disaster

Reduction, ang pinakamahalagang paraan upang

makatugon sa mga sakuna ay ang kooperasyon ng lahat ng

mga bansa.

Ang pagpupulong at pagpaplano ng mga bansa ay dapat

hindi magtutunggali sa isa’t-isa upang maging maayos ang

pangkalahatang pagtugon sa mga sakuna.

DRRM sa Pilipinas• Noong 2010 binuo ang DRRM sa administrasyong

Macapagal-Arroyo.

• Naatasang ang ahensyang ito na mamahala sa mga

hakbangin upang tumugon sa mga sakuna lalong-lalo na

sa pagtatapos nito.

• Ang mga miyembro nito ay ang Pangulo ng bansa,

gabinete at mga lokal na opisyales.

Tungkulin ng Mamamayan

• Pagkakaroon ng kaalaman at handa sa maarng

mangyari sa tuwing mayroong mga sakuna.

• Pagtulong ng mga ordinaryong mamamayan sa pagtuturo

sa ibang taong kulang sa kaalaman upang sila rin ay

matuto.

• Sa panahon ng sakuna ay huwag mag-aatubiling

tumulong kung kaya naman natin.

Pangkatang Gawain• Bumuo ng sariling plano tungkol sa dapat gawain sa

pagsapit ng mga sakuna

• Unang pangkat - Lindol

• Ikalawang pangkat - Tsunami

• Ikatatlong pangkat - Sunog

• Ikaapat na pangkat - Pagbaha

REFFERENCE• MGA KONTEMPORARYONG ISYU, page 2-16

The Library Publishing House,Inc.