5
I. Panimula A. Panukalang Pahayag Ang Nursing, Hotel and Restaurant Management, Tourism, Engineering at Information Technology ay ang limang pangunahing kursong pinipili ng mga Pilipinong estudyanteng nasa ikaapat na baitang sa matataas na paaralan sa Maynila sa panahong ito. B. Introduksyon o Paglalahad ng mga Suliranin Ang paksang ito ay tumatalakay sa limang pangunahing kursong pinipili ng mga Pilipinong estudyante sa Maynila para sa kolehiyo sa panahong ito. Bakit nga ba ito ang kadalasang mga kurso na pinipili ng mga Pilipinong estudyante sa Maynila? Ano ba ang mga iniaalok ng mga kursong ito? Paano nga ba pumipili ang mga estudyanteng ito ng kursong kanilang kukunin sa kolehiyo? Ano ang kanilang mga basehan sa pagpili? Maaaring isa sa mga dahilan dito ang malaking sweldong nakukuha sa mga propesiyong ito. Ang pagiging “in demand” ng mga ganitong propesiyon ay maaaring isa sa mga batayan ng mga estudyante sa pagpili ng kurso. Paramasmatukoy ang mga sagot sa mga katanungang ito, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng masusing pag-aaral ukol dito. Ang pagdami ng mga estudyante sa kolehiyo sa mga kursong Nursing, Tourism, Hotel and Restaurant Management, Information Technology at Enigneering ang nag- udyok sa mga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral ukol dito. Nais din nilang madagdagan at ma-update ang mga naunang pag-aaral tungkol dito. C. Rebyu o Pag-aaral Source: http://rockyrivera.wordpress.com/2008/11/26/ano-ang-matibay-na-gawing- basehan-sa-pagpili-ng-kurso-sa-kolehiyo/ Ayon sa manunulat, hindi matibay na batayan sa pagpili ng kursong kukunin sa kolehiyo ang malaking sweldo sa propesyon na tatahakin. Wika niya, “Piliin mo ang kursong kunektado sa iyong interes, paboritong libangan o hilig. Maaaring narinig niyo na ang payong ito, pero sa totoo lang ay ito ang matibay na basehan at tamang paraan sa pagpili ng kurso at upang maiwasan mong magsisi sa huli ayon sa aking karanasan at obserbasyon.” D. Layunin Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga pangunahing kurso sa panahong ito ang pinipili ng mga estudyante sa Maynila. Ang mga mananaliksik ay nagnanais na maging maganda ang pundasyon ng mga susunod na pananaliksik na naglalayong palawakin ang pag-aaral tungkol sa mga kursong pinipili ng mga estudyante sa Maynila. Layunin din ng pananaliksik na ito na makatulong sa madaling pagpili ng mga susunod pang henerasyon ng mga estudyante ng kursong nararapat para sa kanila. E. Halaga

Pananaliksik hrm nursing

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pananaliksik hrm nursing

I. PanimulaA. Panukalang Pahayag

Ang Nursing, Hotel and Restaurant Management, Tourism, Engineering at Information Technology ay ang limang pangunahing kursong pinipili ng mga Pilipinong estudyanteng nasa ikaapat na baitang sa matataas na paaralan sa Maynila sa panahong ito.

B. Introduksyon o Paglalahad ng mga SuliraninAng paksang ito ay tumatalakay sa limang pangunahing kursong pinipili ng mga Pilipinong

estudyante sa Maynila para sa kolehiyo sa panahong ito. Bakit nga ba ito ang kadalasang mga kurso na pinipili ng mga Pilipinong estudyante sa Maynila? Ano ba ang mga iniaalok ng mga kursong ito? Paano nga ba pumipili ang mga estudyanteng ito ng kursong kanilang kukunin sa kolehiyo? Ano ang kanilang mga basehan sa pagpili? Maaaring isa sa mga dahilan dito ang malaking sweldong nakukuha sa mga propesiyong ito. Ang pagiging “in demand” ng mga ganitong propesiyon ay maaaring isa sa mga batayan ng mga estudyante sa pagpili ng kurso. Paramasmatukoy ang mga sagot sa mga katanungang ito, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng masusing pag-aaral ukol dito. Ang pagdami ng mga estudyante sa kolehiyo sa mga kursong Nursing, Tourism, Hotel and Restaurant Management, Information Technology at Enigneering ang nag-udyok sa mga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral ukol dito. Nais din nilang madagdagan at ma-update ang mga naunang pag-aaral tungkol dito.

C. Rebyu o Pag-aaral             Source:  

http://rockyrivera.wordpress.com/2008/11/26/ano-ang-matibay-na-gawing-basehan-sa-pagpili-ng-kurso-sa-kolehiyo/

Ayon sa manunulat, hindi matibay na batayan sa pagpili ng kursong kukunin sa kolehiyo ang malaking sweldo sa propesyon na tatahakin. Wika niya, “Piliin mo ang kursong kunektado sa iyong interes, paboritong libangan o hilig. Maaaring narinig niyo na ang payong ito, pero sa totoo lang ay ito ang matibay na basehan at tamang paraan sa pagpili ng kurso at upang maiwasan mong magsisi sa huli ayon sa aking karanasan at obserbasyon.”

D. LayuninAng pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang mga pangunahing kurso sa panahong ito ang

pinipili ng mga estudyante sa Maynila. Ang mga mananaliksik ay nagnanais na maging maganda ang pundasyon ng mga susunod na pananaliksik na naglalayong palawakin ang pag-aaral tungkol sa mga kursong pinipili ng mga estudyante sa Maynila. Layunin din ng pananaliksik na ito na makatulong sa madaling pagpili ng mga susunod pang henerasyon ng mga estudyante ng kursong nararapat para sa kanila.

E. HalagaMaaaring makatulong ang pananaliksik na ito bilang batayan ng mga unibersidad, eskuwelahan,

akademiya sa kursong pwede nilang ialok sa kolehiyo at kung saan nila dapat ginagawang dekalidad ang kanilang mga programa. Makatutulong ito sa mga career talks sa paraan ng pagbibigay-impormasyon sa mga estudyante tungkol sa kursong malamang ay kukunin ng karamihan at kung maganda nga ba o hindi ang kursong ito. Ito ay maaaring maging magandang basehan sa pagpili ng kurso ng mga estudyante. Makakatulong ito sa ibang ahensya ng gobyerno na nagbibigay ng iskolarship sa mga estudyante sa paraang malalaman nila kung anong kurso ang magandang ialok sa mga susustentuhan nilang mga estudyante. Batayan din ito ng mga pangunahing guro at mga guro sa mga matataas na paaralan kung saan nila ipaghahanda, pagsasanayin at pagyayamanin ang mga estudyante.

Page 2: Pananaliksik hrm nursing

F. Konseptuwal o Teoretikal na Balangkas  

G. MetodolohiyaMahirap man makahanap ng iba pang naunang pag-aaral ukol dito, ang mga mananaliksik ay

pumunta sa mga matataas na paaralan sa Maynila tulad ng sa Unibersidad ng Santo Tomas, St. Jude College, Angelicum, University of the East High School, Immaculate Heart of Mary College, Sta. Isabel College at Ramon Magsaysay High School. Isasagawa ang pag-aaral sa pamamagitan ng mga survey kung saan sasagutin ng mga piling sampung estudyante bawat eskuwelahan ang mga tanong sa survey sheet, kasama na rito ang tanong ukol sa kung ano ang kanilang dalawang pangunahing kursong pinili para sa kolehiyo. Base dito, ibibigay ng mga mananaliksik ang datos na nakalap na magsasabi ng bilang ng mga estudyante na pumili sa iba’t bang kurso sa isang paaralan at pagkatapos ay gagawa ng isa pang talaan para naman sa kurso na may pinakamataas na bilang ng estudyante. Batay din dito, maaaring malaman kung ang kursong Nursing, Hotel and Restaurant Management, Tourism, Engineering at Information Technology ang limang pangunahing kurso na pinipili ng mga Pilipinong estudyante sa mga matataas na paaralan sa Maynila.

                       H. Saklaw o Delimitasyon

            Ang pananaliksik ay sumasaklaw sa mga estudyanteng nasa ikaapat na baitang sa mga matataas na paaralan sa Maynila. Mula sa kabuuang populasyon nila, pipili lamang ng sampung estudyante na magiging kinatawan sa iba’t-ibang paaralan para magsagot ng survey. 

I. Daloy ng Pag-aaral Ang Nursing, Hotel and Restaurant Management, Tourism, Engineering at Information

Technology ay ang limang pangunahing kursong pinipili ng mga Pilipinong estudyanteng nasa ikaapat na baitang sa matataas na paaralan sa Maynila sa panahong ito. Ang pagdami ng mga estudyante sa kolehiyo sa mga kursong ito ang nag-udyok sa mga mananaliksik na magsagawa ng pag-aaral ukol dito. Makatutulong ang pananaliksik na ito hindi lamang sa mga estudyante kung hindi pati na rin sa mga unibersidad o eskuwelahan. Bukod sa pagkakalap ng mga impormasyon sa silid-aklatan at internet, ang pag-aaral na ito ay base rin sa mga sagot ng mga estudyante sa isinagawang survey. Sa pamamagitan nito, nalaman ng mga mananaliksik ang iba’t-ibang salik na maaring naka-impluwensiya sa mga estudyante sa pagpili ng mga kursong kukunin nila sa kolehiyo. Ang survey ay isinagawa sa Unibersidad ng Santo Tomas High School, St. Jude College, Angelicum, University of the East High School, Immaculate Heart of Mary College, Sta. Isabel College at Ramon Magsaysay High School. Upang mapadali ang pag-aaral, ang mga mananaliksik ay gumawa ng talaan ng mga resulta ng survey. Ang pananaliksik ay sumasaklaw sa mga sampung piling estudyanteng nasa ikaapat na baitang ng bawat paaralang nasabi. Ang unang bahagi ng pananaliksik ay tungkol sa limang pangunahing kursong nais kunin ng mga estudyante. Sunod ang kanilang dahilan sa pagpili nito at ang mga salik na nakaimpluwensiya sa kanila sa pagpili nito. Batay sa survey na ginawa ng mga mananaliksik,  ang limang pangunahing kurso na nais kunin ng mga estudyanteng nasa ikaapat na taon sa mga matataas na paaralan ng Maynila ay Nursing (14.5%), Hotel and Restaurant Management (12.95%), Tourism (11.87%), Engineering (11.5%) at Information Technology (10.07%). Ang karamihang dahilan ng mga estudyante sa pagpili ng mga kursong ito ay ang pagiging “in demand” ng propesyon na ito sa abroad.

Page 3: Pananaliksik hrm nursing

Ang iba naman ay nagsasabing ito ay ang kanilang sa sariling kagustuhan. Isa pang dahilan ng kanilang pagpili ng mga kursong nasabi ay ang pagsunod sa gusto ng kanilang magulang. Iminumungkahi naman ng mga mananaliksik sa mga estudyanteng ito na maging seryoso at praktikal sa pagpili ng kanilang kurso.

II. Big PanimulaA. Small Panimula            Ang pananaliksik na ito ay ukol sa mga pangunahing kursong pinipili ng mga Pilipinong estudyante para sa kolehiyo. Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng survey sa sampung estudyanteng nasa ikaapat na baitang sa iba’t-ibang matataas na paaralan sa Maynila. Sa pamamagitan ng survey na ito, nalaman ng mga mananaliksik kung anu-ano ang mga basehan ng mga estudyante sa pagpili ng kursong kanilang kukunin para sa kolehiyo. Dito rin napatunayan na ang Nursing, Hotel and Restaurant Management, Tourism, Engineering at Information Technology ang limang pangunahing kursong pinipili ng mga Pilipinong estudyanteng nasa ikaapat na baitang.

III. Big Pangwakas  Small Pangwakas

Batay sa survey na ginawa ng mga mananaliksik,  ang limang pangunahing kurso na balak kunin ng mga estudyante na nasa ikaapat na taon sa mga matataas na paaralan dito sa Maynila ay Nursing (14.5%), Hotel and Restaurant Management (12.95%), Tourism (11.87%), Engineering (11.5%) at Information Technology (10.07%). Sa mga kursong nabanggit, lahat ng ito ay ang mga trabahong “in demand” sa abroad. Sa 140 na estudyante, 36(25.9%) ang nagsabing ito ang kanilang dahilan kung bakit nila napili ang mga kursong nasabi. Ayon din sa resulta, 20(14.4%) na estudyante ang nagsabing binase nila ang kanilang pagpili mula sa sariling interes sa kurso. Napansin din ng mga mananaliksik na halos parehas lamang ang bilang ng mga estudyanteng nagsabing binase nila ang pagpili sa desisyon ng kanilang magulang at ang nagsabing ito ay sarili nilang kagustuhan. Ito ang pangatlo sa pinakamataas na dahilan ng mga estudyante sa pagpili ng kanilang kurso na kukunin sa kolehiyo. Base sa resulta, may mga nagsasabi ring impuwensiya ito ng kanilang mga kaibigan o impuwensiya ng media. A. Konklusyon

Batay sa mga impormasyong nakalap, napatunayan na ang Nursing, Hotel and Restaurant Management, Tourism, Engineering at Information Technology ang limang pangunahing kursong pinipili ng mga Pilipinong estudyanteng nasa ikaapat na taon sa mga matataas na paaralan sa lungsod ng Maynila. Napagtanto din ng mga mananaliksik na ang dahilan ng karamihan sa mga estudyante sa pagkuha ng isang kurso ay ang pagiging “in demand” nito sa ibang bansa at hindi sa sariling kahustuhan. Nakakapanghinayang malaman na ang karamihan sa mga Pilipinong estudyante ay nagnanais nang lisanin ang inang bayan upang kumita ng malaking perang pantustos sa araw-araw na pamumuhay. Ito ang nagpapatunay na bumababa na ang . Masasabi rin na bagama’t nasa ikaapat na baitang ng mataas na paaralan na ang mga estudyanteng kinunan ng survey, umaasa pa rin sila sa mga sinasabi o desisyon ng kanilang mga magulang. B. Rekomendasyon

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang makatulong sa mga estudyante, lalo na sa mga nasa ikaapat na baitang ng matataas na paaralan, na makapagdesisyon ukol sa pagpili ng nararapat na kurso sa kolehiyo. Ito ay maaaring maging magandang basehan ng pagpili ng kanilang kurso. Iminumungkahi ng mga mananaliksik sa mga estudyanteng ito na maging seryoso at praktikal sa pagpili ng kanilang kurso. Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, maaaring mabawasan ang bilang ng mga estudyante sa kolehiyo na palipat-lipat ng mga kurso sa kadahilanang hindi pala nila nais ang naunang kursong pinili.            Iminumungkahi din sa mga propesor ng iba’t-ibang mga unibersidad at sa mismong mga unibersidad at matataas na paaralan na magsagawa rin ng ilang pag-aaral ukol sa mga kursong napili ng kanilang mga estudyante upang malaman kung sila nga ay nararapat sa kursong iyon. Makakatulong din ito sa kanila upang mapaghandaan ang mga nais matutunan ng mga estudyante sa kanilang mga napiling kurso.

Page 4: Pananaliksik hrm nursing

            Sana nawa’y makatulong ang pananaliksik na ito hindi lamang sa mga estudyante, kung hindi pati na rin sa mga guro o propesor at mga paaralan dito sa Pilipinas.