10
ANG MGA SINTOMAS, DYAGNOSIS, SANHI, PAGGAMOT AT EPEKTO NG SKISOPRENYA KABANATA I INTRODUKSYON “May nakita akong spaceship! Sasakupin tayo nang mga nilalang na nasa spaceship”, “Papatayin nila ako. Kailangan kong mag-tago.”, “Marami sila! Naririnig ko sila. Nagbubulongan, nagsisigawan, nagtatawanan, at may umiiyak… Ang ingay nila.” Itong mga linyang ito ay karaniwang nababangit ng taong may Skisoprenya. Ang taong may skisoprenya ay may sakit sa utak na nag-eepekto ng delusyon, guni-guni, at pagkawala sa pokus. Karamihan ng mga tao, hindi alam ang sakit na ito. Kaya kadalasan nababaliwala ang mga taong may ganitong uri ng sakit. Tulad din namin mga mananaliksik, hindi kami pamilyar sa kanitong klaseng sakit, kaya mas naging interesado kami sa topikong ito. Ang pagpapatuloy mo napagbasa nitong pananaliksik na ito ay may malalaman kang mga interesadong impormasyong sa hindi gaanong kilalang sakit na ito, tulad namin, gusto mo rin bang tuklasin ang kakaibang sakit na ito? Paglalagad ng mga Suliranin Pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito’y malaman ang tungkol sa mga sintomas, dyagnosis, sanhi, paggamotatepektongskisoprenya. Spesipikonglayuninnito aynamanlaman ang mgasumusunod: 1. Ano ang Skisoprenya? 2. Ano ang mga sintomas ng Skisoprenya? 3. Ang Skisoprenya ba aynamamana? 4. Ano ang mga panglapat na lunas sa mga indibidwal na may skisoprenya? 5. Pare-pareho bang kumilos o karacteristilk ang mga taong may Skisoprenya? 6. Sa anong edad lumalabas ang mga sintomas ng Skisoprenya? 7. Maari ka bang magtamo ng skisoprenya kahit wala kang skisoprenik na kamag-anak? 8. Maari bang pangasiwaan ang skisoprenya kahit na hindi gumagamit na mga medisina o gamot? 9. Ano ba ang mga panganib para samga Skisoprenya?

Skisoprenya

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Skisoprenya

ANG MGA SINTOMAS, DYAGNOSIS, SANHI, PAGGAMOT AT EPEKTO NG SKISOPRENYA

KABANATA I

INTRODUKSYON

“May nakita akong spaceship! Sasakupin tayo nang mga nilalang na nasa spaceship”, “Papatayin nila ako. Kailangan kong mag-tago.”, “Marami sila! Naririnig ko sila. Nagbubulongan, nagsisigawan, nagtatawanan, at may umiiyak… Ang ingay nila.” Itong mga linyang ito ay karaniwang nababangit ng taong may Skisoprenya. Ang taong may skisoprenya ay may sakit sa utak na nag-eepekto ng delusyon, guni-guni, at pagkawala sa pokus. Karamihan ng mga tao, hindi alam ang sakit na ito. Kaya kadalasan nababaliwala ang mga taong may ganitong uri ng sakit. Tulad din namin mga mananaliksik, hindi kami pamilyar sa kanitong klaseng sakit, kaya mas naging interesado kami sa topikong ito. Ang pagpapatuloy mo napagbasa nitong pananaliksik na ito ay may malalaman kang mga interesadong impormasyong sa hindi gaanong kilalang sakit na ito, tulad namin, gusto mo rin bang tuklasin ang kakaibang sakit na ito?

Paglalagad ng mga SuliraninPangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito’y malaman ang tungkol sa mga sintomas, dyagnosis, sanhi,

paggamotatepektongskisoprenya. Spesipikonglayuninnito aynamanlaman ang mgasumusunod: 1. Ano ang Skisoprenya?2. Ano ang mga sintomas ng Skisoprenya?3. Ang Skisoprenya ba aynamamana?4. Ano ang mga panglapat na lunas sa mga indibidwal na may skisoprenya?5. Pare-pareho bang kumilos o karacteristilk ang mga taong may Skisoprenya?6. Sa anong edad lumalabas ang mga sintomas ng Skisoprenya?7. Maari ka bang magtamo ng skisoprenya kahit wala kang skisoprenik na kamag-anak?8. Maari bang pangasiwaan ang skisoprenya kahit na hindi gumagamit na mga medisina o gamot?9. Ano ba ang mga panganib para samga Skisoprenya?10. Nagiging panganib baang mga taong may skisoprenya sa mga tao sa paligid niya at sa sarili?

Kahalagahan ng Pag-aaral Naniniwala ang mga mananaliksik na mahalaga ang pagaaral na ito sa:

Mga studyante sa medicalSa pamamagitan ng pag-aaral na ito, makadaragdag ang aming pananaliksik sa kanilang kaalaman at

mas mapadali ang kanilang pagiitindi sa ganitong uri ng sakit.

Department of HealthMakakatulong ito para sila ay magkaroon ng ideya patungkol sa sakit na skisoprenya. At para sila ay

makapagsulong ng mga programa upang maiiwasan ang sakit na ito.

Page 2: Skisoprenya

Mga MagulangIto ay magiging gabay para sa kanila upang malaman nila kapag ang kanilang kamag- anak ay may

ganitong klaseng sakit. At para makapaghanda na rin sa mga anomang dapat gawin o iwasan para sa sakit na ito.

Mga GuroIto ay makakatulong sa kanila upang mapalawak ang kaalaman sa sakit na skisoprenya. Lalo na kapag

nagtuturo ka sa kolehiyo tulad ng ‘anatomy’ at ‘physiology’, droga, sikolohiya, at ‘neurology’.

Mga gumagamit ng drogaMakakatulong ito upang mabuksan ang kanilang pag-iisip na maging responsible sa paggamit ng

droga. Dahil ang mga droga ay isa rin sa mga sanhi para magkaroon ng Skisoprenya.

Kahulugan ng Terminolohiyang GinamitPara sa kapakanan, kaalaman at pag-unawa ng mga mambabasa, binigyang depinisyonang

mgasumusunod naterminolohiya bataysakung paano itoginamitsapamanahong papelnaito:

DyagnosisKonseptwal - Ang proseso ng pagtukoyo pagkilala ng sanhi

ngisangsakitopinsalasapamamagitan ng pagsuri ng kasaysayanng pasente, eksaminasyonatdatus ng laboratoryo.

Operasyonal - Ayon sa gamit sa pananaliksik, ang salitang ito’y tumutukoy sa pag-alam o pagtukoy sa sakit, sa pamamagitan ng paggawa ng mga eksaminasyon.

EpektoKonseptwal - Isang pagbababgo ng isang resulta o kalabasan ng isang aksyon o ibang dahilan. Operasyonal - Ayon sa gamit sa pananaliksik, ang salitang ito’y tumutukoy sa kinalabasan o

resulta sa isang indibidwal ng kanyang sakit.

PaggamotKonseptwal - Isang medikal na pangangalaga na binibigay sa pasyente para sa isang sakit o

pinsala.Operasyonal - Ayon sa gamit sa pananaliksik, ang salitang ito’y tumutukoy sa proseso na

ginagawa sa indibidwal na may sakit upang malapatan ng lunas ang kanyang karamdaman.

SanhiKonseptwal - Tumutukoy sa kahit sino o kahit ano na nagbibigay ng resulta. Operasyonal - Ayon sa gamit sa pananaliksik, ang salitang ito’y tumutukoy sa kung saan

nanggaling ang sakit o ano ang mga dahilan bakit nakuha ang mga sakit na ito.

SintomasKonseptwal - Pisikal o mental na katangian na itinuturing bilang pagpapaphiwatig ng isang

kondisyon ng sakit. Operasyonal - Ayon sa gamit sa pananaliksik, ang salitang ito’y tumutukoy sa mga

palatandaan upang malaman kung ito ay ang sakit na itinutukoy.

Page 3: Skisoprenya

SkisoprenyaKonseptwal - Isang pangmatagalan na aberasyon ng isang uri na kinasasangkutan ng

'breakdown' sa relasyon pagitan ng isipan, emosyon, at pag-uugali, na maaring humantong sa depektong pang-unawa, hindi naaangkop na kilos at damdamin, pagkawala sa realidad at personal na relasyon sa pantasya at delusyon, at pagkapira- piraso ng pagiisip.

Operasyonal - Ayon sa gamit sa pananaliksik, ang salitang ito’y tumutukoy sa sakit sa pag-iisip na pagkakaroon ng dilusyon, guni-guni, at pagkarinig ng boses pero hindi malaman kung saan nanggaling. Ang sakit na ito ay nagiisip na may nagmamasid sa kanila at gusto silang patayin o saktan. Ang mga skisoprenik ay may maraming karakteristik kaya kadalasang ang mga indibidwal na may ganitong pagiisip o sakit ay nagpapakamatay sa sobrang gulo o hindi maintindihan na isip.

SAKLAW NG PAG-AARAL Ang pananaliksik na ito ay tumutuon mga sintomas, dyagnosis, sanhi, paggamot, at epekto ng

sakit na skisoprenya. Espesipiko nakatuon ito sa kalikasan ng skisoprenya, karakteristik ng mga tao na may skisoprenya, ang mga panganib na dulot ng skisoprenya, ang mga posibilidad na maaari itong makuha kahit wala kang kamag- anak na mayroong skisoprenya, sa kung anong edaran kung lumabas ang mga sintomas ng skisoprenya, at kung maari ba itong pangasiwaan kahit na hindi gumagamit ng medisina o gamot.

KABANATA IIPAGLALAHAD NG MGA DATOS

1. Ano ang Skisoprenya? - isang hindi gumagaling sakit sa isip na kinasasangkutan ng pagkasira sa pagitan ng pag-iisip,

damdamin, at pag-uugali, na humahantong sa pagka-depekto ng pang-unawa, hindi naaangkop na aksyon at damdamin, pagkawala mula sa katotohanan at pag-uugnay sa sarili sa pantasya at delusyon, at pagka-wala ng pokus sa pagiisip. at para sa pagtatama, hindi iisa ang sakit na skisoprenya, multiple personality disorder at bipolar disorder.

2. Ano ang mga sintomas ng Skisoprenya? - Ang Skisoprenya ay pwedeng magkaroon ng ibat-ibang sintomas sa ibat-ibang tao. May

tatlong uri ng sintomas; ito ay ang Positibo, Negatibo at Cognitive na sintomas. Positibo na mga sintomas - pwede maging malubha o malumanay, isama pa ang mga

delusyon, guni-guni at karamdaman sa pagiisip. Ang ibang saykayatrista ay isinama din ang 'psychomotor problems' na umaapekto sa paggalaw sa kategoryang ito. Delusyon, Guni-guni at mga boses na naririnig at hindi alam kung saan nanggaling ay tinatawag na psychosis o sakit sa pag-iisip, na pwedeng maging tanda ng sakit na 'Bipolar Disorder'. Ang mga delusyon ay umaakay sa mga tao na maniwala na may mga ibang tao na nagmamasid o nagbabanta sa kanila o binabasa ang mga iniisip nila. Ang mga guni-guni ay naging dahilan para sa pasente na makarinig, makakita, makadama, o makaamoy ng isang bagay na wala sa paligid. Pang-isipang karamdaman ay pwedeng magpahirap magdugtong-dugtong ng mga iniisip o ideya. 'Psychomotor problems' ay maaaring lumitaw bilang kaasiwaan, hindi pangkaraniwang ugali, o paulit-ulit na galaw, at sa matinding mga kaso, ang paninigas ng katawan sa mahabang oras.

Page 4: Skisoprenya

Negatibo na mga sintomas - nawawala ang paggana ng emosyon at pagganyak. Negatibong sintomas ay pagkawala ng kakayahan sa paggawa ng mga plano, pagsalita, pagpakita ng emosyon o paghanap ng kasiyahan sa buhay. Ang mga sintomas ay kadalasang napagkakamalan na katamaran o depresyon lamang.

Cognitive na sintomas - Ang Cognitive na sintomas ay maaaring mahirap makilala bilang parte ng karamdaman. kadalasang, nikikilala lang ang mga ito kung may ibang examinasyon ginagawa. Cognitive na sintomas saklaw ang sumusunod:

mahinang abilidad na pag-intindi ng impormasyon at paggammit nito para gumawa ng desisyon.

hindi makapag-pokus problema sa paggamit ng mga impormasyon pagkatapos pagaralan nito.

Cognitive na sintomas ay kadalasang mahirap magkaroon ng normal na buhay at kumita ng pera. Ito ay nagiging sanhi ng emosyonal ng pagdurusa.

3. Ang skisoprenya ba ay namamana?- Oo, ang skisoprenya ay isang malakas na sakit namamana. Ang mga indibidwal na may

kamag-anak (magulang o kapatid) ay kadalasang namamana (10% na pagkakataon ng pagbuo ng disorder) ang sakit na skisoprenya. Nagpapahiwatig lamang ito na isa sa mga dahilan ng sakit na skisoprenya ay sanhi ng genetiko.

4. Ano ang mga panglapat na lunas sa mga indibidwal na may Skisoprenya?- Ang Skisoprenia ay isang sakit na hindi na gagaling pero may mga panglapat na lunas. Ang

Skisoprenya ay nangangailangan ng panghabang-buhay na paglapat ng lunas kahit na ang mga sintomas ay humupa.Ang paglapat ng lunas na may kasamang mga medisina at 'psychosocial' terapy ay makakatulong sa pagpangasiwa ng kondisyon. Sa panahon ng krisis o sa mga malalang mga sintomas, ang pagdala sa ospital ay maaaring makakatulong upang masiguro ang kaligtasan, kalusugan, kasapatan ng pagtulog at kalinisan sa katawan.

Medisina Ang mga medisina ay ang pundasyon sa paglapat ng lunas ng skisoprenya. Ang mga

'Antipsychotic' na mga medisina ay kadalasang i-resetang gamot para malunasan ang skisoprenya.

Kapag ang sakit sa isip ay umurong, sikolohikal at sosyal na pakikipaghalobilo ay importante. Ang mga ito ay maaaring makatulong:

Indibidwal na terapy - pagkatuto sa pag-laban ng 'stress' at kayang kumilala sa maagang mga palatandaan ng paglibat ay makakatulong sa nga indibidwal na may skisoprenya na kontrolin ang kanilang karamdaman.

Sosyal na kasanayan - ito ay tumutuon sa pagpapabuti ng komunikasyon at sosyal na interaksyon.

Pang-kapamilya na terapy - ito ay nagbibigay suporta at kaalaman sa mga pamilya na nakakaranas ng skisoprenya.

Suporta sa paghanap-buhay - ito ay nakatuon sa pagtulong sa mga indibidwal na may skisoprenya na maghanda, maghanap, at magkatrabaho.

5. Pare-pareho bang kumilos o karacteristic ang mga tao na may skisoprenya?- Hindi, Ayon sa kasaysayan, limang subtypes ng skisoprenya ay inilarawan (paranoid,

disorganized, catatonic, residualm at undifferentiated). Ngunit sa pinakabagong bersyon ng 'standand

Page 5: Skisoprenya

diagnostic coding system' na ginagamit sa saykayatrya, ito na mga 'subtypes' ay inalis na. Sa kadahilanang ito ay hindi nakikitaan ng pagtulong upang malaman ang panglapat na lunas.

6. Sa anong edad lumalabas ang mga sintomas ng Skisoprenya? - Ang Skisoprenya ay parehong dumadampo sa babae at lalaki. Ito ay nangyayari sa parehong

rate sa lahat ng etnikong grupo sa buong mundo. Ang mga sintomas tulad ng guni-guni at delusyon ay kadalasan naguumpisa sa kalagitnaan ng 16 at 30 na edad. Ang mga lalaki ay kadalasang nakakaranas ng maagang sintomas kaysa sa mga babae. Karamihan ng mga indibidwal ay hindi nakukuha ang sakit na skisoprenya pagkatapos tumungtong sa edad na 45. Ang skisoprenya ay bihira lang mangyari sa mga bata, pero naging mataas na ang populasyon nito ngayon sa mga bata.

7. Maari ka bang magtamo ng skisoprenya kahit wala kang skisoprenik na kamag-anak?- Oo. Naniniwala ang mga siyentipiko na hindi lang genetika ang sanhi ng skisoprenya. Ang

mga indibidwal na walang skisoprenya na mga kamag-anak ay maaari paring magkaroon ng Skisoprenya. Sinasabi nito sa atin na ang kapaligiran ay gumaganap rin ng papel sa pagbuo ng skisoprenya. Mga salik ng kapaligiran, tulad ng pagkakalantad sa mga virus o malnutrisyon bago ng kapanganakan at iba pang hindi kilalang ‘psychosocial factor’ na kadahilanan. Isa rin sa mga dahilan ng pagkakaroon ng skisoprenya ng isang indibidwal kahit wala siyang kamag-anak na may skisoprenya ay ang paggamit ng pinagbabawal ng mga droga. Hindi man ito direktang sanhi ng skisoprenya pero ayon sa pag- aaral, ang maling paggamit ng droga ay nakapagdaragdag ng pagtaas ng panganib ng pagkuha ng sakit na skisoprenya.

8. Maaari bang pangasiwaan ang skisoprenya kahit na hindi gumagamit ng mga medisina o gamot?

- Hindi. Tulad ng mga hindi gumagaling na mga sakit, ang skisoprenya ay nangangailangan ng palagian na atensyon. Para maiwasan ang pagbalik ng sikotikong pagiisip, ang indibidwal na may skisoprenya ay dapat panatiliin ang 'medication therapy'. Pero ang kalikasan ng skisoprenya ay balakid sa pagtupad ng medikasyon nito. Ang indibidwal na may skisoprenya; maaari nilang pagka-ila na sila ay may sakit o karamdaman; o pwede rin nilang isipin na ang panglapat na lunas sa kanila ay parte ng sabwatan laban sa sarili; o kung ang kanilang pagiisip ay desorganisado, kadalasang nakakalimutan nila ang inumin o gamitin ang kanilang mga medisina.

9. Ano ba ang mga Panganib para sa may Schizophrenia?- Sa genitiko. Ang indibidwal na ang kaniyang magulang, o kapatid ay may skisoprenya ay

may 1 sa 10 na chansa na makuha ang sakit. Kahit sino na ang tiyahin, tiyuhin, lolo o lola, o pinsan na mayroong sakit ay may mataas na 'incidence rate' kaysa sa pangkalahatang populasyon. - Sa Alkohol at ‘Substance Abuse’. Ang mga Skisopreniks ay kadalasang nag- aabuso sa alkohol at droga higit sa pangkalahatang populasyon, at ang droga tulad ng 'amphetamines', 'cocaine', 'PCP'or 'marijuana' ay maaaring palalain ang kanilang mga sintomas. - Sa paninigarilyo. Sa kasamaang-palad, ang paninigarilyo ay maaaring nahihimasok sa 'anti-psychotic drugs' na ginagamit sa paglapat ng lunas ng skisoprenya. Pagsuko o pagtigil sa paninigarilyo ay pwedeng maging mahirap dahil ito ay pwedeng maging dahilan ng pagkasira ng paiisip (psychotic symptoms).

10. Nagiging panganib ba ang mga taong may Skisoprenia sa mga tao sa paligid niya at sa sarili?- Oo. Kapag ang mga sintomas ay nasa control at ang agos ng medikasyon nasa mabuti o

'stable', may maliit na pagkakataon na ang tao na may skisoprenya ay magiging banta sa iba o sa sarili. Bukod dito, karamihan ng tao na may skisoprenya ay hindi mahilig sa karahasan. Ayon pag-aaral kung ang isang tao ay walang nakaraan sa paggawa ng krimen bago pa nagkaroon ng skisoprenya at hindi umaabuso sa droga, siya ay tila hindi gagawa ng krimen pagkatapos bumuo ng sakit. Kung sinuman ang may 'paranoid' skisoprenya at siya ay naging marahas, kadalasan ito ay dumidiretcho sa membreyo

Page 6: Skisoprenya

ng pamilya at kadalasang nagaganap sa loob ng bahay. Gayunman, ang mga tao na may skisoprenya ay nasa tumataas na panganib ng pagpapakamatay at tangkang pagwakas ng sariling buhay na mas madalas kaysa sa pangkalahatang populasyon. Halos 10% ng tao na may skisoprenya, kadalasang mga binatilyo ang nagtatagumpay na wakasan ang kanilang buhay.

KABANATA IIIPAGBUBUOD, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON

PagbubuodAng skisoprenya ay isang hindi kilalang sakit sa mundo. Maliit lang ang populasyon na nakakaalam sa

sakit na ito. Ito ay sakit sa utak na nagiging sanhi ng delusyon, guni-guni at pagkasira sa pag-iisip.nararamdaman ang mga sintomas sa kalagitnaan ng 16 at 30 na edad. Itong sakit na ito ay hindi na magagamot at namamana. Maaari rin ito makuha kahit wala kang kamag-anak na may skisoprenya, ito ay sa pamamagitan ng kapaligirang kinalakihan ng indibidwal o maaari rin dahil sa virus o pag-abuso ng bawal na gamot. Maaring lapatan ng lunas ang skisoprenya sa pamamagitan ng paggamit ng ‘Antipsychotic’ na mga medisina at makakatulong rin ang mga terapy tulad ng indibidwal, sosyal, pang-kapamilya at suporta sa paghanap-buhay. Ang sakit na ito ay maaaring maging panganib sa genitiko, sa pag-abuso sa alkohol at sa paninigarilyo ng isang indibidwal at maaari rin maging panganib sa sarili sa pamamagitan ng pagkitil ng sariling buhay.

KonklusyonBase sa aming pananaliksik ang Skisoprenya ay namamana at pwede rin ang maging sanhi nito ay ang

paligid, gaya ng pagka-expose sa mga virus o malnutrisyon bago ng kapanganakan. At nagiging malaki ang posibilidad na ang pag-aabuso sa bawal na gamot ay naginging panganib upang magkaroon ng Skisoprenya. Ang Skisoprenya ay may iba’t-ibang klase, gaya ng paranoid, disorganized, catatonic, residualm, at undifferentiated kaya hindi pare-pareho ang pag-uugali ng tao na may skisoprenya. At para sa pagtatama ng maling haka-haka ng iba, hindi iisa ang skisoprenya, multiple personality at bipolar disorder.

RekomendasyonPara sa mga normal or malusog na tao,

Huwag mag-abuso o gumamit ng ipinagbawal na droga dahil ito ay may posibilidad na mabuo o magkaroon ng sakit na skisoprenya.

Para sa mga Buntis, Maging maiingat at piliting maging masustansya ang inyong pagbubuntis upang maiwasan ang

mga virus na dumapo sa inyong sinapupunan.

Para sa DOH, Ipakilala ang sakit na ito sa publiko, upang sila ay maging bahala at maalam sa sakit na ito.

Para sa mga medikal students, Maging mas maalam sa sakit na ito, dahil ang pag-alam ng mga sakit na ito ay nasa inyong

categorya.