33
WIKA AT GRAMATIKA

Wika at gramatika

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Wika at gramatika

WIKA AT GRAMATIKA

Page 2: Wika at gramatika

Ang anluwage ay darating bukas upang gawin ang bubong natin.

Gumamit kami ng batubalani para sa aming eksperimento sa agham.

Napapalamutian ang kanilang balkunahe ng makukulay na parol.

Kapag puno ng kapalaluan ang ating puso, nagkakasala tayo nang mabigat, dahil nilalabag natin ang dalawang dakilang utos.

Page 3: Wika at gramatika

Ako ay naaawa sa aking kaulayaw dahil siya ay nawalan ng ama.

Kinuha ng bata ang aking portamoneda at tinangay ang lahat ng pera nito.

Nahirapang kunin ang salipawpaw sa ilalim ng dagat.Sa aking sapantaha, makakuha ka ng mataas na marka.Ang tarangkahan ay nasira dahil sa malakas na bayo ng

hangin kagabi.Umiyak ang bata dahil sa pagkasira ng kaniyang papagayo.

Page 4: Wika at gramatika

PORMAL- mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng karamihang nakapag-aaral sa wika

- gumagamit ng bokabularyo mas komplikado kaysa sa ginagamit sa araw-araw na usapan

- kalimitang ginagamit sa mga paaralan at sa iba pang may pangkapaligirang intelekwal

ANTAS NG WIKA AYON SA PORMALIDAD

Page 5: Wika at gramatika

2 URI NG PORMAL NA SALITA

PAMBANSA• Mga salitang ginagamit sa mga aklat at

babasasahing ipinalalabas sa buong kapuluan at lahat ng paaralan

• Ang wikang ginagamit ng pamahalaan at wikang panturo sa mga nagsisipag-aral

Halimbawa:• kapatid,malaki, katulong

Page 6: Wika at gramatika

PAMPANITIKANmga salitang matatayog, malalalim, makukulay, at

sadyang matataas ang urimga salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika

Halimbawa:Pambansa

Pampanitikan kapatid

kapusod malaki ga-

higante katulong katuwang

Page 7: Wika at gramatika

3 URI NG DI-PORMAL

BALBAL/SLANG

• Ito ay ang mga salitang kalye o salitang kanto. 

• Ito ang mga salitang nabuo o nalikha sa impormal na paraan. Ito rin ang mga salitang nabuo sa mga pinagsasama o pinagdugtong na salita. Maari itong mahaba o maikling salita lamang.

•  Di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan

Page 8: Wika at gramatika

MGA HALIMBAWA:

parak, lespu (pulis)iskapo (takas)istokwa (layas)Erpats (tatay)chika – kwento

Ermats (nanay)Juding/jokla (binababae)tiboli (tomboy)spongklong (istupido)Bosing – tawg sa “boss” o sa

namumuno sa isang trabaho.

Bagets – kabataan

Page 9: Wika at gramatika

epal (mapapel)atik (pera)Jowa ( kasintahan)Yosi – pinaikling tawag

sa “sigarilyo”Tisoy – mestiso

haybol (bahay) bogchi, chibog (pagkain) bomalabs (malabo)Kano – pinaikling tawag sa

mga taong amerikano.Abnoy – hindi

normal;abnormal

Page 10: Wika at gramatika

KOLOKYAL• Ang kolokyal ay isang uri ng impormal na salita

kung saan ginagamit natin itong pang araw-araw na pakipag talastasan.◕Saan-san◕Narito-rito◕Pwede-pede◕Kailan-kelan◕Diyan-dyan◕Paano-pano

◕Kamusta-musta◕Kwarta-pera◕At saka-tsaka◕Kuwarto-kwarto◕Pahinge-penge◕Mayroon-meron

Page 11: Wika at gramatika

LALAWIGANIN Ang lalawiganin ay mga salitain o

dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan o panlalawigang salita.

Ang mga Cebuano, Iloko, Batangueno at iba pa ay may temang lalawiganin sa kani-kaniyang dila. Isang matibay na indikasyon ng lalawiganing tema ay ang punto o accent AT ang paggamit ng mga salitang hindi banyaga at hindi rin naman Tagalog. 

Page 12: Wika at gramatika

MGA HALIMBAWAditse (ate) sangko (kuya) pasanin (problema) bilot (Batangas, tuta)  tubal (Batangas, labahing

damit) 

uragon (Bicol, maraming ibig sabihin nito) 

ambot (Bisaya, ewan) kaon (Bisaya, kain) balay (Ilocano, bahay) biag (Ilocano, buhay) 

Page 13: Wika at gramatika

PANGNGALAN(URI AYON SA SEMANTIKA AT KONSEPTO)

Page 14: Wika at gramatika

PANGNGALAN AYON SA KONSEPTO

pangngalang tahas (o pangngalang kongkreto)

pangngalang basal (o pangngalang di-kongkreto).

Page 15: Wika at gramatika

PANGNGALANG TAHAS O KONGKRETO Ang mga pangngalang tahas ay mga ngalan ng mga bagay na

nakikita, naririnig, nalalasahan, nahahawakan o nahihipo, o naaamoy. Kung nagagamit natin ang isa sa ating limang pandama (five senses) sa bagay na itinutukoy ng pangngalan, ang pangngalan ay tahas o kongkreto.

Ang limang pandama ay paningin (sense of sight), pandinig (sense of hearing), pang-amoy (sense of smell), panlasa (sense of taste), at pansalat (sense of touch).

Ito ay may timbang at espasyo o tinatawag na matter.

Page 16: Wika at gramatika

MGA KATANUNGAN

Makikita mo ba ito? Maririnig mo ba ito? Maaamoy mo ba ito? Malalasahan mo ba ito? Mahahawakan mo ba ito?

Page 17: Wika at gramatika

PANGNGALANG BASAL O DI-KONGKRETOAng mga pangngalang basal o di-kongkreto ay tumutukoy

sa mga bagay na walang pisikal na katangian at hindi natin nagagamit ang alinman sa ating limang pandama para sa mga ito. Ito ang kabaligtaran o kasalungat ng pangngalang tahas. Kahit hindi natin ito nararanasan gamit ang ating mga pandama, naaapektuhan pa rin tayo ng mga ito.

Sinasabing ang mga pangngalang basal ay tumutukoy sa mga bagay na nadarama ng damdamin (felt emotionally), naiisip (thought of), natututuhan (learned), nauunawaan (understood), napaniniwalaan (believed), nagugunita (remembered), o napapangarap (dreamt of).

Page 18: Wika at gramatika

MAAARING TUMUKOY SA MGA SUMUSUNOD

Mga ideya o konsepto (ideas or concepts): kalayaan, katarungan, bilang, panahon, dangal, kultura, prinsipyo

Mga damdamin (feelings or emotions): galit, galak, simpatiya, takot

Mga proseso (processes): paglaki, halalan, kaunlaran, edukasyon, komunikasyon

Mga kilos (actions): pagkukunwari, pag-aalaga, pag-aaral, pag-akyat, paglangoy, pagtatago

Page 19: Wika at gramatika

Mga karanasan (experiences): paghihirap, paglalakbay, pagtatrabaho

Mga katangian (qualities): kagandahan, kabutihan, katatagan, kakayahan, bigat, haba

Mga yugto o bahagi ng buhay (stages of life): pagbubuntis, panganganak, pagkabata, kamatayan

Mga pangyayari (events): digmaan, kaarawan, bakasyon, pagdiriwang, binyag, sakuna, Pasko, pagtatapos

Page 20: Wika at gramatika

Mga paniniwala (beliefs): animismo, relihiyon, Katolisismo, Kristiyanismo

Lagay ng loob (states of mind): kalungkutan, katahimikan, kabiguan, pagkabigla

Lagay/kalagayan o kondisyon (states of being or condition): kanser, kapayapaan, karukhaan, kasaganaan, kaligtasan, pagkakaibigan, kaginhawaan

Mga larangan ng pag-aaral (fields of study): matematika, biyolohiya, kemistri, anatomiya, astrolohiya

Page 21: Wika at gramatika

PANGNGALAN NA TUMUTUKOY SA PANAHON (TIME), PAGLIPAS NG PANAHON (PERIODS OF TIME), O KAPANAHUNAN (SEASON)

Paglipas ng panahon: segundo (second), minuto (minute), oras (hour), araw (day), linggo (week), buwan (month), taon (year), dekada (decade), milenyo (millennium), atbp.

Kapanahunan (season): tagsibol (spring) tag-araw/tag-init (summer), taglagas (autumn/fall), taglamig/tagginaw (cold season/winter), tag-ulan (rainy season), anihan (harvest season), tagtanim (planting season)

Page 22: Wika at gramatika

TUKUYIN KUNG PANGNGALANG TAHAS O BASAL

(A) Hindi niya natiis ang init ng panahon kaya binuksan niya ang aircon.

(B) Palipasin mo muna ang init ng ulo mo bago ka mag-desisyon.

(A) Bumilis ang pintig ng puso ni Juan nang makita niya si Maria.

(B) Ayaw ko siyang kausapin dahil sinaktan niya ang aking puso.

Page 23: Wika at gramatika

ISULAT ANG MGA PANGNNGALANG TAHAS AT BASALTuwing Pasko, makikita natin ang mga

parol, mga Christmas tree, iba’t ibang dekorasyon, mga regalo, mga kamag-anak at kaibigan natin, at iba pa. Maririnig natin ang mga awiting Pasko sa radyo at ang tunog ng kampana ng simbahan tuwing simbang-gabi. Maaamoy natin ang sari-saring pagkain na ibinibenta sa bangketa o inihahanda sa mga tahanan para sa Noche Buena.

Page 24: Wika at gramatika
Page 25: Wika at gramatika
Page 26: Wika at gramatika

PANGHALIP (URI, PANAUHAN, KAILANAN)

Page 27: Wika at gramatika

PANGHALIP-PANAO

Ang panghalip panao ay mga panghalip na inihahalili sa ngalan ng tao

Panauhan – taong tinutukoy ng panghalipUnang panauhan --------------------------nagsasalitaIkalawang Panauhan --------------------- -kinakausapIkatlong Panauhan -------------------------nagsasalita

 Kailanan – dami o bilang ng tinutukoyIsahan, Dalawahan, maramihan

  Kaukulan – gamit ng panghalip sa pangungusapPalagyo, paukol, paari

Page 28: Wika at gramatika
Page 29: Wika at gramatika

MGA PAHAYAG NA GINAGAMIT SA PANGHIHIKAYAT/PAGPAPATUNAY

Page 30: Wika at gramatika

May mga pahayag na ginagamit sa pagpapatunay ng katotohanan ng isang bagay. Makatutulong ang mga pahayag na ito upang tayo a makapagpatunay at ang ating paliwanag ay maging katanggap-tanggap o kapani-paniwala sa mga tagapakinig. Karaniwang ang mga pahayag na ito ay dinurugtungan na rin ng datos o ebidensiya na lalo pang makapagpapatunay sa katotohanan ng inilalahad.

Page 31: Wika at gramatika

MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG PATUNAY Anong ebidensiya mula sa binasa ang magpapatunay na ang pagkasira ng

kapaligiran ay maraming masamang epekto sa buhay ng tao?Ano-anong detalye mula sa balita makapagpapatunay sa iyong sagot?“Kailangan ng ebidensiya o datos para mapatunayang totoo ang inilalahad.”- ang mga ebidensiyang magpapatunay na maaaring nakasulat, larawan, o video.

Kapani-paniwala- ipinakikita ng salitang ito na ang mga ebidensiya, patunay, at kalakip na ebidensiya ay kapani-paniwala at maaaring makapagpatunay.

Taglay ang matibay na konklusyon- isang katunayang pinalalakas ng ebidensiya, pruweba, o impormasyon natotoo ang pinatutunayan.

Page 32: Wika at gramatika

Nagpapahiwatig- hindi direktang makikita, maririnig, o mahihipo ang ebidensiya subalit sa pamamagitan ng pahiwatig ay masasalamin ang katotohanan

Nagpapakita - salitang nagsasaad na ang isang bagay na pinatutunayan ay totoo o tuna

Nagpapatunay / Katunayan- salitang nagsasabi o nagsasaad ng pananalig o paniniwala sa ipinahahayag.

Pinatutunayan ng mga detalye-makikita mula sa mga detalye ang patunay sa isang pahayag. Mahalagang masuri ang mga detale para makita ang katotohanan sa pahayag.

Kitang-kita sa mga dokumentarong ebidensiya na kuha ng "video"na totoo ngang halos wala kang makita sa Mindanao kapag gabi.

Page 33: Wika at gramatika

Ayon sa mga nakalap na larawan, kapani-paniwalanga ang matinding problema ng Mindanao na makaaapekto sa ekonomiya nito.

Taglay ang matibay na kongklusyon, hinatulan ng Korte Suprema ang mga senador hinggil sa Pork Barrel Scam.

Marami ang nagsasabi na maaaring may problema raw sa organisasyon ng Miami Heat, 

Pinatutunayan ito ng sabay-sabay na pag-alis ng "Big 3" at pagsabak sa free-agency.

Atin ng nararamdaman ang mabangis na epekto ng "Global Warming",  Ipinapahiwatig ito ng pabago-bago at nakaiinis na panahon.