13
GRAMATIKA AT RETORIKA : Pagsasaling-wika o Transleysyon PANITIKAN : “Ang Masamang Kalahi” Isalin ang mga sumusunod na pahayag sa ingles mula Filipino at Filipino patungo sa wikang Ingles. Isulat sa sagutang papel ang angkop na salin. A. Filipino patungo sa Ingles 1. Ang maling ugali ng tao ay iwinawasto ng pabula. 2. Ang pabula ay salamin ng ating katutubong lipunan. 3. Bawat rehiyon ng bansa ay may ipinagmamalaking pabula. B. Ingles patungo sa Filipino 1. Fables and Legends are made through superstitious beliefs. 2. Corrido is a long narrative verse telling of the deeds of a legendary hero . 3. Literature called as “Mirror of Life”. Sa huling bahaging ito ng pag-aaral sa pabula ay malalaman mo na ang Pilipinas ay maraming mga pabula na nasusulat sa iba’t ibang wika ng rehiyon. Ito’y dapat na unawain at mahalin dahil sinasalamin ito ng kultura ng lugar o rehiyong pinagmulan nito na dapat tuklasin at pahalagahan. Binibigyang-halaga sa aralin ang Pagsasaling-wika na magagamit mo upang higit na maunawaan ang mga pabula ng rehiyon. Tuklasin ang iyong Pag-unawa

P.modyul1.6.PDF (Gramatika at Retorika)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: P.modyul1.6.PDF (Gramatika at Retorika)

GRAMATIKA AT RETORIKA : Pagsasaling-wika o Transleysyon

PANITIKAN : “Ang Masamang Kalahi”

Isalin ang mga sumusunod na pahayag sa ingles mula Filipino at Filipino patungo sa wikang Ingles. Isulat sa sagutang papel ang angkop na salin.

A. Filipino patungo sa Ingles 1. Ang maling ugali ng tao ay iwinawasto ng pabula.

2. Ang pabula ay salamin ng ating katutubong lipunan.

3. Bawat rehiyon ng bansa ay may ipinagmamalaking pabula.

B. Ingles patungo sa Filipino 1. Fables and Legends are made through superstitious beliefs.

2. Corrido is a long narrative verse telling of the deeds of a legendary hero .

3. Literature called as “Mirror of Life”.

Sa huling bahaging ito ng pag-aaral sa pabula ay malalaman mo na ang Pilipinas ay

maraming mga pabula na nasusulat sa iba’t ibang wika ng rehiyon. Ito’y dapat na unawain

at mahalin dahil sinasalamin ito ng kultura ng lugar o rehiyong pinagmulan nito na dapat

tuklasin at pahalagahan. Binibigyang-halaga sa aralin ang Pagsasaling-wika na magagamit

mo upang higit na maunawaan ang mga pabula ng rehiyon.

Tuklasin ang iyong Pag-unawa

Page 2: P.modyul1.6.PDF (Gramatika at Retorika)

Inaasahang matapos ng iyong pag-aaral ay makapagsasalingwika ka ng isang pabula

mula sa orihinal na wika patungo sa wikang pagsasalinan o paglilipatan gamit ang

pamantayan sa pagsasalin

A. batay sa pananaliksik ang paglalarawan ng kultura ng sariling rehiyon,

B. kaangkupan sa sariling lugar o rehiyon,

C. pagtataglay ng mga elemento ng pabula,

D. wastong gamit ng una o pangalawang wika sa pagsasalin, at

E. kaangkupan ng pagsasalin.

Sagutin mo muna ang mga Mahahalagang Tanong sa ibaba upang masukat ang

nilalayong kaalaman sa aralin nang sa gayo’y magabayan ka rin sa iyong pagtahak sa

gagawing pag-aaral.

Bakit kailangang unawain ang mga pabulang nakasulat sa sariling wika(native language)?

SAGOT:___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kakayahan at kasanayan sa pagsasaling-wika? Bakit?

SAGOT:_____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Inaasahang Pagganap

Mahahalagang Tanong

Page 3: P.modyul1.6.PDF (Gramatika at Retorika)

Basahin at unawain

Ang Masamang Kalahi

Buhat nang mapatakbo ni Toniong Tandang si Tenoriong

Talisain ay humanap na ng ibang libutan at madaling nakapamayagpag

na muli ang Talisain.

Ang mga Katyaw na leghorn doon ay madaling nasilaw sa balitang bilis at lakas ni

Tenoriong Talisain. At madali niyang naging kaibigan ang pinakamaganda sa mga

banyagang manok na si Lolitang Leghorn.

Isang araw ay galit na galit na umuwi si Denang

Dumalaga.

“Naku!”ang bulalas ng dumalaga. Ako pala ay

sinisiraan ni Tenoriong Talisain. Ako raw ay naging

kasintahan niya...”

“Diyata’t?”ang bulalas din ni Aling Martang Manok.

“At katakot-takot na paninira raw laban sa mga kalahi

ang ginagawa ng Talisaing iyan. Tayo raw ay ikinahihiya

niya. Masamang lahi raw tayo...”

Gayon din ang ikinagalit ni Toniong Tandang nang siya’y dumating.

Napakasamang manok iyang si Tenoriong Talisain,”ang wika ng tandang. “Kangina’y

nakita ko. Kung lumakad at magsalita’y ginagaya ang mga leghorn. Ang balita ko pa’y

nagpasuklay ng balahibo upang maging mistulang leghorn na. Nakapanginginig ng laman.”

“Bayaan ninyo siya,”ang wika ni Aling Martang Manok. “Pagsisisihan din niya ang

kaniyang ginawang iyan.”

Mabisa bang nailalarawan sa pabula ang kultura ng isang lugar o rehiyon ? Patunayan.

SAGOT:______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Unawaing mabuti ang pabula at suriin ang sinasalaming kultura nito. Maligayang pagbabasa!

Linangin Mo ang iyong Pag-unawa

Page 4: P.modyul1.6.PDF (Gramatika at Retorika)

Ilang araw, pagkatapos ay dumating si Toniong Tandang na kasama si Tenoriong

Talisain. Gusot-gusot na ang balahibo ng katyaw. Pilay pa ang isang paa, pasa-pasa ang

buong katawan at hindi halos makagulapay.

“Bakit ano ang nangyari?”ang tanungan ng mga

kalahing manok.

“Iyan pala ay maluwat nang kinaiinisan ng mga

katyaw na Leghorn,”ang wika ni Toniong Tandang.

“Kangina’y nakita ko na lamang na pinagtutulungan ng apat

na katyaw na leghorn.”

“Bakit hindi mo pa pinabayaang mapatay?”ang wika

ng mga kalahing manok. “Tayo rin lamang ay ikinahihiya

niya at itinatakwil pa...”

“Talaga nga sanag ibig ko nang pabayaan.”ang wika ni Toniong Tandang.”Ngunit

hindi rin ako nakatiis. At talagang namang kung hindi ako sumaklolo’y nasirang Tenoriong

Talisain na siya ngayon.”

“Nakita mo na, Tenoriong Talisain!”ang wika ni Aling Martang Manok. “Iyang kalahi,

kahit masamain mo’y talagang hindi makatitiis.

Tukuyin ang kulturang Pilipino na masasalamin sa binasang pabula.

Saang rehiyon ito kaya nagmula? Ilahad ang iyong mga patunay.

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

_

Page 5: P.modyul1.6.PDF (Gramatika at Retorika)

Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng mga salitang nasa bubble map.

Gamitin ito sa sariling pangungusap. Isulat sa kuwaderno ang mga sagot.

A. B.

C.

D.

A. Suriin ang mga tauha sa pabula gamit ang sumusunod na dayagram. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

Kasingkahulugan Kasalungat

Kasalungat

KAIBIGAN

MASAMA

Kasalungat

MAGANDA

Kasingkahulugan

Kasingkahulugan

PANGUNGUSAP __________________________________________________

_______________________

Kasalungat

PANGUNGUSAP ____________________________________________________________________________________________________

PANGUNGUSAP ___________________________________________________________________________________________________

PANGUNGUSAP ___________________________________________________________________________

________

KALAHI

Kasingkahulugan

Paglinang ng Talasalitaan

Tenoriong Talisain

____________________________

_

____________________

____________________

____________________

____

TAUHAN URI NG TAUHAN PAGLALARAWAN

Palalimin Mo

Page 6: P.modyul1.6.PDF (Gramatika at Retorika)

B. Anong mga ugali ni Toniong Talisain ang maaaring taglay mo rin? Patunayan.

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

C. Ilahad ang dahilan kung bakit nagawa ni Tenoriong Talisain na ikahiya ang kaniyang lahi o angkan. __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

D. Pangatuwiranan ang kasabihang “Sa oras ng kagipitan, makikita ang tunay na kaibigan”. __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

E. Kung ikaw ang nasa katauhan ni Tenoriong Talisain, papaano mo itatama ang iyong mga kamalian? Bakit? __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

F. Anong mga pangyayari ang nakita sa pabula na mayroon din sa inyong lugar? Ipaliwanag. __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

G. Suriin ang binasang pabula gamit ang Fan Fact Analyzer. Isulat sa kuwaderno ang

sagot. 4. Kasukdulan 3. Tunggalian Kakalasan 5. 2. Saglit na Kasiglahan 1. Panimula Wakas 6.

Toniong Tandang

____________________________ ____________________

____________________

____________________

_________

TAUHAN ______________________________________________________________________________________________

TAGPUAN

_____________________________________________________________________________________________

SULIRANIN _____________________________________________________________________________________________

ARAL/MENSAHE _________________________________________________________________________________________________________

Page 7: P.modyul1.6.PDF (Gramatika at Retorika)

Pagsasaling-wika o Transleysyon Ang pagsasalingwika ay isang masistemang paglilipat ng

diwa ng isang akda mula orihinal na wika patungo sa iba pang wika na

hindi nawawala ang likas na mensahe nito. Kasama rin sa gagawing

pagsasalin ang kulturang sinasalamin ng akda na hindi dapat malayo sa kultura ng

pinanggalingang wika.

Binigyang kahulugan ng Webster’s New Dictionary of the American Language

ang salitang translate na”to change from one language into another language; to put into

different words”, sa Filipino ay”paglilipat mula sa isang wika sa isa pang wika; ilagay sa

dalawang magkaibang wika”.

Sang-ayon naman sa New Standard Pocket Dictionary, ang salitang Translate ay

“to give sense or meaning of in another language”o sa salin na “ibigay ang diwa o kahulugan

sa ibang wika”.

Nagbigay si Dr. Alfonso O. Santiago ng ilang katangian at kakayahan bago

magsalin ng akda at tiyaking tinataglay ng isang tagasaling wika ang sumusunod :

1. sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin, kasama na rito ang

sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin at

kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag.

2. sapat na kaalaman sa paksang isasalin, maging sa anumang larangan ng pag-aaral.

3. sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansa o rehiyong kaugnay sa

isasagawang pagsasalin.

Sa isang payak na pagpapaliwanag, marapat na isagawa ang pagsasalin ng pabula

ayon sa tuntuning” magsaling hindi salita sa salita,kundi dapat ay diwa sa diwa”.

Narito ang ilang payo ni Dr. Rufino Alejandro tungkol sa pagsasagawa ng

pagsasalin

1. Dapat malaman ng tagasalin kung ang pangungusap ay isang pormula. Hindi

nagbabago ang anyo ng pangungusap sa uring ito. Halimbawa , ang Ingles ng “How

are you?” Na may katumbas na “Kumusta ka?” At, Good Afternoon na “Magandang

hapon” sa Filipino.

2. Alamin kung ang pangungusap ay malaya o kung maaaring magbago-bago ang anyo

ng pagbuo ng pangungusap. Halimbawa, “I bought a new car”, isasalin ito na “Bumili

ako ng bagong kotse”, o kaya’y “Bagong kotse ang binili ko”.

3. Suriin kung ang pangungusap ay nasa anyong idyoma. Isalin hindi sa literal na

kahulugan kundi sa diwang isinasaad ng pangungusap. Halimbawa, “Lend me your

ears”, hindi, “Ipahiram ang tainga”, kundi, “making”.

Alam Mo Ba…

Unawain ang bawat tuntunin sa pagsasaling-wika at nang sa gayo’y makuha mo nang buo ang diwa ng isang akda. Narito at iyong basahin

Page 8: P.modyul1.6.PDF (Gramatika at Retorika)

Basahin at unawain ang halimbawang salin ng pabula mula Ingles patungo sa Filipino.

THE MOUSE AT THE SEASHORE A Modern Fable by Arnold Lobel

A mouse told his mother and father that he was going on a trip to the seashore. “We are very alarmed!” they cried. “The world is full of terrors. You must not go!”. “I have made my decision father,” said the mouse firmly. “I have never seen the ocean, and it is right time that I did. Nothing can make me change my mind”. “Then we cannot stop you,” said Mother and Father Mouse, “but do careful ”. The next day, in the first light of dawn, the mouse began his journey. Even before the morning had ended, the Mouse came to know trouble and fear. A cat jumped out from behind a tree. “I will eat you for lunch,” he said. It was a narrow escape for the mouse. He ran for his life, but he left a part of his tail in the mouth of the cat. By afternoon, the mouse had been attacked by birds and dogs. He had lost his way several times. He was bruised and bloodied. He was tired and frightened. At evening the mouse slowly climbed the last hill and saw the seashore spreading behind him. He watched the waves rolling onto the beach, one after another. All the colors of the sunset filled the sky. “How beautiful”, cried the mouse. “I wish that Mother and Father were here to see this with me”. The moon and the stars began to appear over the ocean. The Mouse sat silently on top of the hill. He was overwhelmed by a feeling of peace and contentment.

ANG DAGA SA DALAMPASIGAN Isinalin sa Filipino ni Ericson L. Nepomuceno

Nagpaalam ang batang daga sa kaniyang Ama at Ina na siya’y maglalakbay patungo sa dalampasigan. “Kami’y natatakot para sa’yo! “Ang mundo’y puno ng panganib. Hindi ka dapat umalis”. malungkot nilang wika. “Buo na ang aking pasiya Ama”, matatag niyang wika. “ Hindi pa po ako nakakakita ng dagat at ito na ang tamang panahon”. “Wala na pong makakapagpabago pa sa aking isipan”. “Kung gayon, hindi ka na namin mapipigilan”. “Ngunit mag-ingat ka lamang”. Sabi ng Ina at Amang daga. Nang sumunod na araw, bago pa man magbukang-liwayway ay sinimulan na niyang maglakbay. Batid niyang bago matapos ang araw ay maraming panganib na nagbabanta sa kaniya. Isang malaking pusa ang lumundag mula sa likod ng isang puno. “Ikaw ay gagawin kong pananghalian!” sabi ng pusa. Napakaliit ng pagkakataon ng Batang Daga na makatakas. Nagawa pa rin niyang makatakbo upang mabuhay subalit naiwa ang kapiraso niyang buntot sa bibig ng daga. Kinahapunan, sinalakay naman ang daga ng mga ibon at mababangis na aso. Makailang beses siyang naligaw ng landas. Sugatan at duguan ang Batang Daga. Siya’y pagod at takut na takot sa mga nangyari. Kinagabihan, dahan-dahan niyang inakyat ang huling burol. Sa tuktok, natanaw niya ang dalampasigang nakapaligid sa kaniya. Nakita niya ang mga alon na sunud-sunod na humahampas sa dalampasigan. Puno ng mga kulay ng papalubog na araw ang kalangitan. “Napakaganda” malungkot na wika ng daga. “Sana’y kasama ko ang aking Ama at Ina para makita rin nila ang lahat ng ito”. Ang buwan at mga bituin ay nagsimulang sumalamin sa ibabaw ng karagatan. Ang Batang Daga ay tahimik na nakaupo sa tuktok ng burol. Puspos siya ng kapanatagan at kasiyahan.

Page 9: P.modyul1.6.PDF (Gramatika at Retorika)

A. Isalin sa wikang Ingles ang sumusunod na pangungusap. Isulat sa patlang ang

sagot.

1. Mainam na gabay sa buhay ang pabula.

2. Si Aesop ang “Ama ng Sinaunang Pabula”.

3. Nakalilibang na magsulat ng pabulang Pilipino.

4. Natuto ang mga tao dahil sa pabula.

5. Ang kultura ng bayan ay makikita sa pabula.

Gawaing Panggramatika

Page 10: P.modyul1.6.PDF (Gramatika at Retorika)

B.Isalin sa Filipino ang pabulang Ingles na ‘The Cow and the Frog”

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Pabula

Higit na madali ang pagsusulat ng pabula kung tinataglay nito ang sumusunod na sangkap . a. May isang kaisipan, moral o aral na inilalahad. Nilalaman nito ang kaisipan na nais nating iparating sa mga mambabasa at baguhin naman ang masasabing di mabuting kaugalian na ipinakita sa pabula. b. May likhang- isip na tauhan. Suriin ang tauhang gagamitin sa pabula at sikaping iugnay ang kanilang katangian sa mga hayop na may kagaya o kaugnay na katangian, pag-uugali at paraan ng pamumuhay upang higit na maging epektibo ang susulating pabula.

THE COW AND THE FROG

One cool day eight little frogs were sitting by a pool. They were waiting for Father Frog to come to the pool in the woods. All little frogs jumped into the water. One little frog told him what happen that day. “A large animal had come to the pool to drink the cool water. This strange animal had two horns and a long tail. When she saw us, she said,”moo, moo…” “Don’t be foolish,” Father Frog croaked.”That was just a cow. She is not so big as she seems. I could easily made myself that big. Watch!” “Was she as big as I am?” asked Father Frog. “Oh, no Father Frog. She was much, much bigger!”. The big frog took another breath. He blew and he puffed and made himself bigger. “Look now,” he said proudly. The little frogs shook their heads. “No, you are not as big as the beast was, “ they said. The little frogs shook their heads. “No, you are not as big as the farmer’s cow.” “Just wait and see,” said the Father Frog. “I will show you how big I am.” Father Frog took the deepest breath he could take. He puffed and puffed. He blew and puffed until he swelled and swelled.

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Ilapat Mo

Tandaan mo lamang ang mga kraytirya at makagagawa ka ng isang mabisang pabula.

Page 11: P.modyul1.6.PDF (Gramatika at Retorika)

c. May angkop na tagpuan. Pagiging makatotohanan ng tagpuan ang binibigyang-diin sa bahaging ito. Ito ang magiging batayan kung paano pakikilusin at pag-iisipin ang tauhan ng pabula. Kasangkot sa tagpuan ang lagay ng panahon at kapaligiran. d. May maayos na banghay. Gamitin ang mga elemento ng banghay sa tiyak na pagtatamo ng epektibong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ng isang pabula. Sa bahaging ito ilalapat ang makulay na tagpuan at kapani-paniwalang tauhan. e. May makabuluhang wakas. Maaaring tapusin ang pabula sa dalawang uri. Una, bukas na wakas, kung saan hahayaang ang mga mambabasa ang magbibigay nang maaaring kahinatnan ng mga tauhan. At ang saradong wakas, kung saan tiyak ang nangyari sa tauhan o mga pangyayari na hindi na maaaring baguhin pa. Bahagi pa rin ng wakas ang aral o kaisipang dapat matutuhan ng mga bumabasa .

A. Bukod sa mga naunang mungkahi sa pagsulat ng pabula, mainam ding bumuo ng Story Organizer gaya ng halimbawa .

SIMULA

KAKALASAN/

WAKAS

SAGLIT NA KASIGLAHAN

PABULA

MGA TAUHAN

SULIRANIN/ TUNGGALIAN

SOLUSYON

TAGPUAN

matatag

KASUKDULAN

Page 12: P.modyul1.6.PDF (Gramatika at Retorika)

B. Matapos na ipakita sa Story Organizer ang pangkalahatang ideya ng pabulang susulatin, idetalye naman ang mga pangyayari, gamit ang Story Mapping o Ladder.

C. Sumulat ng isang sariling likhang pabula ng inyong lugar/rehiyon. Sikaping naglalaman ito ng mga elemento ng isang pabula tulad ng paksa, tauhan, tagpuan, banghay, paraan ng pananalita at moral o aral.

a. Paksa Napapanahong uri ng pamumuhay ng tao Kaugnay sa mga isyung panlipunan Pakikipagkapwa-tao

b. Likhang tauhan Hayop na may pag-uugaling makikita sa tao

c. Kapani-paniwalang tagpuan Iugnay sa kasalukuyang panahon ng lipunan o pamayanan

d. Maayos na banghay Lohikal na pangyayari ayon sa elemento ng banghay

e. Paraan ng pagsasalita Paggamit ng katutubong wikao diyalekto

f. Moral o aral Mahahalagang mensaheng maikikintal sa isipan ng mga bumabasa.

MORAL/KAISIPAN:

PANGYAYARI 3:

PANGYAYARI 2:

PANGYAYARI 1:

PANIMULA :

PANGUNAHING TAUHAN :

STORY MAPPING NG PABULA

B

A N G H A Y

Page 13: P.modyul1.6.PDF (Gramatika at Retorika)

Mga Sanggunian

A. Gabay sa Pagtuturo ng Filipino I para sa 2010 Kurikulum ng Edukasyong

Sekundarya(SEC) Pasig City.

B. Santiago, Alfonso O., Sining ng Pagsasaling-wika-Ikatlong Edisyon,2003,REX Books

Store, Maynila.

C. Villafuerte, Patrocinio, et.al, Panitikang Panrehiyon sa Pilipinas, Mutya Publishing

House, Valenzuela City.

D. Mateo, Renato R.,Gabay sa Panitikang Filipino, Arenar Books Marketing, Tondo,

Maynila.

E. Internet: www.google.com

F. Kopya ng pabulang”Ang Masamang Kalahi”