31

Creator of Heaven & Earth

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Creator of Heaven & Earth
Page 2: Creator of Heaven & Earth

Ang Lumikha ng Langit at Lupa

(Ika-4 na Panayam)

Page 3: Creator of Heaven & Earth

“Nang simulang likhain ng Diyos ang lupa at langit… Ang langit ay naghahayag na ang Diyos ay dakila! Malinaw na nagsasaad kung ano ang kanyang gawa.” (Genesis 1:1 / Salmo 19:2)

Page 4: Creator of Heaven & Earth

“Si Kristo ag panganay sa lahat ng nilikha. Sapagkat ang lahat ng nasa langit at nasa lupa ay pawang nilikha ng Diyos sa pamamagian niya at para sa kanya. Sa kanyang nasasalalay ang kaayusan ng lahat ng bagay.” (Corinto 1:15-17)

Page 5: Creator of Heaven & Earth

Ang Manlilikha: Banal na Santatlo

Ang Tatlong Persona ay kumikilos nang sama-sama bilang Isang Diyos sa paglikha, pagtubos at pagpapanal.

Ang Diyos Ama ay lumikha sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Hesu-Kristo, sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.

Page 6: Creator of Heaven & Earth

“Iisa lamang ang Diyos, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo ay nabubuhay para sa kanya. Iisa ang Panginoon, si Hesukristo, at sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din niya ay nabubuhay tayo, at ang Espiritu Santo na nagbibigay-buhay.”(1 Cor 8:6 / 2 Cor 3:6)

Page 7: Creator of Heaven & Earth

Paliwanag ni San Ireneo:

“Ang Diyos ay Ama, Manlilikha, May-Akda, ang gumawa ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng kanyang Salita (Anak) at Karunungan (Espiritu Santo), katulad ng kanyang dalawang kamay.”

Page 8: Creator of Heaven & Earth

Ang Paglikha

Page 9: Creator of Heaven & Earth

Ang Paglikha Ayon sa Biblia at Agham

Ang pagkakaiba ng paliwanag ng paglikha ayon sa Biblia at Agham ay dalawang paraan ng pagpapaliwanag sa iisang gawang-sining.

Ang pagpapaliwanag ng Agham ay kung “paano” – nakatuon sa mga materyal na ginamit, sukat, bigay, gulang, mga kulay at mga pamamaraan.

Page 10: Creator of Heaven & Earth

Ang Paglikha Ayon sa Biblia at AghamAng pagpapaliwanag sa Biblia ay tungkol sa

“bakit” na binigyang-kahulugan ang layunin at hangarin ng Lumikha at ang kahulugan at katotohanan ng nilikha. Ipinahahayag din ng nilikha ang pag-uugali at katauhan ng Lumikha.

Ang magkaibang pagpapaliwanag ay kapwa totoo at mahalaga, nagpupuno sa isa’t isa, at nagbibigay ng mas buong pang-unawa sa nilikha.

Page 11: Creator of Heaven & Earth

Biblia at AghamAng Biblia ay hindi sumasalungat sa turo

ng Agham tungkol sa turo ng Ebolusyon.

Ang anim na araw ng paglikha ay hindi nangangahulugan ng 24 oras sa isang araw. Ito ay isa lamang pamamaraan ng pagpapaliwanag na gumamit ng “biblical language” sa paglalahad ng katotohanan.

Page 12: Creator of Heaven & Earth

Ayon sa Biblia…

Isa lamang ang Manlilikha na pinanggalingan ng lahat ng umiiral, na lumikha sa pamamagitan ng isang malaya at mapagmahal na pagkilos ng kanyang banal na kalooban at karunugan.

Page 13: Creator of Heaven & Earth

Ang Paglikha Ayon sa Turo ng Simbahan

1. Ang Diyos ang lumikha mula sa kanyang banal na kabutihan upang ibahagi ang kanyang kabutihan sa iba, hindi dahil sa kanyang pangangailangan o kakulangan.

2. Lumikha Siya sa pamamagitan ng isang malaya, binalak, may nilalayong pagkilos, hindi sa pamamagitan ng kahit anong uri ng likas na pinagmulan.

Page 14: Creator of Heaven & Earth

Ang Paglikha Ayon sa Turo ng Simbahan

3. Lumikha ang Diyos mula sa kawalan, hindi mula sa anumang bagay o mula sa ibang diyos na umiiral na.

Page 15: Creator of Heaven & Earth

Ang Nalikhang Katotohanan

Dalawang Kahihinatnan:1. Ang lahat ay nakasalalay sa Diyos at walang

lakas sa sangnilikha ang makalalaban sa Diyos. Ang mga Kristiano ay pinalaya na mula sa nakakabahalang pagkatalot sa anumang lakas o kapangyarihan sa daigdig.

2. Walang anumang bagay sa sangnilikha ang maaring sambahin. Ang pagsamba sa diyos-diyusan ay isang pagtataksil sa Diyos.

Page 16: Creator of Heaven & Earth

Tao: Tugatog ng Paglikha

Page 17: Creator of Heaven & Earth

Ang Tao, Tugatog ng Paglikha

“Ano nga ang tao upang iyong alalahanin? Ano nga siya na sukat mong kalingain? Nilikha mo siya na halos kapantay ng iyong luingning at kadakilaan. Pinamahala mo sa buong daigdig, sa lahat ng bagay, malaki at maliit. (Salmo 8:4-6)

Page 18: Creator of Heaven & Earth

Nakikita at Di-nakikita

• Ang Diyos ang lumikha sa langit at lupa, sa lahat ng bagay na nakikita at di-nakikita.

• Ang “lupa” ay tumutukoy sa lahat ng bagay na nakikita, hindi lamang sa ating planeta, kundi sa lahat.

• Ang “langit” ay sumasagisag sa hindi nakikitang espiritwal na daigdig ng Diyos, katulad ng mga anghel na mga purong espiritu.

Page 19: Creator of Heaven & Earth

Mga Anghel na Tagatanod

Page 20: Creator of Heaven & Earth

Ang Mga Anghel

• Ayon kay San Agustin: “Ang salitang ‘anghel’ ay tumutukoy, hindi sa kanilang kalikasan, kundi sa kanilang tungkulin bilang mga ‘espiritwal na lingkod’ at mga isinugo upang tumulong sa mga maliligtas” (Hebreo1:14).

• Ang mga anghel ay puro at espiritwal na nilalang, may isip at kalooban.

Page 21: Creator of Heaven & Earth

Mga Anghel sa Kasaysayan ng Kaligtasan

Sa Aklat ng Lumang Tipan, ang mga anghel at arkanghel ay mga tanda at kasangkapan ng pagmamahal at pagkalinga ng Diyos sa kanyang bayan.

Sa Aklat ng Bagong Tipan, ang buhay ni Hesus, mula sa kanyang pagsilang hanggang sa pag-akyat sa langit, ay napapaligiran ng pagsamba at paglilingkod ng mga anghel.

Page 22: Creator of Heaven & Earth

Mga Anghel na Tagatanod

• Dahil sa personal na pagmamahal ng Diyos sa bawat nilikha, nagtalaga Siya sa bawa’t isa sa atin ng isang anghel para maging bantay at tagapagturo.

• Ayon kay San Basilio: “Ang bawa’t binyagan ay may anghel na tagapagtanggol at pastol na umaakay sa kanya sa buhay.”

Page 23: Creator of Heaven & Earth

Ang Kahulugan ng Paglikha Para sa Mga Tao

Page 24: Creator of Heaven & Earth

Unang Personal na Aspeto

• Ang Diyos ay lumikha, nagtataguyod sa bawat isa sa atin sa pag-iral ngayon.

• “Walang bagay na mananatili kung hindi mo kalooban, at walang makapagpapatuloy jung hindi mo nilalang.” (Karunungan 11:25)

Page 25: Creator of Heaven & Earth

Ikalawang Personal na Aspeto

• Ang Diyos ang nagkakaloob ng layunin sa paglikha at ang mga tao ay bumubuo ng lakas na nag-uugnay.

• “Lalangin natin ang tao. Ating gagawin siyang kalarawan natin. Siya ang mamamahala sa mga isda, mga ibon at lahat ng hayop.” (Genesis 1:26)

Page 26: Creator of Heaven & Earth

Tao: Katiwala sa Pangangasiwa• Ayon sa PCP II: “Ang tao ay

pinagkatiwalaan ng Diyos upang pangasiwaan ang daigdig at ito ay nangangailangan ng ating makataong pakikiisa, matatag at matiyagang paninindigang italaga ang sarili sa kabutihang-panlipunan, sa kabutihan ng lahat at ng bawat isa sapagkat tayo ay tunay na may pananagutan sa lahat.”

Page 27: Creator of Heaven & Earth

Ikatlong Personal na Katangian

• Ang pangako ng Manlilikha na maging kasama ng Kanyang mga nilikha.

• “Ako ay sasaiyo, huwag matakot. Ako ang iyong Diyos, di ka dapat mangamba kaninuman.” (Isaias 41:10)

Page 28: Creator of Heaven & Earth

Ang Banal na Kagandahang-Loob

ng Diyos

Page 29: Creator of Heaven & Earth

Tao: Kalarawan ng Diyos

• Dahil sa ating kakayanang mangatwiran, dahil sa ating kaluluwang espiritwal, at dahil sa ating kakayanang makagawa ng mga kapasyahang moral.

• “Mula sa kanyang kaloob-looban, ang tao ay isang panlipunang nilalang, at hangga’t hindi niya iniuugnay ang sarili sa iba, di siya mabubuhay at di niya mapapaunlad ang kanyang mga kakayahan.” (GS 12)

Page 30: Creator of Heaven & Earth

Pagkakaisa ng Sangkatauhan

• Ayon sa Vatican II: “Ang lahat ng tao ay bumubuo ng iisang pamayanan; iisa ang pinagmulan dahil nilikha ng Diyos ang buong sangkatauhan upang manirahan sa ibabaw ng lupa. Iisa rin ang layunin ng tao – ang Diyos. Ang kanyang kagandahang-loob, ang pagpapamalas ng kanyang kabutihan, ang kanyang plano ng kaligtasan, na ipinagkakaloob sa lahat ng tao….”

Page 31: Creator of Heaven & Earth

Ang Kasamaan at Paghihirap

• Hindi pinawi ng kagandahang-loob ng Diyos ang lahat ng kasamaan at paghihirap sa daigdig. Ngunit ipinagkaloob ng Diyos sa mga mananampalatayang Kristiano ang espiritwal na lakas at pag-asa na kinakailangan upang harapin ang mga kasamaan at tanggihan ito.