01#Filipino LET Day 1 2

Preview:

DESCRIPTION

FILIPINO DAY 1 REVIEWER

Citation preview

LET REVIEW FILIPINO

MS. JACHELLE FAITH T. JASME

TAYUTAY

1. Pagtutulad (Simile)

- Ito ay isang uri ng tayutay na lantaran ang

paghahambing ng dalawang bagay, tao, pangyayari at iba

pa. Ginagamitan ito ng mga salitang katulad ng, gaya ng,

kapara, kawangis, magkasim- magkasing- , kasing- at iba

pa.

Halimbawa:

a. Si Lolo Candido ay kasing-tibay ng punong Narra

dahil sa edad na 80, nagagawa pa niyang bumuo ng

bahay na siya mismo ang pumapanday.

2. Pagwawangis/ Metapora (Metaphor)

- Ito ay isang uri ng tayutay na hindi lantaran ang

paghahambing ng tao, bagay, pangyayari at iba pa. Hindi ito

ginagamitan ng mga salitang, para ng, katulad ng, gaya ng,

kapara, kawangis, magkasim- magkasing- at iba pa.

Halimbawa:

a. Itay at Inay, kayo ang kayamanan na aking

pinangangalagaan. Kayo’y hindi ko kailanman iiwan.

b. Si Justin ang payaso ng buhay ko, siya ay parating nariyan

para ako’y patawanin.

3. Pagtatao/Personipikasyon(Personification)

- Ito ay pagsasatao o pagsasalin ng talino, gawi, at katangian

ng tao sa mga bagay-bagay sa ating paligid, mga bagay na

walang buhay.

Halimbawa:

a. Sa paghaplos ng malamig na hangin sa aking pisngi, naalala

ko bigla ang aking lola na yumao.

b. Sana’y pagalitan siya ng kanyang konsenya sa pandarayang

ginawa niya sa aming pagsusulit.

4. Pagmamalabis (Hyperbole)

- Isang uri ng tayutay na lubhang pinalalabis o pinakukulang

ang tunay na kalagayan ng tao, bagay o pangyayari.

Halimbawa:

a. Umiyak si Betty ng dugo nang nalaman niyang hindi siya

nakapasa sa LET.

b. Huminto ang pagtibok ng kawawa kong puso nang makita

kong may kasama siyang iba.

5. Pagtawag (Apostrophe)

- Ito’y paggamit ng mga salita sa pakikipag-usap sa

karaniwang bagay na tila totoong buhay at tila nasa kanyang

harapan ngunit wala naman, mga bagay na malayo o wala naman.

Halimbawa:

a. O aking salamin, salamat sa pagdamay sa akin.

b. Anino, huwag mo akong takutin.

6. Pagpapalit-saklaw (Synecdoche)

- Ito’y pagpapahayag sa pamamagitan ng pagbanggit sa

bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan maaari rin naming ang isang

tao’y kumakatawan sa isang pangkat.

Halimbawa:

a. Isang bagong mukha ang aming nasilayan sa bahay ni

Bentong. (isang bagong mukha na tumutukoy sa isang tao)

b. Maraming kamay ang gumawa ng aming proyekto kaya

maganda ang kinalabasan nito. (maraming kamay

na tumutukoy sa grupo ng tao)

7. Pagpapalit-tawag (Metonymy)

- Ang ibig sabihin ng “meto” sa metonymy ay panghalili o

pagpapalit. Ito ay paggamit ng salitang panumbas o pamalit sa

bagay, tao o pangyayaring pinatutungkulan.

Halimbawa:

a. Isang Einstein ang nanalo sa Science Quiz Bee.

(Einstein na panghalili sa napakatalinong tao)

b. Siya ang bituing nag-uwi ng koronang Mutya Hong

Libertad. (bituin na panhalili sa napakagandang kandedata)

8. Aliterasyon

- Pag-uulit ng magkatulad na mga titik o tunog sa simula ng dalawa o higit pang magkasunod na mga salita o salitang magkakalapit sa isa’t isa.

- Inuulit ang pantig sa unahan ng mga salita.

Halimbawa:

a. Masakit man sa akin pero sabi niya kulang pa ang pagmamahal, pagaaruga at pagmamalasakit ko sa kanya.

b. Si Perla ay maituturi kong isang maganda, maalaga at mapagmahal na kaibigan.

9. Tanong Retorikal (Rhetorical Question)

- Ang pagpapahayag na ito ay ginagamit upang tanggapin o

di-tanggapin ang isang bagay. Isa itong tanong na walang

inaasahang sagot.

Halimbawa:

a. Bakit napakahigpit ng kapalaran?

b. Kailan mo papakawalan ang puso kong nasasaktan?

10. Paglumanay (Euphemism)

- Pinapaganda ang pangit na mga salita upang maging katanggap-tanggap at kaaya-aya ito.

Halimbawa:

a. Ayaw na ayaw ko sa mga taong hindi marunong sumunod sa utos. (hindi “matigas ang ulo”)

b. Huwag kang magbalak na kumitil ng buhay.

(hindi “pumatay”)

11. Pagpapalit-Wika (Transferred epithets)

- Ang pang-uring ginagamit lamang sa tao ay inililipat

sa mga bagay.

Halimbawa:

a. Ang matapat na payong ay patuloy na naglilingkod sa

kanya.

b. Ginangamit niyang muli ang mapagparayang tsinelas.

c. Kaawa-awang pamaypay lupaypay na sa pagbibigay ng

hangin.

Pagtatambis (Antithesis)

- ito ay naglalahad ng mga bagay na magkasalungat

upang higit na mapatingkad ang bisa ng

pagpapahayag.

Halimbawa:

Ang buhay sa mundo ay tunay na kakatawa: may

lungkot at may ligaya, may dilim at may liwanag, may

tawa at may luha, may hirap at may ginhawa, may

dusa at may pag-asa.

Pagsalungat (Epigram)

- kahawig ng tambisan kaya nga lamang ay maikli at

matalinghaga.

Halimbawa:

a. Nadapa iya upang muling bumangon.

b. Nasa pagsisinungaling ang kanyang katapatan.

c. Ang tunay na kagandahan ay nasa kapangitan niya.

Pag-uyam (Irony)

- paggamit ng mga salitang kabaligtaran sa tunay na

kahulugan at taliwas sa katotohan.

Halimbawa:

a. Napakabait mo. Matapos kitang pakainin sa dalawang

palad ko ay aahasin mo pa ako.

b. Siya ay may magandang mukha na kung saan tanging

ina niya lang ang humahanga.

Pagtanggi (Litotes)

- gumgamit ng panangging HINDI upang maipahayag

ang makabuluhang pagsang-ayon.

Halimbawa:

a. Si Lucas ay hindi sinungaling, hindi lamang niya kaya

ang magsabi ng totoo.

b. Hindi ko sinabi na ayaw ko sa kanya pero suklam na

suklam ako sa kaniya.

SAWIKAIN o IDYOMA

Ang sawikain o idyoma ay salita o grupo ng

mga salitang patalinhaga ang gamit. Ito ay

nagbibigay ng ‘di tuwirang kahulugan.

• luha ng buwaya – hindi totoong nagdadalamhati,

nagkukunwari, pakitang tao

Halimbawa:

Huwag kang magpapaniwala sa kinikilos ni Jen tungkol sa

pagkamatay ng isa ninyong kaibigan dahil nararamdaman

ko na iyan ay luha ng buwaya lamang.

• di-makabasag pinggan – mahinhin kumilos

Halimbawa:

Sa tatlong makakaibigan na sina Luz, Betchay at Kitty, si Luz

lamang ang di-makabasag pinggan.

• ilista sa tubig – kalimutan na ang utang dahil hindi na ito

mababayaran pa

halimbawa:

Hindi na talaga ako magpapautang sa Budoy na ‘yan dahil sa

ilang taong lumipas, ang lahat ng utang niya ay inilista na sa

tubig.

• nagbibilang ng poste – walang trabaho

Halimbawa:

Nakatapos nga si Joel sa kolehiyo ngunit siya ay nagbibilang parin ng poste hanggang ngayon.

• bahag ang buntot – duwag

Halimbawa:

Bakit ba bahag ang buntot ka?

• ikurus sa noo – tandaan

Halimbawa:

Ikurus sa noo mo na akong bahala sa iyo.

• di madapuang langaw - maganda ang bihis

Halimbawa:

Wow!Parang di madapuang langaw si Terso sa suot nitong toxedo.

• alilang-kanin - utusang walang batad, pakain lang, pabahay at pakain ngunit walang suweldo.

Halimbawa:

"Mga anak, huwag kayong masyadong maging masungit sa katulong natin. Alam naman ninyo na siya ay alilang-kanin lang."

15. balitang-kutsero - balitang hindi totoo o hindi mapanghahawakan.

Halimbawa:

Huwag kayong magalala, hindi basta naniniwala ang Boss namin sa mga balitang-kutsero.

BAHAGI

NG

PANANALITA

PANGNGALAN (noun)

mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay,

pangyayari. Ginamit ito sa pagtawag sa

pangalan ng mga hayop, tao, atbp.

Halimbawa: Corazon Aquino, bata, babae

URING PANSEMANTIKA NG PANGNGALAN

1) Pantangi – pangngalang tumutukoy sa tangi o particular na tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari

Halimbawa:

Baguio, Boracay, Bohol, Tagyatay

2) Pambalana – pangngalang tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook, o pangyayari.

Halimbawa:

Lungsod, baybayin, pook, bayan

Uri ng Pangngalan ayon sa Konsepto

1) Basal – pangngalang tumutukoy hindi sa material kundi sa diwa o kaisipan

Halimbawa:

Kagandahan, buti, kasamaan, pag-asa

2) Tahas- pangngalang tumutukoy sa bagay na material

Halimbawa:

Tao, hayop, pagkain, gamit, bulaklak

3) Palansak – tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay

Halimbawa:

Buwig, kumpol, tumpok, hukbo, lahi

PANGHALIP (pronoun)

paghalili sa pangngalan.

Halimbawa: ako, ikaw, siya, atin, amin, kanya.

MGA URI NG PANGHALIP

1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun)

Halimbawa:

ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya,

kanila, siya, kanya

2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun)

*malapit sa nagsasalita: ito, ire, niri, nito, ganito, ganire

malapit sa kinakausap: iyan niya ayan hayan diyan

*malayo sa nag-uusap: ayun, hayun, iyon, yaon, niyon, noon,

doon

3. Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun)

Halimbawa:

ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, alin-alin

4. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)

Halimbawa:

lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawang

5. Panghalip na Pamanggit

Halimbawa:

na, -ng

Pandiwa

(verb)

bahagi ng pananalita na nagsasaad ng

kilos.

Halimbawa: sayaw, tuwa, talon.

Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapakita kung kalian nagyari,

nangyayari, o ipagpapatuloy pa ang kilos.

1. Aspektong Naganap o Perpektibo – ito ay nagsasaad na

tapos nang gawin ang kilos.

Halimbawa:

Umalis Sa kani-kanilang mga bansa ang mga dayuhang

negosyante.

Pawatas Perpektibo

Umalis umalis

Magnegosyo nagnegosyo

Bigyan binigyan

Aspektong Katatapos – nangangahulugan itong katatapos pa lamang ng kilos o pandiwa. Nabubuo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng panlaping ka at paguulit sa unang pantig ng isang salita. Ito ay nasa ilalim din ng aspektong perpektibo.

Halimbawa:

Pawatas Katatapos

Magbigay kabibigay

Mag-ayos kaaayos

Mag-usap kauusap

2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo – ito ay nagsasaad

ng ang inumpisahang kilos ay patuloy pa ring ginagawa at

hindi pa tapos.

Halimbawa:

Pawatas Imperpektibo

Magpasalamat nagpapasalamat

Ipaalam ipinapaaalam

3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo – ang kilos ay

hindi pa nauumpisahan at gagawin pa

lamang.

Halimbawa:

Pawatas Kontemplatibo

Mabunga magbubunga

Kumita kikita

Kumilos kikilos

Pangatnig

(conjunction)

ginagamit para ipakita ang relasyon ng

mga salita sa pangungusap.

Halimbawa: dahil, maging, man, gawa ng,

upang, nang, para, samantala atbp.

MGA URI NG PANGATNIG:

1. Pamukod - ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya ng: o, ni,

maging, at man.

Halimbawa:

a. Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo.

b. Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Roger

man ang piliing lider natin.

c. Walang diperensiya sa akin maging si Jose ang magwagi sa

paligsahan.

d. Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking

anak.

2. Panubali - nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng: kung,

kapag, pag, sakali, disin sana.

Halimbawa:

a. Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.

b. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang

maaga ang tatay.

c. Pag umulan, hindi makakapunta rito si Boyet.

d. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda sakaling

lumitaw ang buwan.

3. Paninsay - kapag sinasalungat ng unang bahagi ng

pangungusap ang ikalawang bahagi nito. Gaya ng:

ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman,

kahit.

Halimbawa:

a. Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit (kahit

na) maraming naninira sa kanya.

b. Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman tindera lang

sa palengke ang kanyang ina.

c. Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga

kaibigang bomoto sa kalaban niya.

d. Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.

4. Pananhi - nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa

pagkaganap ng kilos. Ang mga ito ay: dahil

sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.

Halimbawa:

a. Namaos siya dahil sa matagal na pagtatalumpati.

b. Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.

c. Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang ulan.

d. Nahilo si Anna mangyari ay ikot siya nang ikot.

5. Panapos - nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng

pagsasalita, gaya ng: upang, sa lahat ng ito, sa

di-kawasa, sa wakas, at sa bagay na ito.

Halimbawa:

a. Sa di-kawasa, ang pulong ay tinapos na.

b. Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong

promosyon sa trabaho.

c. Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa.

d. Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay na ang

paghuhusga.

6. Panlinaw - ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o

kabuuan ng isang banggit.

Halimbawa:

a. Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon

magsasama na silang muli.

b. Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na

si Berto.

7. Panimbang - ginagamit sa paghahayag ng karagdagang

impormasyon at kaisipan, gaya ng: at - saka,

pati, kaya, anupa’t.

Halimbawa:

a. Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.

b. Anupa't pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para

makaahon sa kahirapan.

c.. Nagtanim siya ng upo at saka patola.

8. Pamanggit - gumagaya o nagsasabi lamang ng iba, tulad ng:

daw, raw, sa ganang akin/iyo, di umano.

Halimabawa:

a. Sa ganang akin, ang iyong plano ay mahusay.

b. Siya raw ang hari ng sablay.

c. Di umano, mahusay umawit si Blanca.

d. Masisipag daw ang mga taga-Ilokos.

9. Panulad - tumutulad ng mga pangyayari o gawa, tulad ng:

kung sino…siyang, kung ano…siya rin,

kung gaano…siya rin.

Halimbawa:

a. Kung ano ang mga nangyayari noon, siya ring

mangyayari ngayon

b. Kung sino ang unang tumakbo, siyang mananalo.

c. Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring ibibiyaya sa

iyo.

PANG-UKOL

(preposition)

Ginagamit kung para kanino o para saan ang kilos.

Ang pang-ukol o preposition sa wikang Ingles ay

bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip,

pandiwa at pang-abay sa ibang salita sa pangungusap.

Pang-ukol ang ginagamit upang matukoy kung sang

lunan o kung anong bagay ang mula o tungo, ang kinaroroonan,

ang pinangyarihan o kina-uukulan ng isang kilos, gawa, balak ,ari

o layon. Ang mga ito ay laging may layon na maaaring isang

pangngalan o isang panghalip.

Mga uri o mga karaniwang pang-ukol

sa/sa mga nang may laban sa/kay

ng/ng mga tungkol sa/kay ayon sa/kay

ni/nina alinsunod sa/kay tungo sa

kay/kina hinggil sa/kay

sa/kay nang wala

labag sa para sa/kay

mula sa

Dalawang pangkat ng Pang-ukol

1. Ginagamit sa pangngalang pambalana : ukol sa, laban sa,

hinggil sa, ayon sa, tungkol sa, para sa.

Mga Halimbawa:

1. Ukol sa pilipino ang paksa ng usapin.

2. Ang mga piling manggagawa ay binigyan ng bunos

3. Laban sa manggagawa ang kanilang pinapanukala.

4. Ang mga aklat na ito ay para sa mahihirap.

2. Ginagamit sa ngalan ng tanging tao - ang gawa, ari, layon, at

kilos ay para lamang ngalan ng tao, tulad ng: ukol kay,

laban kay, para kay, tungkol kay, ayon kay, hinggil kay.

Mga Halimbawa:

1. Ang gantimpalang pera ay ukol kay Maria.

2. Para kay Juan ang pagkaing ito.

3. Hinggil kay Enrico ang kanilang problema.

4. Ang kanyang nilutong adobo ay para sa lahat.

5. Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa

ating kaalaman.

Pang-angkop (ligature)

Bahagi ng pananalita na ginagamit para maging maganda

pakinggan ang pagkakasabi ng pangungusap. ay mga katagang

idinudugtong sa pagitan ng dalawang salita upang maging

kaaya-aya ang pagbigkas ng mga ito at magkaroon ng ugnayang

panggramatika. Ito ay maaaring matagpuan sa pagitan ng pang-

uri at pangngalan.

Halimbawa: na, ng, g. magandang bata.

TATLONG PANG-ANGKOP SA PAG-UUGNAY NG MGA SALITA

1. Pang-angkop na -NA – Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay nagtatapos sa mga katinig (consonant) maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang pinag-uugnay.

Halimbawa:

1. malalim – bangin = malalim na bangin

2. mataas – tao = mataas na tao

3. feel – feel = feel na feel

4. yamot – yamot = yamot na yamot

5. tulay – bato = tulay na bato

2. Pang-angkop na -NG – Ito ay isinusulat karugtong ng mga

salitang nagtatapos sa mga patinig (vowel). [a, e, i, o u].

Halimbawa:

1. malaya – isipan = malayang isipan

2. malaki – bahay = malaking bahay

3. buo – buo = buong-buo

4. madamo – hardin = madamong hardin

5. sombrero – pandan = sumbrerong pandan

3. Pang-angkop na -G – ginagamit kung ang salitang

durogtungan ay nagtatapos sa katinig na n.

Halimbawa:

1. aliwan – pambata = aliwang pambata

2. balon – malalim = balong malalim

3. pamayanan – nagkakaisa = pamayanang nagkakaisa

4. pamilihan – bayan = pamilihang bayan

5. institusyon – pangmental = institusyong pangmental

Pang-uri (adjective)

naglalarawan ng katangian ng pangngalan o

panghalip.

Halimbawa: Magandang bata.

Pang-abay (adverb)

Naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa

nito pang-abay

Mga Uri ng Pang-abay

1. Pang-abay na Pamanahon – nagsasaad kung kailan

naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.

May pananda

Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,

hanggang.

Halimbawa:

Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.

Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan

Walang pananda Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,atb.

• Halimbawa: Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino. Ipagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika – 40 na kaarawan. Nagsasaad ng dalas Araw-araw, tuwing umaga,taun-taon atb. Halimbawa:

Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan. Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang kanyang kalusugan.

2. Pang-abay na panlunan – tumutukoy sa pook na

pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa

pandiwa. Karaniwang ginagamit ang pariralang sa/kay

Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o

panghalip.

Kay /kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang

pantanging ngalan ng tao.

Halimbawa:

Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.

Nagpaluto ako kina aling Ingga ng masarap ng keyk para

sa iyong kaarawan.

3. Pang-abay na pamaraan – naglalarawan kung paano naganap,

nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng

pandiwa. Ginagamit ang panandang nang o na/-ng.

Halimbawa:

Kinamayan niya ako nang mahigpit.

Tumawa siyang parang sira ang isip.

4. Pang-abay na pang-agam – nagbabadya ng di-katiyakan sa

pagganap sa kilos ng pandiwa.

Mga halimbawa: marahil, siguro, tila, baka, wari, atb.

Halimbawa:

Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng

Sandiganbayan.

Higit sigurong marami ang dadalo ngayon sa Ateneo Home

Coming kaysa nakaraang taon.

Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.

5. Pang-abay na panang-ayon – nagsasaad ng pagsang-ayon.

Hal. Oo, opo, tunay, sadya, talaga, atb.

Halimbawa:

Oo,asahan mo ang aking tulong.

Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan.

Sadyang malaki ang ipinagbago mo.

6. Pang-abay na pananggi – nag-sasaad ng pagtanggi, tulad ng

hindi/di at ayaw.

Halimbawa:

Hindi pa lubusang nagagamot ang kanser.

Ngunit marami parin ang ayaw tumigil sa paninigarilyo.

7. Pang-abay na panggaano o pampanukat – nagsasaad ng

timbang o sukat. Sumasagot sa tanong na gaano o magkano.

Halimbawa:

Tumaba ako nang limang libra .

Tumagal nang isang oras ang operasyon.

8. Pang-abay na pamitagan – nagsasad ng paggalang.

Halimbawa:

Kailan po kayo uuwi?

Opo, aakyat na po ako

9. Ingklitik o paningit – mga katagang laging sumusunod sa unang

salita ng kayariang kinabibilangan

Mayroong 16 anim na ingklitik sa Filipino

ba daw/raw pala man

kasi din/rin tuloy muna

kaya naman nga pa

na yata lamang/lang sana

10. Pang-abay na kundisyunal – nagsasaad ng kundisyon para

maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Pinangungunahan

ng kung, kapag o pag at pagka

11. Pang-abay na kusatibo – tawag sa pang-abay na nagsasaad ng

dahilan sa pagganap ng kilos ng pandiwa

Binubuo ng parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa

12. Pang-abay na pangkaukulan - pinangungunahan ng

tungkol, hinggil o ukol

Pantukoy (article o determiner )

Tinutukoy ang relasyon ng paksa at panag-uri

sa pangungusap

URI NG PANTUKOY

Pantukoy na Pambalana - tumutukoy sa mga pangngalang pambalana ang, ang mga, mga ang (isahan) Halimbawa: Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan. ang mga (maramihan) Halimbawa: Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage. mga (maramihan) Halimbawa: Ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.

Pantukoy na Pantangi - tumutukoy sa pangngalang pantangi

(tiyak na tao)

si, sina, ni, nina, kay, kina

si (isahan)

Halimbawa:

Si Gng. Arroyo ay nagsisikap upang mapabuti ang

kalagayan nating mga Pilipino.

sina (maramihan)

Halimbawa:

Nanguna sa paglilinis ng baranggay sina G. at Gng. dela

Cruz.

ni (isahan)

Halimbawa:

Napagalitan ni Coach Dimagiba ang mga manlalaro dahil

hindi sila dumating sa oras.

nina (maramihan)

Halimbawa:

Hindi ikinatuwa ng guro ang pag-aaway nina Anton at

Luis.

kay (isahan)

Halimbawa:

Ibinahagi ni Sofia ang kanyang keyk kay Sam.

kina (maramihan)

Halimbawa:

Nakipagkasundo na si Lukas kina Juan at Pedro

Pangawing (linker)

nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap.

Ang AY ay palatandaan ng ayos ng pangungusap. Ito ay

pang-dugtong sa mga pangungusap na di-karaniwang ayos

Halimbawa:Ako ay galing sa banyo.