121786736 Pananaliksik Tungkol Sa Epekto Ng Social Networking Sites Sa Tao

Embed Size (px)

DESCRIPTION

jhkhjkhhgk

Citation preview

  • Isang Pagaaral Tungkol sa Epekto ng Social Networking Bilang Public Property sa mga Mag-

    aaral ng Pamantasan ng Sto. Tomas sa mga Piling Kolehiyo at Hayskul

    Isang Pananaliksik Papel ang Ipinasa kay:

    Gng. Zendel M. Taruc

    Kagawaran ng mga Wika

    UST, Kolehiya ng Nursing

    Bilang Pagtugon sa mga Pangangailangan sa kurso ng

    Filipino 2: Pagbabasa at Pagsusulat Tungo sa Pananaliksik

    Ika-2 Semester, TA: 2007-2008

    Ipinasa nina:

    Banzon, Jose Paulo Luigi A.

    Bayot, James C.

    De Chavez, Renz Irvin A.

    Isidro, Robin Delfin

    Lopez, Victor Rico P.

    Paulino, Alberto P. III

    Surell, Rusell John P.

    Unas, Janssen Dion T.

    Versoza, Jonas Ian R.

    I-1

    Marso 7, 2008

  • TALAAN NG NILALAMAN

    Pahina

    I. Ang Suliranin at Kaligirang Pag-aaral 1-2

    a. Abstrak 1

    b. Mga Layunin 2

    II. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura 3-15

    III. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik 16-22

    a. Metodolohiya 16-17

    b. Presentasyon, Pagsusuri, at Interpretasyon ng Datos 17-22

    IV. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon 23-25

    a. Lagom 23

    b. Kongklusyon 24

    c. Rekomendasyon 25

    V. Bibliografiya 27-29

  • I. Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-aaral

    1. Kaligiran ng Pag-aaral(abstrak)

    Ang pag-aaral ay tungkol sa epekto ng social networking

    bilang public property. Ang papel ay naglalarawan sa pananaw,

    kaugalian, at ideya ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng Santo

    Tomas sa mga piling kolehiyo at hayskul. Ang ginamit na

    instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ay isang sarbey na

    naglalaman ng mga open at close- ended na mga katanungan

    tungkol sa ideya at pananaw ng mga mag-aaral sa social networking.

    Sa lumabas na resulta ng mga datos, lumalabas na malaking

    porsiyento ang nagsasabing higit na nakakabuti ang paggamit nito at

    ang mga pangkaraniwang dahilan ay ang pakikihalubilo at

    pagpapakita ng sariling identidad. Mas naging matimbang ang

    mabuting epekto nito sa kabila ng masasamang epekto nito tulad ng

    mga kumukuha ng identidad o impormasyon at pornograpiya

    Lumabas rin sa pag-aaral na ang kanilang malawak na

    kamalayan sa seguridad. Ito ay dahil sa mga karanasan ng kanilang

    mga kaibigan o kaya ay sa sariling kaganapan sa kanilang buhay. Isa

    pang dahilan ay ang mga lumalabas sa media na naging

    impluwensyal sa pananaw at desisyon ng tao.

  • 2. Mga Layunin

    Sa pagsisimula ng pag-aaral na ito, nais naming malaman

    kung ano ang mga saloobin ng ibat ibang Thomasian students sa

    napapanahong penomena ng Social Networking. Sa tulong ng

    pananaliksik at pangangalap ng mga datos gamit ang sarbey ay nais

    naming maipakita:

    ang dami ng mag-aaral sa kolehiyo at hayskul na

    gumagamit ng social networks.

    ang kadalasang kasarian ng mga mag-aaral na

    gumagamit ng social Networks.

    ang kadalasang ginagamit na social network site, ang

    oras na ginugugol nila para ditto, at ang mga personal na

    impormasyong kanilang inilalahad sa mga sites na ito.

    kung ang social network site nila ay pampubliko o

    pampribado, ang kadahilanan sa pagpili nito, at ang

    possibleng maging bunga nito.

    ang pananaw ng mga mag-aaral sa kasalukuyang

    umiiral na problema tungkol sa panloloko gamit ang social

    networks.

    kung saang aspeto ng buhay nakasasama o

    nakabubuti ang social networks.

  • II. Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

    1. Mga Batayang Kaalaman sa Social Networking

    A. Kahulugan ng Social Networking

    Ayon sa Wikipedia, ang social networking ay isang istrakturang sosyal na

    gawa sa mga nodes o sa mas madaling salita, mga indibidwal na konektado ng isa

    o maraming tema tulad ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig, at sexual na

    relasyon.

    Ayon naman kina Boyd at Ellison (2007), ang social networking sites ay mga

    serbisyong web-baed na nagbibigay sa mga indibiwal para (1) bumuo ng isang

    pangpublikong profile, ang tawag sa impormasyong pormal na binibigay kapag

    nagrerehistro(ayon sa www.gartner .com) na nakapaloob sa isang system, (2)

    makita ang profile ng ibang indibidwal kung saan siya ay konektado, at (3) para

    makita ang mga profile ng mga idibidwal na kasama niya sa system. Idinagdag pa

    ng mga manunulat na ang SN ay nagiging patok sa publiko dahil pinapayagan nito

    ang isang indibiwal na makilala ang ibang tao.

    B. Maikling Kasaysayan ng Social Networking

    Mayroong pag-aaral na ang bawat kompyuter na magkakaugnay ay maaaring

    maging basehan para sa interaksyong sosyal na computer-mediated. Ito ay bunga

    ng The Network Nation ni S. Roxanne Hiltz at Murray Turoff na nagdulot ng

    pagsulong ng kagamitan ng kompyuter sa pakikihalubilo.

    Ayon sa Wikipedia.org, nagsimula ang social networking noong 1995 sa

    pagtayo ng isang social network o SN na nagngangalang Classmates.com, isang

    websayt kung saan ang mga miyembro nito ay makahahanap ng kanilang mga

    lumang kaklase maging sa kindergarden o sa kolehiyo at mapanatili ang

    komunikasyon sa pagitan nila. Ayon sa isang media release ng Oregon State

    University(2007), si Randy Conrads ang gumawa ng websayt na ito. Sa karagdagan,

    sinabi ng Classmates.com na ng kumpanyang ito ay pinagkikita muli ang mga

  • residente ng Estados Unidos at Canada na siyang naging kamag-aral o kasama nila

    noong silay nagaaral, nagtratrabaho o maging ang mga kasama nila sa militar.

    Noong taong 1995, nagkaroon ng mahigit kumulang sa 40 milyong tao ang kasali sa

    SN na ito.

    Ayon kina Boyd at Nicole, ang pag-unlad ng SN ay nagsimula sa websayt na

    SixDegrees.com. Sa websayt na ito, nabibigyan ng pagkakataon ang mga tao na

    makagawa ng profile, mailista ang mga kaibigan, at ma-surf ang listahan ng mga

    kaibigan. Nakatulong ang SixDegrees sa mga tao para makonekta at makapg

    padala ng mga mensahe sa mga kaibigan nito. Kahit marami ang naengganyo sa

    SixDegrees, hindi nila masayadong natatag ang nang mabuti ang komersyong ito

    kaya hindi rin ito nagtagal.

    Pagkatapos naman ng Classmates.com, maraming sumunod na SN tulad ng

    SixDegrees.com noong 1997, LiveJournal.com noong 1999, Friendster.com noong

    2002, Multiply.com at MySpace.com sa taong 2003 at ang Facebook.com naman

    noong 2004.

    C. Mga uri ng Social Networking

    1. Friendster.com

    Ayon kay Ronald S. Lim(2007), ang Friendster ay isang

    pribadong pagmamayaring sayt sa California noong 2002, at, naging

    pinakapolular na social networking sayt sa Amerika bago ang

    MySpace sa taong 2004

    Bumaba man ang popularidad nito sa Estados Unidos, ang

    Friendster pa rin ay ang mas pinupuntahan ng mga Asyano .Sa

    katunayan ng popularidad nito, nakumbinsing dumalaw ang

    musikerang si Bonnie Bailey na kumanta ng popular na Ever After

    dito sa Pilipinas dahil lamang sa mga komento na iniwan sa kanyang

  • Friendster. Sa kasalukuyan ay may 50 milyong tao na ang

    tumatangkilik nito. Isa sa mga pinakasikat na gawin sa Friendster ay

    ang language options nito. Dito, maaring pumili sa mga linggwaheng

    Chinese, simplified Chinese, Hindi, Japanese, Korean, Spanish at

    Tagalog.

    2. MySpace

    Ayon kay Paul Marks (2006) lumalaganap na daw ang ibat-

    ibang uri ng SN at isa na dito ang MySpace. Ang MySpace, na ayon sa

    OUT-LAW.com (2006), ay ginawa ni Brad Greenspan, ay isang uri ng

    SN na para sa lahat. Ito ay para sa mga magkaibigang mahilig

    makipagusap gamit ang Internet, mga taong gustong makipagkilala sa

    iba, mga taong nagtutugma o nagrereto sa kanilang mga kaibigan,

    mga tao na malayo sa pamilya na gustong makipagkamustahan o

    makipagusap sa kanilang pamilya, mga negosyante at kanilang mga

    katrabaho na interesado sa SN, mga magkakaklase at mga kapareha

    sa pag-aaral, at marami pang iba.

    Maihahalintulad natin ang myspace sa Multiply sapagkat halos

    parehas lang ang kanilang mga layunin at mga katangian. Mas

    kumplikado nga lang ang myspace kumpara sa multiply dahil mas

    madaming taga ibang bansa ang gumagamit dito. Ito ay naitala na

    pang anim sa pinaka popular na website at pangatlo ito sa sa Amerika.

    Sa kasalukuyan, naitala ng MySpace network na mahigit

    kumulang na 300 milyon na tao ang gumagamit ng SN na ibinabahagi

    ng MySpace at patuloy pa itong nadadagdagan pa ito araw-araw.

    Masasabi natin na sa panahon ngaun, ang SN ay isa nang bahagi ng

    ating buhay dahil din ito sa patuloy na pagunlad ng ating teknolohiya at

    ang epekto nito sa larangan ng social networking.

  • 3. Multiply

    Ayon kay Richard Macmanus (2006), ang Multiply ay isang uri

    ng social networking na nagbibigay kakayahan sa mga gumagamit nito

    na mamahagi ng mga uri ng media media tulad ng litrato, video,

    musika, at iba pa sa loob ng iyong sariling websayt. Ito ay may

    kakaibang uri ng serbisyong higit sa ibang SN sayt. Dahil nga

    naturingan itong isang SN, hinahayaan nito ang gumagamit na

    makipagpalitan ng media sa ibat-ibang kasama niya sa kanyang

    network. Maaari silang magpalitan ng impormasyon o

    makipagtalakayan tungkol sa mga bagay na nagbibigay interes sa

    kanila. Pinahihintulutan din ng Multiply na ayusin ng gumagamit ang

    kanyang sariling websayt upang mas maenganyo ang mga tumitingin

    dito.

    Anong maganda sa pamamahagi ng media kung wala naman

    titingin dito? Isang tanong na sinolusyonan ng Multiply. Ang Multiply

    ang may kakayahang ibalita sa mga kasama sa iyong sariling SN kung

    may bago kang inilagay sa iyong sariling Multiply account. At ganun

    din sayo, ipinapakita din nito sa gumagamit kung merong mga bagong

    lagay na media o kung anung bagay sa mga ibat ibang tao na kasama

    mo sa iyong social network.

    Sa kabuuan, ang Multiply ay isang SN sayt na nangingibabaw

    sa ibang uri ng SN dahil sa ibat-ibang bagay na nag-aangat dito sa iba

    pang maliliit na SN. Hindi tulad ng maliit na networks na ito, ang

    Multiply ay laganap sa buong mundo.Ibig lang nitong sabihin ay hindi

    lang tayong mga Pilipino ang gumagamit nito kundi pati rin ang mga

    kapatid natin sa ibat-ibang lugar sa buong mundo.

  • D. Mga kagamitan para magkaroon ng Social Networking

    1. Kompyuter

    Ayon sa Wikipedia, ang kompyuter ay isang uri ng

    mekanismong ang ginagawa ay mangasiwa ng mga datos ayon sa

    mga panuto. Sa karagdagan, ang programa na isang termino sa pag-

    iimbak at pangangasiwa ng mga panuto ay isang katangian ng

    kompyuter.Isang magandang katangian nito ay ang pagsasa-ayos ng

    mga impormasyon sa ibat ibang lugar. Ang kompyuter network na

    nabuo ay itinawag na internet. Isa sa gamit ng computer ay ang

    pagkonekta nito sa internet sa pamamagitan ng telepono. Sa

    pamamagitan ng koneksyon sa Internet, maaaring makapasok o

    makapagbigay daan sa mga website na may kinalaman sa social

    networking.

    2. Internet

    Ang Internet na kilala ring information superhighway ay

    malawakang pang madlang daan na pinagsama-samang kompyuter

    networks na naghahatid ng datos sa pamamagitan ng pocket switching

    na gumagamit ng pamantayang Internet Protocol(IP). Ito ay isang

    network of networks na binubuo ng milyon na maliliit na networks sa

    larangan ng pantahan, pampaaralan, pangangalakal, pampamahalaan

    at sosyal na nagdadala ng ibat ibang impormasyon at paglilingkod

    katulad ng e-mail, online chat, file transfer o paglipat ng salansanan at

    pinagdugtongdugtong na web pages at iba pang mapagkukunan ng

    impormasyon ng World Wide Web. Maraming tao o kumpanya ang

    gumagamit ng web logs o blogs na pangkaraniwang ginagamit bilang

    online diaries o talaarawan. Mahalaga ang ginagampanang papel ng

    Internet sa pagpapalawak ng social networking. Sa pamamagitan ng

  • Internet nakakagawa ng e-mail address na isa rin sa mahalang

    kasangkapan para maiproseso ang SN.

    3. E-mail address

    Ang email, mula sa salitang elektronik mail, ay kadalasan na

    isinusulat na email, e-mail o mail, ay isang paraan ng paggawa,

    pagpapadala, pag-iimbak at pagtanggap ng mga mensahe sa paraan

    ng systemang elektronik na komunikasyon. Ayon sa Wikipedia, ang

    terminong email ay naaplika sa sistemang Internet email base sa

    Simple Mail Transfer Protocol (SMTP) at sistemang Intranet na

    pinahihitulutan ang mga manggagamit sa loob ng isang organisasyon

    na iemail ang bawat isa. Ang email ay karaniwang ginagamit upang

    magpadala ng mga di-inaasahang mga mensahe, ngunit may mga

    programa na may kakahayan na automatikong magbura ng mga ito.

    Ang e-mail address ay kinakailangan para maging kasapi sa isang SN

    na websayt. Dito ipinapadala ang mga impormasyon tulad ng mga

    paalala tungkol sa isang kaibigan. Kinakailangan din ng isang kasapi

    na magbigay ng password kaugnay ng email address para

    mapangalaagan ang kanyang pagiging kasapi sa isang SN.

    E. Mga proceso sa paggawa ng Social Networking Account

    Friendster

    Sa paggawa ng isang account, na ang ibig sabihin ayon sa online na

    diksyunaryo ng Merriam-Webster ay lipunan ng mga pormal na usaping

    kalakaran para sa isang serbisyo, simulang bisitahin ang

    http://www.friendster.com at hanapin doon ang hyperlink na Sign Up at itoy

    pindutin. Katulad ng sa e-mail, pupunan mo ang isang aplikasyon upang

    makagawa ng iyong sariling account, na ang ibig sabihin ay isang lipunan ng

  • mga detalye na magbibigay paraan upang magamit ng isang tao ang isang

    serbisyo. Pagkatapos mapunan ang aplikasyon ay buksan ang account.

    Maraming mga katangian ang Friendster na nagpapaiba dito sa ibang mga

    programang pangsocial networking. Ito ay nagtataglay ng pakikibahagi sa isang

    komunidad ng mga tao. Pwede kang mag-upload ng mga litrato ng iyong sarili

    upang maibahagi ito sa iba, magbigay ng komento o testimonial sa ibang tao at

    pati na rin ang pagbibigay ng mga pribadong mensahe sa iyong mga kaibigan.

    Multiply

    Katulad ng Friendster, bisitahin ang http://www.multiply.com at gumawa

    ng sariling account. Buksan ang nagawang account at magsimulang mag-upload

    ng mga litrato na gustong ibahagi sa iyong mga kaibigan o sa ibang mga tao.

    Katulad ito ng Friendster ngunit limitado ka lang sa pamamahagi ng iyong mga

    litrato at dito nagaganap ang malawakang social networking.

    MySpace

    Sa paggawa ng MySpace account, bistahin ang http://www.myspace.com

    kung saan kagaya ng mga nauna ay makakakita ka ng isang aplikasyon sa

    paggawa ng sariling account. Pagkatapos gumawa ay buksan ito. Maraming

    pinagkatulad ang Friendster at MySpace ngunit ang nag-iibayo sa lahat ay ang

    kakayahan ng MySpace na makipaghalubilo sa buong mundo maging ikaw ay

    magpunta sa ibat ibang bansa.

  • F. Mga ibinunga ng Social Networking

    Ang Internet ay isang social space na kung saan naghahalo ang

    kalayaan at ang mga mas tradisyunal na sistemang sosyal. Dahil sa

    kombinasyong ito, ang mga pamilyar at di-kilalang kondisyon ay

    nagiging isang potensyal na pagbabago sa ugalit kultura, online man

    ito o hindi.

    F. 1. Epekto sa Sarili

    Acting Out

    Dahil ang Internet ay isang sosyal na midyum, ito ay nahihiligan ng

    mga teenagers bilang isang bagay o maaaring pangyayari upang

    mapag-usapan ang isang isyung pangmadla o kilala rin bilang forum

    para ipakita ng kontra-sosyal at palabang ugali. Kadalasan, ang

    komunikasyon sa Internet ay nauugnay sa madalas na paggamit ng

    mga insulto, mga mura, at agresibong pananalita. (Wallace,2000).

    Marahil ang kakayahan na lumabas sa isang pag-uusap sa Internet

    ang dahilan ng pagdami ng mga gawaing ito. Ito ay pwedeng iwan ng

    kung sinuman na nagsulat ng masamang komento sa pamamagitan ng

    paglo-logoff.

    Sa karagdagan, ang SN ay nagdudulot ng adiksyon sa sarili at ito

    ay ipinapakita sa dalawang klase ng gumagamit ng Internet, ang

    dependent at independent. Ayon kay Young(1996), ang dependent ay

    gumugugol ng 39 oras sa Internet para sa sosyal na pakikipag-usap at

    pakikihalubilo. Samantala, ang independent naman ay kumokonsumo

    ng 5 oras para sa netsurfing o e-mail lamang. Kadalasan ay ang mga

    malungkot, binubukod, o walang kakahayan sa larangang sosyal ang

    apektado ng adiksyong ito. Marahil ito ang nagbibigay ng kung anong

    wala sila sa totoong buhay. Sa mga nasabi ni Young, makikita pa rin

  • na mas mahina itong adiksyon na ito kung ikukumpara sa mga

    lasenggo o durugista.

    F.2 Epekto sa Pamilya

    Pagbukod at Depresyon

    Dahil sa pagiging sapat ng relasyon sa Internet, ang mga potensyal

    na pakinabang at disadbentahe ng internet ay kaduda-duda. Ayon kay

    Kraut at kanyang mga kasamahan (1998), sa isang longitudinal na

    pag-aaral sa 73 pamilya, nalaman nila na ang paggamit ng Internet ay

    may kinalaman sa pagtaas ng depresyon at pagdalang sa ugnayan sa

    mga kaibigan at pamilya.

    F. 3 Epekto sa lipunan

    Maraming epekto ang SN sa lipunan. Una, mas malalaman ng

    mga teenager ang mga pangyayari sa kasalukuyan at sa mundo sa

    ibang mga komunidad. Sa karagdagan, nagkakaroon ng pagtaas ng

    kamalayan at oportunidad sa mga teenagers na parte ng mga

    binubukod na grupo at sumasali sa SN. Mas magkakaroon sila ng

    kaalaman sa mga ibang kabataang tulad nila.

    Mayroon rin itong mga masasamang epekto, isa na dito ay ang

    pagtaas ng aktibismo na tutungo sa aksyong sosyal. Isama pa natin

    ang cybercrime na ayon sa isang report ng BBC, ay laganap sa buong

    mundo at mahirap tugisin. Ayon sa ulat ng CSI/FBI Computer Crime

    and Security(2000), sinasabi na 79% ng mga empleyado ang

    umaabuso ng Internet sa Estados Unidos at isa sa mga abusong ito ay

    ang pagdownload ng pornograpiya. Sa karagdagan, sa isang sarbey

    na ginawa ng NOL poll ng ICM, sinasabing halos lahat ng

  • respondenteay humihiling ng karagdagang control upang maiwasan at

    panloloko, pornograpiya at pedopilya.

    2. Ang Social Networking Bilang Public Property

    A. Depinisyon ng Public property

    Ang simpleng kahulugan ng salitang public property ay bukas sa lahat,

    maaaring makita o ma obserbahan ng lahat ng walang pahintulot

    (answers.com). Sa karagdagan, ayon sa isang artikulo ni Jon Udell na

    Omnidirectional Identity(2006), ang public property o kilala rin na public identity

    ay isang penomenang imahinasyunal na laganap sa mga websayt.

    B. Mga Kalakasan at Kahinaan ng pagiging Iang Public property

    Ang public property ng SN ay may kalakasan at mayroon din naming

    kahinaan. Una, ang pinaka hangarin ng public property social network ay ang

    makapagbigay ng higit na impormasyon tungkol sa iyong sarili. Sa pagkakaroon din

    ng public property, marami tayong maaaring makilala, ibat ibang tao na may ibat

    ibang ugali, sa mga taong ito makakakilala tayo ng mga bagong kaibigan at

    maaaring ang taong ating mamahalin. Mapapadali din tayo sa paghahanap ng mga

    dati nating kaibigan.

    Sa pamamagitan din ng public property na SN ay mailalahad natin ang ating

    mga saloobin sa pamamagitan ng tinatawag na blogs, mailalabas natin ang bawat

    reaksyon na hindi natin kayang ilabas ng harap harapan sa sitwasyon.

    Masasama din natin na dahil dito ay maaari nating makausap agad ang mga

    kaibigan natin sa pag- iiwan ng mga mensahe sa SN nila. At ang ibang public

    property social networks ay ginagamit sa negosyo tulad ng pagbenta at pagbili o sa

    pag-aanunsyo ng mga pangyayari.

  • Sa likod ng mga kalakasang ito ay hindi maitatago ang maraming kahinaan.

    Una, dahil public property nga ito, marami ang manloloko. Maaaring gamitin lahat ng

    impormasyon tungkol sa iyo at gamitin sa mga illegal na gawain. Maaaring maloko

    din ang user sa mga tao na nakikipagkita para lang perahan ka o pagsamantalahan

    ka. Dito nagsisimula ang ibang kaso ng panggagahasa at pagkawala ng mga tao

    lalo na ang mga menor de edad(Harvey).

    Ang kahinaan din ng public property social networking ay may direktang

    epekto sa gumagamit dahil sa public property, maaaring mawalan na ng oras ang

    isang indibidwal sa kanyang sarili at kaibigan dahil lamang sa pagtingin sa ibat

    ibang pahina sa network ng sari-saring tao na kadalasan ay hindi naman kilala.

    Pwede ring mawala ang galing natin sa pakikipag-usap sa ibang tao sa totoong

    mundo dahil sa mga chat rooms at SN. Nagkakaroon ng social isolation o ang

    paghiwalay natin sa ibang totoong mundo para sa oras ng public property sa

    networking.

    C. Mga Kaugnay na pag-aaral sa Social Networking bilang Public Property

    Isang sarbey ang ginawa ni Keith J. Anderson, Ph.D. sa 13,000 mag-aaral sa

    kolehiyo sa walong akademikong institusyon. Ito ay tungkol sa paggamit ng Internet

    upang makilala kung paano nito naaapektuhan ang pakikihalubilo at ang

    akademikong pamumuhay. Lumabas na ang tipikal na gumagamit ng Internet ay

    kumokonsumo ng 100 minuto bawat araw at ang maliit na grupong ito ang

    nagsasabing ang Internet ay humahadlang sa ilang aspeto ng kanilang buhay.

    America, kilalanin natin ang mundo ng MySpace .(Frauenhelm, 2007) Ito ang

    sinabi ni Ed Frauenhelm sa kanyang artikulong Social Revolution. Sinabi niya na

    ang SN ay unti-unting sinasakop ang ibat ibang aspeto ng ating pamumuhay at isa

    na dito ang sa kalakaran .Ito ay sa ikabubuti at para sa ikasasama nito. Ayon kay

    Frauenhelm(2007), sa kasalukuyan ay mayroong higit sa 14,000 na pangkatan sa

    MySpace na may kaugnayan sa mga kumpanya o mga katrabaho habang may

  • walong libong network sa karibal na websayt na Friendster. Ang pagdating ng

    Generation Y (mga ipinanganak sa pagitan ng 1970 hanggang 2000) sa industriya

    ng pagtatrabaho ay nagsasabing ang mga kumpanya ay may kaunti o walang mapili

    kung hindi ang iakma ang mga ito sa mga dumadaming katrabahong mahilig

    makihalubilo at gamay ang umuusad na teknolohiya sa Internet.

    Sinasabi sa mga nakalipas na pananaliksik na ang sobrang paggamit ng

    Internet sa mga mag-aaral sa kolehiyo ay umuugnay sa mga isyung debelopmental

    na pangkaraniwan sa mga mag-aaral sa kolehiyo. Samantala, habang ang ilang

    mag-aaral ay nasa kapaligirang nagbibigay ng maraming oportunidad sa

    pakikipagkita sa ibang tao at pag-unlad ng bagong relasyon, ang ilan na hindi

    mahilig makihalubilo ay may kahirapang sa pakikipagkapwa- tao. Sa karagdagan,

    ang pagkakaroon ng di pagkakakilanlan sa Internet ay nagbibigay sa mga mag-aaral

    ng seguridad at hindi mapanganib na oportunidad sa pagkakaroon ng relasyon sa

    Internet (Anderson).

    Ang paglago ng SN sayt ay may kasabay na mga problema. Sinasabi sa

    artikulong pinamagatang Social Revolution (Frauenheim, 2007), ang mga kumpanya

    ay unti-unting inaaral ang SN na parang isang malaking pagsubok. Sinasabi na ang

    mga ito ay maaaring magdulot ng nakaka-asiwang relasyon sa mga katrabaho at

    paraan upang sayangin ang oras. Bunga dito, ang mga negosyante ay dumisenyo

    ng mga SN na nakapokus sa kalakaran upang maiwasan ang mga nasabing

    suliranin. Sa mga nakalipas na pag-aaral na nakalap ni Anderson, sinasabi na ang

    paggamit ng Internet bilang isang computer-mediated na komunikasyon ay may mga

    isyung kinahaharap tulad ng panggigipit, stalking, at pornograpiya. Ang mga termino

    tulad ng Internet dependence at pathological computer use ay ginagamit sa taong

    may adiksyon sa Internet.

    Sa kabila ng mga suliranin sa paglaganap ng social networking, may mga

    mabubuting epekto ito. Sa artikulo, sinabi na ang mga ito ay nakakatulong sa mga

    kumpanya na pagbutihin ang organisasyong impormal na tumutukoy sa mga hindi

  • opisyal na channels ng komunikasyon at kolaborasyon na may malaking

    kontribusyon sa bisa ng isang kumpanya. Sa karagdagan, ito ay ginagamit upang

    makakuha ng mga magagaling na aplikante sa isang trabaho. Ito rin ay

    nakakapabuti ng pagtuturo at pagpupursige sa mga empleyado at pagkakaroon ng

    magandang relasyon sa pagitan ng kumpanya at mga dating empleyado nito.

    Ayon sa artikulo ni David Holmes sa librong Virtual Politics: Identity and

    Community in Cyberspace(1997), sinasabi na may malaking kahalagahan ang mga

    kapalit o katumbas ng paglalabas ng ating kakilanlan sa mga teknolohiya. Ang mga

    uri ng teknolohiyang ito ay nagbibigay ng malaking posibilidad na hindi tayo

    mawawala(Holmes, 1997). Sa karagdagan, sinasabi na lubos nating kinokonsumo

    ang ating oras makabalik sa ating pinagmulan at hinahanap kung gaano natin kilala

    ang ating sarili . Dahil dito, nawawalan tayo ng kontrol sa pisikal, mental, at

    emosyunal na mundo. Ito ay nababago sa paggamit ng mga kagamitang

    komunikasyon.

  • III. Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

    1. Metodolohiya

    A. Instrumento

    Ang mga mananaliksik ay gumamit ng isang sarbey na naglalaman

    ng dalawamput tatlong katanungan na maaaring open o close- ended.

    Ang close- ended na mga katanungan ay naglalaman ng kwantitatib na

    mga sagot. Sa karagdagan, ang mga uri ng mga close-ended na

    katanungan na ginamit ay ang multiple choice kung saan mas limitado

    ang mga posibleng sagot at ordinal na siya namang katanungang

    nagbibigay ng pagkakasunud- sunod. Sa kabilang dako naman, ang open-

    ended na mga katanungan ay ginagamit kung ang sariling salita ng

    tagatugon ay ay kinakailangan. Ito ay karaniwang tinatawag na breaking

    the ice na mga tanong. Dahil ang sariling salita ng tagatugon ang

    kailangan, ito ay nagiging kwaliteytib na mga tanong.

    Ang nasabing sarbey ay ibinigay kay Gng. Zendel Taruc, punong

    tagapayo at guro ng Filipino II, upang iwasto at suriin ng husto ang

    sarbey. Pagkatapos nito ay binago ang sarbey sa tulong ng

    www.surveymonkey.com at ayon na rin sa mga komento at suhestiyon ng

    tagapayo. Ang naayos na sarbey na may 400 na kopya ay ipinamahagi at

    sa kalaunan ay kinolekta rin at 290 na sarbey na lamang ang naibalik

  • Larawan Larawan 1b

    Larawan 1c

    B. Respondente

    Ang naturang sarbey ay ipinamahagi sa 400 na mga tagatugon na

    kinabibilangan ng mga sumusunod na pamantayan:

    a. Isang mag-aaral ng Pamantasan ng Santo Tomas

    b. Maaaring undergradweyt o hayskul

    c. Kung isang undergradweyt, siya ay dapat kabilang sa

    mga sumusunod na kolehiyo:

    i. AB

    ii. Commerce

    iii. Engineering

    iv. Nursing

    v. Pharmacy

    vi. Architecture

    vii. Rehabilitation Sciences

    Sa kabuuan, 290 lang ang naibalik na sarbey. Ang datos ay

    binigyan ng interpretasyon. Sa karagdagan, ang datos ay nilagay sa mga

    bahagdan para sa mas magandang pagkakaiba ng mga resulta.

    2. Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng Datos

    1. 1 Katangian ng mga Tagatugon

    Sa 400 na sarbey na ipinamahagi, 290 lamang

    ang bumalik sa mga mananaliksik. 271 o 93% ng

    mga tagatugon ang may social networking site

    habang 19 o 7% ang walang social networking site

  • Larawan 1d

    Larawan

    Bilang ng oras na ginugugol sa bawat pagpunta sa mga

    social networking sites

    35%

    23%15%

    23%4%

    Wala pa saisang orasIsang oras

    Higit satatlong orasDalawangorasIba pa

    Larawan 2b

    na makikita sa Larawan 1a. Pinapakita dito ang malaking bahagdan ng

    mga kabataan ang may lubos na kaalaman at ginagamit ang SN sayt.

    Sa Larawan 1b, pinapakita ang

    bilang ng kasarian ng lahat ng mga

    tagatugon. 176 o 61% ang mga

    kababaihang respondente samantalang

    114 o 39% ang mga kalalakihang

    tagatugon. 239 o 82% ng mga

    tagatugon ay mga undergradweyt na

    mag-aaral samantalang 51 o 18% ang

    mga hayskul

    Sa larawan 1d, pinakita ang mga undergradweyt na kalahok pati na

    rin ang mga kolehiyong nirerepresenta nito. Nangunguna ang

    Pharmacy(54 na tagatugon o 22%) at sumunod ang Commerce at

    Engineering( tig- 50 na tagatugon o 21%). Sumunod ang AB (31 na

    tagatugon o 13%), Rehabilitation Sciences(23 na tagatugon o 10%),

    Architecture(17 na tagatugon o 7%) at nahuhuli ang Nursing(13 na

    tagatugon o 6%).

    1. 2 Katangian ng mga Sagot ukol sa Social Networking

    Ang Friendster ay ang

    pinakaginagamit ng mga kabataan sa

  • Larawan

    Larawan 2d

    ngayon( 271 o 53%). Sumunod sa Friendster ay ang Multiply( 182 o 36%) at

    ang pinakahuli ay ang MySpace(57 o 11%). Pinapakita sa Larawan 2a na

    mababa man ang paglaganap ng Friendster sa Estados Unidos,

    pinakapopular naman ito sa mga Asyano dahil sa mga language options

    nito.

    Sa larangan ng bilang ng oras na ginugugol sa SN, nangunguna ang mga

    gumagamit ng wala pa sa isang oras( 102 o 36.17%), sumunod ang isang

    oras at dalawang oras(64 o 23%), ang higit sa tatlong oras(41 o 15%) at ang

    panghuli ay iba pa(11 o 4%). Pinapakita sa larawang ito na hindi gaanong

    sinasayang ng SN ang oras ng kabataan sa mas importanteng gawain.

    Sa Larawan

    2c, inilalarawan ang

    lebel ng pagiging

    pribado ng SN sa

    aspeto na may kasama o wala sa oras na pupunta sa isang SN sayt. Nangunguna ang

    sumagot sa minsan nag-iisa at minsan ay kasama ang kaibigan na may 61%.

    Sumunod ang nag-iisa (88 na tagatugon o 31%), may kasamang kaibigan( 17 o 6%)

    at ang huli ay ang iba pa na may limang tagatugon o 2%. Sinasabi dito na ang lebel ng

    pagiging pribado ay limitado lamang sa mga kaibigan at nagdudulot ito na ang paggamit

    SN ay isa ring paraan ng pakikihalubilo.

    Sa larangan ng uri ng profile, pinapakita sa Larawan 2d na hindi nagkakalayo

    ang agwat ng mga gumagamit ng pampubliko o pribadong profile. Ang karaniwang

    sagot ng mga respondenteng sumagot sa pribadong profile ay dahil sa seguridad as sa

    gusting maging eksklusibo ang kanilang sayt sa mga kaibigan lamang. Isa pang dahilan

  • Larawan

    ay ang takot na maaaring maloko o kunin ang inilathalang impormasyon sa web. Ang

    karaniwang sagot naman ng mga gumagamit ng pampublikong profile ay dahil sa

    kagustuhang maipakita ang identidad at magkaroon ng maraming kaibigan at makita

    ang profile sa mga kaibigang hindi kasama sa listahan ng mga kaibigan.

    Sa antas ng kaalaman sa seguridad ng kanilang katauhan sa SN sayt,

    nangunguna ang sumagot sa naglilimita ang mga makakakita na may bilang na 131 o

    46%. Sumunod dito ay ang sagot na maaaring makita ng sino ang tauhan(101 o 36%),

    mga kaibigan lamang ang nakakakita ng impormasyon(46 o 16%) at nahuhuli ang

    wala akong alam kung nakikita man o nalilimita ang pagtingin na may bilang na anim o

    2%. Pinapakita sa Larawan 2e na may malaking kamalayan ang mga kabataan sa

    kanilang seguridad sa SN.

    Sa Larawan 2f, pinapakita na malaki ang hilig na

    kabataan sa pangkalahatan ang SN. Ang kanilang ayaw

    sa SN ay ang mga hackers o mga tao na kumukuha ng

    impormasyon upang gamitin sa kalokohan at

    pornograpiya.

    Larawan

  • Larawan 2i

    Larawan Larawan

    Ang dalawang larawan (2g at 2f) ay nagpapakita ng kamalayan sa pagiging

    pribado at seguridad sa paggamit ng SN sa pag-iimbita at pakikipagkita sa ibang tao.

    Napakalaki ang bahagdan ng hindi sumasang-ayon sa pag-iimbita at pakikipagkita dahil

    sa takot na sila ay maloko. Ang kadahilanan kung bakit gusto ng iilang tagatugon ang

    makipagkita o mag-imbita ay upang makipagkaibigan at lumalim ang relasyon.

    Sa larawan 2i, 80% ng mga tagatugon ay

    naniniwalang maaari silang mabiktima ng SN. Ito

    ay sa mga sariling karanasan ng tagatugon o

    karanasan o sa mga karanasan ng kanilang mga

    kaibigan. Sa karagdagan, ang media ay

    nakakaimpluwensya sa kamalayan ng mga

    tagatugon. Ang mga hindi naniniwala ay

    nagbigay ng kadahilanang kailangan laman ng

    pag-iingat upang hindi ka mabiktima ng SN.

  • 91%

    9%

    Mabuti Masama

    Ano ang higit na naidudulot ng SN sa iyo?

    Sa kabila ng isyu ng seguridad,

    hackers, at paggamit ng impormasyon

    ng walang pahintulot, at sagabal sa pag-

    aaral, nananatiling mabuti ang epekto

    nito sa mga mag-aaral sa UST. Ito ay sa

    kadahilanang:

    Pakikipagkaibigan sa mga

    taong hindi kilala

    Pagpapatibay ng relasyon

    sa mga kaibigan

    Pagkakaroon ng komunikasyon sa mga kamag-anak sa ibang bansa

    Nahahasa ang pakikihalubilo ng tao

    Naipapahayag ang sariling identidad

  • IV. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

    1. Lagom

    Ang papel na ito ay naglalarawan sa kaugalian ng mga tao partikular ng mga

    estudyante sa pamantasan ng Unibersidad ng Santo Tomas tungkol sa social

    networking. Batay sa nagawa naming interpretasyon ng mga datos na aming nakalap

    mula sa mahigit na 250 na estudyante mula sa ibat-ibang kolehiyo ng unibersidad,

    aming nalaman na karamihan sa mga estudyante sa nasabing unibersidad ay

    tumatangkilik sa mga social networking sites. Sa nasabing pamantasan, napag-alaman

    ng grupo na mas popular ang Friendster bilang kanilang pangunahing social networking

    site at ang Multiply na sumusunod. Marami ang naidudulot na maganda ng mga social

    networking sites na ito sa kanilang pakikipaghalubilo sa mundong virtual. Bagamat

    alam ng mga kabataan ngayon ang maaring maidulot sa kanila ng pakikipaghalubilo sa

    ibat ibang uri ng tao, ipinagpapatuloy pa rin nila ang pagiging aktibo sa mga social

    networking sites na ito sa kadahilanang nakikita nila at napipapakita nila ang kanilang

    mga sarili sa pamamagitan ng mga ito. Itinuturing ng mga kabataan ngayon ang social

    networking bilang isang social trend na humahatak sa bawat estudyante na gumawa

    ng kani-kanilang sariling account. Marami ring masamang naidudulot ang pagkakaroon

    ng account sa mga social networking sites sapagkat nawawala ang seguridad ng mga

    estudyante at maari silang masangkot o mabiktima sa mga di kanais-nais na tao na

    mayroon ding account sa social networking sites. Sa lahat ng mga nasabi, mayroon

    ngang maganda at masamang epekto ang pagkakaroon ng accounts sa mga social

    networking sites ngunit sa aming mga nakalap na impormasyon, mas nakikita ng mga

    estudyante ang mabuting epekto nito sa kanila at sa kanilang mga kaibigan, kapamilya

    at iba pa. Lahat ng aming ebidensya ay nagtutugma upang ipakita na ang social

    networking sites ay mahalaga nga sa mga kabataan ngayon at ang mga benepisyo nito

    sa kanila ay kanila namang nararamdman.

  • 2. Kongklusyon

    Sa pagwawakas ng aming pananaliksik tungkol sa Social Networking, nais

    naming ilahad ulit ang mga pag-aaral mula sa mga nakalap naming mga datos. Ang

    mga datos ay ikinumpara sa aming review of related literature. Naipakita dito na

    lumabas na magkatugma ang sarili naming pag-aaral sa mga nakalap na mga datos at

    ang review of related literature na buhat sa iba pang mga pag-aaral sa Social

    Networking.

    Ang pag-aaral na aming isinagawa ay ang paraan ng pagkuha ng pananaw ng

    mga piling mag-aaral ng Pamantasan ng Santo Tomas sa pamamagitan ng sarbey. Ang

    sarbey na ito ay naglalaman ng mga open-ended at closed-ended na mga tanong para

    malaman naming ng lubos ang pananaw ng mga mag-aaral tungkol sa Social

    Networking. Pagkatapos ng pangangalap ng mga datos, ang mga ito ay aming pinag-

    aralan at sinuring mabuti. Sumonod na hakbang ay ang pag-iinterpreta ng mga ito,

    nang hindi mahirapan, kami ay gumawa ng mga bahagdan upang mapadali ang

    interpretasyon ng mga datos. Ito ang buod ng aming pag-aaral:

    Una sa lahat, inasahan na napakalaking porsyento ng mga mag-aaral ang may

    kaalaman at gumagamit sa Social Networking Site. Isang simpleng dahilan ng

    pagkakaroon ng bawat kabataan o kahit mga matatanda ng Social Networking Site ay

    upang makihalobilo sa ibang tao sa internet.

    Ikalawa, sa mga uri ng Social Networking Sites, may kanya-kanya ring

    preperensya ang mga tao, higit na ginagamit at may pinakamaraming myembro ng mga

    mag-aaral ang Friendster, sunod ang Multiply, at panghuli naman ang Myspace. Ito ay

    tumugma sa mga unang mga pag-aaral sa Social Networking, na ang Friendster ay ang

    siyang pinakapopular na Social Networking Site sa Pilipinas.

    Susunod, kaunti lamang ang oras na inilalaan ng mga mag-aaral sa pagpunta sa

    mga Sites na ito. Ibig sabihin nito ay hindi nila inilalaan lahat ng oras nila ditto na

    nagbibigay daan sa mga mas mahahalagang bagay pa sa kanila gaya na lamang ng

    pag-aaral at pakikihalubilo sa pamilya at mga kaibigan nila.

  • Nagiging maingat din ang mga higit sa mga mag-aaral sapagkat nililimita lamang

    nila ang mga impormasyon na kanilang inilalathala sa internet, hindi nagiimbita ng mga

    taong hindi nila kilala at hindi nila binabalak na makipagkita sa mga taong nakilala sa

    internet lamang. Karamihan sa mga mag-aaral ay gumagamit ng pribadong profile at

    higit sa kanila ay may kaalaman na maaari silang mabiktima ng mga manloloko kayat

    alam nila ang mga dapat gawin upang itoy hindi mangyari.

    Naitanong din namin kung may ayaw sila sa mga Social Networking Sites na ito.

    Kakaunti lamang ang sumagot na mayroon silang ayaw sa mga sites na ito, karamihan

    sa mga dahilan ay ang pagkakaroon ng madaming manloloko, talamak na pornograpiya

    at mga hackers. Konti lamang sa tingin namin ang may ayaw, sapagkat mayroon

    naman paraan upang malimita ang mga impormasyon na puwedeng ilathala ng mga

    indibidwal sa internet. Ito ay nakasalalay na lamang sa pag-iingat ng bawat indibidwal

    sa mga impormasyon tungkol sa kanilang mga sarili.

    Sa kabuuan, ang Social Networking ay may higit na mabuting naidulot sa mga

    mag-aaral. Napapalawak ng mga sites na ito ang kaalaman ng mga mag-aaral,

    napagtitibay ang relasyon sa mga magkakaibigan, nakahahanap ng bagong mga

    kaibigan, napagbubuti ang buhay sosyal ng bawat tao, nagtatagpo ulit ang mga dating

    mga kaibigan na matagal ng walang komunikasyon sa isat-isa at higit sa lahat,

    naipapahayag ang sariling idea at pananaw sa buhay sa buong mundo.

  • 3. Rekomendasyon

    Imunumungkahi ng mga manunulat na higit na mapaghusay pa ang kanilang

    pag-aaral sa larangan ng Social Networking sa kadahilanang nais pa nilang higit na

    maunawaan ang mga mabubuting implikasyon na Social networking. Nais din

    irekomenda ng mga manunulat ang ilang mga dapat na gawin upang makaiwas sa mga

    manloloko. Isa sa mga dapat gawin dito ay ang pag-iingat sa mga impormasyon na

    nilalathala sa iyong network. Ito ay makakatulong upang higit na mas mapaganda ang

    pag gamit ng social networking. Para higit na mas mpagtibay ang mga datos na

    nakalap, dapat din tagalin ang limitasyon sa mga tagatugon. Sa mga gusto pang ipag

    patuloy ang pag-aaral tungkol sa social networking, nais ng mga manunulat na payuhan

    ang mga magaaral na huwag limitahan ang social networking sa isang aspekto lamang

    at huw ag din limitahan ang kanilang mga tagatugon.

  • V. Bibliografiya:

    About Classmates Online, Inc., Classmates.com, Nakuha noongFebruary 12, 2008 from

    http://www.classmates.com/cmo/about/;jsessionid=RIVWXDQ2MEVJ4CQKWZ

    SSVRQKBK1GMIV3?s=74606&_requestid=171457,

    http://en.wikipedia.org/wiki/Classmates.com

    Anderson, K. Internet use among col lege students: An exploratory

    study[ Paggamit ng internet sa mga mag-aaral sa kolehiyo: Isang

    eksplorator ing pag-aaral ] . Nakuha noong February 12, 2008 from

    ht tp:/ /www.rpi .edu/~anderk4/research.html

    Boyd, D. M. at El l ison, N. B. (2007). Socia l network s i tes: Def in i t ion,

    h istory, and scholarship[ Mga socia l networking sayt :Depinisyon,

    kasaysayan at kaalaman] . Journal of Computer-Mediated

    Communicat ion, 13 (1), art ic le 11.

    ht tp:/ / jcmc. indiana.edu/vol13/ issue1/boyd.el l ison.html

    Changing adolescent experience[ Pagbabago ng karanasan ng tin-edyer]. Cambridge

    University Press.

    Frauenhelm, E.(2007) Socia l Revolut ion. Workforce Management , (28-

    37)

    Harvey, G. The pros and cons of social networks[Mga kabutihan at kapalit ng social

    networks] , Ezine Articles. Nakuha noong February 12, 2008 from

    http://ezinearticles.com/?Social-Networking,-The-Pros-and-Cons-of-Social-

    Networks&id=683823CSI/FBI Computer Crime and Security Survey, 2000

    Friendster. Kinuha mula sa website na http://www.friendster.com noong Pebrero 11,

    2008.

    Holmes, D(1997). Vir tual Pol i t ics: Ident i ty and Community in

    Cyberspcae

  • http://en.wikipedia.org/wiki/Computer

    http://en.wikipedia.org/wiki/Internet

    http://en.wikipedia.org/wiki/E-mail

    http://en.wikipedia.org/wiki/Multiply.com

    http://multiply.com/info/about

    http://news.bbc.co.uk/hi/english/static/in_depth/uk/2001/life_of_crime/cybercrime.stm

    http://www.answers.com/topic/public-space

    Iskold, A(2006).Multiply: A different approach To social networking[Multiply: Isang

    kakaibang pakikitungo sa social networking]. Nakuha noong February 12, 2008

    sa http://www.readwriteweb.com/archives/mutiply_analysis.php

    Lim, R (2008) J1, Students and campuses, friends,inc., Retrived January 6, 2008 from

    Manila Bulletin

    Multiply. Kinuha mula sa website na http://www.multiply.com noong Pebrero 12,2008.

    Myspace. Kinuha mula sa website na http://www.myspace.com noong Pebrero 12,2008.

    Social Networking, Retrived February 12, 2008 from

    http://en.wikipedia.org/wiki/Social_networking

    St ivers, Richard. (2004). Shades of lonel iness: Pathologies of a

    technological society[Pangungul iml im ng kalungkutan:Patolohiya

    ng teknolohiyal na l ipunan]. Lanham: Rowman & Li t t lef ie ld

    Publ ishers, Inc.

    Wolf , Mark J. (2000). Abstract ing real i ty: Art , communicat ion, and cognit ion in the digi ta l age[Pagwawalang kat iyakan s

    real idad: Sin ing, komunikasyon at pagl i l imi sa d igi ta l na panahon].

    Lanham: Univers i ty Press of America, Inc.

  • WordNet 1.7.1 Copyright 2001 by Princeton University. All rights reserved

    www.en.wikipedia.org/wiki/MySpace

    www.mashable.com/2006/08/09/myspace-hits-100-million-accounts

    www.myspace.com/index.cfm?fuseaction=misc.aboutus