2013 Intrams Issue - 2nd Day

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/29/2019 2013 Intrams Issue - 2nd Day

    1/10

    CAS kailangan ng 2 ball game championshipsni Kenneth Antolin

    Ito ang saad ni Jay C.

    Santos, direktor ng Insti-tute of Sports and Physical

    Education and Recreation

    (ISPEAR) matapos muling

    manguna ang kasalukuyang

    kampeon na College of Arts

    and Sciences (CAS) na naka-

    likom ng 62 ginto, 29 pilak, at

    21 tansong medalya dahilanupang masilip ang maagang

    golden intramural games

    champ.

    Base sa inilabas na resulta

    nina Areli Esguerraat Kristine Teves

    sundan sa Pahina 4

    ng ISPEAR, pinaangat ng 30

    gintong nalikom sa athletics at11 ginto sa swimming events

    ang matibay na pundasyon ng

    CAS para pangibabawan ang

    over-all ranking kahapon.

    Matatandaang nakakuha ng

    77 ginto, 65 pilak at 27 tanso

    ang CAS noonng nakaraang

    taon dahilan para masiguro ang

    titulo sa 49th intramural games.

    Sinusundan ng College of

    Fisheries ang CAS sa ranking

    matapos makakuha ng 24 gin-

    to, apat na pilak at 13 tanso.

    Samantala, ang second placer

    noong nakaraang taon na Col-

    lege of Agriculture (CAg) ay

    kasama ng College of Engi-

    neering (CEn) para pagsaluhan

    ang ikatlong pwesto matapos

    parehong makakuha ng 19 gin-

    tong medalya.

    Sumisid ng 12 gintong

    medalya ang College of Fi-

    isheries (CF) kontra sa na-

    kamit ng CAS na 11 gin-

    tong medalya sa swimming

    sapat upang mapanatili ng

    kolehiyo ang kanilang ti-

    tulo sa pagiging kampeon

    sa nasabing event.

    Nanguna si Jonard

    Cabading ng Fisheries sa

    mens division na nag-

    kamit ng limang gintong

    medalya sa ibat ibang indi-

    vidual events na sinundan

    ni Ralph Harvey Valdez

    na nakakuha ng tatlong

    gintong medalya habang

    nakakuha naman ang kole-

    hiyo ng apat na gintong

    sundan sa Pahina 9

    YUNIT I/Pahina 6

    50th CLSU Intramural GamesSeptember 5-7, 2013

    UNOFFICIAL MEDAL TALLY

    Tomo XLX Blg. 4 Ikalawang araw - Intrams Isyu 2013

    Ang CAS ay nangangailangan na lang na ma-champion ang dalawang ball games

    para masiguro ang titulo.CF namayanisa swimming

    HULI KA. Nakipagsabayan sa ere ang manlalaro ng College of Arts and Sciences para pigilan ang manlalaro ng College of Education sa tangkang

    pagpasok ng bola sa basket. (Kuha ni Charmie Manangan)

    Upang masiguro ang golden intrams title

  • 7/29/2019 2013 Intrams Issue - 2nd Day

    2/10

    CLSU COLLEGIAN 2Ikalawang araw - Intrams Isyu 2013

    Lumilinaw na

    CLSU Collegian

    Kenneth F. Antolin: Editor-in-chief/ Layout artist| Van Alen N. Lumandas:Associate

    editor/ Layout artist| Karina Yvonne D. Pascua:Managing editor| Ellaine M. Aquino:Opinion editor|Paul John P. Villamor : Sports editor| Jessa M. Rarama:Feature

    editor|Julius Dinglasan: Staff writer| King Philip Briitanico, Ramon Rarama,

    Areli Joy D. Esguerra, Albert Tolin, Meryll Taroma,Charmie Manangan,

    Kriistine Joyce Teves:Probationary staers

    Para sa komento at suhestiyon, magsadya lamang sa CLSU Collegian ofce, Stu-dent Union Building, CLSU Science City of Munoz, Nueva Ecija o bisitahin ang www.

    collegian.clsu.edu.ph

    Lumilinaw ang pag-asa ng College of Arts and Sciences

    (CAS) na makuha ang titulo ng golden intramural game.

    Sa inilabas na resulta ng Institute of Sports, Physical Edu-

    cation and Recreation, may 62 nang gintong medalya angCAS. Labinglima ang kulang para maipantay ang bilang nito

    noong nagdaang taon.

    Karaniwan nang laging ang team events particular na ang

    ball games ang nagbibigay ng malaking epekto ng over-all

    rankings dahil nasa mga larong ito ang malalaking bilang ng

    medalyang pwedeng kamtin ng isang koponan.

    Ang CAS ay may tatlong siguradong sasabakang cham-

    pionship matches ang basketball women, football men at

    softball men. Base sa sinabi ni Jay C. Santos, direktor ng

    ISPEAR, nangangailangan na lamang ang CAS ng dalawang

    kampeonato sa ball games para masiguro ang kampeonato.

    Nakakasa din sa semi-nals ang futsal women, volleyball

    women, basketball men, softball women at baseball ang ko-

    ponan ng CAS na iba-ibang kolehiyo ang makalalaban na

    kung makalulusot ay haharap din sa championship matches.

    Ito ay sapat para lalong maiukit sa kasaysayan ng isports ng

    CLSU bilang title holder ng 50th intramural games.

    May 322 kabuuang bilang ng gintong medalya ang pina-

    glalabanlabanan ng walong kolehiyo. Bagamat 19.25% lang

    ito ng kabuuang bilang ng ginto malaki padin ang tenden-

    syang makuha ng CAS ang kampeonato. Ang College of

    Fisheries na sumusunod sa kasalukuyang rankings ay dala-

    wang ulit na nalamangan ng CAS.Samantala, ang College of Agriculture na ipinagtatanggol

    ang ikalawang pwesto ay tila aagawin pa ng College of En-

    gineering dahil parehong may laban ito sa ilang ball games.

    Kaya naman, mas lalong kaabang-abang at kapanapanabik

    ang bawat laro ngayong huling araw ng intramural games.

    Ilang oras na lamang sa mga sandaling ito ay opisyal na

    itong isasara at kasabay nito ay ang pagbibilang muli ng taon

    para abutin naman ang centennial intramural games. Naka-

    sisiguro kami na sa mga panahong iyon, ibang kolehiyo na-

    man ang aangat sa aming mga headlines.

    OPINYON

    Patnugutan ng unang semestre

    A.Y. 2013-2014

    EDITORYAL

    www.acebook.com/CLSUCollegian.Ofcial

    CONTRACTIONSKarina Yvonne D. Pascua

    09062523249

    Palakpakan!

    Malaki talaga ang epekto ng

    cheerers. Kayang-kaya nilang

    ipanalo ang laban kung gu-

    gustuhin nila sa pamamagitanng mga hiyawan. Kayang-

    kaya nilang ipatalo ang isang

    kompetisyon gamit lamang

    ang kanilang mga pang-aasar

    at kantsawan. Ganun sila ka-

    lakas.

    Nakatutuwang kalaban ang

    mga Mighty Educ sa mga

    events. Liban sa napaka-

    competitive ng mga man-

    lalaro na siyang nagdadagdag

    sa thrill ng intrams, kakaibarin ang karismang naidudu-

    lot ng mga cheerers sa mga

    ibang manunuod.Sabay-sabay

    kung pumukpok at kuma-

    log sa kanilang mga props at

    tila isang boses lamang kung

    sumigaw. Dinig na dinig ang

    pagnanais nilang manalo. Ito

    Liban sa

    napaka-com-

    petitive ngmga manlal-

    aro na siyang

    nagdadagdag

    sa thrill ng

    intrams, ka-

    kaiba rin ang

    karismang

    naidudulot ng

    mga cheerers

    sa mga ibang

    manunuod.

    CONTRACTIONS /Pahina 4

  • 7/29/2019 2013 Intrams Issue - 2nd Day

    3/10

    OPINYONCLSU COLLEGIAN

    3

    UNDERDOG /Pahina 6

    Huling araw na ng ating

    university intramurals ngay-

    on. Okasyon na maituturing

    bilang isang makasaysayan

    dahil 50th anniversary nga

    ito. Pagkatapos nito matagal

    na naman bago natin mul-ing maririnig ang mga hiyaw

    at yell ng mga tagasuporta

    ng ating mga student players,

    matagal na naman muli tayo

    makakasaksi ng mga man-

    lalaro ng ating unibersidad.

    Malalaman na rin natin ang

    mga nagsipagwagi sa bawat

    laro at matatapos nga ito na

    ano bang naidulot sa bawat

    isa sa atin?Kapag intrams andiyan

    iyong hahanapin natin ang

    mga lugar kung saan pinang-

    yayarihan ng mga larong

    gusto nating mapanuod. An- SPASMODIC /Pahina 4

    3

    Nararapat

    din na pansinin

    ang mga unti

    unting sumisibo

    na atleta kahit

    hindi man sila

    ang natatang-

    hal na kampi-

    yon sa kani-

    kanilang laro.

    www.acebook.com/CLSUCollegian.OfcialIkalawang araw - Intrams Isyu 2013

    SPASMODICEllaine M. Aquino

    09264447706

    Tapos na naman

    diyan iyong may mga dala-

    dala tayong mga empty plastic

    bottles pampadagdag ingay

    kapag may sinusuportahan

    tayong team o kolehiyo, akala

    natin wala lang pero malaki

    na pa lang senyales na kahit

    papaano din naman masaya

    tayong nanunuod,at ang huli

    nandiyan din iyong mga kalat

    sa paligid na ating makikita

    pagkatapos ng lahat ng ito. Ito

    talaga ang mukha ng intrams.

    Kapag intrams din ay ma-

    sarap sa pakiramdam na na-

    kikita natin na marami ang

    sumasama, may mga tagasu-

    porta at masarap din marana-

    san ang ibat-ibang emosyon

    habang tayoy nanunuod sa

    mga kaganapan na ang ipina-

    glalaban ay ang bawat kolehi-

    yong ating kinabibilangan.

    Sa pagtatapos nito, ano na-

    man ang masasabi mo? May

    masasabi ka kaya kung wala

    ka naman maski kaunting

    partisipasyon dito? Sayang na-

    UNDERDOGJulius A. Dinglasan

    09262680833

    Sino nga ba ang sikattuwing intrams?

    Hindi nawala sa isip ko ang

    katanungang ito pagkatapos

    kong sumakay sa isang pama-

    saherong sasakyan papuntang

    Muoz. Pinag uusapan, tan-

    yag at higit sa lahat hinah-angaan sa galling sa kanyang

    napiling larangan. Ito ang ka-

    raniwang tatak ng isang var-

    sity sa ating unibersidad.

    Tuwing intrams sila ang si-

    kat dahil sa mga nakasabit at

    kumikislap na bakal sa kani-

    kanilang mga leeg. Isama mo

    pa dyan ang pangalan nila na

    palagi at paulit ulit naririnig

    tuwing may naihahalal nakampiyon partikular na sa

    mga single events.

    Ito ay isang reyalidad. Sabi

    nga ng isang estudyante na

    mukang pauwi na kahit unang

    araw pa lamang Ito ang 5oth

    anniversary ng intrams, dapat

    ito ay espesyal subalit parang

    walang pinagkaiba ito sa kara-

    niwang intrams .

    Hindi natin maaaring baliin

    ang sinabi nya dahil sa kan-

    yang katayuan subalit dapat

    din nating alalahanin na may

    mga estudyante din na na-

    glaan ng panahon sa pag een-

    sayo at naghintay ng isang

    buong taon upang maipama-

    las ang paghihirap bunga ng

    pag-eensayo.

    Hindi ito ang mga varsityng atleta bagkus ang mga

    estudyante na malaki ang

    potensyal upang mapasama

    sa mga manlalarong huma-

    harap at ipinaglalaban ang

    CLSU kontra sa ibat ibang

    mga unibersidad. Hindi natin

    maiiwasan na umalis ang mga

    resident varsity na nagbibig-

    ay ng kinang sa unibersidad

    kasama ang lahat ng naka-

    paloob dito subalit hindi din

    natin maiiwasan na may mga

    panibagong magtataguyood

    at ipaglalaban tayo sa larangan

    ng isports.

    Nararapat din na pansinin

    ang mga unti-unting sum-

    isibol na atleta kahit hindi

    man sila ang natatanghal na

    kampiyon sa kanikanilanglaro. Naalala ko ang sinabi ng

    isang varsity Practice lang

    ang sikreto ng isang mahusay

    na atleta. Dapat may disiplina

    na patuloy na hasain ang kan-

    yang talent.

    Madami ang magagaling

    at may potensyal na maging

    varsity subalit hindi napapa-

    Sana may

    maganda na-

    man tayong

    naidulot at

    hindi tayo isa

    sa mga naging

    walang paki-

    alam.

  • 7/29/2019 2013 Intrams Issue - 2nd Day

    4/10

    BALITACLSU COLLEGIAN 4

    CONTRACTIONS ...mula sa pahina 2

    www.acebook.com/CLSUCollegian.OfcialIkalawang araw - Intrams Isyu 2013

    marahil ang isa sa dahilan

    kung bakit parating aktibo ang

    mga student- athletes sa halos

    lahat ng events. Ito rin marahil

    ang isa sa dahilan kung bakit

    ang sarap balikan ng intrams

    sa CLSU sapagkat ipinapakita

    nila kung ano ang itsura ng li-

    trato ng tunay na pag-suporta.

    ***

    Buffet style ang naging

    lunch sa ISPEAR simula nung

    unang araw ng pagdaraos ng

    intrams subalit ito ay self-

    service. Lahat ng opisyal, mga

    komite, kule at ng iba pangmga organisasyon na naka-

    team up dito ay libreng maka-

    kakain basta ipresenta lamang

    ang mga stubs.

    Pero marami di umano na

    komite ang hindi nakalasap

    man lang ng kanilang mga

    pananghalian sa unang araw.

    Inabot ba naman kasi ng alas-

    dose at ala una ang mga laro

    na sana ay natapos bago pan-

    anghalian. Ang naging resulta

    ay ang pagkaubos ng lahat ngpagkain. Ang resulta, gutom

    silang lahat gayong may mga

    babantayan hanggang gabi.

    Binigyan naman daw sila ng

    meryenda kinahapunan pero

    ang tanong, sapat ba ang ka-

    karampot na iyon pantawid

    sa buong araw na pagsub-

    aybay sa lahat ng laro mula

    1pm hanggang 10 pm? Sapat

    ba iyon para tumbasan ang

    lakas na kailangan nila sa bu-ong maghapon? Maayos nga

    na sistema ang buffet, worth

    the clap, pero convenient

    ba kaya? Lalot naging self-

    service pa pala, may matitira

    kaya para sa mga nagbabantay

    sa mga humahabol na events?

    Marahil siguro kung may ma-

    ka-aalala pa sa kanila.

    mang nasabi kang parte ng in-

    stitusyong ito kung sa ganitong

    mga kaganapan ay wala ka rin

    lang interes na maranasan at

    maintindihan ang dahilan kung

    bakit isinasagawa ang intrams.

    SPASMODIC ...mula sa pahina 3

    Nakapagtala din ng 28 pilak

    at 46 tanso ang CAg habang

    20 pilak at 15 tanso naman sa

    CEn.

    Binanggit ni Santos na

    mayroon pang posibilidad

    na makahabol ang CAg kung

    magagawa ng kolehiyo na

    maipanalo ang lahat ng ball

    games habang ang CEn ay

    maaring magtapos sa ikatlongpwesto.

    Mathematically, posible

    pang makahabol ang CAg

    kung maipapanalo nila ang la-

    hat ng ball games, ani Santos.

    Halos lahat ng ball games ay

    nandoon ang Agri, dagdag

    nito.

    Isinawalat naman ni Santos

    namalakas ang CEn sa base-

    ball at archery na maaaring

    Sana may maganda naman

    tayong naidulot at hindi tayo

    isa sa mga naging walang paki-

    alam. Ginamit sana natin ang

    pagkakataon na ito para maki-

    sigaw, makicheer at makisaya

    at hindi iyong matatapos ito

    ng ganun- ganun na lamang

    na parang maituturing lang

    din tayo na isa sa mga kalat

    dahil wala tayong naging paki-

    nabang.

    CAS kailangan ...mula sa pahina 1maging susi sa pagkopo nito

    sa ikatlong pwesto.

    Ang College of Education

    ay kasalukuyang nakapirme

    sa ikalimang pwesto na may-

    roong 17 ginto, 43 pilak at 23

    tanso habang nasa pang-anim

    na pwesto ang College of Vet-

    erinary Science and Medicines

    na may anim na ginto, 12 pilak

    at 13 tanso.Ang bagong yunit na Col-

    lege of Home Science and

    Industry (CHSI) ay kasama ng

    College of Business Admin-

    istration and Accountancy

    (CBAA) sa ikapitong pwesto

    matapos parehong makaipon

    ng limang ginto.

    May walong pilak at 15 tan-

    so ang CHSI habang 12 pilak

    at 21 naman sa CBAA.

    Bumandera ang bandila ng CAg matapos angkining muli ang

    laban kontra CF, 3-0 , dahilan upang makapasok sa semi-nal

    sa mens volleyball kahapon.

    Pasok sa crossover semis ang CAg, matapos mapagtagump-

    ayan ang huling laban sa Fisheries sa eliminations gamit ang

    mala-pader na pagba-block ni Dann Catabay at pagpapaulan

    ng matutulis na spikes ni Louie Cruz na nakatulong upang

    tabunan ang katunggali, 25-18, 25-20, 25- 17.

    Mahigpit naman ang laban sa pagitan ng CAS at CEn subalit

    hindi ito naging hadlang sa CAS upang madurog ang kalaban

    sa iskor na 25-13, 25-18, 21-25, 20-25, 2-15.

    Dinikdik din ng CAS ang CEd sa iskor na 25-10, 25-24, 25-

    15 habang naging mainit man ang bakbakan ay nanalasa pa rin

    ang husay ng CBAA ng kanilang dakpin ang karangalan sa iskor

    na 20-25, 19-25, 25-18, 25-18,16-14 kontra CVSM.Nangibabaw rin ang galing ng CHSI matapos mapagwagian

    ang sagupaan laban sa CEn,3-0 at sa CED , 3-1.

    Samantala, patuloy pa ring nangunguna ang nagtatanggol na

    CAS sa katatapos na eliminasyon sa volleyball women laban sa

    katunggaling CEd, 25-18,15-25,25-19,25-22.

    Skills advantage talaga meron kami, pero minsan iyong dami

    din ng crowd na sumusuporta sa opponent ang nakakapagpa-

    pressure talaga sa mga players sabi ni G. George dela Cruz,

    coach ng CAS.

    Nakaungos din ang CEn sa iskor na 3-1 kontra Fisheries ha-

    bang tagumpay naman ang CBAA laban sa bagong yunit na

    CHSI,3-0 habang nanguna naman ang CAg laban sa CEN 3-0.Nagwagi rin ang CVSM sa Fisheries, 25-19,25-17, 25-14 at

    pinataob naman ang CEd sa iskor na 25-14, 25-16, 25-13 kon-

    tra CHSI.

    Maghaharap ngayon ang CAg at CAS at; CHSI at Fisheries

    cross over sa volleyball men at sa volleybelles naman ay mag-

    sasagupaan ang CAS at CVSM sa game 1 at CAg vs CEd sa

    game 2.

    Ang mga mananalo sa cross over ay maghaharap din ngay-

    ong huling araw ng intrams.

    CAg spikers pasok sa semi-fnalsni Ellaine Aquino

  • 7/29/2019 2013 Intrams Issue - 2nd Day

    5/10

    LATHALAINCLSU COLLEGIAN 5

    Intramural games. Ito ang panahon kung saan ang bawat manlalaro ay

    nagsusumikap upang maiuwi ang karangalan para sa kanilang kolehiyo.

    Panahon kung saan ang bawat isa ay may ibat-ibang pinagkakaabala-

    han. Sa pagdaloy ng panahon, ang bawat isa sa atin na kabilang sa pag-

    diriwang ng ika-50 Intramural Games ay magiging parte ng kasaysayan

    ng ating unibersidad.

    Ibat-ibang kolehiyo, ibat-ibang atleta, ibat-ibang laro, at syempre,

    ang bawat isa ay may ibat-ibang isinisigaw bilang suporta sa kanilang

    kolehiyo. Mga cheer na nagbibigay ng ibayong lakas ng loob para sa

    mga atletang nagpapagal sa bawat larong kinabibilangan. Ang mga

    sigaw, palakpak at simpleng mga salita na sinasambit ng bawat taga-su-

    porta ay tila ba nanghihikayat upang pag-igihan pa ng bawat manlalaro

    ang kanilang ipinamamalas na galing sa kanilang larangan.

    Cheer ng Bawat Kolehiyo

    Go Mighty Educ! Ito ang pinakatatatak na cheer sa iyong isipan kung

    ikaw ay manunuod ng isang laro kung saan mga atleta mula sa College

    of Education ang lumalaban. Kasunod ng kanilang pagsigaw ng Go

    Mighty Educ! ay ang malalakas na kalampag mula sa kanilang mga

    plastic bottles na mas lalong nagpapaingay at nagdadagdag ng ingay sa

    bawat laro. Best in cheer sabi nga ng iba.

    Bukod sa lakas ng kanilang cheer, sila rin ang may pinakamaraming

    bilang ng mga taga-suporta. Nangingibabaw ang kulay dilaw sa bawat

    Lets Cheer!

    www.acebook.com/CLSUCollegian.OfcialIkalawang araw - Intrams Isyu 2013

    larong nilalahukan ng mga Mighty Educ. Talaga namang kung sa patin

    dihan lang ng cheer ay siguradong papalag ang kolehiyong ito

    Marami naman ang natutuwa sa mga cheer na itinono na kahaling

    tulad ng cheer ng mga mighty educ. Tulad na lamang ng Go Batang

    Agri ng College of Agriculture, Go Engineering ng College of Engi

    neering na sa ngayon ay nakahiwalay na sa College of Home Science and

    Industry(CHSI), at syempre hindi rin papahuli ang College of Fisheries

    sa kanilang Go Mightylapia

    P-O-, P-O-W-E-R, CAS Power, wooohooh! CAS Power, wooohooh! Ito

    naman ang maririnig mo mula sa mga estudyanteng nakasuot ng kulay

    ube. Isa rin ang CAS Power sa may mga pinakamaraming mga tagasuporta dahil sa walong kolehiyo dito sa ating unibersidad ang CAS ang

    may pinakamaraming bilang ng mga estudyante

    Maririnig mo naman ang Go B.A.! Go B.A.! CBAA! Go B.A.! mula

    sa ating mga corporate students mula sa kanilang corporate college

    Suot ang kanilang asul na t-shirt ay isa sila sa nagsisigawang mga taga

    suporta. Habang ang College of Veterinary Science and Medicine naman

    ay masaya na sa kanilang Go VetMed!. Paminsan-minsan, itinotono

    rin nila ang kanilang cheer sa

    cheer ng CBAA, Go VetMed! Go

    VetMed! CVSM! Go VetMed!

    Sa ngayon ang pinakabagongyunit sa ating unibersidad ang

    CHSI ay nakikigulo na rin gami

    ang kanilang cheer na, CHSI

    Now unit VIII and here we go!

    Kahit na sabihin pa na kakasilang

    pa lamang ng Yunit VIII, todo

    naman ang nakukuhang suporta

    ng kanilang mga atleta sa mula

    kanilang mga kakolehiyo

    Magkakaiba man ang

    isinisigaw ng bawat estudyante

    magkaka-iba man ang sinusupor

    tahan, ang mahalaga ay sa pag-

    tatapos ng bawat laro, ang mga

    taga-suporta at mga manlalaro ay

    nagkakasundo-sundo. Magkaka

    iba man tayo ng kolehiyo, ang

    bawat cheer na ito ay maari pa

    rin nating isigaw upang ipahayag

    ang ating suporta sa mga studen

    athletes na ating kinagigiliwan a

    hinahangaan

    ni Jessa Rarama

    iginuhit ni

    Marc Ren-ren Echanez

  • 7/29/2019 2013 Intrams Issue - 2nd Day

    6/10

    BALITACLSU COLLEGIAN 6

    ni Van Alen Lumandas

    www.acebook.com/CLSUCollegian.OfcialIkalawang araw - Intrams Isyu 2013

    Inilampaso ng defendingchampion Education ang

    koponan ng CAS power, 2-0

    habang pinabagsak naman

    ng Agri team ang CBAA,2-0,

    sa cross-over semi-nals ng

    sepak takraw na ginanap sa

    CLSU eld kahapon.

    Magsisipaan ngayon sa -

    nals sa ikatlong sunod na

    taon ng intramural games ang

    Mighty Educ at ang lupon ng

    Aggies.

    Hindi madali ang magiging

    laban namin sa Agri kahit de-

    Educ, Agri sepak nangibabaw sa cross-over semis

    Makaraang malaglag

    ng defending cham-

    pion CBAA, tatangkainng Education na maiuwi

    ang kampeonato matapos

    makapagtala ng dalawang

    panalo kontra sa mga ka-

    tunggali sa bracket B sa

    womens futsal elimina-

    tions sa Multi-purpose

    Gym kahapon.

    Dinurog ng Mighty

    Educ ang Fisheries sa is-

    kor na 5-0, kung saan ay

    sumipa ng tig-isang pun-tos sina Angeline Tenio

    at Joyce Bucaneg habang

    tatlong goals ang mula kay

    Haylie Dumayag.

    Hiniya rin ng dilaw na

    lupon ang nakaraang nal-

    ist VetMed, 4-1 kinahapu-

    nan matapos makagawa

    ni Dumayag ng dalawang

    goal samantalang tig-isa

    Educ tatangkaing agawin angkampeonato sa womens futsal

    ni Karina Yvonne Pascua

    Nangibabaw ang CAS

    matapos makapagtala ng tat-

    long ginto sa 30m Archery

    Women samantalang nagka-

    mit ng dalawang ginto ang

    CHSI at isang ginto naman

    ang VetMed sa parehong 18m

    sa ikalawang araw ng CLSU

    Intramural Games.

    Inusaran ni Christal Palilio

    ng CAS ang mga katunggaliniya matapos angkinin nito

    CAS naghari sa womens archery

    Maghaharap sa fnals sa pangatlong sunod na taon

    fending champion ang teamnamin, pag amin ni Keyvin

    Ventura, spiker ng Educ.

    Power house kasi [ang line-

    up] nila compared sa team

    namin but we have strategies

    to defend our crown deter-

    mination ng bawat manlalaro

    at prayers ng aming college,

    dagdag ng senior TLE major.

    Matatandaang pinayuko ng

    Aggies ang Educ noong 48th

    intramurals habang nakabawi

    naman ang Educ nang pa-

    talsikin sa trono ang Aggies

    ang nagmula kina Tenio at

    Bucaneg para sa kanilang

    kolehiyo.Play the game with

    your heart, ani Dumayag,

    forward ng Mighty Educ

    bilang pahayag nito sa da-

    hilan ng kanilang malinis

    na record sa bracket B. Lu-

    bos nila itong pinaghan-

    daan, hindi lamang ng

    team kundi ng buong kole-

    hiyo, dagdag niya.

    Samantala, nagwagi na-

    man ang Agriculture la-

    ban sa CAS, 1-0 subalit

    bumawi naman ang CAS

    matapos pataubin ang En-

    gineering sa iskor na 4-0.

    Kaugnay nito, nilugmok

    ng VetMed ang bagong

    yunit na CHSI, 7-1 habang

    draw ang naging hatol sa

    pagitan ng CBAA at Agri

    sa tig-isang puntos.

    noong nakaraang taon.

    Handa na kami as we work

    together as a team and I think

    we will be able to reclaim the

    crown, pahayag naman ni Ju-

    lius Butay, tekong ng Aggies.

    Samantala, magsasalpukan

    din ngayon para sa battle-for

    third ang koponan ng CAS a

    CBAA.

    CHSI, VetMed nasungkit ang 2ndat 3rd

    ang 3 ginto sa 1st, 2nd, at

    ta ng 30m.

    Sa tingin ko po training

    lang at sa suporta na rin ng

    mga team mate ko, dahilan n

    Palilio kung bakit siya nanalo

    Pinangunahan naman n

    Jameela Manalang ng CHSI

    ang 2nd at ta matapos

    makapag-uwi ng dalawang

    ginto at isang pilak sa 1st 18m.

    Nakapagtala naman sina

    Rosanalyn Morla ng CAS

    Sanafe Marcelo ng CBAA a

    Jenna De Jesus ng Educ ng

    tanso sa 1st, 2nd, at ta ng

    30 m, ayon sa pagkakasunod.

    Nagkamit din ng tanso sina

    Lhyza Gonzales ng Agri, Judy

    Ann Cabana ng CAS at Princes

    Sarah Cabling ng CBAA sa 18m

    ni Lorelyn Casita

    LANGOY. Dinomina at muling napanatili ng College of Fisheries ang kam

    peonato sa swimming events. (Kuha ni Charmie Manangan)

    bilang sa mga magagaling na

    Unit kayat nasasama sa pag-

    katalo ng kanyang pinang-

    galingang kolehiyo na maaari

    ding gumaling at maging var-

    sity kung mabibigyan lang ng

    break.

    UNDERDOG...mula sa pahina 3

  • 7/29/2019 2013 Intrams Issue - 2nd Day

    7/10

    BALITACLSU COLLEGIAN 7

    ni Jessa Rarama

    CAS, Educ magbabanggaan sa womens basketball nals

    www.acebook.com/CLSUCollegian.OfcialIkalawang araw - Intrams Isyu 2013

    Maghaharap ngayong araw

    ang CAS at Education para sakampeonato ng womens bas-

    ketball magtapos magwagi sa

    cross-over semi-nals na gi-

    nanap sa Multi-Purpose Gym

    kahapon.

    Samantala, magtutuos din

    ang Agriculture at College of

    VetMed para katlong pwesto.

    Pinaluhod ng CAS ang

    Agri sa iskor na 49-25 kasu-

    nod ang pagkatalo ng Vet-

    Med sa kamay ng Educ, sakanilang elimination game

    kahapon, 93-20.

    Nakatambak naman po

    ng 24 points, hindi po nam-

    ing inaasahan kase may mga

    varsity sila, pahayag ni Pa-

    tricia Calahi, team captain ng

    CAS, kaugnay ng kanilang

    naging laban sa Agri.

    Mahigpit naman ang naging tunggalian ng Education

    at Agri sa kanilang cross-over

    game subalit nagawa pa rin ng

    Educ na habulin ang lamang

    ng kalabang koponan sa ikat-

    long quarter.

    Mahirap, sobra kaming na

    hirapan, ang laki ng hinabo

    naming, nagtiyaga lang kami

    as in work, ani Kim Grego

    rio, team captain ng Educ

    matapos lumamang ng walongpuntos pagkatapos ng laro sa

    iskor na 54-46.

    Muling pinatunayan ng CAS

    ang kanilang lakas laban Vet

    Med sa huling laro kahaponng

    sila ay magbuslo ng 64 na pun-

    tos kontra 23 puntos ng na

    kasagupang koponan.

    Tinrangkuhan na ng En-

    gineering ang unang upuan

    sa nals matapos ilaglag sa

    crossover round ng base-

    ball ang Education, 10-0 ka-

    hapon.

    Kipkip ng naturang nag-

    dedepensang kampeon ang

    walang dungis na rekord,

    3-0 sa pagtatapos ng elimi-

    nasyon.Naitakas ng CEn ang

    ikatlo nitong panalo bunsod

    ng run na naiukit ni Marvin

    Narca sa huling inning at ib-

    itin sa isang puntos na agwat

    ang Fisheries, 4-3.

    Inilista naman ng kapwa

    semis-qualier sa bracket B

    na CF ang panalo sa natitira

    nitong mga laban kontra

    Agriculture, 9-1 at CBAA,

    6-3 upang makipagkilatisan

    sa lupon ng CAS sa semi-

    nals ngayong araw.

    Nahagilap din ng CAS

    power ang ikalawang su-

    nod na panalo nito laban sa

    Educ, 5-2 at tuluyang uluhan

    ang bracket A sa rekord na

    2-0.

    Matatandaang nakabang-

    gaan ng CAS ang Engineer-ing sa nale ng baseball

    noong nakaraang intramural

    games.

    Sasagupain ng mangin-

    gibabaw sa labanang CAS at

    Fisheries ang kasalukuyang

    hari na CEn sa nals at ang

    malulusutan ay titindig sa ha-

    rapan ng Educ para sa tan-

    song medalya.

    Engineering pasok sa baseball nals

    ni Paul John Villamor

    Pinagharian ng College of

    Agriculture (CAg) ang bak-bakan sa taekwondo matapos

    makalikom ng anim na medaly-

    ang ginto sa magkakaibang di-

    bisyon na ginanap sa Institute

    of Sports, Physical Education

    and Recreation (ISPEAR) ka-

    hapon.

    Ang nasabing mga medaly-

    ang ginto ay nakamit sa y-

    weight womens division, ban-

    tamweight mens and womens

    division, lightweight mens and

    womens division, at heavy-

    weight mens division.

    Ayon sa student coach ng

    CAg na si Vladimir Bautista,

    disiplina at suporta sa kanilang

    mga manlalaro ang dalawa sa

    mga bagay na nagtulak sa kanila

    sa tagumpay.

    Pag nagte-training kami

    [may] disiplina, saad ni Bautis-

    ta. Pag may lumalaban samin

    kahit na dehado nandun pa rinyung suporta namin.

    Bagamat aminado ang kan-

    yang koponan na hindi naging

    madali para sa kanila ang nag-

    ing sagupaan lalo na sa karibal

    na College of Arts and Sci-

    ences (CAS) ay pinatunayan

    naman nila ang tibay ng puso

    upang manalo.

    Sinabi ko sa mga play-

    ers pagtungtong nila ng rub-

    ber mat dapat [may] presence

    of mind tapos relax saka may

    puso yung laro, ani Bautista.

    Samantala, nakasungkit ng

    apat na medalyang ginto ang

    CAS at tatlong medalyang

    ginto naman ang College of

    Engineering (CEn) na naging

    dahilan upang umusad sila sa

    ikalawa at ikatlong puwesto,

    ayon sa pagkakasunod.

    CAg kampeon sa taekwondoni Prince Jerson Senorin

    LIPAD. Tinangkang harangin ng CVSM ang matulis na spike ng manlalaro

    ng CBAA sa kanilang paghaharap sa cross-over match kahapon.

    (Kuha ni Charmie Manangan)

  • 7/29/2019 2013 Intrams Issue - 2nd Day

    8/10

    BALITACLSU COLLEGIAN 8CLSU COLLEGIAN

    Kasado na ang bakbakan sa

    pagitan ng CAS at Engineer-ing para sa kampeonato sa

    softball men matapos silang

    umukit ng kumbinsidong

    panalo sa crossovers kahapon.

    Tinuldukan ng CAS power

    ang laban kontra Agriculture

    sa semi-nals sa pagbubukas

    pa lamang ng ikatlong in-

    ning nang ipataw ang mercy

    rule, 14-3 na nagbigay daan sa

    kanila upang idepensahan ang

    titulo sa nals ng nasabingtorneo.

    Nagdikit ng tatlong pun-

    tos ang Aggies sa simula ng

    tagpo bago iratsada ng CAS

    ang tig-pitong run sa una at

    ikalawang inning na tumapos

    sa kampanya ng CAg patungo

    sa nals.

    Sinelyuhan din agad ng top

    seed CEn ng bracket B ang

    dwelo sa Fisheries sa unangbahagi ng ikatlong kanto, 11-0

    sa kanilang semis match.

    Nagsumite ng homerun siSimon Apolonio na nagpati-

    bay sa naunang limang run na

    tinipa ng Engineering sa 1st

    inning.

    Hindi lang kami nananalo

    dahil sa default (win by de-

    fault), papatunayan namin na

    malakas talaga kami, diin ni

    John Paul Narca, team capa-

    tain ng CEn na nagpakita ng

    tikas bilang pitcher matapos

    pigilan ang CF na makapag-tala ng puntos sa dalawang

    innings.Sureball na ang pan-

    alo bukas.

    Nalasap ng Engineering

    ang una at ikatlo nitong pan-

    alo via default sa eliminasyon

    kontra Agri at VetMed upang

    makapagtayo ng malinis na

    rekord , 3-0 sa kanilang brack-

    et.

    Di rin nakatikim ng pag-katalo ang CAS sa kanilang

    mga nakasama sa bracket A

    na kinabibilangan ng CBAA,CHSI, at CF.

    Maghaharap para sa ikat-

    long puwesto ang Agriculture

    at Fisheries bago tuluyang ita-

    ya ng CAS ang kanilang titulo

    sa Educ ngayong araw.

    Samantala, nakabangon

    mula sa limang run na ben-

    tahe ang Veterinary Science

    and Medicine kontra Busi-

    ness Administration and Ac-

    countancy sa huling araw ngeliminasyon para bitbitin ang

    kanilang koponan sa semi-

    nals ng softball women.

    Dinuplika ng VetMed ang

    limang puntos na naitala ng

    CBAA sa unang dalawang

    innings upang mailusot ang

    isang puntos na kalamangan,

    6-5 sa huling inning ng laro.

    Taban ng Vets at BA ang

    tig-iisang talo na parehong iti-natak sa kanila ng CAS bago

    sila magharap sa ikalawang

    araw ng eliminasyon na mag-didikta kung sino ang aabantesa crossovers.

    Samanatala, kinabig namanng Education ang panalo sahuling dalawa nilang labankontra Agriculture, 3-1 aCHSI via default.

    Kapwa nagsalansan ng3-0 rekord ang CAS powersa bracket A at Educationsa bracket B sa pagsasara ngelimination round.

    Nakasandig ngayon angMighty Educ sa pinagsamangpwersa ng mga manlalaro ngCLSU softball women teamna sina Trixialyn Galang, Victoria Roca at Cindy Garciana dating mga bumubuhat saCAS.

    Makikipagbuno ang nagdedepensang kampeon naCAS sa Agri habang magtatagpo naman ang Educ atVetMed bago tumahak sa

    nals sa hapon.

    CAS, Engineering batters maghaharap para sa kampeonatoVetMed pasok sa cross-over semis ng softball women

    ni Paul John Villamor

    Maghaharap sa mens sin-

    gles badminton nals sina

    Orlando Waing ng CAg at si

    McKennedy Santos ng CEn

    matapos mapagtagumpayan

    ang semi-nals kahapon.

    Nagwagi si Waing gamit

    ang mahuhusay na strokeslaban kay Paolo Taplacido,

    21-18, 21-11, habang husay

    naman sa pagcross court

    ang naging puhunan ni San-

    tos upang dominahin ang si

    Astley Mangahas ng CHSI,

    23-21,21-11.

    Kailangan magfocus lang

    tapos ma-maintain iyong

    mga gagamiting stokesani

    Waing na nasa ika-tatlong taon

    na sa kursong BSA.Gagawin

    ko naman lahat para manalo

    sa nals dagdag pa ni Waing

    na top seeded ng singles.

    Samantala, sa womens sin-

    gles, nagtagumpay naman si

    Erlin Rose Julio kontra Jas-min Arciaga ng CVSM, 21-15,

    21-16 at nanguna rin si Loisa

    dela Cruz laban kay Nina Ri-

    vera ng CAg, 21-12, 21-15.

    Si Julio at dela Cruz ay kap-

    wa mula sa CAS na maghaha-

    rap ngayon sa nals.

    Sa doubles naman , naun-

    gusan nina Francis Ramos at

    Roseleen Ocampo ng CBAA

    sina Paolo Bermejo at Donna

    Dawn del Rosario ng CEn,21-

    16, 16-21,21-18, at walk over

    naman ang naging sanhi ng

    pag-abante nina Francis Bel-

    tran at Jonelyn Nieto ng CAg

    kontra kina Jay Francis Trapse

    at Joy Loraine Tordil ng CEdsa mixed doubles.

    Kampihang Julian Tecson

    at Christian Mercado ng CAS

    naman ang nagpalubog kina

    Ralph Renzo Grospe at Lo-

    renzo Tamayo ng CBAA, sa

    iskor na 21-4, 21-8 at dinikdik

    din nina Beltran at Gian Claus

    ng CAg sina James Anthony

    Legazpi at Mark Catolico ng

    CF, 21-5,21-9 sa mens dou-

    bles.

    Sa womens doubles,

    matapos padapain ng mag-

    partner na sina Roseleen

    Ocampo at Alona Roxas ng

    CBAA sina Nerissa Cruz at

    Grace Cape ng CVSM, 21-8,21-4 habang naipagtang-

    gol naman nina Cashmere

    Trivino at Jocelyn Nieto

    ang laban kina Joy Lorraine

    Tordil at Nerizza Casamia

    ng CED, 21-4, 21-5.

    Tatapusin ang nals sa

    lahat ng kategorya ng bad-

    minton ngayong umaga at

    kasunod nito ang awarding.

    Waing, Santos magpupukpukan sa Badminton mens singlesni Ellaine Aquino

  • 7/29/2019 2013 Intrams Issue - 2nd Day

    9/10

    Whole support niRamon Rarama

    MAKE MY DAYni Christopher Narne

    SunogniRen-ren Echanez

    Trabaho niRen-ren Echanez

    KOMIKS

    GamotniRen-ren Echanez

    Ballpoint niRamon Rarama

  • 7/29/2019 2013 Intrams Issue - 2nd Day

    10/10

    BALITA 9Ikalawang araw - Intrams Isyu 2013 CLSU COLLEGIAN

    CAS naghari sa athleticsni Julius Dinglasan

    Pinagharian ng College of

    Arts and Sciences (Yunit V)

    ang athletics events mata-

    pos magkamit ng 22 gintong

    medalya sa magkakaibang kat-

    egorya kahapon.

    Naidagdag ang 15 gintong

    medalya sa pitong ginto na nai-

    uwi ng Yunit V sa unang araw

    ng intrams.

    Almost lahat ng gold ay sa

    kanila (CAS) kasi dominated

    nila ang athletics kasi karami-

    han ng varsity ay sa kanila gal-

    ing, sabi ni Enrico Manalad,

    game supervisor ng athletic

    events.

    Nagmula ang mga medalya

    ng Yunit V sa track events

    matapos nitong dominahin

    ang parehong mens at wom-

    ens division sa 200m, 400m

    dash, 1500m, 5000m run at 4

    x 100m relay habang kampeonnaman ang kanilang womens

    medley relay.

    Pinagtulungang ibulsa nila

    Aries Toledo at Jayson Dato

    ang unang ginto at pilak ng ko-

    ponan matapos nilang talunin

    si Aldrin Cerezo ng Yunit I sa

    200m dash mens division.

    Pareho din ang ginawa nina

    Emy Carl Fernandez at Mary-

    lyn Reserecion na mula rin sa

    Yunit V ng iwanan si Cathleen

    Gabriel ng Yunit II sa ikatlong

    pwesto.

    Naiuwi ni Toledo ang unang

    medalya matapos pagharian

    ang 400m run, 4 x 400 relay at

    triple jump event na may tat-long gintong medalya.

    Hindi rin nagpahuli si Re-

    serecion ng womens division

    matapos paluhurin ang mga ka-

    tunggaling yunit ng itakas niya

    ang dalawang gintong medalya

    sa 4 x 400 relay at 400m dash

    habang nakapagtala rin si Re-

    serecion ng dalawang pilak

    mula sa 4 x 100 medley relay at

    200m dash at isang tanso mulasa 100m low hurdles.

    Dinagdagan pa ito ni Ace

    Abalos at Jeffrey Aquino mata-

    pos umarangkada sa 1500m

    run at sungkitin ang ginto at pi-

    lak na medalya kontra kay Jef-frey Yabes ng Yunit II.

    Pinagtulungan ding ibuno

    ni Vanessa Laureta at Florimar

    Marzon ang ginto at tansong

    medalya sa parehong katego-

    rya.

    Tinanghal namang kampeon

    sina Laureta at Ace Abalos ng

    Yunit V sa 5000m run kontra

    kina Mary Ann Paras (Yunit II)

    at Sherlyn Esusan (Yunit VI)sa womens division at Arvin

    Obedoza (Yunit I) at Abrahan

    Aquino sa mens division na

    napag iwanan sa pangalawa at

    pangatlong pwesto.

    Sa high jump iniuwi nina

    Princess Pabelaro at Reserecion

    ang ginto at pilak sa womens

    at Set Michael Reyes sa mens

    division kontra kina Raras at

    Apolinario Tomas na parehong

    mula sa Yunit II.

    Nagwagi din si Toledo sa

    triple jump habang nasa pan-

    galawa at pangatlong pwesto

    sina Mandy Valdez (Yunit I) at

    Lester Palapoks (Yunit V).

    Ipinako naman ang hul-

    ing ginto ng koponan sa pag-

    tatapos ang athletics event ni

    Reymark Velasquez sa discuss

    throw sa mens division kontrakay Vicente Salamat ng Yunit

    VII habang bronze medal s

    Angelo delos Santos (Yunit V)

    Nagwagi naman si Archieva

    Magtalas ng Yunit IV na nag-

    bigay ng nag-iisang ginto ha-

    bang tinalo niya sina Palapox

    at Cerezo sa 110m high hurdle

    mens division.

    Ginto at tansong medalya

    ang nakuha nina SharmaineApostol at Paras na parehong

    mula sa Yunit II matapos tal

    unin si Reserecion.

    Nadagdagan ng gintong

    medalya ang Yunit II matapos

    itakbo ito ni Cathleen Gabin a

    iwanan sina Precious Venturina

    (Yunit I) at Emicarl Fernandez

    (Yunit V) sa 100m dash wom-

    ens division.

    Panalo din si Valdez mata-

    pos mamayagpag sa 100m

    dash mens division kontra kina

    Magtalas at Paulino dela Cruz

    (Yunit VII).

    Samantala, nagbigay ng gin-

    tong medalya si Venturina ng

    manalo sa triple jump womens

    division kontra kina Jackilyn

    Alvior (Yunit II) at Catherine

    Agodera (Yunit V).

    AKIN KA. Pinagtutulungang mailihis ng mga manlalaro ng College of Engi

    neering ang bola palayo sa nakabuntot na manlalaro ng College of Arts and

    Sciences sa womens futsal event.(Kuha ni Charmie Manangan)

    medalya sa medley.

    Samantala, muling puman-

    galawa ang CAS nang

    makapagtala ng 11 ginto, 6 na

    pilak, at isang tansong

    medalya.

    Umarangkada naman si

    Lesly Tuatis ng CAS sa wom-

    ens division nang makapag-

    tala ng 5 gintong medalya at

    1 gintong medalya naman ang

    nakamit ni Limuel Munoz sa

    mens division.

    Matatandaang ang dala-

    CF namayani ...mula sa pahina 1

    wang kolehiyo ay mahigpit

    ding nagkalaban sa swim-

    ming event noong nakaraang

    taon kung saan ang Fisheries

    ay nagkamit ng 25 na gin-

    tong medalya at 12 gintong

    medalya naman sa CAS.

    Pumuwesto sa ikatlo ang

    CEn na may 4 na ginto, 5

    pilak, at 2 tansong medalya

    habang pang-apat ang CEd

    na mayroong tatlong ginto,

    pitong pilak, at limang tanso.