Upload
gelay-gerlie-cadiente-pitpit
View
223
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
AKO’Y WIKA
Wikang Pilipino ang aking pangalanIpinanganak ko itong kalayaanAko ang ina at siyang dahilan
Ng pagkakaisa at ng kasarinlan.
Sapagkat ako nga ang siyang tumanglawSa iyong tahanang iyong tinanaw
Katulad ng inang sayo ay ilawNagbibigay sigla’t buting sumasaklaw
Ako rin ang ama at haligiNg mga sundalo at mga bayani
Sa digmaan noon sa araw at gabiAko ang sandatang nagtaas ng puri
Pagkat akong wika ng lakas mo’t tuwaAko’y lakas nitong bisig mo at diwa
Sa pamamagitan ng aking salitaLigtas ako sa uring luksong masasama.
Sinasalita ako at gamit ng lahatUpang magtaksil ay maisiwalat
Sa Luzon, Visayas, sa lahat ng siyudadPati sa Mindanao ako ay nag-usap.
At nakamit mo ang hangad na layaMula sa dayuhang sakim at masama
Dilim na sumakop sa bansaDagling lumiwanag, pintig ay huminga
Wikang Pilipino ginto mo at hiyasPanlahat na wika saanman bumagtas
Ilaw na umaalab sa dilim ay lunasAt lakas patungo sa tuwid na landas.